Sa lugar kung saan wala kang kakampi kun'di ang iyong sarili, sisigaw ka ba nang malakas? Pumasok si Lianne sa Brimstone Academy para manamnam ang hustisyang ipinagkait sa kan'ya. Ngunit ang pagpasok niya sa impyernong iyon na pala ang magiging malaking pagkakamali na kan'yang gagawin. Makakamit niya kaya ang hustisya, kung tumatakbo ito palayo sa kan'ya? Makakatakas pa kaya siya ng buhay sa Brimstone, kung ang tadhana na ang nagsabi na 'yon ang lugar na nararapat sa kan'ya?
View MoreNASSUSMalamig na hangin ang gumising sa katawan ko. Pagkamulat ko ng mata nakita ko si Cassandra na nakayakap sa walang saplot kong katawan. Iniangat ko ang kumot na nakabalot sa aming katawan at doon ko napagtanto na hindi lang ako ang nakahubad kun’di pati na rin siya. Kahit nagdiriwang ang puso ko sa tuwa, naguguluhan akong bumangon dahil wala akong maalala sa nangyari.Hindi ko mabaliktanaw ‘yong ginawa namin, o kung ginawa ba talaga namin.“Good morning,” garalgal na bati ni Cassandra. Ginawadan ako nito ng halik sa braso tapos bumangon na rin.Hindi siya nagdalawang-isip na takpan ang katawan nito noong dumausdos sa kan’yang balat ang kumot.“What? Is there something on my face?” naguguluhang tanong nito. “Did we make it?” tanong ko pabalik. Kumunot ang noo nito na para bang hindi siya makapaniwala sa aking pinakawalang tanong. “Are you for real? Of course!” mabilis nito
NASSUSMalamig na hangin ang gumising sa katawan ko. Pagkamulat ko ng mata nakita ko si Cassandra na nakayakap sa walang saplot kong katawan. Iniangat ko ang kumot na nakabalot sa aming katawan at doon ko napagtanto na hindi lang ako ang nakahubad kun’di pati na rin siya. Kahit nagdiriwang ang puso ko sa tuwa, naguguluhan akong bumangon dahil wala akong maalala sa nangyari.Hindi ko mabaliktanaw ‘yong ginawa namin, o kung ginawa ba talaga namin.“Good morning,” garalgal na bati ni Cassandra. Ginawadan ako nito ng halik sa braso tapos bumangon na rin.Hindi siya nagdalawang-isip na takpan ang katawan nito noong dumausdos sa kan’yang balat ang kumot.“What? Is there something on my face?” naguguluhang tanong nito. “Did we make it?” tanong ko pabalik. Kumunot ang noo nito na para bang hindi siya makapaniwala sa aking pinakawalang tanong. “Are you for real? Of course!” mabilis nito
NASSUSBinalot ng malamig na hamog ang buong Ravenwood at isa lamang ang ibig nitong ipahiwatig. May paparating na bisita sa aming kaharian. Kakagising ko lang at hindi na magkandaugaga ang mga kasapi ko sa pag-aayos, pagpili, at paglilinis."What's going on? Darating ba ang Hari?" masayang tanong ko. Disapoointed na tiningnan ako ni Vanessa, isa sa mga kasapi ng SC. "Huh? Anong pinagsasasabi mo? Hindi pa ba nakarating sa iyo 'yong balitang ibabalik na ng Brimstone si Victor? Kasalukuyan na silang naglalakabay," wala sa loob na tugon nito. Saglit akong naguluhan dahil sa sinabi ni Vanessa.Anong sila?May kasama pang iba si Victor? Si Serah kaya? Si Marcus? Psh, hindi naman sasama ang ugok na 'yon, masyado siyang tamad para lumabas sa Brimstone."Si Serah ba ang kasama ni Victor?" tanong kong muli. Umikot ang mga mata ni Vanessa dahil mali ang hula ko. "Ang iyong Zhenikh ang kasama niya. Kaya kung ako sa'yo, maghanda ka na rin d
CASSANDRA I really like Lianne's facial expression, sana pala kung noon ko pa nalaman na ganito kasarap ang enerhiyang kaya niyang ilabas, hindi muna ako nagpakabusog. "Hindi ka pa rin ba titigil? Don't worry, hindi naman kita sasaktan as long as hindi ka lumalabag sa dalawang patakaran," natatawang ani ko habang naghihingalo ito sa takot. Naririto na kami sa loob ng kan'yang silid at balak ko sanang manatili pa nang matagal dahil ang sabi ni Ama, baka ngayon na lumabas ang sikreto sa katawan nito. I wanted to devour her soul right now kung totoo man iyon. Alam niyo ba na kapag sinabi ng tao ang sikreto sa kanilang katawan, ito ay isang senyales na binibigyan kami ng permiso upang akuin ang kaluluwa nito? Like, in short, kami ang bahala kung ano ang gagawin namin sa kan'ya. Pwede naming gawing alalay, personal na pagkain, mga gano'n, depende sa trip. Pero ako? Kapag nalaman ko ang sekreto ni Lianne? Hindi na ako magdadalawang-isip, uubusin ko a
CRISANTA "How's it? Baldado na ba ang braso noong baguhan?" sabik kong tanong kay Britney habang nakaupo kami rito sa lumang bench malapit sa girls dorm. Hind ito sumagot ngunit isang ngiti ang kan'yang iginanti. "Nice! Alam ko namang hindi mo ako bibiguin," proud kong ani habang mahigpit na nakahawak sa kan'yang kamay. "Of course, alam mo namang malakas ka sa akin kaya kahit ano, gagawin ko para sa iyo," cool na sabi nito. Itinago ko ang kilig na aking nadarama. Tama nga ang propesiyang natanggap ko noon, may gusto sa akin si Britney, at lahat ng sasabihin ko ay susundin niya. Siya ang magiging tulay ko upang makamit ko ang kasikatan na hinahanggad ko noong nasa labas pa lang ako. Ipapakita ko sa lahat ng mag-aaral ng Brimstone na ako lang ang nararapat nilang sundin dahil ako lang ang Reyna dito! "Panigurado, namimilipit na sa sakit ngayon ang babaeng 'yon. Walang tutulong sa kan'ya, walang makikinig sa sasabihin niya kung susubukan niy
"Kaya ano pang hinihintay mo? Matatapos na ang palugit sa ating dalawa. Kumilos ka Lianne. Kalimutan mo ang ipinunta mo rito at magsimula ng bagong plano. Kung ayaw mong mangyari sa iyo ang nangyari sa Kuya mo, hanapin mo ang taong tatapos sa iyo, unahan mo siya, patayin mo siya." LIANNE "Imulat mo ang iyong mata, hanapin mo siya~ Iyon ang propesiyang itatak mo sa iyong isipan. Gugugulin mo ang natitirang araw mo sa paaralang ito upang hanapin ang taong 'yon.Doon lang iikot ang buhay mo, doon lang." Doon lang~~ Doon lang~~ "HAAAAA!" malakas na bulalas ko habang habol-habol ang hininga. Takot na inilibot ko ang aking mga mata at napagtantong wala ako sa sarili kong kwarto. Nagsimula na namang gumapang ang kakaibang pakiramdaman, animo'y tinatakasan ako ng sarili kong katinuan. 'I don't want this feeling--' Pakiramdam ko hindi ko hawak ang aking katawan. Pakiramdam ko, m
LIANNE Sa isang hindi kilalang lugar kung saan malayo sa pamilya, malayo sa buhay na kinagisnan, malayo sa mga taong alam mong nand'yan sa oras ng pangangailangan, matapang kong sinuong. Kahit hindi ako sigurado kung kailan ako tatagal, kung mahahanap ko ba ang sagot sa mga tanong na tumatakbo sa utak ko araw-raw, kung maaabot ko ba ang inaasam na tagumpay, matapang kong sinuong. Pikit ang mga mata sa mga bagay na hindi ko maintindihan, nakasara ang mga tenga sa mga huni ng katatakutan, nananatiling nagmamasid sa gilid, nag-aabang ng impormasyong hihinto at makikipag-usap sa akin. Ngunit sa pagkakataong 'to, aking napagtanto, kailangan kong basagin ang luma kong pagkatao upang makasabay sa malakas na agos dito sa impyerno. Kailangan kong isuot permanente ang maskarang hindi sa akin, hindi ko aakalain. Panahon na upang gumising at lumaban. Panahon na upang bumangon at tanggapin ang katotohanang, hindi na ako ang mahinang ako,
Ang pinagtibay na kasunduan, mananatiling sikreto sa labas ng pintuang daan. Ang kodigong ibinurda ng tadhana, kung malalaman ay magdudulot ng malaking pinsala. Kung ang nais mo ay mabuhay at makawala, itago ang sikreto sa nag-aabang na dila. --------- MARCUS Umalingangaw na naman ang sigaw ng kampana, magsisimula na namang sumigaw ang mga kaluluwang kawawa. Siguro nagtataka kayo kunga bakit may ganitong patakaran sa Brimstone Academy na sa tuwing papatak ang ala-sais, kailangang nasa loob na ng kwarto ang lahat. To be honest hindi ko masasabi sa inyo kung ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit may ganito. Dumedepende kasi kung ano ang pinaniniwalaan ng mga mag-aaral tungkol sa curfew hours. May iba kasi na ang hinala eh, kapag pumatak ang ganitong oras, kung sino man ang mahuli, siya ang mamamatay. Meron namang iba na naniniwala na, kapag wala ka pa sa loob ng kwarto mo kapag curfew hours na, may masamang mangyayari sa pamilya m
LIANNE Papatak ang ulan, hahalik sa lupa ang luha. Panibagong araw na naman ang malapit nang matapos, ngunit wala pa rin akong ideya kung saan ako magsisimula upang makuha ang inaasam na hustisya. In-expect ko na rin naman na hindi magiging madali para sa akin ang makuha ang aking gusto, ngunit ni minsan eh hindi pumasok sa utak ko na ganito ang aabutin ko sa loob. Hindi ko inaakalang makakatagpo ako ng mga taong hindi ko malaman kung dahil sa tagal na nilang nakakulong eh, naapektuhan ang kanilang pag-iisip at nabuang na silang tuluyan. "Lianne, alam mo naman na ang gagawin mo 'di ba? Hindi ko na ipapaalala sa'yong muli 'yong mga dapat mong tandaan kapag pumatak na sa ala-sais ang kamay ng orasan," mahinang ani Xaria. Well, para lang malaman niyo, limang minuto na lang ang natitira bago tumunog ang kampana. Alam ko naman na kailangan kong magmadali, ngunit ang inaalala ko, paano 'tong si Xaria? May kapansanan siya, at paano kung maabutan siya ng
'Sa paaralang ito, may dalawa kang patakaran na dapat sundin. Panatilihing ang dila at mata ay sa iba nakatingin, sikreto mo'y itago nang mariin. Kung gusto mong mabuhay ay iyong panatilihing, itikom ang bibig at buksan ang isip.' "Lianne! What the f*ck?! Tutuloy ka pa rin, despite the fact na delikado ang lugar na 'yon? Nahihibang ka na ba? Nawala na sa'kin ang Kuya ko, pati ang Kuya mo! Tapos ngayon, isusugal mo ang kaluluwa mo sa loob?" ani Mariz, kababata ko. Pilit kong tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa dala-dala kong maleta. Wala na akong oras para makipag-dramahan sa kan'ya. Buo na ang desisyon ko na suungin ang impyernong 'yon para hanapin kung sino ang pumatay sa kapatid ko. "Mariz, let me go," walang buhay kong utos. Hindi niya ako pinakinggan kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang kaladkarin siya kasama ang maleta. Nang sandaling bumitaw ang kan'yang kamay, malalakas na palahaw ang pinakawalan nit...
Comments