Home / Romance / Lie To Marry The CEO / Chapter 1: The Plan

Share

Chapter 1: The Plan

Author: Pordanabella
last update Last Updated: 2022-02-10 18:32:50

"Kapag hindi ka pa nagbayad sa Linggo, pupudpurin ko ang bahay niyo!" sigaw ni Hugo habang diniduro ako sa noo.

Inis na tinampal ko ang kaniyang kamay. 

"Sinabi ko na ngang magbabayad ako sa katapusan, 'di ba?!" singhal ko pabalik.

Pinanlisikan ko ng mata ang isang tauhan niyang umabante papalapit sa akin. Pinalilibutan ako ng pitong lalaki ngayon sa isang madilim na bakanteng lote. Walang mga tao o sasakyan ang dumadaan sa parteng ito dahil sa matataas na damo. Kapag papatayin nila ako rito, ipapanalangin ko na lang na sana umabot ang alingasaw ng bangkay ko roon sa malayong kabahayan. 

Tumiim ang bagang ko nang biglang hinawakan ni Hugo ang aking panga. Nagpumiglas ako pero nagsilapitan ang mga tauhan niya at hinawakan ako sa magkabiglang braso. Lumubog ang daliri ng matabang lalaking ito sa aking pisngi.

"Linggo-linggo ang bayaran, hindi buwan-buwan! Tinaguaan mo pa kami noong mga nakaraang Linggo, tangina mo ka! Umaakyat ang utang mo tuwing hindi ka nakakabayad!" 

Napapapikit ako sa tuwing tumatalsik ang laway niya sa mukha ko. Ang hayop na 'to!

Binitawan niya ang  aking panga.

"Bakit? Linggo-linggo ba ang sahod ko sa club?! Bubuohin ko naman ang bayad sa katapusan!"

Muntik nang mabali ang leeg ko nang dumapo ang palad niya sa aking pisngi. Sa taba ng kamay at kinakalyo niyang palad, parang namanhid ang pisngi ko sa nakuhang sampal.

Bumilis ang paghinga ko habang nakatingin sa lupa. 

"Pwe!" pagdura ko. Masama ko siyang tiningnan. Sinulyapan ko rin ang dalawang nakahawak sa akin. Nagpumiglas ako. 

Lumapit lalo sa harap ko si Hugo at dinakot ang buhok ko sa likod saka pwersahang hinila. 

"Balak mo pang bakantehin ang kita ko kada Linggo? P*ta ka naman sa mamahaling club, bakit hindi mo galingan?!" singhal niya.

Tumiim ang bagang ko. Gusto kong tuhurin ang kinabukasan niya para makaganti sa pagsampal niya sakin pero hindi ko na lang ginawa! Kung pwede lang makadurog ang paraan ng pagtitig ko, kanina pa sana siya napudpod!

"Hoy... bobita ka." marahang aniya pero ramdam pa rin ang gigil sa kaniyang boses. "Tandaan mo 'to, hindi lang pera ang utang mo sakin, utang na loob din.  Kung hindi kita pinautang, hindi maooperahan ang lintik na inahin mo, ha. Naalala mo noong lumapit ka sakin? Halos halikan mo ang paa ko makahiram ka lang ng malaking halaga ng pera. Kaya huwag kang aangas-angas kapag ako ang kaharap mo." nanlalaki ang mga matang paalala niya sakin.

Hindi ako nakagalaw. Wala akong nagawa kundi titigan lang siya hanggang sa pabalikwas niyang binitawan ang buhok ko. 

Hindi ako nahihiya sa kung paano ako nagmakaawa sa kaniya para makautang. Kung maayos lang sana ang terms ng kontrata, maayos din akong haharap sa kanila. Isa pa, wala akong utang na loob sa kaniya. Binabayaran ko ang perang hiniram ko na may kasamang mataas na interes!

Lumakad na si Hugo pabalik sa van. Tumakbo ang isang alagad niya galing sa likod ko at pinagbuksan siya ng pinto pero huminto pa si Hugo at lumingon sa akin.

Dinuro niya ako. "Kapag walang bayad nitong Linggo, pudpod ang bahay niyo!" paalala niya bago pumasok sa loob.

Pabalikwas na binitawan ako ng dalawang humawak sa akin dahilan para matapilok ako at mapaupo sa lupa. 

"Mga gago!" sigaw ko habang pasakay sila sa sasakyan.

Tinulungan ko ang sariling makatayo kahit pa nasaktan sa pagkakatumba. Muli kong binalanse ang sarili sa suot na high heels at pinanood silang makaalis. 

"Mga bwisit!" gigil na sigaw ko pa.

Dinala nila ako rito tapos iiwanan lang! Hindi ko alam ang lugar na 'to! Mga hayop talaga! 

Nilapitan ko ang bag kong nakahandusay sa lupa hindi kalayuan sa akin. Walang street lights dito pero natatalo naman ng liwanag ng buwan ang kadiliman. Nang makalapit sa bag, pinakatitigan ko lamang iyon sa paanan ko, walang lakas para yumuko at kunin iyon.

Sa isang taon kong pagtatrabaho sa strip club, iyan lang ang bag na nabili ko. Tinawaran ko pa sa Divisoria. Simula nang mamatay si Papa, nagsunod-sunod na ang kamalasan namin. Nabaon si Mama sa utang para sa pagpapalibing ni Papa. Tapos ilang buwan lang, nasagasaan naman ng kotse si Mama dahilan para umutang ako ng malaking pera kay Hugo.

Pinalis ko ang luhang hindi ko namalayang tumulo. Tumingala ako at kumurap-kurap para pigilan ang luha. Tiningnan ko ang kalangitan na napupuno ng mga bituin. Ang sabi ni Papa noong bata pa ako, kapag namamatay raw ang tao, nagiging bituin sila. Kaya kapag nami-miss niya si Lola, pinagmamasdan niya lang ang kalangitan sa gabi. 

Ngayon, magkasama na silang dalawa sa langit.

Ako kaya... kailan?

"Hindi naman ako takot mamatay... takot lang akong iwan si Mama at si Angge, Pa," mapait kong sinabi saka bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. 

Yumuko na ako at kinuha ang bag sa lupa. Pinagpagan ko iyon habang sumisinghot-singhot. Pagkatapos, kahit masakit ang paa ko mula sa pagkakatapilok, nilakad ko na ang daan paalis sa lugar na ito.

Nang makarating ako sa trabaho, pinuna kaagad ni George ang dalawang oras kong pagkaka-late. Sumunod siya sa akin sa dressing room para humingi ng paliwanag. 

"Inasikaso ko pa kasi si Mama. Medyo naging makulit, eh. Akala niya yata dalawa pa ang paa niya," pagdadahilan ko habang nagpapalit ng two piece. 

"How's your mom? Naka-recover na ba?"

Umiling ako. "Pero malapit na."

"I made Gail as your sub 'cause I thought aabsent ka talaga. Wag ka na lang sumayaw ngayon. Lucas is here and been looking for you. Puntahan mo na ngayon." 

Napairap ako sa kawalan. Hindi ba marunong uminom ang matandang 'yon nang wala ako? Hindi tuloy ako nakakakuha ng tip sa mga guests dahil sa kaniya!

"Good evening!" bati ko pagpasok ko sa VIP room.

Nahanap ko siyang nakasalampak sa mahabang couch at may dalawang kaakbayang escort. Nginitian ko sila. May iilan nang bote ng alak sa lamesa. Mukhang pinapainom din ni Lucas ang dalawang babae. Malikot ang disco lights dito at maingay ang nakabukas na karaoke.

Sinulyapan niya lang ako pagkatapos ay inalis ang pagkakaakbay sa kasama niya. May binulong siya sa kanila kaya umahon ang mga ito sa couch. Hinalikan pa muna siya ng mga babae bago siya iwan ng mga ito.

Ako na ngayon ang pumalit sa tabi ni Lucas. Kinuha ko ang remote ng karaoke para hinaan iyon. Tama lang kasi ang layo ko sa kaniya at hindi kami magkakarinigan kung malakas ang karaoke.

"Anong problema?" tanong ko.

Kabisado ko na siya. Mabilis ko na lang mahulaan kung tungkol ba sa successful negotiations ang ikukuwento niya o problema. Dalawa lang naman lagi ang topic niya: business o asawa. Batay sa hitsura niya ngayon, business ang problema niya.

"How are you?" hindi niya pagpansin sa tanong ko.

At gaya ng lagi kong sagot. "Ayos lang."

Inabot niya ang remote ng karaoke at tuluyan na iyong pinatay. Tumaas ang kilay ko. Mukhang seryoso ang kwento niya ngayon, ah.

Nilapit niya sa akin ang basong hawak niya na wala nang laman. Agad kong kinuha ang bote ng whiskey at nagsalin sa baso niya. Sumimsim siya pagkatapos kong mailapag ang bote. Hinayaan niyang dumaloy muna ang pait ng alak sa lalamunan bago magsalita.

"Naalala mo ang naikwento ko sa 'yong cruise line na balak kong itayo? I already launch it," panimula niya pero hindi masigla ang boses.

Tumango ako at ngumiti. "Congratulations! Matagal mo nang gusto 'yan, 'di ba!" Unti-unting nawala ang sigla sa boses ko nang mapansin ang pananamlay niya sa kabila ng masayang balita. "Oh, bakit? 'Di ba dapat masaya ka?"

Tumikhim siya. Nakatingin siya sa naka-off na screen ng karaoke. Mukhang malalim ang iniisip kahit na simple lang naman ang naging tanong ko. O nahirapan siya?

"But it's not that easy." Bumaling siya sa akin. "Kulang pa ang investors at kailangan ko ng matibay na board members at shareholders. It needs an immediate expansion to climb on top." Bumuntonghininga siya. "My goal is to be one of the top 5 cruise line companies here in our country within a year, Liana. Do you think, I can make it?"

Tumaas ang parehong kilay ko. "Uh, oo! Kaya mo 'yan! Lahat naman posible, 'di ba?" 

Ano bang alam ko sa kalakaran sa negosyo? Medyo nagkakaroon na nga ako ng konting idea dahil sa mga kwento niya pero hindi ko pa rin alam kung paano tumatakbo iyon. 

Umiling siya. "It's impossible, young lady. For a new product in the market, it's very unlikely to achieve success within a year. Kapag ba naglabas ng bagong meal ang isang sikat na fast food chain, pumapatok ba kaagad sa consumer?"

Napaisip ako. Ang pineapple at mango pie ng dalawang sikat na fast food, ang ube turon ng isang filipino fast food... hindi naman gaanong pinipili sa menu iyon.

"Ahm, hindi?" sagot ko.

Tinaas niya ang hintuturo. "Working with the branding, marketing and innovation takes time. And you know me very well, right? We've been friends for more than a year now and you're the only one I can trust so far." Tinukod niya ang parehong siko sa kaniyang tuhod. Mataman niya akong tinitigan. "You know how much I need this business to be successful."

Bumuntonghininga ako saka ngumiti nang kaunti. Ipinilig ko ang ulo. "So... iyan ang problema mo? Kung paano ma-achieve ang goal mo sa isang taon?" 

"Hindi ganiyan kaliit, Liana. Mas malaki ang problema ko sa solusyong naisip."

"Anong solusyon ba?" Kumuha ako ng kapirasong buffalo chicken strips sa lamesa.

"Alam mong ginagamit din sa negosyo ang pagpapakasal, right?"

Tumango ako habang ngumuguya. Gaya nga ng nakukwento niya, ikinasal siya sa asawa para lang sa negosyo.

"That's the solution."

Nilunok ko ang kinain. "Oh, may anak ka namang babae. Problem solved!"

Nilapit niya ulit ang basong hawak niya kaya nagsalin ulit ako. Diretsong ininom niya iyon at pabagsak na ibinaba ang baso sa crystal table. Buong katawan na hinarap niya ako at mas sumeryoso ang ekspresyon.

"Listen. The huge problem here is that Elysia is in the US, pregnant with a random bastard she hasn't introduced to us yet." Napahilamos siya ng mukha sa sobrang inis.

Namilog ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. 26 years old na ang anak niya kaya okay lang naman sigurong mabuntis iyon lalo na at mayaman naman sila. Pero ramdam ko ang hinanakit ni Lucas. Unexpected kasi ang pagbubuntis ng unica hija niya at hindi pa niya kilala ang nakabuntis.

"Obviously, I couldn't wed her off now! But it's the only way, Liana. I already had an agreement with the President of Melgarejo empire before I knew Elysia's pregnancy. We agreed to arrange marriage our eldest!" problemadong sinabi niya.

Ako naman itong nadadala sa problema ng katulad niyang mayaman. Malaking problema na sa kanila iyan samantalang ako titira na sa kalsada kapag hindi nakabayad ng utang sa Linggo.

"Edi paano na 'yan? Ano nang gagawin mo?"

Natigilan siya. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha ko. Tumaas ang dalawang kilay ko saka inayos ang upo. 

"Ikaw ang Plan B," sagot niya.

Dinuro ko ang sarili. "Ako? Anong ako?"

Plan B? 'Tong matandang 'to balak pa akong idamay sa problema niya!

Umabante siya ng upo at inabot ang kamay ko. Hinawakan niya iyon. "Listen to me. Willing makipagnegosasyon sa akin ang Melgarejo Empire. Sila ang may pinakamalaking hotel chain sa bansa at nagustuhan nila ang offer ko. Gusto nilang bilhin ang 50% stock ng cruise line at magkaroon ng kapangyarihang mamahala nito. They perceive my business as a milestone in the future that's why they want to take a risk. Ipapakasal ni Encarnacion ang panganay niya para mag-merge ang Casa de Saros Hotel na pagmamay-ari nila at ang cruise line ko. Do you get it?"

Wala mang naintindihan sa sinabi niya, tumango pa rin ako. 

"Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo na may pagkakahawig kayo ng anak ko, right?"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Teka, huwag niyang sabihing...

"At anong balak mo?"

Bumuntong hininga siya. Piniga ng dalawang kamay niya ang kamay ko. "I want you to pretend as my daughter and marry the CEO of Casa de Saros Hotel."

Sa gulat, napasinghap ako at napatayo. Napabitaw siya sa kamay ko.

CEO... ng Casa de Saros Hotel? Balak niya akong ipakasal sa ganoon kataas na lalaki? Stripper ako! High School lang ang tinapos! Nakatira sa squatters area at lubog sa utang! Baka lang nakakalimutan niya?

"Nagmumukha kang desperado, alam mo 'yon?" hindi natutuwang sinabi ko. "Seryoso ka?"

Clown yata 'to noong past life niya.

Napapikit siya bago ako hinawakan sa magkabilang kamay at marahang hinila para mapaupo ulit. Hindi niya binitawan ang kamay ko na mukhang pamamaraan niya para kumbinsihin ako.

"Makinig ka, Liana. Isang taon lang naman ito. Malaki ang makukuha mong benefits dito! Hindi kita papabayaan sa isang taon mong buhay asawa. Akong bahala sa pamilya mo. Aalisin ko sila sa squatters area. Bibigyan ko ng scholarship ang kapatid mo hanggang college. Ikaw din, pag-aaralin kita pagkatapos mong ma-divorce--"

"Walang divorce dito sa Pilipinas!"

"Sa US ko kayo ipapakasal!"

"Paano kung mabuko? Ang hirap naman niyang naisip mo! 'Wag na 'yan, iba na lang!"

"It's between taking a risk for an offered opportunity or wait for another one, Liana! Melgarejo Empire iyon! Kahit kaibigan ng asawa ko si Encarnacion Melgarejo, wala silang connection sa negosyo! It's because the Melgarejos are once in a blue moon to be swayed by businessmen in this country. Halos mga foreigner ang shareholders nila!"

"Maghintay ka na lang ng ibang opportunity!"

"You still don't get it, don't you? I said, it's Melgarejo and they rarely take offers from businessmen here in the Philippines!"

"Eh paano nga kung mabuko?" giit ko pa rin.

"It will never happen! Trust me! Ipapabago ko lahat ng dokumento mo. I'll make sure, Elysia has no public photos on the internet. I'll talk to the manager of this club to erase all of your information!"

Binawi ko ang kamay ko at umiling. "Wala akong alam sa buhay mayaman! Paano kung tanungin nila ako tungkol sa negosyo mo? Ni hindi nga ako magaling mag-English!"

"But you know how to speak a bit. May kaunting idea ka na rin naman sa negosyo. Tutulungan naman kita. I'll teach you etiquette and let you know the information of our company. Sasanayin din kitang mag-English," pamimilit pa rin niya.

Pumikit ako. "Eh paano yung pamilya mo? Yung mga nakakakilala kay Elysia?"

Pumalantik siya. "Hindi 'yan problema. 10 years old pa lang si Elysia, nag-migrate na siya sa US. Ang huling uwi niya dito, noong 14 years old pa siya."

Natahimik ako, pinag-iisipan ang sinabi niya.

Kinuha ulit niya ang kamay ko. Talagang desidido siya sa kalokohan niyang 'to. 

"You don't have to worry about the effectiveness of this plan, Liana. I'll shoulder everything you need. I'll guarantee you a comfortable life after a year. Tutustusan ko ang pamilya mo, triple pa sa kinikita mo dito sa club. I'll open a bank account under your name and deposit on the first day of your wedding," seryosong dagdag pa niya.

Nanatiling tahimik ako habang tinititigan siya, naninimbang. Mukhang alam niyang nag-iisip ako kaya binigyan muna niya ako ng katahimikan. Nakabitiw na siya sa kamay ko ngayon at bumalik na sa pag-iinom. Pinanood ko siya. Wala nang nagtangka sa aming dalawa na basagin ang katahimikan. Nang mapansin kong halos maubos na niya ang isang bote, kumuha ako ng isang baso at binuhos na lahat ang whiskey. Agad kong nilagok iyon at pabagsak na ibinaba ang baso.

"Anong pangalan ng lalaki?" tuwid na tanong ko.

Sumagot siya nang hindi ako nililingon. "Cosimo Ariento Melgarejo."

Pinag-isipan ko buong gabi ang mga sinabi ni Lucas. Kulang pa nga ang isang gabi dahil hindi masipsip ng utak ko ang kahalagahan ng pagpapakasal para sa negosyo. Wala akong naintindihan sa mga sinabi ng matandang 'yon. Pero kinaumahan din, nagulat na lang ako nang sunduin ako ng driver ni Lucas sa bahay. Pinapatawag daw niya ako sa company building niya na siyang sinunod ko naman. Iyon pala, iyon na ang mismong araw na makikita ko ang lalaking tinutukoy niya.

Ang CEO na iyon. Kung anong ikinaguwapo ng mukha, siyang ikinapangit naman ng ugali!

Related chapters

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 2: First Impression

    "Ma! Teka Teka!" Binaba ko kaagad sa lamesa ang mga pinamalengke at tumakbo kay mama. Agad kong inagaw ang kaldero sa kaniya saka binaba iyon sa lababo. Hinawakan ko ang parehong braso niya. "Ano ka ba naman, Liana. Kaya ko naman," marahang sinabi niya para pakalmahin ako. Bumuntonghininga ako saka iginaya siya papalapit sa lamesa. Naghila ako ng upuan at doon siya pinaupo. "Ma, 'di ba po sabi ko ako na ang kikilos dito sa bahay? Hindi pa naghihilom 'yang paa niyo kaya dapat nagpapahinga ka lang." "Hay naku! Paa ko lang naman ang naputol, hindi ang kamay," giit pa niya. Ngumuso ako. "Kahit na. Hindi ka pa nga sanay gamitin 'yang saklay mo." Kinuha ko ang saklay sa kaniya. Isinandal ko muna iyon sa pader para hindi sagabal. Pagkatapos kong magsaing, hinugasan ko na ang mga gulay na lulutuin nang magsal

    Last Updated : 2022-02-10
  • Lie To Marry The CEO   Chapter 3: No Balls

    'Yong lalaking 'yon, ang kapal ng mukha niya! Sino ba siya para sabihan ako ng ganoon? Oo nga't hindi ko masyadong nasundan ang mga sinabi niya pero tumatak talaga sakin 'yong sinabi niyang 'I don't like you'. Kung ano-ano pang binanggit niya sakin na I'm sure, puro negative! May pa 'tell your father to cancel this' ek ek pa siya! So gusto niyang ipa-cancel 'to? May nalalaman pa siyang 'our marriage is likely to work out', eh, ayaw naman pala niya sa ganito! Impokrito! Plastic! Bakit hindi na lang niya sabihin sa nanay niya mismo? Ayaw ko rin naman sa ganito! Feeling niya ba patay na patay ako sa kaniya? Kala mo naman siya lang ang pogi sa mundo! Mas guwapo na si Aldrio para sakin ngayon! 'Yong Cosimo na 'yon, parang hinulma lang na greek god ang mukha pero pang demonyo talaga ang ugali! Sana marunong naman siya rumespeto, no? Ayaw niya sakin? Dapat sinabi ko rin na ayaw ko sa kaniya para quits kami! Palibhasa mayaman kaya ganoon umasta! Bakit kaya ganoon? Parang mas may manners pa

    Last Updated : 2022-02-12
  • Lie To Marry The CEO   Chapter 4: In or Out

    Isang push up lang niya, nawala na siya sa itaas ko. Nanatili akong nakahiga dahil bukod sa masakit ang pang-upo at likod ko, masakit din ang dibdib ko. Pakiramdam ko napisa ang mga ito dahil sa pagkakadagan niya. "My glasses." aniya. Saka ko lang napansin na hindi na niya suot ang salamin niya. Nahanap ko itong nakahandusay rin sa lapag, katabi ng ulo ko, basag. Pumalantik siya tapos ay bumuntong hininga. Yumuko siya para kunin iyon na sa pag-angat niya, naglaglagan ang mga basag na parte nito. Hindi ko kasalanan 'ayan, ha! Tinitigan niya lang iyon sa kamay niya, sinusuri kung ano pa ang nasira. Pero nang matanggap niya sa sarili na hindi na niya magagamit pa iyon, lumakad siya sa trash can at tinapon na. "Get up now," tuwid na utos niya. Hindi man lang nag-alok ng kamay para tulungan ako. Tinuruan ba 'to ng GMRC noong elementary siya? May ganoong subject ba sa private school? Character Education? Mayroon 'yon, sigurado! Ugali nga naman ng mga anak mayaman. Tangina! Dahan-

    Last Updated : 2022-02-14
  • Lie To Marry The CEO   Chapter 5: Intimate Dinner

    Mahigit isang linggo ang lumipas pagkatapos ng kasuklam-suklam na pangyayaring iyon. Gusto ko mang pagbayarin si Hugo sa ginawa niya, hindi na lang ako nagpadalos-dalos pa na magsampa ng reklamo. Alam kong may kapit siya sa police station. Isasampal niya lang sakin ang pinirmahan kong kontrata, ibabasura na ang complain ko. Hindi ako boba para hindi i-review ulit ang kasulatan noong araw na iyon. Nakasaad sa kasunduan na kung hindi ako makakapagbayad, may karapatan silang magpataw ng kahit anong parusa. Noong araw na gumapang ako papalapit sa kaniya, basta ko na lang itong pinirmahan nang hindi sinuyod ang buong detalye. Kung hindi lang ako gahol sa oras noon at desperada, nabasa ko pa sana. Narinig kong sumisinghot-singhot na ang katabi ko kaya binalingan ko siya. Patapos na kasi itong pinapanood naming romance movie na tragic pala ang ending. "You crying?" pag-aasar ko sa kaniya. Sinulyapan niya ako saka ngumuso. Inunat niya ang kwelyo ng suot niyang t-shirt at iyon ang pinampu

    Last Updated : 2022-02-17
  • Lie To Marry The CEO   Chapter 6.1: Kisses

    Napalingon si Cosimo sa tumawag sakin habang ako naman ay tumalikod, yumuko at pumikit nang mariin. Nanatili ako sa tabi ni Cosimo kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba. Humarap na ulit si Cosimo sa counter, kalmado lang na naghihintay sa order niya. Paanong hindi nila ako makikilala, e, kabisado na nila ang mukha ko, may make-up man o wala. Nakakainis lang kasi bakit pa nila ako lalapitan, hindi naman araw ng hulog ko ngayon! Kinagat ko ang ibabang labi. Anong gagawin ko? Nilingon ko si Cosimo. "I'll just wait you in the car." Ngumiti ako para hindi niya ma-interpret na nababagot akong maghintay rito. Nang tumango siya, yumuko na ako at mabilis na lumakad paalis. Grabe ang tambol ng puso ko nang makasalubong ko sina Hugo sa gitna ng aisle. Mabilis ang lakad ko habang sila, napahinto at sinundan ako ng tingin. Nakatungo ako hanggang sa paglabas. "Hoy, Liana!" sigaw ni Hugo na sinundan ako rito sa labas. Hindi ako lumingon at mas binilisan pa ang lakad palayo sa sh

    Last Updated : 2022-02-19
  • Lie To Marry The CEO   Chapter 6.2: Kisses

    Pawis na pawis ako sa pagpiglas kaya hinayaan ko ang sariling magpahinga sandali. Binusalan na nila ang bibig ko kaya nawalan na ako ng pag-asang may makakarinig sakin mula sa labas. Walang tutulong sakin kundi ako lang, sarili ko lang. Dumaloy ulit ang luha ko sa sintido. Naisip ko sina Mama at Angge. Paano ko pa itatayo ang sarili ko pagkatapos nito? Paano pa ako gagapang para sa kanila kung pakiramdam ko patay na ko? Hindi ko ma-imagine ang sarili. Napansin ng lalaking pumapapak sa leeg ko na hindi na ako gumagalaw. Kaya naman humiwalay siya sakin para tingnan kung buhay pa ba ako. "Ano?" Sumingit si Hugo sa kanila para tingnan ako. Naka-recover na siya mula sa sakit ng sipa ko. Ramdam kong wala nang pwersa ang mga nakahawak sakin. Akala yata nila ay napagod na ako kaya hindi na ako kakawala ulit. Tinanggal na rin ang panyong nakatakip sa bibig ko na hinahawakan ng isa sa kanila. Walang buhay na tiningnan ko si Hugo. Nakangisi siya sakin na mukhang natutuwa dahil makakatiki

    Last Updated : 2022-02-20
  • Lie To Marry The CEO   Chapter 7: Hot Scene

    "Frida," ang siyang kumawala sa mga labi niya pagkatapos niyang bumitaw sa masuyong halik na iyon. Para akong lumutang sa ere na hindi na inintindi ang pangalang nabanggit niya. Parang sumugat sa puso ko ang halik niyang iyon. Kumalabog ang puso ko nang maalala kung paano ako halikan ng mga hayop kanina. Ang mga laway nilang kumalat sa leeg at pisngi ko, natuyo na sa balat ko. Nakakadiri! Sanay naman ako sa mga pambabastos dahil nga parte iyon ng trabaho ko pero hindi naman ang tulad kanina! Wala pang kahit sino o costumer na nagtangkang halikan ako! Para na akong mamamatay kanina! Hindi ko naman ugaling manakit pero nagawa ko! Kung natuloy man ang panggagahasa nila sa sakin, baka hindi na ako makalabas pa ng buhay roon! "Shhh. I'm sorry. I'm sorry. Don't cry. Hush now." Natulala ako kay Cosimo sa masuyong mga sinabi niya. Marahan niyang hinahawakan ang mukha ko na par

    Last Updated : 2022-02-22
  • Lie To Marry The CEO   Chapter 8: Boyfriend

    Nagising ako sa silaw ng liwanag na pilit pumapasok sa mga mata ko. Imiktad ako sa sakit ng ulo. Parang pinupokpok ang sentido ko. Ang bigat ng pakiramdam ko na para akong lalagnatin.Nang dumilat ako, nanlaki ang mga mata ko nang mahanap ang sariling nakadapa sa ibabaw ng lalaki. Agad kumalabog ang puso ko. Tumingala ako at mas lalong nataranta nang makita si Cosimo, mahimbing na natutulog.Then naalala ko kung anong nangyari kagabi. Lahat-lahat ng nangyari na puro lang naman kamalasan. Pati ito. Mariin akong napapikit at parang gustong sabunutan ang sarili sa kung anong ginawa namin nitong lalaking 'to.Seryoso, Liana? Binigay mo ang sarili mo sa lalaking 'yan? 'Di ba dapat kay Aldrio lang? Bakit mo hinayaang siya ang makauna sa 'yo?!Tumiim ang bagang ko. Mariin kong kinamot ang ulo, nagpipigil na baka masabunutan ko ang sarili sa pagiging pakawala!Huminga ako nang malalim pagkatapos ay dahan-dahang bumaba mula sa ibabaw ni Cosimo.

    Last Updated : 2022-02-23

Latest chapter

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 59: Deserve

    Tatlong oras nang naghihintay si Cosimo pero hindi na sa labas ng building. Nakonsensya naman si Liana sa kaniya kaya inabisuhan niya itong pumasok at doon na lang maghintay nang maging kumportable naman siya kahit papaano. Cosimo fought his sleepiness the whole time because of boredom. Kapag nahuhulog na ang kaniyang ulo, ilalabas na niya ang cell phone para aliwin pansamantala ang sarili. Pero hindi naman siya interesado sa telepono kaya sumusulyap-sulyap pa rin siya kay Liana. Tanaw niya lang kasi ang dalaga sa loob ng office dahil glass wall lang ang partition habang siya naman ay nakaupo sa waiting bench. May mga oras na nagtatama ang tingin nilang dalawa. Mas tumatyaga tuloy si Cosimo na maghintay sa pag-iisip na chini-check pa rin siya ni Liana kung kumusta na siya sa kinauupuan. She's busy inside and Cosimo understands that. May kausap siyang isa pang attorney. Palagay niya'y attorney ni Mrs. Thompson iyon. Kausap din nila ang mga tao sa Consulate. Nakasandal, buka ang mg

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 58: Wait

    Dahan-dahang tumayo si Cosimo. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin. Gusto niyang takbuhin ang pagitan nila at yakapin si Liana nang mahigpit, pero nag-aalala siya na baka itulak lang siya nito palayo. He's anxious. Hindi naman siya ganito noon kahit pa iharap sa mga bigating kasyoso sa negosyo. Hindi siya kailanman nag-alala sa kahihinatnan ng gagawing aksyon. Ngayon lang siya nag-ingat sa mga kilos. Pakiramdam niya, konting kibot ay maiirita ito. He couldn't even say a word. Nagbabara ang lalamunan niya. Siguro ay dahil natatakot siya. Lalo na at kakaiba ang naging reaksyon ni Liana. She looks disappointed and mad. Kung talagang hindi siya nito iniiwasan, tumakbo na sana ito para yakapin siya. Pero hindi. Naestatwa si Liana sa kinatatayuan. Nakaparte ang mga labi at namimilog ang mga mata. "Bakit ka nandito?" tanong niya sa mahinang boses pero may pagbabanta. He swallowed the lump in his throat. It hurts him. Iyon ang unang tinanong sa kaniya imbis na kumustahin siya. Tala

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 57: Ghost

    "She left you but you're still looking for her? Are you thinking?!" "She didn't left me! You manipulated her and used your power to push her through!"Encar sneered. "I didn't manipulate her. She asked for something she could benefit from in exchange of leaving you. She asked for money."Tumiim ang bagang ni Cosimo at kinuyom ang mga palad sa sobrang galit. "You're lying!""That's the truth, son. If your love for her is deep, don't expect that she will love you the same intensity as how you do. Her love is shallow," seryosong saad ng ina sa kalmadong paraan ngunit mariin ang tingin sa kaniya. Nawalan ng sagot si Cosimo para roon. Natigilan siya. Masakit ang sinabi ng ina pero ayaw niyang maniwala. Mahal siya ni Liana. Magpapakasal na sila. Ang dapat niyang sisihin sa mga oras na iyon ay ang kaniyang ina. Kung talaga ngang pinagpalit siya ni Liana sa pera, iyon ay dahil sa pagmamanipula. He shook his head in disbelief. Pumatak nanaman ang panibagong luha habang sinisikap niyang maka

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 56: Begging

    It was fulfilling. Lahat ng sakit at bigat ng loob ni Cosimo sa pamilya, gumaan nang makita niya lang si Liana. Ngayong pinagmamasdan niya ang pinakamamahal niyang babae na natutulog sa kaniyang mga bisig, kuntento na siya. Hindi niya maisip kung anong magiging buhay niya kung wala si Liana. Siya lang ang bukod tanging magiging ilaw ng kaniyang tahanan. Siya lang ang kaniyang uuwian at magiging pahinga sa nakakapagod na mundo. He embraces her. Mainit ang pagsasalo ng kanilang mga hubad na katawan sa ilalim ng kumot. Napangiti siya nang marinig ang mahinang paghilik ni Liana. "She must be tired," isip-isip niya. Nakailang ulit sila ng gabing iyon pero hindi makatulog si Cosimo. Marami siyang iniisip. He's wondering of what future awaits him but he's so certain that he will do everything in able to give Liana a great future. Kailangan niya lang gawin ay magsimula ulit. He has the skills. Hindi naman masakit sa pride niya kung magsisimula siya bilang empleyado. Kakayanin niya lahat

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 55: Curse

    "The guards are everywhere. How can I do it?!" Cosimo frustrating said as he paced back and forth. Bumuntonghininga na lang si Slayne. Napasapo ng noo si Hateur. Napagplanuhan na nila ito noong isang Linggo pa pero hindi nila inaasahan na may mga bodyguards pa lang ipapadala si Madame Encarnacion. "Aren't Tita being too much? Mahal ka ba talaga ng mommy mo?" tanong ni Slayne. Hindi ito oras para magbiro kaya sinamaan siya ng tingin ni Cosimo. Kailangan nilang mag-isip ng iba pang paraan para maitakas ang kaibigan nilang ayaw magpakasal. Pero bago nila magawa iyon, kailangan muna nilang takasan ang bantay. "Mom's calling." Casnu announced while looking at his phone screen. Napapikit sila nang mariin. "30 minutes before the ceremony." Rubio reminded them. Bumuga ng hininga si Cosimo. Hindi 'to matatapos kapag tumakas siya. Might as well face it. Duwag lang ang tumatakbo sa problema. Sinuot na niya ang kaniyang suit jacket. Naalarma naman ang mga groomsmen. "Woah! Papakas

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 54: Finding You

    Para kay Cosimo, nakahanap na siya ng pahinga sa lahat ng pagod niya. It's the life he's been asking for. Kahit na palagi silang nag-aaway at hindi nagkakaintindihan noong una, naging mabuti naman ang pagsasama nila kalaunan. He's contented. Masaya siya na sa wakas may tao nang naghihintay sa pag-uwi niya at magtatanong kung kumusta ang kaniyang buong araw. Cosimo felt whole whenever he's with Liana. It's the tranquility he's feeling as his condo became paradise with only his wife's presence. Kaya ganoon na lang ang naging galit niya nang malaman ang buong pagkatao ng pinakasalan. He felt like a fool for not finding it out. Pakiramdam niya tinraydor siya. Hindi siya makapaniwalang nagpaloko siya sa loob ng anim na buwan. "Cosimo." "Don't fucking say my name, you whore!" He had enough. Lumabas na lang ang masakit na salitang iyon sa kaniyang bibig nang hindi niya inaasahan. He's breathing heavily and even though he's eyes are intense, behind it is regret. He knew that he shouldn't h

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 53: Proud

    Third Person Point of ViewNaghihikahos na pinasok ni Amorsolla ang mansyon ng pamilyang Melgarejo. Kabababa lang nito sa sasakyan, hinihingal at parang madadapa pa sa sobrang pagmamadali. "Nasa office niya po si Madame," turo ng kasambahay. Pinilit niyang lakarin ang opisina ng kaibigan hanggang sa makakaya. Nanginginig siya. Pinagpapawisan na rin nang malamig. Kalaunan, nakarating din siya. Naabutan niya ang kaibigang nagbabasa ng magazine pagpasok niya sa opisina nito. "Oh, Amorsolla?" takha ni Encarnacion nang makita niya ito sa hindi inaasahang pagkakataon. Tila naubos na ang lakas ni Amorsolla at napaupo na ito sa sahig. Tears fell down on her cheek nonstop as if she didn't cry on her way there. Encarnacion got worried and immediately went to pick her up from the floor. She held her shoulders. "What happened to you?!" she asked a bit loud.Ramdam niya ang panginginig nito kaya mas lalo siyang nabahala. Natataranta siya sa kalagayan ng kaibigan pero kailangan niyang huminah

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 52: Last Straw

    Suot ang caramel trousers at cream long sleeve blouse, tumulak na ako papuntang Casa de Saros. 7 PM pa lang naman. Sasakto ako sa oras ng usapan. Matagal kong pinag-isipan kung pupunta ba ako o hindi. Pakiramdam ko kasi pambabastos kapag hindi ko sinipot ang ginang. Gusto niya akong makausap at maghihintay siya sa akin. Mahal ang oras niya kaya ngayong naglaan siya para sa akin, sino ako para sayangin iyon? Like what I've said, I want to do anything in order for her to be in favor of me. Kung madi-disappoint ko siya ngayon, baka hindi na magbago ang tingin niya sa akin kahit kailan.Hindi naging maganda ang huling pagkikita naming dalawa. Pero ako naman ang may kasalanan kaya dapat ako ang nakikipag-ayos. Tatanggapin ko ang galit niya kung sakali mang mag-init ang dugo niya sakin ngayon. Gusto ko lang makapag-usap kami bago ako ikasal sa anak niya. Kailangan ko siyang galangin dahil kahit anong mangyari, ina pa rin siya ni Cosimo. "Do you have any reservation, Ma'am?" tanong ng atte

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 51: Pick You Up

    Cosimo gave me assurance that he loves me and will marry me after he cleared his issues with Frida. Kahit na wala siyang pinanghahawakang salita mula sakin na mahal ko siya at umaasa ako sa pinangako niya, alam kong tutuparin niya iyon. Mahal niya ako. Wala na akong dapat pang ipagdalawang isip. Kakalimutan ko lahat. Wala na akong pakialam kung anong pwedeng gawin ng magulang niya sa amin. Balang araw, matatanggap din nila ako. Ipipilit ko ang sarili ko sa kanila. Pagtatyagaan ko. Aayusin ko ang sarili para kahit papaano hindi nila ako ikahiya. Makakatulong din ako sa negosyo nila. Iyon naman ang gusto nila, hindi ba? Someone who can bring something for the growth of their wealth."Magpapakasal kayo?" tanong ni Mama nang makaupo na siya sa hapag. Sabay-sabay kaming kakain ng tanghalian ngayon. Kakaalis lang ni Cosimo kanina at naabutan pa siya nina Mama. Wala rin namang problema dahil nakabihis na siya at paalis na. Kaya lang, nagtagal pa siya rito para makipag-usap kay Mama. Hindi k

DMCA.com Protection Status