Share

CHAPTER 4.5

LIANNE

Tahimik ang paligid at sa awa ng Diyos eh lumabas ako sa cafeteria ng buhay, hindi nga lang busog, pero ayos na rin iyon. Habang binabagtas ang daan patungo sa room, nasalubong ko si Xaria. Naglalakad ito habang nakatingin sa malayo, pinagmamasdan niya 'yong pinakamataas na building na naka-locate sa parteng dulo ng Brimstone. Kakaiba ang itsura ng building na 'yon, at hindi rin kami nakarating ni Cassandra sa parteng 'yon dahil restricted area raw.

"Sup yow? Still, breathing huh? Pagkatapos mong magsinungaling sa akin about sa curfew hours," ani ko. Naagaw ko ang atensyon niya ngunit hindi ito nag-react sa aking tinuran. "Alam mo, akala ko mabait ka, na pwede kitang maging magkaibigan kasi tinulungan mo ako. Pero bakit ka nagsinungaling sa akin na hanggang alas nwebe lang 'yong curfew ehhh inatake pa---" Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita dahil agad nitong tinakpan ang aking bibig.

"Halika dito," bulong niya. Kinilabutan ako bigla no'ng mailap niyang iginala ang kan'yang mga mata. Like, para bang may pinagtataguan siya na ewan. Hinila nito ang aking kamay at dinala ako sa isang sulok. Hindi ko alam kung saang bahagi ito pero isa lang ang masasabi ko, makati. Yeps, makati dahil punong-puno ng damo 'tong pinagdalhan niya. "Una sa lahat, gusto kong mag-sorry. Hindi ko intensyon na magsinungaling sa iyo. Nagawa ko lang iyon para hindi sila maghinala sa atin," paliwanag niya. Ayan na naman siya sa mga salitang hindi ko ma-gets eh. Sinong sila? Hanep naman, bakit kasi ayaw pangalanan.

"Huh? Ayusin mo nga, hindi kita maintindihan. Sino ba 'yang tinutukoy mo?" inis kong tanong. bago siya sumagot, iginala niyang muli ang kan'yang mata 'saka bumulong. "Remember the rule number two? Wag mong ilalabas kung sino at ano ang totoong ikaw. Kapag kinupkop kita buong magdamag, ipapahamak ko ang sarili ko, at ayaw kong mangyari iyon. Gusto ko ring makalabas ng buhay dito sa Brimstone," tugon ni Xaria. Okay, I get it, pero sana sinabi niya pa rin or binigyan niya ako ng babala. Hindi 'yong magugulat na lang ako at halos atakihin no'ng gabing 'yon. Pasalamat na lang talaga ako't humihinga pa ako ngayon.

"Pero, Lianne. Totoo bang inatake ka kagabi? Nakita mo ba kung sino 'yon?" Umiling ako sa kan'ya dahil anino lang 'yong nakita ko, kung hindi ako nagkakamali. Masyado na akong natataranta no'ng mga sandaling iyon kaya hindi na ako nagkaroon ng lakas ng loob na alamin kung sino ang walanghiyang nagtangka sa buhay ko. 

"I saw nothing but a freaking shadow. Ang nakapagtataka pa, nagkaroon ako ng maraming sugat pero no'ng paggising ko, kaunti lang 'yong natamo ko't mababaw lang ang mga iyon," sabi ko. "Hindi ako maaaring magkamali dahil naramdaman at nakita ko kung gaano kalalim 'yong sugat na tinamo ko. At isa pa, alam ko kung ano ang nangyari, sariwa pa sa alaala ko kung gaano ako naghirap para lang manatiling buhay sa mga atake no'ng kung sino mang nilalang. Kaya talagang nagulat ako no'ng mawala ang mga iyon, baka may magic 'yong bwesit na gumamot sa akin," dagdag ko pa. Habang pino-proseso ni Xaria ang mga sinabi ko, kagat-kagat niya ang kan'yang kuko. "Hindi sa gusto kitang takutin, Lianne ah. Pero kailangan mong mag-ingat. Ngayon lang ako nakakilala ng bagong salta na nakaranas ng gan'yan sa pagpasok pa lang nila. Ang naiisip kong dahilan kung bakit ka inatake kagabi ay marahil hindi sila natutuwa sa iyong pagdating. Hindi ko alam kung ano ang rason sa likod niyon pero nanganganib ang buhay mo," babala nito na naghatid nang labis na takot sa aking kalamnan.

Just who the f*ck is my enemy here?!!!!

Tngina!

BRITNEY

"I won't let her escape! Hindi mo na nakita kung gaano namula 'yong braso ko dahil sa babaeng 'yon? Hinding-hindi ko mapapatawad ang kapangahasan niya! Napahiya ako sa mga tao, Britney! Paano kapag inisip nilang isa akong lampa at hindi maaaring maging Reyna sa paaralang ito? Paano kapag nawala sila ng tiwala sa akin at hindi na ako suportahan? Ano ang gagawin ko, Britney?" tarantang tanong ni Crisanta habang naglalabas ng sama ng loob dito sa CR.

"Hushhh, wag kang mag-alala. Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon, okay? Tuturuan ko mismo ng leksyon ang babaeng 'yon, ipapaalam ko sa kan'ya kung sino ang dapat na hindi niya banggain habang buhay pa siya dito sa Brimstone." At last, nakita ko nang sumilay ang ngiti ni Crisanta after kong magpakawala ng mga matatamis na salita. Napanatag ang loob ko dahil natigil na ito sa pag-iyak dahil hindi ko kakayanin kung hanggang mamaya 'yong pagngawa niya. "Anong balak mo?" tanong nito. bago ko siya sagutin, nag-isip muna ako kung papatayin ko na ba agad si Lianne? O tuturuan ko lang ng simpleng leksyon. "Ikaw, ano ba ang gusto mong mangyari sa kan'ya? Kahit ano, gagawin ko para sa iyo," tugon ko. Tumawa nang malakas si Crisanta habang hinahaplos ang aking mukha. "Hindi mo talaga ako binibigo kahit kailan, Britney! Hmmmm, ano ba ang bagay sa kan'ya? Tutal naman kamay niya ang nagkasala sa akin, gusto kong hindi niya magamit ang mga iyon siguro mga isang buwan, tama na siguro 'yon, ano? Ikaw na ang bahala kung paano mo gagawin iyon," masayang tugon nito. Sumilay ang maitim na ngiti sa aking labi habang pinapanatag ang damdamin ni Crisanta na hindi papalya ang inutos niya.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na kami't nagpaalam na siya sa akin. Magkahiwalay ang classroom namin kaya hindi ko siya mababantayan. Kung nagtataka kayo kung ano ang relasyon ko kay Crisanta, isa lang siyang panakip butas para sa mga plano ko. Ginagawa ko lahat ng ipinag-uutos niya, ipinagtatanggol siya, at sinasamahan sa lahat. Ginagawa ko ang mga 'yan para makuha nang tuluyan ang kan'yang loob, dahil hindi na rin naman magtatagal at mangyayari na ang propesiyang natanggap ko at siya ang magdadala sa akin sa tagumpay. 

Isang halakhak ang pinakawalan ko habang binabagtas ang daan pabalik sa room.

Ako ang magwawagi sa larong ito, ako ang magtatagumpay sa dulo!

"Mukha atang masaya ka ah," nagulat at naputol ang kasiyahang nararamdaman ko nang marinig ko ang tinig ni Cassandra. Tsk, this bitch again! Kailan niya ba ako titigilan? Akala ko ba may bago na siyang laruan? Bakit bigla-bigla pa rin siyang sumusulpot?

"Ano na naman bang problema mo? Akala ko ba may bago ka ng laruan kaya bakit binubulabog mo pa rin ako? Pwede ba, huh, Cassandra, kung napapaikot mo ang lahat d'yan sa matatamis mong ngiti, pwes wag mo akong itulad," inis kong ani habang pinagmamasdan ang mukha nito. "Pffftt! Hahahahaha! Wala ka pa ring kupas, Britney. Kaya naman bilib ako sa'yo eh. Nga pala, kaya lang naman kita kinausap dahil ang saya mo, gusto ko lang sirain kahit panandalian lang, hehehehe," mapang-insulto nitong tugon. Inirapan ko siya mga tatlo ata dahil sa kan'yang tinuran. Wala akong paki kung pagtingnan man ako ng mga taong dumaraan. Ano namang pake ko kung isa sa mga iniingatang nilalang dito sa Brimstone 'tong babaeng 'to? Bukod kasi sa SCC President siya, eh anak raw siya ni Sir Daniel, ang school head. Pero hindi pa ako sure, kasi base lang naman 'yon sa mga bulung-bulungan na nasagap ko.

"Oh ngayong nainis mo na ako, pwedeng lumayas ka na?" maldita kong ani. Tinawanan muna niya akong muli bago ako iwan. Nagtagumpay man siyang sirain 'yong momentum, maya-maya rin lang naman eh, magsasaya ulit ako. 

Sa ngayon, kailangan kong paghandaan ang surpresa na ibibigay ko kay Lianne. Nakakalungkot man para sa kan'ya, pero gano'n talaga. Ginagawa ko lang din naman ito para mag-survive dito sa pesteng paaralan na ito. Alam ko naman na hindi lang ako ang kumikilos para malaman kung paano makalabas, at alam kong may kanya-kanyang pakulo ang bawat-isa para manatiling buhay sa purgatoryong ito. Dahil sabi nga, kung hindi ka kikilos, walang mangyayari sa iyo. Kung hindi ka lalaban, walang lalaban para sa iyo.

Banggain ang lahat ng haharang sa daan, sisiguraduhin kong ako ang matitirang nakatayo dito sa impyernong ito. AKO LANG!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status