Home / Mystery/Thriller / Shadow / CHAPTER 3: SHADOW

Share

CHAPTER 3: SHADOW

LIANNE

Pasado alas dyes na ng gabi. Base sa sinabi nito ni Xaria, hanggang alas nwebe lang daw ang curfew, edi pwede na akong lumabas ngayon, dahil lagpas na 'di ba?

Kinuha ko ang papel at sinulat dito kung pwede na akong umalis. Ilang segundo munang tumunganga si Xaria, bago ito tumango. "Thank you," mahinang ani ko. "Walang anuman. Binabalaan kita, hangga't maaari, kapag nakapasok ka na sa kwarto mo, wag kang lumabas pa kahit anon'ng mangyari. Hindi mo alam kung anong kapahamakan ang nag-aabang sa'yo," babala ni Xaria. "Okay, tatandaan ko 'yan," mahinang tugon ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto tapos sinipat ko muna ang paligid kung safe na bang lumabas or what. Nang mga huni ng kuliglig na lang ang tanging nagbibigay ng ingay sa paligid, kaagad akong lumabas at sumenyas kay Xaria sa huling pagkakataon na labis akong nagpapasalamat sa kan'ya.

Mabilis pa sa kidlat na sinubukan kong muling buksan ang seradura ng pinto, halos tumulo na ang pawis sa kamay ko dahil sa kaba. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa'kin mula sa malayo. 

"Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Panginoon ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus." Patuloy ako sa pananalangin habang ang p*tang*nang susi ay ayaw makisama. "Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami'y mamamatay, Amen." 

"Shuta! Ano ba, bakit ayaw mong pumasok?! Gusto mo pa bang lawayan kita? Hanep naman," nanggigigil kong ani habang hinihipan ang susi. Sorry, buang man at napakabobo man na hipan ang ko ang susi, wala eh, tarantang-taranta na ako.

"Aray, p*ta!" bulalas ko nang maramdaman kong may tumama sa aking likod. Napamura na lang ako sa loob-loob ko dahil noong kinapa ko kung saan ko naramdaman ang hindi maipaliwanag na sensasyon, napagtanto kong punit na ang suot kong damit at nakapa ko rin ang maligamgam na likidong malaya na ngayong dumadaloy sa'king likod. Labis man ang takot, walang ano-anong lumingon ako. Iginala ko ang aking mga mata pero wala akong nakitang nilalang. 

"Angel of God, my guardian dear, to whom God's love commits me here. Ever this day, be at my side, to light and guard, rule and guide---" Hindi ko na natapos pa ang aking panalangin nang marinig ko na naman ang malakas na sigaw. Sa hindi maipaliwanag na pakiramdam, nakita ko ang malaking anino sa may bandang kanan, na papalapit sa direksyon ko. Ako namang si tanga, sa sobrang takot, nabitiwan ko ang susi't nagtatakbo palayo.

"AMEN!!!" sigaw ko sa kawalan. Alam kong walang tutulong sa akin, pero sinubukan ko pa ring humingi ng atensyon. Sumigaw ako nang sumigaw pero bigo akong makakita ng pag-asang may tutulong sa'kin. Akala ko ba hanggang alas nwebe lang ang curfew? Bakit pakiramdam ko kahit anong oras eh may panganib sa paaralang ito.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ang alam ko lang at ang kailangan ko ngayon ay makahanap ng lugar kung saan magiging ligtas ako.

'Yon ay kung may lugar na gano'n sa purgatoryong ito.' bulong ko at the back of my mind.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" palahaw ko. Paulit-ulit akong sumisigaw pero wala akong nakita o narinig na sagot. Bigla na lang akong natumba dahil naramdaman kong may tumama sa'king hita. Gaya nang kanina, wala akong nakitang nilalang na pwedeng sisihin sa nangyayari sa akin. Takot, pawisan, at duguan na gumagapang ako papunta sa damuhan. 

Ito na ba ang aking katapusan?

Ano'ng gagawin ko?

Paano ko makukuha ang hustisya na matagal ko nang hinahangad?

Paano ko maipaghihiganti ang Kuya ko?

Habang hinihintay kong tuluyan akong lamunin ng anino na papalapit nang-papalapit sa gawi ko, napapikit na lang ako sa sobrang takot at pagkadismaya.

Hanggang dito na lang ba ako?

I'm sorry, Kuya. I'm such a failure, I am sorry.

"Gabby, what have you done?! Bumobo

ka

na

ba

para

pumasok sa Brimstone? " panenermon ni Kuya. The moment I saw him, may kumurot sa puso ko, dahil sa galak.

Nasa langit na ba ako?

Literal na nalaglag ang panga ko no'ng makita ang isa kong sarili na kinakausap ni Kuya.

Nananaginip ba ako? Marahil ay nag-aagaw buhay na ako, kaya siguro nakikita ko 'tong ganitong pangyayari. Well, wala eh. Siguro talaga, hanggang dito na lang buhay ko. Naupos na ang kandila at ngayon ay kailangan ko nang magpaalam.

"Duh! Don't raise your voice Kuya! Alam kong alam mo kung bakit ako pumasok dito, at dahil 'yon sa iyo!" tugon no'ng isa pang ako.Nakita kong nagpakawala si Kuya ng isang mabigat na buntonghininga bago guluhin ang buhok no'ng isa pang Lianne.

"Gabby, ito lang ang masasabi ko sa'yo. Kung gusto mong mabuhay at makalabas, lawakan mo ang iyong pag-iisp. Kilatisin mo ang ilusyon sa reyalidad, at isara mo lagi ang iyong bibig. Wag kang maglalabas ng impormasyon na sa tingin mo ay napakahalaga na malaman ng iba. Wag kang magtitiwala agad, dahil iyon ang magpapahamak sa iyo,' tugon ni Kuya. Kahit patay na siya pinapaalalahanan niya pa rin ako. Weird talaga siya kahit kailan dahil nagkakape ito habang pinapagalitan 'yong isang ako.

I wanted to hug him so bad. Gusto kong humingi ng tawad sa kan'ya dahil hindi ko siya pinigilan no'ng mga panahong nagbabalak siyang pumasok sa Brimstone. Gusto ko siyang sampalin sa katangahan niya. Gusto ko siyang sumbatan sa mga gabing umiiyak ako nang labis noong malaman kong wala na siya. Gusto kong magtanong sa kan'ya, bakit? Bakit niya ako iniwan, bakit siya umalis. 

"Kuya, tell me who killed you. Sino ang kalaban ko sa paaralang ito,"

This time naging seryoso ang mukha ni Kuya. Natigilan din ako sa pag-iisp dahil gusto ko ring itanong 'yon sa kan'ya. Good job for the other me! Tama 'yang tanong mo.

"Hindi ko rin alam, Gabby. I'm sorry you're suffering because of me." Nagkaroon ng lungkot sa puso ko nang magsimulang magkatubig ang mga mata ni Kuya.

"I'm sorry, pero ito na ang oras para magpaalam ako. Tandaan mo lahat ang sinabi ko, at ingatan mo ang iyong sarili, okay? Mahal na mahal ka ni Kuya," parang bulong na lang sa hangin ang mga salitang binitiwan ni Kuya. Habang malakas na umiihip ang hangin mabilis ding nawala ang kaluluwa nito sa aking harap. Nagulat ako no'ng biglang tumingin sa gawi ko 'yong isang Lianne. Tiningnan niya ako na para bang alam niya na nakikinig ako sa usapan nila.

Dali-dali itong lumapit sa akin na malungkot ang mga mata. Sasabihin niya ba sa akin na hindi ako nagtagumpay? Na patay na ako? Ikakahiya niya ba ako't susumbatan? Sasabihin niya ba sa'kin na puro yabang lang ako pero sa dulo ay wala rin pala akong maibubuga?

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Mabigat ang kan'yang mga palad at hindi ko alam kung kailan tutulo ang luha sa kan'yang mga mata. Ikinulong niya ako sa mahigpit na yakap, habang ko naman ay hinagod ang kan'yang likod para iparamdam sa kan'ya na wala na, tapos na ang laban. 

Talo tayo.

"Bakit ka nandito, Lianne? Hindi ka dapat naglalakbay sa ganitong dimesyon. Wake up, Lianne, may tatapusin ka pang misyon. Nagsisimula pa lang ang iyong laban, you need to wake up!" sigaw niya. Hindi ko alam pero, after kong marinig iyon, bigla akong nagising mula sa isang mahabang bangungot. Pagkamulat ko ng mata, napagtanto kong nasa clinic ako.

"Aaaaaaahhhhhhh!" napasigaw ako dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Pagtingin ko sa gilid, nakita ko ang isang lalaki na kasing edad ko lang din na may hawak na alcohol.

"Sh*t. Paano ko nakuha ang mga ito?' bulong ko. Sa pagkakaalala ko kasi, wala naman akong mga maliliit na sugat sa braso. Well, baka nakuha ko ito noong nawalan ako ng malay.

"Uhm, excuse me? Paano ako napunta sa lugar na 'to? Sinong nagdala sa'kin? At saka anong oras na? Ang alam ko--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang buhusan niya ang sugat ko nang maraming alcohol. "Ahh, t*ang*na! Hindi ba uso sa iyo ang gumamit ng cotton ball?" naiinis na tanong ko habang walang humpay na hinihipan ang sugat na binuhusan ng kumag na 'to.

"You can go now Miss. Satingin ko wala na rin namang problema sa iyo," walangbuhay na tugon nito. Matalim na titig ang pinakawalan ko dahil bobo ba siya? Nakita niyang may tama pa ako sa ibang parte ng katawan. At 'yong likod ko, alam kong may malalim na sugat ako doon, tapos papaalisin na niya ako? What the f*ck! Anong klaseng clinic 'to?!

"Excuse me, pero Doktor ka ba talaga? Can't you see I'm not fully recovered! Nakita niyo na ba 'yong sugat ko sa likod? Napakalalim 'di ba? Baka pwedeng mag-stay muna ako rito, kaya naman kitang bayaran eh," mataray na ani ko. Tinanggal nito ang mask na nakatakip sa ilong at bunganga niya kaya naman tumambad sa akin ang mala-anghel na mukha no'ng buang.

He's handsome but he's definitely not my type...

"May pasyente pang darating mamaya, hindi maaaring may dagang nakaistambay dito kaya umalis ka na. Isa pa, mababaw lang ang mga sugat mo, hindi ka pa mamamatay. 'Yong sugat na sinasabi mo sa likod? Walang gano'n, baka gutom ka lang, hindi namin nagagamot ang problema sa utak at tyan, " ani to. Naningkit ang mga mata ko sa tugon niya. Tawagin ba naman akong daga? Aba pagkalayo-layo naman ng itsura no'n sa akin. How dare him na ihalintulad ako sa maruming hayop! At saka, anong akala niya sa akin? Nagsisinungaling?! Talaga namang may su---

Teka, nasaan 'yong sugat ko?! Kinapa ko kasi 'yong likod ko, pero laking gulat ko no'ng wala akong masalat. Shuta! Hindi ako pwedeng magkamali, may sugat ako sa likod! Alam ko 'yon dahil naramdaman kong napunit ang aking balat.

Hindi ako makapag-focus sa pag-iisp dahil nakakairita ang titig nitong bwesit na Doktor na ito. 

"Tsk, whatever!" sigaw ko at nagmamadaling hinubad ang patient's dress mismo sa harap niya.

Dumukot din ako ng pera sa wallet ko at padabog na iniwan sa kama.

"Ayan ang bayad sa GOOD SERVICE MO!" pang-iinsulto ko at dali-daling nilisan ang mabahong hospital.

Bwesit! Ano bang nangyari sa'kin?

Shuta, kailangan kong alalahanin ang lahat!

Si Xaria? May alam kaya siya? Baka alam niya kung sino ang nagligtas sa'kin. Kailangan ko man lang pasalamatan kung sino man siya at itatanong ko na rin kung paano ko nakuha ang mga sugat ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status