PASADO Alasyete na at tila nag-enjoy na siya sa panonood pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa loob niya. Gustong-gusto na niyang umuwi pero hindi niya makausap si Danny o kahit si Lorie. Malayo kasi si Danny sa kanila habang tutok na tutok naman si Lorie sa bawat race. At si Danny na ang sunod na sasalang sa race nang may tumabi sa kanya. “If I win that race, will you accept my offer?” Malamig ang boses at pamilyar sa kanya. Nang lingunin niya kung sino iyon ay hindi na siya nagulat pa. “Hindi ko tatanggapin ang offer mo kahit sampung emails pa i-send mo araw-araw sa akin, at kahit manalo ka pa ng tatlong beses dito ganoon pa rin ang sagot ko,” masungit niyang sagot. Hiindi na nakasagot ang kausap niya dahil sabay na nag-ring ang cellphone nila. Mabilis niya iyong sinagot at lumayo kay Enrico dahil auntie niya ang tumawag. Nagpaalam naman siya kanina kaya nagtaka siya sa pagtawag nito. “Hello, auntie, napatawag po kayo?” tanong niya. Hindi pa man nagsasalita ang auntie niya ay
Wednesday Morning.Nasa kalagitnaan ng pagre-review ng mga plano si Enrico para sa kompanya nila nang sumulpot si Dale sa kanyang opisina. “Yow, pinsan!” bati nito saka naupo sa upuang nasa tapat ng mesa niya. Dumekwatro ito at inilagay ang dalawang palad sa batok. “Ang dami mo yatang oras para magpunta rito imbes na magtrabaho,” sambit niya nang hindi nililingon ang kausap. “Nag-survey ako sa mga chixx kung ano prepare nilang pulutan o kung ano ang gusto nila kung sakaling mag-clubbing sila. Pandagdag din sa Circle Club. Natapos na ako kaya naisipan kong dumaan dito.” “Sumayaw ka sa gitna ng naka-boxer lang, tingnan natin kung hindi ka dumugin ng customers,” sambit niya nang hindi nililingon si Dale. Napaayos ng pagkakaupo si Dale at mabilis na tumitig sa kanya na abala pa rin sa pag-review. Nabigla ito sa sinabi niya, akala nito’y may kasama sila sa loob. “What the hell, Enrico! May ganyan ka rin pa lang iniisip? Akala ko puro ka lang babae--” Natigilan siya nang makuha ang sin
TUMIGIL siya at nagpahinga saglit nang tumapat sa SGC Building. Buo na ang desisyon niyang ibaba ang pride para sa kanyang auntie kaya wala na rin siyang pake sa magiging reaksyon ni Enrico kung makita siya. Pumasok na ulit siya sa loob at tiningnan lang siya ng guard na parang sanay na silang makita siya roon. Nagkibitbalikat na lang siya at dumiretso na sa paglalakad. Sumakay siya ng elevator at pinindot ang tenth floor. Napakunot ang noo niya habang nakatingin numero ng elevator.“50th floor naman ito pero bakit nasa 10th floor lang ang office niya?” bulong niya sa sarili. Umiling na lang siya at sumandal na lang. Bakit nga ba pati iyon ay iisipin niya pa. Problema na lang ’yon ni Enrico.Pagdating sa tenth floor, nakita niya agad si Shane na nag-assisst sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago ngumiti saka lumapit. Nakaupo ito at tila abala sa pagbabasa ng mga papel.“Hi! Good morning. Nandyan ba si Sir. Saldivar?” tanong niya.Nag-angat ito ng tingin sa kanya at nang makilala
“Alam mong hindi na puwede ang gusto mo, Amanda,” sambit ni Amelia, ang kaniyang ina. Nakiusap siyang magkita sila sa Menchie’s restaurant. “Pero gusto kong mabuo ulit tayo, Mama,” sambit niya.“Alam mong may pamilya na ako at ganoon din ang ama mo. Kahit kailan, hindi na tayo mabubuo. Ilang beses ba dapat sabihin at ipaintindi sa ’yo ’yan?”“May pamilya na nga kayo, pero paano ako?” Nangilid ang luha niya sa tanong na iyon. “Iniwan ninyo akong mag-isa ni Papa habang kayo masaya na,” sambit niya. Tumingin siya sa mga mata ng ina at hinintay ang sagot nito pero isang tunog ng cellphone ang narinig niya.“Tumatawag na ang Tito Markus mo, kailangan ko nang umuwi,” sambit ng ina niya at tumayo. Napayuko siya at tila may gumuhit sa dibdib niya nang hindi man lang pinansin nito ang sinabi niya. Naramdaman niyang walang pakealam ang ina sa kung ano ang nararamdaman niya.Maagap niyang pinunasan ang luha at mapait na ngumiti. “I’m sorry, Amanda, but I need to go. Babawi ako sa ’yo next time,
“Argh! Ang sakit ng ulo ko!” daing niya nang siya’y magising. Umupo siya sa kama at napabuntonghininga nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang Auntie Nita, na may dalang tray habang may nakapatong na kape at mangkok.“Oh, hang-over? Ito, kape at mainit na sabaw,” sambit nito at ipinatong sa side table ng kama niya. Nakangiti ang Auntie niya habang inilalapag ang mangkok at tasa ng kape. “Inumin mo na habang mainit pa para makapagpahinga ka,” dagdag pa nito at nilingon siya. Seryoso lang siyang nakatingin sa kaniyang Auntie at iniisip kung bakit sobra ang pag-aalaga na ipinaparamdam sa kaniya.“Bakit ganiyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?” tanong nito. Napangiti siya at saka umiling.“Nothing, Auntie,” sagot niya. Tumango lang ang Auntie niya at naglakad na palabas. Nasa bukana na ng pinto ang Auntie niya nang tawagin niya. “Auntie.”“Yes?”“Thank you.”Kinindatan lang siya nito bago tuluyang lumabas. Napatawa na lang siya sa ginawa ng Auntie niya. Maaaring w
NAPABALIKWAS siya ng bangon nang marinig na tumunog ang cellphone. Pero natigilan siya nang makita ang kuwarto na hindi pamilyar sa kaniya. Dahil doon ay mabilis niyang sinilip ang katawan sa ilalim ng kumot. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may damit pa siya. “Phew! May damit pa ako,” bulong niya.Muling tumunog ang cellphone niya kaya mabilis niyang kinuha ang cellphone na nasa loob ng kanyang sling bag at nakitang ang kanyang Auntie Nita ang tumatawag. “Si Auntie, baka hinahanap na ako nito,” bulong niya bago sagutin ang tawag.“H-hello, Auntie?”“Amanda, where are you? It’s already eight in the evening.” Sa tanong na ’yon ng Auntie niya ay muli niyang inikot ang tingin sa paligid. Sinubukan niyang alalahanin kung nasaan siya pero wala siyang maalala kung ano ang nangyari kagabi at kung paano siya napunta roon. “Amanda?” “A-ah, mamaya na lang ako magpapaliwanag, Auntie,” aniya at pinatay na ang tawag. Bumaba siya ng kama at muling iginala ang tingin sa loob ng silid. B
HABANG bumabyahe pauwi ay unti-unting naalala ni Amanda ang nakitang panloloko ni Nico sa kanya kaya napatigil siya sa pagmamaneho. Gumilid siya sa kalsada para hindi makasagabal sa ibang dadaan. “Oh, bakit ka tumigil?” tanong ni Lorie Anne. “Naalala ko na ang nakita kong panloloko ni Nico pero hanggang doon lang. Hindi ko pa rin matandaan kung paano ako napunta sa kwarto,” aniya at bumuntong hininga. Sumandal siya sa upuan.“Hindi ko naisip na gagawin ’yon ni Nico sa akin. Alam niya ang buhay ko at kung ano ang nangyari sa akin kaya akala ko hindi niya maiisip na lokohin ako…” Tumigil siya at tumingin sa kaibigan. Mapait siyang napangiti at napailing. “Sabi ko pa naman, kapag nakaipon ako at inalok niya akong magsama kami ay papayag na ako pagkatapos ganoon pala ang gagawin niya.” Nangilid ang luha niya pero agad din niyang pinunasan. “Inayawan ako ng magulang ko at hindi ko inakalang maging ang taong mahal ko ay aayawan ako. Ano ba ang mali sa akin, Lorie?” tanong niya at hindi
PARANG binuhusan ng malamig na tubig si Amanda nang makita ang mukha ng taong mag-i-interview sa kanya. Dahil nang magtagpo ang kanilang mga mata, tila may bombilyang pumitik sa turnilyo ng utak niya at isang eksena ang naalala. Hindi niya inasahang maalala niya ang nangyari noong gabing nalasing siya at nagising sa isang kuwarto.Malinaw na malinaw na tumatakbo sa utak niya ang halik nito at pakiusap niya sa lalaking ito na halikan siya. Mariin siyang napailing habang umaatras. “Impossible,” bulong ni Amanda habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang sling bag. “Sir--”“Can you leave us alone, Shane?” Nilingon nito sandali ang babae na agarang tumango at iniwan silang dalawa. “Remember me now, baby,” nakangising sambit ni Eric nang tumayo siya at humakbang para lapitan si Amanda. Pero mabilis na lumayo si Amanda at sunod-sunod na umiling.“H-huwag kang lalapit!” sigaw niya. She can’t believe na galit siya kay Nico dahil niloko siya nito, pero sa araw rin na ’yon ay nagpahalik si