Home / Romance / Lie To Marry The CEO / Chapter 5: Intimate Dinner

Share

Chapter 5: Intimate Dinner

Author: Pordanabella
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Mahigit isang linggo ang lumipas pagkatapos ng kasuklam-suklam na pangyayaring iyon. Gusto ko mang pagbayarin si Hugo sa ginawa niya, hindi na lang ako nagpadalos-dalos pa na magsampa ng reklamo. Alam kong may kapit siya sa police station. Isasampal niya lang sakin ang pinirmahan kong kontrata, ibabasura na ang complain ko.

Hindi ako boba para hindi i-review ulit ang kasulatan noong araw na iyon. Nakasaad sa kasunduan na kung hindi ako makakapagbayad, may karapatan silang magpataw ng kahit anong parusa. Noong araw na gumapang ako papalapit sa kaniya, basta ko na lang itong pinirmahan nang hindi sinuyod ang buong detalye. Kung hindi lang ako gahol sa oras noon at desperada, nabasa ko pa sana.

Narinig kong sumisinghot-singhot na ang katabi ko kaya binalingan ko siya. Patapos na kasi itong pinapanood naming romance movie na tragic pala ang ending. 

"You crying?" pag-aasar ko sa kaniya. 

Sinulyapan niya ako saka ngumuso. Inunat niya ang kwelyo ng suot niyang t-shirt at iyon ang pinampunas sa luha. 

"Arthur died. I didn't see that coming," pagpapatungkol niya sa bidang lalaki. 

Umismid ako sabay binalik ang tingin sa TV. "The blame should be put on Jane. So take note. If you want to cheat, don't do it in public," I said. 

"So okay sa'yo ang paglolokohan sa relasyon?"

"I didn't say that." 

Sumimangot siya. "Why did they kill his character? It doesn't make sense to me!"

"Utos kasi ng direktor." 

Namilog ang mga mata niya at dinikit ang nakatayong hintuturo sa kaniyang labi. "English policy, Liana," paalala niya. 

Umirap ako sa ere at nagbuga ng hininga. "I'm learning, Crisnelle! Magpahinga naman tayo, pwede ba? Ako na lang kung gusto mo mag-English buong araw." Inalis ko ang throwpillow sa kandungan ko at isinandal iyon sa arm rest. Agad akong humiga roon. Pinatong ko pa ang paa sa kaniyang kandungan at pumikit. "Pang anim na movie na natin 'yan, pagpahingahin mo naman ang mata ko."

"Baka magalit si Ma'am kapag nakita ka niya. Sabi niya sampung English movies kada araw." 

At sa loob ng higit isang linggo, nagagawa naman namin iyon. Sa kagustuhan ng asawa ni Lucas na gumaling ako sa pag-i-ingles, inuumay niya ako sa mga Hollywood movies. 

Nanatili akong nakapikit. Ginalaw ko ang mga binting nakapatong sa hita niya. 

"Pakihilot naman ng paa ko, Cris. Namamanhid." 

Ang tagal naman kasi naming nakaupo rito sa sofa. 

Huminga ako nang malalim para ihanda ang sarili sa relaxation ng masahe niya nang bigla niyang niyugyog ang binti ko. 

"L-Liana," 

Nahimigan ko ang taranta sa boses niya kaya dumilat ako. Napabalikwas naman ako ng bangon nang makita si Ma'am Amorsolla na nakatayo sa tabi ni Crisnelle. Binaba ko kaagad ang paa ko at inayos ang buhok. 

Ngumiti ako sa kaniya kahit na alam kong hindi masusuklian iyon. Humalukipkip siya, tikom na tikom ang bibig habang nakatingin sakin. Hindi ko man lang narinig ang ingay ng heels niya nang pumasok siya rito sa theater room. 

"Are you sleeping all the time while the movie was playing?" Puno ng pagka-strict ang tanong niya. 

Sinundan ko ng tingin ang buhok niyang inipon sa kanang balikat. Agaw atensyon ang mahabang diamong earrings niya na mas kumikinang dahil natatamaan ng projector. Kahit nandito lang naman sa bahay, naka-maxi dress siya. Pusturang-pustura na kahit sa umaga, hindi ko pa nakitang naka-pajama. 

Umiling ako. "Kakahiga ko lang p--"

"English!"

"I just lay down for like... a minute."

Lumipat ang mga mata niya sa katulong. 

"Y-Yes po, Ma'am. Kakahiga niya lang po," sagot ni Crisnelle. 

Tumingin ulit siya sakin at humalukipkip. 

"Encarnacion invited you to their family dinner tonight. Fix yourself now."

Family dinner? Buong Melgarejo ang haharapin ko? 

"Am I the only one going? What about Lucas?"

Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin nang tinitigan niya lang ako. Una pa lang, ramdam ko nang mainit ang dugo niya sakin. Hindi ko alam kung bakit. Dapat nga ay thankful siya sakin dahil ako ang instrumento para lumago ang negosyo nilang mag-asawa. Kaya anong problema niya sakin? 

"You'll go there alone," tuwid na aniya at tinalikuran na kami para lumabas. 

Nagkatinginan kami ni Crisnelle. Nagkibit-balikat na lang ako sa attitude ng ginang. Kapag naman nandiyan si Lucas, hindi naman siya mataray sakin. Plastic din ba siya tulad ni Cosimo?

"Baka nagme-menopause na." natatawang sinabi ko.

Hindi umimik si Crisnelle. Tumayo na ako dahil alas singko na, hindi pa ako naliligo. Hindi ko alam kung anong oras ako pupunta roon pero base sa oras ng dinner dito sa mansyon nina Lucas, alas syete.

Simula nang pumayag ako sa plano ni Lucas, dito na ako tumuloy sa kanila. Sina Mama at Angge naman, nai-relocate na sa isang maayos na apartment. Malayo iyon sa squatters area kung saan kami galing.

"Ang guwapo ni Sir Cosimo, no?" si Crisnelle habang bino-blow dry ang buhok ko.

Noong unang araw ko rito, pinakilala siya sakin ni Lucas bilang tagapagturo ko sa English. Naka-maid uniform siya kaya nagtatakha ako kung bakit siya. Iyon pala, anak siya ng mayordoma at nakapagtapos ng pag-aaral. Ang sabi niya, nagpapapayat daw muna siya ngayon dahil mag-aapply siya bilang flight attendant. Kaya nagserbisyo muna siya rito bilang pasasalamat na rin niya sa scholarship na ibinigay sa kaniya ng mag-asawa.

"Tandaan mo, huwag mawawala ang accent. Tita and Tito ang tawag mo sa kanila and childhood friends mo ang mga anak nila. Kapag kumakain, huwag ilalagay ang siko sa lamesa. Alalahanin mo ang table etiquette na tinuro ko. Alam mo na ang tungkol kay Elysia kaya maitatawid mo 'yang family dinner na 'yan," huling sinabi niya.

Suot ang Stella McCartney black dress, hinatid na ako ng driver sa mansyon ng mga Melgarejos. Pagpasok pa lang sa village, hindi ko na maitikom ang bibig sa pagkakamangha. Ngayon lang ako nakapasok sa Forbes Park kaya para akong alien dito.

Nang makarating sa mismong mansyon, sinalubong ako ng mga katulong. Gabi na pero kitang-kita pa rin ang engrandeng pamamahay nila dahil sa mga ilaw. Ang laki ng garden nila dito. Ang lawak pa ng driveway na kakayanin ni manong mag U-turn kung sakaling uuwi na kami. 

"Good evening po, ma'am." isa-isang bati nila. 

Busy pa ako na pagmasdan ang property nang lumabas na si Mrs. Melgarejo.

"Hello, Elysia, dear! I'm so happy you came here for an intimate dinner with us!" maligayang salubong niya na niyakap pa ako pagkalapit niya sa akin. 

"Thank you, Tita! I'm thankful you invited me!" masiglang tugon ko.

Pinagbugkos niya ang bisig naming dalawa. "Let's get inside. Celesterio will also be glad to see you after a week!"

Eh, si Cosimo po? 

Sus! Baka patayin ako sa tingin no'n mamaya. Considering what happened to us last time. Alam kong mainit ang dugo no'n sakin. 

Nang makapasok ako sa loob ng bahay nila, parang lumulutang ako sa sobrang pagkamangha sa mga nakikita. Ni hindi ako makapag-focus sa mga sinasabi ni Mrs. Melgarejo dahil kung saan-saan dumadapo ang mata ko. Ngayon, napatunayan ko na sa sarili kung gaano karangya ang buhay nila. Anong sinabi ng mansyon nina Lucas? Mas triple pa yata ang laki nito kaysa sa property nila. 

"... And of course I cooked my special dishes because I am expecting you to dine with us!" Ang tanging napakinggan ko sa mga sinabi niya. 

Kumabog nang husto ang puso ko nang pagpasok namin sa dining room, marami nang nakaupo sa hapag. Nagsitayuan silang lahat nang makita ako. Nilaparan ko ang ngiti para magmukhang friendly sa lahat kahit na kinakabahan ako. Idagdag pa na nahanap ko ang mga mata ni Cosimo. Naroon siya sa upuang katabi ng kabisera kung nasaan si Mr. Melgarejo. Bakante ang upuang pinagigitnaan nila ng isang lalaking kaedaran niya lang. Sa harap ng lalaking iyon ay pwesto naman ng isang binata na suplado kung tumingin sakin.

"Good evening!" bati ko sa lahat.

Naramdaman kong lumapat ang kamay ni Mrs. Melgarejo sa likod ko at bahagya akong iginigiya papalapit sa pamilya niya. 

Lumapit ako kay Mr. Melgarejo para bum*so sa kaniya. Malugod naman niya akong tinanggap. 

"Thank you for your visit."

"I should be the one to be thankful because I am invited. Thank you!" 

Natawa siya. 

"Cosimo," tawag ng ginang na hindi ko alam kung bakit. 

Nagsipag-upo ang mga nasa lamesa maliban kay Cosimo na lumakad papalapit sakin. Hiniwalayan ako ni Mrs. Melgarejo nang nakalapit na si Cosimo at nauna siyang umupo sa tabi ng bunsong anak. 

Hinagod ko ng tingin si Cosimo mula ulo hanggang paa. Mas guwapo pala siya kapag hindi naka-business attire. Plain black t-shirt lang ang suot niya ngayon at black trousers. Simple lang naman pero nagmukhang mamahalin siyang tingnan dahil sa kaniyang relo at, syempre, hitsura.

Hindi umiimik siya nang hinawakan niya ang likod ng braso ko at dinala ako sa bakanteng upuan sa tabi ng pwesto niya. Ramdam ko ang bigat ng kaniyang loob. Pareho lang kaming napipilitan dito.

"Please take your seat," mahinang sinabi niya nang ipaghila niya ako ng upuan. 

Sus! Acting gentleman siya ngayon samantalang noong nasa CR kami, hindi man lang pinigilan ang pagkakatumba ko!

Plastic talaga!

Umupo na rin siya pagkatapos kong maupo. Kaysa isipin pa ang pagiging fake niya ngayon, nabaling ang atensyon ko sa napakaraming pagkain na nakahain. Kompleto yata ang mga karne dito. Sa haba ng lamesa nila, malapit na itong mapuno. May dekorasyon pa ng mga bulaklak at kandila sa gitna na akala mo ay lamesa ng mga nagdi-date. 

"These are my sons now, dear," nakangiting pakilala ni Mrs. Melgarejo sa mga anak. Inakbayan niya ang binatang katabi. "This is Caius. 3 years after you left, I got pregnant of him. As per Casnu, I hope he still remembers you."

Lumingon ako sa katabi ko nang siya ang pinatungkulan ni Mrs. Melgarejo sa huli. Bumaling naman siya sakin at ngumiti.

"I can still remember her, Mom," Lumipat ang tingin niya sa buhok ko. "I remember how I made fun of your hair. I'm sorry to that. But now, it looks amazing on you. Your beauty explodes." marahang sinabi niya at pagkatapos ay ngumiti. 

Sa hitsura niya at buka ng bibig, halatang fuckboy. Alam na alam ko ang mga ganiyang galawan. Halos katulad niya ang mga costumer sa club. 

Natawa ako at hinawakan ang buhok. "It's okay. I wasn't feeling insecure with my hair... Thank you for the compliment!" Masayang tugon ko. 

Nag-angat ako ng tingin sa bunso na nasa tabi ni Mrs. Melgarejo. Pansin ko kasi na kinakausap niya ito nang pasekreto. Umiling ang binata at sumulyap sa akin. Nginitian ko siya pero nagbagsak lang siya ng mata.

Nagsimula kaming kumain. Panay ang introduce ng ginang sa mga lutong ngayon ko lang matitikman. Minsan, nagsasalita rin si Mr. Melgarejo at ganoon din si Casnu bilang tugon sa mga kwento niya. Si Cosimo at Caius lang ang hindi umiimik. 

"How do you feel when you left your job in the US, dear? Lucas said that you're gonna take over the cruise line that's why you came back home. Are you staying here for good?" 

Binaba ko ang kutsara't tinidor para sagutin siya. Iyon kasi ang turo sakin ni Crisnelle sa lesson naming Etiquette 101. 

"It's sad but I want to exercise my skills more on to our family's business. This is also my way of helping Dad, Tita." 

Tumango-tango siya. "I heard you are a good artist. Amorsolla told me you have a lot of sketches and paintings. Did you bring them here?" 

"No, Tita. I left all of them in the states." 

"Have them send here, dear! I want to see your masterpieces. If you want to sell them, I'll help you organize an exhibit! I do have a lot of friends who invest in artworks."

Natawa ako. Mas mabuti siguro kung malaman muna ni Elysia 'to. 

"I don't sell them, Tita." 

Tumaas ang kilay niya at bumaling kay Cosimo. "Cosimo likes any artworks in frame. He has a lot of them hanging on his bedroom walls."

Lumingon ako kay Cosimo. Tumingin din siya sakin at tumuwid ng upo. 

"I have a wierd taste in arts. Yours are probably far from what I prefer." aniya sa kalmadong boses. 

"Do you have photos of your artworks, dear? I want to see them." 

Hayst. 

"I don't like taking photo of them, Tita. I'm sorry, "

"What about social media?" tanong ng katabi ko. "What's your I*******m account? I have searched your name but there's none."

Syempre iniba ni Crisnelle! Last week niya lang ako ginawan ng account na puro gawa sa photoshop na kinuha sa main account ni Elysia. C-in-ut out lang ang mukha niya at ako ang pinalit. 

"Elyheart," sagot ko.

Na-derived lang 'yon sa tunay na pangalan ni Elysia Heart Thompson.

Nang matapos kami sa pagkain, nagkaniya-kaniyang alisan na sa hapag. Nag-stay sakin si Mrs. Melgarejo pero ang mga lalaki, nawala na.

"My boys are probably in the family room. Do you want to go there?"

Balak ko kanina ay kakain lang dito at uuwi na rin pagkatapos. Kaya lang, pinauwi na pala niya ang driver ko. Ipapahatid na lang daw niya ako kay Cosimo pauwi.

Dinala niya ako sa family room nila at binilin ako kay Cosimo.

Para naman akong bata nito. 

Nakabukas ang malaking flat screen TV at magkakatabi silang nanonood. Nanatili ako dito sa hamba ng pinto kung saan ako iniwan ni Mrs. Melgarejo.

"Sit here, Elysia!" yaya ni Casnu sakin na tinuro ang malaking pwesto sa tabi niya. 

Sinulyapan siya ni Cosimo pagkatapos ay tumayo. Tiningnan niya si Caius.

"Where did you put the drinks you bought?" tanong niya. 

"On the island counter."

Binalingan niya ako nang makuha na niya ang sagot. Lumakad siya papalapit sakin dahil nga lalabas siya. 

"Come with me," aniya nang dinaanan ako. 

Tumaas ang kilay ko at sumunod na sa kaniya. Baka gusto niya akong kausapin. O awayin? Baka maglalabas siya ng sama ng loob dahil nag-iba ang takbo ng arrangement na 'to. 

Nang makarating kami sa kitchen, dumiretso siya sa paper bag na may logo ng 7/11 kaya lumapit din ako. Walang tao rito kaya kung gusto man niyang mag-usap kami, pwede rito. 

Humugot siya ng beer in can.

"Choose yours," aniya. 

Tumalikod siya at kung may anong ginawa roon sa malaking ref nila. 

Binuklat ko ang paper bag at naghanap ng maiinom. Iba-iba ang mga drinks na nandito. Kaya lang, may napansin akong maliit na box na nakasuksok sa pinakagilid. Kinuha ko iyon para kung sakaling candy, iyon na lang ang sakin. 

"Durex," basa ko.

Durex?

Nanlaki ang mga mata ko at agad tiningnan ang likod ni Cosimo. Bakit may condom dito? 

"Who bought these?" tanong ko sa kaniya. 

"Caius." Nang hindi ako nililingon. 

Si Caius? Eh, ang bata pa no'n, ah? Menor de edad pa 'yon! 

"Did you make him buy this?" 

Nang lumingon siya, pinakita ko ang hawak kong condom. 

Natigilan siya pero lumapit din kalaunan. Sinubukan niyang kunin ito sa kamay ko.

Isang subok niya lang sa pag-agaw, tumigil na siya. "He bought that for himself."

Kumunot ang noo ko. Umupo ako sa high chair habang tumabi naman siya sakin. Umiikot itong upuan kaya hinarap ko siya. 

"He's too young for this... Maybe this is really yours, dini-deny mo lang." 

Nagsalubong ang kilay niya. "I'm not using that, Elysia. At his age, he's probably exploring things. Put that down!" Sinubukan niyang agawin ulit ito sa kamay ko. 

"And it's just okay with you?"

Siya pa naman itong nakakatandang kapatid, parang kinukunsinti pa! 

"He's in his most hormonal stage. Let the boy be," 

"That's why there's a high rate of teenage pregnancy!"

Hindi ko maintindihan kung bakit parang normal lang ito sa kaniya. Dahil ba lalaki siya?

"Yes! That's why he bought that," pamimilosopo niya. 

Hinila niya ang paper bag sa tabi ko at nilabas lahat ng laman. 

"How old is he?"

"16."

Jusko naman! 

"Throw this away." 

Sinulyapan niya ako. "You have it. Do whatever you want with that." 

"If I throw this, he will only buy another one. "

"Of course. He has money."

Inis na tinitigan ko siya. Abala siya sa paglunod ng mga beer sa ice bucket. 

"Sasabihin ko 'to kay, Tita," banta ko.

Tinigil niya ang ginagawa. Pumikit siya pagkatapos ay sinalubong ang tingin ko. 

"Mom would go crazy again. Just don't stick your nose where it doesn't belong."

Ano raw? Bakit ko naman ididikit ang ilong ko sa iba? Bobo ba siya?

Magsasalita pa sana ako nang biglang pumasok si Mrs. Melgarejo.

"Dear, your dad just called. He's asking when will you go home as you're not attending your phone. I informed him that Cosimo will send you home."

Agad akong bumaba sa upuan. Ramdam ko ang tingin ni Cosimo na nakasunod sakin. Lumapit ako sa nanay niya at pinakita ang hawak ko. 

"Caius bought this, Tita," sumbong ko. 

She needs to know. Nanay siya, e.

Nanlaki ang mga mata niya at suminghap. Napatakip siya ng bibig. 

"How did you find th-- that boy!" Umusok ang ilong niya at kinuha sa kamay ko ang protection. Tinalikuran niya ako kaagad. 

"Tita! I'm going home now!" agap ko. 

Bumalik siya para b****o sakin bilang pamamaalam.

Nagbangayan pa kami ni Cosimo pagkaalis ng nanay niya. Nagalit siya sa ginawa ko kaya pinaramdam niya iyon hanggang sa loob ng kotse niya. 

Akala ko diretso niya na akong iuuwi nang tumigil pa siya sa hilera ng mga kainan dito sa BGC. Kaya naman tinanong ko kung anong sadya niya. 

"Your mom loves the Turkey Sandwich here." tuwid na sagot niya at saka lumabas na ng sasakyan. 

Sumunod ako habang papasok siya sa isang pizza shop. Kaya lang, bumagal ang lakad ko nang mapansin ang grupo ng mga lalaking nakaupo sa labas ng coffee shop sa tabi lang ng pinasukan ni Cosimo. 

Pumintig nang mabilis ang puso ko nang mapatingin sa banda ko ang isa sa mga lalaking nandoon. Natigilan siya at nanliit ang mga mata.

Nanlalamig na binilisan ko ang lakad at pumasok na sa shop kung nasaan si Cosimo. Nanginginig ang mga tuhod ko kaya naupo muna ako at nanalangin na sana hindi niya ako nakilala. Kapag namukhaan niya ako, siguradong sasabihin niya sa kanilang lahat!

Malilintikan ako! 

Fully air-conditioned dito sa loob pero pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ako mapakali! Gusto ko nang umalis dito kaagad. Ang tagal ni Cosimo sa counter! 

Siya lang ang nakapila roon at may iilan lang na customer na naka-dine in dito. 

Lumapit ako kay Cosimo.

"Pakibilisan," sinabi ko sa kaniya. 

Sinulyapan niya ako. "I'm not the one making the sandwich," aniya na parang tinatanga ako.

Tumunog ang bell na nasa pinto, hudyat na may pumasok. Agad akong lumingon doon. 

"Liana!" tawag ni Hugo habang nakasunod sa likod niya si Bogart na siyang nakakita sakin kanina. 

Kaugnay na kabanata

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 6.1: Kisses

    Napalingon si Cosimo sa tumawag sakin habang ako naman ay tumalikod, yumuko at pumikit nang mariin. Nanatili ako sa tabi ni Cosimo kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba. Humarap na ulit si Cosimo sa counter, kalmado lang na naghihintay sa order niya. Paanong hindi nila ako makikilala, e, kabisado na nila ang mukha ko, may make-up man o wala. Nakakainis lang kasi bakit pa nila ako lalapitan, hindi naman araw ng hulog ko ngayon! Kinagat ko ang ibabang labi. Anong gagawin ko? Nilingon ko si Cosimo. "I'll just wait you in the car." Ngumiti ako para hindi niya ma-interpret na nababagot akong maghintay rito. Nang tumango siya, yumuko na ako at mabilis na lumakad paalis. Grabe ang tambol ng puso ko nang makasalubong ko sina Hugo sa gitna ng aisle. Mabilis ang lakad ko habang sila, napahinto at sinundan ako ng tingin. Nakatungo ako hanggang sa paglabas. "Hoy, Liana!" sigaw ni Hugo na sinundan ako rito sa labas. Hindi ako lumingon at mas binilisan pa ang lakad palayo sa sh

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 6.2: Kisses

    Pawis na pawis ako sa pagpiglas kaya hinayaan ko ang sariling magpahinga sandali. Binusalan na nila ang bibig ko kaya nawalan na ako ng pag-asang may makakarinig sakin mula sa labas. Walang tutulong sakin kundi ako lang, sarili ko lang. Dumaloy ulit ang luha ko sa sintido. Naisip ko sina Mama at Angge. Paano ko pa itatayo ang sarili ko pagkatapos nito? Paano pa ako gagapang para sa kanila kung pakiramdam ko patay na ko? Hindi ko ma-imagine ang sarili. Napansin ng lalaking pumapapak sa leeg ko na hindi na ako gumagalaw. Kaya naman humiwalay siya sakin para tingnan kung buhay pa ba ako. "Ano?" Sumingit si Hugo sa kanila para tingnan ako. Naka-recover na siya mula sa sakit ng sipa ko. Ramdam kong wala nang pwersa ang mga nakahawak sakin. Akala yata nila ay napagod na ako kaya hindi na ako kakawala ulit. Tinanggal na rin ang panyong nakatakip sa bibig ko na hinahawakan ng isa sa kanila. Walang buhay na tiningnan ko si Hugo. Nakangisi siya sakin na mukhang natutuwa dahil makakatiki

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 7: Hot Scene

    "Frida," ang siyang kumawala sa mga labi niya pagkatapos niyang bumitaw sa masuyong halik na iyon. Para akong lumutang sa ere na hindi na inintindi ang pangalang nabanggit niya. Parang sumugat sa puso ko ang halik niyang iyon. Kumalabog ang puso ko nang maalala kung paano ako halikan ng mga hayop kanina. Ang mga laway nilang kumalat sa leeg at pisngi ko, natuyo na sa balat ko. Nakakadiri! Sanay naman ako sa mga pambabastos dahil nga parte iyon ng trabaho ko pero hindi naman ang tulad kanina! Wala pang kahit sino o costumer na nagtangkang halikan ako! Para na akong mamamatay kanina! Hindi ko naman ugaling manakit pero nagawa ko! Kung natuloy man ang panggagahasa nila sa sakin, baka hindi na ako makalabas pa ng buhay roon! "Shhh. I'm sorry. I'm sorry. Don't cry. Hush now." Natulala ako kay Cosimo sa masuyong mga sinabi niya. Marahan niyang hinahawakan ang mukha ko na par

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 8: Boyfriend

    Nagising ako sa silaw ng liwanag na pilit pumapasok sa mga mata ko. Imiktad ako sa sakit ng ulo. Parang pinupokpok ang sentido ko. Ang bigat ng pakiramdam ko na para akong lalagnatin.Nang dumilat ako, nanlaki ang mga mata ko nang mahanap ang sariling nakadapa sa ibabaw ng lalaki. Agad kumalabog ang puso ko. Tumingala ako at mas lalong nataranta nang makita si Cosimo, mahimbing na natutulog.Then naalala ko kung anong nangyari kagabi. Lahat-lahat ng nangyari na puro lang naman kamalasan. Pati ito. Mariin akong napapikit at parang gustong sabunutan ang sarili sa kung anong ginawa namin nitong lalaking 'to.Seryoso, Liana? Binigay mo ang sarili mo sa lalaking 'yan? 'Di ba dapat kay Aldrio lang? Bakit mo hinayaang siya ang makauna sa 'yo?!Tumiim ang bagang ko. Mariin kong kinamot ang ulo, nagpipigil na baka masabunutan ko ang sarili sa pagiging pakawala!Huminga ako nang malalim pagkatapos ay dahan-dahang bumaba mula sa ibabaw ni Cosimo.

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 9: The Party

    Marami nang mga tao rito sa mansion ng mga Melgarejo. Maingay ang pool area dahil doon ang pinaka-venue ng event. Kanina pa nag-start ang celebration ni Caius. Nabati ko na rin siya at nakapagbigay ng mamahaling regalo na kay Lucas naman talaga galing, hindi sakin. "You're so alone here, dear. Don't you like to get along with them outside?" tanong ni Ma'am Encarnacion. Ramdam ko kasing hindi maayos ang pakikitungo sakin ni Caius. Hindi naman niya ako binabastos. Hindi lang talaga siya ngumingiti. Naalala ko tuloy noong sinumbong ko siya sa Mama niya. Baka iyon ang dahilan ng pagiging mailap niya sakin. Ngumiti ako. "I'll just stay here. I'm waiting for Cosimo, Tita." Kahit hindi naman. Anong pakialam ko sa lalaking 'yon? Kung pwede nga lang, hindi ko na siya makita kahit kailan. Babalik lang sakin ang nangyari samin sa kotse niya. Parang hindi ko kayang sikmurahin. Nanliliit na ako sa sarili ko matapos 'yon. Parang napaka-easy to get ko naman kasi na ang bilis kong mag-give i

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 10: Last Day

    Hindi ko inasahan iyon. Akala ko, ako ang kakampihan niya. Parang kanina lang maayos kaming nag-usap tapos ngayon, balik sa samaan ng loob na naman kami? Tumalim pa ang tingin niya sakin bago siya tumalikod at binuhat ang sarili para makaahon sa tubig. Tinulungan pa siya no'ng babae sa pamamagitan ng pagkapit sa kaniyang braso. Pairap akong umiwas at natawa na lang sa natunghayan. Ako itong fiancee niya pero hindi man lang ako tinalungan. Inuna pa ang ibang tao. "Frida! Are you okay?" Lumapit ang dalawang babaeng nakaaway ko kanina sa babaeng 'yon. Frida? Parang familiar ang pangalan. Hindi ko lang maisip kung saan o kailan ko narinig. "What happened?" Tumatakbong dumating si Casnu. Nang makita ako, agad niya akong dinaluhan. "Elysia!" Umupo siya sa gilid ng pool at in-extend ang kamay niya para abutin ako. Sinulyapan ko si Cosimo na ngayon ay nakatayo na at kinakausap iyong babaeng nagngangalang Frida. Nakahawa

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 11: On Private Island

    Natapos ang kasal na siyang hinihintay ng lahat. Napagtagumpayan ko rin ang unang gabi kasama siya sa iisang kwarto. Sa buong oras na flight namin papuntang Maldives sakay ng isang private jet, inisip ko lang ang sinabi niyang portrait kagabi. Gusto niyang gawan ko siya ng portrait niya bilang wedding gift ko raw. Required bang may wedding gift? Noong kinasal naman sina Mama at Papa, wala silang palitan ng regalo. Wala kaming imikan sa isa't isa hanggang sa makarating na kami sa destinasyon. Akala ko medyo magiging close kami since nagtabi na kami sa iisang kama. Nag-expect din kasi ako dahil maganda ang pakikitungo niya sakin noong araw ng kasal. Nakakapanibago nga lang. Considering what happened at Caius' birthday party, naka-move on na siya. Kung sabagay, mahigit isang Linggo na rin naman ang nakalipas mula nang gabing 'yon. I'm sure marami pa siyang kailangan isipin na mas importante kaysa sa galit niya sakin. "Are you okay?" tanong niya nang mapatingin s

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 12: Leaving Him

    "Bakit ka tumawag?" Tanong ko kay Elysia pagpasok ko sa kwarto namin ni Cosimo. Ni-lock ko ang pinto at kinalma muna ang sarili bago tumawag. Sa social media niya ako kinontak at f-in-ollow pa 'ko. Nasa kwarto niya siya. Nakaupo sa paanan ng kama at hawak lang ang telepono. Sa picture ko lang siya nakikita noon at first time niya ring makita ako ngayon. 'Di ko alam kung bakit sinasabi ni Lucas na magkamukha kami, e, hindi ko naman makita ang sarili ko sa kaniya. Pareho lang kaming kulot ang buhok. Maputi siya sa pictures pero morena pala talaga siya. Baka nagpa-tanned skin? Uso naman iyon sa America, 'di ba? "Why? You don't want me to interrupt your dream-come-true vacation? Are you enjoying the life pretending as me, huh?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya. Tila nang-aasar ito. Kumunot ang noo ko at umupo nang tuwid sa kama. Sinandal ko nang maayos ang likod sa headboard. "Hindi sa ganoon... May problema ka ba sakin?" Huwag naman niyang ipamukha na parang ako lang an

Pinakabagong kabanata

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 59: Deserve

    Tatlong oras nang naghihintay si Cosimo pero hindi na sa labas ng building. Nakonsensya naman si Liana sa kaniya kaya inabisuhan niya itong pumasok at doon na lang maghintay nang maging kumportable naman siya kahit papaano. Cosimo fought his sleepiness the whole time because of boredom. Kapag nahuhulog na ang kaniyang ulo, ilalabas na niya ang cell phone para aliwin pansamantala ang sarili. Pero hindi naman siya interesado sa telepono kaya sumusulyap-sulyap pa rin siya kay Liana. Tanaw niya lang kasi ang dalaga sa loob ng office dahil glass wall lang ang partition habang siya naman ay nakaupo sa waiting bench. May mga oras na nagtatama ang tingin nilang dalawa. Mas tumatyaga tuloy si Cosimo na maghintay sa pag-iisip na chini-check pa rin siya ni Liana kung kumusta na siya sa kinauupuan. She's busy inside and Cosimo understands that. May kausap siyang isa pang attorney. Palagay niya'y attorney ni Mrs. Thompson iyon. Kausap din nila ang mga tao sa Consulate. Nakasandal, buka ang mg

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 58: Wait

    Dahan-dahang tumayo si Cosimo. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin. Gusto niyang takbuhin ang pagitan nila at yakapin si Liana nang mahigpit, pero nag-aalala siya na baka itulak lang siya nito palayo. He's anxious. Hindi naman siya ganito noon kahit pa iharap sa mga bigating kasyoso sa negosyo. Hindi siya kailanman nag-alala sa kahihinatnan ng gagawing aksyon. Ngayon lang siya nag-ingat sa mga kilos. Pakiramdam niya, konting kibot ay maiirita ito. He couldn't even say a word. Nagbabara ang lalamunan niya. Siguro ay dahil natatakot siya. Lalo na at kakaiba ang naging reaksyon ni Liana. She looks disappointed and mad. Kung talagang hindi siya nito iniiwasan, tumakbo na sana ito para yakapin siya. Pero hindi. Naestatwa si Liana sa kinatatayuan. Nakaparte ang mga labi at namimilog ang mga mata. "Bakit ka nandito?" tanong niya sa mahinang boses pero may pagbabanta. He swallowed the lump in his throat. It hurts him. Iyon ang unang tinanong sa kaniya imbis na kumustahin siya. Tala

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 57: Ghost

    "She left you but you're still looking for her? Are you thinking?!" "She didn't left me! You manipulated her and used your power to push her through!"Encar sneered. "I didn't manipulate her. She asked for something she could benefit from in exchange of leaving you. She asked for money."Tumiim ang bagang ni Cosimo at kinuyom ang mga palad sa sobrang galit. "You're lying!""That's the truth, son. If your love for her is deep, don't expect that she will love you the same intensity as how you do. Her love is shallow," seryosong saad ng ina sa kalmadong paraan ngunit mariin ang tingin sa kaniya. Nawalan ng sagot si Cosimo para roon. Natigilan siya. Masakit ang sinabi ng ina pero ayaw niyang maniwala. Mahal siya ni Liana. Magpapakasal na sila. Ang dapat niyang sisihin sa mga oras na iyon ay ang kaniyang ina. Kung talaga ngang pinagpalit siya ni Liana sa pera, iyon ay dahil sa pagmamanipula. He shook his head in disbelief. Pumatak nanaman ang panibagong luha habang sinisikap niyang maka

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 56: Begging

    It was fulfilling. Lahat ng sakit at bigat ng loob ni Cosimo sa pamilya, gumaan nang makita niya lang si Liana. Ngayong pinagmamasdan niya ang pinakamamahal niyang babae na natutulog sa kaniyang mga bisig, kuntento na siya. Hindi niya maisip kung anong magiging buhay niya kung wala si Liana. Siya lang ang bukod tanging magiging ilaw ng kaniyang tahanan. Siya lang ang kaniyang uuwian at magiging pahinga sa nakakapagod na mundo. He embraces her. Mainit ang pagsasalo ng kanilang mga hubad na katawan sa ilalim ng kumot. Napangiti siya nang marinig ang mahinang paghilik ni Liana. "She must be tired," isip-isip niya. Nakailang ulit sila ng gabing iyon pero hindi makatulog si Cosimo. Marami siyang iniisip. He's wondering of what future awaits him but he's so certain that he will do everything in able to give Liana a great future. Kailangan niya lang gawin ay magsimula ulit. He has the skills. Hindi naman masakit sa pride niya kung magsisimula siya bilang empleyado. Kakayanin niya lahat

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 55: Curse

    "The guards are everywhere. How can I do it?!" Cosimo frustrating said as he paced back and forth. Bumuntonghininga na lang si Slayne. Napasapo ng noo si Hateur. Napagplanuhan na nila ito noong isang Linggo pa pero hindi nila inaasahan na may mga bodyguards pa lang ipapadala si Madame Encarnacion. "Aren't Tita being too much? Mahal ka ba talaga ng mommy mo?" tanong ni Slayne. Hindi ito oras para magbiro kaya sinamaan siya ng tingin ni Cosimo. Kailangan nilang mag-isip ng iba pang paraan para maitakas ang kaibigan nilang ayaw magpakasal. Pero bago nila magawa iyon, kailangan muna nilang takasan ang bantay. "Mom's calling." Casnu announced while looking at his phone screen. Napapikit sila nang mariin. "30 minutes before the ceremony." Rubio reminded them. Bumuga ng hininga si Cosimo. Hindi 'to matatapos kapag tumakas siya. Might as well face it. Duwag lang ang tumatakbo sa problema. Sinuot na niya ang kaniyang suit jacket. Naalarma naman ang mga groomsmen. "Woah! Papakas

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 54: Finding You

    Para kay Cosimo, nakahanap na siya ng pahinga sa lahat ng pagod niya. It's the life he's been asking for. Kahit na palagi silang nag-aaway at hindi nagkakaintindihan noong una, naging mabuti naman ang pagsasama nila kalaunan. He's contented. Masaya siya na sa wakas may tao nang naghihintay sa pag-uwi niya at magtatanong kung kumusta ang kaniyang buong araw. Cosimo felt whole whenever he's with Liana. It's the tranquility he's feeling as his condo became paradise with only his wife's presence. Kaya ganoon na lang ang naging galit niya nang malaman ang buong pagkatao ng pinakasalan. He felt like a fool for not finding it out. Pakiramdam niya tinraydor siya. Hindi siya makapaniwalang nagpaloko siya sa loob ng anim na buwan. "Cosimo." "Don't fucking say my name, you whore!" He had enough. Lumabas na lang ang masakit na salitang iyon sa kaniyang bibig nang hindi niya inaasahan. He's breathing heavily and even though he's eyes are intense, behind it is regret. He knew that he shouldn't h

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 53: Proud

    Third Person Point of ViewNaghihikahos na pinasok ni Amorsolla ang mansyon ng pamilyang Melgarejo. Kabababa lang nito sa sasakyan, hinihingal at parang madadapa pa sa sobrang pagmamadali. "Nasa office niya po si Madame," turo ng kasambahay. Pinilit niyang lakarin ang opisina ng kaibigan hanggang sa makakaya. Nanginginig siya. Pinagpapawisan na rin nang malamig. Kalaunan, nakarating din siya. Naabutan niya ang kaibigang nagbabasa ng magazine pagpasok niya sa opisina nito. "Oh, Amorsolla?" takha ni Encarnacion nang makita niya ito sa hindi inaasahang pagkakataon. Tila naubos na ang lakas ni Amorsolla at napaupo na ito sa sahig. Tears fell down on her cheek nonstop as if she didn't cry on her way there. Encarnacion got worried and immediately went to pick her up from the floor. She held her shoulders. "What happened to you?!" she asked a bit loud.Ramdam niya ang panginginig nito kaya mas lalo siyang nabahala. Natataranta siya sa kalagayan ng kaibigan pero kailangan niyang huminah

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 52: Last Straw

    Suot ang caramel trousers at cream long sleeve blouse, tumulak na ako papuntang Casa de Saros. 7 PM pa lang naman. Sasakto ako sa oras ng usapan. Matagal kong pinag-isipan kung pupunta ba ako o hindi. Pakiramdam ko kasi pambabastos kapag hindi ko sinipot ang ginang. Gusto niya akong makausap at maghihintay siya sa akin. Mahal ang oras niya kaya ngayong naglaan siya para sa akin, sino ako para sayangin iyon? Like what I've said, I want to do anything in order for her to be in favor of me. Kung madi-disappoint ko siya ngayon, baka hindi na magbago ang tingin niya sa akin kahit kailan.Hindi naging maganda ang huling pagkikita naming dalawa. Pero ako naman ang may kasalanan kaya dapat ako ang nakikipag-ayos. Tatanggapin ko ang galit niya kung sakali mang mag-init ang dugo niya sakin ngayon. Gusto ko lang makapag-usap kami bago ako ikasal sa anak niya. Kailangan ko siyang galangin dahil kahit anong mangyari, ina pa rin siya ni Cosimo. "Do you have any reservation, Ma'am?" tanong ng atte

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 51: Pick You Up

    Cosimo gave me assurance that he loves me and will marry me after he cleared his issues with Frida. Kahit na wala siyang pinanghahawakang salita mula sakin na mahal ko siya at umaasa ako sa pinangako niya, alam kong tutuparin niya iyon. Mahal niya ako. Wala na akong dapat pang ipagdalawang isip. Kakalimutan ko lahat. Wala na akong pakialam kung anong pwedeng gawin ng magulang niya sa amin. Balang araw, matatanggap din nila ako. Ipipilit ko ang sarili ko sa kanila. Pagtatyagaan ko. Aayusin ko ang sarili para kahit papaano hindi nila ako ikahiya. Makakatulong din ako sa negosyo nila. Iyon naman ang gusto nila, hindi ba? Someone who can bring something for the growth of their wealth."Magpapakasal kayo?" tanong ni Mama nang makaupo na siya sa hapag. Sabay-sabay kaming kakain ng tanghalian ngayon. Kakaalis lang ni Cosimo kanina at naabutan pa siya nina Mama. Wala rin namang problema dahil nakabihis na siya at paalis na. Kaya lang, nagtagal pa siya rito para makipag-usap kay Mama. Hindi k

DMCA.com Protection Status