LIANNE
'Ughhh! Oo sandali eto na, pupunta na sa canteen,' bulong ko sa tyan kong kanina pa nagrereklamo. Hindi pa rin nawawala ang mapanuring mga mata ng mga estudyante na nakikita ko. Hindi ko alam kung matagal na bang walang pumapasok sa paaralang ito dahil kung makatingin naman sila akala mo'y first time nilang makakita ng bagong mag-aaral. Hindi ko na lang sila pinansin dahil mas nakakainis 'tong tyan ko na ayaw magpaawat.
Pagkarating ko sa canteen, nakita ko ang mahahabang table na occupied lahat. Bale 'yong mga single table na lang talaga ang bakante, and nagpapasalamat naman ako dahil doon. As usual, pinagtitinginan pa rin ako, imbes na patulan, dumire-diretso ako sa counter para umorder.
"Isang croissant and a coffee, please." Iniabot ko ang bayad sa babae na kasing edad lang din namin, or not? Hindi ko matantya kung bata ba siya or what dahil ang mga mata nito alam niyo 'yon? Parang sa matanda? Pero 'yong balat nito ay napakakinis pa, soooo hindi ko talaga alam, basta ayon. Wala naman tayong paki sa edad niya 'di ba?
"Hindi kami tumatanggap ng pera dito," ani ya. Isang 'What the f*ck?' look ang ibinato ko sa kan'ya dahil hindi na niya nga tinanggap ang pera, hindi niya rin sinunod ang order ko. Inilapag nito sa harap ko ang isang lumang tinapay na may kasamang tubig.
"What's this?" cold na tanong ko. Alam ko namang tinapay 'yon, pero bakit? Ginag*go ba nila ako?
"Base sa record mo, dahil baguhan ka pa lang, iyan lang ang pagkain na katapat ng rank mo. 'Yan lang ang pagkain na pwede sa iyo since napakababa pa ng popularity level mo. Kung gusto mong makakain ng masarap at marami, kailangan mong pataasin ang iyong rank. Matuto kang makipag kaibigan sa iba, gawin mo ang lahat para makilala ka. The more person you are with, the more and delicious your foods are," tamad nitong ani. Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Anong klaseng patakaran na naman ito ah? Pati ba naman sa pagkuha ng pagkain, at kung gaano ang pwede mong makain, mayroon ding basehan? P*tang*na naman!
Wala na akong ibang nagawa pa kun'di ang kunin ang platito na may lamang isang pirasong lumang tinapay at 'yong tubig. Bago ako humarap sa madla, isinuot kong muli ang maskara at itinago ang pagkainis.
Nakakahiya, tang*na talaga! Hindi ko alam kung ang tinitingnan nila ay ang mukha ko, o 'yung pagkain ko. Bwesit! Mabilaukan sana kayong mga hayop kayo!
Ngayon lang naging malinaw sa akin ang lahat kung bakit punuan at naiwang bakante ang mga single table. Para pala talaga sila sa mga loner at mga hindi sikat na kagaya ko.
Sinubukan kong kumalma at pinilit na lunukin ang pagkain na nasa harap ko. Hindi ko ine-expect na ganito ang sasapitin ko sa lugar na ito. Jusko! Kung alam ko lang naman, edi sana nagdala ako ng maraming pagkain at hindi na pumunta dito para mapahiya lang.
"Ito na po ang pagkain niyo," rinig kong ani no'ng isang babae habang inilalahad sa isang dilag ang dala-dala nitong pagkain. Ay wait, siya 'yong malditang papansin sa room! Uhm, if I am not mistaken, her name was Crisanta. Sana all ah ang daming fans. Pero kaya niya bang ubusin ang lahat ng iyon? Takte, parang pyesta na 'yong pagkain na nakahain sa lamesa niya samantalang mukhang nagdi-dyeta ang bobita. Ni hindi man lang niya agad nilantakan 'yong ma pagkain at mas inuna pa ang mag-ayos sa hawak niyang salamin.
"Ayaw ko niyan, itapon mo 'yan bilisan mo," malditang utos nito. Nag-hesitate 'yong babaeng inuutusan niya dahil shuta! Ipapatapon ba naman 'yong carbonara?! Kung ayaw niya edi sana ibigay na niya lang sa mga alagad niyang mukhang hindi pa kumakain.
Syempre dahil walang magagawa 'yong babae, sinunod na niya lang 'yong inutos no'ng bobitang si Crisanta. Hindi ko rin maintindihan ang mga nandirito sa purgatoryong to, kung sino pa ang mga pinagpala sa kagandahan, sila pa 'yong abang aarte! Inabangan kong makadaan sa harap ko 'yong babaeng inutusan niya para sana hingiin 'yong pagkain na itatapon. Takte, sayang kasi! Ako na ang nanghihinayang! Kakapalan ko na ang mukha ko dahil papatayin ako ng mga anaconda sa tyan ko kapag hindi sila nakakain nang sapat. Ang kaso! Hindi pa nakakahakbang 'yong babaeng utusan, eh natumba ito't naitapon sa mukha no'ng malditang buang 'yong carbona.
Hanep, sayang! Napunta sa totoong basurahan 'yong carbonara instead na sa tyan ko.
Kaagad na nagsisisigaw si Crisanta at agad na sinabunutan 'yong kaawa-awang dalagita. Ako namang hindi nakapagtimpi, kaagad na lumapit sa p'westo nila't inawat 'yong babaeng akala mo eh, may-ari ng school.
"What the f*ck! At sino ka naman?!" nanggagagalaiting sigaw nito. Hindi ko hilig ang makisawsaw sa mga ganitong setup pero nanggigigil ako eh. Hindi ko siya mapapatawad dahil nasayang sa mukha niya 'yong pagkain na dapat ay hihingiin ko.
Hinawakan ko nang mahigpit ang braso nito dahilan para mapaupo siya sa upuan. Pffft, taragis, ang dami-dami mong pagkain pero tumitiklop na kaagad 'yang katawan mo. Ni hindi ko pa nga inilalabas 'yong 50 percent ng lakas ko, paano pa kaya kapag sinapak kita ngayon.
"Anong tinutunganga niyo d'yan! Ilayo niyo ako sa baliw na 'to!" sigaw niya. Sinubukan akong pigilan no'ng tatlo niya pang alagad, ang kaso hindi sila uubra sa'kin. Well, nananalangin ako na sana mahina rin sila kagaya ng amo nila dahil hello?! Wala akong experience pag dating sa pakikipag-away. Ngayon ko lang talaga gagawin dahil gutom ako, napahiya, at naudlot 'yong pagdiriwang ng tyan ko.
Dali-daling nagsikilos 'yong mga pangit niyang alagd. May iba na humablot ng buhok ko, hinawakan ako sa braso para mabitiwan 'yong amo nila, at 'yong iba, tamang participation lang. Wala lang, nakahawak lang sila pero walang pwersa gano'n.
"What's going on here?" tanong no'ng isa pang babae na mukha atang isa rin sa mga alagad. Mabilis niyang naialis ang aking kamay at malakas akong itinulak dahilan para mapaupo ako sa sahig.
"Who the f*ck are you! Sinong nagbigay ng permiso sa iyo para saktan si Sopshia ah? Gusto mo na bang mamatay?" gigil nitong tanong. Psh, nakakatakot na 'yan? Pwe!
Tinaasan ko siya ng kilay habang pinapagpagan ang aking pwet. "Ako lang naman si Lianne. 'Yang amo mo kasi, masyadong feelingera. Akala mo naman hawak niya na ang buhay ng mga alagad niya't pwede niya nang gawin lahat ng gusto niya. Hindi marunong makuntento! Imbes na magpasalamat sa mga pagkain na nakahain sa harap niya nagawa niya pang mag-eskandalo," nanggigigil ko ring tugon. Bahala na kung kuyugin nila ako ng sabay-sabay. Totoo naman kasi ang sinabi ko. Pinakaayaw ko talaga sa lahat 'yong mga spoiled na tao na akala eh, porket may kapangyarihan silang tagalay, kinakaya-kaya na lang nila 'yong mga tao sa paligid nila. Ambot! Not me!
"Ano naman sa iyo? Kung naiinggit ka, pumikit ka!" bulalas nito. Tsss, kano-ano niya ba si Sophia? Kananag kamay? Ang taray ah!
"Sinong maiinggit? Ako? Ha! Ulol! Sumosobra na kasi 'yang boss mo! Kung ayaw mong may umepal, pagsabihan mo 'yang pinoprotektahan mo na sana naman, marunong pahalagahan 'yong mga taong nagsisilbi sa kan'ya!" tugon ko bago tuluyang umalis.
Alam ko naman na ang lame ng reason kung bakit ako sumabat, at isa pa, 'yong tinulungan kong babae ni hindi man lang ako kinampihan. Though, naiintindihan ko naman kasi nga 'di ba, baka parusahan siya o ano pa. Pero, wala lang, na-disappoint lang ako. Hmfp, next time nga babawas-bawasan ko na 'yong pagiging good girl ko. Mahirap na, baka 'yon pa ang maging reason kung bakit ako mategi ng maaga dito.
"Ohh? Anong tinitingin-tingn niyo d'yan? tapos na ang palabas kaya pwede na ulit kayong magsikain!" bulyaw ko doon sa mga estudyanteng titig na titig sa eksena.
Pagkabalik ko sa upuan, dali-dali kong inubos ang aking pagkain. Pinilit ko talagang lunukin 'yong tinapay kahit na labag sa aking loob. Kung bakit ba naman kasi, napaka-unfair ng polisiya dito.
Hindi nakaligtas sa akin ang mga mapanuring mga mata ni Crisanta at no'ng dakila niyang tagapagtanggol. Paniguradong bago matapos ang araw na ito eh, makakasalubong ko ang paghihiganti nila. Well, hindi naman ako takot kung mangyari man iyon. Papatulan ko sila hangga't kaya ko. Hindi man ako pinalaki ng mga magulang ko na maging basagulera, hindi rin naman nila ako pinalaki para magpaapi. Kung mamatay edi mamatay, ang importante lumaban ako.
LIANNE Tahimik ang paligid at sa awa ng Diyos eh lumabas ako sa cafeteria ng buhay, hindi nga lang busog, pero ayos na rin iyon. Habang binabagtas ang daan patungo sa room, nasalubong ko si Xaria. Naglalakad ito habang nakatingin sa malayo, pinagmamasdan niya 'yong pinakamataas na building na naka-locate sa parteng dulo ng Brimstone. Kakaiba ang itsura ng building na 'yon, at hindi rin kami nakarating ni Cassandra sa parteng 'yon dahil restricted area raw. "Sup yow? Still, breathing huh? Pagkatapos mong magsinungaling sa akin about sa curfew hours," ani ko. Naagaw ko ang atensyon niya ngunit hindi ito nag-react sa aking tinuran. "Alam mo, akala ko mabait ka, na pwede kitang maging magkaibigan kasi tinulungan mo ako. Pero bakit ka nagsinungaling sa akin na hanggang alas nwebe lang 'yong curfew ehhh inatake pa---" Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita dahil agad nitong tinakpan ang aking bibig. "Halika dito," bulong niya. Kinilabutan ako bigla
LIANNE Papatak ang ulan, hahalik sa lupa ang luha. Panibagong araw na naman ang malapit nang matapos, ngunit wala pa rin akong ideya kung saan ako magsisimula upang makuha ang inaasam na hustisya. In-expect ko na rin naman na hindi magiging madali para sa akin ang makuha ang aking gusto, ngunit ni minsan eh hindi pumasok sa utak ko na ganito ang aabutin ko sa loob. Hindi ko inaakalang makakatagpo ako ng mga taong hindi ko malaman kung dahil sa tagal na nilang nakakulong eh, naapektuhan ang kanilang pag-iisip at nabuang na silang tuluyan. "Lianne, alam mo naman na ang gagawin mo 'di ba? Hindi ko na ipapaalala sa'yong muli 'yong mga dapat mong tandaan kapag pumatak na sa ala-sais ang kamay ng orasan," mahinang ani Xaria. Well, para lang malaman niyo, limang minuto na lang ang natitira bago tumunog ang kampana. Alam ko naman na kailangan kong magmadali, ngunit ang inaalala ko, paano 'tong si Xaria? May kapansanan siya, at paano kung maabutan siya ng
Ang pinagtibay na kasunduan, mananatiling sikreto sa labas ng pintuang daan. Ang kodigong ibinurda ng tadhana, kung malalaman ay magdudulot ng malaking pinsala. Kung ang nais mo ay mabuhay at makawala, itago ang sikreto sa nag-aabang na dila. --------- MARCUS Umalingangaw na naman ang sigaw ng kampana, magsisimula na namang sumigaw ang mga kaluluwang kawawa. Siguro nagtataka kayo kunga bakit may ganitong patakaran sa Brimstone Academy na sa tuwing papatak ang ala-sais, kailangang nasa loob na ng kwarto ang lahat. To be honest hindi ko masasabi sa inyo kung ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit may ganito. Dumedepende kasi kung ano ang pinaniniwalaan ng mga mag-aaral tungkol sa curfew hours. May iba kasi na ang hinala eh, kapag pumatak ang ganitong oras, kung sino man ang mahuli, siya ang mamamatay. Meron namang iba na naniniwala na, kapag wala ka pa sa loob ng kwarto mo kapag curfew hours na, may masamang mangyayari sa pamilya m
LIANNE Sa isang hindi kilalang lugar kung saan malayo sa pamilya, malayo sa buhay na kinagisnan, malayo sa mga taong alam mong nand'yan sa oras ng pangangailangan, matapang kong sinuong. Kahit hindi ako sigurado kung kailan ako tatagal, kung mahahanap ko ba ang sagot sa mga tanong na tumatakbo sa utak ko araw-raw, kung maaabot ko ba ang inaasam na tagumpay, matapang kong sinuong. Pikit ang mga mata sa mga bagay na hindi ko maintindihan, nakasara ang mga tenga sa mga huni ng katatakutan, nananatiling nagmamasid sa gilid, nag-aabang ng impormasyong hihinto at makikipag-usap sa akin. Ngunit sa pagkakataong 'to, aking napagtanto, kailangan kong basagin ang luma kong pagkatao upang makasabay sa malakas na agos dito sa impyerno. Kailangan kong isuot permanente ang maskarang hindi sa akin, hindi ko aakalain. Panahon na upang gumising at lumaban. Panahon na upang bumangon at tanggapin ang katotohanang, hindi na ako ang mahinang ako,
"Kaya ano pang hinihintay mo? Matatapos na ang palugit sa ating dalawa. Kumilos ka Lianne. Kalimutan mo ang ipinunta mo rito at magsimula ng bagong plano. Kung ayaw mong mangyari sa iyo ang nangyari sa Kuya mo, hanapin mo ang taong tatapos sa iyo, unahan mo siya, patayin mo siya." LIANNE "Imulat mo ang iyong mata, hanapin mo siya~ Iyon ang propesiyang itatak mo sa iyong isipan. Gugugulin mo ang natitirang araw mo sa paaralang ito upang hanapin ang taong 'yon.Doon lang iikot ang buhay mo, doon lang." Doon lang~~ Doon lang~~ "HAAAAA!" malakas na bulalas ko habang habol-habol ang hininga. Takot na inilibot ko ang aking mga mata at napagtantong wala ako sa sarili kong kwarto. Nagsimula na namang gumapang ang kakaibang pakiramdaman, animo'y tinatakasan ako ng sarili kong katinuan. 'I don't want this feeling--' Pakiramdam ko hindi ko hawak ang aking katawan. Pakiramdam ko, m
CRISANTA "How's it? Baldado na ba ang braso noong baguhan?" sabik kong tanong kay Britney habang nakaupo kami rito sa lumang bench malapit sa girls dorm. Hind ito sumagot ngunit isang ngiti ang kan'yang iginanti. "Nice! Alam ko namang hindi mo ako bibiguin," proud kong ani habang mahigpit na nakahawak sa kan'yang kamay. "Of course, alam mo namang malakas ka sa akin kaya kahit ano, gagawin ko para sa iyo," cool na sabi nito. Itinago ko ang kilig na aking nadarama. Tama nga ang propesiyang natanggap ko noon, may gusto sa akin si Britney, at lahat ng sasabihin ko ay susundin niya. Siya ang magiging tulay ko upang makamit ko ang kasikatan na hinahanggad ko noong nasa labas pa lang ako. Ipapakita ko sa lahat ng mag-aaral ng Brimstone na ako lang ang nararapat nilang sundin dahil ako lang ang Reyna dito! "Panigurado, namimilipit na sa sakit ngayon ang babaeng 'yon. Walang tutulong sa kan'ya, walang makikinig sa sasabihin niya kung susubukan niy
CASSANDRA I really like Lianne's facial expression, sana pala kung noon ko pa nalaman na ganito kasarap ang enerhiyang kaya niyang ilabas, hindi muna ako nagpakabusog. "Hindi ka pa rin ba titigil? Don't worry, hindi naman kita sasaktan as long as hindi ka lumalabag sa dalawang patakaran," natatawang ani ko habang naghihingalo ito sa takot. Naririto na kami sa loob ng kan'yang silid at balak ko sanang manatili pa nang matagal dahil ang sabi ni Ama, baka ngayon na lumabas ang sikreto sa katawan nito. I wanted to devour her soul right now kung totoo man iyon. Alam niyo ba na kapag sinabi ng tao ang sikreto sa kanilang katawan, ito ay isang senyales na binibigyan kami ng permiso upang akuin ang kaluluwa nito? Like, in short, kami ang bahala kung ano ang gagawin namin sa kan'ya. Pwede naming gawing alalay, personal na pagkain, mga gano'n, depende sa trip. Pero ako? Kapag nalaman ko ang sekreto ni Lianne? Hindi na ako magdadalawang-isip, uubusin ko a
NASSUSBinalot ng malamig na hamog ang buong Ravenwood at isa lamang ang ibig nitong ipahiwatig. May paparating na bisita sa aming kaharian. Kakagising ko lang at hindi na magkandaugaga ang mga kasapi ko sa pag-aayos, pagpili, at paglilinis."What's going on? Darating ba ang Hari?" masayang tanong ko. Disapoointed na tiningnan ako ni Vanessa, isa sa mga kasapi ng SC. "Huh? Anong pinagsasasabi mo? Hindi pa ba nakarating sa iyo 'yong balitang ibabalik na ng Brimstone si Victor? Kasalukuyan na silang naglalakabay," wala sa loob na tugon nito. Saglit akong naguluhan dahil sa sinabi ni Vanessa.Anong sila?May kasama pang iba si Victor? Si Serah kaya? Si Marcus? Psh, hindi naman sasama ang ugok na 'yon, masyado siyang tamad para lumabas sa Brimstone."Si Serah ba ang kasama ni Victor?" tanong kong muli. Umikot ang mga mata ni Vanessa dahil mali ang hula ko. "Ang iyong Zhenikh ang kasama niya. Kaya kung ako sa'yo, maghanda ka na rin d