'Sa paaralang ito, may dalawa kang patakaran na dapat sundin. Panatilihing ang dila at mata ay sa iba nakatingin, sikreto mo'y itago nang mariin. Kung gusto mong mabuhay ay iyong panatilihing, itikom ang bibig at buksan ang isip.'
"Lianne! What the f*ck?! Tutuloy ka pa rin, despite the fact na delikado ang lugar na 'yon? Nahihibang ka na ba? Nawala na sa'kin ang Kuya ko, pati ang Kuya mo! Tapos ngayon, isusugal mo ang kaluluwa mo sa loob?" ani Mariz, kababata ko. Pilit kong tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa dala-dala kong maleta. Wala na akong oras para makipag-dramahan sa kan'ya. Buo na ang desisyon ko na suungin ang impyernong 'yon para hanapin kung sino ang pumatay sa kapatid ko.
"Mariz, let me go," walang buhay kong utos. Hindi niya ako pinakinggan kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang kaladkarin siya kasama ang maleta. Nang sandaling bumitaw ang kan'yang kamay, malalakas na palahaw ang pinakawalan nito. Dumagundong sa apat na sulok ng bahay ang pagtangis ni Mariz. Pati ang mga kasambahay sa bahay ay wala ng nagawa kun'di ang maiyak sa aking desisyong paglisan. "Manang, pasabi na lang kila mom na aalis na ako," ani ko. Malungkot na tumango ang matandang si Nanay Beth habang iwinawagayway nito ang kan'yang puting panyo.
"Lianne! Lianne!" sigaw ni Mariz. Sa mga sandaling binabagtas ko ang daan palabas ng bahay, otomatikong sumara ang tenga ko. Hindi ako lumingon, at hindi ako nagpatinag, dahil mas matimbang sa'kin ngayon ang kagustuhang makamit ang hustisya.
Pagkarating ko sa labasan, nag-abang ako ng masasakyang tricycle. "Manong, pahatid po ako sa kabilang kanto," pakiusap ko. Kumunot ang noo ng mama habang sinisipat ang dala kong maleta. "Nako, Ineng. Doon ba sa pinagbabawal na lugar?" tanong nito. Tumango ako sa kan'ya at dali-dali itong tumanggi. Binalaan pa ako nito na kung ano man ang binabalak ko ay wag ko na raw ituloy pa. "Sige na po manong, dodoblehin ko po ang bayad. Kahit doon lang po sa labasan," pamimilit ko. "Sige, sa labasan lang, Ineng ha? Napaka-delikado ng lugar na 'yon eh. Bawal nga kaming magsakay at magbaba doon at kami naman ang mahuhuli," ani to. Hindi ako kumibo dahil baka magbago pa ang kan'yang isip. Sumakay kaagad ako sa loob ng tricycle na agad naman niyang pinaharurot.
Mabilis kaming nakarating sa lugar kung saan nakatayo ang tanyag na paaralan sa buong Pilipinas. Hindi ito sikat dahil sa magandang records, sa mamahaling tuition o ano pa man. Kilala ang Brimstone Academy dahil sa mga kaso ng pagkamatay ng mga mag-aaral. Simula no'ng matayo ito dalawang taon na ang nakalilipas, mahigit sa limampung kaluluwa na ang nalagas sa mala-purgatoryong paaralan.
"Heto po ang bayad, maraming salamat po." Dali-dali akong naglakad pagkaabot ko no'ng 100 na bayad, kasama na doon ang tip. Pinagmasdan ko ang makipot, madilim, at nakakatakot na daan patungo sa paaralan. Tila may kakaibang sensasyon akong naramdaman, dahilan para magsitayuan ang aking balahibo.
"Ineng, umuwi ka na sa inyo, matagal nang sarado ang lugar na 'yan," babala ng isang lola na bigla-bigla na lang nagsalita sa'king gilid. "Gano'n po ba," matipid kong tugon 'saka tumango. "Oo, wag na wag kang papasok sa daan na 'yan, dahil hindi ka na makakalabas pa," babala niya. Isang mapaklang ngiti ang ibinigay ko sa matanda, senyales na wala akong pakialam kung anuman ang sabihin niya. "Naku naman talagang mga kabataan ngayon, iba na talaga ang mga nais gawin sa buhay. O siya Ineng, kaawaan ka naua," paalam ng matanda bago niya ako iwan.
Sa sandaling mawala na siya sa aking paningin, ipinagpatuloy ko na ang paglalakbay ko patungo sa kawalan. Noong una, aaminin ko na sumagi sa isipan ko ang umuwi na lang dahil baka wala rin akong mapala. Na baka, 'pag pasok ko pa lang, bawian na agad ako ng buhay. Pero hindi ko hinayaang tuluyan akong lamunin ng takot. Naririto na ako, wala nang atrasan pa.
"You can do this, Lianne. Para sa Kuya mo, para sa Kuya ni Mariz, para sa mga kaluluwang maagang namaalam sa mundo," bulong ko sa'king sarili.
Nagsimula na akong maglakad. Maliliit na hakbang lamang ang aking nagagawa dahil sa takot na nagpapabigat sa'king katawan. Ang utak ko ay puno ng tanong at pag-aalala kung aabutin pa ba ako ng sikat ng araw bukas, kung magtatagumpay ako sa plano ko, o kung makakalabas pa ba ako ng buhay sa purgatoryo.
Malalaking puno ang nagsilbing haligi sa malubak, tuyo, at masangsang na daanan. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, kung babaliktad ba ang aking sikmura o maglulupasay ako sa sobrang sama ng amoy. Wala na akong ibang choice kun'di ang magmadali sa paglalakad dahil mukhang malalagutan na ako ng hininga, hindi pa man din ako nakakapasok sa Brimstone.
Pagkarating ko sa wakas, sa dulo ng daan, tumambad sa'kin ang malaki, at kulay itim na gate. Sinilip ko ang loob nito pero wala akong makitang mag-aaral. Siguro nasa kalagitnaan sila ng klase kaya walang mag-aaral na nasa labas. Nakakandado ang malaking gate, sinubukan kong tumawag pero walang tao ang rumespunda sa akin. Sa mga sandaling 'yon, naalala ko ang sinabi no'ng matanda, na sarado na raw ang paaralan. Akala ko nagjo-joke lang siya para umuwi na ako pero mukhang totoo nga, dahil kahit ilang beses na akong tumawag, wala talagang taong lumapit para pagbuksan ako. Tumalikod na ako't padabog na hinila ang aking maleta palayo. Hindi pa man din ako nakakahakbang ng marami ay napukaw ang atensyon ko dahil sa isang tinig na nanggagaling sa loob ng school.
"Hello," bati ng isang magandang babae. Mahaba ang kan'yang buhok, maputla ang kan'yang balat, at kung iisipin, mukha siyang mas bata sa'kin. "Do you want to come in?" malumanay na tanong nito. Sa mga pagkakataong 'yon, tila nasa ilalim ako ng hipnotismo, dahilan para agaran akong tumango sa kan'yang tanong. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kan'yang labi, habang dahan-dahan nitong binubuksan ang pinto. "Welcome to Brimstone Academy!" masaya niyang ani. "My name is Cassandra Montevar, I am the SSC President," pormal na pagpapakilala nito. Inilahad niya ang kan'yang kamay kaya naman hindi ako nagdalawang-isip na kamayan ito. Mukha naman siyang mabait, kaya hindi ko naman siguro kailangang itaas ang depensa ko sa harapan niya.
"My name is Lianne, Lianne Gabriel Villamuel. I am a third-year high school," pagpapakilala ko. Isang mahinang tawa ang kan'yang pinakawalan, dahilan para maguluhan ako. Hindi ko ine-expect na gagawin niya iyon after kong sabihin kung sino ako. "I'm so sorry, It's just that, nagandahan lang ako sa pangalan mo, kaya hindi ko napigilang tumawa. Sorry, kung naging uncomfortable ka," paumanhin nito. Umiling ako habang sinasabing wala lang 'yon, na naiintindihan ko. Pero sa loob-loob ko, na-weirduhan talaga ako. Like, iniisip ko na baka may spak siya sa utak, sayang naman ng ganda niya.
"Ayon, ikinagagalak kong makasama ka ngayon sa Brimstone. Siguro naman hindi na bago sa iyo kung anong klaseng paaralan ang pinasok mo, right?" tanong niya. "Yeah. Kaya nga ako nandito para malaman kung totoo nga ang bali-balita," mabilis kong tugon. Actually, I lied to her. Alam niyo naman na nadito ako para kunin ang hustisya, right? Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kan'ya 'yon, kahit mukha siyang anghel sa paningin ko, nasa tama pa naman akong pag-iisip para itago ang tunay kong motibo lalo na't hindi ko pa siya kilala nang lubos. All I know was her name, and that's it. Wala naman akong super powers para itugma ang kan'yang pisikal na anyo sa kan'yang ugali. Isa pa, mahirap nang magtiwala, lalo na't nasa loob na ako ng purgatoryo.
"Hmmm, okay. Para maging official student ka dito sa Brimstone, you need to sign the contract. Once na napirmahan mo na iyon, wala ng atrasan. Maliwang ba sa'yo iyon?" tanong ni Cassandra, na may halong pananakot sa tono ng pananalita. Matapang akong tumango at hindi nagpatinag sa sinabi niya. Pumasok ako sa paaralan na ito na handa ang puso, isip, at kaluluwa. Umalis ako sa bahay nang maluwag ang loob na kahit anuman ang mangyari, walang dapat sisihin kun'di ako lang.
"I like your soul, they're firing right now," ani 'ya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano, dahil parang bigla ata akong kinalubatan though positive naman 'yong sinabi niya. "Thank you," matipid kong sagot. Dinala ako ni Cassandra sa isang opisina kung saan naroroon ang GC(Guidance Counselor). Ang sabi niya, hawak daw ng taong iyon ang kontrata na pipirmahan ko kaya naman hindi na ako pumalag at nagpatianod na lang sa kan'ya.
"You're Villamuel, right?" bulalas ni Cassandra sa kawalan. Nagulat ako nang bigla na lang itong nagsalita matapos manahimik ng ilang minuto. "Yeah. Why?" takang tanong ko. "Uhmm, I just remembered someone na kasing apelyido mo. Kaano-ano mo si Christopher? Uhmmm, if I am not mistaken, his full name is--" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita dahil kaagad akong sumabat. "Christopher Gims Villamuel, he's my brother!" pamumutol ko. "Yah! Cristopher Gims! Tama, siya 'yong namatay noong isang buwan," ani to. Biglang pumantig ang aking tenga sa aking narinig. The way kasi na sinabi niya 'yong linyang 'yon, abot langit ang ngiti sa kan'yang labi.
"Why the f*ck are you smiling?" naiinis na tanong ko. Humarap ito sa'kin, as if, isa akong kawawang nilalang na walang karapatang mangkwestyon.
"Oh, sh*t! I'm really sorry. Masayahin lang talaga ako, at minsan talaga, hindi ko napipigilan ang sarili kong ngumiti. I'm really sorry for your loss. I really mean it," ani 'ya. Kulang na lang lumuhod na ito sa harap ko. Isinawalang bahala ko na lang ang kan'yang tinuran dahil nasa harap na rin kami ng Guidance office. "Uhm, I just wanted to warn yah, little Lianne. Once you signed the paper, it's over. Wala ng labasan palabas, wala ng makakarinig ng sigaw mo ga'no man ito kalakas. Pag-isipan mo nang mabuti ang desisyon na gagawin mo. Ikaw rin, baka pagsisihan mo 'to panghabang buhay." Kaagad na akong pumasok sa loob at hindi na inintindi pa ang sinabi ng buang na babaeng 'yon. Binabawi ko na rin na isa siyang anghel sa mga mata ko, dahil ngayon, isa siyang magandang dilag na may sayad sa utak.
Pagkapasok ko sa loob, halos bumaligtad ang aking sikmura sa amoy na nalanghap ng ilong ko. Hindi ko maipaliwanag dahil parang pinaghalong insenso at dugo ang sumasayaw sa hangin. Isang matandang lalaki ang siyang bumungad sa'kin. Sinipat nito ang aking anyo, mula ulo hanggang paa. "Lianne Gabrielle Villamuel, right?" tanong ng matanda. Kumunot ang noo ko dahil hindi pa man din ako nagpapakilala, paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Yeah? How'd you know my name, Sir?" takang tanong ko. Umupo ito sa kan'yang lumang upuan na pinamumugaran na ng bahay ng gagamba. "Cassandra told me about you," ani to. Isang 'what the f*ck?' look ang ibinalandra ko sa kan'ya dahil, kausap ko si Cassandra sa labas at magkasama kaming pumunta dito sa office, so pa'no niya nasabi sa matandang hukluban na ito ang pangalan ko?
"I don't get it, Sir. Paanong--", "Here's your contract. Bibigyan kita ng pagkakataon para basahin ang lahat ng nakasaad d'yan at pag-isipan mong mabuti bago ka pumirma," pamumutol nito. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na tapusin ang sasabihin dahil mabilis niyang inilahad sa harapan ko ang papel.
Hindi na ako nagkaro'n pa ng pagkakataon na itanong muli sa kan'ya ang gusto kong itanong dahil binigyan niya ako ng isang malamig na titig.
Like, parang gusto niyang sabihin sa'kin na, shut the f*ck up, and you better read the contract carefully. Ako naman, dahil sa dala ng inis, hindi ko na masyado pang inintindi kung ano man ang nakasaad sa kontrata. Habang sinusubukan kong namnamin ang bawat salita, ay siya namang hindi pakikisama ng aking utak. Tila ba ninanakaw ng paggalaw ng kamay ng orasan ang aking wisyo. Umiling ako ng ilang beses at kinurap ang mga mata.
"Here," malamyang ani ko, habang ibinibigay sa kan'ya ang napirmahang papel. Hindi na tiningnan ng matanda kung napirmahan ko ba talaga ito dahil agad niya itong itinago sa kan'yang lamesa.
"Cassandra," tawag ng matanda. Kaagad namang bumukas ang pinto at iniluwa ang magandang dilag na may Bipolar disease. Gaya kanina, abot langit pa rin ang kan'yang ngiti na nagdala nang labis na kilabot sa'king katawan.
"You better tell her, the two rules. It will save her from this hell," ani ng matanda. Kaagad na tumango ang dalaga, tapos walang ano-anong hinila ang braso ko palabas.
"Welcome again, sa Brimstone Academy! Nga pala, bago kita ihatid sa bago mong classroom, sasabihin ko sa iyo kung ano ang dalawang importanteng rule sa school na ito. Ang unang rule, bawal mong sabihin sa iba kung ano ang secret mo. Pangalawa, you can be anything you want sa loob, basta hindi lang 'yong totoong ikaw. Nakukuha mo ba? I guess, yes. Kung wala ka ng tanong, nakikita mo ang room na 'yon? Doon ang classroom mo. You can go now, may naalala kasi akong kailangang asikasuhin," nagmamadaling ani 'ya. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil mabilis itong tumakbo palayo. Sinubukang habulin ng mga mata ko ang katawan niya na labis kong pinagsisihan.
'She's f*ckng crazy! How could she run so fast?'
LIANNE Bakit gan'yan sila makatingin sa'kin? May dumi ba ako sa mukha? Weird ba ng suot ko? Sarap dukutin ng mga mata! "Okay class, let's welcome your new classmate," masayang ani ng Guro habang mapaklang nakangiti sa mga mag-aaral. Psh, halatang mga plastik, okay lang naman sa akin kahit ibalandra nila 'yong totoong nararamdaman nila, bakit pa sila nagpapakahirap na magbato ng pekeng ngiti sa harap ko. "New classmate? Baka new prey kamo," balagbag na sagot no'ng isang babae sa likuran. "Sophia, shut your mouth," mariing pagbabanta ng Guro. Isinawalang bahala ko na lang ang pagpapapansin ng kung sino mang buang na 'yon at mabilis na nagpakilala sa madla. "My name is Lianne Gabrielle Villamuel. Kung ayaw niyo sa'kin, ayaw ko rin sa inyo. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko para mag-fit sa standards na gusto niyong makita sa isang baguhan. Sana maliwanag 'yon sa inyo," mayabang kong ani. Naglakad na ako papunta sa bakanteng upuan sa dulong part
LIANNE Pasado alas dyes na ng gabi. Base sa sinabi nito ni Xaria, hanggang alas nwebe lang daw ang curfew, edi pwede na akong lumabas ngayon, dahil lagpas na 'di ba? Kinuha ko ang papel at sinulat dito kung pwede na akong umalis. Ilang segundo munang tumunganga si Xaria, bago ito tumango. "Thank you," mahinang ani ko. "Walang anuman. Binabalaan kita, hangga't maaari, kapag nakapasok ka na sa kwarto mo, wag kang lumabas pa kahit anon'ng mangyari. Hindi mo alam kung anong kapahamakan ang nag-aabang sa'yo," babala ni Xaria. "Okay, tatandaan ko 'yan," mahinang tugon ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto tapos sinipat ko muna ang paligid kung safe na bang lumabas or what. Nang mga huni ng kuliglig na lang ang tanging nagbibigay ng ingay sa paligid, kaagad akong lumabas at sumenyas kay Xaria sa huling pagkakataon na labis akong nagpapasalamat sa kan'ya. Mabilis pa sa kidlat na sinubukan kong muling buksan ang seradura ng pinto, halos tumulo
LIANNE 'Ughhh! Oo sandali eto na, pupunta na sa canteen,' bulong ko sa tyan kong kanina pa nagrereklamo. Hindi pa rin nawawala ang mapanuring mga mata ng mga estudyante na nakikita ko. Hindi ko alam kung matagal na bang walang pumapasok sa paaralang ito dahil kung makatingin naman sila akala mo'y first time nilang makakita ng bagong mag-aaral. Hindi ko na lang sila pinansin dahil mas nakakainis 'tong tyan ko na ayaw magpaawat. Pagkarating ko sa canteen, nakita ko ang mahahabang table na occupied lahat. Bale 'yong mga single table na lang talaga ang bakante, and nagpapasalamat naman ako dahil doon. As usual, pinagtitinginan pa rin ako, imbes na patulan, dumire-diretso ako sa counter para umorder. "Isang croissant and a coffee, please." Iniabot ko ang bayad sa babae na kasing edad lang din namin, or not? Hindi ko matantya kung bata ba siya or what dahil ang mga mata nito alam niyo 'yon? Parang sa matanda? Pero 'yong balat nito ay napakak
LIANNE Tahimik ang paligid at sa awa ng Diyos eh lumabas ako sa cafeteria ng buhay, hindi nga lang busog, pero ayos na rin iyon. Habang binabagtas ang daan patungo sa room, nasalubong ko si Xaria. Naglalakad ito habang nakatingin sa malayo, pinagmamasdan niya 'yong pinakamataas na building na naka-locate sa parteng dulo ng Brimstone. Kakaiba ang itsura ng building na 'yon, at hindi rin kami nakarating ni Cassandra sa parteng 'yon dahil restricted area raw. "Sup yow? Still, breathing huh? Pagkatapos mong magsinungaling sa akin about sa curfew hours," ani ko. Naagaw ko ang atensyon niya ngunit hindi ito nag-react sa aking tinuran. "Alam mo, akala ko mabait ka, na pwede kitang maging magkaibigan kasi tinulungan mo ako. Pero bakit ka nagsinungaling sa akin na hanggang alas nwebe lang 'yong curfew ehhh inatake pa---" Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita dahil agad nitong tinakpan ang aking bibig. "Halika dito," bulong niya. Kinilabutan ako bigla
LIANNE Papatak ang ulan, hahalik sa lupa ang luha. Panibagong araw na naman ang malapit nang matapos, ngunit wala pa rin akong ideya kung saan ako magsisimula upang makuha ang inaasam na hustisya. In-expect ko na rin naman na hindi magiging madali para sa akin ang makuha ang aking gusto, ngunit ni minsan eh hindi pumasok sa utak ko na ganito ang aabutin ko sa loob. Hindi ko inaakalang makakatagpo ako ng mga taong hindi ko malaman kung dahil sa tagal na nilang nakakulong eh, naapektuhan ang kanilang pag-iisip at nabuang na silang tuluyan. "Lianne, alam mo naman na ang gagawin mo 'di ba? Hindi ko na ipapaalala sa'yong muli 'yong mga dapat mong tandaan kapag pumatak na sa ala-sais ang kamay ng orasan," mahinang ani Xaria. Well, para lang malaman niyo, limang minuto na lang ang natitira bago tumunog ang kampana. Alam ko naman na kailangan kong magmadali, ngunit ang inaalala ko, paano 'tong si Xaria? May kapansanan siya, at paano kung maabutan siya ng
Ang pinagtibay na kasunduan, mananatiling sikreto sa labas ng pintuang daan. Ang kodigong ibinurda ng tadhana, kung malalaman ay magdudulot ng malaking pinsala. Kung ang nais mo ay mabuhay at makawala, itago ang sikreto sa nag-aabang na dila. --------- MARCUS Umalingangaw na naman ang sigaw ng kampana, magsisimula na namang sumigaw ang mga kaluluwang kawawa. Siguro nagtataka kayo kunga bakit may ganitong patakaran sa Brimstone Academy na sa tuwing papatak ang ala-sais, kailangang nasa loob na ng kwarto ang lahat. To be honest hindi ko masasabi sa inyo kung ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit may ganito. Dumedepende kasi kung ano ang pinaniniwalaan ng mga mag-aaral tungkol sa curfew hours. May iba kasi na ang hinala eh, kapag pumatak ang ganitong oras, kung sino man ang mahuli, siya ang mamamatay. Meron namang iba na naniniwala na, kapag wala ka pa sa loob ng kwarto mo kapag curfew hours na, may masamang mangyayari sa pamilya m
LIANNE Sa isang hindi kilalang lugar kung saan malayo sa pamilya, malayo sa buhay na kinagisnan, malayo sa mga taong alam mong nand'yan sa oras ng pangangailangan, matapang kong sinuong. Kahit hindi ako sigurado kung kailan ako tatagal, kung mahahanap ko ba ang sagot sa mga tanong na tumatakbo sa utak ko araw-raw, kung maaabot ko ba ang inaasam na tagumpay, matapang kong sinuong. Pikit ang mga mata sa mga bagay na hindi ko maintindihan, nakasara ang mga tenga sa mga huni ng katatakutan, nananatiling nagmamasid sa gilid, nag-aabang ng impormasyong hihinto at makikipag-usap sa akin. Ngunit sa pagkakataong 'to, aking napagtanto, kailangan kong basagin ang luma kong pagkatao upang makasabay sa malakas na agos dito sa impyerno. Kailangan kong isuot permanente ang maskarang hindi sa akin, hindi ko aakalain. Panahon na upang gumising at lumaban. Panahon na upang bumangon at tanggapin ang katotohanang, hindi na ako ang mahinang ako,
"Kaya ano pang hinihintay mo? Matatapos na ang palugit sa ating dalawa. Kumilos ka Lianne. Kalimutan mo ang ipinunta mo rito at magsimula ng bagong plano. Kung ayaw mong mangyari sa iyo ang nangyari sa Kuya mo, hanapin mo ang taong tatapos sa iyo, unahan mo siya, patayin mo siya." LIANNE "Imulat mo ang iyong mata, hanapin mo siya~ Iyon ang propesiyang itatak mo sa iyong isipan. Gugugulin mo ang natitirang araw mo sa paaralang ito upang hanapin ang taong 'yon.Doon lang iikot ang buhay mo, doon lang." Doon lang~~ Doon lang~~ "HAAAAA!" malakas na bulalas ko habang habol-habol ang hininga. Takot na inilibot ko ang aking mga mata at napagtantong wala ako sa sarili kong kwarto. Nagsimula na namang gumapang ang kakaibang pakiramdaman, animo'y tinatakasan ako ng sarili kong katinuan. 'I don't want this feeling--' Pakiramdam ko hindi ko hawak ang aking katawan. Pakiramdam ko, m