Home / Romance / Lie To Marry The CEO / Chapter 2: First Impression

Share

Chapter 2: First Impression

Author: Pordanabella
last update Huling Na-update: 2022-02-10 18:33:07

"Ma! Teka Teka!"

Binaba ko kaagad sa lamesa ang mga pinamalengke at tumakbo kay mama. Agad kong inagaw ang kaldero sa kaniya saka binaba iyon sa lababo. Hinawakan ko ang parehong braso niya. 

"Ano ka ba naman, Liana. Kaya ko naman," marahang sinabi niya para pakalmahin ako. 

Bumuntonghininga ako saka iginaya siya papalapit sa lamesa. Naghila ako ng upuan at doon siya pinaupo. 

"Ma, 'di ba po sabi ko ako na ang kikilos dito sa bahay? Hindi pa naghihilom 'yang paa niyo kaya dapat nagpapahinga ka lang."

"Hay naku! Paa ko lang naman ang naputol, hindi ang kamay," giit pa niya. 

Ngumuso ako. "Kahit na. Hindi ka pa nga sanay gamitin 'yang saklay mo." Kinuha ko ang saklay sa kaniya. Isinandal ko muna iyon sa pader para hindi sagabal.

Pagkatapos kong magsaing, hinugasan ko na ang mga gulay na lulutuin nang magsalita si Mama. 

"Nga pala, Lian. Nagbigay ng ulam si Aldrio. Sinigang na hipon. Luto raw niya."

Napabaling ako kay Mama. "Luto niya?! Seryoso?!" 

Agad kong tinakbo ang lamesa. Inangat ko ang taklob at nakita ang mabangong ulam na bigay ni Aldrio. Mas lumapad pa ang ngiti ko.

Kutsara. Kutsara!

Isang hakbang ko lang, naabot ko na ang kutsara sa dish rack.

"Uuuy, si ateee!" 

Hindi ko pinansin ang pang-aasar ni Angge. Tinikman ko na lang ang luto ni Aldrio.

"Mmmm!" Pumikit pa ako sa asim na tama lang ang pagkakatimpla. "Pwede na!"

Sinilip ni Mama ang mukha ko nang nakataas ang dalawang kilay. "Pwede na? Masarap ang luto niya, ah?" Pagtatakha niya sa reaksyon ko. 

Unti-unti akong napangiti. "Pwede na siya maging asawa ko, Ma!" Hagikhik ko. 

Tinawanan ko lang ang mga irap ni Mama. Humigop ako ulit sa paborito kong ulam. Alam ni Aldrio na paborito ko ito. Minsan na rin niyang sinabi na aaralin niyang lutuin ito kapag nagkaoras na siya. Hindi ko lang inaasahan na ngayon na niya gagawin.

Natigilan nga lang ako nang may magtawag sa labas. 

"Tao po? Tao po?!" 

Nagtinginan kami ni Mama bago ko binuksan ang tagpi-tagping plywood na ginawa naming pinto. Tumambad sa akin ang naka-polo shirt na lalaki. Hindi pa siya gaanong matanda. Malinis ang postura niya na mukhang sa opisina nagtatrabaho. 

"Magandang araw po, Ma'am. Ako po'y driver ni Sir Lucas. Pinapatawag niya po kayo ngayon. Sumama raw po kayo sakin," aniya. 

Kumunot ang noo ko. Mamayang alas otso pa ang pasok ko sa club. Saka paano niya nalaman ang address ko? 

"Bakit daw?" tanong ko habang nakahawak pa sa pinto. 

"Importante raw po. Sa company building ka po niya pinapatawag. Doon po kita dadalhin--"

Nag-ring ang cellphone kong nakapatong sa lamesa kaya kinuha ko muna. 

Unregistered ang numero pero sinagot ko pa rin at hinintay na unang magsalita ang tumawag. 

"Liana? Si Lucas ito."

Tumaas ang kilay ko.

"Hiningi mo ba kay George ang personal info ko? Bakit?"

'Wag niya sabihing magkukwento na naman siya o maglalabas ng sama ng loob sakin? Hindi ko oras para diyan ngayon. Wala ako sa trabaho! 

"I sent my driver to pick you up. I need you here in my office now," seryosong sinabi niya. 

"Para saan?"

"I'll tell you when you get here. Just go with him. I believe he's already there at your house." 

Nagtataka man kay Lucas, sinunod ko ang gusto niya. Hindi na ako nakapagluto dahil sabi urgent daw ito. Kaya ganoon na lang ang reklamo ko nang tumigil pa kami sa isang boutique. 

"Ba't pa tayo nandito, manong?" 

"Ah, Ma'am. Pinapagbihis po kayo ni Sir," 

May lumapit na saleslady sa amin. Ngumiti ito. "Good day, Ma'am Liana! We already prepared your outfit today. Please follow me as I lead the way to the dressing room."

Gaya ng sinabi niya, iginaya niya ako sa dressing room pagkatapos niyang ibigay ang isang creme fitted dress. Plain lang ito. Makapal ang shoulder strap kaya formal pa ring tingnan. Abot ito hanggang tuhod ko. Paglabas ng fitting room, binigay naman ng saleslady ang pares ng nude sandals na korteng YSL ang heels.

Namilog ang mga mata ko. Orig kaya 'to? 

"Bakit ba? Tapos may paganito ganito ka pa! Para saan 'to?" Bunganga ko kay Lucas nang makarating ako sa office niya. 

Tumawag pa siya ulit sakin kanina na kapag nasa building na raw ako, huwag raw ako kumausap ng kahit sino. Huwag na lang daw ako magsalita. 

Siraulo ba siya?

Kaya nang makarating ako rito, saka ko lang inilabas ang inis ko sa kaniya. 

"The Melgarejos are coming! They want to see you!" taranta niya saka tumayo sa swivel chair para lapitan ako.

Coming? Melgarejos? Teka... Hindi pa naman ako pumapayag doon, ah? Ang sabi ko, pag-iisipan ko pa! Bakit...

Agad akong lumapit sa kaniya. Naupo siya sa roon sa sofa set kaya tinabihan ko. Tinulak ko ang braso niya, hindi mapakali dahil sa sitwasyon.

"Anong sabi mo?! Pupunta sila rito?! Oh, bakit mo pa ako pinapunta? Kaya ba pinabihisan mo 'ko ng ganito?! Hindi naman ako pumayag sa gusto mong mangyari, ah?!" bulyaw ko sa kaniya.

Nagtakip siya ng tainga at umusod papalayo sa akin. "Lower down your voice, will you? How could you shout at me like that? I'm much older than your father!"

Pumikit ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Nag-tiim bagang na lang ako at paulit-ulit na nagmura sa isipan.

Ba't ba ako napasok sa ganito? 

"Oh, anong nang gagawin natin? Mag-isip ka tutal ikaw naman may pakana nito!" paninisi ko.

Rinig ko ang magaspang niyang paghinga. Hinarap niya ako nang buong katawan. Bumaling ako sa kaniya. 

"Noong nag-usap kami ni Encarnacion, nagsinungaling ako na nakauwi na si Elysia. Now, they want to see her."

Umirap ako. "Oh, edi siya iharap mo!" Tinalikuran ko siya saka sinampay ang isang braso sa sandalan.

Pumalantik siya saka padabog na tumayo. Nilingon ko siya. Inihilamos niya ang palad sa mukha. 

"Liana, wala rito si Elysia! Hindi ko pauuwiin 'yon lalo na't maselan daw ang pagbubuntis!" ramdam ko ang frustration niya. 

Ganito ba talaga ang nagiging problema ng mga mayayaman? Kasal para sa negosyo? Madalas kong napapanood ang ganitong sitwasyon sa mga teleserye. Ang layo ng problema nila sa mga katulad kong mahihirap. 

Umupo siya sa sofa kaharap ko. Kinalma niya ang sarili at mas seryoso na kaysa kanina. "I want you to act elegantly. Speak English as possible. They are expecting you to be a non-tagalog speaker as you've been in America for more than a decade--"

"Hindi ako magaling mag-English!" Pinandilatan ko siya.

"Then speak shortly! If they ask you, just answer yes or no. If it's not answerable by that, just answer specifically but just short... What's your favorite color?"

Tumaas ang kilay ko sa isiningit pa niyang tanong. "White." 

"Just like that! Specific and short!"

Napahagod ako sa buhok. Ibang klase din mag-isip ang matandang 'to!

Marami pa siyang sinabi sa akin na dapat ko raw tandaan. Hindi pumapasok sa kokote ko lahat ng mga bilin niya hanggang sa pumasok ang kaniyang secretary.

"Sir Thompson, Mrs. Encarnacion Melgarejo and Mr. Cosimo Melgarejo are already here."

Napaayos ako ng upo at binalingan si Lucas na ngayon ay nakapikit at hinihilot ang dalawang sentido niya. Sinipa ko ang sapatos niya kaya tumingin siya sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Binalingan niya ang sekretarya.

"Let them in," utos niya.

Para akong maninigas sa sobrang panlalamig lalo na nang pinagbuksan na ng sekretarya ang dalawang mahalagang tao sa larangan ng negosyo. Unang pumasok ang medyo may katandaan nang babae. Nakasuot ito ng hot pink suit na isinampay lang ang suit jacket sa balikat. Kasunod niya ang anak na malayo ang tangkad sa kaniya. Nakasuot ito ng black corporate suit at reading glasses. 

Umawang ang labi ko. Nakaka-amaze lang kung paanong hindi nakasagabal ang salamin sa hitsura niya. Magandang lalaki pa rin siya. Ngayon ko lang siya nakita pero ramdam ko kung gaano siya katalino at kagaling sa trabaho niya. Ang malalalim niyang mga mata, parang hinahalukay ang kaluluwa ko sa paraan ng pagtingin niya. May lahi ba silang espanyol? Or Mexican? Ang ganda lang ng tabas ng balbas niya. Maiiksi iyon kaya parang ang sarap hagurin ng kamay. Kung paano siya tumindig at lumakad, nagdadala iyon ng authority. Kung maglalakad siguro siya sa Baclaran, baka luluwag ang dadaanan niya dahil mas pipiliin ng mga taong tumabi huwag lang madikit sa kaniya.

Hindi ba illegal ang ganyan kaguwapo? Kung sakaling ma-bankrupt ang Casa de Saros, pwedeng-pwede siyang maging Hollywood celebrity. Sa kisig ng panga niya, daig na niya ang mga biggest star doon kung looks lang naman ang pag-uusapan. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang pangangatawan. Parang tumatagos ang mga mata ko sa ilalim ng suot niyang suit. Paniguradong maganda ang body built niya dahil sa lapad ng kaniyang balikat. Halatang kahit CEO, may oras pa rin para mag-gym. Ano kayang binubuhat niya? Dumbells o babae?

"Elysia!" mahinang tawag ni Lucas sa akin.

Wala sa kompletong sistema ako nang lumingon sa kaniya. Pinandilatan niya ako at sinenyasang tumayo. Hindi ko namalayang kanina pa pala siya nakatayo. Agad akong sumunod sa kaniya pero sa paraang graceful pa rin gaya ng bilin niya kanina.

"It's nice to see you again, Mrs. Melgarejo!" pormal na bati ni Lucas pero sinamahan niya ng kaunting tawa sa dulo para pagaanin ang atmosphere.

Nakangiti ang ginang na lumapit sa amin. Lumapad pa lalo ang ngiti niya nang mapatingin sa akin kaya ngumiti na lang din ako pabalik. Hinintay kong ngumiti rin ang anak niya pero sinulyapan lang ako nito. 

Umangat nang bahagya ang nguso ko. Suplado?

Nakipagkamay sila kay Lucas at pagdating sa akin, yakap ang natanggap ko mula sa ginang.

"I'm so glad to see you, dear! You grew up as a fine woman. Beautiful and sexy! How are you?" Pinisil niya ang parehong braso ko matapos ang maiksing yakap. 

Ngumiti siya nang napakatamis kaya gumaan ang pakiramdam ko. Buti na lang hindi niya naramdaman ang malakas na pintig ng puso ko kanina.

"I'm fine. Thank you for that, Ma'am. I'm also glad to see you," taas noong sinabi ko nang nakangiti.

Ramdam ko ang paninitig ni Lucas sa akin. 

"Nice to hear that! Ah, by the way, this is Cosimo now," bahagya niyang pinaabante ang anak niyang nasa likod para iharap sa akin. 

Mabilis na lumapit sa akin ang lalaki na mukhang hindi naman kailangan pang hilain ng ina para lang humarap sa akin. Mukha naman siyang confident na parang ako pa itong titiklop. Tiningala ko siya.

Tinanguhan niya ako. "I'm glad to see you again, Elysia," aniya sa baritonong boses na nakapagpalambot ng tuhod ko.

Again? Nagkita na ba sila ni Elysia dati? Akala ko ba 10 years old nang mag-migrate si Elysia? Childhood friends ba sila o acquaintance lang?

Binigyan ko ng side eye si Lucas. Nakangiti lang siya habang pinapanood ang kilos ko. Gusto ko siyang irapan!

Ngumiti ako nang pagkaganda-ganda sa lalaking kaharap ko. Sinulyapan ko ang mga kamay niyang nakalaylay lang sa magkabilang gilid niya. Hindi ba siya mag-ooffer ng shake hands? 'Di ba ganoon ang formal greetings sa mga mayayaman?

Buti pa 'yong nanay niya niyakap ako!

Tawa ni Lucas ang pumutol sa patay na ere sa pagitan namin nitong lalaki. Cosimo? Iyong ang pangalan niya? Ang wierd pero maganda naman pakinggan. Ang gwapo.

"Maupo muna tayo! I'll call my secretary for our drinks. What do you prefer?" Tanong ni Lucas.

Dahil nasa likod lang naman ng tuhod ko ang sofa, umupo na agad ako. Tumabi naman sa akin si Lucas habang ang dalawang bisita ay doon sa kaharap namin sofa.

Nakangiti lang si Mrs. Melgarejo pero ang kasama niya, parang business meeting ang pinuntahan dahil sa sobrang seryoso. Iyan ba ang ipapakasal sa akin? Naisip kong napakaswerte ko na dahil big time ang pakakasalan ko. Imagine, CEO ng Casa de Saros 'yan. Ni hindi ko nga mapasukan ang hotel nila dahil feeling ko hindi ako belong.

Naalala ko ang kwento ni Stephanie sa akin noong h-in-otel siya ng foreigner na guest ng club sa Casa de Saros. Nang tumapak daw siya doon, parang kinakain daw siya ng mga mayayamang guest ng hotel. Parang 'yong mga mayayaman raw na nandoon ay may powers na malaman ang halaga ng tela na suot niya. Kahit nga raw sapatos niya, sinusundan ng tingin. Kahit ang make up niya, parang alam nila kung cheap o hindi.

5-star hotel nga kasi kaya ano pa bang aasahan kundi puro mga alta ang tumatambay roon! Tapos ito ako sa harapan ng mga may-ari ng hotel na iyon. Imagine kung gaano kalaking pera ang makukuha ko! 'Di ba ganoon naman? Kapag ikinasal na kami, ang kaniya, akin na rin? Edi hindi na ako maghihirap. Isang taon lang, paniguradong bayad na ang utang ko kay Hugo at makakapagpatayo na ako ng bahay. Baka pwede pa akong makapag-college sa isang sikat na university! Wala akong problema sa tuition hanggang makatapos ako!

"Sweetie!" kalabit ni Lucas ang nakapagpagising sa akin.

"Ha?" bangag na tanong ko. Sinulyapan ko pa ang dalawang bisita sa harap.

"What's your drinks?" aniya na mukhang pang-ilang beses na niyang tinanong.

"Juice na lang," sagot ko.

Bigla siyang tumindig at pumunta sa harapan ko. Tinalikuran niya ang mga bisita. Tumaas ang kilay ko nang pinandilatan niya ako at pinakita sa akin ang nagngangalit niyang mga ngipin.

Ah! Oo nga pala. English policy! Kaya naman naisipan kong bumawi.

"Do you want me to call your secretary for you, dad?"

Pansin ko ang paghinga niya nang malalim bago umupo pabalik sa tabi ko. "No, I'll just phone him," aniya na agad kinuha ang cell phone at nagtipa doon.

Nangingiti ako dahil sa kaniya. Nakakatawa lang na nakikita ko siyang kinakabahan. Dapat lang na kabahan siya! Pinasok niya 'to, eh.

"How's the life in America, Elysia? It's been a decade since your last visit and I can still remember how you look like the last time I saw you!" Natawa ako. "Puberty hits you so seriously! Like, look at you now!" manghang mangha na sinabi niya.

Natawa lang ako dahil paniwalang-paniwala sila sa kalokohan ni Lucas. Nagtaas pa ang mga balahibo ko nang tawagin nila akong Elysia. Kahit papaano, gusto ko rin naman ang plano ni Lucas pero nakakatakot. Makapal lang ang mukha ko pero may konsensya ako. Ang sarap isipin na sa loob ng isang taon, hihiga lang ako sa kayamanan pero kung mabubuko naman, baka sa selda na ako humiga.

Ngumiti lang ako sa ginang dahil hindi ko nasundan ang mga sinabi niya. Ang haba kasi at ang bilis pa niyang mag-English. Mahina ako sa ganyan! Buti na lang, napansin ni Lucas ang pangiti-ngiti ko dito sa tabi niya. Alam kong marunong siya makiramdam. Kabisado na niya ako dahil mag-iisang taon na kaming magkaibigan.

"She's doing great living alone in the states, Mrs. Melgarejo. I'm so proud of her because after she graduated, a shipbuilder company offered a position for her." Inakbayan niya ako at pinisil ang kanang braso ko. "Her talent and intelligence really put her to a better place." Nginitian niya ako.

Ngiting-ngiti naman si Mrs. Melgarejo pero ang katabi niya, nakatingin lang sa akin. Walang emosyon ang mukha. Tipong nakikinig lang pero hindi natutuwa sa usapan.

"Drop the formalities, Lucas. Just call me, Encarnacion. Aside from Amorsolla is my dear friend, Elysia is soon to be my daughter in-law." Nilingon niya ang anak. "Right, Cosimo?"

Sinulyapan siya nito at binalik ang tingin sa akin. Kanina pa niya ako tinititigan kaya parang naiilang tuloy ako. Confident naman ako na maganda ako ngayon kaya baka hindi ang ganda ko ang siyang tinitingnan niya. Baka hinahanap niya ang pagkakaiba ng hitsura ko kay Elysia? Baka friend sila sa F* or sa I*******m? Pero sabi naman ni Lucas ipapa-take down daw niya ang mga public photos ni Elysia. Ginawa na kaya niya? Baka may second account si Elysia at mutual friend sila nitong si Cosimo pero hindi lang alam ni Lucas kasi naka-block siya?

"Elysia is nice ever since we're young. If I get to marry her, our marriage is likely to work out," aniya sa seryosong tono na parang nagbibigay ng opinion sa isang presentation.

Ito na ba talaga ang ipapakasal sakin? Parang umuurong naman ang loob ko dahil sa sobrang seryoso niya. Oo nga't swerte ako pero parang mas gusto ko pang ikasal kay Aldrio ahora mismo kung personality lang naman ang labanan. Hindi yata kami nito magkakasundo dahil sa sobrang seryoso niya.

Pero teka nga! Hindi pa naman ako pumapayag sa arrangement na 'to ah! Wala naman akong balak na pumayag dito, pero ngayong nakilala ko na si Cosimo parang kino-consider ko na? Hindi dapat ganoon! Base sa pagkakakilala ko sa sarili ko, kay Aldrio lang naman ako malandi!

Magaang tawa ni Mrs. Melgarejo ang narinig ko. Tipo ng tawa na may poise pa rin, napakalayo sa tawa ko na maririnig na hanggang kabilang kanto.

"Cosimo has a high standard when it comes to women. He makes sure they were from an influencial family, classy and, of course, beautiful on the outside and inside," aniya kay Lucas.

Dumating ang secretary at nilapag na sa center table ang mga inumin na galing pa sa coffee shop. Kape ang order nila samantalang blended juice drink naman ang akin. Lumabas na ang sekretarya pagkatapos.

Nag-usap pa ang dalawang nakatatanda habang tahimik lang kami ni Cosimo sa pag-cosume ng inumin. Paminsan minsan aang sulyap ko sa kaniya pero siya, lantaran ang tingin sa akin. Kukunin na sana niyang muli ang tasa niya sa lamesa nang aksidenteng masiko ng ina ang kaniyang kamay.

"Oh! Cosimo!" gulat ng ginang saka nilapatan ng tissue ang kamay ni Cosimo na nalapuhan ng kape. "I'm sorry! I'm being clumsy again!"

Natapon din ang kape sa sahig pero hindi pa tumatayo si Cosimo. Kalmado lang siya kahit kita naman sa mukha niyang nasaktan sa init ng kape.

Tumayo si Lucas. "The comfort room is right there. That needs to be hold under the running water. Elysia, assist him. The first aid kit is in the upper cabinet.

Tumayo na si Cosimo papunta sa tinuro ni Lucas na cr dito sa office niya. Tumayo na rin ako para sumunod kahit na mukhang hindi naman kailangan pa ang presensya ko.

Una niyang binuksan ang cr at dumiretso agad sa sink. Malawak ang cr kaya pumasok na lang din ako at kinuha ang first aid kit. Ingay lang ng gripo ang maririnig dito sa loob kaya agad akong bumaling sa kaniya nang magsalita siya.

"You might misinterpret my sugarcoated words. I don't like you and I'm expecting you to feel the same way too. I'm not impressed by you and I'm not that easy," seryosong sinabi niya sa harap ko. "Tell your father to cancel this. I'm sure he can find someone else who can be wedded to you. I'm not into this crap," dagdag pa niya na sinamaan pa ako ng tingin bago naunang lumabas.

Kaugnay na kabanata

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 3: No Balls

    'Yong lalaking 'yon, ang kapal ng mukha niya! Sino ba siya para sabihan ako ng ganoon? Oo nga't hindi ko masyadong nasundan ang mga sinabi niya pero tumatak talaga sakin 'yong sinabi niyang 'I don't like you'. Kung ano-ano pang binanggit niya sakin na I'm sure, puro negative! May pa 'tell your father to cancel this' ek ek pa siya! So gusto niyang ipa-cancel 'to? May nalalaman pa siyang 'our marriage is likely to work out', eh, ayaw naman pala niya sa ganito! Impokrito! Plastic! Bakit hindi na lang niya sabihin sa nanay niya mismo? Ayaw ko rin naman sa ganito! Feeling niya ba patay na patay ako sa kaniya? Kala mo naman siya lang ang pogi sa mundo! Mas guwapo na si Aldrio para sakin ngayon! 'Yong Cosimo na 'yon, parang hinulma lang na greek god ang mukha pero pang demonyo talaga ang ugali! Sana marunong naman siya rumespeto, no? Ayaw niya sakin? Dapat sinabi ko rin na ayaw ko sa kaniya para quits kami! Palibhasa mayaman kaya ganoon umasta! Bakit kaya ganoon? Parang mas may manners pa

    Huling Na-update : 2022-02-12
  • Lie To Marry The CEO   Chapter 4: In or Out

    Isang push up lang niya, nawala na siya sa itaas ko. Nanatili akong nakahiga dahil bukod sa masakit ang pang-upo at likod ko, masakit din ang dibdib ko. Pakiramdam ko napisa ang mga ito dahil sa pagkakadagan niya. "My glasses." aniya. Saka ko lang napansin na hindi na niya suot ang salamin niya. Nahanap ko itong nakahandusay rin sa lapag, katabi ng ulo ko, basag. Pumalantik siya tapos ay bumuntong hininga. Yumuko siya para kunin iyon na sa pag-angat niya, naglaglagan ang mga basag na parte nito. Hindi ko kasalanan 'ayan, ha! Tinitigan niya lang iyon sa kamay niya, sinusuri kung ano pa ang nasira. Pero nang matanggap niya sa sarili na hindi na niya magagamit pa iyon, lumakad siya sa trash can at tinapon na. "Get up now," tuwid na utos niya. Hindi man lang nag-alok ng kamay para tulungan ako. Tinuruan ba 'to ng GMRC noong elementary siya? May ganoong subject ba sa private school? Character Education? Mayroon 'yon, sigurado! Ugali nga naman ng mga anak mayaman. Tangina! Dahan-

    Huling Na-update : 2022-02-14
  • Lie To Marry The CEO   Chapter 5: Intimate Dinner

    Mahigit isang linggo ang lumipas pagkatapos ng kasuklam-suklam na pangyayaring iyon. Gusto ko mang pagbayarin si Hugo sa ginawa niya, hindi na lang ako nagpadalos-dalos pa na magsampa ng reklamo. Alam kong may kapit siya sa police station. Isasampal niya lang sakin ang pinirmahan kong kontrata, ibabasura na ang complain ko. Hindi ako boba para hindi i-review ulit ang kasulatan noong araw na iyon. Nakasaad sa kasunduan na kung hindi ako makakapagbayad, may karapatan silang magpataw ng kahit anong parusa. Noong araw na gumapang ako papalapit sa kaniya, basta ko na lang itong pinirmahan nang hindi sinuyod ang buong detalye. Kung hindi lang ako gahol sa oras noon at desperada, nabasa ko pa sana. Narinig kong sumisinghot-singhot na ang katabi ko kaya binalingan ko siya. Patapos na kasi itong pinapanood naming romance movie na tragic pala ang ending. "You crying?" pag-aasar ko sa kaniya. Sinulyapan niya ako saka ngumuso. Inunat niya ang kwelyo ng suot niyang t-shirt at iyon ang pinampu

    Huling Na-update : 2022-02-17
  • Lie To Marry The CEO   Chapter 6.1: Kisses

    Napalingon si Cosimo sa tumawag sakin habang ako naman ay tumalikod, yumuko at pumikit nang mariin. Nanatili ako sa tabi ni Cosimo kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba. Humarap na ulit si Cosimo sa counter, kalmado lang na naghihintay sa order niya. Paanong hindi nila ako makikilala, e, kabisado na nila ang mukha ko, may make-up man o wala. Nakakainis lang kasi bakit pa nila ako lalapitan, hindi naman araw ng hulog ko ngayon! Kinagat ko ang ibabang labi. Anong gagawin ko? Nilingon ko si Cosimo. "I'll just wait you in the car." Ngumiti ako para hindi niya ma-interpret na nababagot akong maghintay rito. Nang tumango siya, yumuko na ako at mabilis na lumakad paalis. Grabe ang tambol ng puso ko nang makasalubong ko sina Hugo sa gitna ng aisle. Mabilis ang lakad ko habang sila, napahinto at sinundan ako ng tingin. Nakatungo ako hanggang sa paglabas. "Hoy, Liana!" sigaw ni Hugo na sinundan ako rito sa labas. Hindi ako lumingon at mas binilisan pa ang lakad palayo sa sh

    Huling Na-update : 2022-02-19
  • Lie To Marry The CEO   Chapter 6.2: Kisses

    Pawis na pawis ako sa pagpiglas kaya hinayaan ko ang sariling magpahinga sandali. Binusalan na nila ang bibig ko kaya nawalan na ako ng pag-asang may makakarinig sakin mula sa labas. Walang tutulong sakin kundi ako lang, sarili ko lang. Dumaloy ulit ang luha ko sa sintido. Naisip ko sina Mama at Angge. Paano ko pa itatayo ang sarili ko pagkatapos nito? Paano pa ako gagapang para sa kanila kung pakiramdam ko patay na ko? Hindi ko ma-imagine ang sarili. Napansin ng lalaking pumapapak sa leeg ko na hindi na ako gumagalaw. Kaya naman humiwalay siya sakin para tingnan kung buhay pa ba ako. "Ano?" Sumingit si Hugo sa kanila para tingnan ako. Naka-recover na siya mula sa sakit ng sipa ko. Ramdam kong wala nang pwersa ang mga nakahawak sakin. Akala yata nila ay napagod na ako kaya hindi na ako kakawala ulit. Tinanggal na rin ang panyong nakatakip sa bibig ko na hinahawakan ng isa sa kanila. Walang buhay na tiningnan ko si Hugo. Nakangisi siya sakin na mukhang natutuwa dahil makakatiki

    Huling Na-update : 2022-02-20
  • Lie To Marry The CEO   Chapter 7: Hot Scene

    "Frida," ang siyang kumawala sa mga labi niya pagkatapos niyang bumitaw sa masuyong halik na iyon. Para akong lumutang sa ere na hindi na inintindi ang pangalang nabanggit niya. Parang sumugat sa puso ko ang halik niyang iyon. Kumalabog ang puso ko nang maalala kung paano ako halikan ng mga hayop kanina. Ang mga laway nilang kumalat sa leeg at pisngi ko, natuyo na sa balat ko. Nakakadiri! Sanay naman ako sa mga pambabastos dahil nga parte iyon ng trabaho ko pero hindi naman ang tulad kanina! Wala pang kahit sino o costumer na nagtangkang halikan ako! Para na akong mamamatay kanina! Hindi ko naman ugaling manakit pero nagawa ko! Kung natuloy man ang panggagahasa nila sa sakin, baka hindi na ako makalabas pa ng buhay roon! "Shhh. I'm sorry. I'm sorry. Don't cry. Hush now." Natulala ako kay Cosimo sa masuyong mga sinabi niya. Marahan niyang hinahawakan ang mukha ko na par

    Huling Na-update : 2022-02-22
  • Lie To Marry The CEO   Chapter 8: Boyfriend

    Nagising ako sa silaw ng liwanag na pilit pumapasok sa mga mata ko. Imiktad ako sa sakit ng ulo. Parang pinupokpok ang sentido ko. Ang bigat ng pakiramdam ko na para akong lalagnatin.Nang dumilat ako, nanlaki ang mga mata ko nang mahanap ang sariling nakadapa sa ibabaw ng lalaki. Agad kumalabog ang puso ko. Tumingala ako at mas lalong nataranta nang makita si Cosimo, mahimbing na natutulog.Then naalala ko kung anong nangyari kagabi. Lahat-lahat ng nangyari na puro lang naman kamalasan. Pati ito. Mariin akong napapikit at parang gustong sabunutan ang sarili sa kung anong ginawa namin nitong lalaking 'to.Seryoso, Liana? Binigay mo ang sarili mo sa lalaking 'yan? 'Di ba dapat kay Aldrio lang? Bakit mo hinayaang siya ang makauna sa 'yo?!Tumiim ang bagang ko. Mariin kong kinamot ang ulo, nagpipigil na baka masabunutan ko ang sarili sa pagiging pakawala!Huminga ako nang malalim pagkatapos ay dahan-dahang bumaba mula sa ibabaw ni Cosimo.

    Huling Na-update : 2022-02-23
  • Lie To Marry The CEO   Chapter 9: The Party

    Marami nang mga tao rito sa mansion ng mga Melgarejo. Maingay ang pool area dahil doon ang pinaka-venue ng event. Kanina pa nag-start ang celebration ni Caius. Nabati ko na rin siya at nakapagbigay ng mamahaling regalo na kay Lucas naman talaga galing, hindi sakin. "You're so alone here, dear. Don't you like to get along with them outside?" tanong ni Ma'am Encarnacion. Ramdam ko kasing hindi maayos ang pakikitungo sakin ni Caius. Hindi naman niya ako binabastos. Hindi lang talaga siya ngumingiti. Naalala ko tuloy noong sinumbong ko siya sa Mama niya. Baka iyon ang dahilan ng pagiging mailap niya sakin. Ngumiti ako. "I'll just stay here. I'm waiting for Cosimo, Tita." Kahit hindi naman. Anong pakialam ko sa lalaking 'yon? Kung pwede nga lang, hindi ko na siya makita kahit kailan. Babalik lang sakin ang nangyari samin sa kotse niya. Parang hindi ko kayang sikmurahin. Nanliliit na ako sa sarili ko matapos 'yon. Parang napaka-easy to get ko naman kasi na ang bilis kong mag-give i

    Huling Na-update : 2022-02-25

Pinakabagong kabanata

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 59: Deserve

    Tatlong oras nang naghihintay si Cosimo pero hindi na sa labas ng building. Nakonsensya naman si Liana sa kaniya kaya inabisuhan niya itong pumasok at doon na lang maghintay nang maging kumportable naman siya kahit papaano. Cosimo fought his sleepiness the whole time because of boredom. Kapag nahuhulog na ang kaniyang ulo, ilalabas na niya ang cell phone para aliwin pansamantala ang sarili. Pero hindi naman siya interesado sa telepono kaya sumusulyap-sulyap pa rin siya kay Liana. Tanaw niya lang kasi ang dalaga sa loob ng office dahil glass wall lang ang partition habang siya naman ay nakaupo sa waiting bench. May mga oras na nagtatama ang tingin nilang dalawa. Mas tumatyaga tuloy si Cosimo na maghintay sa pag-iisip na chini-check pa rin siya ni Liana kung kumusta na siya sa kinauupuan. She's busy inside and Cosimo understands that. May kausap siyang isa pang attorney. Palagay niya'y attorney ni Mrs. Thompson iyon. Kausap din nila ang mga tao sa Consulate. Nakasandal, buka ang mg

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 58: Wait

    Dahan-dahang tumayo si Cosimo. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin. Gusto niyang takbuhin ang pagitan nila at yakapin si Liana nang mahigpit, pero nag-aalala siya na baka itulak lang siya nito palayo. He's anxious. Hindi naman siya ganito noon kahit pa iharap sa mga bigating kasyoso sa negosyo. Hindi siya kailanman nag-alala sa kahihinatnan ng gagawing aksyon. Ngayon lang siya nag-ingat sa mga kilos. Pakiramdam niya, konting kibot ay maiirita ito. He couldn't even say a word. Nagbabara ang lalamunan niya. Siguro ay dahil natatakot siya. Lalo na at kakaiba ang naging reaksyon ni Liana. She looks disappointed and mad. Kung talagang hindi siya nito iniiwasan, tumakbo na sana ito para yakapin siya. Pero hindi. Naestatwa si Liana sa kinatatayuan. Nakaparte ang mga labi at namimilog ang mga mata. "Bakit ka nandito?" tanong niya sa mahinang boses pero may pagbabanta. He swallowed the lump in his throat. It hurts him. Iyon ang unang tinanong sa kaniya imbis na kumustahin siya. Tala

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 57: Ghost

    "She left you but you're still looking for her? Are you thinking?!" "She didn't left me! You manipulated her and used your power to push her through!"Encar sneered. "I didn't manipulate her. She asked for something she could benefit from in exchange of leaving you. She asked for money."Tumiim ang bagang ni Cosimo at kinuyom ang mga palad sa sobrang galit. "You're lying!""That's the truth, son. If your love for her is deep, don't expect that she will love you the same intensity as how you do. Her love is shallow," seryosong saad ng ina sa kalmadong paraan ngunit mariin ang tingin sa kaniya. Nawalan ng sagot si Cosimo para roon. Natigilan siya. Masakit ang sinabi ng ina pero ayaw niyang maniwala. Mahal siya ni Liana. Magpapakasal na sila. Ang dapat niyang sisihin sa mga oras na iyon ay ang kaniyang ina. Kung talaga ngang pinagpalit siya ni Liana sa pera, iyon ay dahil sa pagmamanipula. He shook his head in disbelief. Pumatak nanaman ang panibagong luha habang sinisikap niyang maka

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 56: Begging

    It was fulfilling. Lahat ng sakit at bigat ng loob ni Cosimo sa pamilya, gumaan nang makita niya lang si Liana. Ngayong pinagmamasdan niya ang pinakamamahal niyang babae na natutulog sa kaniyang mga bisig, kuntento na siya. Hindi niya maisip kung anong magiging buhay niya kung wala si Liana. Siya lang ang bukod tanging magiging ilaw ng kaniyang tahanan. Siya lang ang kaniyang uuwian at magiging pahinga sa nakakapagod na mundo. He embraces her. Mainit ang pagsasalo ng kanilang mga hubad na katawan sa ilalim ng kumot. Napangiti siya nang marinig ang mahinang paghilik ni Liana. "She must be tired," isip-isip niya. Nakailang ulit sila ng gabing iyon pero hindi makatulog si Cosimo. Marami siyang iniisip. He's wondering of what future awaits him but he's so certain that he will do everything in able to give Liana a great future. Kailangan niya lang gawin ay magsimula ulit. He has the skills. Hindi naman masakit sa pride niya kung magsisimula siya bilang empleyado. Kakayanin niya lahat

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 55: Curse

    "The guards are everywhere. How can I do it?!" Cosimo frustrating said as he paced back and forth. Bumuntonghininga na lang si Slayne. Napasapo ng noo si Hateur. Napagplanuhan na nila ito noong isang Linggo pa pero hindi nila inaasahan na may mga bodyguards pa lang ipapadala si Madame Encarnacion. "Aren't Tita being too much? Mahal ka ba talaga ng mommy mo?" tanong ni Slayne. Hindi ito oras para magbiro kaya sinamaan siya ng tingin ni Cosimo. Kailangan nilang mag-isip ng iba pang paraan para maitakas ang kaibigan nilang ayaw magpakasal. Pero bago nila magawa iyon, kailangan muna nilang takasan ang bantay. "Mom's calling." Casnu announced while looking at his phone screen. Napapikit sila nang mariin. "30 minutes before the ceremony." Rubio reminded them. Bumuga ng hininga si Cosimo. Hindi 'to matatapos kapag tumakas siya. Might as well face it. Duwag lang ang tumatakbo sa problema. Sinuot na niya ang kaniyang suit jacket. Naalarma naman ang mga groomsmen. "Woah! Papakas

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 54: Finding You

    Para kay Cosimo, nakahanap na siya ng pahinga sa lahat ng pagod niya. It's the life he's been asking for. Kahit na palagi silang nag-aaway at hindi nagkakaintindihan noong una, naging mabuti naman ang pagsasama nila kalaunan. He's contented. Masaya siya na sa wakas may tao nang naghihintay sa pag-uwi niya at magtatanong kung kumusta ang kaniyang buong araw. Cosimo felt whole whenever he's with Liana. It's the tranquility he's feeling as his condo became paradise with only his wife's presence. Kaya ganoon na lang ang naging galit niya nang malaman ang buong pagkatao ng pinakasalan. He felt like a fool for not finding it out. Pakiramdam niya tinraydor siya. Hindi siya makapaniwalang nagpaloko siya sa loob ng anim na buwan. "Cosimo." "Don't fucking say my name, you whore!" He had enough. Lumabas na lang ang masakit na salitang iyon sa kaniyang bibig nang hindi niya inaasahan. He's breathing heavily and even though he's eyes are intense, behind it is regret. He knew that he shouldn't h

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 53: Proud

    Third Person Point of ViewNaghihikahos na pinasok ni Amorsolla ang mansyon ng pamilyang Melgarejo. Kabababa lang nito sa sasakyan, hinihingal at parang madadapa pa sa sobrang pagmamadali. "Nasa office niya po si Madame," turo ng kasambahay. Pinilit niyang lakarin ang opisina ng kaibigan hanggang sa makakaya. Nanginginig siya. Pinagpapawisan na rin nang malamig. Kalaunan, nakarating din siya. Naabutan niya ang kaibigang nagbabasa ng magazine pagpasok niya sa opisina nito. "Oh, Amorsolla?" takha ni Encarnacion nang makita niya ito sa hindi inaasahang pagkakataon. Tila naubos na ang lakas ni Amorsolla at napaupo na ito sa sahig. Tears fell down on her cheek nonstop as if she didn't cry on her way there. Encarnacion got worried and immediately went to pick her up from the floor. She held her shoulders. "What happened to you?!" she asked a bit loud.Ramdam niya ang panginginig nito kaya mas lalo siyang nabahala. Natataranta siya sa kalagayan ng kaibigan pero kailangan niyang huminah

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 52: Last Straw

    Suot ang caramel trousers at cream long sleeve blouse, tumulak na ako papuntang Casa de Saros. 7 PM pa lang naman. Sasakto ako sa oras ng usapan. Matagal kong pinag-isipan kung pupunta ba ako o hindi. Pakiramdam ko kasi pambabastos kapag hindi ko sinipot ang ginang. Gusto niya akong makausap at maghihintay siya sa akin. Mahal ang oras niya kaya ngayong naglaan siya para sa akin, sino ako para sayangin iyon? Like what I've said, I want to do anything in order for her to be in favor of me. Kung madi-disappoint ko siya ngayon, baka hindi na magbago ang tingin niya sa akin kahit kailan.Hindi naging maganda ang huling pagkikita naming dalawa. Pero ako naman ang may kasalanan kaya dapat ako ang nakikipag-ayos. Tatanggapin ko ang galit niya kung sakali mang mag-init ang dugo niya sakin ngayon. Gusto ko lang makapag-usap kami bago ako ikasal sa anak niya. Kailangan ko siyang galangin dahil kahit anong mangyari, ina pa rin siya ni Cosimo. "Do you have any reservation, Ma'am?" tanong ng atte

  • Lie To Marry The CEO   Chapter 51: Pick You Up

    Cosimo gave me assurance that he loves me and will marry me after he cleared his issues with Frida. Kahit na wala siyang pinanghahawakang salita mula sakin na mahal ko siya at umaasa ako sa pinangako niya, alam kong tutuparin niya iyon. Mahal niya ako. Wala na akong dapat pang ipagdalawang isip. Kakalimutan ko lahat. Wala na akong pakialam kung anong pwedeng gawin ng magulang niya sa amin. Balang araw, matatanggap din nila ako. Ipipilit ko ang sarili ko sa kanila. Pagtatyagaan ko. Aayusin ko ang sarili para kahit papaano hindi nila ako ikahiya. Makakatulong din ako sa negosyo nila. Iyon naman ang gusto nila, hindi ba? Someone who can bring something for the growth of their wealth."Magpapakasal kayo?" tanong ni Mama nang makaupo na siya sa hapag. Sabay-sabay kaming kakain ng tanghalian ngayon. Kakaalis lang ni Cosimo kanina at naabutan pa siya nina Mama. Wala rin namang problema dahil nakabihis na siya at paalis na. Kaya lang, nagtagal pa siya rito para makipag-usap kay Mama. Hindi k

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status