Share

Chapter 4

HABANG bumabyahe pauwi ay unti-unting naalala ni Amanda ang nakitang panloloko ni Nico sa kanya kaya napatigil siya sa pagmamaneho. Gumilid siya sa kalsada para hindi makasagabal sa ibang dadaan. 

“Oh, bakit ka tumigil?” tanong ni Lorie Anne. 

“Naalala ko na ang nakita kong panloloko ni Nico pero hanggang doon lang. Hindi ko pa rin matandaan kung paano ako napunta sa kwarto,” aniya at bumuntong hininga. Sumandal siya sa upuan.

“Hindi ko naisip na gagawin ’yon ni Nico sa akin. Alam niya ang buhay ko at kung ano ang nangyari sa akin kaya akala ko hindi niya maiisip na lokohin ako…” Tumigil siya at tumingin sa kaibigan. Mapait siyang napangiti at napailing. “Sabi ko pa naman, kapag nakaipon ako at inalok niya akong magsama kami ay papayag na ako pagkatapos ganoon pala ang gagawin niya.” Nangilid ang luha niya pero agad din niyang pinunasan.  

“Inayawan ako ng magulang ko at hindi ko inakalang maging ang taong mahal ko ay aayawan ako. Ano ba ang mali sa akin, Lorie?” tanong niya at hindi na napigilang umiyak. 

Dahil buong buhay niya ang tanging gusto lang niya ay maging masaya. Hindi na iyon maibibigay ng magulang niya kaya sa mga taong nakapaligid na lang sa kanya siya umaasa ng totoong saya. 

Naiiyak din si Lorie Anne sa nakikitang kalagayan ng kaibigan kaya gusto niya palagi siyang kasama ni Amanda kapag ganitong nasasaktan siya.

“Shh. Tahan na, ayawan ka man nila nandito naman kami ng Auntie mo. Hindi ka namin iiwan.” Pagpapalakas ng loob ni Lorie sa kaibigan. Alam niyang may problema ang kaibigan kaya hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Nico.

“May mali ba sa akin?”

“Walang mali sa ’yo. Sila ang may mali dahil hindi nila alam na nakakasakit na sila. Mabuti pa umuwi na tayo dahil nag-aalala na ang Auntie mo.”

Tumango si Amanda at ngumiti sa kaibigan. Hindi man nawala ang sakit na naramdaman, gumaan naman kahit papaano ang kanyang pakiramdam. Marahil tama nga si Lorie Anne, may kaibigan at Auntie pa siya kaya hindi dapat siya nag-iisip na parang mag-isa na siya.

Hindi na siya sumagot at pinaandar na ang sasakyan pauwi sa kanyang Auntie.

NAKAUPO sa sofa si Amanda habang nakatayo sa harap niya ang kanyang Auntie at nakakrus ang mga braso sa dibdib nito. Hindi nito nagustuhan ang ginawa niya dahil nag-alala sa kanya ng sobra.

“Half-day ako sa shop at pag-uwi ko rito hindi kita dinatnan, ni hindi kita ma-contact. Pagkatapos gabi na wala ka pa, saan ka ba galing?” lintanya nito. 

Tumingin siya sa kanyang Auntie. Nangilid na naman ang luha niya. 

“S-sorry, Auntie.” 

Napabuntong hininga ang kanyang Auntie at umupo sa tabi niya. Hinaplos nito ang buhok niya at nag-aalalang tumingin sa kanya.  “Ano ba ang nangyari?” tanong nito. 

Hindi siya nakasagot at muli na namang nagbagsakan ang luha hanggang sa napahagulgol siya. Hindi nagsalita ang kanyang Auntie at niyakap lang siya. Hinayaan siya nitong umiyak sa balikat nito. Umiyak lang siya roon hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. 

PAGSAPIT ng lunes naalimpungatan siya sa tunog ng alarm clock niya. Ala singko na ng umaga. Imbes na matulog pa ay bumangon na siya dahil maghahanap na siya nang maayos na trabaho. Tama na ang isang buwan niyang pahinga dahil nahihiya na rin siya sa Auntie niya. Kahit may trabaho siya sa company nila Lorie ay magaan iyon at hawak niya ang oras niya. Gusto niyang baguhin iyon kaya maghahanap siya ng ibang trabaho. Naligo na rin muna siya para mas mabilis ang maging kilos niya. 

Nang matapos siyang maligo at lumabas na siya ng kwarto at tahimik pa sa kusina, means tulog pa ang Auntie niya kaya naisipan niyang siya na lang ang magluto ng almusal nila. Pagluluto niya naman ngayon ang Auntie niya dahil ilang beses na rin siya nitong inaasikaso. Nang matapos siya sa pagluluto ay pumasok siya sa kanyang kwarto at nadatnan na tumutunog ang cellphone. Nilapitan niya iyon at nakitang si Lorie ang Tumatawag. Dinampot niya at mabilis na sinagot.

“Hell--”

“Ano ’yon, A? May problema ba sa office kaya ka aalis?” 

Alam niyang iyon ang magiging bungad ng kaibigan dahil nag-resign na siya sa company nila Lorie. Wala namang problema, nagdesisyon lang siya para ayusin ang sarili at mag-focus na sa trabaho. 

“Wala, Lorie. Desisyon ko ’yon. Naisip ko kasi na kailangan ko ng ibang trabaho. Gusto ko rin kasi mag-focus at makabubuti kung sa ibang company ako para rin walang masabi ang ibang tao sa akin.”

“Okay, pero saan mo naman balak mag-apply?” 

“I don’t know, ask ko siguro si Auntie kung may alam siya.”

“Sige. I will miss you here. So, see you tonight? I need to go.”

“Alright. Take care.”

“Ikaw rin.”

At doon na natapos ang pag-uusap nila kaya tumayo na siya at kinuha na ang sling bag, inilagay roon ang cellphone saka kinuha ang folders na naglalaman ng mga papers niya. 

Lumabas na siya ng kwarto at pumunta sa dining area. Nakita niyang gising na ang kanyang Auntie at tila gulat na gulat sa nakitang nakahain sa mesa. 

“Good morning, Auntie!” masayang bati niya at naglakad palapit. Inilapag niya sa bakanteng upuan ang hawak saka naupo. Tumingin siya sa kanyang Auntie at ngumiti.

“Take a seat, Auntie, let's eat together,” sambit niya.

“Ikaw nagluto ng mga ’yan?” 

“Yes.”

“Wow! Ano’ng mayroon at biglaan yata. Isa pa, para saan ’yang folders na dala mo?”

“Mag-a-apply ng trabaho, Auntie.”

“Bakit? May work ka naman kina Lorie, maganda naman doon, ’di ba?”

“Opo pero desisyon ko po na umalis, Auntie.”

“Okay, kung iyan ang desisyon mo susuportahan kita. Subukan mo mag-apply sa Saldivar Group of Companies. I think, hiring pa rin sila for secretary.”

“Noted, Auntie. ”

Napangiti na lang siya nang pumayag ang Auntie niya. Dahil akala niya'y sesermonan siya nito kaya naman napanatag siya. Sobrang swerte niya dahil palagi lang nakasuporta ang Auntie niya kaya tama lang ang desisyon niyang baguhin ang buhay niya. 

NANG matapos silang mag-agahan ay umalis na rin siya para pumunta sa Saldivar Group of Companies at kasalukuyan na siyang nakatayo sa harapan ng building nito. Tingin niya’y nasa tenth floor ito kaya talagang napatingala siya. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong hininga bago pumasok sa loob. Lumapit siya sa isang babae upang magtanong.

“Excuse me, Miss? Saan po ang interview for secretary?” 

Nilingon siya ng babae at nginitian. “Oh, I’m Shane Cruz. Ako ang mag-a-assist sa inyo. Just follow me, Ma’am,” sambit nito. 

Ngumiti at tumango lang siya. Hindi na siya nagsalita at sumunod na lang sa babae. Sumakay sila ng elevator at nakita niyang sa tenth floor ang pinindot nito. Marahil ay doon na ang interview. 

Pagdating doon ay napansin agad niya ang isang glass door na may nakalagay na CEO office pero hindi kita sa labas ang tao sa loob dahil blurred ang pagka-glass nito. Inalis niya ang tingin doon at napansin niya ang nasa dalawampu na kapwa niya babae, puro naka-dress at putok na putok ang mga pisngi sa make up na akala mo’y a-attend lang ng party. 

Hindi niya naiwasan na pasadahan ang kanyang suot na simpleng black skirt, white sleeveless, pair with blazer and heels. Nagkibit balikat na lang siya dahil komportable naman siya sa suot niya, saka mag-a-apply naman siya ng trabaho hindi magba-bar kaya okay na ang suot niya. Nagpasya na lang siya na maupo sa bakanteng upuan.

“Okay, pakiabot muna ako ng mga resume ninyo sa akin.” Nagsalita ang babaeng nagpakilala kaninang Shane. Mabilis naman siyang kumilos at ibinigay ang kanyang resume. 

“I’m Shane Cruz, HR ako dito pero hindi ako ang mag-i-interview sa inyo, kung hindi si Sir Saldivar dahil personal secretary ang kailangan niya. So, please wait for a while. Any moment magtatawag na ako. Good luck ladies,” saad nito at pumasok sa glass door.

NAKADEKUWATRO ng upo si Enrico Saldivar habang nakasandal sa office chair niya sa loob ng kanyang office nang pumasok si Shane. Nakasuot siya ng white button-down sleeves with navy blue suit and black tie and black slacks paired with oxford shoes.

“Good morning, Sir. Here’s the resumes of the applicants,” sambit ni Shane at ipinatong sa kanyang table. Umayos siya ng pagkakaupo at binasa ang unang pangalan.

“Let’s start,” sambit niya habang titig na titig sa resume ni Marie Pastra. “Call, Miss Pastra.”

Tumalima agad si Shane at sumilip sa glass door para tawagin si Miss Pastra. Pumasok ang isang babae na naka-blue dress na puno ng make up ang mukha. Nilingon siya ni Enrico at blank expression lang ang ipinakita niya.

“Good day, Sir. I’m Marie Pastra…uhm.. I’m 27 years old. I can be your secretary and also your bed warmer--” 

“Get out! This is not a club that fits for your job. Leave.” Pagputol niya sa sinasabi nito. Napaiyak ang babae habang lumalabas ng office. 

“Ilang babae ang ganoon sa mga applicant, Shane? I need personal assistant not a dancer,” sambit niya at itinapon sa basurahan ang papel. Nahihiyang tumango si Shane bago muling magtawag. 

Sampu na ang nai-interview niya pero puro pa-sexy lang ang alam. Maiinis na sana siya pero tila lumiwanag ang mood niya nang makita ang pangalan ni Amanda na isa sa mga applicant. Hindi siya makapaniwala na makikita niya ang pangalan ni Amanda na maga-apply. Napangisi siya at sinenyasan si Shane.

“Shane, last call na tayo kay Miss Lopez, iyong ibang matitira ay pauwiin mo na. Sabihin mong tatawagan na lang sila.”

“Okay, Sir.” 

Nang umalis si Shane para tawagin si Amanda ay hindi na niya napigilan ang sarili na basahin ang information nito. 

“Her work experience background is good. Bakit kaya siya umalis? Hmm.” Hindi niya mapigilang mapangiti kaya naman habang abala siya sa pagbabasa ay hindi niya napansin na nakapasok na pala si Amanda at kasalukuyan nang nakatayo sa kanyang harapan.

“Good morning, Sir. I’m Amanda Lopez--” 

Napatigil ito sa pagsasalita nang tumingala siya at sumandal sa kanyang swivel chair habang hindi inaalis ang ngisi sa labi.  

“Good morning, baby. We’ve met again.” Kumindat pa siya at dumekwatro ng upo habang nakatitig sa babaeng nasa harapan niya na ngayo’y nanlalaki na ang mga matang sinasalubong ang titig

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status