Home / Mystery/Thriller / Shadow / CHAPTER 2: SHHHH

Share

CHAPTER 2: SHHHH

LIANNE

Bakit gan'yan sila makatingin sa'kin? May dumi ba ako sa mukha? Weird ba ng suot ko? Sarap dukutin ng mga mata!

"Okay class, let's welcome your new classmate," masayang ani ng Guro habang mapaklang nakangiti sa mga mag-aaral. Psh, halatang mga plastik, okay lang naman sa akin kahit ibalandra nila 'yong totoong nararamdaman nila, bakit pa sila nagpapakahirap na magbato ng pekeng ngiti sa harap ko. "New classmate? Baka new prey kamo," balagbag na sagot no'ng isang babae sa likuran. "Sophia, shut your mouth," mariing pagbabanta ng Guro. Isinawalang bahala ko na lang ang pagpapapansin ng kung sino mang buang na 'yon at mabilis na nagpakilala sa madla.

"My name is Lianne Gabrielle Villamuel. Kung ayaw niyo sa'kin, ayaw ko rin sa inyo. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko para mag-fit sa standards na gusto niyong makita sa isang baguhan. Sana maliwanag 'yon sa inyo," mayabang kong ani. Naglakad na ako papunta sa bakanteng upuan sa dulong parte ng room. Isang solid na irap ang pinakawalan no'ng papansing babae na akala niya naman titiklop ako sa sinabi niya.

Lumipas ang walong oras na wala man lang akong naintindihan. Kung hindi ba naman kasi mahina ang boses, eh hindi talaga sila magaling magturo. The moment na kumalembang ang kampana, kaagad na nagsilabasan ang mga mag-aaral. Para silang mga itik na hinahabol ng aso sa sobrang bilis ng mga paa nila. 

Naisipan kong magpahuli na lang, kesa naman makipagsiksikan ako sa mga buang na nilalang na akala mo mapagsasaraduhan ng pinto. Habang busy sa panonood, hindi nakawala sa'kin ang mga mata nilang hindi ko maintindihan kung punong-puno ng takot para sa'kin o para sa kanilang sarili. "Why the f*ck are they running so fast?" takang tanong ko sa isang mag-aaral na may kapansanan sa paa. Actually, kaming dalawa na lang 'yong nananatili sa loob. "Curfew na kasi maya-maya kaya nagmamadali ang lahat. Hindi ba nasabi sa'yo ni Cassandra 'yon?" ani ya. Umiling ako dahil dalawang walangkwentang rules lang naman ang binaggit niya sa'kin. "Iwan mo na ako, Miss. Magmadali ka na rin, baka maabutan ka," sabi niya. Hindi na ako nagtangka pang tulungan ang babae dahil parang ayaw niya rin naman, at isa pa, pinagtatabuyan niya ako. 

"Hello again, Lianne!" masayang bati ni Cassandra na bigla-bigla na lang kung sumulpot. Ni hindi ko man lang naramdaman ang presensya nito noong papalapt siya sa akin. gaya kanina, kumurap lang ako, napakalayo na nito sa akin. Like the f*ck? May super powers ba siyang taglay? "Oww, may friend ka na agad," ani ya. "Hi-hindi. Hindi kami magkaibigan," mabilis na depensa no'ng babae. Napangiti si Cassandra sa tinuran nito na para bang nabunutan siya ng tinik.

"Uhm, nandito ako para alukin ka sa isang campus tour. Hindi natin nagawa kanina 'yon dahil may inasikaso ako kaya ayon, gagawin na natin," maligalig na alok ni Cassandra. Pinagmasdan ko ang babaeng malungkot ang mga matang pinagmamasdan ang aking gawi.

What the f*ck is wrong with her?

"Sure, no problem," matipid kong tugon. Kaagad na kinuha ni Cassandra ang aking kamay tapos masaya niyang itinuturo sa'kin ang iba't-ibang gusali na mayroon sa loob. 

"Uhm, ito naman ang auditorium ng Brimstone, kapag may mga pagtitipon na kailangang umattend ang lahat, d'yan ginaganap. And then--" Hindi na natapos pa ni Cassandra ang kan'yang sasabihin nang maagaw ng ilang mga kalalakihan ang aming atensyon. Buhat-buhat nila ang bangkay ng isang lalaki na wala ng puso't iba pang lamang loob. Nahinto ako sa paglalakad tapos kumalas din ako sa pagkakahawak ni Cassandra dahil nilamon ako ng kuryosidad. 

"What the--- anong nangyari sa kan'ya?" tanong ko. Tiningnan lang ako no'ng dalawang nagbubuhat sa bangkay pero hindi nila ako sinagot. Mas lalo silang naging mailap nang makita nila na kasama ko si Cassandra. "Pakibilisan niyo na, akala ko ba kanina niyo pa ginawa 'yan? Alam niyo naman na may bisita tayo," ani to, na may inis sa tono ng pananalita. Yumuko 'yong dalawang lalaki at binilisan na nila ang kanilang paglalakad. "Saan nila dadalhin 'yon?" tanong ko. "Susunugin nila ang katawan, Lianne. Pagpasensyahan mo na kung kailangan mo pang makita ang ganitong setup sa Brimstone. Ayaw ko mang sabihin ito sa iyo pero, kailangan mo nang masanay sa ganitong tanawin. Ang tapang mo nga eh, minsan kasi kapag mga bagong salta, talagang todo sigaw sila kapag nakakakita ng bangkay. Parang ready ka sa mga ganito ah," ani Cassandra na tila ba naghihinala. Isinawalang bahala ko ang atake niyang 'yon at nilihis ko ang usapan. Manigas ka, wala kang mahihita sa akin.

"Ano bang nangyayari sa loob ng paaralang ito? Bakit may namamatay?" sunond-sunod kong tanong. Ramdam ko 'yong disappointment no'ng matagumpay kong nailihis ang usapan. Pffft, sorry na lang sa ganda mo. "Dalawa lang naman ang maaaring dahilan, Lianne. Una, nilabag nila ang isa sa mga patakaran. Pangalawa, nilabag nila ang parehong patakaran," nakangising tugon nito. Halos mamura ko na sa inis ang bobitang 'to dahil hindi ko trip kung paano siya sumagot. Like, pwede niya namang sabihin iyon ng hindi ngumingisi, bakit kailangan pang ipakita na parang deserve ng mga namatay na mawalan ng buhay dahil hindi sila sumunod sa patakaran. 

"Anong klaseng kagaguhan 'yon? Paano kapag hindi nila sinasadya? 'Yon lang ba ang dahilan kung bakit sila nawala sa mundo? Sinong nasa likod ng pagpatay? Anong karapatan niya para kumitil ah?" nanggagalaiti kong tanong sa harap nito ni Cassandra. Tumaas ang isa niyang kilay, habang nananatili ang kan'yang nakakainis na ngisi. "Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo 'yon, Lianne. Kung gusto mong malaman kung sino ang tao sa likod ng lahat ng ito, kailangan mong mag-survive sa Brimstone. Pangalagaan mo ang 'yong sikreto at igala mo ang iyong mga mata nang maayos. Ikaw lang din ang makakasagot ng lahat, kung magaling kang makiramdam," ani ya.

"O siya, hehehe curfew na pala. Tumakbo ka na nang mabilis, Lianne. Since baguhan ka, bibigyan kita ng isang minuto para hanapin mo kung saan ang tutuluyan mo. Kapag naabutan ka ng mga tauhan sa school na 'to, pasensya ka na, pero ito na ang huling araw mo hindi lang sa Brimstone, kun'di sa mundong ibabaw," ani ya. Noong una, akala ko nagbibiro lamang ito, pero nang ilabas na niya ang maliit na orasan at saka nagbilang, parang may sariling buhay ang aking mga paa na kumaripas ng takbo palayo. 

Alam ko naman kung saan ang kwarto ko dahil bago pa man ako pumasok sa classroom kanina ay inihatid ko muna ang gamit ko doon. Ang malas ko lang dahil nasa ikatlong palapag ang room number ko. Paano kapag hindi ako umabot sa palugit na oras?

Paano kung totoo ang sinasabi ni Cassandra na kapag nahuli ako, katapusan ko na?

Paano na ang misyon ko?

Halos madapa ako sa sobrang bilis ng aking pagtakbo. Habol-habol ang hininga, hindi ako tumigil sa kakahakbang, hindi ako nagpadaig sa mga bumabagabag sa'kin. Nang marating ko ang kwarto ko, kaagad kong hinanap ang susi para buksan ang pinto. Nanginginig ang mga kamay ko na pilit na ipinapasok ang susi pero bigo kong nagawa iyon. Napadapa ako nang wala sa oras nang biglang tumunog ang kampana. Hindi ko alam pero sa mga oras na 'yon, tila nilalamon na ako ng takot, kaba, at ang tanging nagawa ko na lang ay ang umiyak habang ipinagdidiinan ko ang sarili sa pinto.

Isang kamay ang biglang humawak sa balikat ko. Akala ko 'yon na ang taong kukuha sa'kin pero nagkamali ako dahil siya 'yong babaeng may kapansanan kanina. Sumenyas ito na wag akong gagawa ng ingay. Inaya niya akong pumasok sa kwarto niya at kailangan kong bilisan. Kahit naguguluhan, kaagad akong sumunod sa kagustuhan niya.

Pagkapasok ko sa loob, kaagad niyang ikinandado ang pintuan. Hawak-hawak nito ang isang baseball bat, maingat siyang lumayo sa pinto 'saka tumabi sa akin.

"Anong nangyayari?" takot na tanong ko. Patuloy siyang sumenyas na wag na akong magsalita at gumawa ng anumang ingay. Ibinigay nito ang isang notebook at ballpen, itinuro niyang sulatin ko kung ano man ang aking sasabihin, kaya ginawa ko naman iyon.

Sinulat ko ang katanungan na, bakit siya may dalang baseball bat, anong nangyayari, at bakit labis ang takot niya.

Maingat niyang kinuha sa akin ang notebook at sumagot sa'king katanungan.

'Kailangan nating protektahan ang ating sarili kapag crufew hours na. Kung ayaw mong mawala nang maaga, kailangan mong maging alerto sa tuwing papatak ang ala-sais hanggang alas nwebe.' 'Yon ang nakasaad sa sinulat niya. Kaya pala hindi magkandaugaga ang lahat noong tumunog ang kampana. 

Itinuro niya ang mahabang kahoy sa may likod ko gamit ang kan'yang nguso. Hindi ko maintindihan, dahil kahit kaunting salita lang ay pinagbabawalan niya ako. 

Noong makuha ko na ang kahoy, sumulat ulit ako sa papel. 'Bakit bawal magsalita? Kahit bulong?' tanong ko. Sumagot naman siya kaagad, animo'y naiinis dahil ang dami kong tanong. 'Naririnig ka nila. Hindi sila nagpapahinga sa ganitong oras, gising ang kanilang sistema.' 'Yon ang sinulat na sagot ng babaeng 'to. Kinuha kong muli ang papel kahit na naguguluhan ako kung anong ibig niyang sabihin na gising sila, at nakikinig sila na ewan.

'Anong pangalan mo? Sino ang tinutukoy mo?' tanong ko. Sumenyas ito ng isa na lang daw iyon. Like, last na 'yong tanong na 'yon. Kaagad naman akong tumango at ipinangakong mananahimik na kapag nasagot niya ang huli kong mga katanungan.

'Xaria Alliarde. Hindi ko alam kung sino ang kalaban natin.' 

Gaya ng ipinangako, nanatili akong tahimik habang nag-aabang sa panganib na paparating 'daw'. Hindi pa man ako sigurado kung dapat ba akong maniwala sa sinabi ng babaeng 'to o hindi, ang mahalaga ay ligtas ako ngayon.

Makalipas ang ilang minuto, nagsimulang kumalabog ang dibdib namin nang makarinig kami ng isang malakas na sigaw mula sa labas. Mariin kong itinago ang aking mga labi, habang nananalangin na sana ay malampasan namin ang gabing ito ng ligtas.

Habang papalapit nang papalapit ang mga hakbang, palayo kami nang palayo ni Xaria sa pinto. Sumayad na ang aming mga likod sa pader, pero hindi pa rin nito naibsan ang takot na patuloy na yumayakap sa aming katawan ngayon. 

Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong, pero kanino?

Sa mga sandaling ito, naalala ko ang sinabing babala ni Cassandra sa akin bago ako pumasok sa Guidance office kanina.

'Uhm, I just wanted to warn yah, little Lianne. Once you signed the paper, it's over. Wala ng labasan palabas, wala ng makakarinig ng sigaw mo gano man ito kalakas. Pag-isipan mo ng mabuti ang desisyon na gagawin mo. Ikaw rin, baka pagsisihan mo 'to panghabang buhay.'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status