Chapter: Chapter 11TUMIGIL siya at nagpahinga saglit nang tumapat sa SGC Building. Buo na ang desisyon niyang ibaba ang pride para sa kanyang auntie kaya wala na rin siyang pake sa magiging reaksyon ni Enrico kung makita siya. Pumasok na ulit siya sa loob at tiningnan lang siya ng guard na parang sanay na silang makita siya roon. Nagkibitbalikat na lang siya at dumiretso na sa paglalakad. Sumakay siya ng elevator at pinindot ang tenth floor. Napakunot ang noo niya habang nakatingin numero ng elevator.“50th floor naman ito pero bakit nasa 10th floor lang ang office niya?” bulong niya sa sarili. Umiling na lang siya at sumandal na lang. Bakit nga ba pati iyon ay iisipin niya pa. Problema na lang ’yon ni Enrico.Pagdating sa tenth floor, nakita niya agad si Shane na nag-assisst sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago ngumiti saka lumapit. Nakaupo ito at tila abala sa pagbabasa ng mga papel.“Hi! Good morning. Nandyan ba si Sir. Saldivar?” tanong niya.Nag-angat ito ng tingin sa kanya at nang makilala
Last Updated: 2022-07-31
Chapter: Chapter 10Wednesday Morning.Nasa kalagitnaan ng pagre-review ng mga plano si Enrico para sa kompanya nila nang sumulpot si Dale sa kanyang opisina. “Yow, pinsan!” bati nito saka naupo sa upuang nasa tapat ng mesa niya. Dumekwatro ito at inilagay ang dalawang palad sa batok. “Ang dami mo yatang oras para magpunta rito imbes na magtrabaho,” sambit niya nang hindi nililingon ang kausap. “Nag-survey ako sa mga chixx kung ano prepare nilang pulutan o kung ano ang gusto nila kung sakaling mag-clubbing sila. Pandagdag din sa Circle Club. Natapos na ako kaya naisipan kong dumaan dito.” “Sumayaw ka sa gitna ng naka-boxer lang, tingnan natin kung hindi ka dumugin ng customers,” sambit niya nang hindi nililingon si Dale. Napaayos ng pagkakaupo si Dale at mabilis na tumitig sa kanya na abala pa rin sa pag-review. Nabigla ito sa sinabi niya, akala nito’y may kasama sila sa loob. “What the hell, Enrico! May ganyan ka rin pa lang iniisip? Akala ko puro ka lang babae--” Natigilan siya nang makuha ang sin
Last Updated: 2022-07-21
Chapter: Chapter 9PASADO Alasyete na at tila nag-enjoy na siya sa panonood pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa loob niya. Gustong-gusto na niyang umuwi pero hindi niya makausap si Danny o kahit si Lorie. Malayo kasi si Danny sa kanila habang tutok na tutok naman si Lorie sa bawat race. At si Danny na ang sunod na sasalang sa race nang may tumabi sa kanya. “If I win that race, will you accept my offer?” Malamig ang boses at pamilyar sa kanya. Nang lingunin niya kung sino iyon ay hindi na siya nagulat pa. “Hindi ko tatanggapin ang offer mo kahit sampung emails pa i-send mo araw-araw sa akin, at kahit manalo ka pa ng tatlong beses dito ganoon pa rin ang sagot ko,” masungit niyang sagot. Hiindi na nakasagot ang kausap niya dahil sabay na nag-ring ang cellphone nila. Mabilis niya iyong sinagot at lumayo kay Enrico dahil auntie niya ang tumawag. Nagpaalam naman siya kanina kaya nagtaka siya sa pagtawag nito. “Hello, auntie, napatawag po kayo?” tanong niya. Hindi pa man nagsasalita ang auntie niya ay
Last Updated: 2022-07-16
Chapter: Chapter 8PAGPATIGIL ng sasakyan nila sa tapat ng mall, bumaba agad sila at pumasok sa loob. Pero agad siyang napatigil nang may mapansin na pamilyar na mukha sa harapan nila ni Lorie. Walang iba kundi si Nico, may kasamang iba. “Bakit ka tumigil?” Nilingon siya ni Lorie pero ang mga mata niya ay nakatingin kay Nico kaya sinundan iyon ni Lorie. “Nothing. Let’s go, Lorie,” sambit niya at hinila na ang kaibigan. Hindi na nakapagsalita si Lorie at nagpatianod na lang. “Amanda, sandali lang.” Hinawakan siya nito sa kamay. Tiningnan niya lang iyon at agad na binawi ang kamay niya nang hindi tumitingin sa mga mata nito. Hindi siya umalis ngunit hindi rin siya nagsalita.“Let me explain,” saad nito. “Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo, Nico. The moment na sinagot kita, sinabi ko na sa ’yo ng diretso na huwag mo akong lolokohin na puwedeng maka-trigger sa trauma ko. Alam mo naman ang lahat sa akin, ’di ba?” sambit niya saka tiningnan si Nico sa mga mata. Dumaan ang lungkot sa mukha nito habang nak
Last Updated: 2022-07-14
Chapter: Chapter 7Chapter 7ALAS nuebe na ng maluto ang sinigang at kasabay no’n ang pagdating ni Lorie Anne. Naghahain na si Amanda habang galing sa kusina ang kanyang Auntie Nita dala ang sinigang sa mangkok.“Hi!” bati nito at malawak na ngumiti. “Sakto, maupo ka na at sumabay ka na sa amin,” sambit ng auntie niya. “Wow! Tamang-tama, gutom na ako,” sagot naman ni Lorie Anne. Naiiling na lang siya habang umuupo.“Oh, teka at ikukuha kita ng plato,” sambit ni ng kanyang auntie at pumunta sa kusina. Naiwan silang dalawa. Tumabi sa kanya si Lorie Anne at bumulong. “Kumusta pag-apply mo?” “Mamaya ko na sasabihin, kakain na rin naman,” sagot niya. Hindi na umimik ang kaibigan dahil dumating na rin ang auntie niya habang may hawak na plato. Inilapag ito sa tapat ni Lorie Anne.“Kumain na tayo.”PAGKATAPOS nila kumain, niligpit din ni Amanda at hinugasan upang makapag-usap na sila ni Lorie Anne dahil kating-kati na ang kaibigan na malaman ang sasabihin niya. Hindi niya alam pero pagdating sa kadaldalan,
Last Updated: 2022-07-06
Chapter: Chapter 6NAKANGITI siyang sinalubong ang kanyang Auntie sa coffee shop nito at saka bumeso. Pinaupo siya nito at kinuhaan ng tubig at cupcake. “Thanks, Auntie,” sambit niya.“No worries, pero bakit ang bilis mo yata mag-apply? Tapos na agad?” tanong nito sa kanya. Nabilaukan siya sa kinakain niyang cupcake dahil sa tanong na iyon kaya mabilis niya kinuha ang isang basong tubig.“Oh, dahan-dahan naman. May mali ba sa tanong ko at parang nagulat ka?” Nagtatakang tanong nito. Tinapos muna niya ang pag-inom ng tubig bago umiling at ngumiti.“Wala, Auntie. Naalala lang siguro ako ni Lorie,” sagot niya. Tumango-tango ang kanyang Auntie at hindi na muling nagtanong dahil may dumating na rin na customer sa coffee shop nito. Naiwan siyang mag-isang nakaupo kaya hindi na naiwasang maalala ang eksena sa opisina kanina. Marahan din niyang pinupokpok ang ulo dahil sa kagagahan niyang ginawa. “Bakit ba kasi ako nagpakalasing ng sobra noon? Kung anu-ano tuloy ginawa ko,” saad niya at muling kumain ng cupc
Last Updated: 2022-06-21
Chapter: Chapter 13: Pagkatapos ko iayos ang schedule niya for appointments and meeting with the investors ay napatingin ako sa phone ko. May isang text doon kaya sinulyapan ko si Luke at nakita kong abala siya. Kaya kinuha ko ang cellphone at binasa ang text. Messages From: JaredHey! Where are you? Wala na agad sa work mo?Pagbasa ko. Siguro, pinuntahan ako nito sa trabaho o kaya nagtanong kina Jennifer. Speaking of Jennifer, hindi ko na pala sila nakausap mula nung huling pagkikita namin. Babawi na lang siguro ako sa next Saturday.Nagtipa ako ng reply para sa kanya at hindi ko pa man natatapos ang pagta-type, nag-ring ang telepono ng office. Agad kong sinagot dahil baka emergency iyon. “Hello po?”“Oras pa ng trabaho nagce-cellphone ka na? Pumunta ka rito. I need my schedule,” sabi sa kabilang linya. At walang iba kundi si Luke. Hindi na ako umimik at sumunod na lang. Dinala ko ang book kung saan ko isinulat ang schedule niya.“Ano’ng oras ang first meeting ko?” “Ten o’clock with Mr. Carlos,” sagot
Last Updated: 2023-08-16
Chapter: Chapter 12Naramdaman ko na may dumamping palad sa pisngi ko. “Whay are you crying, Gaile?” tanong nito na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Agad kong pinahid ang luha ko at doon ko lang napansin na hindi na pala siya kumakanta at nakatingin na lang sa akin. “Gaile, may problema ba?” tanong niya. Napatitig ako sa kanya at kita ko ang pag-aalala niya. Muling nangilid ang luha ko ngunit umiling ako. “Impossibleng wala, alam kong mayroon. Ano ’yon? Tell me,” sambit nito ngunit nanatili akong tahimik. “Is it about Luke?” tanong nito. Natigilan alo kaya napabuntonghininga si Lai. “I knew it.”“I’m sorry, alam ko nasasaktan ka na and this is the consequences ng ginawa natin. Sorry dahil ikaw ang nagsa-suffer,” sambit niya kaya mabilis kong pinahid ang luha ko at umiling. “No, Lai, hindi ba at sinabi kong wala kang kasalanan. Ginusto ko ’to,” saad ko. “Oo nga pero ayokong nakikita kang ganiyan. Sinasaktan ka ba niya? O nasasaktan ka na?” Hindi ako umimik sa tanong niya kaya muli siyang nagsalita.
Last Updated: 2023-08-02
Chapter: Chapter 11: Secretary?Chapter 11Maaga ako bumangon at dumiretso agad sa kusina, nakita kong may malamig na kanin kaya naisipan kong gawing fried rice iyon kaya dinurog ko na. Nagsaing pala si Luke kagabi pero nakakapagtaka at wala si April. Nagkibitbaikat na lang ako at isinalang na ang kawali para magprito ng itlog at hotdog. Tig-isang piraso lang ang lulutuin ko dahil nakaalis na si Luke, kung sakaling nandito siya ipagluluto ko siya kahit pa hindi ako sigurado kung kakainin niya. Sa kalagitnaan ng pag-aalmusal ko, biglang tumunog ang cellphone ko, it was Tita Lalaine. Napakunot ang noo ko bago ito sagutin. “Hello, tita?” “[Hello, Rich, huwag ka muna pumasok today, wala naman ako schedule today kaya pahinga ka muna, okay?]” Nagtaka ako sa sinabi ni tita kaya magtatanong pa sana ako pero narinig kong may sasakyan na pumarada sa tapat ng bahay.“O-okay po,” sagot ko na lang at naputol na ang tawag. Napatingin ako sa sasakyan at nakita kong si mommy iyon. Kumaway siya bago pumasok sa loob, hindi na
Last Updated: 2023-08-01
Chapter: Chapter 10: Jared “Erich, ready ka na?” Lumapit sa akin sina Jennifer, Maica at Shane. Pareho-pareho silang nakapostura na tila pumutok ang labi sa sobrang pula. At hindi na rin sila naka-office attire, nakapang party dress na. “Kailan kayo nag-change outfit?” imbes ay tanong ko sa kanila. “Kanina bago kami pumunta rito. So, let's go?” sagot ni Shane. “’Yan na ba ang suot mo?” tanong ni Maica at tumango ako. ”Okay lang ’yan, baka gusto lang niya mag-relax. Tara na,” wika ni Jennifer. “Sabagay, wala rin naman sa iyong pretty face na iinom ka sa isang bar,” wika ni Maica. Ngumiti na lang ako sa kanila at thankful dahil naiintindihan nila ako. Sabay-sabay na kaming lumabas ng company building para magtungo sa Twister Bar. Dahil walking distance lang naman ang bar, mabilis kaming nakarating doon at napa-wow ako nang pumasok kami sa loob. Totoo nga ang kuwento nila. Mayroon ngang second floor na para sa gustong mag-inom at sumayaw while sa baba naman ay kantahan. May mini stage at naghanay na mg
Last Updated: 2023-06-25
Chapter: Chapter 9“[Hey, saan nagwo-work ang cousin ko?]” bungad na tanong ni Lai nang sagutin ang tawag ko. Kauuwi ko lang ng bahay at nanibago akong hindi ko dinatnan si Luke, maybe he's with that girl again. At maaaring nagde-date sila or something na hindi ko alam—“[Rich, still there?]” Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Lai. Muntik ko nang makalinutan na kausap ko nga pala siya. “Yeah, I’m working mom and dad's company. I'm the secretary of your mom,” sagot ko. “[Si mommy?]”“Yes, nasa out of town kasi sina mommy kaya siya muna binilinan to manage the company,” sambit ko pero natahimik siya. Akala ko hindi na siya magsasalita.“[ How's my mom? Okay lang ba siya? I miss her, Lai.]” Ramdam ko ang lungkot sa boses niya kaya napangiti ako. Hindi dahil malungkot siya kundi ito na ang tamang oras para magkaayos sila. “She’s fine. And you know what, miss ka na rin niya. She feel sorry for what they’ve done to you. Lai, baka ito na rin ang oras para kausapin sila dahil wala naman mangyayari
Last Updated: 2023-06-18
Chapter: Chapter 8Pag-uwi ko, nag-message agad ako kay Lai to text me when she read it. Gusto kong ipaalam ang napag-usapan namin ni Tita Lalaine pero gumaan na rin ang pakiramdam niya. Hindi na ako nag-abalang magluto dahil wala namang kakain, nagpa-deliver na lang ako ng pagkain na para sa akin. Hindi na rin ako nag-abala na alamin kung nakauwi na ba si Luke o hindi pa, this what he wants kaya ibibigay ko. Nang dumating ang order ko, kumain na agad ako para mas maaga ako makapahinga. First day ko bukas sa trabaho kaya ayokong ma-late. Pagkatapos ko kumain, nag-half bath lang ako at sinubukan kong matulog pero hindi ako makatulog kaya lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa sala. Binuksan ko ang tv para manood, magpapaantok na lang siguro ako. Nang makahanap ng magandang palabas ay humiga ako sa sofa. NAALIMPUNGATAN ako nang masilaw ako sa sikat ng araw, ihinarang ko ang kamay ko sinag at tumingin sa wall clock. Nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon nang makitang alas otso na. Lagot, late
Last Updated: 2023-06-11