Share

Chapter 3

NAPABALIKWAS siya ng bangon nang marinig na tumunog ang cellphone. Pero natigilan siya nang makita ang kuwarto na hindi pamilyar sa kaniya. Dahil doon ay mabilis niyang sinilip ang katawan sa ilalim ng kumot. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may damit pa siya. 

“Phew! May damit pa ako,” bulong niya.

Muling tumunog ang cellphone niya kaya mabilis niyang kinuha ang cellphone na nasa loob ng kanyang sling bag at nakitang ang kanyang Auntie Nita ang tumatawag. “Si Auntie, baka hinahanap na ako nito,” bulong niya bago sagutin ang tawag.

“H-hello, Auntie?”

“Amanda, where are you? It’s already eight in the evening.” 

Sa tanong na ’yon ng Auntie niya ay muli niyang inikot ang tingin sa paligid. Sinubukan niyang alalahanin kung nasaan siya pero wala siyang maalala kung ano ang nangyari kagabi at kung paano siya napunta roon.  

“Amanda?” 

“A-ah, mamaya na lang ako magpapaliwanag, Auntie,” aniya at pinatay na ang tawag. 

Bumaba siya ng kama at muling iginala ang tingin sa loob ng silid. Base sa kulay at amoy no’n ay panlalaki iyon. Black and white ang kulay ng pader, white ang bed sheet at caramel ang comforter. May maliit na book shelves at glass table. May mahabang sofa. Kinikilala niya ang kwarto pero hindi talaga iyon pamilyar sa kanya. 

“Aww!” d***g niya nang kumirot ang ulo niya.

“Hindi ko talaga maalala! Kainis!” aniya at dinampot ang sling bag. 

“Kailangan ko nang umalis dito. Magtatanong na lang ako kay Lorie Anne kung ano ang nangyari kanina,” sambit niya bago lumabas ng kwarto.

Paglabas niya, bumungad sa kaniya ang pamilyar na wall glass pero hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. Dumiretso siya sa hagdan para bumaba. Doo’y bumungad sa kaniya ang mga mayayamang tao na nakaupo sa VIP lounge at may kanya-kanyang kandong na babae at naghahalikan. Umiwas siya ng tingin at gumilid siya para hindi makaabala. Tumingin siya sa baba at nakita niya ang nakakahilong nagsasayawan sa gitna ng dance floor. 

“Oh My God!” Napatakip siya sa bibig nang maalala na nasa Circle Club siya. “Ano ang ginagawa ko sa third floor ng ganitong oras?” bulong niya habang naglalakad pababa. Pinupukpok din ang sariling ulo para maalala ang nangyari pero wala talagang pumapasok sa utak niya. 

“Ada!” May humila sa kaniya palabas ng Circle Club at nang makalabas sila ay nakita niyang si Lorie Anne ’yon.

“Lorie Anne?” 

“Ako nga. Kanina pa kita hinahanap, tinatawagan kita hindi ka sumasagot kaya naghintay na lang ako sa ’yo.”

“What happened earlier, Lorie?” tanong niya.

“I-I don’t know, Ada. Nagising na lang ako na nasa isang kuwarto ako at wala ka kaya nag-alala ako sa ’yo,” sambit nito.

“Bakit ba tayo narito sa Circle Club?” 

“Wala kang naaalala?”

“Baka mayroon kaya ako nagtatanong.”

Umirap siya sa ere dahil sa inis. Hindi naman siya magtatanong kung alam niya ang lahat.

“Ang naalala ko, ikaw ang nagyaya rito dahil nakita natin sa akto na niloloko ka ni Nico. Uminom ka at ayaw mo magpapigil pagkatapos pinilit mo pa akong uminom kaya nalasing din ako…” Tumigil ito na tila nag-iisip pa. 

“Ano’ng sinabi mo? Si Nico?” tanong niya na tila hindi makapaniwala. Dahan-dahang tumango si Lorie Anne. 

“Sunod?” usisa niya.

“Pagkatapos, noong medyo matagal ka nang nakaiinom, may lalaking lumapit sa akin at pinainom ako sunod...wala na. Wala na akong naalala roon. Nagising na lang ako na nandoon na ako sa kuwarto.”

Sinubukan niyang alalahanin ang sinasabi ng kaibigan pero wala talaga. Iyon ang hirap sa kanya kapag nasosobrahan sa pag-iinom, hindi niya agad naaalala. “Argh! Let's go! Saka ko na ’yan iisipin. Umalis na tayo dahil hinihintay na ako ni Auntie,” sambit niya at hinila na si Lorie Anne papunta sa sasakyan at sumakay agad. Siya na rin ang naupo sa driver seat at nagmaneho ng sasakyan. 

NAKANGISI si Enrico habang umiinom ng alak na nakaupo sa second floor ng Circle Club, sa VIP lounge. Sinundan niya ng tingin ang nilabasan ni Amanda. Pinagmasdan niya rin ang reaction nito kanina at nakita niyang walang natatandaan sa nangyari si Amanda pero tila masaya pa rin siya sa nangyayari.

“Mukhang masaya ka, ah!” Tinabihan siya ni Dale pero hindi niya pinansin ang sinabi ng pinsan.

“Ano ba ang nangyari kanina?” usisa nito.

“Nothing happened. I just kissed her and made her say that she’s mine.” Kibit balikat niyang sagot.

“Talaga ba? Pumayag siya?” tanong nito. 

“Yes…”

“Pero, bakit ganoon reaksyon niya. Hindi mo ba nakita? Parang hindi niya naalala ang ginawa mo.” Uminom si Dale ng alak habang naiiling. “Mukhang ako ang mananalo sa bet natin,” dagdag pa nito.

Sa pagkakataong iyon ay nlingon niya ang pinsan nang hindi nawawala ang ngisi. “Maalala niya rin ’yon, hindi lang ngayon. At kung hindi man, ipapaalala ko sa kanya para matandaan niyang may nagmamay-ari na sa kanya.” 

“Paano mo naman ’yon gagawin? Hindi mo siya mako-control, pinsan,” sambit nito. 

“Let’s see, Dale, if I can’t control her.”

“Sino ang hindi mako-control? Her, so, it’s a girl?”  

Nilingon ni Dale ang dumating at sumingit sa usapan nila samantalang tila wala naman narinig si Enrico dahil mas nagtuon pansin siya sa alak na iniinom. 

“Ah, Diana, ikaw pala. Si--” Naputol ang sinasabi niya nang magsalita si Enrico.

“Why are you here?” tanong niya. Walang emosyon ang tanong na ’yon pero nagawang ngumiti ni Diana at naupo pa sa tabi niya. 

“I just want to see you. Isa pa, pinapatanong ni Daddy kung bakit hindi ka napunta sa bahay.” 

“I’m busy,” sagot niya at tumayo. “I have to go. Marami pa akong aasikasuhin,“ dagdag niya at tinalikuran ang dalawa pero nahawakan siya ni Diana sa kamay.

“Aalis ka na agad? Let’s drink, Eric.” May lambing sa boses nito nang tawagin siya sa nickname niya. 

“Just go home, Diana. Masyado nang lasing ang mga tao rito. Marami pa akong trabaho na dapat unahin. Hindi kita maihahatid kung mag-iinom ka kaya huwag mo na balakin pang mag-inom,” aniya sa matigas na boses at binawi ang kamay kay Diana saka tuluyang umalis. 

Naiwan si Diana na nakasimangot habang sinusundan ng tingin si Enrico. Nang mawala na sa paningin niya ay nilingon niya si Dale na patay malisya na umiinom ng alak.

“Sino ang pinag-uusapan ninyo kanina?” usisa niya. 

“Wala. Random girl lang. You know, Enrico, gusto lang ng thrill.” Kibit balikat nitong sagot. 

“Dapat lang dahil walang puwedeng magmay-ari kay Enrico kung hindi ako lang. Kaya kung sino mang babae ang lalandi sa kanya ay kakalbuhin ko talaga,” sambit niya at tumayo saka umalis. Iniwan niya si Dale na naiiling na lang sa mga sinabi niya.

“Baliw na talaga,” bulong niya pa nang makalayo na si Diana.

KINUHA ni Diana ang cellphone at tinawagan ang kaibigan. Tatlong ring nang sumagot ang kaibigan.

“Hello, Cristelle. What took you so long?” iritableng tanong niya at umirap sa hangin.

“Hello, Diana. May ginagawa kasi ako kaya natagalan sa pagsagot. Bakit ka napatawag?” 

“Where are you?”

“Sa flower shop ni Mommy, why?”

“Magkita tayo ngayon. I have something to tell you.”

“Alright. See you.”

“Okay, ite-text ko sa ’yo kung saan tayo magkikita.”

Hindi na niya hinintay sumagot ang kaibigan at pinatay na ang tawag saka nagtipa ng text. Nang mai-send ang text ay kumuyom ang kamao niya.

“Hindi ko hahayaan na may umaligid na babae kay Enrico. He’s going to be mine, mine alone. Hindi ako papayag na sa iba siya mapupunta kaya kakausapin ko si Daddy para hindi na siya maagaw pa sa akin,” bulong niya bago sumakay sa kanyang kotse para umalis sa lugar na ’yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status