Lie To Marry The CEO

Lie To Marry The CEO

last updateLast Updated : 2022-11-03
By:  Pordanabella  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
6 ratings. 6 reviews
61Chapters
5.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

A 19-year-old Liana Rae Trojillo borrowed a million peso money from a loan shark to get her mother a surgery after got hit-and-run by a car. Now, Liana had to divide her salary as a stripper in a club in able to pay her debt. When things got worst, Liana agreed to the offer of her friend, Lucas Thompson-- to pretend as his 26-year-old daughter Elysia and marry the CEO of Casa de Saros Hotel, Cosimo Ariento Melgarejo. After 5 months of pretending as the rich, classy and educated Elysia, and their marriage finally works out, will Cosimo still accept Liana if she reveals her true identity? Will a young woman who came from a squatters area, did not go to college and works as a stripper in the club has a chance to a rich and respectable CEO?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride," sabi ni father. Dito sa part na 'to ako kinakabahan. Sa loob ng halos dalawang buwan naming magkakilala, ngayong araw lang kami hindi nagbangayan. Nanlalamig ang mga kamay ko. Ramdam ko ang lamig ng singsing na kakasuot niya lang sakin. Ni hindi ko man lang siya nakitang umiyak habang papalapit ako sa kaniya. Ako? Pagtapak ko pa lang sa red carpet, rumagasa na ang luha ko! Umalon ang lalamunan niya habang inaangat ang suot kong belo. Suot ang white tuxedo, mas guwapo siyang tingnan kaysa sa palagian niyang suot na black executive suit. Mukha siyang mabait sa ayos niyang 'to. Idagdag pa na nagpa-clean cut siya ng buhok at walang suot na reading glasses. Noong una ko siyang makita, halos lumuhod ako. Hindi naman kasi maikakaila na guwapo siya kahit palaging may suot na salamin. Halata tuloy na matalino siya pero masungit. Mayroon siyang makapal at makalat na kilay na palaging nagsasalubong. Malalim na mga mata na kung

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
Dessy Jane
Ito yung may quality na story. Deserve mo ng maraming reads. Keep up the good work author
2022-09-03 04:28:07
1
user avatar
Zander Lacsamana
ganda magnarrate. ramdam talaga si Liana kaya minsan sarap niya kutosan hahahhaah. Basta greenflag si Cosimo kaya baling bali na ko. waiting akong mabuking si Liana ft. Lucas para happy happy. chos
2022-04-10 00:17:17
2
user avatar
Cobiyop
Ganda naman nito Pordana. Oh penge na update Hahhaha
2022-03-09 23:28:38
3
user avatar
ShielaLy
baka naman pengeng update HAHAHAH
2022-03-04 23:02:08
3
user avatar
Hannelyn Javier
Waiting sa update.
2022-03-04 02:13:22
1
user avatar
Shamae Buenavista
From Mafia story to Romance. Naks naman.
2022-03-04 00:36:42
2
61 Chapters

Prologue

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride," sabi ni father. Dito sa part na 'to ako kinakabahan. Sa loob ng halos dalawang buwan naming magkakilala, ngayong araw lang kami hindi nagbangayan. Nanlalamig ang mga kamay ko. Ramdam ko ang lamig ng singsing na kakasuot niya lang sakin. Ni hindi ko man lang siya nakitang umiyak habang papalapit ako sa kaniya. Ako? Pagtapak ko pa lang sa red carpet, rumagasa na ang luha ko! Umalon ang lalamunan niya habang inaangat ang suot kong belo. Suot ang white tuxedo, mas guwapo siyang tingnan kaysa sa palagian niyang suot na black executive suit. Mukha siyang mabait sa ayos niyang 'to. Idagdag pa na nagpa-clean cut siya ng buhok at walang suot na reading glasses. Noong una ko siyang makita, halos lumuhod ako. Hindi naman kasi maikakaila na guwapo siya kahit palaging may suot na salamin. Halata tuloy na matalino siya pero masungit. Mayroon siyang makapal at makalat na kilay na palaging nagsasalubong. Malalim na mga mata na kung
Read more

Chapter 1: The Plan

  "Kapag hindi ka pa nagbayad sa Linggo, pupudpurin ko ang bahay niyo!" sigaw ni Hugo habang diniduro ako sa noo. Inis na tinampal ko ang kaniyang kamay.  "Sinabi ko na ngang magbabayad ako sa katapusan, 'di ba?!" singhal ko pabalik. Pinanlisikan ko ng mata ang isang tauhan niyang umabante papalapit sa akin. Pinalilibutan ako ng pitong lalaki ngayon sa isang madilim na bakanteng lote. Walang mga tao o sasakyan ang dumadaan sa parteng ito dahil sa matataas na damo. Kapag papatayin nila ako rito, ipapanalangin ko na lang na sana umabot ang alingasaw ng bangkay ko roon sa malayong kabahayan.  Tumiim ang bagang ko nang biglang hinawakan ni Hugo ang aking panga. Nagpumiglas ako pero nagsilapitan ang mga tauhan niya at hinawakan ako sa magkabiglang braso. Lumubog ang daliri ng matabang lalaking ito sa aking pisngi. "Linggo-linggo ang bayaran, hindi buwan-buwan! Tinaguaan mo pa kami noong mga nakaraang Linggo, tangina mo ka! Um
Read more

Chapter 2: First Impression

"Ma! Teka Teka!"   Binaba ko kaagad sa lamesa ang mga pinamalengke at tumakbo kay mama. Agad kong inagaw ang kaldero sa kaniya saka binaba iyon sa lababo. Hinawakan ko ang parehong braso niya.    "Ano ka ba naman, Liana. Kaya ko naman," marahang sinabi niya para pakalmahin ako.    Bumuntonghininga ako saka iginaya siya papalapit sa lamesa. Naghila ako ng upuan at doon siya pinaupo.    "Ma, 'di ba po sabi ko ako na ang kikilos dito sa bahay? Hindi pa naghihilom 'yang paa niyo kaya dapat nagpapahinga ka lang."   "Hay naku! Paa ko lang naman ang naputol, hindi ang kamay," giit pa niya.    Ngumuso ako. "Kahit na. Hindi ka pa nga sanay gamitin 'yang saklay mo." Kinuha ko ang saklay sa kaniya. Isinandal ko muna iyon sa pader para hindi sagabal.   Pagkatapos kong magsaing, hinugasan ko na ang mga gulay na lulutuin nang magsal
Read more

Chapter 3: No Balls

'Yong lalaking 'yon, ang kapal ng mukha niya! Sino ba siya para sabihan ako ng ganoon? Oo nga't hindi ko masyadong nasundan ang mga sinabi niya pero tumatak talaga sakin 'yong sinabi niyang 'I don't like you'. Kung ano-ano pang binanggit niya sakin na I'm sure, puro negative! May pa 'tell your father to cancel this' ek ek pa siya! So gusto niyang ipa-cancel 'to? May nalalaman pa siyang 'our marriage is likely to work out', eh, ayaw naman pala niya sa ganito! Impokrito! Plastic! Bakit hindi na lang niya sabihin sa nanay niya mismo? Ayaw ko rin naman sa ganito! Feeling niya ba patay na patay ako sa kaniya? Kala mo naman siya lang ang pogi sa mundo! Mas guwapo na si Aldrio para sakin ngayon! 'Yong Cosimo na 'yon, parang hinulma lang na greek god ang mukha pero pang demonyo talaga ang ugali! Sana marunong naman siya rumespeto, no? Ayaw niya sakin? Dapat sinabi ko rin na ayaw ko sa kaniya para quits kami! Palibhasa mayaman kaya ganoon umasta! Bakit kaya ganoon? Parang mas may manners pa
Read more

Chapter 4: In or Out

Isang push up lang niya, nawala na siya sa itaas ko. Nanatili akong nakahiga dahil bukod sa masakit ang pang-upo at likod ko, masakit din ang dibdib ko. Pakiramdam ko napisa ang mga ito dahil sa pagkakadagan niya. "My glasses." aniya. Saka ko lang napansin na hindi na niya suot ang salamin niya. Nahanap ko itong nakahandusay rin sa lapag, katabi ng ulo ko, basag. Pumalantik siya tapos ay bumuntong hininga. Yumuko siya para kunin iyon na sa pag-angat niya, naglaglagan ang mga basag na parte nito. Hindi ko kasalanan 'ayan, ha! Tinitigan niya lang iyon sa kamay niya, sinusuri kung ano pa ang nasira. Pero nang matanggap niya sa sarili na hindi na niya magagamit pa iyon, lumakad siya sa trash can at tinapon na. "Get up now," tuwid na utos niya. Hindi man lang nag-alok ng kamay para tulungan ako. Tinuruan ba 'to ng GMRC noong elementary siya? May ganoong subject ba sa private school? Character Education? Mayroon 'yon, sigurado! Ugali nga naman ng mga anak mayaman. Tangina! Dahan-
Read more

Chapter 5: Intimate Dinner

Mahigit isang linggo ang lumipas pagkatapos ng kasuklam-suklam na pangyayaring iyon. Gusto ko mang pagbayarin si Hugo sa ginawa niya, hindi na lang ako nagpadalos-dalos pa na magsampa ng reklamo. Alam kong may kapit siya sa police station. Isasampal niya lang sakin ang pinirmahan kong kontrata, ibabasura na ang complain ko. Hindi ako boba para hindi i-review ulit ang kasulatan noong araw na iyon. Nakasaad sa kasunduan na kung hindi ako makakapagbayad, may karapatan silang magpataw ng kahit anong parusa. Noong araw na gumapang ako papalapit sa kaniya, basta ko na lang itong pinirmahan nang hindi sinuyod ang buong detalye. Kung hindi lang ako gahol sa oras noon at desperada, nabasa ko pa sana. Narinig kong sumisinghot-singhot na ang katabi ko kaya binalingan ko siya. Patapos na kasi itong pinapanood naming romance movie na tragic pala ang ending. "You crying?" pag-aasar ko sa kaniya. Sinulyapan niya ako saka ngumuso. Inunat niya ang kwelyo ng suot niyang t-shirt at iyon ang pinampu
Read more

Chapter 6.1: Kisses

Napalingon si Cosimo sa tumawag sakin habang ako naman ay tumalikod, yumuko at pumikit nang mariin. Nanatili ako sa tabi ni Cosimo kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba. Humarap na ulit si Cosimo sa counter, kalmado lang na naghihintay sa order niya. Paanong hindi nila ako makikilala, e, kabisado na nila ang mukha ko, may make-up man o wala. Nakakainis lang kasi bakit pa nila ako lalapitan, hindi naman araw ng hulog ko ngayon! Kinagat ko ang ibabang labi. Anong gagawin ko? Nilingon ko si Cosimo. "I'll just wait you in the car." Ngumiti ako para hindi niya ma-interpret na nababagot akong maghintay rito. Nang tumango siya, yumuko na ako at mabilis na lumakad paalis. Grabe ang tambol ng puso ko nang makasalubong ko sina Hugo sa gitna ng aisle. Mabilis ang lakad ko habang sila, napahinto at sinundan ako ng tingin. Nakatungo ako hanggang sa paglabas. "Hoy, Liana!" sigaw ni Hugo na sinundan ako rito sa labas. Hindi ako lumingon at mas binilisan pa ang lakad palayo sa sh
Read more

Chapter 6.2: Kisses

Pawis na pawis ako sa pagpiglas kaya hinayaan ko ang sariling magpahinga sandali. Binusalan na nila ang bibig ko kaya nawalan na ako ng pag-asang may makakarinig sakin mula sa labas. Walang tutulong sakin kundi ako lang, sarili ko lang. Dumaloy ulit ang luha ko sa sintido. Naisip ko sina Mama at Angge. Paano ko pa itatayo ang sarili ko pagkatapos nito? Paano pa ako gagapang para sa kanila kung pakiramdam ko patay na ko? Hindi ko ma-imagine ang sarili. Napansin ng lalaking pumapapak sa leeg ko na hindi na ako gumagalaw. Kaya naman humiwalay siya sakin para tingnan kung buhay pa ba ako. "Ano?" Sumingit si Hugo sa kanila para tingnan ako. Naka-recover na siya mula sa sakit ng sipa ko. Ramdam kong wala nang pwersa ang mga nakahawak sakin. Akala yata nila ay napagod na ako kaya hindi na ako kakawala ulit. Tinanggal na rin ang panyong nakatakip sa bibig ko na hinahawakan ng isa sa kanila. Walang buhay na tiningnan ko si Hugo. Nakangisi siya sakin na mukhang natutuwa dahil makakatiki
Read more

Chapter 7: Hot Scene

"Frida," ang siyang kumawala sa mga labi niya pagkatapos niyang bumitaw sa masuyong halik na iyon.    Para akong lumutang sa ere na hindi na inintindi ang pangalang nabanggit niya. Parang sumugat sa puso ko ang halik niyang iyon. Kumalabog ang puso ko nang maalala kung paano ako halikan ng mga hayop kanina. Ang mga laway nilang kumalat sa leeg at pisngi ko, natuyo na sa balat ko. Nakakadiri!    Sanay naman ako sa mga pambabastos dahil nga parte iyon ng trabaho ko pero hindi naman ang tulad kanina! Wala pang kahit sino o costumer na nagtangkang halikan ako! Para na akong mamamatay kanina! Hindi ko naman ugaling manakit pero nagawa ko! Kung natuloy man ang panggagahasa nila sa sakin, baka hindi na ako makalabas pa ng buhay roon!    "Shhh. I'm sorry. I'm sorry. Don't cry. Hush now."    Natulala ako kay Cosimo sa masuyong mga sinabi niya. Marahan niyang hinahawakan ang mukha ko na par
Read more

Chapter 8: Boyfriend

Nagising ako sa silaw ng liwanag na pilit pumapasok sa mga mata ko. Imiktad ako sa sakit ng ulo. Parang pinupokpok ang sentido ko. Ang bigat ng pakiramdam ko na para akong lalagnatin.Nang dumilat ako, nanlaki ang mga mata ko nang mahanap ang sariling nakadapa sa ibabaw ng lalaki. Agad kumalabog ang puso ko. Tumingala ako at mas lalong nataranta nang makita si Cosimo, mahimbing na natutulog. Then naalala ko kung anong nangyari kagabi. Lahat-lahat ng nangyari na puro lang naman kamalasan. Pati ito. Mariin akong napapikit at parang gustong sabunutan ang sarili sa kung anong ginawa namin nitong lalaking 'to. Seryoso, Liana? Binigay mo ang sarili mo sa lalaking 'yan? 'Di ba dapat kay Aldrio lang? Bakit mo hinayaang siya ang makauna sa 'yo?!Tumiim ang bagang ko. Mariin kong kinamot ang ulo, nagpipigil na baka masabunutan ko ang sarili sa pagiging pakawala!Huminga ako nang malalim pagkatapos ay dahan-dahang bumaba mula sa ibabaw ni Cosimo.
Read more
DMCA.com Protection Status