LARA SMITH.
Dahan-dahang iminulat ni Lara ang kanyang mga mata nang marinig ang tunog ng alarm mula sa kanyang telepono. Kinuha niya ang kanyang telepono para patayin ang alarm, at hindi na siya nag-abalang tingnan ang oras dahil alam niyang eksaktong 5:30 na ng umaga, at ito ang karaniwang oras ng paggising niya para maghanda para sa kanyang trabaho.
Agad siyang bumangon mula sa kanyang higaan, dumiretso sa kusina para magpakulo ng tubig para sa kanyang iinumin na kape.
Matapos noon ay binuksan niya ang kanyang lumang refrigerator upang tignan kung ano ang maaari niyang kainin para sa almusal.
Nagpakawala si Lara ng isang malungkot na buntonghininga nang ma-realize niya na walang kalaman-laman ang refrigerator. Ang tanging laman lamang ay isang pitsel ng tubig.
Napagpasiyahan niya na magkape na lamang. Nang makapagpakulo na siya ng kape ay naglagay na siya ng instant coffee sa kanyang tasa.
After a few minutes, naubos na rin niya ang kanyang kape then afterwards, she went straight to the bathroom to get ready.
Makalipas ang ilang minuto, nagmamadali nang tumakbo si Lara papunta ng bus station, at iyon ang maghahatid sa kanya papunta ng opisina...
=================================
Sa loob ng elevator.
"Payday ngayon, kaya dapat mag-splurge tayo ng konti ngayong gabi! Saan ninyo gustong pumunta, girls?"
"Oh, bakit hindi natin subukan ang bagong bukas na restaurant sa Metropolis?"
"Yes, that's a great idea! Matagal ko nang gustong pumunta doon. Marami na akong nabasang magagandang reviews tungkol sa restaurant na iyon."
Biglang nakaramdam ng inggot si Lara habang pinapakinggam niya ang usapan ng mga babae na nasa loob din ng elevator. Magaganda silang tatlo, very classy and fashionable. Nakaramdam siya ng kaunting hiya para sa kanyang sarili. She's wearing her usual black, one piece jumpsuit uniform at ibang-iba ang suot niya kumpara sa mga branded na damit at sapatos na suot ng mga babaeng ito.
Limang taon na siyang nagtatrabaho bilang janitress sa Etoile Cosmetics.
Nagpapasalamat siya sa kanyang trabaho, pero minsan, hindi niya maiwasang mapaisip at magtanong sa sarili. Kailan kaya siya makakabili ng mga mamahaling damit, sapatos, bag at make up? At kailan kaya siya makakakain sa isabg mamahaling restaurant?Madalas din niyang naiisip. ang mga bagay na iyon, pero agad din siyang bumabalik sa reyalidad.
Isa lamang siyang mahirap na tao, at kailangan niyang kumayod upang mabuhay sa mundong ito...
Dapat sana ay sa ibang elevator siya sasakay. May mga nakatoka na elevator para sa maintenance at cleaning staff ng kompanya, sa mga office workers at para sa CEO, President at may-ari ng kompanya.
Ngunit nagkaroon ng problema ang elevator para sa mga maintenance at para sa mga big bosses nila, kaya naman nakasakay siya ngayon sa elevator para sa mga office workers...
Nakahinga siya ng maluwag nang bumukas ang elevator, at nagsimulang lumabas ang tatlong babae.
"Sa wakas..." sabi niya sa sarili.
Bigla siyang natulala dahil sa labis na pagkagulat nang makita niya ang may-ari at ang Presidente ng Etoile Cosmetics company na si Miss Amanda Montserrat.
She is the perfect epitome of a modern, independent businesswoman.
Bukod sa kagandahang pisikal na taglay niya, isa rin siyang matagumpay na entrepreneur.
She is the perfect example of beauty and brains.
Nais niyang maging katulad ni Amanda Montserrat.... Gusto din niyang maging maganda, mayaman at isang makapangyarihang babae na nagmamay-ari ng isang napakalaking kompanya.
Masuwerte din sa pag-ibig ang kanyang Boss dahil malapit na itong ikasal sa isang milyonaro, at nagmamay-ari ng chains of hotel sa kanilang bansa at sa isang bansa.
Natigil sa pag-iisip si Lara nang marinig niya ang boses ni Amanda Montserrat.
"Hi, how's your day?" ang nakangiting bati ng babae sa kanya.
Hindi makuhang makapagsalita ni Lara sa gulat dahil hindi siya makapaniwala na kinakausap siya ng babaeng nagmamay-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya!
Bukod pa doon ay ngayon lang niya nakita ang kanyang Boss ng harap-harapan!
"Magandang araw po, Madame!" ang kinakabahang sagot ni Lara.
"Please, just call me Amanda. And I hope you're having a good day today?" ang muling tanong ni Amanda.
"Maayos naman po, Madame." tugon ni Lara.
"Tell me honestly, hindi ka ba masaya sa pagtatrabaho mo sa kompanya? Is someone bullying you here?" nagtanong muli ang kanyang Boss."Naku, wala po akong naging problema sa loob ng limang taon na pagtatrabaho ko sa kompanya ninyo. Pero hindi ko lang po maiwasan minsan na mainggit sa mga office ladies sa beauty and cosmetics department. Napakaganda nila at napaka-elegante pa." hindi malaman ni Lara kung bakit madali sa kanya ang mag-open up sa taong katulad ni Amanda Montserrat.
"Pero hindi rin natin sigurado kung masaya sila..." ang kibit-balikat na sagot ni Amanda.
Napaisip si Lara pagkatapos niyang marinig ang sinabi ng kanyang Boss. Naisip niya na may punto ang babae.
"You see what I mean? You can't really define a person's happiness with their physical. appearance, mamahaling damit, sapatos at pera... Kaya hindi ka dapat mainggit sa ibang tao." ang sinserong pahayag ni Amanda.
Magsasalita pa sana si Lara ngunit hindi niya iyon nagawa nang biglang bumukas ang pinto ng elevator, at lumabas na si Amanda. At bago magsara ang elevator ay nagsalita muli ito.
"Magkikita pa tayong muli... We'll talk more in the future." ang nakangiting paalam nito.
Matapos noon ay muling sumara ang elevator.
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Lara habang inaalala niya ang mga sinabi ni Amanda sa kanya.
Naku-curious siyang tanungin si Amanda kung masaya ba ito sa kinalalagyan niya ngayon. Halos perpekto na ang buhay nito, at naisip niya kung may iba pa itong mahihiling sa kanyang buhay...Sa kaunting minuto ng pakikipag-usap niya kay Amanda Montserrat ay medyo gumaan ang kanyang pakiramdam.
Pero naniniwala siya na malaki pa rin ang factor ng pagkakaroon ng pera para lumigaya ang isang tao sa kanyang buhay...
==================================Kinagabihan.
Si Lara ay kasalukuyang kumakain ng instant noodle at iyon na ang kanyang hapunan para sa gabing iyon.
Habang kumakain siya ng simpleng hapunan ay nanonood siya gamit ang kanyang cellphone. Pinapanood niya ang isang video interview ni Amanda Montserrat mula sa isang sikat na talk show para sa mga negosyante.
"So, tell us Amanda. Kailan ka nagdesisyon na simulan ang cosmetic empire mo?" ang tanong ng talk show host kay Amanda...
"Well, nagsimula ang lahat noong teenager pa lang ako. I've been very interested on how a simple lipstick can change a girl and make her feel good about herself.That's why right after graduating high school, I decided to take up a Business Management course para matutunan ko kung papaano magpatakbo ng negosyo. Nang maka-graduate ako ay nagpasya akong magtrabaho bilang isang normal na empleyado sa kumpanya ng aking ama, at nakaipon ako ng aking puhunan para simulan ang aking sariling negosyo. I established Etoile Cosmetics many years ago, and the rest is history." ang nakangiting pagkukwento ni Amanda.
Nagpasya si Lara na manood ng isa pang video tungkol kay Amanda. Nakakita siya ng isang video na may title na: The Engagement of a Hotel Magnate Emperor and a Beauty Empress: Emmett Albreicht and Amanda Montserrat.
She clicked the video and started watching it.
"Congratulations on your engagement, Mr. Albreicht and Miss Montserrat! Plano ninyo na bang magpakasal ngayong taon?" ang nakangiting tanong ng isang reporter.
Nagkatinginan sina Amanda at Emmett, habang nakangiti ang mga ito. Si Emmett ang unang nagsalita upang sagutin ang tanong ng reporter.
"Well, hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa mga eksaktong detalye ng kasal, pero kapag handa na kami, ipapaalam namin sa media ang aming mga plano."
Si Amanda naman ang sumunod na magsalita.
"Alam mo, I just want to savor the moment of being engaged before we could start with the wedding plans. And just like what Emmett said, we'll let you guys know when is the wedding." ang pangako niya.
Ilang video pa ang pinanood ni Lara tungkol kina Amanda at Emmett, hanggang sa nagpasya siyang huminto na. Napansin niya na hindi na pala niya nakain ang kanyang noodles, at tuluyan nang lumamig iyon...
Sa sobrang konsentrasyon niya sa panonood sa mga videos ni Amanda ay hindi na siya nakapaghapunan.
Anyway, hindi na siya nagugutom kaya napagpasyahan na lang niyang iwan ang noodles sa lamesa.
Nagsimula na siyang maligo at magtoothbrush. Pagkatapos ay pumunta siya sa kanyang higaan upang makapagpahinga na...
Ngunit hindi kaagad nakatulog si Lara dahil paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang isipan ang mga videos nina Amanda at Emmett.
Emmett Albreicht and Amanda Montserrat are perfect for each other, and they are a match made in heaven.At ramdam niya ang malaking agwat sa buhay sa pagitan nila ni Amanda. Kabaligtaran ang buhay niya sa mala-fairytale na buhay ni Amanda.
Wala siyang sariling pamilya dahil lumaki siya sa ampunan na hindi man lang kilala ang kanyang ama at ina. Ni hindi niya alam kung may kapatid siya...
Ang kanyang buhay ay parang isang masamang panaginip, at pakiramdam niya ay nabubuhay siya sa mundong ito na parang multo.
Gusto niyang magkaroon ng pamilya na matatawag niyang sarili niya. Gusto niyang maging asawa ng masipag, mayaman, mabait at tapat na asawa, at gusto niyang maging ina sa hinaharap. Gusto niyang manirahan sa isang malaking mansyon at mamuhay nang maalwan na walang problema sa pera. Gusto niyang maging maganda, mayaman at sikat.
Gagawin ni Lara ang lahat para lang mapunta sa posisyon ni Amanda kahit isang araw lang...
===============================
AMANDA MONTSERRAT
Nakangiting sinulyapan ni Amanda ang maliit na paper bag na dala niya. Sa loob ng paper bag ay nakalagay ang pinakabagong modelo ng Patek Philippe na relo at nagkakahalaga ito ng libu-libong dolyar. Regalo niya ito para sa kanyang pinakamamahal na ama, na nagdiriwang ng kanyang ika-60 kaarawan ngayon.At bago magsimula ang grand 60th birthday party ng kanyang ama, gusto niyang siya ang unang bumati sa kanya at bigyan siya ng espesyal na regalo.
Kumatok siya sa pintuan ng opisina ng kanyang ama. Makalipas ang ilang segundo, narinig niya ang boses nito mula sa loob.
"Come in!"
Pumasok si Amanda sa loob ng kwarto, habang nakangiti. Agad siyang naglakad patungo sa kanyang ama at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap nito.
"Happy Birthday, Daddy!" masayang bati niya sa ama.
"Maraming salamat, anak. By the way, you look so beautiful, my dear daughter. I'm sure ikaw ang magiging sentro ng atensyon sa party mamayang gabi." sabi ni Don Charles Montserrat, habang nakatingin sa kanyang nag-iisang anak na babae na may labis na pagmamalaki at kagalakan.
"And you're dashing as ever, Daddy. That's why Mommy is still in love with you after all these years. Anyway, here's my gift for you." ang anunsiyo ni Amanda. Ibinigay niya ang kanyang regalo sa kanyang ama.
Lumawak ang ngiti ng matanda nang makita ang relong Patek Philippe at it was obvious that he really likes it.
"Wow! This is the latest product of Patek Philippe! This is amazing! I finally have something new to add to my watch collection. Thank you so much, sweetheart."
Kinuha ni Amanda ang relo sa kanyang ama, at inilagay ito sa kaliwang pulsuhan nito.
"You're already 60 years old and you are not getting any younger, Dad. You should take a holiday leave from the company and go on European tour with Mommy. That has been your long-time dream, right?" ang suhestiyon ni Amanda.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng matanda matapos niyang marinig ang sinabi ng anak.
"Well, you're right. It's been our dream eversince we got married. But I just can't easily leave the company. Kailangan kong magtrabaho dahil marami empleyado ang umaasa sa akin."
"Well, hindi mo na kailangang mag-alala pa, Dad. Kapag kasal na kami ni Emmett, siya na ang magpapatakbo ng kumpanya." Amanda reassured her father.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo na pakasalan si Emmett? O kaya mo lang siya papakasalan ay upang may magpatakbo sa kompanya? Do you even love him?" amg seryosong tanong ng ama ni Amanda. Sasagot na sana si Amanda ngunit bigla siyang natigilan nang pumasok sa silid and kanyang ina na si Donya Victoria Montserrat. "Hello, lovies! Bakit nandito pa kayo? Kanina pa naghihintay ang mga guests natin sa party venue?" ang nakangiting bati ng donya sa kanyang mag-ama. "I just gave my birthday gift to Dad, but we're ready to go." ang nakangiting responde ni Amanda sa ina. "Well, we shouldn't make them wait any longer. Let's go, ladies... Let's make our grand entrance as a family." masayang nasabi ng matandang lalaki. Si Donya Victoria at Amanda ay masayang isinukbit ang kanilang mga braso sa mga braso ng matanda. Pagkatapos ay lumabas sila sa silid at naglakad papunta sa kanilang French-inspired garden, kung saan mangyayari ang birthday party.Pagdating nila sa party venue ay agad nilang
Makalipas ang halos isang oras, magkasama na sina Emmett at Amanda sa patio habang nagmemeryenda at nagkukwentuhan..."I'm just curious to know. How did your parents meet? Was it love at first sight? And how are they as parents?" biglang naging interesado si Amanda sa kwento ng mga magulang ni Emmett."Based on what my mother told me, they met nung Freshmen year nila sa Wyndham College. Naging College Sweethearts sila. Right after graduating from College, they've decided to get married. My mother had me when she was twenty-five years old. ." Nagsimulang ikuwento ni Emmett ang love story ng kanyang mga magulang. "Nagkaroon ka ba ng malungkot na karanasan as an only child in the family?" Amanda did a follow-up question."Bilang isang bata, hindi ko maikakaila na nakakaramdam din ako ng kalungkutan dahil lumalaki akong mag-isa at wala akong mga kapatid. Pero nawawala din naman ang lungkot noong marami na akong naging kaibigan noong highschool at College." ang pagkukuwento ni Emmett."We
Isa sa mga dahilan kung bakit tinanggap ni Amanda ang marriage proposal ni Emmett ay gusto niyang mapasaya ang sarili niyang mga magulang. Malinaw na gusto nila si Emmett bilang manugang. At ngayon nga ay makikipagkita siya sa mga magulang ni Emmett upang pag-usapan ang mga detalye ng kanilang kasal...================================Kasalukuyang nakikinig si Amanda kay Mrs. Katherine Albreicht na walang tigil sa pagsasalita tungkol sa mga ideas nito about their wedding..."What do you think of having a Victorian-themed wedding, Amanda? Tiyak na bagay sa'yo ang Victorian-inspired wedding gown. You'll be a very classy and elegant bride! At sigurado akong magiging usap-usapan ang kasal ninyo sa mgasociety pages!" ang tuwang-tuwang nasabi ni Mrs. Albreicht.Walang imik na ngumiti si Amanda. Deep inside, gusto niyang sabihin na magiging simple lamang ang kanilang kasal, at kaunti lamang ang iimbitahan nila...Ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin sa mag-asawa ang kanyang naiisip d
"Oh, you don't have to worry about it. I'm pretty sure na hindi ko nabanggit ang pangalan ng girlfriend ko sa phonecall na iyon." ang kibit-balikat na nasabi ni Oliver."Huwag kang mag-alala, safe ang sikreto mo sa akin." ang pangako naman ni Lara.Huminga muna ng malalim si Oliver bago ito muling nagsalita. "Sa totoo lang ay naapagod na ako magtago ng mga sikreto. Pero ito lang ang tanging paraan upang maprotektahan ang taong pinakamamahal ko." ang seryosong pahayag nito. "Hindi ako magaling sa pagbibigay ng mga payo, pero puwede akong makinig sa mga problema mo at magaling din akong magtago ng sikreto." ang tugon ni Lara."Teka, ilang minuto na tayomg nag-uusap pero hindi pa natin kilala ang isa't-isa. Ako nga pala si Olive Doe." pakilala ng lalaki."Kilala na kita... Ikaw ang Head ng Security dito sa Etoile Cosmetics Company." tugon ni Lara. "Kalimutan na lang natin ang mga job titles natin, okay? Mag-usap tayo bilang magkaibigan." mungkahi ni Oliver."Okay, sige.. Ako naman si
Sina Mr. and Mrs. Albreicht ay dumating sa mansyon labinlimang minuto na ang nakalipas. Ang Ginoo ay kasalukuyang nasa aklatan, nag-eenjoy sa isang mahusay na aklat at isang baso ng brandy, habang ang Ginang naman ay nasa kanyang silid sa itaas, sinusubukang maghanda bago ang hapunan kasama kayo. Kung maaari kong sabihin ito, wala kayong dapat ipag-alala dahil abala sila sa kanilang mga sariling gawain," muling tiniyak ni Henry, ang matagal nang butler ng pamilya Albreicht, kina Emmett at Amanda.Sabay namang napabuntong-hininga ng ginhawa sina Emmett at Amanda matapos marinig ang sinabi ni Henry."Mabuti kung gano’n. Mahal, maaari kang pumunta muna sa iyong silid at maghanda bago natin simulan ang hapunan kasama ang aking mga magulang. Pupunta rin ako sa aking silid para maligo at magpalit ng damit. Tatawagin na lang tayo ni Henry kapag handa na ang hapag-kainan," mungkahi ni Emmett sa kanyang magiging asawa."Napakagandang ideya niyan, at hindi ko maiwasang sumang-ayon, Binatang Gin
Lahat ng empleyado sa kumpanya ay gusto ang kanilang Boss dahil itinuturing niya ang lahat nang may labis na respeto at kabaitan.Tahimik na pinagmamasdan ni Lara ang babaeng CEO habang nakapila ito kasama ng iba pa, may hawak na tray. Matiyaga siyang naghihintay ng kanyang pagkakataon upang umorder ng pagkain. Makalipas ang ilang minuto, umupo si Amanda Montserrat kasama ang kanyang mga kasamahan sa isang partikular na mesa at nagsimulang kumain habang masayang nag-uusap.Pinag-aaralan ni Lara ang bawat kilos nito, tulad ng isang mandaragit na nakamasid sa kanyang biktima. Sinusuri niya ang paraan ng pagsasalita, pagkain, at pagtawa ni Amanda kasama ng kanyang mga kasamahan.Sobrang tutok niya kay Amanda na hindi niya namalayan na halos tapos na ang kanyang oras ng pananghalian. Napatalon siya sa kanyang kinauupuan sa gulat nang may biglang pumitik sa kanyang balikat. Lumingon siya sa kanyang kanan at nakita ang isa niyang kasamahan mula sa Cleaning Department na nakatayo sa tabi niy
EMMETT ALBREICHTMatapos ihatid ni Emmett ang kanyang fiancée pauwi, siya at ang kanyang mga magulang ay sa wakas nakarating sa isa sa kanilang mga mansyon sa Metropolitan City. Bukas, babalik na ang kanyang mga magulang sa Albreicht Estate sa probinsya. Mas gusto nilang manirahan sa probinsya dahil nakakapagod para sa kanila ang ingay at dami ng tao sa siyudad."Anak, may oras ka ba para uminom kasama ako sa mini-bar? Babalik na kami ng iyong ina bukas, kaya gusto kong makasama ka muna bago tayo maging abala sa paghahanda para sa kasal," mungkahi ni G. Albreicht sa kanyang anak na may nakangiting ekspresyon."Gusto ko ‘yang ideya, Dad. Tara," sagot ni Emmett, sabay tango bilang pagsang-ayon.Pagkalipas ng ilang minuto, masayang umiinom ng alak ang mag-ama. Rum ang iniinom ni G. Albreicht, habang si Emmett naman ay brandy ang nasa kanyang baso."Kaya, sabihin mo sa akin, anak. Talaga bang in love ka kay Amanda?" biglang tanong ng matanda sa kanyang anak."Anong klaseng tanong ‘yan, Da
Bago pa man makapagsalita si Lara, narinig nilang may kumatok sa pinto."Hintayin mo lang ako, titingnan ko lang kung sino ang nasa labas," sabi ni Amanda sa kanya.Tumango naman si Lara bilang tugon.Tumayo si Amanda at naglakad papunta sa pinto. Pagbukas niya nito, sinalubong siya ng kanyang fiancé na si Emmett."Hello, mahal! Dumaan lang ako para sorpresahin ka!"Palihim na sinulyapan ni Lara ang bisita ni Amanda. Nakita niya ang isang lalaking kausap ng kanyang Boss. Muli siyang tumingin dito at napabulong sa sarili. Para itong modelong lumabas direkta mula sa mga pahina ng isang fashion magazine para sa kalalakihan. Napakaguwapo nito!Ang kanyang mukha ay sapat upang paamuin ang kahit sinong babae at paluhurin sa harap niya. Mayroon siyang napakagandang asul na mga mata na tila nang-aakit. Ang kanyang ilong ay matangos, na may bahagyang kurba sa dulo, na lalong nagpatingkad sa kanyang kaguwapuhan.Napatingin si Lara sa kanyang mga labi at, Diyos ko! Ang mga labi niyang iyon ay ti
Sa maaliwalas na umaga, ang araw ay unti-unting sumisilip sa ibabaw ng lawa. Ang mga sinag nito ay naglalaro sa kumikinang na tubig, waring sumasayaw sa simoy ng hangin. Sa balkonahe ng kanilang rest house, nakaupo sina Clark at Danielle sa kanilang paboritong duyan. Magkahawak ang kanilang mga kamay, habang pinagmamasdan ang kalikasan sa kanilang paligid. Sa kabila ng mga kulubot sa kanilang mga palad at buhok na halos puti na lahat, nananatiling matibay ang pag-ibig nila—mas malalim pa kaysa sa mga pangakong binitiwan nila sa isa’t isa animnapung taon na ang nakalipas.Ang kanilang tahanan ay napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak—rosas, liryo, at mga sunflower na itinanim mismo ni Danielle noong kabataan niya. Sa hardin, may maliit na puno ng mangga na itinanim nila noong unang taon ng kanilang kasal. Ngayon, ito ay matayog na at hitik sa bunga—parang sagisag ng kanilang lumalaking pamilya at pag-ibig.Sa loob ng bahay, abala ang kanilang mga anak sa paghahanda para sa isang es
Mabilis na lumipas ang maraming taon, ngunit ang pag-ibig nina Clark at Danielle ay nanatiling matibay at buo—higit pa sa kanilang mga pangarap. Sa kanilang rest house sa tabi ng lawa, napapalibutan sila ng kanilang mga anak, apo, at mga mahal sa buhay. Wala nang iba pang makakapagpasaya sa kanila ngayon dahil Basa kanila na ang lahat. Ang hangin ay banayad, at ang kalangitan ay naglalaro sa mga kulay ng dapithapon. Sa gitna ng hardin, may isang malaking mesa na puno ng pagkain, bulaklak, at mga dekorasyon. Ngayon ay ipinagdiriwang nila ang ika-60 anibersaryo ng kanilang kasal—isang ginintuang milestone ng kanilang pagmamahalan. Masayang nagkukuwentuhan ang pamilya, nagbabalik-tanaw sa mga masasayang alaala. Si Ava at Liam, ang kanilang mga anak, ay abala sa pag-aasikaso ng handaan. “Ma, Pa, hindi niyo ba nagustuhan ang sorpresa namin?” tanong ni Ava habang lumapit sa kanila. Napangiti si Danielle, sabay yakap sa kanyang anak. “Sobra! Hindi ko inakalang magkakaroon pa
Isang maaliwalas na hapon sa hardin ng kanilang rest house, nakatayo sa tabi ng isang lawa.Ang paligid ay puno ng makukulay na bulaklak—rosas, sunflower, at lavender na paborito ni Danielle.May nakahilerang mga mesa na may puting tablecloth at mga eleganteng bulaklak bilang centerpiece.Ang mga panauhin ay pawang malalapit nilang kaibigan at pamilya.Ang himig ng isang live acoustic band ay marahang pumupuno sa hangin.Sa isang mesa sa ilalim ng malaking puno, nakaupo sina Clark at Danielle.Kapwa silang may uban na sa buhok, ngunit napanatili pa rin ang sigla sa kanilang mga mata.Suot ni Clark ang isang navy blue suit na may puting boutonniere sa dibdib, habang si Danielle ay nakasuot ng eleganteng kulay cream na gown na may mga bulaklak na burda.Sa kabila ng paglipas ng panahon, nandun pa rin ang lambing at init ng pagmamahal sa kanilang mga mata habang nagtititigan.“Fifty years, huh?” bulong ni Clark, hawak ang kamay ni Danielle.“Oo… hindi ko nga namalayan, parang kahapon lan
Pagkatapos ng masayang pagdiriwang ng kanilang kasal, nagpaalam na ang mga bisita sa bagong mag-asawa.Nagpaulan ng petals at confetti ang kanilang mga kaibigan at pamilya habang lumalakad sina Clark at Danielle papunta sa nakahandang sasakyan.Hawak-kamay sila, kapwa nakangiti, habang ang mga kaibigan nila ay nag-cheer at nagpalakpakan.“Mabuhay ang bagong kasal!” sigaw ng lahat.“We love you, Mr. and Mrs. Ramirez!” dagdag pa ng isa sa mga kaibigan ni Clark.Pagkasakay nila sa kotse, humilig si Danielle sa balikat ni Clark, ramdam ang pagod ngunit puno ng ligaya ang puso.“Hindi ako makapaniwala na mag-asawa na tayo,” bulong niya, nakangiti sa kanyang asawa.“Simula pa lang ‘to, Mrs. Ramirez,” sagot ni Clark habang hinahalikan siya sa noo.“Handa ka na ba sa forever natin?” dagdag niya.“Matagal na akong handa,” sagot ni Danielle, sabay tingin sa mga mata ni Clark.Pagdating sa airport, lumipad sila patungong Maldives para sa kanilang honeymoon.Pagdating sa resort, naglakad sila sa
Isang maaliwalas na hapon sa isang pribadong hardin.Ang araw ay malumanay na sumisilip sa mga ulap, at ang banayad na simoy ng hangin ay nagdadala ng halimuyak ng mga bulaklak.Sa gitna ng hardin, isang eleganteng altar ang itinayo—pinalamutian ng mga puting rosas, lavender, at baby’s breath.Sa magkabilang gilid ay nakapuwesto ang mga upuan, punung-puno ng kanilang mga mahal sa buhay.Ang puting carpet ay nakalatag sa gitna, tila nagsilbing daan patungo sa bagong kabanata ng kanilang pag-ibig.Nakatayo si Clark sa harap ng altar, nakasuot ng isang itim na three-piece suit na perpektong nakalapat sa kanyang matipunong pangangatawan.Ang kanyang buhok ay bahagyang nagulo ng hangin, ngunit mas lalong nagbigay ng kagwapuhan sa kanyang hitsura.Halata ang kaba sa kanyang mga mata, ngunit higit ang pananabik.Sa kanyang mga palad, nakasapo ang kanyang mga daliri sa isa’t isa, pilit na pinipigilan ang panginginig sa sobrang emosyon.Nang tumugtog ang soft instrumental music, nagsimula nang
Isang maaraw na hapon sa unibersidad.Punong-puno ng mga tao ang paligid—mga magulang, kapatid, kaibigan, at mga mahal sa buhay na nagtipon-tipon upang saksihan ang pagtatapos ng mga estudyanteng minsan ay nangarap lamang makatawid sa kolehiyo.Sa gitna ng masayang kaguluhan, naroon sina Danielle, Clark, at ang kanilang mga kaibigan—handa nang harapin ang bagong yugto ng kanilang mga buhay.Habang isa-isang tinatawag ang mga pangalan, tumayo sa gilid ng entablado sina Danielle at Clark, magkahawak-kamay.Suot ang itim na toga at sumbrero, hindi nila maiwasang ngumiti sa isa’t isa."Hindi ko akalaing aabot tayo rito," bulong ni Danielle, pilit na pinipigilan ang pagpatak ng luha."Sinabi ko sa'yo, Danielle. Walang bibitaw," sagot ni Clark, masuyong pinisil ang kanyang kamay.Nang marinig ni Danielle ang kanyang pangalan, mabilis na tumibok ang kanyang puso.Habang naglalakad sa entablado, naalala niya ang lahat ng pinagdaanan nila—ang mga pangamba, ang mga gabi ng takot at pagod, at sa
Makalipas ang dalawang linggo, unti-unting bumuti ang kalagayan ni Danielle.Nakalabas na siya sa ospital, ngunit kailangan pa rin niyang manatili sa safehouse nina Clark para sa seguridad.Tahimik ang gabi, at tanging ang mahinang sipol ng hangin ang maririnig mula sa labas ng balkonahe.Nasa labas si Danielle, nakaupo sa lumang upuan habang nakatingin sa malayo. Hawak niya ang isang tasa ng tsaa, pero matagal na iyong lumamig.Naka-pulupot sa kanya ang isang malambot na shawl, ngunit halos hindi niya ramdam ang lamig.Malalim ang kanyang iniisip—paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang nangyari sa warehouse, ang mga mukha ng mga taong nawala, at ang muntikan na niyang pagkamatay."Hindi ka na naman natutulog," malalim at bahagyang paos na boses ni Clark ang pumukaw sa katahimikan.Napalingon si Danielle, at nakita niya itong nakatayo sa may pintuan, nakasuot lang ng itim na sweatpants at isang manipis na shirt.Medyo magulo ang buhok niya, halatang kagigising lang o hindi rin
Sa gitna ng kaguluhan sa apartment, bumagsak si Danielle sa sahig matapos ang pagputok ng sniper. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang pinipilit hawakan ang kanyang tagiliran, kung saan dumaloy ang mainit na dugo."Danielle!" sigaw ni Clark, mabilis na lumapit sa kanya. Nakabuka ang kanyang mga mata, pero nanlalabo ang tingin. Agad siyang dumapa sa tabi ni Danielle, pinipisil ang sugat para pigilan ang pagdurugo."Kaya mo ‘to. Tingnan mo ‘ko. Huwag kang pipikit, okay?"Sa kabila ng sakit, pilit na ngumiti si Danielle, pero lumuluha na ang kanyang mga mata."H-huwag kang mag-alala… hindi pa ako mamamatay…" bulong niya, pilit na nagbibiro sa kabila ng sitwasyon.Habang nagkakagulo sa loob, si Samantha naman ay mabilis na nagtago sa likod ng sofa, pilit na pinapagana ang kanyang isip. May sniper sa kabilang gusali—alam niyang hindi sila makakaligtas kung hindi nila ito maalis."Kailangan nating makaalis dito!" sigaw niya kay Clark. "Papatayin nila tayo isa-isa!"Sa labas, naririnig
Madilim at tahimik ang eskinita kung saan nagtatago sina Danielle at Clark. Naririnig nila ang mabibigat na yabag ng mga lalaking bumaba sa van—tila tatlo o apat na tao, armado. Malamig ang pawis sa likod ni Danielle habang mariing nakahawak sa braso ni Clark."Kailangan nating makalabas dito," bulong ni Clark, sinisilip ang dulo ng eskinita. "Pero hindi pwedeng magmadali. Alam nilang nandito tayo."Huminga nang malalim si Danielle at pinisil ang kamay ni Clark. Sa kabila ng takot, alam niyang hindi siya pwedeng huminto. Dito nagkakatalo ang laban.Sa kabilang banda, nagmamadaling nagmaneho si Samantha patungo sa lokasyon nila. Sa kanyang cellphone, pinadalhan siya ni Clark ng mabilis na mensahe:"We’re cornered. Need backup. Now."Napamura si Samantha at pinindot ang gas, pinipigilang mag-panic. Sa likuran ng kanyang kotse, handa na ang baril na palihim niyang tinatago sa loob ng compartment—isang kalibre .45 na hindi niya inakalang magagamit niya sa ganitong sitwasyon.Balik sa eski