Home / Mystery/Thriller / Shadow / CHAPTER 5.5: THE PLAN 2.0

Share

CHAPTER 5.5: THE PLAN 2.0

Ang pinagtibay na kasunduan, mananatiling sikreto sa labas ng pintuang daan.

Ang kodigong ibinurda ng tadhana, kung malalaman ay magdudulot ng malaking pinsala.

Kung ang nais mo ay mabuhay at makawala, itago ang sikreto sa nag-aabang na dila.

---------

MARCUS

Umalingangaw na naman ang sigaw ng kampana, magsisimula na namang sumigaw ang mga kaluluwang kawawa.

Siguro nagtataka kayo kunga bakit may ganitong patakaran sa Brimstone Academy na sa tuwing papatak ang ala-sais, kailangang nasa loob na ng kwarto ang lahat. To be honest hindi ko masasabi sa inyo kung ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit may ganito. Dumedepende kasi kung ano ang pinaniniwalaan ng mga mag-aaral tungkol sa curfew hours. May iba kasi na ang hinala eh, kapag pumatak ang ganitong oras, kung sino man ang mahuli, siya ang mamamatay. Meron namang iba na naniniwala na, kapag wala ka pa sa loob ng kwarto mo kapag curfew hours na, may masamang mangyayari sa pamilya mo sa labas. Marami pang ibang dahilan, depende na lang iyon sa paniniwala ng bawat-isa, kung paano nila itrato ang patakaran.

Bumangon na ako at nagsimula nang maghanda. Oras na ng hapunan at alam kong nag-aabang na rin ang ibang matanggap ang kanilang pagkain. Sa tagal nang pamamalagi ko dito sa Brimstone, hindi na bago sa akin ang makita ang takot sa mga mukha ng mga mag-aaral, ang malalakas nilang sigaw, at ang mabilis na yabag ng kanilang mga paa. 

"Sup, mananakot ka na ba?" tanong ko kay Serah gamit ang telepathy skill. Kaming mga bampira, may kakayanan kaming magpadala ng mga mensahe ng hindi bumubuka ang bibig at kahit hindi namin kaharap ang aming kausap. Pero limitado lang ang distansya na kaya nitong abutin, at isa pa, bihira naming gamitin iyon dahil halos tatlong porsyento ng aming lakas ang nababawas sa t'wing gagamit kami ng telepathy.

"Nah, hindi ako ang nakatoka ngayon, baka si Cassandra ang gumawa o si Victor. Bahala sila, basta ako nakaabang lang ako sa pagkain," tugon nito pabalik. Hindi na ako sumagot at naisipan na lang na lumabas na agad para mamaya kapag nagsimula na ang pagdiriwang, marami akong masasagap na enerhiya.

Para sa inyong kaalaman, hindi lang dugo ang sumusuporta sa mga bampira, depende sa uri nito. Kaming mga nakatira sa Brimstone, kami 'yong tinatawag na Psychic vampires, o 'yong umaasa sa enerhiya na inilalabas ng mga tao. Hindi namin kailangang maglabas ng pangil at madumihan para lang mabusog.

"Tulong!!Tulong!!

Natigilan ako sa paglalakad at ipinkit ang aking mata upang hanapin kung saan nanggagaling ang sigaw. Nakita ko ang dalawang dilag, at namukhaan ko ang isa doon. Kung hindi ako nagkakamali, siya 'yong baguhan na tinakot ni Serah kagabi. 

Nausyoso ako kaya mabilis akong pumunta kung saan sila naroroon. Sakto naman dahil pagdating ko, nagpakawala ng maraming enerhiya 'yong baguhan dahilan para pagpawisan ako nang sobra.

'Sweet,' bulong ko. Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong klaseng enerhiya. Siguro ay dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman no'ng baguhan kaya malinamnam ang kan'yang pinakawalan. Sawa na ako sa enerhiya na takot lang ang laman, buti na lang at sinuwerte ako ngayong araw. Nakatulala lang ito habang hinahayaang lunurin siya ng ulan.

"Tsss, hindi ba siya babangon? Curfew hours na, hahayaan niya na lang bang matapos ang kan'yang buhay?" Pinanood ko 'yong baguhan, hinihintay na tumayo't tumakbo para sa kan'yang buhay, ngunit hindi iyon nangyari. Nanatili siyang nakahiga habang nakatulala sa kawalan.

'Fvck, kailangan kong kumilos, masyadong lumalakas ang pinapakawalan niyang enerhiya. Baka may makaamoy at dagsain siya ngayon.'

Labag man sa loob, I move my ass upang isalba ang baguhan mula sa bangungot na maari niyang maranasan kapag patuloy siyang tumunganga.

"What are you doing?" walang buhay kong tanong. Hindi niya ako binalingan ng tingin, ni hindi rin siya nagulat dahil bigla na lang akong sumulpot sa kan'yang gilid.

"Can you hear me?" tanong kong muli no'ng hindi ito sumagot.

"H-Help me, I want to survive in this hell," mahina at halos pabulong na pakiusap nito habang lumuluha. 

'Sweet.'

"Is that really what you wanted to say? Hindi mo ba hihilinging lumabas sa impyernong ito? Malay mo kaya kong ibigay iyon sa'yo," tanong ko. Though hindi ko iyon kayang gawin, wala lang, gusto ko lang itanong. Gano'n naman ang hiling ng lahat ng naririto, ang makalaya.

Nakaramdam ako ng kakaibang tuwa noong umiling ito.

'Nice, I like her response.'

'Ooops, kailangan ko nang magmadali, palakas nang palakas ang amoy, baka mawala ako sa sarili kapag nagpatuloy ito,' bulong ko. Kaagad akong kumilos at gumamit ng telekinesis. Mahihirapan kasi ako kapag nagtama ang aming balat, baka tuluyan akong mawalan ng kontrol at hindi iyon pwedeng mangyari.

Mabilis pa sa kidlat na tumakbo ako patungo sa aking tinutuluyan. Pagkarating ay agad kong pinagalaw ang blangket na nakatago sa aparador at mabilis na inilapag ito sa sahig. Kumuha rin ako ng unan para naman maging komportable siya kahit papaano. Nawalan kasi ng malay ang babae dahil iyon sa kapangyarihan ko. I can make humans sleep and soon, hindi lang iyon ang magagawa ko. Marami pa akong dapat aralin para kahit anong oras ay kaya kong nakawin ang kaluluwa ng isang nilalang sa isang tingin lamang.

Kumuha ako ng medical kit upang gamutin ang bugbog nitong braso. Masyadong malala ang kan'yang natamo, at muntik nang madurog ang kan'yang buto. Swerte niya na lang talaga at nakaramdam ng takot 'yong taong may gawa nito sa kan'ya, dahil kung hindi, paniguradong hindi siya nito titigilan hangga't hindi niya nagagawa ang kaniyang plano.

Kung nagtatanong kayo kung kaya rin ba naming gumamot? Hindi. Wala kaming abilidad na gano'n, kahit anong klaseng bampira. 

Saglit akong natigilan sa paggagamot dahil naalala kong may papakainin pa pala ako. Secured naman ang lugar na ito at confident ako na walang mangangahas na pumasok. Pero para na rin sa seguridad ng babaeng ito, tatakpan ko ang kan'yang amoy. Dahil binigyan niya ako ng magandang hapunan, ililigtas ko siya ngayon.

Inilapit ko ang aking mukha sa kan'yang leeg at dahan-dahang nilagyan ito ng marka. If I am not mistaken, kiss mark ang tawag ng mga tao dito pero marka iyon pero ginawa ko lang ito upang itago ang kan'yang amoy panandalian. Mawawala rin ang bisa nito pagkatapos ng tatlumpong minuto kaya kailangan kong magmadali. Dadalawin ko lang ang aking matalik na kaibigan at pakakainin ito. 

Bago ko iwan ang babae, nagpasalamat ako rito sa huling pagkakataon dahil 'yong enerhiya niyang inilabas kanina rin ang ipapakain ko sa kaibigan kong nakakulong. Paniguradong masisiyahan si Zeph sa regalong iapapatikim ko sa kan'ya. 

CASSANDRA

"Seriously? I have to do this? Come on, Pops, spare my soul! Nand'yan naman si Marcus, bakit hindi na lang siya ang magbigay ng propesiya mamayang gabi? Like, wala ako sa mood para gawin iyon. Isa pa, hindi ko naman talaga trabaho 'yan eh, so bakit ako?" pagrereklamo ko sa aking Ama. Hindi ko talaga maintindihan minsan ang takbo ng kan'yang utak. Ang buong akala ko lang naman kasi, ako lang ang sasalubong sa bagong salta and tapos, 'yon lang. Nagtaka ako kung bakit bigla niya akong pinatawag at binibigyan ng trabaho.

"Maraming ginagawa si Marcus, binabantayan niya 'yong kahihiyan sa ating lahi. Hindi ko kasi alam kung bakit pinipilit pa rin ng  na manatiling buhay ang itim na tupang 'yon," tugon nito. Umikot ang aking mata dahil walang araw ang lumipas na hindi niya nasasambit ang kaibigan kong si Zeph, siya 'yong tinutukoy niyang kahihiyan. "Pwede ba Ama, wala namang ginawang masaya sa'yo 'yon, kaya tantanana mo na siya. At isa pa, hindi ako ang magbibigay ng propesiya, okay? Ipasa mo na lang kay eris, tutal naman mukhang napapalapit na ang loob niya doon kay Lianne. She's doing great y'know? Alam kong alam mo 'yon," ani ko. Hindi na ito nakapalag pa dahil mabilis akong nawala sa kan'yang harapan. And yes, mukha atang naguguluhan kayo kung ano ba talaga ako.

Wag kayong mag-alala dahil magpapakilala ako sa inyo nang maayos. My name is Cassandra Montevar, and I am 130 years old. Nagulat ba kayo kung bakit napakalaki ng edad ko samantalang isa lamang akong hamak na highschooler kung titignan? I am a vampire, and that explains everything. Kung bakit ako mabilis kumilos, bakit maputla ang balat ko, bakit sobrang itim ng buhok ko. Kung hindi niyo rin alam, may dalawang daang bampira sa loob ng Brimstone Academy, and yeah, tama ang rumor na nasagap ni Britney, anak ako ng Head ng school. Kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman? I am a vampire, period.

Balik tayo sa kwento dahil hindi ko hilig ang dumaldal nang marami. "Woah, in fairness, walang bago sa lasa. Ito na ba ang kaya mong gawin ah, Victor? Hindi man lang ginalingan, walang lasa 'tong hapunan," pagrereklamo ko. Kaharap ko sina Victor, Serah, at Dimitri. Mga kaibigan ko sila, and para lang malaman niyo, 'to pa lang si Victor ay salimpusa lang sa Brimstone. Siya ay taga ibang clan, hiniram lang namin saglit dahil walang mananakot ngayong araw. Lumabas kasi si Vanessa, siya talaga ang laging nakatoka sa pananakot at pangongolekta ng hapunan, ehh hindi ko alam kung kailan pa babalik.

"Pasensya ka na Cassandra. Mahina rin kasi 'yong hapunan na nakain ko eh. Mahigpit na ipinagbawal ng Ama mo na pumatay ako ng taga Brimstone, kaya ayon wala akong gana," pagdadahilan nito. 

Si Victor ay taga Sanguine Shadows clan. Sila 'yong mga bampira na nakaasa talaga sa dugo ng tao. Though, hindi sila ganoon ka-gahaman pagdating sa pagkain, may mga pagkakataon talaga na kaya nilang umubos ng dugo ng isang tao sa isang araw, lalo na ang mga kalalakihan. 

"Psh, kumusta naman sa Ravenwood? baka ubos na stocks niyo ah! Wala pang ibinababa ang Hari tungkol sa mga bagong alay, nako," ani ko. Tumawa lang ito sa aking tinuran kaya alam ko na ang sagot. Tsk, mga hindi talaga sila marunong magtimpi.

"Hay naku, sinasabi ko sa inyo, baka abutin pa ng sampung taon bago dumating ang biyaya kaya magtipid-tipid kayo. O kaya, bakit hindi niyo gawin 'yong sexus ritual? That's their way to reproduce, right?" suhestyon ko. "'Yon na nga ang ginagawa namin. Hindi ko lang alam kung bakit kakaunti lang ang nabubuntis na babaeng mortal sa'min. Sa ngayon, pinag-aaralan pa kung ano ang maaaring dahilan. Pero wag kang mag-alala, sobra pa rin naman ang bilang ng mga alay sa Ravenwood," tugon nito.

Hindi na ako sumagot pa't mukha talagang ayaw akong tantanan ng aking Ama, dahil hanggang ngayon eh binibigyan niya ako ng utos na gawin ang pagbibigay ng propesiya mamayang alas dose. 

"Maiwan ko muna kayo, gagawa lang ako ng propesiya, para doon sa baguhan," paalam ko. Pinandilatan ko si Serah nang magtangka itong tumawa. 

"Baka gusto mong mawalan ng mata, ayos-ayusin mo ang kilos mo. Dapat nga ikaw ang magbigay dahil 'di ba isa kang Seer? Napakamo, tsk," inis kong ani. "Wala naman saaking binababang utos ang Ama mo, kaya hindi ako magbibigay ng prophecy kay Lianne," ani 'ya. Hindi na ako pumatol pa dahil matagal ang proseso ng paggawa at kailangan ko pang pag-isipan kung ano ang ibibigay ko. 

Dali-dali akong umalis at sa isang kisapmata ay nakaupo na ako sa paborito kong upuan sa aking kwarto.

'Ano kayang bagay kay Lianne? Hmmmm---'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status