Share

Owned By The CEO
Owned By The CEO
Author: GirlInNight

Chapter 1

“Alam mong hindi na puwede ang gusto mo, Amanda,” sambit ni Amelia, ang kaniyang ina. Nakiusap siyang magkita sila sa Menchie’s restaurant. 

“Pero gusto kong mabuo ulit tayo, Mama,” sambit niya.

“Alam mong may pamilya na ako at ganoon din ang ama mo. Kahit kailan, hindi na tayo mabubuo. Ilang beses ba dapat sabihin at ipaintindi sa ’yo ’yan?”

“May pamilya na nga kayo, pero paano ako?” Nangilid ang luha niya sa tanong na iyon. “Iniwan ninyo akong mag-isa ni Papa habang kayo masaya na,” sambit niya. Tumingin siya sa mga mata ng ina at hinintay ang sagot nito pero isang tunog ng cellphone ang narinig niya.

“Tumatawag na ang Tito Markus mo, kailangan ko nang umuwi,” sambit ng ina niya at tumayo. Napayuko siya at tila may gumuhit sa dibdib niya nang hindi man lang pinansin nito ang sinabi niya. Naramdaman niyang walang pakealam ang ina sa kung ano ang nararamdaman niya.

Maagap niyang pinunasan ang luha at mapait na ngumiti. “I’m sorry, Amanda, but I need to go. Babawi ako sa ’yo next time,” sambit nito. Tumango lang siya nang hindi nililingon ang ina. 

Nang maramdaman niyang umalis na ang ina ay huminga siya ng malalim. “Makapag-club na lang kaysa magmukmok dito. Wala rin naman mangyayari,” bulong sa sarili at tumayo. Kinuha rin niya ang cellphone sa pouch niya bago lumabas ng restaurant at tinawagan ang kaibigan. 

Nakalabas na siya ng saktong sumagot ang kaibigan. 

“Hello--”

“Sunduin mo ako rito sa Menchie’s resto, let’s go to our place,” pagputol niya sa sasabihin ng kaibigan. 

“Wow! Hindi man lang ako pinag-hello,” sagot nito.

“Pumunta ka na lang, Lorie! Dami pang sinasabi,” sambit niya. 

“Whatever!” sagot ni Lorie Anne bago patayin ang tawag. 

Nagpakawala siya ng buntonghininga bago tumingala sa kalangitan. Nag-aagaw na ang kulay kahel at abo na ulap dahil mag-aalasais na rin ng gabi. Sabado naman kaya wala siyang ibang gagawin kung hindi mag-party muna dahil wala siyang trabaho. 

PUMARADA sa tapat niya ang isang itim na kotse at bumukas ang kanang bintana kaya nakita niya ang kaibigan na nasa loob. Kinindatan siya nito kaya naiiling siyang sumakay ng kotse. 

“You look upset. Something happened?” tanong nito sa kaniya pero umiling siya.

“Wala, gusto ko lang mag-unwind. Tawagan mo rin sila Mitch para marami tayo,” sambit niya at tumango lang si Lorie saka pinaandar ang sasakyan. 

Hindi rin nagtagal at tumigil ang sasakyan sa tapat ng Circle Club. Pabilog ang style kaya tinawag na Circle. Malawak ang loob at may third floor. First floor ay para sa gustong sumayaw. Ang mga table at upuan doon ay swak sa mga magbabarkada. Sa second floor ay para sa mga VIPs, like businessman and CEOs na gustong mag-table ng girls at sa third floor ay rooms. Kung lasing ka na at gusto mo magpahinga’y puwedeng mag-rent doon. May glass wall din sa second floor kaya kahit maingay sa first floor ay makakapag-usap pa rin kayo.

Pagpasok nila sa loob ay maingay at maraming tao agad ang bumungad sa kanila. Dumiretso agad sila sa stool bar at doon naupo. 

“Iyong dati pa rin,” sambit ni Lorie Anne sa bartender. Dahil palagi sila roon, kilala na sila at ang drinks nila. Pagkalapag ng bartender ay agad iyon nilagok ni Amanda. 

“Dalawa pa!” hiyaw niya. 

“What? Hard drinks ’yan, Amanda! Hinay-hinay naman,” sumigaw na si Lorie Anne para marinig ng kaibigan dahil maingay sa loob.

“I just want to forget tonight!” sigaw niya pabalik at muling lumagok ng alak. Humirit pa siya ng dalawa at nilagok ulit ’yon saka tumayo.

“Nasaan na sila Mitch?” 

“Busy raw sila, next time na lang daw,” sagot ni Lorie Anne. Tumango lang siya at sumisid na sa dagat na taong nasa dance floor. Napailing na lang si Lorie Anne.

May problema na naman siguro,”  bulong nito habang nakasunod ng tingin kay Amanda.

“WHOO!! Let's party!” hiyaw ni Amanda sa gitna ng dance floor. Sumabay rin siya sa pagsayaw sa tila dagat mga taong nagsasayawan. Nakasuot siya ng bandage crop top with skirt and heels pair with red lipstick at nakalugay ang buhok.

Naramdaman niyang may isang lalaki ang sumabay sa pag-indak niya kaya tumigil siya at nilingon ang lalaki.

“You have a nice legs, lady. Can I touch it?” bulong nito sa kaniya. Naramdaman niya pa ang hininga ng lalaki sa kaniyang tenga kaya tumigil siya at humarap sa lalaki. 

Off limits,” sagot niya at ngumiti sa kausap saka iniwan doon. Lumipat siya ng puwesto na walang manggugulo sa pagsasayaw niya. Gusto lang niya magsaya para makalimutan ang sakit. 

“I want to dance! Whoo!” sigaw niya sa gitna ng maingay na tunog nang may biglang humila sa kaniya…

“I know you're enjoying but we need to go,” sambit ni Lorie Anne saka inialis ang kaibigan sa gitna ng dance floor.  

Nang makalabas sila ng club, nakasimangot siyang humarap sa kaibigan. “What's with the sad face?” tanong nito. 

“What was that, Lorie Anne Fajardo? Umeksena ka na naman. Bago pa lang ako nag-iinit sa pagsayaw!” singhal niya sa kaibigan. “Kung hindi nagugutom, gustong mag-cr ang dahilan and now, ano naman dahilan mo at nanghihila ka na naman?” Napahawak pa siya sa kaniyang ulo dahil sa hilong naramdaman at napaatras naman si Lorie Anne habang natatawa. 

Sorry, girl. Tumawag kasi si Tita Nita mo at sinabing papunta na siya rito. Ayoko naman na makita niya ang pinakamamahal niyang pamangkin na gumigiling sa gitna ng dance floor,” sagot ng kaibigan niya. Napatitig siya sa kaibigan nang marinig ang pangalan ng kaniyang Auntie. Tila nagising ang diwa niya nang marinig ang pangalan ng Auntie.  

“Oh, napatitig at natigilan ka na riyan,” sambit nito. Mabilis siyang umiwas ng tingin at napailing. 

“Penge akong tissue,” aniya nang hindi sinasagot ang kaibigan. 

“Alam ko may problema ka, Ada. Puwede mo sabihin sa akin dahil kaibigan mo ako,” sambit ni Lorie Anne pero hindi umimik si Amanda. Alam niyang kilala siya ng kaibigan na hindi makuwento at mas gustong sarilinin ang problema kaya nagkibitbalikat na lang ito at iniabot na lang ang tissue. 

“Saan na raw si Auntie?” tanong niya. 

“Fifteen minutes daw.” 

Tumango siya at ipinunas sa namumulang labi ang tissue na hawak. Hindi rin nagtagal at dumating na ang Auntie niya.  Pagbaba ng sasakyan, tumigil sa tapat ni Amanda ang Auntie Nita niya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa bago bumalik sa mukha ni Amanda. Hindi nagsalita at nilingon ang kaibigan sa gilid. 

“Thanks, hija. Ako na bahala sa kaniya. Umuwi ka na rin at gabi na,” sambit nito. Tumango lang si Lorie Anne at kinalabit si Amanda. 

See you tomorrow. Goodnight,” sambit nito at yumakap pa. Hindi siya umimik at hinayaan lang umalis ang kaibigan.

“Let’s go, Amanda,” sambit ng kaniyang Auntie Nita at naunang bumalik ng sasakyan. Sumunod naman agad siya ng hindi nagsasalita. 

Sa loob ng sasakyan wala silang imikan kaya napabuntonghininga siya. Dahil hindi niya alam kung paano kakausapin ang kaniyang Auntie.

Nang makauwi sila ay dumiretso agad siya sa kusina para uminom ng tubig. Nakasunod lang sa kaniya ang Auntie niya. 

“Amanda,” tawag nito. Tumigil siya sa pag-inom ng tubig at lumingon sa ka kaniyang Auntie.

“Rejected na naman ako kay Mama, Auntie.” Nangilid ang luha niya nang sabihin iyon. Kapag ganitong nasasaktan siya dahil sa magulang niya, iisang tao lang ang napagsasabihan niya at iyon ang Auntie niya.

“Sinabi ko naman kasi sa ’yo na hayaan mo na sila. Nandito naman ako para sa ’yo,” sambit nito at niyakap siya. Mas lalong bumuhos ang luha niya nang aluhin siya.

“Gusto ko ulit maramdaman ang may tinatawag na mama at papa. I was three years old when they separated and I still can’t accept it. Ang hirap at ang sakit lang makita na masaya sila habang ako nagdudusa.”

“Arrange marriage lang kasi sila at isa sila sa hindi nag-work ang marriage kaya mas piniling maghiwalay. Kaya nga kinupkop kita at inalagaan dahil--” Biglang natigilan ang Auntie Nita niya kaya napatingin siya. 

“Dahil ano, Auntie?” 

“Huwag mo na pansinin, magpahinga ka na,” sambit nito at iniwan siya sa kusina. 

Mapait siyang napangiti at napatitig sa baso. “Dahil hindi nila ako mahal, iyon ang ibig sabihin ni Auntie. Alam ko at nararamdaman ko ’yon,” bulong niya bago ibaba ang baso at nagtungo na sa kaniyang kuwarto. 

SAMANTALA sa Circle Club ay abala naman si Enrico sa paghimas ng hita sa babaeng nakakandong sa kaniya habang hinahalikan siya sa noo. Bahagya niyang itinulak ang babae dahil bumulong siya sa pinsan niya kaya napaupo ang babae sa sofa na inuupuan niya. 

“Ouch! Enrico, ano ba!” May landi ang tono nito ngunit hindi siya pinansin ni Enrico.

“Dale, do you know her?” tanong nito sa pinsan. Napakunot ang noo ng lalaki at nilingon siya.

“Sino?” tanong nito sabay tingin sa paligid ng club. 

“The girl who’s dancing with black top earlier,” aniya. 

“Oh! Si Amanda ’yon. Type mo?” nakangising tanong ni Dale. “Kaso may boyfriend ’yon, dude. Off limits,” dagdag pa nito. Ngunit hindi sumagot si Enrico.

“Really?” 

“Oo, mahirap lapitan ’yan, masiyadong loyal sa boyfriend.”

“Hmm. Let’s see. Let’s make a bet. I’m gonna make her mine within a month.” Tinuldukan niya sinabi niya habang hindi mawala ang ngisi sa labi.

“Woah! Gusto ko ’yan, pinsan. Ano ang ipupusta mo kung hindi mo siya makuha?” 

“One month pay for your drinks and buy you a race car. What do you think?” Nilingon niya ang pinsan at priceless ang reaction nito.

“Call! I'm sure na hindi mo siya makukuha. Sagot ko na ang isang buwan mong trabaho sa office kapag nangyari ’yon.”  

Hindi na siya sumagot at kinuha na lang ang basong may lamang alak at ininom iyon habang hindi nawawala sa isip niya ang pigura ng babaeng sumasayaw kanina sa gitna ng dance floor.

‘Boyfriend lang pala hindi pa asawa. Magloloko pa ’yon.’ Sa isip niya bago muling uminom ng alak.

“Palagi ba siya rito?” tanong niya ulit kay Dale. 

“Ang alam ko every weekend siya napunta rito,” sagot ng pinsan sa kaniya. Tumango-tango siya at saka muli uminom ng alak sa huling pagkakataon saka tumayo.

“Babe, where are you going?” tanong ng malanding babae. 

“It’s none of your business,” masungit niyang sagot saka lumabas ng club at dumiretso sa nakaparadang kotse. 

“Amanda. Nice name. Boyfriend, huh? Let’s see. I’ll make you mine once we meet again,” bulong niya bago paandarin ang sasakyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status