CHAPTER FIVE
"Zach Carlin Smith, nice to meet you."
Halos buong gabi tumatakbo sa isip ko ang mga salitang iyon, kasama ang mga alaala ng kakaiba naming pagkakakilala. Ilang minuto akong nagpagulong gulong at tinorture ang mga unan sa kakasuntok bago maisipang matulog.
The night was completely in silence. No one could be heard but the sound of crickets. Minutes passed yet I feel so uncomfortable. I walked closer to the window when I noticed it's not yet closed. The cold wind enters the room and touches my skin. Rain pours outside. I smiled as I saw a nocturnal bird flying through the mist and found somewhere to stay.
I closed the window and went back to my bed. There's something different, I still can't find the comfort. I just laid there and didn't notice I fell asleep eventually.
Naalimpungatan ako nang humangin ng sobrang lakas. Bahagyang umuuga ang bintana at ang mga kurtina ay isinasayaw ng malamig na simoy. Nang mahawi ang mahahabang tela ay napasilip ako sa bintana at nakitang bumubuhos ang napakalakas na ulan. Napa buntong hininga ako at mahinang napangiti nang makitang umusok ito. Indikasyong napakalamig sa mga pagkakataong iyon.
Dali-daling lumundag ako mula sa pagkakahiga at nagtungo sa mga cabinet. Naghanap ako ng maisusuot na sweater, pares ng medyas at gloves. Nang maisuot ang mga iyon ay namaluktot ako sa kama.
Tila binantayan ko ang buong gabi kasama ng mga ulap na patuloy sa pagluha. Nang bahagyang tumigil ang pag-ulan ay nag-umpisa na ring namayapa ang aking kalooban. Ilang saglit pa ay nakaramdam na rin ako ng antok.
Akmang matutulog na ako ay biglang may kumatok.
"Cindy! Hinihintay ka na ni kuya Adam sa baba. Kakain na!" saad ni ate Eva at rinig kong bumaba na siya ng hagdan.
What the-. You mean almusal? Napakamot ako ng ulo at ginulo ang buhok ko. Halos sumigaw ako sa sobrang inis. Literal na wala akong tulog.
Nang makababa ay narinig ko ang tawanan nina ate Eva at papa.
"Ang sarap ng tulog ko. Ang lamig" rinig kong saad ni papa.
"Mas masarap sana kung may kayakap e." sagot naman ni ate Eva at nagtawanan sila.
Hay… Ate Eva, bakit hindi mo yakapin ang pader? Nang makalapit ako sa kanila ay tumigil sila at nakatitig lamang sa akin.
"Oh tingin-tingin niyo riyan?" pagtataray ko. Pagkasabi ko noon ay dumiretso na ako sa cr.
Matapos magmakaawa sa tubig na ‘wag siya masyadong cold ay isang malalim na pag hinga ang pinakawalan ko. At sa unang buhos, binalot ng sigaw ang buong bahay. Isang sigaw mula sa isang dalagang api. Nakalulungkot isipin na cold pa rin siya kahit anong gawin kong pakiusap.
Nang matapos maligo ay halos manigas ako sa sobrang lamig. Todong panginginig ang bumalot sa akin at para akong hotdog na inilabas sa freezer.
Matapos ang ilang oras na pag aayos ay handa na akong umalis. Nagpaalam ako kina papa at nag abang ng biyahe. Mahigit kalahating oras bago napadaan ang isang jeep. Kahit siksikan ay nakipagbalyahan ako makasakay lang. Nabawasan daw ang pumapasadang jeep dahil sa bagyo kagabi.
Pagdating ko sa hospital ay naabutan kong naglilinis si kuya janitor. Medyo maputik sa bandang lobby dahil na rin siguro sa baha. Dumiretso naman ako sa room ng mga interns at naabutan si Dhaeny na nagsusuklay at nakaharap sa salamin.
"Seriously gurl? Nagsusuklay ka?" tanong ko at tumawa.
Lumingon siya sakin at umirap. Aba attitude ka ha. Hanggang sa bigla siyang ngumiti nang nakakaloko.
"Mukhang puyat ka ah." saad niya at ngumisi.
Lumakad ako papalapit sa kaniya at kinurot sa braso.
"Mukha kang bangkay gurl." asar niya pa at iniayos ang mga gamit niya.
Nagulat kami at ang lahat ng mga interns sa room ng biglang mag announce si Sir Lester through the speaker na nakalagay sa gilid ng room ng interns.
Attention interns, be prepared for this day. Probably, this will be a challenging day. Your assistance will be a great help. Since this will be your last week, may you all exert more effort. Be considerate. Thanks.
Matapos ang walang ka-emo emosyon na announcement ni Sir Lester ay nagpalitan kaming lahat ng tingin. At sa isang hudyat mula kay Sir Lapaz na pumunta sa aming room ay nagsikilos na kaming lahat.
Tama nga si Sir Lester. Matapos ang ilang linggo ng training ay nagamit na namin lahat ng natutunan namin at nagbuhos ng napakalaking effort ang lahat. Mula sa paglabas namin ng kwartong iyon ay hindi na muli kami nagkita kita. Halos mag-ikot trumpo kaming lahat. Kulang na lamang ay mag teleport para makataas at makababa nang mabilis. Takbo rito, takbo roon ang naging sitwasyon namin sa sobrang gulo. Napakaraming pasyente, marahil ay dahil sa bagyo. Ang ilan ay may matataas na lagnat, ang karamihan ay nagka-diarrhea at ilan rin ang napinsala ng mga bumagsak na puno.
Napakagulo ng paligid, hindi na rin namin nagawang makapagtanghalian dahil sa sobrang busy. Ang mga doktor at nurse na naninirahan sa low lying areas ay hindi nakapasok at nasa evacuation area dahilan para kami ang mag take over. Sa sobrang pagod ay hindi na namin magawang ngumiti. May mga pagkakataon na inilalabas na lamang namin lahat sa isang malalim na buntong hininga.
Alas tres ng hapon, bahagyang humupa ang dagsa ng pasyente. Nagkaroon ako ng time para kumain pero pinili ko na lang magpahinga. Si Dhaeny naman ay dinalaw muna si Zach at susunod sa akin sa room. Maayos naman ang kalagayan ni Zach maghapon kaya okay lang sa kaniya na bihira na siya mapuntahan ni Dhaeny.
Sinubsob ko ang sarili ko sa lamesa at nag buntong hininga. Ramdam ko ang pananakit ng likod at binti ko.
"Puyat, pagod at gutom. Ayos Cindy, bukas makalawa ikaw na ang pasyente." bulong ko sa sarili ko.
Nakasubsob lang ako mag isa sa room nang biglang mapatalon ako sa gulat.
"Aaaahhhhh!!!" rinig kong tili ni Dhaeny. "Pagod na ko!!" sigaw pa niya.
Natawa ako.
"Gaga, ikaw lang ba?" tanong ko at nakanguso siyang lumapit sakin.
"Grabe gurl. Akala ko nagpaka exaggerated lang si Sir Lester sa pa-probably this will be a challenging achuchuchu" saad niya.
Tawa lang ang naisagot ko.
"Look at yourself Dhaeny." saad niya sa sarili niya at nakatingin sa salamin. "You look dreadful young lady. Yet you still look gorgeous." kausap niya sa sarili niya habang hinahaplos ang pisngi niya.
"Nakakasuka…" bulong ko sa sarili ko dahilan para mapatingin siya. Ngumiti lang ako at pinanliitan niya ako ng mata.
"Stress na stress ka na beautiful Dhaeny. Sabog ka na." sambit pa ni Dhaeny sa sarili niya.
"Sabog na talaga! Buhok pa lang sabog na!" sambit ng isang boses na nag-echo sa buong room na sinundan ng tawanan.
Lumingon si Dhaeny at kita ang inis sa mukha niya.
"Pwede manahimik ka Carlota?" inis pero mataray na sambit ni Dhaeny at naghalukipkip.
"Tss. Damn that name." sagot ng babae na ngumunguya ng bubblegum. Nakasuot ito ng malinis na uniform, ang ipinagkaiba lang nito ay mas maiksi ang palda niya kumpara sa karaniwan.
"Damn mo mukha mo." sagot naman ni Dhaeny.
Umirap ang babae at naglakad palapit kay Dhaeny. Ipinakita nito ang name plate niya kay Dhaeny at nag smirk.
"Charlotte Levanie Wilson. That's my name bitch." wika pa nito at lumakad na palayo.
"Pake ko sa pangalan mo Carlota? Share mo lang?" mataray na sagot ni Dhaeny.
Ako naman ay nakatingin lang sa kanila. I won't help her with that ass. Alam kong kaya niya yan. Besides, hanggang trash talk lang naman yon si Charlotte. Pero kung pisikalan? Don't bother asking who'll win.
Lumingon si Charlotte at itinaas ang kilay nito. Pinaputok ang bubblegum at nagpamewang.
"Stop calling me with that name or else..." saad nito at nag kagat labi.
"Stop calling achuchuchu." sagot ni Dhaeny at halatang naasar si Charlotte.
"A girl without manner. Oh wait, are you a girl? Or a mere bird nest?" pagtataray ni Charlotte at nag smirk ulit.
Tumayo ako at itinaas din ang kilay ko.
"You have something to say little miss kargador?" tanong nito at nang iinis ang mga tingin niya.
"Atleast I throw a bubble gum after chewing it for a minute. How long does that bubblegum stay in your dirty mouth?" sagot ko at halatang na-offend siya.
"A trash talker." wika niya at ngumiti.
"Trash talker ka lang, I'm a bitch. You'll never win." patuloy niya pa at nag smirk.
"Bitch ka lang, ocean ako." sagot ko at lumakad na paalis. Nilingon ko si Dhaeny at inaasar si Charlotte sa mga tingin niya.
"You'll never win." saad ni Dhaeny at lumakad na din paalis. May pa-flip hair pa ang luka. Si Charlotte at ang mga apprentice niya naman ay naiwan na nakanganga, di ata nagets yung joke ko.
I and Dhaeny went down to the lobby but we met Sir Lapaz while on our way.
"Wright, Scrimgeour, how's your patients?" tanong nito.
Ngumiti kaming pilit at si Dhaeny ay kumamot sa ulo.
"O-okay naman po kanina." sagot ni Dhaeny.
"Kanina? How about at this moment?" tanong muli ni Sir Lapaz.
"We'll be checking it Sir." sagot ko na lamang at hinila si Cindy papunta sa elevator.
Nang naghihintay kami bumukas ang elevator ay nagsalita Dhaeny.
"Gurl, mag-e elevator ka pa? 2nd floor lang patient natin."
"Kaya nga ginawa ang elevator di'ba? Para mas mapadali kesa umakyat ng hagdan." sagot ko.
Nang makapasok kami sa elevator ay kami lang ang nasa loob. Nang magsasara na ang pinto ng elevator ay nakita ko si Sir Lester na tumatakbo. Akmang hahabol sana sa pagsara ng elevator ay biglang nagsara ang elevator. Nang pataas na ang elevator ay biglang umalog ito at namatay ang ilaw. Napakadilim.
"Gurl..." saad ni Dhaeny at nanginginig ang boses niya. "Don't tell me.... Na stuck tayo sa elevator." patuloy niya pa at rinig kong humakbang siya papalapit.
"Ang malas naman." sambit ko at hinampas ang gilid ng elevator buttons.
"Kaya nga gumawa ang elevator diba? Para mas mapadali anyenyenye." saad ni Dhaeny at pilit ginaya ang boses ko. "Ang galing mo talaga Cindy the great."
"Huy gaga. Alam mo pangarap ko 'to. Sasakay sa elevator, tapos mai-stuck. Tapos dito ko na makikilala ang love of my life.
"Ay talaga? Ako din." sagot niya at rinig ang gigil sa boses niya.
"But unfortunately, ikaw ang kasama ko." sambit ko at tumawa.
"Masyado ka." sagot niya.
"Kung si Sir Lester lang sana." saad ko at kinilig.
"Kung si baby Zach lang sana." sagot naman ni Dhaeny at nagtawanan kami.
Ilang minuto din kami nastuck sa madilim na elevator na yun at nalaman namin na nagkaroon ng brownout dahil sa natumbang poste.
Nang makaakyat sa 2nd floor ay nakita naming nagkakagulo ang mga tao. Dali daling lumakad si Dhaeny sa room ni Zach at ako naman ay naglakad na papunta sa room ng epileptic patient ko. Pagdating ko sa pintuan ay napatigil ako nang may marinig.
"Time of death, 3:46 pm."
Parang nanghina ang tuhod ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at namuo ang luha sa mga mata ko. Akmang bubuksan ko na ang pinto ay may naunang buksan ito mula sa loob. Si Sir Lester.
Nanginginig ako nang tingnan niya ako nang walang emosyon. Pilitin ko mang ngumiti ay hindi ko magawa. Binuka ko ang bibig ko ngunit hangin lang ang lumabas. Tiningnan niya ako sa huling pagkakataon at tumulo ang luha ko nang magwika siya at umalis.
"Too late. Your patient just died."
CHAPTER SIX Ilang araw din ang nakalipas ngunit napakabigat pa rin ng pakiramdam ko. Para bang may mabigat na nakapatong sa d****b ko. Hindi rin ako nagkakakain at halata ang pagiging apektado. Maging sina papa at ate Eva ay napansin ang aking pagiging matamlay. This is the mere fact everyone doesn't think about. When one talks about bravery, among all professions, policemen, firefighters, armies will be on the prior list. No one thinks of the doctors and nurses, when in fact, they really take too much courage to do their jobs. Each passing day, they deal with tons of patients and do their best to prolong people's lives. They take care of the citizens' health and help them survive longer, but they still can't avoid misfortune. No matter how hard they try, time will come their patients die. They'll be the first ones to be blamed by the patients' family without even asking why didn't the patient survived. Without a small c
CHAPTER SEVEN Nasa biyahe pa lang ako pauwi ay pilit ko nang hinahanap ang social media accounts ni Carl o Flynt? Wait, anong itarawag ko sa kaniya? Carl? O Flynt? Sa tingin ko mas cool kung Flynt. Nevermind, basta ang cute niya. Nakarating na ako sa bahay ay hindi ko pa rin nahahanap ang accounts niya. Matapos kumain at makipag-asaran kay papa at ate Eva ay umakyat na ako sa kwarto ko. Ini-open ko ang phone ko at nakita ang message ni Dhaeny. Ang saya mo raw kausap. Napangiti ako. Halos buong gabi rin punit ang mukha ko sa sobrang ngiti. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakita kong may isang message si Dhaeny na hindi ko na-open. Kung pwede ka raw kuhaning clown sa birthday niya. Haha asa ka 'no? Napangiwi na lang ako at bumaba. Pagkababa ko sa kusina ay naabutan kong nag-aalmusal sina ate Eva at papa.&nb
CHAPTER EIGHT Nang makalayo ang lalaking kaninang nasa harapan namin ay saka lang nagsalita si Dhaeny. "Ano kayang toothpaste niya?" Napatawa ako habang patuloy na naglalakad. "Gaga, dentist nga siya di'ba, malamang maalaga iyan sa ngipin," "Eh, bakit naman ako, nagt-toothbrush, umaga, tanghali at hapon pero ganito pa rin?" "Baka naman hindi ka nagpapalit ng toothbrush? Nevermind, so ano nang gagawin natin? Pareho tayong walang pera," tanong ko. "Hmm, punta tayo sa bahay," sagot ni Dhaeny at ngumiti ng malawak. "Nakauwi ka na?" Tanong ko na may halong pagtataka. "Hindi pa. I meant, sa bahay ni kuya Flynt," "Ooh, so Flynt ang tawag sa kaniya?" "Narinig mo naman di'ba? Loud and clear," sagot ni Dhae
CHAPTER NINEIlang oras na din ang nakalipas nang makauwi ako ay hindi pa rin ma-absorb ng utak ko na magkapatid ang friendly dentist na si Yuki at ang tiger na si Sir Lester.Is that even possible? Isang napakasungit na nilalang at isang napakafriendly na tao ay may iisang dugo ang nananalaytay. Baka naman sa nanay sila nakakuha ng ugali? Baka ang nanay ni Sir Lester ang may lahing supladita na parang kakain ng tao?Nagpagulong-gulong pa akong makailang ulit at saka lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa kusina at nadatnan si ate Eva na mag-isang kumakain."Si papa?" tanong ko."Nasa kwarto niya. Inaayos ang mga dadalhin niya sa Friday." sagot ni ate Eva habang hindi tumitigil sa pagnguya at punong puno ang bibig."Don't talk when your mouth is full." pabirong sabi ko."Don't talk to me when
CHAPTER TENNang mabasa ko ang message ay tila lumagpak ang panga ko diretso sa sahig. Ipinabasa ko kay Dhaeny ang message mula kay Sir Lester at umalingawngaw ang tili niya sa buong bahay. Kinalog kalog niya pa ako at nagpatakbo takbong paikot ikot. Tumigil siya sa harapan ko at humawak sa akin habang hinahabol ang hininga niya."Gurl, ano? Sasama ba tayo?" tanong ko habang nagpipigil ng tawa dahil sa hitsura niya."Wait, pahingahin mo muna ako, pag iisipan ko... Oo!!! Bakit hindi?! Si Sir Lester yun! I wonder anong mangyayari, baka ito na ang simula!" gigil na sabi ni Dhaeny at patuloy na tumitili. Hindi siya mapakali at kinalog kalog ang lahat ng mahagip ng kamay niya."Kumalma ka nga gurl, mamaya maubusan ka ng hininga kakatili lalo ka hindi nakasama." saad ko at natawa."Gurl, hindi mo ba naiisip?! Ito na ang chance mo para
CHAPTER ELEVENHalos tumulo na ang laway ko dahil kanina pa ako nakanganga at hindi ko napansin. Kung hindi pa ako sinipa ni Dhaeny sa ilalim ng lamesa ay hindi ako mababalik sa huwisyo. Ilang minuto na rin kaming nakaupo at isa isa nang dumadating ang mga waiter at nagse-serve ng mga pagkaing pangminsanan lang lumapat sa dila ng maralitang katulad ko. Char.Medyo nasasanay na rin kami ni Dhaeny na tawagin sila sa kani kanilang pangalan."Gurl, alam mo ba si kuya Flynt nagluto niyan lahat." bulong ni Dhaeny dahilan para mapatawa ako. Napigilan ko rin naman agad dahil napatingin sa akin si Yuki.Siniko ko siyang mahina at saka lumunok.Ilang sandali pa ay tumigil na ang pagpasok ng mga waiter at saka ko lamang napansin na halos mapuno na ang lamesa sa dami ng pagkain. Naging napakalayo ng lahat sa mga naimagine namin ni Dhaeny. A
CHAPTER TWELVE"Pa, why did you lie?"Hindi ko na napigilan ang sarili ko na akusahan si papa kahit hindi ko pa naman nasisigurado kung nagsisinungaling nga siya. Nagsisi ako nang una ngunit naisip ko rin na may posibilidad na mahuli ko siya kung sakali.Narinig ko ang mabibigat na paghinga ni papa mula sa kabilang linya."Pa, sagutin mo ang tanong ko." wika kong muli nang naramdaman kong wala siyang balak magsalita."Uh..." sagot mula sa kabilang linya."Pa, ayoko sanang makarinig ng anumang kasinungalingan pa.""C-cindy, anak...""Tell me Pa, nasa'n ka?""P-pwede bang bukas na lang tayo mag usa-""Bakit pa kailangan ipagpabukas Pa?"Sandaling tumahimik ang paligid. Rini
CHAPTER THIRTEEN"Sorry Pa." saad ko habang nakayuko."Don't be. It was my mistake. I lied." sagot niya at hinawakan ang kamay ko."Natakot lang talaga ako. Losing mom and Candice is traumatic enough para pagbawalan ka to search for the cure.""Naiintindihan ko. I know everything you acted that night was reasonable. Afterall ako ang dapat mag sorry.""No. I understand you as well.""Thank you.""And Pa, hindi na ako makikialam kung gusto mo gumaling at tapusin ang bipartite souls case mo. Just promise me one thing.""Anything Cindy." papa answered teary eyed. I could see his desire to be cured and that broke me inside.&nbs
EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k
CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.
CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb
CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking
CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil
CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong
CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S
CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will
CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong