LIANNE
Sa isang hindi kilalang lugar kung saan malayo sa pamilya, malayo sa buhay na kinagisnan, malayo sa mga taong alam mong nand'yan sa oras ng pangangailangan, matapang kong sinuong.
Kahit hindi ako sigurado kung kailan ako tatagal, kung mahahanap ko ba ang sagot sa mga tanong na tumatakbo sa utak ko araw-raw, kung maaabot ko ba ang inaasam na tagumpay, matapang kong sinuong.
Pikit ang mga mata sa mga bagay na hindi ko maintindihan, nakasara ang mga tenga sa mga huni ng katatakutan, nananatiling nagmamasid sa gilid, nag-aabang ng impormasyong hihinto at makikipag-usap sa akin. Ngunit sa pagkakataong 'to, aking napagtanto, kailangan kong basagin ang luma kong pagkatao upang makasabay sa malakas na agos dito sa impyerno.
Kailangan kong isuot permanente ang maskarang hindi sa akin, hindi ko aakalain. Panahon na upang gumising at lumaban. Panahon na upang bumangon at tanggapin ang katotohanang, hindi na ako ang mahinang ako, hindi na ako ang mabait na ako, hindi na ako ang Lianne na hahayaang apihin ninuman.
Ngunit~
Paano ko iyon magagawa?
Hindi kung hindi na ako humihinga?
-------------------------------
"You're here again. Sasabihin ko itong muli, hindi ito ang lugar para sa iyo. Gumising ka, hangga't may natitirang buhay sa 'yong katawan. Lumaban ka, hangga't may natitirang lakas sa iyong kalamnan. Abutin mo ang hustisyang iyong hinihingi, singilin mo ang dapat na singilin," ani no'ng isang Lianne na kausap ni Kuya dati. Nagising akong siya ang nakita. Hindi ko alam kung bakit naririto ako at ang tanging hula ko lang ay marahil nagpaalam na ako sa mundo. Pinilit kong bumangon at laking gulat ko no'ng wala akong maramdamang kirot mula sa aking napuruhang braso.
"What should I do to go back? Bakit ba kita nakikita?" takang tanong ko. Tumayo siya't inakay rin ako. "I'm your~~" Hindi na niya natapos pa ang kan'yang sasabihin dahil bigla itong naglaho. Yumanig ang paligid dahilan upang mapaupo ako habang mariing tinatakpan ang aking mga tenga. Tumagal ito ng minuto at ang sumunod na nangyari ay ang paglitaw nitong muli sa aking harapan. May dala na itong dalawang bato at may nakukit sa mga ito. Sinubukan kong haplusin ang ibabaw ng bato at sa mga sandaling humalik ang palad ko, may naramdaman akong kakaiba. Tila may bumuhos at yumakap sa bawat sulok ng katawan ko na siyang labis kong ikinasiya.
"Close your eyes, tanggapin ang propesiyang sa iyo'y inihanda." Kaaagad na sumara ang aking mga mata, pinakinggan ko ang kan'yang sinasabi habang hinahabol ang mahabang sinulid na hindi ko alam kung saan tutungo. "Namnamin, pakiramdaman, habulin ang sinulid ng tadhana. Kapag narating mo na ang dulo nito, iyong haplusin ang bungo kung saan ito nakadikit, at doon mo malalaman kung ano ang iyong magiging tadhana sa loob ng purgatoryo," ani 'to.
Totoo nga ang kan'yang sinabi. Sa dulo ng sinulid, may bungo akong nakita. Ginawa ko ang kan'yang sinabi, and the moment na nahawakan ko ang bagay na iyon, may mga ala-alang pumasok sa utak ko.
Nakita ko kung paano pinatay si Kuya. Pilit siyang hinila ng tatlong nilalang na hindi ko makita ang mukha. Pinagsasaksak nila ito, at hindi pa sila nakuntento dahil pagkatapos nilang masigurong hindi na ito humihinga, pinutol nila ang bahagi ng kan'yang katawan. Ulo, kamay, binti, dibdib, tyan. Ang lahat ng ito'y pinalapa nila sa mga aso.
Gusto kong imulat ang aking mga mata dahil hindi ko kinakaya ang tanawing nakikita, ngunit hindi ko ito magawa. Laking pasalamat ko no'ng nagbagong muli ang lugar. Isang naka maskarang babae na may hawak na chainsaw ang tumatakbo patungo~~~
SA AKIN?
Tumakbo ako nang mabilis, sa sobrang takot pakiramdam ko mauuna pa akong atakihin sa puso kesa mapatay ng hindi kilalang nilalang. "Ahhhh," bulalas ko no'ng sumabit ang paa ko sa bato dahilan upang mapasubsob ako sa lupa. Pinilit ko kaagad na tumayo ngunit tumama na sa aking binti ang talim ng chainsaw. Sumigaw ako nang malakas, ngunit tanging kami lang dalawa ang narooon kaya imposibleng may tumulong sa akin. Tila mababaliw ako no'ng tumalsik sa aking harap ang naputol na binti. Pinaghalong pawis at dugo ang siyang umaagos sa aking balat. Hindi ko mahawakan ang pinagputulan dahil nakatapak doon ang kan'yang paa.
Labis na kilabot ang nararamdaman ko ngayon. Akala ko ba ito'y panaginip lamang? Ngunit bakit abot-abot ang sakit na aking nababatid?
"AHHHHHHHHHHHH!!!!" walang humpay kong sigaw no'ng pilit niyang inilalapit sa aking bibig ang dulo ng hawak niyang armas.
Patuloy akong umiiyak, nagmamakaawa na huwag niyang gawin kung ano man ang kan'yang binabalak. Ngunit hindi niya ako pinakinggan, sarado ang kan'yang tenga sa mga hiyaw na pinakawalan ko, at tila hindi man lang siya kinilabutan sa tanawing natatanaw niya sa ibaba habang ipinapasok niya ang talim ng chainsaw sa aking bunganga. Nagkalasog lasog ang aking bibig ngunit hindi niya ito itinuloy noong malapit na itong dumampi sa aking leeg. Gusto niya akong makitang nahihirapan, gusto niya akong magdusa nang matagal. Hindi na ako makasigaw at tanging pag-iyak na lang ang nagagawa ko sa ngayon.
Saglit siyang tumigil at dinaganan ang aking dibdib. Isa-isa niyang tinuro ang natitirang bahagi ng aking katawan. Tila ba naglalaro siya upang malaman kung ano ang kan'yang isusunod.
EENIE MINNIE MINEY MOE
ANONG BAHAGI ANG ISUSUNOD KO?
KAMAY, BINTI, TIYAN, O ULO?
ALIN SA MGA ITO ANG PUPUTULIN KO?
Isang malagim na halakhak ang yumanig sa aking pagkatao. Tumapat ang kan'yang kamay sa aking tiyan. Labis-labis na takot ang siyang aking naramdaman. Tumayo na ito't sinimulan na naman niya ng paandarin ang chainsaw. Tila tunog ng kamatayan ang tumataginting sa aking tenga.
Ayaw ko na~~~
Ayaw ko na~~~
Kung panaginip man ito, gusto ko nang magising!
Parang-awa na, gisingin naua sa bangungot na ito.
Kinain ng mahabang patalim ang aking tiyan, nagkalasog lasog ang aking mga bituka at tumilapon ito sa iba't-ibang lugar. May napunta sa aking dibdib, sa aking mukha, sa aking buhok. Hindi ko na kinaya pa ang nararamdamang sakit, hinihintay ko na lang na bawian ako ng buhay ngunit bakit tila hindi iyon mangyayari hangga't hindi niya napupuruhan ang aking puso? Kahit maraming dugo na ang nawala sa akin at patuloy na nawawala, hindi pa rin ako nanghihina.
"Tapusin mo na ang paghihirap ko, parang-awa mo na," pakiusap ko doon sa nilalang. Kahit na sa loob ko lang iyon nasabi, sana naman sa pamamagitan ng aking namamagang mata, maintindihan niya kung ano ang aking gustong iparating. Matagumpay niyang naputol ang ibabang bahagi ng aking katawan at sana naman sapat na iyon sa kan'ya upang tumigil.
EENIE MINNIE MINEY MOE
ANONG BAHAGI ANG ISUSUNOD KO?
KAMAY, BINTI, PUSO, O ULO?
ALIN SA MGA ITO ANG PUPUTULIN KO?
"PLEASE!!! KILL ME NOW!" pagsusumamo ko sa loob-loob ko. Hindi na ako makahiya at hindi na ako makapagsalita pa.
Tumapat ang kan'yang daliri sa aking kamay. Laking pagkabigo ang aking naramdaman dahil ayaw niya talaga akong tantanan.
Gaya ng dati, hinintay kong mawalan ng mga kamay at sa isang iglap lang ay nangyari nga ito. Humahapdi at lumalabo na aking paningin dahil sa dugong bumabalot sa ibabaw ng aking mga mata.
Kailan ba matatapos ang bangungot na ito? Sandali?
Paano kung hindi bangungot?
Paano kung totoong nangyayari nga ito sa akin?
Anong gagawin ko?
Anong gagawin ko?
EENIE MINNIE MINEY MOE
ANONG BAHAGI ANG ISUSUNOD KO?
WALA NANG KAMAY, WALA NANG BINTI, PUSO, O ULO?
ALIN SA MGA ITO ANG PUPUTULIN KO?
Nagbunyi ang aking kaluluwa nang sa wakas tumapat na ang kan'yang daliri sa aking puso. Ngunit hindi niya ito sinunod. Pinutol niya ang sarili niyang hintuturo at inulit ang pagpili. Gamit ang kan'yang hinlalato. Noong tumapat ito sa aking ulo ay nagtatatalon ito sa tuwa. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil ito na ang katapusan para sa akin.
Nagngangalit na kumiskis ang talim sa aking leeg at hindi man lang umabot ng dalawang segundo dahil humiwalay na ito sa aking katawan. Gumulong ang aking kawawang ulo palayo sa nakakatakot na tanawin ngunit ang inaakala kong katapusan ay hindi ko pa rin narating. Walang pakundangan niyang binutas ang aking dibdib habang masayang ninanakaw ang aking puso. Hindi ko maaninag nang mabuti ang lahat ngunit sapat na upang malaman kung ano ang ginagawa niya. Tinanggal nito ang kan'yang maskara dahilan upang pilitin kong imulat ang aking mga mata. Lumugay ang mahaba nitong buhok at ang mga susunod na nangyari ay talagang nagpagimbal sa akin.
Hindi siya nag-alinlangang kainin ang malansang bagay. Sabik siyang ginawa iyon at doon na nagtatapos ang lahat. Nagdilim na ang aking paningin at tapos na.
Tapos na.
"Is it done?" nakangiting tanong sa akin no'ng isang Lianne nang matagumpay kong naimulat ang aking mga mata. Sa sobrang takot, bigla ko itong hinagkan nang mahigpit.
Hinaplos niya ang aking likod at patuloy na pinapatahan.
"I--I thought I'm going to die. Akala ko katapusan ko na talaga na hindi na ako gigising na totoong nangyayari 'yon sa akin," nangangatal at puno ng takot na sabi ko.
"Yah, totoo talagang mangyayari 'yon sa iyo. That's your prophecy afterall. Kung hindi ka kikilos, at hindi mo mahahanap kung sino ang maaaring gumawa nito sa iyo, katapusan mo na," ani 'ya.
Umiling ako ng ilang beses dahil hindi ako makapaniwalang iyon ang mgiging kamatayan ko. Ngunit sinong matinong nilalang ang kakain ng puso?
"Kaya ano pang hinihintay mo? Matatapos na ang palugit sa ating dalawa. Kumilos ka Lianne. Kalimutan mo ang ipinunta mo rito at magsimula ng bagong plano. Kung ayaw mong mangyari sa iyo ang nangyari sa Kuya mo, hanapin mo ang taong tatapos sa iyo, unahan mo siya, patayin mo siya."
Warning: This chapter contains detailed violence. If you think you can't handle it, SKIP THIS CHAPTER!
"Kaya ano pang hinihintay mo? Matatapos na ang palugit sa ating dalawa. Kumilos ka Lianne. Kalimutan mo ang ipinunta mo rito at magsimula ng bagong plano. Kung ayaw mong mangyari sa iyo ang nangyari sa Kuya mo, hanapin mo ang taong tatapos sa iyo, unahan mo siya, patayin mo siya." LIANNE "Imulat mo ang iyong mata, hanapin mo siya~ Iyon ang propesiyang itatak mo sa iyong isipan. Gugugulin mo ang natitirang araw mo sa paaralang ito upang hanapin ang taong 'yon.Doon lang iikot ang buhay mo, doon lang." Doon lang~~ Doon lang~~ "HAAAAA!" malakas na bulalas ko habang habol-habol ang hininga. Takot na inilibot ko ang aking mga mata at napagtantong wala ako sa sarili kong kwarto. Nagsimula na namang gumapang ang kakaibang pakiramdaman, animo'y tinatakasan ako ng sarili kong katinuan. 'I don't want this feeling--' Pakiramdam ko hindi ko hawak ang aking katawan. Pakiramdam ko, m
CRISANTA "How's it? Baldado na ba ang braso noong baguhan?" sabik kong tanong kay Britney habang nakaupo kami rito sa lumang bench malapit sa girls dorm. Hind ito sumagot ngunit isang ngiti ang kan'yang iginanti. "Nice! Alam ko namang hindi mo ako bibiguin," proud kong ani habang mahigpit na nakahawak sa kan'yang kamay. "Of course, alam mo namang malakas ka sa akin kaya kahit ano, gagawin ko para sa iyo," cool na sabi nito. Itinago ko ang kilig na aking nadarama. Tama nga ang propesiyang natanggap ko noon, may gusto sa akin si Britney, at lahat ng sasabihin ko ay susundin niya. Siya ang magiging tulay ko upang makamit ko ang kasikatan na hinahanggad ko noong nasa labas pa lang ako. Ipapakita ko sa lahat ng mag-aaral ng Brimstone na ako lang ang nararapat nilang sundin dahil ako lang ang Reyna dito! "Panigurado, namimilipit na sa sakit ngayon ang babaeng 'yon. Walang tutulong sa kan'ya, walang makikinig sa sasabihin niya kung susubukan niy
CASSANDRA I really like Lianne's facial expression, sana pala kung noon ko pa nalaman na ganito kasarap ang enerhiyang kaya niyang ilabas, hindi muna ako nagpakabusog. "Hindi ka pa rin ba titigil? Don't worry, hindi naman kita sasaktan as long as hindi ka lumalabag sa dalawang patakaran," natatawang ani ko habang naghihingalo ito sa takot. Naririto na kami sa loob ng kan'yang silid at balak ko sanang manatili pa nang matagal dahil ang sabi ni Ama, baka ngayon na lumabas ang sikreto sa katawan nito. I wanted to devour her soul right now kung totoo man iyon. Alam niyo ba na kapag sinabi ng tao ang sikreto sa kanilang katawan, ito ay isang senyales na binibigyan kami ng permiso upang akuin ang kaluluwa nito? Like, in short, kami ang bahala kung ano ang gagawin namin sa kan'ya. Pwede naming gawing alalay, personal na pagkain, mga gano'n, depende sa trip. Pero ako? Kapag nalaman ko ang sekreto ni Lianne? Hindi na ako magdadalawang-isip, uubusin ko a
NASSUSBinalot ng malamig na hamog ang buong Ravenwood at isa lamang ang ibig nitong ipahiwatig. May paparating na bisita sa aming kaharian. Kakagising ko lang at hindi na magkandaugaga ang mga kasapi ko sa pag-aayos, pagpili, at paglilinis."What's going on? Darating ba ang Hari?" masayang tanong ko. Disapoointed na tiningnan ako ni Vanessa, isa sa mga kasapi ng SC. "Huh? Anong pinagsasasabi mo? Hindi pa ba nakarating sa iyo 'yong balitang ibabalik na ng Brimstone si Victor? Kasalukuyan na silang naglalakabay," wala sa loob na tugon nito. Saglit akong naguluhan dahil sa sinabi ni Vanessa.Anong sila?May kasama pang iba si Victor? Si Serah kaya? Si Marcus? Psh, hindi naman sasama ang ugok na 'yon, masyado siyang tamad para lumabas sa Brimstone."Si Serah ba ang kasama ni Victor?" tanong kong muli. Umikot ang mga mata ni Vanessa dahil mali ang hula ko. "Ang iyong Zhenikh ang kasama niya. Kaya kung ako sa'yo, maghanda ka na rin d
NASSUSMalamig na hangin ang gumising sa katawan ko. Pagkamulat ko ng mata nakita ko si Cassandra na nakayakap sa walang saplot kong katawan. Iniangat ko ang kumot na nakabalot sa aming katawan at doon ko napagtanto na hindi lang ako ang nakahubad kun’di pati na rin siya. Kahit nagdiriwang ang puso ko sa tuwa, naguguluhan akong bumangon dahil wala akong maalala sa nangyari.Hindi ko mabaliktanaw ‘yong ginawa namin, o kung ginawa ba talaga namin.“Good morning,” garalgal na bati ni Cassandra. Ginawadan ako nito ng halik sa braso tapos bumangon na rin.Hindi siya nagdalawang-isip na takpan ang katawan nito noong dumausdos sa kan’yang balat ang kumot.“What? Is there something on my face?” naguguluhang tanong nito. “Did we make it?” tanong ko pabalik. Kumunot ang noo nito na para bang hindi siya makapaniwala sa aking pinakawalang tanong. “Are you for real? Of course!” mabilis nito
NASSUSMalamig na hangin ang gumising sa katawan ko. Pagkamulat ko ng mata nakita ko si Cassandra na nakayakap sa walang saplot kong katawan. Iniangat ko ang kumot na nakabalot sa aming katawan at doon ko napagtanto na hindi lang ako ang nakahubad kun’di pati na rin siya. Kahit nagdiriwang ang puso ko sa tuwa, naguguluhan akong bumangon dahil wala akong maalala sa nangyari.Hindi ko mabaliktanaw ‘yong ginawa namin, o kung ginawa ba talaga namin.“Good morning,” garalgal na bati ni Cassandra. Ginawadan ako nito ng halik sa braso tapos bumangon na rin.Hindi siya nagdalawang-isip na takpan ang katawan nito noong dumausdos sa kan’yang balat ang kumot.“What? Is there something on my face?” naguguluhang tanong nito. “Did we make it?” tanong ko pabalik. Kumunot ang noo nito na para bang hindi siya makapaniwala sa aking pinakawalang tanong. “Are you for real? Of course!” mabilis nito
'Sa paaralang ito, may dalawa kang patakaran na dapat sundin. Panatilihing ang dila at mata ay sa iba nakatingin, sikreto mo'y itago nang mariin. Kung gusto mong mabuhay ay iyong panatilihing, itikom ang bibig at buksan ang isip.' "Lianne! What the f*ck?! Tutuloy ka pa rin, despite the fact na delikado ang lugar na 'yon? Nahihibang ka na ba? Nawala na sa'kin ang Kuya ko, pati ang Kuya mo! Tapos ngayon, isusugal mo ang kaluluwa mo sa loob?" ani Mariz, kababata ko. Pilit kong tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa dala-dala kong maleta. Wala na akong oras para makipag-dramahan sa kan'ya. Buo na ang desisyon ko na suungin ang impyernong 'yon para hanapin kung sino ang pumatay sa kapatid ko. "Mariz, let me go," walang buhay kong utos. Hindi niya ako pinakinggan kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang kaladkarin siya kasama ang maleta. Nang sandaling bumitaw ang kan'yang kamay, malalakas na palahaw ang pinakawalan nit
LIANNE Bakit gan'yan sila makatingin sa'kin? May dumi ba ako sa mukha? Weird ba ng suot ko? Sarap dukutin ng mga mata! "Okay class, let's welcome your new classmate," masayang ani ng Guro habang mapaklang nakangiti sa mga mag-aaral. Psh, halatang mga plastik, okay lang naman sa akin kahit ibalandra nila 'yong totoong nararamdaman nila, bakit pa sila nagpapakahirap na magbato ng pekeng ngiti sa harap ko. "New classmate? Baka new prey kamo," balagbag na sagot no'ng isang babae sa likuran. "Sophia, shut your mouth," mariing pagbabanta ng Guro. Isinawalang bahala ko na lang ang pagpapapansin ng kung sino mang buang na 'yon at mabilis na nagpakilala sa madla. "My name is Lianne Gabrielle Villamuel. Kung ayaw niyo sa'kin, ayaw ko rin sa inyo. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko para mag-fit sa standards na gusto niyong makita sa isang baguhan. Sana maliwanag 'yon sa inyo," mayabang kong ani. Naglakad na ako papunta sa bakanteng upuan sa dulong part