“Argh! Ang sakit ng ulo ko!” d***g niya nang siya’y magising.
Umupo siya sa kama at napabuntonghininga nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang Auntie Nita, na may dalang tray habang may nakapatong na kape at mangkok.
“Oh, hang-over? Ito, kape at mainit na sabaw,” sambit nito at ipinatong sa side table ng kama niya. Nakangiti ang Auntie niya habang inilalapag ang mangkok at tasa ng kape.
“Inumin mo na habang mainit pa para makapagpahinga ka,” dagdag pa nito at nilingon siya. Seryoso lang siyang nakatingin sa kaniyang Auntie at iniisip kung bakit sobra ang pag-aalaga na ipinaparamdam sa kaniya.
“Bakit ganiyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?” tanong nito. Napangiti siya at saka umiling.
“Nothing, Auntie,” sagot niya. Tumango lang ang Auntie niya at naglakad na palabas. Nasa bukana na ng pinto ang Auntie niya nang tawagin niya.
“Auntie.”
“Yes?”
“Thank you.”
Kinindatan lang siya nito bago tuluyang lumabas. Napatawa na lang siya sa ginawa ng Auntie niya. Maaaring wala siyang magulang pero mayroon naman siyang the best na Auntie na maipagmamalaki niya sa lahat.
Lumapit siya sa side table at kinuha ang tasa ng kape upang inumin iyon nang tumunog ang cellphone niya. Nakita niyang boyfriend niya ang tumatawag kaya mabilis niyang dinampot ang cellphone at sinagot ang tawag. Yes, she have a boyfriend and she love him. Alam niyang mahal din siya nito dahil sinusuportahan siya nito sa lahat ng bagay. Understanding at hindi rin seloso.
“Hello, babe?”
“Where have you been last night, babe? I can’t contact you.”
“Just party.”
“Why?”
“To forget.”
“Are you okay?”
“Yes, I’m okay now. Ikaw?”
“Well, I have a business meeting later tonight with the new investors, so see you tomorrow.”
“Alright. I love you.”
“I love you.”
At natapos ang tawag. Nagkibitbalikat siya at sunod naman hinigop ang sabaw. Nang mainitan ang sikmura ay siya na ang nagbaba sa kusina ng mga hugasin at hinugasan na rin ’yon. Alam niyang wala na roon ang Auntie niya at pumunta na sa flower shop nito. Iyon ang trabaho nito, minsan kapag wala siyang pasok ay tumutulong siya sa Auntie niya sa pag-aayos at pagde-deliver ng mga bulaklak.
Nang matapos siya maghugas ay nagpasya na siyang maligo para mas lalong gumaan ang pakiramdam niya at para mapuntahan ang Auntie niya sa shop dahil Saturday naman at pahinga siya.
PAGKATAPOS niyang maligo ay naupo siya sa harap ng salamin para i-blower ang buhok niya nang tumunog ulit ang cellphone niya. Inilapag niya ang blower at tumayo para kunin ang cellphone sa kama. Nang makita niyang si Lorie Anne ang tumatawag ay napakunot ang noo niya.
“Ano naman kaya kailangan ng babaeng ’to?” tanong niya sa sarili bago pindutin ang answer button.
“Oh-”
“ADA!”
Mabilis niyang inilayo ang cellphone sa tenga dahil sa tili nito.
“What the hell, Lorie Anne! Hindi mo ba kayang hinaan ’yang boses mo?” tanong niya. Halos bulyawan na niya pero tinawanan lang siya nito.
“Sorry, okay? I thought, tulog pa ang diwa mo. Gigisingin ko sana.”
“Whatever! Napatawag ka?”
“Samahan mo ako mag-shopping? Treat ko na rin since ang dami natin ginawang trabaho last week sa office.”
May paglalambing sa boses nito at iyon ang hindi kayang tanggihan ni Amanda. Nagtatrabaho rin siya sa company ni Lorie Anne kaya naman tila hawak din nila ang oras nilang dalawa. Hindi naman sila pinupuna ng iba dahil ’pag dating naman sa trabaho nila ay wala rin mapipintas.
“Ada, pretty, please?”
Napairap siya. Pakiramdam niya nagpa-puppy eyes ang kaibigan kahit hindi niya nakikita.
“Oo na. Sunduin mo ako rito. Alam mong wala akong kotse.”
“Alright! On the way!”
“Si-”
Tanging pagkaputol na lang ng tawag ang narinig niya at ang pag-doorbell sa labas. Mabilis siyang napalapit sa bintana at sumilip sa labas. Hindi na siya nagulat na naroon na si Lorie Anne sa labas ng gate nila.
“Papasok na ako!” hiyaw nito nang buksan ang gate. Naiiling na lang siyang bumabalik sa harapan ng salamin para tapusin ang pagbo-blower.
NANG matapos na siyang magbihis. Red sleeveless dress na yumayakap sa kaniyang katawan ang suot niya with heels. Nakapusod ang buhok na may iilang hibla ng buhok sa unahan ang nakalugay.
“Ang ganda mo talaga, Ada! Parang gusto ko na lang magtomboy at agawin ka kay Nico,” sambit ni Lorie Anne nang sumakay sila ng kotse.
“Gaga! Mas maganda ka sa akin kaya huwag mong sayangin,” sagot niya lang. Tinawanan lang siya nito pero hindi na sumagot at pinaandar na ang sasakyan papunta sa isang shopping mall.
Pagkarating nila sa shopping mall, napatigil siya sa paglalakad dahil may nakita siyang isang masayang pamilya na naglalakad palabas ng mall. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit doon.
“Ada, nandito tayo para mag-relax hindi para magpaka-stress,” sambit ni Lorie Anne at hinila siya papasok sa loob ng mall.
Sa second floor, sa beauty products sila unang nagpunta dahil bibili siya ng lipstick. Paubos na kasi ang gamit niya kaya kailangan niya ng reserba. Pagkatapos doon ay sa bookshop naman sila pumasok. Nauna siyang pumasok sa loob habang naiwan si Lorie Anne sa labas dahil mahilig din siya magbasa ng libro at gusto rin niya bilhan ng books ang boyfriend niya dahil hobby rin nito ang magbasa.
“Ada.” Kinalabit siya ni Lorie Anne kaya naalis ang tingin niya sa mga libro at kunot noong tiningnan ang kaibigan.
“Oh?”
“Nag-usap na ba kayo ni Nico?” tanong nito.
“Yes, kaninang umaga bago ka tumawag siya muna ang nakausap ko. Bakit?”
“Talaga? Okay lang ba kayo? Hindi ba kayo nag-away o naghihiwalay?”
Dahil sa mga tanong na ’yon, ibinalik niya sa shelves ang librong hawak ang nag-focus sa kaibigan.
“No! Saan ba nanggagaling ’yang mga tanong mo? We’re fine. Nasa business meeting lang siya ngayon kaya baka bukas pa kami magkita.”
“Business meeting?”
“Oo, bakit ba?”
Naiirita na siya dahil sa mga tanong ni Lorie Anne. Tila may gustong sabihin pero paliko-liko pa.
“Business meeting o nakikipaglandian ’yang boyfriend mo?”
“What? Ano ang problema mo, Lorie Anne?”
“Halika, ikaw na ang humusga!” Hinila siya nito palabas ng bookshop at bumaba sila. Pumunta sila sa isang labas ng isang kainan sa loob ng mall.
“Hindi ba at si Nico ’yon? Ganiyan ba ang business meeting na sinasabi mo?” tanong nito sa kaniya.
Ganoon na lang panlalaki ng mata niya nang makita ang kaniyang boyfriend na nakikipaglandian sa ibang babae. Hindi mo masasabing business ang pinuntahan nito dahil nagsusubuan ng pagkain ang dalawa at lintik kung makalingkis ang babae. Nanlabo ang mata niya dahil sa luhang nagbabadyang pumatak.
“Ano? Upakan na ba natin ang babaeng haliparot na ’yan?” tanong ni Lorie Anne at papasok na sana sa loob ng kainan pero hinila niya at pinigilan.
“Ano? Aalis ka na lang? Wala kang gagawin?” tanong pa nito.
“U-umalis na lang tayo, please,” pakiusap niya. Pinunasan niya ang luha sa pisngi at nauna nang maglakad palabas ng shopping mall saka dumiretso sa sasakyan. Sumunod agad sa kaniya si Lorie Anne.
“Ganoon na lang, Ada? Hahayaan mo na lang?”
“Yes. Sa Circle Club tayo.”
“What? Mag-aalas dose lang, Ada!”
“Kung ayaw mo akong samahan, pupunta akong mag-isa.”
Bababa na sana siya ng sasakyan nang sumakay si Lorie Anne.
“Ito na nga, oh! Sinasabi ko lang ang oras.”
Hindi na siya umimik pa hanggang sa paandarin ang sasakyan.
Habang nasa kotse, walang ibang tumatakbo sa utak niya kung hindi ang eksenang nakita niya at ang pag-aalinlangan sa mukha ng ina niya. Tila nagsabay na ang sakit na nararamdaman niya. Dahil iyong taong akala niya mahal siya at perfect boyfriend na ay hindi pala. Isa pala sa manloloko at mananakit sa kaniya.
Dahil maaga pa, wala pang masiyadong tao sa loob ng club. Mangilan-ngilan lang na businessman and CEO ang naroon pero hindi iyon ang pinansin ni Amanda. Dumiretso siya sa stool bar at umorder ng alak.
“Three hards, please?” sambit niya. Tumalima naman agad ang bartender at ibinigay ang hinihingi niya.
“Ada, hinay-hinay, masiyado pang maaga ang paglalasing mo,” sambit ni Lorie Anne pero tila wala siyang narinig. Mabilis niyang nilagok ang alak at muling humirit sa bartender.
Walang nagawa si Lorie Anne kung hindi bantayan na lang ang kaibigan at iwasang huwag tumikim ng alak para maihatid pauwi si Amanda.
MULA naman sa VIP lounge ng Circle Club ay tahimik na nakaupo si Enrico. Wala siyang babaeng katabi ngayon dahil gusto lang niyang mag-relax dahil alam niyang pagbalik niya na naman sa office ay tambak na papeles na naman ang aasikasuhin niya.
“Pinsan, look who’s here.”
Sa pagkakapikit ay marahan niyang iminulat ang mata at nilingon ang pinsan na si Dale.
“What?”
“Take a look. She’s here.”
“Who?”
“Amanda. The hot chick.”
Nang marinig iyon ni Enrico, mabilis pa siya sa alas kuwatrong kumilos para silipin kung nagsasabi ng totoo ang pinsan niya. Nang makumpirma niya nga, napakagat labi siya habang nakatingin sa dalaga. Lalo na at umaangat nang kunti ang suot nitong dress.
“Himala at ang aga niya rito. Siguro, niloko ng boyfriend,” wika ni Dale na hindi naman binigyan pansin ni Enrico.
Abala siya sa pagtingin kay Amanda habang hindi nawawala ang ngisi sa labi.
“Sabi ko naman, I’m gonna make you mine once we met again,” bulong niya at nilingon ang pinsan.
“I'm gonna make a move. She’ll be mine tonight. Ikaw na bahala sa kasama niyang babae pero huwag mong babastusin. Libangin mo lang,” sambit niya na mayroong pagbabanta.
“Ngayon mo na ba gagawin ang bet?” tanong ni Dale pero tanging ngisi lang naging tugon niya. Naiiling na lang na muling nakipaglampungan ang pinsan niya sa babaeng nakakandong sa hita nito.
Sinipat niya ang kaniyang relo at nakitang alas dose pasado lang kaya maaga pa. Hindi niya inaalis ang tingin kay Amanda para hindi ito mawala sa paningin niya.
NANG mag-alas kuwatro ay napatayo siya nang makitang kumilos na ang pinsan niya. Nakita niyang lumapit si Dale sa kasamang babae ni Amanda at inalok ng alak. Noong una ay ayaw pa ni Lorie Anne pero habang tumatagal ang oras at mukhang napapansin na wala pang balak umuwi ang kaibigan, hindi na niya tinanggihan pa ang muling alok ni Dale.
“Bingo,” bulong niya nang makitang lasing na ang kaibigan ni Amanda. Nang mapayuko ito sa stool bar ay iniwan na ni Dale at lumapit sa kaniya.
“May tama na rin pala iyong kasama ni Amanda. Si Lorie Anne, kanina pa pala siya pinapainom ni Amanda kaya medyo tipsy na rin nang lumapit ako.”
“I don’t care about her name. Ikaw na ang bahala sa kaniya. Ihatid mo sa isa sa mga kuwarto sa third floor dito then leave her alone, Dale.”
“Sure. Hindi ko rin siya type kaya hindi ko papatusin iyan,” sagot nito.
Hindi na siya sumagot sa sinabi ng pinsan. Dahil naglakad na siya palapit kay Amanda na lasing na rin na kinakausap ang baso ng alak.
“M-manloloko ka, huh!” sambit nito sabay inom pero mabilis niyang naagaw ang baso.
“Enough, baby. Take a rest,” sambit niya sa malamig na boses. Dala ng kalasingan, hindi na nakaangal si Amanda at yumuko na lang sa stool.
“Let me help you,” sambit ni Enrico at inalalayan si Amanda tumayo. Bakas ang pag-iingat sa kilos niya nang hawakan ang dalaga.
Binuhat niya ang dalaga upang iakyat sa third floor. Dahil pinsan niya ang may-ari ng Circle Club, mayroon siyang sariling kuwarto sa third floor at doon siya madalas magpahinga kapag nasosobrahan sa alak pero wala pa siyang ipinapasok na babae roon maliban kay Amanda.
Pagpasok sa loob, marahan niyang inilapag sa kama ang dalaga.
“Hmmm. Manloloko ka…” sambit nito. Napapangiti siya dahil humahawi pa ang kamay nito.
“Kung sino man ang nanloko sa ’yo, tanga siya. Dahil sinayang niya ang isang katulad mo,” sambit niya habang nakatingin sa dalaga.
Naupo siya sa kama hinaplos ang mukha nito. “Hindi matatapos ang gabing ’to na hindi ka napapasakin,” bulong niya at tumayo. Pumasok siya sa banyo at kumuha ng towel, binasa niya iyon at muling bumalik kay Amanda.
Pinunasan nito ang mukha at katawan ng dalaga saka ipinatong sa ibabaw ng drawer na malapit sa kama. Muli niyang hinaplos ang mukha ni Amanda at dahan-dahang dinampian ng halik sa labi.
Hindi niya iginalaw ang labi niya at balak na sanang umalis nang maramdaman niyang ikawit ni Amanda ang braso nito sa batok niya.
“I want more…” sambit nito. Napangisi siya pero inalis niya ang kamay ng dalaga sa kaniyang batok. Nagmulat ng isang mata si Amanda at tiningnan si Enrico.
“I want more, please. Don’t stop…” puno ng pagsusumamo ang boses nito. Ngumisi siya.
“I will kiss you but you’re mine.”
“Yes…”
“Every inch of you will be mine, understand?”
“Yes… please, kiss me now.”
Muli niyang dinampian ng halik sa labi si Amanda pababa sa leeg nito.
“This will be mine. I kissed it so it’s mine. I’ve marked it as mine. You’ll be marked by me. You're owned by a Saldivar,” sambit niya habang hinahalikan si Amanda. Tanging pag-ungol lang ang naging tugon nito.
“I want your answer, baby.” Muling dumampi ang labi ni Enrico sa leeg ni Amanda na siyang nagpa-ungol sa dalaga.
“Y-yes…”
“Good girl,” aniya at hinalikan si Amanda na masuyo naman nitong tinugunan.
Pero tumigil siya nang maramdaman na nakatulog ang dalaga. Kahit gusto na niyang maangkin ang dalaga ay hindi niya iyon gagawin ngayon. Sapat na sa kaniya na alam niyang pagmamay-ari na niya si Amanda. Sa ngayon, kuntento na siya roon.
Kinumutan niya si Amanda at saka lumabas ng kuwarto nang mayroong ngiti sa kaniyang labi.
NAPABALIKWAS siya ng bangon nang marinig na tumunog ang cellphone. Pero natigilan siya nang makita ang kuwarto na hindi pamilyar sa kaniya. Dahil doon ay mabilis niyang sinilip ang katawan sa ilalim ng kumot. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang may damit pa siya. “Phew! May damit pa ako,” bulong niya.Muling tumunog ang cellphone niya kaya mabilis niyang kinuha ang cellphone na nasa loob ng kanyang sling bag at nakitang ang kanyang Auntie Nita ang tumatawag. “Si Auntie, baka hinahanap na ako nito,” bulong niya bago sagutin ang tawag.“H-hello, Auntie?”“Amanda, where are you? It’s already eight in the evening.” Sa tanong na ’yon ng Auntie niya ay muli niyang inikot ang tingin sa paligid. Sinubukan niyang alalahanin kung nasaan siya pero wala siyang maalala kung ano ang nangyari kagabi at kung paano siya napunta roon. “Amanda?” “A-ah, mamaya na lang ako magpapaliwanag, Auntie,” aniya at pinatay na ang tawag. Bumaba siya ng kama at muling iginala ang tingin sa loob ng silid. B
HABANG bumabyahe pauwi ay unti-unting naalala ni Amanda ang nakitang panloloko ni Nico sa kanya kaya napatigil siya sa pagmamaneho. Gumilid siya sa kalsada para hindi makasagabal sa ibang dadaan. “Oh, bakit ka tumigil?” tanong ni Lorie Anne. “Naalala ko na ang nakita kong panloloko ni Nico pero hanggang doon lang. Hindi ko pa rin matandaan kung paano ako napunta sa kwarto,” aniya at bumuntong hininga. Sumandal siya sa upuan.“Hindi ko naisip na gagawin ’yon ni Nico sa akin. Alam niya ang buhay ko at kung ano ang nangyari sa akin kaya akala ko hindi niya maiisip na lokohin ako…” Tumigil siya at tumingin sa kaibigan. Mapait siyang napangiti at napailing. “Sabi ko pa naman, kapag nakaipon ako at inalok niya akong magsama kami ay papayag na ako pagkatapos ganoon pala ang gagawin niya.” Nangilid ang luha niya pero agad din niyang pinunasan. “Inayawan ako ng magulang ko at hindi ko inakalang maging ang taong mahal ko ay aayawan ako. Ano ba ang mali sa akin, Lorie?” tanong niya at hindi
PARANG binuhusan ng malamig na tubig si Amanda nang makita ang mukha ng taong mag-i-interview sa kanya. Dahil nang magtagpo ang kanilang mga mata, tila may bombilyang pumitik sa turnilyo ng utak niya at isang eksena ang naalala. Hindi niya inasahang maalala niya ang nangyari noong gabing nalasing siya at nagising sa isang kuwarto.Malinaw na malinaw na tumatakbo sa utak niya ang halik nito at pakiusap niya sa lalaking ito na halikan siya. Mariin siyang napailing habang umaatras. “Impossible,” bulong ni Amanda habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang sling bag. “Sir--”“Can you leave us alone, Shane?” Nilingon nito sandali ang babae na agarang tumango at iniwan silang dalawa. “Remember me now, baby,” nakangising sambit ni Eric nang tumayo siya at humakbang para lapitan si Amanda. Pero mabilis na lumayo si Amanda at sunod-sunod na umiling.“H-huwag kang lalapit!” sigaw niya. She can’t believe na galit siya kay Nico dahil niloko siya nito, pero sa araw rin na ’yon ay nagpahalik si
NAKANGITI siyang sinalubong ang kanyang Auntie sa coffee shop nito at saka bumeso. Pinaupo siya nito at kinuhaan ng tubig at cupcake. “Thanks, Auntie,” sambit niya.“No worries, pero bakit ang bilis mo yata mag-apply? Tapos na agad?” tanong nito sa kanya. Nabilaukan siya sa kinakain niyang cupcake dahil sa tanong na iyon kaya mabilis niya kinuha ang isang basong tubig.“Oh, dahan-dahan naman. May mali ba sa tanong ko at parang nagulat ka?” Nagtatakang tanong nito. Tinapos muna niya ang pag-inom ng tubig bago umiling at ngumiti.“Wala, Auntie. Naalala lang siguro ako ni Lorie,” sagot niya. Tumango-tango ang kanyang Auntie at hindi na muling nagtanong dahil may dumating na rin na customer sa coffee shop nito. Naiwan siyang mag-isang nakaupo kaya hindi na naiwasang maalala ang eksena sa opisina kanina. Marahan din niyang pinupokpok ang ulo dahil sa kagagahan niyang ginawa. “Bakit ba kasi ako nagpakalasing ng sobra noon? Kung anu-ano tuloy ginawa ko,” saad niya at muling kumain ng cupc
Chapter 7ALAS nuebe na ng maluto ang sinigang at kasabay no’n ang pagdating ni Lorie Anne. Naghahain na si Amanda habang galing sa kusina ang kanyang Auntie Nita dala ang sinigang sa mangkok.“Hi!” bati nito at malawak na ngumiti. “Sakto, maupo ka na at sumabay ka na sa amin,” sambit ng auntie niya. “Wow! Tamang-tama, gutom na ako,” sagot naman ni Lorie Anne. Naiiling na lang siya habang umuupo.“Oh, teka at ikukuha kita ng plato,” sambit ni ng kanyang auntie at pumunta sa kusina. Naiwan silang dalawa. Tumabi sa kanya si Lorie Anne at bumulong. “Kumusta pag-apply mo?” “Mamaya ko na sasabihin, kakain na rin naman,” sagot niya. Hindi na umimik ang kaibigan dahil dumating na rin ang auntie niya habang may hawak na plato. Inilapag ito sa tapat ni Lorie Anne.“Kumain na tayo.”PAGKATAPOS nila kumain, niligpit din ni Amanda at hinugasan upang makapag-usap na sila ni Lorie Anne dahil kating-kati na ang kaibigan na malaman ang sasabihin niya. Hindi niya alam pero pagdating sa kadaldalan,
PAGPATIGIL ng sasakyan nila sa tapat ng mall, bumaba agad sila at pumasok sa loob. Pero agad siyang napatigil nang may mapansin na pamilyar na mukha sa harapan nila ni Lorie. Walang iba kundi si Nico, may kasamang iba. “Bakit ka tumigil?” Nilingon siya ni Lorie pero ang mga mata niya ay nakatingin kay Nico kaya sinundan iyon ni Lorie. “Nothing. Let’s go, Lorie,” sambit niya at hinila na ang kaibigan. Hindi na nakapagsalita si Lorie at nagpatianod na lang. “Amanda, sandali lang.” Hinawakan siya nito sa kamay. Tiningnan niya lang iyon at agad na binawi ang kamay niya nang hindi tumitingin sa mga mata nito. Hindi siya umalis ngunit hindi rin siya nagsalita.“Let me explain,” saad nito. “Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo, Nico. The moment na sinagot kita, sinabi ko na sa ’yo ng diretso na huwag mo akong lolokohin na puwedeng maka-trigger sa trauma ko. Alam mo naman ang lahat sa akin, ’di ba?” sambit niya saka tiningnan si Nico sa mga mata. Dumaan ang lungkot sa mukha nito habang nak
PASADO Alasyete na at tila nag-enjoy na siya sa panonood pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa loob niya. Gustong-gusto na niyang umuwi pero hindi niya makausap si Danny o kahit si Lorie. Malayo kasi si Danny sa kanila habang tutok na tutok naman si Lorie sa bawat race. At si Danny na ang sunod na sasalang sa race nang may tumabi sa kanya. “If I win that race, will you accept my offer?” Malamig ang boses at pamilyar sa kanya. Nang lingunin niya kung sino iyon ay hindi na siya nagulat pa. “Hindi ko tatanggapin ang offer mo kahit sampung emails pa i-send mo araw-araw sa akin, at kahit manalo ka pa ng tatlong beses dito ganoon pa rin ang sagot ko,” masungit niyang sagot. Hiindi na nakasagot ang kausap niya dahil sabay na nag-ring ang cellphone nila. Mabilis niya iyong sinagot at lumayo kay Enrico dahil auntie niya ang tumawag. Nagpaalam naman siya kanina kaya nagtaka siya sa pagtawag nito. “Hello, auntie, napatawag po kayo?” tanong niya. Hindi pa man nagsasalita ang auntie niya ay
Wednesday Morning.Nasa kalagitnaan ng pagre-review ng mga plano si Enrico para sa kompanya nila nang sumulpot si Dale sa kanyang opisina. “Yow, pinsan!” bati nito saka naupo sa upuang nasa tapat ng mesa niya. Dumekwatro ito at inilagay ang dalawang palad sa batok. “Ang dami mo yatang oras para magpunta rito imbes na magtrabaho,” sambit niya nang hindi nililingon ang kausap. “Nag-survey ako sa mga chixx kung ano prepare nilang pulutan o kung ano ang gusto nila kung sakaling mag-clubbing sila. Pandagdag din sa Circle Club. Natapos na ako kaya naisipan kong dumaan dito.” “Sumayaw ka sa gitna ng naka-boxer lang, tingnan natin kung hindi ka dumugin ng customers,” sambit niya nang hindi nililingon si Dale. Napaayos ng pagkakaupo si Dale at mabilis na tumitig sa kanya na abala pa rin sa pag-review. Nabigla ito sa sinabi niya, akala nito’y may kasama sila sa loob. “What the hell, Enrico! May ganyan ka rin pa lang iniisip? Akala ko puro ka lang babae--” Natigilan siya nang makuha ang sin