Si Lara ay isang babae na may malungkot na nakaraan at buhay. Wala siyang sariling pamilya, wala siyang sariling ipon, at nagsusumikap siya sa araw-araw para lang mabuhay. Limang taon na siyang nagtatrabaho bilang janitress sa isang sikat at prestihiyosong kumpanya sa bansa, ang Etoile Cosmetics. Ang kanyang pang-araw-araw na gawain ay ang gumising ng maaga sa umaga, pumasok sa trabaho, umuwi sa tinitirhang apartment, at magpalipas ng malungkot na gabi nang mag-isa. Nais niyang maging katulad ni Amanda Montserrat, isang maganda, mayaman at isang makapangyarihang babae na nagmamay-ari ng kumpanya na Etoile Cosmetics. At mukhang nagkatotoo ang kanyang kahilingan. Nang dahil sa isang malaking aksidente ay nabubuhay siya ngayon bilang si Amanda Montserrat at kailangan niyang mamuhay sa mundo nito hanggang sa makabalik siya sa kanyang sariling katawan! Pero paano niya gagawin iyon?
Lihat lebih banyakSa maaliwalas na umaga, ang araw ay unti-unting sumisilip sa ibabaw ng lawa. Ang mga sinag nito ay naglalaro sa kumikinang na tubig, waring sumasayaw sa simoy ng hangin. Sa balkonahe ng kanilang rest house, nakaupo sina Clark at Danielle sa kanilang paboritong duyan. Magkahawak ang kanilang mga kamay, habang pinagmamasdan ang kalikasan sa kanilang paligid. Sa kabila ng mga kulubot sa kanilang mga palad at buhok na halos puti na lahat, nananatiling matibay ang pag-ibig nila—mas malalim pa kaysa sa mga pangakong binitiwan nila sa isa’t isa animnapung taon na ang nakalipas.Ang kanilang tahanan ay napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak—rosas, liryo, at mga sunflower na itinanim mismo ni Danielle noong kabataan niya. Sa hardin, may maliit na puno ng mangga na itinanim nila noong unang taon ng kanilang kasal. Ngayon, ito ay matayog na at hitik sa bunga—parang sagisag ng kanilang lumalaking pamilya at pag-ibig.Sa loob ng bahay, abala ang kanilang mga anak sa paghahanda para sa isang es
Mabilis na lumipas ang maraming taon, ngunit ang pag-ibig nina Clark at Danielle ay nanatiling matibay at buo—higit pa sa kanilang mga pangarap. Sa kanilang rest house sa tabi ng lawa, napapalibutan sila ng kanilang mga anak, apo, at mga mahal sa buhay. Wala nang iba pang makakapagpasaya sa kanila ngayon dahil Basa kanila na ang lahat. Ang hangin ay banayad, at ang kalangitan ay naglalaro sa mga kulay ng dapithapon. Sa gitna ng hardin, may isang malaking mesa na puno ng pagkain, bulaklak, at mga dekorasyon. Ngayon ay ipinagdiriwang nila ang ika-60 anibersaryo ng kanilang kasal—isang ginintuang milestone ng kanilang pagmamahalan. Masayang nagkukuwentuhan ang pamilya, nagbabalik-tanaw sa mga masasayang alaala. Si Ava at Liam, ang kanilang mga anak, ay abala sa pag-aasikaso ng handaan. “Ma, Pa, hindi niyo ba nagustuhan ang sorpresa namin?” tanong ni Ava habang lumapit sa kanila. Napangiti si Danielle, sabay yakap sa kanyang anak. “Sobra! Hindi ko inakalang magkakaroon pa
Isang maaliwalas na hapon sa hardin ng kanilang rest house, nakatayo sa tabi ng isang lawa.Ang paligid ay puno ng makukulay na bulaklak—rosas, sunflower, at lavender na paborito ni Danielle.May nakahilerang mga mesa na may puting tablecloth at mga eleganteng bulaklak bilang centerpiece.Ang mga panauhin ay pawang malalapit nilang kaibigan at pamilya.Ang himig ng isang live acoustic band ay marahang pumupuno sa hangin.Sa isang mesa sa ilalim ng malaking puno, nakaupo sina Clark at Danielle.Kapwa silang may uban na sa buhok, ngunit napanatili pa rin ang sigla sa kanilang mga mata.Suot ni Clark ang isang navy blue suit na may puting boutonniere sa dibdib, habang si Danielle ay nakasuot ng eleganteng kulay cream na gown na may mga bulaklak na burda.Sa kabila ng paglipas ng panahon, nandun pa rin ang lambing at init ng pagmamahal sa kanilang mga mata habang nagtititigan.“Fifty years, huh?” bulong ni Clark, hawak ang kamay ni Danielle.“Oo… hindi ko nga namalayan, parang kahapon lan
Pagkatapos ng masayang pagdiriwang ng kanilang kasal, nagpaalam na ang mga bisita sa bagong mag-asawa.Nagpaulan ng petals at confetti ang kanilang mga kaibigan at pamilya habang lumalakad sina Clark at Danielle papunta sa nakahandang sasakyan.Hawak-kamay sila, kapwa nakangiti, habang ang mga kaibigan nila ay nag-cheer at nagpalakpakan.“Mabuhay ang bagong kasal!” sigaw ng lahat.“We love you, Mr. and Mrs. Ramirez!” dagdag pa ng isa sa mga kaibigan ni Clark.Pagkasakay nila sa kotse, humilig si Danielle sa balikat ni Clark, ramdam ang pagod ngunit puno ng ligaya ang puso.“Hindi ako makapaniwala na mag-asawa na tayo,” bulong niya, nakangiti sa kanyang asawa.“Simula pa lang ‘to, Mrs. Ramirez,” sagot ni Clark habang hinahalikan siya sa noo.“Handa ka na ba sa forever natin?” dagdag niya.“Matagal na akong handa,” sagot ni Danielle, sabay tingin sa mga mata ni Clark.Pagdating sa airport, lumipad sila patungong Maldives para sa kanilang honeymoon.Pagdating sa resort, naglakad sila sa
Isang maaliwalas na hapon sa isang pribadong hardin.Ang araw ay malumanay na sumisilip sa mga ulap, at ang banayad na simoy ng hangin ay nagdadala ng halimuyak ng mga bulaklak.Sa gitna ng hardin, isang eleganteng altar ang itinayo—pinalamutian ng mga puting rosas, lavender, at baby’s breath.Sa magkabilang gilid ay nakapuwesto ang mga upuan, punung-puno ng kanilang mga mahal sa buhay.Ang puting carpet ay nakalatag sa gitna, tila nagsilbing daan patungo sa bagong kabanata ng kanilang pag-ibig.Nakatayo si Clark sa harap ng altar, nakasuot ng isang itim na three-piece suit na perpektong nakalapat sa kanyang matipunong pangangatawan.Ang kanyang buhok ay bahagyang nagulo ng hangin, ngunit mas lalong nagbigay ng kagwapuhan sa kanyang hitsura.Halata ang kaba sa kanyang mga mata, ngunit higit ang pananabik.Sa kanyang mga palad, nakasapo ang kanyang mga daliri sa isa’t isa, pilit na pinipigilan ang panginginig sa sobrang emosyon.Nang tumugtog ang soft instrumental music, nagsimula nang
Isang maaraw na hapon sa unibersidad.Punong-puno ng mga tao ang paligid—mga magulang, kapatid, kaibigan, at mga mahal sa buhay na nagtipon-tipon upang saksihan ang pagtatapos ng mga estudyanteng minsan ay nangarap lamang makatawid sa kolehiyo.Sa gitna ng masayang kaguluhan, naroon sina Danielle, Clark, at ang kanilang mga kaibigan—handa nang harapin ang bagong yugto ng kanilang mga buhay.Habang isa-isang tinatawag ang mga pangalan, tumayo sa gilid ng entablado sina Danielle at Clark, magkahawak-kamay.Suot ang itim na toga at sumbrero, hindi nila maiwasang ngumiti sa isa’t isa."Hindi ko akalaing aabot tayo rito," bulong ni Danielle, pilit na pinipigilan ang pagpatak ng luha."Sinabi ko sa'yo, Danielle. Walang bibitaw," sagot ni Clark, masuyong pinisil ang kanyang kamay.Nang marinig ni Danielle ang kanyang pangalan, mabilis na tumibok ang kanyang puso.Habang naglalakad sa entablado, naalala niya ang lahat ng pinagdaanan nila—ang mga pangamba, ang mga gabi ng takot at pagod, at sa
Makalipas ang dalawang linggo, unti-unting bumuti ang kalagayan ni Danielle.Nakalabas na siya sa ospital, ngunit kailangan pa rin niyang manatili sa safehouse nina Clark para sa seguridad.Tahimik ang gabi, at tanging ang mahinang sipol ng hangin ang maririnig mula sa labas ng balkonahe.Nasa labas si Danielle, nakaupo sa lumang upuan habang nakatingin sa malayo. Hawak niya ang isang tasa ng tsaa, pero matagal na iyong lumamig.Naka-pulupot sa kanya ang isang malambot na shawl, ngunit halos hindi niya ramdam ang lamig.Malalim ang kanyang iniisip—paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang nangyari sa warehouse, ang mga mukha ng mga taong nawala, at ang muntikan na niyang pagkamatay."Hindi ka na naman natutulog," malalim at bahagyang paos na boses ni Clark ang pumukaw sa katahimikan.Napalingon si Danielle, at nakita niya itong nakatayo sa may pintuan, nakasuot lang ng itim na sweatpants at isang manipis na shirt.Medyo magulo ang buhok niya, halatang kagigising lang o hindi rin
Sa gitna ng kaguluhan sa apartment, bumagsak si Danielle sa sahig matapos ang pagputok ng sniper. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang pinipilit hawakan ang kanyang tagiliran, kung saan dumaloy ang mainit na dugo."Danielle!" sigaw ni Clark, mabilis na lumapit sa kanya. Nakabuka ang kanyang mga mata, pero nanlalabo ang tingin. Agad siyang dumapa sa tabi ni Danielle, pinipisil ang sugat para pigilan ang pagdurugo."Kaya mo ‘to. Tingnan mo ‘ko. Huwag kang pipikit, okay?"Sa kabila ng sakit, pilit na ngumiti si Danielle, pero lumuluha na ang kanyang mga mata."H-huwag kang mag-alala… hindi pa ako mamamatay…" bulong niya, pilit na nagbibiro sa kabila ng sitwasyon.Habang nagkakagulo sa loob, si Samantha naman ay mabilis na nagtago sa likod ng sofa, pilit na pinapagana ang kanyang isip. May sniper sa kabilang gusali—alam niyang hindi sila makakaligtas kung hindi nila ito maalis."Kailangan nating makaalis dito!" sigaw niya kay Clark. "Papatayin nila tayo isa-isa!"Sa labas, naririnig
Madilim at tahimik ang eskinita kung saan nagtatago sina Danielle at Clark. Naririnig nila ang mabibigat na yabag ng mga lalaking bumaba sa van—tila tatlo o apat na tao, armado. Malamig ang pawis sa likod ni Danielle habang mariing nakahawak sa braso ni Clark."Kailangan nating makalabas dito," bulong ni Clark, sinisilip ang dulo ng eskinita. "Pero hindi pwedeng magmadali. Alam nilang nandito tayo."Huminga nang malalim si Danielle at pinisil ang kamay ni Clark. Sa kabila ng takot, alam niyang hindi siya pwedeng huminto. Dito nagkakatalo ang laban.Sa kabilang banda, nagmamadaling nagmaneho si Samantha patungo sa lokasyon nila. Sa kanyang cellphone, pinadalhan siya ni Clark ng mabilis na mensahe:"We’re cornered. Need backup. Now."Napamura si Samantha at pinindot ang gas, pinipigilang mag-panic. Sa likuran ng kanyang kotse, handa na ang baril na palihim niyang tinatago sa loob ng compartment—isang kalibre .45 na hindi niya inakalang magagamit niya sa ganitong sitwasyon.Balik sa eski
LARA SMITH. Dahan-dahang iminulat ni Lara ang kanyang mga mata nang marinig ang tunog ng alarm mula sa kanyang telepono. Kinuha niya ang kanyang telepono para patayin ang alarm, at hindi na siya nag-abalang tingnan ang oras dahil alam niyang eksaktong 5:30 na ng umaga, at ito ang karaniwang oras ng paggising niya para maghanda para sa kanyang trabaho.Agad siyang bumangon mula sa kanyang higaan, dumiretso sa kusina para magpakulo ng tubig para sa kanyang iinumin na kape.Matapos noon ay binuksan niya ang kanyang lumang refrigerator upang tignan kung ano ang maaari niyang kainin para sa almusal.Nagpakawala si Lara ng isang malungkot na buntonghininga nang ma-realize niya na walang kalaman-laman ang refrigerator. Ang tanging laman lamang ay isang pitsel ng tubig. Napagpasiyahan niya na magkape na lamang. Nang makapagpakulo na siya ng kape ay naglagay na siya ng instant coffee sa kanyang tasa.After a few minutes, naubos na rin niya ang kanyang kape then afterwards, she went straight ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen