Owned By The CEO

Owned By The CEO

last updateLast Updated : 2022-07-31
By:   GirlInNight  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
11Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Walang ibang hinangad si Amanda Lopez kung hindi mabuo ulit ang pamilya nila pero dahil may sari-sarili nang pamilya ang kanyang magulang, sa kanyang Auntie na siya lumaki. Pero niya maiwasang mangulila sa pagmamahal ng isang ama at ina. Kaya nang makilala niya si Enrico Saldivar at mag-offer ito na tulungan siyang mapalapit sa kanyang ama kapalit na maging secretary siya nito ay tinanggap agad niya. May mabubuo kayang pag-ibig sa kanilang dalawa? O isang matinding pasakit lang ulit ang mararamdaman ni Amanda?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

“Alam mong hindi na puwede ang gusto mo, Amanda,” sambit ni Amelia, ang kaniyang ina. Nakiusap siyang magkita sila sa Menchie’s restaurant. “Pero gusto kong mabuo ulit tayo, Mama,” sambit niya.“Alam mong may pamilya na ako at ganoon din ang ama mo. Kahit kailan, hindi na tayo mabubuo. Ilang beses ba dapat sabihin at ipaintindi sa ’yo ’yan?”“May pamilya na nga kayo, pero paano ako?” Nangilid ang luha niya sa tanong na iyon. “Iniwan ninyo akong mag-isa ni Papa habang kayo masaya na,” sambit niya. Tumingin siya sa mga mata ng ina at hinintay ang sagot nito pero isang tunog ng cellphone ang narinig niya.“Tumatawag na ang Tito Markus mo, kailangan ko nang umuwi,” sambit ng ina niya at tumayo. Napayuko siya at tila may gumuhit sa dibdib niya nang hindi man lang pinansin nito ang sinabi niya. Naramdaman niyang walang pakealam ang ina sa kung ano ang nararamdaman niya.Maagap niyang pinunasan ang luha at mapait na ngumiti. “I’m sorry, Amanda, but I need to go. Babawi ako sa ’yo next time,...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Nami Astoria
Maganda po ang story. keep updating, author :)
2022-07-16 12:40:13
1
11 Chapters
Chapter 1
“Alam mong hindi na puwede ang gusto mo, Amanda,” sambit ni Amelia, ang kaniyang ina. Nakiusap siyang magkita sila sa Menchie’s restaurant. “Pero gusto kong mabuo ulit tayo, Mama,” sambit niya.“Alam mong may pamilya na ako at ganoon din ang ama mo. Kahit kailan, hindi na tayo mabubuo. Ilang beses ba dapat sabihin at ipaintindi sa ’yo ’yan?”“May pamilya na nga kayo, pero paano ako?” Nangilid ang luha niya sa tanong na iyon. “Iniwan ninyo akong mag-isa ni Papa habang kayo masaya na,” sambit niya. Tumingin siya sa mga mata ng ina at hinintay ang sagot nito pero isang tunog ng cellphone ang narinig niya.“Tumatawag na ang Tito Markus mo, kailangan ko nang umuwi,” sambit ng ina niya at tumayo. Napayuko siya at tila may gumuhit sa dibdib niya nang hindi man lang pinansin nito ang sinabi niya. Naramdaman niyang walang pakealam ang ina sa kung ano ang nararamdaman niya.Maagap niyang pinunasan ang luha at mapait na ngumiti. “I’m sorry, Amanda, but I need to go. Babawi ako sa ’yo next time,
last updateLast Updated : 2022-06-06
Read more
Chapter 2
“Argh! Ang sakit ng ulo ko!” daing niya nang siya’y magising. Umupo siya sa kama at napabuntonghininga nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang Auntie Nita, na may dalang tray habang may nakapatong na kape at mangkok.“Oh, hang-over? Ito, kape at mainit na sabaw,” sambit nito at ipinatong sa side table ng kama niya. Nakangiti ang Auntie niya habang inilalapag ang mangkok at tasa ng kape. “Inumin mo na habang mainit pa para makapagpahinga ka,” dagdag pa nito at nilingon siya. Seryoso lang siyang nakatingin sa kaniyang Auntie at iniisip kung bakit sobra ang pag-aalaga na ipinaparamdam sa kaniya.“Bakit ganiyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?” tanong nito. Napangiti siya at saka umiling.“Nothing, Auntie,” sagot niya. Tumango lang ang Auntie niya at naglakad na palabas. Nasa bukana na ng pinto ang Auntie niya nang tawagin niya. “Auntie.”“Yes?”“Thank you.”Kinindatan lang siya nito bago tuluyang lumabas. Napatawa na lang siya sa ginawa ng Auntie niya. Maaaring w
last updateLast Updated : 2022-06-06
Read more
Chapter 3
NAPABALIKWAS siya ng bangon nang marinig na tumunog ang cellphone. Pero natigilan siya nang makita ang kuwarto na hindi pamilyar sa kaniya. Dahil doon ay mabilis niyang sinilip ang katawan sa ilalim ng kumot. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may damit pa siya. “Phew! May damit pa ako,” bulong niya.Muling tumunog ang cellphone niya kaya mabilis niyang kinuha ang cellphone na nasa loob ng kanyang sling bag at nakitang ang kanyang Auntie Nita ang tumatawag. “Si Auntie, baka hinahanap na ako nito,” bulong niya bago sagutin ang tawag.“H-hello, Auntie?”“Amanda, where are you? It’s already eight in the evening.” Sa tanong na ’yon ng Auntie niya ay muli niyang inikot ang tingin sa paligid. Sinubukan niyang alalahanin kung nasaan siya pero wala siyang maalala kung ano ang nangyari kagabi at kung paano siya napunta roon. “Amanda?” “A-ah, mamaya na lang ako magpapaliwanag, Auntie,” aniya at pinatay na ang tawag. Bumaba siya ng kama at muling iginala ang tingin sa loob ng silid. B
last updateLast Updated : 2022-06-06
Read more
Chapter 4
HABANG bumabyahe pauwi ay unti-unting naalala ni Amanda ang nakitang panloloko ni Nico sa kanya kaya napatigil siya sa pagmamaneho. Gumilid siya sa kalsada para hindi makasagabal sa ibang dadaan. “Oh, bakit ka tumigil?” tanong ni Lorie Anne. “Naalala ko na ang nakita kong panloloko ni Nico pero hanggang doon lang. Hindi ko pa rin matandaan kung paano ako napunta sa kwarto,” aniya at bumuntong hininga. Sumandal siya sa upuan.“Hindi ko naisip na gagawin ’yon ni Nico sa akin. Alam niya ang buhay ko at kung ano ang nangyari sa akin kaya akala ko hindi niya maiisip na lokohin ako…” Tumigil siya at tumingin sa kaibigan. Mapait siyang napangiti at napailing. “Sabi ko pa naman, kapag nakaipon ako at inalok niya akong magsama kami ay papayag na ako pagkatapos ganoon pala ang gagawin niya.” Nangilid ang luha niya pero agad din niyang pinunasan. “Inayawan ako ng magulang ko at hindi ko inakalang maging ang taong mahal ko ay aayawan ako. Ano ba ang mali sa akin, Lorie?” tanong niya at hindi
last updateLast Updated : 2022-06-06
Read more
Chapter 5
PARANG binuhusan ng malamig na tubig si Amanda nang makita ang mukha ng taong mag-i-interview sa kanya. Dahil nang magtagpo ang kanilang mga mata, tila may bombilyang pumitik sa turnilyo ng utak niya at isang eksena ang naalala. Hindi niya inasahang maalala niya ang nangyari noong gabing nalasing siya at nagising sa isang kuwarto.Malinaw na malinaw na tumatakbo sa utak niya ang halik nito at pakiusap niya sa lalaking ito na halikan siya. Mariin siyang napailing habang umaatras. “Impossible,” bulong ni Amanda habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang sling bag. “Sir--”“Can you leave us alone, Shane?” Nilingon nito sandali ang babae na agarang tumango at iniwan silang dalawa. “Remember me now, baby,” nakangising sambit ni Eric nang tumayo siya at humakbang para lapitan si Amanda. Pero mabilis na lumayo si Amanda at sunod-sunod na umiling.“H-huwag kang lalapit!” sigaw niya. She can’t believe na galit siya kay Nico dahil niloko siya nito, pero sa araw rin na ’yon ay nagpahalik si
last updateLast Updated : 2022-06-06
Read more
Chapter 6
NAKANGITI siyang sinalubong ang kanyang Auntie sa coffee shop nito at saka bumeso. Pinaupo siya nito at kinuhaan ng tubig at cupcake. “Thanks, Auntie,” sambit niya.“No worries, pero bakit ang bilis mo yata mag-apply? Tapos na agad?” tanong nito sa kanya. Nabilaukan siya sa kinakain niyang cupcake dahil sa tanong na iyon kaya mabilis niya kinuha ang isang basong tubig.“Oh, dahan-dahan naman. May mali ba sa tanong ko at parang nagulat ka?” Nagtatakang tanong nito. Tinapos muna niya ang pag-inom ng tubig bago umiling at ngumiti.“Wala, Auntie. Naalala lang siguro ako ni Lorie,” sagot niya. Tumango-tango ang kanyang Auntie at hindi na muling nagtanong dahil may dumating na rin na customer sa coffee shop nito. Naiwan siyang mag-isang nakaupo kaya hindi na naiwasang maalala ang eksena sa opisina kanina. Marahan din niyang pinupokpok ang ulo dahil sa kagagahan niyang ginawa. “Bakit ba kasi ako nagpakalasing ng sobra noon? Kung anu-ano tuloy ginawa ko,” saad niya at muling kumain ng cupc
last updateLast Updated : 2022-06-21
Read more
Chapter 7
Chapter 7ALAS nuebe na ng maluto ang sinigang at kasabay no’n ang pagdating ni Lorie Anne. Naghahain na si Amanda habang galing sa kusina ang kanyang Auntie Nita dala ang sinigang sa mangkok.“Hi!” bati nito at malawak na ngumiti. “Sakto, maupo ka na at sumabay ka na sa amin,” sambit ng auntie niya. “Wow! Tamang-tama, gutom na ako,” sagot naman ni Lorie Anne. Naiiling na lang siya habang umuupo.“Oh, teka at ikukuha kita ng plato,” sambit ni ng kanyang auntie at pumunta sa kusina. Naiwan silang dalawa. Tumabi sa kanya si Lorie Anne at bumulong. “Kumusta pag-apply mo?” “Mamaya ko na sasabihin, kakain na rin naman,” sagot niya. Hindi na umimik ang kaibigan dahil dumating na rin ang auntie niya habang may hawak na plato. Inilapag ito sa tapat ni Lorie Anne.“Kumain na tayo.”PAGKATAPOS nila kumain, niligpit din ni Amanda at hinugasan upang makapag-usap na sila ni Lorie Anne dahil kating-kati na ang kaibigan na malaman ang sasabihin niya. Hindi niya alam pero pagdating sa kadaldalan,
last updateLast Updated : 2022-07-06
Read more
Chapter 8
PAGPATIGIL ng sasakyan nila sa tapat ng mall, bumaba agad sila at pumasok sa loob. Pero agad siyang napatigil nang may mapansin na pamilyar na mukha sa harapan nila ni Lorie. Walang iba kundi si Nico, may kasamang iba. “Bakit ka tumigil?” Nilingon siya ni Lorie pero ang mga mata niya ay nakatingin kay Nico kaya sinundan iyon ni Lorie. “Nothing. Let’s go, Lorie,” sambit niya at hinila na ang kaibigan. Hindi na nakapagsalita si Lorie at nagpatianod na lang. “Amanda, sandali lang.” Hinawakan siya nito sa kamay. Tiningnan niya lang iyon at agad na binawi ang kamay niya nang hindi tumitingin sa mga mata nito. Hindi siya umalis ngunit hindi rin siya nagsalita.“Let me explain,” saad nito. “Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo, Nico. The moment na sinagot kita, sinabi ko na sa ’yo ng diretso na huwag mo akong lolokohin na puwedeng maka-trigger sa trauma ko. Alam mo naman ang lahat sa akin, ’di ba?” sambit niya saka tiningnan si Nico sa mga mata. Dumaan ang lungkot sa mukha nito habang nak
last updateLast Updated : 2022-07-14
Read more
Chapter 9
PASADO Alasyete na at tila nag-enjoy na siya sa panonood pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa loob niya. Gustong-gusto na niyang umuwi pero hindi niya makausap si Danny o kahit si Lorie. Malayo kasi si Danny sa kanila habang tutok na tutok naman si Lorie sa bawat race. At si Danny na ang sunod na sasalang sa race nang may tumabi sa kanya. “If I win that race, will you accept my offer?” Malamig ang boses at pamilyar sa kanya. Nang lingunin niya kung sino iyon ay hindi na siya nagulat pa. “Hindi ko tatanggapin ang offer mo kahit sampung emails pa i-send mo araw-araw sa akin, at kahit manalo ka pa ng tatlong beses dito ganoon pa rin ang sagot ko,” masungit niyang sagot. Hiindi na nakasagot ang kausap niya dahil sabay na nag-ring ang cellphone nila. Mabilis niya iyong sinagot at lumayo kay Enrico dahil auntie niya ang tumawag. Nagpaalam naman siya kanina kaya nagtaka siya sa pagtawag nito. “Hello, auntie, napatawag po kayo?” tanong niya. Hindi pa man nagsasalita ang auntie niya ay
last updateLast Updated : 2022-07-16
Read more
Chapter 10
Wednesday Morning.Nasa kalagitnaan ng pagre-review ng mga plano si Enrico para sa kompanya nila nang sumulpot si Dale sa kanyang opisina. “Yow, pinsan!” bati nito saka naupo sa upuang nasa tapat ng mesa niya. Dumekwatro ito at inilagay ang dalawang palad sa batok. “Ang dami mo yatang oras para magpunta rito imbes na magtrabaho,” sambit niya nang hindi nililingon ang kausap. “Nag-survey ako sa mga chixx kung ano prepare nilang pulutan o kung ano ang gusto nila kung sakaling mag-clubbing sila. Pandagdag din sa Circle Club. Natapos na ako kaya naisipan kong dumaan dito.” “Sumayaw ka sa gitna ng naka-boxer lang, tingnan natin kung hindi ka dumugin ng customers,” sambit niya nang hindi nililingon si Dale. Napaayos ng pagkakaupo si Dale at mabilis na tumitig sa kanya na abala pa rin sa pag-review. Nabigla ito sa sinabi niya, akala nito’y may kasama sila sa loob. “What the hell, Enrico! May ganyan ka rin pa lang iniisip? Akala ko puro ka lang babae--” Natigilan siya nang makuha ang sin
last updateLast Updated : 2022-07-21
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status