“Alam mong hindi na puwede ang gusto mo, Amanda,” sambit ni Amelia, ang kaniyang ina. Nakiusap siyang magkita sila sa Menchie’s restaurant. “Pero gusto kong mabuo ulit tayo, Mama,” sambit niya.“Alam mong may pamilya na ako at ganoon din ang ama mo. Kahit kailan, hindi na tayo mabubuo. Ilang beses ba dapat sabihin at ipaintindi sa ’yo ’yan?”“May pamilya na nga kayo, pero paano ako?” Nangilid ang luha niya sa tanong na iyon. “Iniwan ninyo akong mag-isa ni Papa habang kayo masaya na,” sambit niya. Tumingin siya sa mga mata ng ina at hinintay ang sagot nito pero isang tunog ng cellphone ang narinig niya.“Tumatawag na ang Tito Markus mo, kailangan ko nang umuwi,” sambit ng ina niya at tumayo. Napayuko siya at tila may gumuhit sa dibdib niya nang hindi man lang pinansin nito ang sinabi niya. Naramdaman niyang walang pakealam ang ina sa kung ano ang nararamdaman niya.Maagap niyang pinunasan ang luha at mapait na ngumiti. “I’m sorry, Amanda, but I need to go. Babawi ako sa ’yo next time,
Magbasa pa