Home / Mystery/Thriller / Shadow / CHAPTER 7: ANXIETY

Share

CHAPTER 7: ANXIETY

"Kaya ano pang hinihintay mo? Matatapos na ang palugit sa ating dalawa. Kumilos ka Lianne. Kalimutan mo ang ipinunta mo rito at magsimula ng bagong plano. Kung ayaw mong mangyari sa iyo ang nangyari sa Kuya mo, hanapin mo ang taong tatapos sa iyo, unahan mo siya, patayin mo siya." 

LIANNE

"Imulat mo ang iyong mata, hanapin mo siya~ Iyon ang propesiyang itatak mo sa iyong isipan. Gugugulin mo ang natitirang araw mo sa paaralang ito upang hanapin ang taong 'yon.Doon lang iikot ang buhay mo, doon lang."

Doon lang~~

Doon lang~~

"HAAAAA!" malakas na bulalas ko habang habol-habol ang hininga. Takot na inilibot ko ang aking mga mata at napagtantong wala ako sa sarili kong kwarto. Nagsimula na namang gumapang ang kakaibang pakiramdaman, animo'y tinatakasan ako ng sarili kong katinuan.

'I don't want this feeling--'

Pakiramdam ko hindi ko hawak ang aking katawan. Pakiramdam ko, may nakamasid sa akin, may boses na nagdidikta sa susunod kong gagawin.

"You're finally up," ani ng isang pamilyar na boses. Kaagad akong tumingin sa gilid at nakita ko 'yong walang modong lalaki na gumamot sa akin noon.

"Nasaan ako? Anong ginawa mo sa akin?" sunod-sunod at tarantang tanong ko. " You're in my house, and I just saved your life again, so don't look at me with those eyes," malamig niyang tugon. Tiningnan ko ang bugbog kong braso ngunit nakabalot na ito ng benda at hindi na rin masyado itong sumasakit. 

Labag man sa loob, pinilit kong lumabas sa aking bunganga ang salitang salamat. Hindi man lang ito kumibo kaya mas lalong nadagdagan 'yong kahihiyang nararamdaman ko.

Tsk~ Bakit pa nga ba ako nagtangka? Alam ko namang wala talaga siyang modo!

"Aalis na ako, salamat na lang ulit," paalam ko bago padabog na tinanggal ang kumot na nakatakip sa aking katawan.

"By the way, it's Saturday. Baka lang maisipan mong pumasok, paaalalahanan lang kita," pahabol niyang ani bago ako tuluyang malabas ng pinto.

Mabilis akong naglakad sa patay na lupa. Hindi ko alam kung saan ako tutungo dahil hindi ko kabisado 'tong lugar na pinagtuluyan ko. 

Tang*na, saan na naman ako nito pupulutin.

"Need help?" Halos atakihin ako sa puso no'ng bigla na lang may bumulong sa tenga ko. Pagkalingon ko sa likod, tumambad sa akin si Cassandra na abot langit na naman ang ngiti.

Sana all, masaya lagi.

Bwesit! Naiirita na ako sa kaplastikan niya. Noong una maganda pa ang ngiting pinapakita nito sa akin, pero ngayon kinasusuklaman ko na.

"How did y--" Hindi niya ako pinatapos magsalita dahil hinarang ng kan'yang hintuturo ang aking labi. "Ahh-- kanina pa talaga kita hinahanap. Masyado kang tuliro kaya hindi mo napansin ang pagsunod ko sa iyo. I see, magkakilala na pala kayo ni Marcus, wala ka man lang nasasabi sa akin, at hindi niya rin ako in-inform. Hmmmm, by the way, anong ginawa mo sa loob?" tanong nito. Tiningnan ko muna siya ng 'seriosuly?' look bago sumagot. "Ginamot niya lang 'yong sugat ko, 'yon lang," mabilis kong tugon. Tila hindi ito nakumbinsi sa aking tinuran kahit na nakikita niya naman ang ebidensya. 

"Really? Ginamot ka lang niya?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Yah, iyon lang at wala ng iba. Kung hindi ka maniniwala in the first place, wag ka ng magtanong pa. Pasalamat ka nga at sinagot ko pa ang tanong mo, dahil sino ka ba? Hindi naman kita kaibigan para i-update ko, right?" mataray kong tugon. Nakaluwag ako nang malalim after kong sabihin 'yon. Totoo naman kasi, okay noong una, siyempre alam kong baguhan ao and friendly siya sa akin because of that, pero ngayong sunod-sunod na kamalasan ang inaabot ko, naisip-isip ko na kailangan kong idistansya ang aking sarili kahit kanino. Lalo na ngayo't nakatanggap ako ng isang weird na propesiya.

Hindi ko alam kung panaginip ko lang 'yon, na dala lang iyon ng trauma na sinapit ko sa alalay ni Crisanta pero mas mabuti na ang mag-ingat.

"Oh right, maiwan na kita. Tutal naman mukhang kaya mo nang hanapin mag-isa 'yong daan pabalik. Pwede ka rin namang humingi ng tulong kay Marcus para ihatid ka. Ang kaso, mukhang nakaalis na ito," disappointed na tugon ni Cassandra. 

Nakaalis?

Paano?

Hindi ko man lang napansin na lumabas siya at isa pa, hindi pa naman  ako nakakahakbang ng gano'n karami para malingat ako't hindi ito mapansin. Sa backdoor kaya siya lumabas? Mukha nga.

"Susundan na lang kita. Hindi mo na ako kailangan pang daldalin kung gusto mo akong tulungan, 'di ba?" ani ko. Bumalik ang ngiti nito na naghatid ng kilabot sa aking laman. 

"Ahhhh~~~ keep going," bulong nito bago siya maunang maglakad.

Putang*na 'yan! Anong pinagsasasabi niya? May sapak na ata talaga sa ulo ang babaeng 'to, shuta!! Salamat sa kan'ya't nagsitayuan lahat ng balahibo ko.

Teka? Isama ko kaya si Cassandra sa suspect list?

Ehhh? Suspect list?

Ano'ng pinagsasasabi ko?

"Hahahahahahahaha! Are you okay? Little Lianne? You seem to have a hard time, huh?"  biglang sabat ni Cassandra. Mas lalo akong nilamon ng takot dahil pagkaangat ko ng tingin, naglalakad ito patalikod at nakangiti pa. Npaka -confident niyang hindi siya madidisgrasya sa kan'yang ginagawa.

"What do you mean? I'm fine, stop worrying about me, I don't need it," nauutal na tugon ko.

"Pffft! Basta ipagpatuloy mo lang. I really like your taste. It's driving me crazy. Sana pala, hin-"

"Hin?" takang tanong ko no'ng bigla na lang itong tumigil sa pagsasalita. Tila may kung anong nagpatigil sa kan'ya na hindi namin nakikita.

"Nothing~ Nakikita mo 'yong malaking punong 'yon? 'Pag nakalagpas ka na doon, matatanaw mo na ang girl's dorm. Good luck," ani 'to tapos mabilis na umalis.

Ehh? Anong problema ng buang na 'yon? Bigla-bigla na lang susulpot tapos aalis din ng biglaan.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at isinantabi ko na lang ang katotohanang nakita ko si Cassandra pagkalabas ko pa lang ng bahay ni Marcus, binulabog niya ang kaluluwa ko tapos ngayon bigla na lang akong iniwan.

Ilang minuto ang ginugol ko bago marating ang sinasabi ni Cassandra na malaking puno. Hindi ko alam kung anong klase iyon pero mukha siyang nakakatakot dahil matanda na ito kung titingnan. Lahat naman ng naririto sa Brimstone ay nakakatakot pati mga nilalang na naninirahan dito, kaya hindi na ako nagulat.

Habang patuloy pa ring binabagtas ang mahaba at tila walang katapusang daan, nakita ko si Britney na may hawak na maskara.

Tila may kung anong kuryenteng dumaloy sa utak ko at bigla ko na lang naalalang muli ang nangyari sa panaginip ko.

"Yah, totoo talagang mangyayari 'yon sa iyo. That's your prophecy afterall. Kung hindi ka kikilos, at hindi mo mahahanap kung sino ang maaaring gumawa nito sa iyo, katapusan mo na,"

Si Britney?

Siya ang papatay sa akin?

CASSANDRA

"Sh*t! Nasa tama pa ba ang pag-iisip mo ah?! Sinong nagbigay ng permiso sa iyo na gawin iyon?!" galit kong sermon kay Serah. Ginamit niya lang naman ang abilidad niya para patigilin ako sa pagsasalita kanina at hindi lang 'yon, sinira niya ang plano ko!

"You're being excited, Cassandra. Baka nakakalimutan mo, labag sa batas ang binabalak mo laban sa baguhan na 'yon. Ni hindi pa nga lumalabas sa katawan niya ang sekreto, kaya wag kang masyadong atat," taas noong tugon nito. Tinarayan ko siya dahil akala niya ata porket pinapaboran siya ngayon ni Ama akala niya kaya niya na akong utus-utusan. "Don't be so confident, Serah. Umangat ka lang ng kaunti, akala mo naungusan mo na ako. Baka nakakalimutan mo, kaya kong manipulahin ang utak ni Ama at dungisan 'yang pangalan mo. Wag mo kong sasagarin, dahil kahit ako, ayaw na ayaw kong makita ang sarili kong nilalamon ng galit, dahil hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin sa'yo," mariin kong banta. 

Hindi ito kumibo at nanatili lang na nakatingin sa akin. Subukan niya lang na pasukin muli ang isipan ko't hindi talaga ako magdadalawang isip na putulin ang kan'yang ulo.

"Tapos na kayo? Pwede na ba akong dumaan," pambabasag ni Marcus. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil isa pa siya! "Sandali," tawag ko. Hinablot ko ang kan'yang braso upang humarap ito sa gawi ko. "Anong ginawa ni Lianne sa bahay mo? Ay mali, ano ang ginawa mo kay Lianne? Sumipsip ka?" iritable kong tanong. Walang emosyong nanatiling tahimik si Marcus. Naghintay pa kami ng ilang segundo bago ito tuluyang magsalita. "I'm not a Sanguine para sumipsip ng dugo, at hindi ako mananatili dito sa Brimstone kung gano'n ako. Nasaan ang utak mo, Cassandra?" mapang-insultong tugon nito. Kaagad ko siyang kinuwelyuhan dahil sa kan'yang kapangahasan. "Enough, Cassandra. Bakit ka ba nagagalit? Tama naman ang sinabi ni Marcus. Ahh, oo nga pala, pagpasensyahan mo na Marcus, hindi pa pala gumagana ang kan'yang pang-amoy at simpleng pagkilala sa kan'yang uri ay hindi niya magawa. That's the next heir for yah," sabat ni Serah. 

"Hah! Nagsalita ang magaling magnakaw ng atensyon! Hinding-hindi ko palalagpasin ang ginawa niyo. Tandaan niyo 'yan! Makakarating ito kay Ama!" bulalas ko bago ko sila iwang dalawa.

Sisiguraduhin kong ako ang magmamana ng trono. At kapag nagawa ko iyon, lahat ng susuway sa utos ko, mabubura sa mundo!

"Awww~~" bulalas ko habang sinsapo ang aking dibdib. Bigla na lang itong sumakit ng hindi ko alam ang dahilan. Ipinikit ko ang aking mga mata upang alamin kung nagbalak na naman si Serah na kalabanin ako ngunit hindi ko naramdaman ang kapangyarihan nito. Si Marcus ay wala ring kakayanan na gawin ito sa akin dahil isa lamang siyang hamak na manggagamot.

'Hah~~ Hah~~" Patuloy kong hinahabol ang aking paghinga. 

Anong nangyayari sa akin. Sino ang may pakana nito---

"It's finally happening, my dear daughter," ani ni Ama na bigla na lang sumulpot. Umupo ito sa aking harap upang pumantay sa akin. Hinawakan nito ang aking mukha at ilang segundo lamang ang nakakalipas nawala na ang sakit.

"What happened? Ama? Ikaw ang may kagagawan?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kaagad itong umiling tapos ipinakita niya sa akin ang katawan ni Lianne na na nakahandusay sa silid nito sa pamamagitan ng paghawak sa aking ulo.

"You're prophecy. She finally accepted your prophecy, kaya ka nakaramdam ng biglaang pagkirot ng dibdib," tugon nito. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi.

Nagawa ko!

Nagtagumpay akong ikulong si Lianne sa seldang inihanda ko para lang sa kan'ya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status