Home / All / Shadow / CHAPTER 5: THE PLAN

Share

CHAPTER 5: THE PLAN

last update Last Updated: 2021-07-21 07:07:11

LIANNE

Papatak ang ulan, hahalik sa lupa ang luha. Panibagong araw na naman ang malapit nang matapos, ngunit wala pa rin akong ideya kung saan ako magsisimula upang makuha ang inaasam na hustisya. In-expect ko na rin naman na hindi magiging madali para sa akin ang makuha ang aking gusto, ngunit ni minsan eh hindi pumasok sa utak ko na ganito ang aabutin ko sa loob. Hindi ko inaakalang makakatagpo ako ng mga taong hindi ko malaman kung dahil sa tagal na nilang nakakulong eh, naapektuhan ang kanilang pag-iisip at nabuang na silang tuluyan. 

"Lianne, alam mo naman na ang gagawin mo 'di ba? Hindi ko na ipapaalala sa'yong muli 'yong mga dapat mong tandaan kapag pumatak na sa ala-sais ang kamay ng orasan," mahinang ani Xaria. Well, para lang malaman niyo, limang minuto na lang ang natitira bago tumunog ang kampana. Alam ko naman na kailangan kong magmadali, ngunit ang inaalala ko, paano 'tong si Xaria? May kapansanan siya, at paano kung maabutan siya ng curfew? Kung sabagay, nakaabot nga siya kahapon eh, paniguradong magagawa niya rin 'yon ngayon.

"Don't worry, alam ko na ang gagawin. Mag-iingat ka na lang ah? Bye!" nagmamadali kong ani dahil ayan na ang malakas na sigaw ng batingaw. Gaya ng dati, nag-uunahang lumabas ang mga bub'wit sa mabahong classroom, pero siyempre bago nila magawa 'yon, kailangan munang masigurong nakalabas na si Crisanta. Hindi ko alam kung ano bang posisyon niya sa school na 'to at napakaingat ng mga tao pagdating sa kan'ya. Kwento ko lang ah, kanina, shuta halos matawa ako dahil para siyang lumpo na kailangan ng mga taong kikilos para sa kan'ya. Ultimo pag-inom nakatoka pa sa katabi niya. Kawawang mga alalay, nagpapauto sila sa bobitang saksakan ng arte sa katawan.

Noong matanggal na ang bara, ayon na nagsimula na ang totoong digmaan. Nakipagsabayan na rin ako dahil natataranta ako kapag bubuksan ko 'yong pinto ng kwarto ko. "Ano ba, wag mo naman akong itulak!" sigaw no'ng babae sa harapan ko. Isang 'What the fuck' look ang ibinato ko sa kan'ya dahil napakagaling nitong mag-imbento. Ni hindi nga nakadampi sa kan'ya 'yong kamay ko, lingt na ingat din ako na hindi dumampi 'yong harapan ko sa likod niya tapos aakusahan niya ako? Aba ah!

"Ulol! Hindi kita tinulak! Guni-guni mo lang 'yon. Takot ka no? Paunahin niyo na, kawawa eh," pang-iinsulto ko. Pinagtinginan kami no'ng mga katabi naming nakikipagsapalaran para makalabas sa makipot na pinto. Itinulak ako no'ng babae, mukha atang napikon. Pfft, imbes na ako 'yong matumba eh 'yong nasa likod ko 'yong napuruhan. Tinaasan niya ako ng kilay, kaya naman ginaya ko rin siya. Tang*na, wag akong ginaganyan dahil wala akong kasalanan.

"Napakatapang mo! Hindi naman kita inaano, sisimulan mo ako?" inis kong sabi sa mukha niya tapos after no'n may kasunod na sampal na humalik sa pisngi niya. 

Sorry talaga Mom and Dad, alam kong hindi kayo matutuwa kapag nalaman niyong nanampal ang inyong bunsong anak.

Well, hayaan na, nasiyahan naman ako sa aking ginawa. Naghiyawan 'yong mga bub'wit kong kaklase dahil sa aking ginawa. Sapo-sapo tuloy nitong bwesit na babaeng 'to ang kan'yang kanang pisngi. Tsk, imbento kasi, 'kala naman niya hindi ko papatulan ang pagsisinungaling niya.

"Pangahas! Ke bago bago mo, ang taas na ng tingin mo sa sarili mo!" tugon niya at sinubukan rin akong sampalin. Ha! Sabihin mo 'yan sa kamay kong napigilan ang atake mong bobo ka!

Nakaka-proud, napigilan ko 'yong kamay niya, hahahahaha!

Inirapan ko siya nang bonggang-bongga 'saka umismid. "'Yan lang ba ang kaya mo? Wala ka naman pa lang maibubuga nagawa mo pang mag-imbento ng kasinungalingan d'yan. Tsk, ngayong sobra na ang kahihiyang natamo mo, okay ka na? Solve na ba? Kasi kung hindi pa, eh magsolo kang ngumawa dahil mauuna na ako sa'yo," ani ko. Tapos dahli-daling lumabas sa room. bahala sila d'yan, tapos na ang patalastas at kailangan ko ng tumakbo dahil sampung minuto na lang ang natitira bago magsimula ang totoong lagim.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na haharapin ko ang curfew hours ng mag-isa kaya good luck na lang talaga sa akin.

Sana naman mapagtagumpayan ko ang gabing lilipas. Hindi ko pala natanong kay Xaria 'yong totoong oras na tapos na 'yong gabi ng lagim. Masyado kasing weird 'yong babaeng 'yon, kung ano-ano rin ang pinagsasasabi.

Habang mabilis na tumatakbo, bigla akong napahinto dahil may kung anong tumama sa braso ko. Sumubsob ako sa lupa't malalakas na sigaw ang kumawala sa aking bunganga. Pag-angat ko ng aking mata, nakita ko 'yong number one julalay ni Crisanta na may hawak na baseball bat. Tang*na! Anong kagaguhan na naman 'to! Hindi ba nila ako patatahimikin talaga!

"What the fvck! Anong pakulo 'to ah!" matapang na tanong ko kahit 'yong mga bituka ko eh, nagdikit-dikit na ata sa sobrang takot.

"Hmmmm, anong pakulo? Ito lang naman ang pa-welcome ko sa'yo dito sa Brimstone. Nagustuhan mo ba? Hindi pa d'yan nagtatapos ang lahat, marami pa akong gagawin, kaya relax ka lang," tugon nito habang ibinabalandra sa harap ko ang isang maitim at nakakatakot na ngiti. 

"Tulong!!! Tulong!!!" malakas kong sigaw. Nakita ako ng isang mag-aaral, ngunit laking gulat ko no'ng dinaanan niya lang kami. Dahil doon tumawa nang malakas itong buang na 'to. "Hahahahaha! Grabe, babaligtad ata ang sikmura ko dahil sa'yo. Seriously? Humingi ka ng tulong? Hahahaha! Sorry ahhh, mukha atang hindi mo pa alam na walang tutulong sa'yo rito. Matira matibay sa impyernong ito, kahit marami kang kaibigan, kahit marami kang kasama, hindi ka nila tutulungan. Kahit sumigaw ka nang malakas, kahit umiyak ka magdamag, kahit manalangin ka araw hanggang gabi, walang tutulong sa'yo, naiintindihan mo ba? Isaksak mo 'yan sa maliit mong kokote, pffft!" natatawa niyang ani. 

Habang takot na pinagmamasdan ko siyang lumapit sa gawi ko, naramdaman kong umaakyat sa mga mata ko ang luhang matagal nang nakaimbak.

Don't cry--

Don't cry here, Lianne.

Mas lalo ka lang niyang kakawawain kapag nakita niyang mahina ka.

Embrace yourself, kaya mo 'to.

Sinubukan kong tumayo, hindi ko inintindi 'yong labis na pangingirot ng kaliwang braso ko na natamaan no'ng baseball bat dahil ang goal ko eh makalayo agad sa baliw na 'to. Alam kong hindi niya ako tatantanan, ngunit magko-curfew hours na, kaya imposibleng habulin niya ako kapag tumakbo ako nang mabilis ngayon.

"Wow, nagawa mo pang tumayo. Hindi ka na lang ba susuko? Hahahahaha! Okay, hindi ko ipagkakait sa'yo ang umasa na makakatakas ka sa akin. Go! Tumakbo ka hangga't kaya mo, bilisan mo lang dahil kapag naabutan kita, hindi na kita papakawalan ng humihinga, naiintindihan mo ba ah, Lianne!" sigaw nito. Matagumpay akong nakatakbo palayo sa kan'ya. Mabilis kong binagtas ang daan patungo sa kwarto ko pero tang*na, noong luminginon ako saglit para tingnan kung nakalayo na ba talaga ako sa buang eh, wala akong nakita. Saan ito nagpunta?

Pagbalik ko ng aking paningin halos matumba ako dahil nasa harap ko na ito.

"BOO!" malakas nitong sigaw dahilan para tuluyang lamunin ng takot ang aking katawan.

Hinila niya ang aking buhok at walang-awang kinaladkad ako papunta sa kung saan. 

"Saan mo ako dadalhin!!! Bitiwan mo ako, ano ba!!!" ani ko habang pilit na nagpupumiglas sa kan'yang pagkakahawak. "Okay, sabi mo eh," mabilis niyang tugon, pero hindi niya binitiwan ang buhok ko kun'di mas lalo niya pa itong hinigpitan. Dahil doon, napasigaw ako nang malakas dahil feeling ko hihiwalay na ang buhok ko sa aking anit. Patuloy niya akong kinaladkad, hindi niya man lang sinilip kung ano ang kalagayan ko. Shuta lang naman, pilit kong iginagapang ang aking katawan para taymingan ang mabilis nitong paglalakad. 'Pag nahuli ako ng isang hakbang, mahihila niya ang buhok ko na ayaw kong mangyari. 

"Tang*na! Bitiwan mo na ang buhok ko, parang-awa mo na!!!" malakas kong pakiusap dahil ptangina, tumakbo ang gaga at talagang gusto niya akong kalbuhin!

"Ooopppsss, sorry, aabutan na kasi tayo ng curfew hours kaya nagmamadali ako. Pasensya ka na hehehhe," mapang-insulto nitong tugon at hindi siya nakinig sa aking pakiusap. Lumipas ang isa pang minuto bago siya tuluyang huminto, pabalagbag niyang binitawan ang kawawa kong buhok habang hingal na pinagmasdan ang kawawa kong anyo.

"Ano, masaya ka na ba? Wala naman akong kasalanan sa'yo!" sigaw ko. Ngumiti muna ito bago sumagot, "Wala ka ngang atraso sa akin, pero kay Crisanta meron. SInce, ako ang dakila niyang tagasunod, gagawin ko lahat ng ipinag-uutos niya. Sorry ka na lang dahil ito ang gusto niyang mangyari sa'yo," ani ya tapos malakas na inihambalos ang bitbit nitong baseball bat doon pa rin sa kaliwang braso ko. Halos bawian ako ng kaluluwa dahil sa sobrang sakit na nadarama.

Ayaw ko na! Mamaaaaa!

Gumugulong na ako sa damuhan habang sapo-sapo ang kaawa-awang braso ko. 

"Wag kang masyadong magalaw at magsisisigaw, dahil kapag nakagat mo 'yang dila mo, hindi ko na sagutin 'yan ah," ani 'yang bwesit siya. Lumapit itong muli sa akin, hindi pa rin siya nakuntento at hinablot niya nang biglaan 'yong kaliwang braso ko. Hindi niya alintana kung sumisigaw na ako at nag-iiiyak sa sobrang sakit. "Hmmmm, nagagalaw mo pa rin ano? Kulang pa," ani 'ya tapos pagkabitaw niya sa braso ko, isang malakas na hampas pa ang binigay niya. 

Sa mga pagkakataon na parang pinagsukluban ako ng langit at lupa, tinakasan na ako ng luha at ng aking boses. Bago niya ako tuluyang iwang nagdurusa, takot, at durog sa ibabaw ng damuhan habang tumutulo ang ulan, isang halakhak at babala ang kan'yang iniwan.

'Sa susunod, hanapin at kilalanin mo kung sino ang mga nilalang na dapat mong katakutan at iwasan, para hindi mo na ulit ito maranasan.'

'Ayy, bakit ko pa ba sinasabi 'yon sa iyo? Eh mukhang dito ka na aabutan ng curfew, pffft. Good luck sa'yo, weakling!'

Related chapters

  • Shadow   CHAPTER 5.5: THE PLAN 2.0

    Ang pinagtibay na kasunduan, mananatiling sikreto sa labas ng pintuang daan. Ang kodigong ibinurda ng tadhana, kung malalaman ay magdudulot ng malaking pinsala. Kung ang nais mo ay mabuhay at makawala, itago ang sikreto sa nag-aabang na dila. --------- MARCUS Umalingangaw na naman ang sigaw ng kampana, magsisimula na namang sumigaw ang mga kaluluwang kawawa. Siguro nagtataka kayo kunga bakit may ganitong patakaran sa Brimstone Academy na sa tuwing papatak ang ala-sais, kailangang nasa loob na ng kwarto ang lahat. To be honest hindi ko masasabi sa inyo kung ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit may ganito. Dumedepende kasi kung ano ang pinaniniwalaan ng mga mag-aaral tungkol sa curfew hours. May iba kasi na ang hinala eh, kapag pumatak ang ganitong oras, kung sino man ang mahuli, siya ang mamamatay. Meron namang iba na naniniwala na, kapag wala ka pa sa loob ng kwarto mo kapag curfew hours na, may masamang mangyayari sa pamilya m

    Last Updated : 2021-07-21
  • Shadow   CHAPTER 6: PROPHECY

    LIANNE Sa isang hindi kilalang lugar kung saan malayo sa pamilya, malayo sa buhay na kinagisnan, malayo sa mga taong alam mong nand'yan sa oras ng pangangailangan, matapang kong sinuong. Kahit hindi ako sigurado kung kailan ako tatagal, kung mahahanap ko ba ang sagot sa mga tanong na tumatakbo sa utak ko araw-raw, kung maaabot ko ba ang inaasam na tagumpay, matapang kong sinuong. Pikit ang mga mata sa mga bagay na hindi ko maintindihan, nakasara ang mga tenga sa mga huni ng katatakutan, nananatiling nagmamasid sa gilid, nag-aabang ng impormasyong hihinto at makikipag-usap sa akin. Ngunit sa pagkakataong 'to, aking napagtanto, kailangan kong basagin ang luma kong pagkatao upang makasabay sa malakas na agos dito sa impyerno. Kailangan kong isuot permanente ang maskarang hindi sa akin, hindi ko aakalain. Panahon na upang gumising at lumaban. Panahon na upang bumangon at tanggapin ang katotohanang, hindi na ako ang mahinang ako,

    Last Updated : 2021-07-22
  • Shadow   CHAPTER 7: ANXIETY

    "Kaya ano pang hinihintay mo? Matatapos na ang palugit sa ating dalawa. Kumilos ka Lianne. Kalimutan mo ang ipinunta mo rito at magsimula ng bagong plano. Kung ayaw mong mangyari sa iyo ang nangyari sa Kuya mo, hanapin mo ang taong tatapos sa iyo, unahan mo siya, patayin mo siya." LIANNE "Imulat mo ang iyong mata, hanapin mo siya~ Iyon ang propesiyang itatak mo sa iyong isipan. Gugugulin mo ang natitirang araw mo sa paaralang ito upang hanapin ang taong 'yon.Doon lang iikot ang buhay mo, doon lang." Doon lang~~ Doon lang~~ "HAAAAA!" malakas na bulalas ko habang habol-habol ang hininga. Takot na inilibot ko ang aking mga mata at napagtantong wala ako sa sarili kong kwarto. Nagsimula na namang gumapang ang kakaibang pakiramdaman, animo'y tinatakasan ako ng sarili kong katinuan. 'I don't want this feeling--' Pakiramdam ko hindi ko hawak ang aking katawan. Pakiramdam ko, m

    Last Updated : 2021-07-24
  • Shadow   CHAPTER 8: BARDAGULAN

    CRISANTA "How's it? Baldado na ba ang braso noong baguhan?" sabik kong tanong kay Britney habang nakaupo kami rito sa lumang bench malapit sa girls dorm. Hind ito sumagot ngunit isang ngiti ang kan'yang iginanti. "Nice! Alam ko namang hindi mo ako bibiguin," proud kong ani habang mahigpit na nakahawak sa kan'yang kamay. "Of course, alam mo namang malakas ka sa akin kaya kahit ano, gagawin ko para sa iyo," cool na sabi nito. Itinago ko ang kilig na aking nadarama. Tama nga ang propesiyang natanggap ko noon, may gusto sa akin si Britney, at lahat ng sasabihin ko ay susundin niya. Siya ang magiging tulay ko upang makamit ko ang kasikatan na hinahanggad ko noong nasa labas pa lang ako. Ipapakita ko sa lahat ng mag-aaral ng Brimstone na ako lang ang nararapat nilang sundin dahil ako lang ang Reyna dito! "Panigurado, namimilipit na sa sakit ngayon ang babaeng 'yon. Walang tutulong sa kan'ya, walang makikinig sa sasabihin niya kung susubukan niy

    Last Updated : 2021-07-26
  • Shadow   CHAPTER 9: AND SIKRETO NG SIKRETO

    CASSANDRA I really like Lianne's facial expression, sana pala kung noon ko pa nalaman na ganito kasarap ang enerhiyang kaya niyang ilabas, hindi muna ako nagpakabusog. "Hindi ka pa rin ba titigil? Don't worry, hindi naman kita sasaktan as long as hindi ka lumalabag sa dalawang patakaran," natatawang ani ko habang naghihingalo ito sa takot. Naririto na kami sa loob ng kan'yang silid at balak ko sanang manatili pa nang matagal dahil ang sabi ni Ama, baka ngayon na lumabas ang sikreto sa katawan nito. I wanted to devour her soul right now kung totoo man iyon. Alam niyo ba na kapag sinabi ng tao ang sikreto sa kanilang katawan, ito ay isang senyales na binibigyan kami ng permiso upang akuin ang kaluluwa nito? Like, in short, kami ang bahala kung ano ang gagawin namin sa kan'ya. Pwede naming gawing alalay, personal na pagkain, mga gano'n, depende sa trip. Pero ako? Kapag nalaman ko ang sekreto ni Lianne? Hindi na ako magdadalawang-isip, uubusin ko a

    Last Updated : 2021-07-28
  • Shadow   CHAPTER 10: RAVENWOOD

    NASSUSBinalot ng malamig na hamog ang buong Ravenwood at isa lamang ang ibig nitong ipahiwatig. May paparating na bisita sa aming kaharian. Kakagising ko lang at hindi na magkandaugaga ang mga kasapi ko sa pag-aayos, pagpili, at paglilinis."What's going on? Darating ba ang Hari?" masayang tanong ko. Disapoointed na tiningnan ako ni Vanessa, isa sa mga kasapi ng SC. "Huh? Anong pinagsasasabi mo? Hindi pa ba nakarating sa iyo 'yong balitang ibabalik na ng Brimstone si Victor? Kasalukuyan na silang naglalakabay," wala sa loob na tugon nito. Saglit akong naguluhan dahil sa sinabi ni Vanessa.Anong sila?May kasama pang iba si Victor? Si Serah kaya? Si Marcus? Psh, hindi naman sasama ang ugok na 'yon, masyado siyang tamad para lumabas sa Brimstone."Si Serah ba ang kasama ni Victor?" tanong kong muli. Umikot ang mga mata ni Vanessa dahil mali ang hula ko. "Ang iyong Zhenikh ang kasama niya. Kaya kung ako sa'yo, maghanda ka na rin d

    Last Updated : 2021-07-30
  • Shadow   CHAPTER 11: MAG-IINGAT KA

    NASSUSMalamig na hangin ang gumising sa katawan ko. Pagkamulat ko ng mata nakita ko si Cassandra na nakayakap sa walang saplot kong katawan. Iniangat ko ang kumot na nakabalot sa aming katawan at doon ko napagtanto na hindi lang ako ang nakahubad kun’di pati na rin siya. Kahit nagdiriwang ang puso ko sa tuwa, naguguluhan akong bumangon dahil wala akong maalala sa nangyari.Hindi ko mabaliktanaw ‘yong ginawa namin, o kung ginawa ba talaga namin.“Good morning,” garalgal na bati ni Cassandra. Ginawadan ako nito ng halik sa braso tapos bumangon na rin.Hindi siya nagdalawang-isip na takpan ang katawan nito noong dumausdos sa kan’yang balat ang kumot.“What? Is there something on my face?” naguguluhang tanong nito. “Did we make it?” tanong ko pabalik. Kumunot ang noo nito na para bang hindi siya makapaniwala sa aking pinakawalang tanong. “Are you for real? Of course!” mabilis nito

    Last Updated : 2021-08-01

Latest chapter

  • Shadow   CHAPTER 5: THE PLAN

    LIANNE Papatak ang ulan, hahalik sa lupa ang luha. Panibagong araw na naman ang malapit nang matapos, ngunit wala pa rin akong ideya kung saan ako magsisimula upang makuha ang inaasam na hustisya. In-expect ko na rin naman na hindi magiging madali para sa akin ang makuha ang aking gusto, ngunit ni minsan eh hindi pumasok sa utak ko na ganito ang aabutin ko sa loob. Hindi ko inaakalang makakatagpo ako ng mga taong hindi ko malaman kung dahil sa tagal na nilang nakakulong eh, naapektuhan ang kanilang pag-iisip at nabuang na silang tuluyan. "Lianne, alam mo naman na ang gagawin mo 'di ba? Hindi ko na ipapaalala sa'yong muli 'yong mga dapat mong tandaan kapag pumatak na sa ala-sais ang kamay ng orasan," mahinang ani Xaria. Well, para lang malaman niyo, limang minuto na lang ang natitira bago tumunog ang kampana. Alam ko naman na kailangan kong magmadali, ngunit ang inaalala ko, paano 'tong si Xaria? May kapansanan siya, at paano kung maabutan siya ng

DMCA.com Protection Status