PARANG binuhusan ng malamig na tubig si Amanda nang makita ang mukha ng taong mag-i-interview sa kanya. Dahil nang magtagpo ang kanilang mga mata, tila may bombilyang pumitik sa turnilyo ng utak niya at isang eksena ang naalala. Hindi niya inasahang maalala niya ang nangyari noong gabing nalasing siya at nagising sa isang kuwarto.
Malinaw na malinaw na tumatakbo sa utak niya ang halik nito at pakiusap niya sa lalaking ito na halikan siya.
Mariin siyang napailing habang umaatras. “Impossible,” bulong ni Amanda habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang sling bag.
“Sir--”
“Can you leave us alone, Shane?” Nilingon nito sandali ang babae na agarang tumango at iniwan silang dalawa.
“Remember me now, baby,” nakangising sambit ni Eric nang tumayo siya at humakbang para lapitan si Amanda. Pero mabilis na lumayo si Amanda at sunod-sunod na umiling.
“H-huwag kang lalapit!” sigaw niya.
She can’t believe na galit siya kay Nico dahil niloko siya nito, pero sa araw rin na ’yon ay nagpahalik siya sa iba. Mas worse pa ang ginawa niya kay Nico lalo na at wala pa silang official break up nito.
“Why?”
“Basta huwag kang lalapit!”
“Baka nakakalimutan mong akin ka na, Amanda. Pagmamay-ari na kita dahil minarkahan na kita.” Seryosong saad nito.
“How could you say that? I don’t even know you!” sigaw ni Amanda.
‘Bakit ba kasi ako nagpakalasing nang gabing ’yon.’ Palihim niyang sermon sa sarili at kung hindi lang kaharap ang lalaking ito’y malamang na binatukan na rin niya ang sarili.
“Noong gabing hiniling mong halikan kita, kapalit no’n ay magiging akin ka.”
“Lasing lang ako at nag-take advantage ka naman! Pagkatapos sasabihin mo sa akin ngayon na pagmamay-ari mo ako. How dare you!” sigaw niya pero seryosong tingin lang ang isinukli ni Eric sa kanya.
“Then, I will introduce myself to you. I’m Enrico Saldivar. The CEO of this company and you’re in my territory.” Matigas nitong sambit. Seryoso habang walang kurap na nakatingin kay Amanda. “And you’re hired as my personal secretary,” dagdag pa niya.
Nanlaki ang mga mata ni Amanda at napailing.
“I’ve changed my mind. Hindi na ako mag-a-apply sa company na ito. And for your information, Mr. Saldivar, I’m not a thing that you can own!” sigaw niya at tinalikuran si Enrico palabas ng office na iyon.
Mabilis siyang naglalakad palabas ng building na iyon habang nakakunot ang noo at mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kanyang sling bag.
“Nahihibang na ba siya? Ano’ng akala niya sa akin, bagay na p’wedeng angkinin na lang?” bulong niya sa sarili nang tuluyan nang makalabas sa SGC building.
Huminga pa siya nang malalim para mawala ang kanyang stress. Dahil maghahanap na lang ulit siya ng ibang a-apply-an, siguro naman ay maraming tatanggap sa kanya dahil graduate siya.
“Makaalis na nga sa lugar na ito at baka mas lalong uminit ulo ko,” dagdag pa niya at inayos muna ang sarili bago naglakad palayo para pumara ng taxi.
Habang naglalakad ay tumunog ang kanyang cellphone kaya hinanap niya iyon sa loob ng sling bag niya. Dahil doon ay hindi niya napansin ang makakasalubong at nabunggo niya ito sa balikat.
“Ouch! Are you blind?” sigaw ng nabunggo niya. Hindi niya ito nilingon at yumuko lang. “I’m sorry, Miss.” At muling naglakad palayo.
“Stupid.” Narinig pa niyang bulong ng babae. Pero pinigilan niya ang sariling huwag na lang patulan dahil baka sa babaeng ’yon mapabuhos ang init ng ulo niya. Dumiretso na lang siya ng paglalakad at tiningnan na lang kung sino ang nag-text sa kanya. Nang makita ang pangalan ng kanyang Auntie ay tila napawi ang init ng ulo niya.
“Kapag maaga ka nakauwi, daan ka sa shop ko, sabay na tayong mag-lunch. Ingat ka sa biyahe mo.”
Napangiti siya sa text na iyon ng Auntie niya at agad na nagtipa ng reply. “Okay, see you, Auntie.”
Pagkatapos niyang i-send ay pumara na siya ng taxi at nagpahatid doon. Mas mabuti pang dumiretso na lang siya roon at bukas na lang ulit mag-apply. Gusto muna niya mag-relax sandali dahil sa maagang stress na nangyari.
NANATILING nakatayo si Eric sa puwesto niya nang umalis si Amanda. Seryoso at nakatiim bagang siyang nakatingin sa pintuan na nilabasan ni Amanda. Hindi siya makapaniwalang tumanggi itong magtrabaho sa kanya, samantalang maraming babae ang nag-uunahan para makuha ang posisyon na iyon. Hindi niya matanggap na tinanggihan siya ng isang babae.
“Walang tumatanggi sa akin. Kaya sisiguraduhin kong makukuha rin kita, Amanda,” sambit niya.
Kasabay no’n ay natigilan siya nang muling bumukas ang pinto ng office niya. Akala niya’y bumalik si Amanda pero nang makita kung sino ang pumasok ay napaiwas siya ng tingin at naglakad pabalik sa swivel chair. Napansin niyang tila badtrip ang mukha nito.
“What happened to you and what are you doing here, Diana?” seryoso at walang emosyon niyang tanong nang hindi tinitingnan ang babae.
“My God! I need to calm myself. There's a stupid girl who bumped me. Gosh! It stressed me out,” pagmamaktol nito na may kasama pang irap.
Napaismid lang siya sa sinabi nito. Kilala niya si Diana, may pagka-spoiled brat ito kaya alam niyang ang kinukuwento nito’y alam niyang hindi sinasadya kaya imbes sumagot, nagtuon na lang siya sa mga folders na nasa ibabaw ng mesa niya.
“Anyway…” Tumigil ito na tila kinukuha ang atensyon niya pero hindi siya lumingon. “I’m here para sabihin sa ’yo na gusto ka makita ni Daddy.”
“My schedule is full. I have no time to meet your Dad.”
“Uh...kung may free time ka na,” sambit nito pero hindi na siya sinagot ni Eric kaya na-curious siya sa pinagkakaabalahan nito. Sinubukan niyang dungawin ang binabasa nito pero naagaw ng isang papel ang pansin niya.
Ang resume ni Amanda na nakapatong lang sa table ni Eric. Kinuha niya ito at binasa.
“Amanda Lopez? This girl. Bakit nandito ang resume ng babaeng ’yon?” sambit nito sa sarili na siyang umagaw ng pansin naman kay Enrico. Isinarado niya ang folder na hawak at tiningnan si Diana.
“Do you know...her?” tanong niya. Nagulat pa si Diana kaya nabitawan niya ang papel na nahulog sa sahig kaya kinuha niya pa at ibinalik sa mesa.
“Of course! I do know her. Anak siya ni Daddy sa una niyang asawa. Gustong-gusto siyang mapansin at mahalin ni Daddy pero Dad is too busy taking care of me that’s why he doesn't care about her.” Tumigil ito at tumitig sa kanya. “Why did you ask and why is her resume here?” Nakakunot noo nitong tanong.
Nagulat siya pero hindi niya iyon ipinahalata. Tila mas lalo pa siyang naging interesado kay Amanda dahil sa narinig niya.
“Wh--”
“Yow!”
Sabay silang napalingon sa biglaang nagsalita na si Dale. Nakangisi itong nakatingin sa pinsan niya. Pero masamang tingin lang ang ipinukol sa kanya ni Eric habang nagtataka naman na tiningnan ni Diana si Dale.
“Umuwi ka na, Diana. Tell your Dad that I’m busy.”
“Pero--”
“Just leave.”
Padabog itong tumayo at nagmartsa palabas ng opisina. Napasandal na lang si Eric sa likod ng kanyang swivel chair habang naupo naman si Dale sa upuang inalisan ni Diana.
“I heard everything, pinsan.” Napatingin siya sa pinsan niya dahil sa sinabi nito pero hindi siya nagsalita. “At may naisip akong plano para mapalapit ka sa kanya,” dagdag nito. Nakuha no’n ang atensyon niya kaya napaayos siya ng upo.
“What do you mean?”
“Bakit hindi mo gamitin ang Daddy ni Diana para mapalapit ka sa kanya? Malapit ka kay Tito Apolo, right.”
Napaisip siya sa sinabi ni Dale. He has a point.
“At puwede mo rin gamitin si Diana para naman kay Tito Apolo.” Tumingin siya kay Dale at hindi na napigilang mapangisi. Pinagsalikop niya ang kanyang dalawang kamay habang nangingiti.
May paraan na siya para gawing secretary si Amanda.
“Pero, pinsan…” Muling pagkuha ng atensyon niya ni Dale. “There are consequences--”
“I don’t care. F*ck that consequences. Girls are good at playing. Kung hindi ka marunong sumabay sa laro nila, ikaw ang maiisahan.”
“But, wala naman kinalaman--”
“Pare-pareho lang ang babae. Kaya kapag sinabi kong akin siya, akin siya. I want her so she’ll be mine. Kahit ano’ng paraan pa ’yan, aangkinin ko siya,” sambit niya habang nakakuyom ang kamao. Gusto niyang maranasan din ng mga babae kung paano maiwan at masaktan at wala siyang pakialam kung sino man ang masasaktan niya.
Nagkibit balikat na lang ang pinsan niya sa kanyang sinabi dahil alam niyang wala na rin itong magagawa.
Kahit hindi siya sigurado kung para pa rin ba ’yon sa pustahan o iba na ang dahilan niya.
NGUNIT lingid sa kanilang kaalaman na narinig lahat ni Diana ang kanilang pinag-uusapan. Nakakuyom ang kamay dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Eric.
“Hindi ako papayag,” bulong niya at umalis na sa harapan ng opisina ni Eric.
Habang naglalakad palabas, kinuha niya ang cellphone sa kanyang sling bag at tinawagan ang ama.
“Gagawa ako ng paraan para masira ang plano nila. Sa paraang magagantihan kita Enrico sa pananakit mo at ang ingratang half-sister ko. Dahil magpapagamit ako sa inyo pero sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa larong gusto ninyo,” bulong niya sa sarili habang nagpupuyos sa galit na tinatahak ang daan palabas ng SGC building.
NAKANGITI siyang sinalubong ang kanyang Auntie sa coffee shop nito at saka bumeso. Pinaupo siya nito at kinuhaan ng tubig at cupcake. “Thanks, Auntie,” sambit niya.“No worries, pero bakit ang bilis mo yata mag-apply? Tapos na agad?” tanong nito sa kanya. Nabilaukan siya sa kinakain niyang cupcake dahil sa tanong na iyon kaya mabilis niya kinuha ang isang basong tubig.“Oh, dahan-dahan naman. May mali ba sa tanong ko at parang nagulat ka?” Nagtatakang tanong nito. Tinapos muna niya ang pag-inom ng tubig bago umiling at ngumiti.“Wala, Auntie. Naalala lang siguro ako ni Lorie,” sagot niya. Tumango-tango ang kanyang Auntie at hindi na muling nagtanong dahil may dumating na rin na customer sa coffee shop nito. Naiwan siyang mag-isang nakaupo kaya hindi na naiwasang maalala ang eksena sa opisina kanina. Marahan din niyang pinupokpok ang ulo dahil sa kagagahan niyang ginawa. “Bakit ba kasi ako nagpakalasing ng sobra noon? Kung anu-ano tuloy ginawa ko,” saad niya at muling kumain ng cupc
Chapter 7ALAS nuebe na ng maluto ang sinigang at kasabay no’n ang pagdating ni Lorie Anne. Naghahain na si Amanda habang galing sa kusina ang kanyang Auntie Nita dala ang sinigang sa mangkok.“Hi!” bati nito at malawak na ngumiti. “Sakto, maupo ka na at sumabay ka na sa amin,” sambit ng auntie niya. “Wow! Tamang-tama, gutom na ako,” sagot naman ni Lorie Anne. Naiiling na lang siya habang umuupo.“Oh, teka at ikukuha kita ng plato,” sambit ni ng kanyang auntie at pumunta sa kusina. Naiwan silang dalawa. Tumabi sa kanya si Lorie Anne at bumulong. “Kumusta pag-apply mo?” “Mamaya ko na sasabihin, kakain na rin naman,” sagot niya. Hindi na umimik ang kaibigan dahil dumating na rin ang auntie niya habang may hawak na plato. Inilapag ito sa tapat ni Lorie Anne.“Kumain na tayo.”PAGKATAPOS nila kumain, niligpit din ni Amanda at hinugasan upang makapag-usap na sila ni Lorie Anne dahil kating-kati na ang kaibigan na malaman ang sasabihin niya. Hindi niya alam pero pagdating sa kadaldalan,
PAGPATIGIL ng sasakyan nila sa tapat ng mall, bumaba agad sila at pumasok sa loob. Pero agad siyang napatigil nang may mapansin na pamilyar na mukha sa harapan nila ni Lorie. Walang iba kundi si Nico, may kasamang iba. “Bakit ka tumigil?” Nilingon siya ni Lorie pero ang mga mata niya ay nakatingin kay Nico kaya sinundan iyon ni Lorie. “Nothing. Let’s go, Lorie,” sambit niya at hinila na ang kaibigan. Hindi na nakapagsalita si Lorie at nagpatianod na lang. “Amanda, sandali lang.” Hinawakan siya nito sa kamay. Tiningnan niya lang iyon at agad na binawi ang kamay niya nang hindi tumitingin sa mga mata nito. Hindi siya umalis ngunit hindi rin siya nagsalita.“Let me explain,” saad nito. “Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo, Nico. The moment na sinagot kita, sinabi ko na sa ’yo ng diretso na huwag mo akong lolokohin na puwedeng maka-trigger sa trauma ko. Alam mo naman ang lahat sa akin, ’di ba?” sambit niya saka tiningnan si Nico sa mga mata. Dumaan ang lungkot sa mukha nito habang nak
PASADO Alasyete na at tila nag-enjoy na siya sa panonood pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa loob niya. Gustong-gusto na niyang umuwi pero hindi niya makausap si Danny o kahit si Lorie. Malayo kasi si Danny sa kanila habang tutok na tutok naman si Lorie sa bawat race. At si Danny na ang sunod na sasalang sa race nang may tumabi sa kanya. “If I win that race, will you accept my offer?” Malamig ang boses at pamilyar sa kanya. Nang lingunin niya kung sino iyon ay hindi na siya nagulat pa. “Hindi ko tatanggapin ang offer mo kahit sampung emails pa i-send mo araw-araw sa akin, at kahit manalo ka pa ng tatlong beses dito ganoon pa rin ang sagot ko,” masungit niyang sagot. Hiindi na nakasagot ang kausap niya dahil sabay na nag-ring ang cellphone nila. Mabilis niya iyong sinagot at lumayo kay Enrico dahil auntie niya ang tumawag. Nagpaalam naman siya kanina kaya nagtaka siya sa pagtawag nito. “Hello, auntie, napatawag po kayo?” tanong niya. Hindi pa man nagsasalita ang auntie niya ay
Wednesday Morning.Nasa kalagitnaan ng pagre-review ng mga plano si Enrico para sa kompanya nila nang sumulpot si Dale sa kanyang opisina. “Yow, pinsan!” bati nito saka naupo sa upuang nasa tapat ng mesa niya. Dumekwatro ito at inilagay ang dalawang palad sa batok. “Ang dami mo yatang oras para magpunta rito imbes na magtrabaho,” sambit niya nang hindi nililingon ang kausap. “Nag-survey ako sa mga chixx kung ano prepare nilang pulutan o kung ano ang gusto nila kung sakaling mag-clubbing sila. Pandagdag din sa Circle Club. Natapos na ako kaya naisipan kong dumaan dito.” “Sumayaw ka sa gitna ng naka-boxer lang, tingnan natin kung hindi ka dumugin ng customers,” sambit niya nang hindi nililingon si Dale. Napaayos ng pagkakaupo si Dale at mabilis na tumitig sa kanya na abala pa rin sa pag-review. Nabigla ito sa sinabi niya, akala nito’y may kasama sila sa loob. “What the hell, Enrico! May ganyan ka rin pa lang iniisip? Akala ko puro ka lang babae--” Natigilan siya nang makuha ang sin
TUMIGIL siya at nagpahinga saglit nang tumapat sa SGC Building. Buo na ang desisyon niyang ibaba ang pride para sa kanyang auntie kaya wala na rin siyang pake sa magiging reaksyon ni Enrico kung makita siya. Pumasok na ulit siya sa loob at tiningnan lang siya ng guard na parang sanay na silang makita siya roon. Nagkibitbalikat na lang siya at dumiretso na sa paglalakad. Sumakay siya ng elevator at pinindot ang tenth floor. Napakunot ang noo niya habang nakatingin numero ng elevator.“50th floor naman ito pero bakit nasa 10th floor lang ang office niya?” bulong niya sa sarili. Umiling na lang siya at sumandal na lang. Bakit nga ba pati iyon ay iisipin niya pa. Problema na lang ’yon ni Enrico.Pagdating sa tenth floor, nakita niya agad si Shane na nag-assisst sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago ngumiti saka lumapit. Nakaupo ito at tila abala sa pagbabasa ng mga papel.“Hi! Good morning. Nandyan ba si Sir. Saldivar?” tanong niya.Nag-angat ito ng tingin sa kanya at nang makilala
“Alam mong hindi na puwede ang gusto mo, Amanda,” sambit ni Amelia, ang kaniyang ina. Nakiusap siyang magkita sila sa Menchie’s restaurant. “Pero gusto kong mabuo ulit tayo, Mama,” sambit niya.“Alam mong may pamilya na ako at ganoon din ang ama mo. Kahit kailan, hindi na tayo mabubuo. Ilang beses ba dapat sabihin at ipaintindi sa ’yo ’yan?”“May pamilya na nga kayo, pero paano ako?” Nangilid ang luha niya sa tanong na iyon. “Iniwan ninyo akong mag-isa ni Papa habang kayo masaya na,” sambit niya. Tumingin siya sa mga mata ng ina at hinintay ang sagot nito pero isang tunog ng cellphone ang narinig niya.“Tumatawag na ang Tito Markus mo, kailangan ko nang umuwi,” sambit ng ina niya at tumayo. Napayuko siya at tila may gumuhit sa dibdib niya nang hindi man lang pinansin nito ang sinabi niya. Naramdaman niyang walang pakealam ang ina sa kung ano ang nararamdaman niya.Maagap niyang pinunasan ang luha at mapait na ngumiti. “I’m sorry, Amanda, but I need to go. Babawi ako sa ’yo next time,
“Argh! Ang sakit ng ulo ko!” daing niya nang siya’y magising. Umupo siya sa kama at napabuntonghininga nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang Auntie Nita, na may dalang tray habang may nakapatong na kape at mangkok.“Oh, hang-over? Ito, kape at mainit na sabaw,” sambit nito at ipinatong sa side table ng kama niya. Nakangiti ang Auntie niya habang inilalapag ang mangkok at tasa ng kape. “Inumin mo na habang mainit pa para makapagpahinga ka,” dagdag pa nito at nilingon siya. Seryoso lang siyang nakatingin sa kaniyang Auntie at iniisip kung bakit sobra ang pag-aalaga na ipinaparamdam sa kaniya.“Bakit ganiyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?” tanong nito. Napangiti siya at saka umiling.“Nothing, Auntie,” sagot niya. Tumango lang ang Auntie niya at naglakad na palabas. Nasa bukana na ng pinto ang Auntie niya nang tawagin niya. “Auntie.”“Yes?”“Thank you.”Kinindatan lang siya nito bago tuluyang lumabas. Napatawa na lang siya sa ginawa ng Auntie niya. Maaaring w