Home / Mystery/Thriller / Shadow / CHAPTER 9: AND SIKRETO NG SIKRETO

Share

CHAPTER 9: AND SIKRETO NG SIKRETO

CASSANDRA

I really like Lianne's facial expression, sana pala kung noon ko pa nalaman na ganito kasarap ang enerhiyang kaya niyang ilabas, hindi muna ako nagpakabusog.

"Hindi ka pa rin ba titigil? Don't worry, hindi naman kita sasaktan as long as hindi ka lumalabag sa dalawang patakaran," natatawang ani ko habang naghihingalo ito sa takot. Naririto na kami sa loob ng kan'yang silid at balak ko sanang manatili pa nang matagal dahil ang sabi ni Ama, baka ngayon na lumabas ang sikreto sa katawan nito.

I wanted to devour her soul right now kung totoo man iyon. Alam niyo ba na kapag sinabi ng tao ang sikreto sa kanilang katawan, ito ay isang senyales na binibigyan kami ng permiso upang akuin ang kaluluwa nito? Like, in short, kami ang bahala kung ano ang gagawin namin sa kan'ya. Pwede naming gawing alalay, personal na pagkain, mga gano'n, depende sa trip. Pero ako? Kapag nalaman ko ang sekreto ni Lianne? Hindi na ako magdadalawang-isip, uubusin ko ang lahat sa kan'ya.

Ang sikreto na sinasabi ko, ay 'yong code sa katawan ng mga alay. Hindi pa ba sa inyo nasasabi ang tungkol doon? 

My gosh! Okay, ikukwento ko nang mabilis ang lahat. 

Before pa man, may tatlong kaharian na ang namumuno sa kalawakan. Yep, hindi mundo, kun'di kalawakan.

Ang huli sa lahat, syempre, walang iba kun'di ang mga tao. They're both foods and worshippers para sa dalawang pinakamataas na uri. 

Pangalawa, kaming mga bampira. Nahahati sa tatlo ang uri namin, (Sanguinarian, Psychic, Hybrid). Ang mga bampirang Sanguinarian, they are the filthiest kind! Mga hayuk kung sumipsip ng dugo at wala talaga silang manners! Ni hindi sila marunong ng food etiquette! Tsss, I can't stand eating with them, nakakasuka! Ang malala pa, masyadong marami ang bilang ng mga ito, kaya sa apat na angkan, dalawa sa mga ito ay binubo ng mga Sanguine vampires. (Sanguine shadows and Blood's craving)

Next on the list ay kaming mga Psychic. Kumakain kami sa pamamagitan ng paghigop ng energy sa aming biktima. Isang beses sa isang araw lang kami kung magsalo-salo at iyon ay kapag curfew hours. Ang tawag sa angkan namin ay (Tormented cove).

Ang pinakakinakatakutan sa lahat at ang kasalukuyang naghahari raw ay ang mga hybrid. Sila 'yong mga kalahating bampira-kalahating diyos. Yeps! They're the worst! Hindi na nga sila puro, kung umasta pa eh akala mo sila na ang namumuno sa lahat. Tinatawag ang kanilang angkan na (Midnight mark). Ang magandanag balita rito, kakaunti lang ang bilang ng mga Hybrid kaya minsan nakikihalubilo sila sa dalawang uri upang makakakain. Well, hindi kasi nila kayang magpatakbo ng sariling farm kaya sumasalisi sila. Kagaya dito sa Brimstone, may isang hybrid daw na nakapasok sa loob, pero hindi ako naniniwala.

Now, let's proceed sa pinakamataas, at pinakamalakas sa lahat, ang mga diyos. Hindi sila naninirahan sa lupa ngunit ang sabi-sabi eh may mga descendants daw silang pinili upang sa gano'n ay hindi mawala ang koneksiyon nila sa mga nasa ibaba. Wala akong masyadong alam sa mga diyos-diyos na 'yan dahil mahigpit na ipinagbabawal ni Ama na pag-usapan ang mga tungkol sa basurang mga nilalang na 'yon. Ang naaalalang impormasyon ko lang about them ay 'yong kwento ni Mamang na kinalulugdan nang lubos ng mga diyos ang sangkatauhan. 

Well, wala akong paki kung oo man o hindi. As long as nananatiling tahimik ang mga diyos na 'yan at hindi nangingialam sa matagal nang kasunduan ng mga tao at naming mga bampira, walang problema.

So ayon! Punta naman tayo sa sikreto. As long as I can remember, isang kasunduan ang nagsisilbing malaking harang sa mga bampira at tao. Bilang kabayaran sa kondisyon na hindi kami tatapak sa labas at hindi lilipunin ang sangkatauhan, nakipagkasundo silang magbigay ng mga alay kada ikasampung taon. Randomly selected ang mga alay, kumbaga, hindi pa man naisisilang sa mundo ang tao, nakadikta na kung mamumuhay siyang normal o magiging alila ng mga bampira. Ang mga taong nakatakda upang magsilbi sa amin ay may sikreto sa katawan. Sila lang ang nakakakita sa mga farm na ginawa namin, kaya 'yong mga mag-aaral na naririto sa Brimstone, nakapasok sila dito dahil napili sila at hindi iyon isang aksidente.

Kaya nga 'di ba, kung matatandaan ninyo 'yong isa sa rules sa loob? Never share your secret to anyone? Kasi, bilang respeto sa mga pagkain namin, hindi namin sila pwedeng pwersahin. Kahit gusto naming ubusin ang enerhiya nila at iwan silang tuyo't walang hininga, hindi iyon pwede. Ang sikreto sa kanilang katawan ang nagsisilbi nilang proteksyon laban sa amin. Kaya para kami ay makakain pa rin, naisipan ng mga sinaunang mga Psychic na gumawa ng alibi na tinatawag naming curfew hours para mag-iwan ng takot sa mga mag-aaral nang sa gano'n, maglabas sila ng enerhiya. Hindi kasi basta-basta napipiga ang mga iyon, kailangan may mag-trigger.

Nakakahiya at nakakalungkot mang aminin, pero hindi pa ako nakakakita ng sikreto. Kaya nga labis ang tuwa ko noong ibalita ni Ama na ayon nga, lilitaw na ang marka ng baguhan. Ang kaso, mukhang hindi ko na ito mahihintay pa dahil inuutusan na naman ako ng matanda na ihatid si Victor, natatandaan niyo pa naman siya 'di ba?

"Hayyy, hanggang ngayon ba hindi ka pa rin kumakalma? Relax, breath in, breath out, baka atakihin ka sa puso," natatawang ani ko habang pinagmamasdan si Lianne na sapo-sapo pa rin ang dibdib. Ang OA ah!

"Anong--" Sa wakas bumukas na rin ang bibig nito. Alam ko na 'yong itatanong niya dahil nabasa ko na iyon habang fino-formulate niya pa lang sa kan'yang utak.

"I'm a vampire. Akala ko alam mo na, dahil simula't-sapul ipinakita ko na sa iyo ang ilan sa mga skills ko. Hindi ko naman inaasahan na masyadong slow 'yang utak mo para hindi maghinala. Oh well, kapag may naramdaman kang kakaiba, at feeling mo may kumikiliti sa iyong katawan, feel free na tawagin ako ah? Don't worry, I assure your safety, kaya chill ka lang, okay?" ani ko tapos iniwan na siyang mag-isa.

"You're late, Cass," bulalas ni Victor habang nakatayo sa malaking gate ng Brimstone. Nginitian ko 'to ng pilit dahil duh??? Kapal ng mukha na magpahatid pa! "Don't talk to me, please? Labag sa loob ko 'tong gagawin ko kaya ang tanging maiaambag mo na lang upang hindi ako tuluyang mawala sa aking sarili ay ang manahimik. Naiintindihan mo ba?" inis kong tanong. Hindi ito kumibo at nagpakawala lamang ng mahinang tawa. 

Nagsimula na kaming maglakbay ni Victor at ughhh! Malayo-layo 'yong farm na tinutuluyan niya kaya nakakainis lalo! I never expect this to happen! Bwesit! Paniguradong kagagawan na naman ni Serah ito! Masyadong nawiwili si Ama sa kan'ya kaya ako ang pinagawa niya sa trabahong ito.

"Ayos ka lang ba? Halos magdikit na 'yang kilay mo," panimula ni Victor. Huminga ako nang malalim dahil nilabag niya ang kaisa-isa kong hiling. "Nagtanong ka pa? Alam mo namang hindi 'di ba? Ano ba kasing pumasok sa utak mo para magpasama pa ngayon? Dati naman ay nakapag-iisa ka 'di ba?" iritableng tanong ko. "Ehhh---ang sabi kasi ni Serah sasamahan mo raw ako ngayon kaya hinintay kita. Hindi ba?" nag-aalangang sagot nito. Halos mapigtas ang katinuan sa aking sistema sa kan'yang tinuran. "Sinasabi ko na nga ba! That f*ckng wench!!!! Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng pangahas na 'yon para lokohin ako! Peste! At ikaw! Ang bobo mo! Alam mo namang ayaw na ayaw kong lumalabas 'di ba! Bakit hindi ka naghinala! Tanga mo!" sigaw ko. Kumunot ang noo nitong humarap sa akin tapos ngpakawala na rin ng sama ng loob.

"Huh? Bakit ako pa 'yong tanga? Sisihin mo ang sarili mo! Ikaw ang susunod na tatayong Ama sa mga kauri mo pero nauungusan ka ni Serah? Hahahahaha! Di bale na, kung ayaw mo akong samahan, umuwi ka na lang sa inyo. Wag mo lang kalimutang magbaon ng magandang alibi kung bakit umuwi ka nang maaga dahil paniguradong kukwestiyunin ka ng iyong Ama. At hindi lang 'yon, dehado ka kapag naipaalam na sa pinuno namin na kasama kitang uuwi kaya paniguradong may pyesta tayong aabutan sa Ravenwood. Ano na lang ang iisipin no'n kapag nalaman niyang ako lang mag-isa ang dumating? Maaatim mo bang madungsan ang relasyon namin sa inyo?" natatawa at mapang-amok na tugon ni Victor.

"Tang*na mo! Wag mo kong takutin! Hah! Ito ang una't huling beses na sasamahan kita, naiintindihan mo ba!" iritable kong tugon. "Hahahahaha! Sabi mo eh!" Hindi na ako muling nagsalita dahil abot-abot na ang inis na nasa katawan ko. Pesteng Serah na 'yon! Humanda talaga siya sa akin mamaya! Sinusubukan niya talaga ang pasensiya ko? Pwes! Magkakaalaman na kami! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status