Share

CHAPTER EIGHT

Author: ViKnows
last update Last Updated: 2021-07-03 11:16:49

CHAPTER EIGHT

Nang makalayo ang lalaking kaninang nasa harapan namin ay saka lang nagsalita si Dhaeny.

"Ano kayang toothpaste niya?" 

Napatawa ako habang patuloy na naglalakad.

"Gaga, dentist nga siya di'ba, malamang maalaga iyan sa ngipin,"

"Eh, bakit naman ako, nagt-toothbrush, umaga, tanghali at hapon pero ganito pa rin?" 

"Baka naman hindi ka nagpapalit ng toothbrush? Nevermind, so ano nang gagawin natin? Pareho tayong walang pera," tanong ko.

"Hmm, punta tayo sa bahay," sagot ni Dhaeny at ngumiti ng malawak.

"Nakauwi ka na?" Tanong ko na may halong pagtataka.

"Hindi pa. I meant, sa bahay ni kuya Flynt,"

"Ooh, so Flynt ang tawag sa kaniya?"

"Narinig mo naman di'ba? Loud and clear," sagot ni Dhaeny.

"Alam mo ikaw? Wala kang kwenta kausap kahit kailan," 

"Why? Common sense, ginang Valerie, alangan naman tawagin mo siyang Dawson. Ano ka formal?"

"No, pwede din naman kasing Carl ang--" 

"Ayaw na niya ng pangalan na iyon," putol niya aa akin.

Napatigil ako sa paglalakad.

"Y-you mean, ayaw niya na sa Carl like how I hate my name, Valerie?" Tanong ko.

"Hmm, somehow. Pero may mas malalim siyang dahilan. Hindi katulad mo na basta na lang umayaw sa pangalan," saad nito at hinila ako na maglakad muli.

"A-anong dahilan?" Mausisa kong tanong.

"Uh, naalala mo noong sinabi niya yung about sa car accident?" 

"Oh, don't tell me magjo-joke ka. Carl accident?" 

"Tatawa na ba ako miss Wright?" Sambit nito at tumigil sa paglalakad nagpameywang.

"Okay na, ituloy mo na babaeng mukhang durog na pasas," tugon ko na lalong nagpaalat ng mukha ni Dhaeny.

"Ever since, Flynt ang gamit niyang name. Sa school, sa bahay, o kahit saan,"

"Wait, wait, wait. Hindi kaya siya magalit na ikaw na ang nagku-kwento ng talambuhay niya sakin?" Pag-antala ko sa kaniya.

"Syempre hindi,"

"At bakit? Ikaw ba si ma’am Charo?”

"Basta makinig ka na lang, napakarami mong patalastas. Ito na, nagbago lang lahat nang may makilala siyang isang tao na masasabi kong the one niya. Hindi ko naman kilala kung sino yun pero siya ang first time ever na tumawag kay kuya Flynt sa first name niya na hindi niya pinigilan. At iyong taong iyon ang first and probably last na taong mamahalin niya," paliwanag ni Dhaeny with matching hand gestures at facial expressions pa.

"So?"

"Wait nga, hindi pa kasi tapos, kakalbuhin kita eh. Two years ago, while on his way on a date with his special someone, naaksidente siya. An eight wheeler truck pushed his car onto a gasoline station. Hindi nga makapaniwala pamilya niya na naka-survive siya e,"

Hindi ako nakapagsalita. Napatahimik ako habang patuloy na naglalakad.

"Yun ang alam ko. Nasa Manila siya nung nangyari lahat iyon eh hindi naman ako nakaalis dito ever since," sambit niya.

"A-anong nangyari after ng accident?" Tanong ko pa.

"Amnesia," 

Hindi na kami nag usap hanggang sa makarating sa bahay ni Flynt. Never sumagi sa isip ko na pwede maging ganoon ka-cute at may abs ang isang may amnesia. Char.

Nadatnan naming nagluluto si Flynt at humalo sa masarap na simoy ng hangin ang amoy ng niluluto niya. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang naa-amaze ako sa mga lalaking nagluluto. Ewan, siguro dahil hindi ako marunong. Siniko ko si Dhaeny na nakataas ang paa sa couch at kinakain ang sitsiryang nadatnan namin sa center table.

"Babae ka di'ba? Umayos ka naman ng upo gurl," sambit ko, sapat lang ang lakas para kaming dalawa lang ang makarinig.

"At sa iyo pa nanggaling, babaeng tinawag na kargador ng pinagpapantasyahan niyang doktor," sagot nito at patuloy na kumain ng sitsirya.

Napatigil ako nang lumakad papalapit si Flynt at nakita kong wala itong damit pang itaas at nakasuot lang ng apron. Ngumiti ito at sinabing sandali na lang ay matatapos na siya.

"M-masarap ba sya?" Wala sa sariling tanong ko.

"Ayan, diyan ka magaling!" Sagot ni Dhaeny at kinurot ako sa tagiliran.

"H-huh? Ibig ko sabihin, masarap ba siya magluto?" 

"Kung masarap siya magluto, sa tingin mo magsusundalo siya? Natural Cindy lutong pa-ekek lang iyan," sagot ulit ni Dhaeny at may pag-irap pa.

"You mean, hindi siya marunong?" 

"Kailangan pa ipaliwanag? I-elaborate? I-illustrate? Magbigay ng example? Gumawa ng graph? Ano bang nangyayari sa'yo Cindy?"

"Syempre nililinaw ko. Mahirap na,"

"Hindi talaga siya marunong magluto. Pero dahil nandito ang prinsesa niya, kailangan niya. Alam mo na--"

"A-andito si D-Debie ba yun? Yung girlfriend niya?"

"Gaga, Dexie yun," wika nito at tumawa nang napakalakas. "Hindi niya girlfriend si Dexie. Siya yung kasama niya mag-apply sa military school,"

"Talaga?" Tanong ko at tila nagningning ang mga mata ko. 

"Pero wag ka na umasa sa kaniya. Di'ba nga sabi ko, yung first love nya, siya na rin yung last."

"Eh sino yung prinsesa niya?" Tanong ko ulit.

Pumikit ang luka at humawak sa d****b niya.

"Ako," saad niya at ngumiti na parang nang-iinis.

Nag-pout na lang ako at ilang sandali pa ay dumating na si Flynt. May hawak itong spatula at makikitang marumi ang apron nito.

"D-Dhaeny, marunong ka ba magluto ng adobo?" Tanong niya habang kumakamot sa ulo. Ngumiti siya nang medyo awkward.

"Ako? Syempre! Ano ba ang hindi ko alam?" Mayabang na sagot ni Dhaeny.

Ngumisi lang si Flynt na akala mo ay tuwang-tuwa sa kagagahan ng pinsan niya. Lumakad kami papuntang kusina at nawindang kami ni Dhaeny sa kung anong dinatnan namin. Nagkalat ang balat ng sibuyas at bawang, kung hindi ako nagkakamali ay may luya at kamatis pa. Adobo? May luya at kamatis? Baka own recipe? Nakita ko rin na may isang sandok pang-kanin ang nakalagay sa isang tabi. Marahil ay inihalo niya sa adobo dahil may naiwan pang toyo. Nang makita ko ang lababo ay napansing barado ito at hindi makalabas ang tubig.

Nakanganga lang ako sa sobrang gulat dahil sa gulo. Nakita ko rin na nakapatay ang apoy ng kalan kaya nagsalita ako, "Tapos ka na pala magluto eh,".

"H-huh? Hindi pa," sagot ni Flynt at lumapit sa isang lamesa malapit sa lababo. "Ito oh, kumukulo pa lang," patuloy niya at binuksan ang rice cooker.

Seriously? Adobo na sa rice cooker iniluto? Kakaiba din pala 'to eh. Nang buksan niya iyon ay umalingasaw ang amoy nito. Amoy masarap at nakakatakam.

"Gurl, tulungan mo siya, marami na siyang ginawang kahindik-hindik na bagay sa kusina," bulong ni Dhaeny habang hunahakbang palayo kay Flynt.

"Huh? Akala ko ba marunong ka? E'di ikaw na tumulong," sagot ko.

"Alam mo naman na yabang lang 'yun di'ba? Kaya sige na, tulungan mo na siya. Bago ka pa nya pakainin ng hindi malunok-lunok na pagkain,"

"Tikman mo nga, Dhaeny," sambit pa ni Flynt at sumandok gamit ang spatula.

Nanlaki ang mata ni Dhaeny at pilit na ngumiti. Wala rin siyang nagawa kahit ayaw niya. Nakahandang humigop at tumikim si Dhaeny, ngunit bago pa man makarating sa bibig ni Dhaeny ang sabaw ay natapon na ito dahil sa spatula nga nakalagay.

"Uh, bakit kase spatula ginagamit mo?" Hindi ko napigilan magtanong. Nakita ko namang nag-cellphone na lang si Dhaeny.

Hindi ako marunong magluto, pero gosh alam ko naman ang mga tamang gamit ng tools sa kusina, pero yung mga simple lang hehe.

"Uh, a-ano ba dapat?" Tanong niya.

"Malamang, may sabaw di'ba, e'di yung palalim na sandok. Bobo mo naman," pakisali ni Dhaeny at doon ko nakitang mainit na naman ang ulo niya. 

Ang cute naman niyang bobo. Iba talaga takbo ng utak nitong babaeng 'to. Kanina lang ang saya-saya kumakain ng chips tapos ngayon parang magwawalang buwitre.

"Wala ba kayong home economics nung elementary?" Biro ko.

Hindi nag react si Flynt at hinalo ang niluluto niya. At saka nag-sink in sa utak ko. Gosh, may amnesia si Flynt. Napatakip ako sa bibig ko at ipinagsawalang bahala iyon, kunwari ay walang nangyari.

Natigilan ako nang makitang napakalakas ng paghahalo ni Flynt at nagtatalsikan na ang sabaw ng adobo sa aming tatlo.

"Alam ko namang nagsusundalo ka, pero huwag mo naman ilabas ang gigil mo riyan sa manok. Hindi iyan dapat hinahalo nang sobra," saad ko at napatigil si Flynt.

Kumuha ako ng akmang sandok at lumapit sa rice cooker. Nang makita ang laman ng rice cooker ay nanlaki ang mata ko. Buo pa ang chest part at ang nakahiwalay lang na hiwa ay ang thigh at neck part.

"Uh, Flynt?"

"Yes?"

"I-ilang hiwa ang ginawa mo sa manok?"

"Wait, I'll do the math. Bumili ako ng whole chicken. Inalis ko ang ulo at paa kase wala rin naman kakain no'n. Hiniwa ko sa part ng wings, thigh at neck. And that's it," sambit niya at nakangising tila proud pa sa math niya.

"So... Bale ilan lahat?" Tanong ko.

"Hmm, two wings, two thighs, one neck and the rest. Bale six parts. Sakto lang sa atin, tag-dalawa tayong tatlo," sagot niya with matching palakpak pa.

Pinilit kong ngumiti at tumango.

Napansin kong napakaraming sabaw at lumalangoy ang mga sahog. Halos mapuno ang rice cooker dahil sa sabaw. Naglinga-linga ako at nakitang may kalahating bote ng toyo. Ibig sabihin, kalahati ang inilagay niya, tama lang.

"Uh, parang napakadami naman ng tubig ang inilagay mo?" Saad ko bago tikman. 

Hindi siya sumagot. Paglingon ko ay inaayos niya ang kalat sa lababo. Sumandok ako at dahan-dahang tinikman. Halos malukot ang mukha ko at muntik nang mapadura sa sobrang alat. Napangiwi ako. Sa pakiwari ko ay magkaka-UTI ang kakain kahit isang kutsara lang.

Bumalik si Flynt na nag-pupunas ng kamay sa kanyang apron.

"Sorry, anong sabi mo uli? Inayos ko kasi yung lababo, nagbara," tanong niya.

"Sabi ko parang naparami ng tubig, ang dami kasing sabaw," sagot ko at hindi pa rin maka move on ang neurons ko sa napakaalat na adobo.

"H-huh? Nilalagyan ng tubig ang adobo? Sorry, di ko alam. Wait kukuh--"

"No need, ako na," I cut him off.

Pagdating ko sa tapat ng lababo ay tila humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Nakita kong may isang bote ng toyo na wala nang laman at dalawang pakete ng seasoning salt. So kaya napakaalat? Isa at kalahating bote ng toyo at dalawang pakete ng seasoning salt? At hindi niya nilagyan ng tubig. Ayos.

Inilipat ko sa mas malaking lalagyan ang adobo at sa kalan nagluto. Ilang minuto ko rin inayos ang lasa ngunit wala na talagang magagawa. Halos lumangoy na yung manok sa sobrang dami ng nailagay kong tubig pero napakaalat pa rin. Halos madurog na rin ang manok sa sobrang tagal nang pinakukuluan.

Nang ihain ko iyon ay wala 'ni isa sa amin ang nangunang kumain. Tahimik lang kaming tatlo na nakatitig sa isang napakalaking bowl na may adobo. Nag-mukha nang aquarium yung bowl at yung manok ang isdang lumalangoy.

Balak ko sanang kanin lang ang kainin at kaunting piraso ng manok kaso nalaman kong sunog ang kanin. 

Nag-umpisa na akong magsandok dahil kung silang dalawa ang hihintayin ko ay baka mamuti na ang mata namin at manigas na lang ay hindi pa rin nakakakain. Nilagyan ko ng pagkain lahat ng plato namin at saka umupo.

"For our menu, tutong na kanin at napakaalat na adobo... Eat well," sambit ni Flynt habang nakapikit at pagtapos ay nagsimula nang kumain.

Nakatitig lang ako sa kaniya at hindi ginagalaw ang pagkain.

"Ganyan talaga siya. Kung ang iba nagdadasal bago kumain, siya, binabanggit kung ano kakainin niya," paliwanag ni Dhaeny.

Napansin kong bahagyang umaliwalas na ang hitsura niya at hindi na siya nagc-cellphone.

"Oh, nagsawa ka na magscroll?"

Tumango siya.

"Nakakasawa na, puro mukha na lang ni Carlota ang nakikita ko. Puro naman mirror shot na nakatabingi. Halos walang pinagkaiba, in-adjust lang ata yung filter ng isang kembot,"

"Ooh, kaya kanina ka pa nakasimangot at mukhang singit ng penguin?" Tanong ko.

"Eh kasi naman, napakaraming painggit sa social media. Lahat ng nursing student nagp-prepare na sa graduation party nila. Dumagdag pa 'to si Carlota na puro parinig na may dalawa rae na hindi kasama kasi engot," reklamo niya at nagsimula na rin siyang kumain kaya ako rin.

"Hayaan mo na lang sila gurl. Atleast may one week pa ako para makita si Sir Lester," sambit ko at ramdam ko ang kilig sa kaibuturan ng bunbunan ko. Char. 

"Tama, alam mo may utak ka rin pala minsan, iniimbak mo lang," sagot niya at nag-apir kaming dalawa.

Matapos ang pag-kain ay naupo kami sa sala.

"Bakit ba kasi sa rice cooker ka nagluto?" Tanong ni Dhaeny kay Flynt.

"Eh kasi nga di'ba? Nasunog yung kanin nung sa kalan ako nagluto, so sabi ko hindi na ako pwede pumalpak sa sunod kong dish, hindi na pwede masunog," sagot niya na punong-puno ng kumpiyansa at bilib sa sarili.

"Feeling brainy kasi, utak munggo naman," hirit naman ni Dhaeny.

Hanggang ngayon ay hindi kami maka-get over sa issue ng menu kanina.

"Uh, araw-araw ba ganyan ang kinakain niyo?" Tanong ko.

"Syempre hindi," 

"Oh, don't tell me, puro de lata,"

"No, Dexie cooks for me. For us,"

"N-nasaan ba siya?”

"Hindi ko alam. Oo nga 'no, maghapon din siya hindi nagparamdam,"

Ilang oras pa kami nag-usap at hindi na namalayan na dumidilim na. Nagpaalam na ako sa kanila at sinabi ni Dhaeny na sasamahan niya ako hanggang sa sakayan. Matapos ang ilang minutong pagkutata na parang hindi nagkakasawaan ay narating na namin ang paradahan ng jeep.

Nagpaalam na si Dhaeny nang makasakay ako ng jeep. Sa pinakadulo ako nakaupo dahil ayokong naiipit ako 'pag maraming nakasakay. Nakahawak ang isang kamay ko sa metal bar at ang isang kamay naman ay nac-cellphone. Gaya ng sinabi ni Dhaeny, nagkalat ang pagmumukha ni Charlotte sa social media. Ini-off ko na ang phone ko at ipinikit ko ang mga mata ko. Mahabang araw rin ang lumipas, nakakapagod pero masaya.

Nakapikit akong matagal habang hinihintay umalis ang jeep nang may makaagaw ng atensyon ko sa labas ng jeep.

"Sumakay ka na! Bilis!" Dinig kong bulyaw ng isang lalaki sa isa pang lalaking nakatayo sa labas ng magarang kotse niya.

Umiling lang ang lalaking nakatayo sa labas.

"Sasakay ka o sasagasaan kita?" Bulyaw ulit nung lalaki sa loob ng kotse.

"I told you, I can take taxi," sagot ng lalaki sa labas.

"Shut the fvck off dude! Walang taxi dito!" Mukhang galit na sambit muli ng lalaking nasa kotse.

"Then I'll take a jeepney," sagot naman nung isa.

"Damn it! We're making a scene! Why don't you just ride?" Gigil na sabi ng isa.

At doon, napansin kong halos lahat ng atensyon ng mga tao ay nasa kanilang dalawa. Ngumiwi ang lalaking nasa kotse at isinara ang bintana niya. Sa isang iglap, nawala sa paningin namin ang kotse niya. Nakita kong nakayukong lumalakad ang lalaking naiwan. Napaatras ako nang umakyat siya sa jeep. Nagulat ako nang makitang may hinihila siyang maleta.

"Yuki? Di'ba ito si Mr. Lost?" Bulong ko sa sarili ko.

Nang makaupo sa tapat ko ay saka lamang niya inalis ang face mask at shades niya. Nagpunas siya ng pawis at halatang naiinitan.

Hindi ko na lamang siya pinansin at pumikit. Bakit? Close ba kami?

"Miss?" Dinig kong wika niya matapos tumikhim.

Iminulat ko ang mata ko at itinaas ang kilay.

"Tama! Ikaw nga yung kanina," saad nya at kita kong nagliwanag ang mukha niya. "What's your name again?"

"Cindy." tipid kong sagot.

"Nasaan na yung friend mong kulot na nurse daw?" Tanong niya pa.

"Oh, ewan ko lumipad na yata sa langit. By the way, parehas kaming nurse," paliwanag ko. "Nursing student pala," pagtatama ko.

Di kami close pero hindi ko talaga mapigilan ang kadaldalang taglay ko.

"Cool. Where would you work after college?"

"Hmm, Manila? Ewan, hindi ko pa sigurado,"

"Aw, sad to know. I'm from Manila and from now on, dito na ako," saad nya at nag pout. Napangiti ako dahil ang cute niya nang magpout ang pinkish lips niya.

"Why? Ako kase kaya sa Manila plano ko, para malaki income. Ikaw? Nagsawa ka na sa malaking income?" Saad ko at mahinang tumawa.

"Nope. It's not my decision actually. Wala pa akong one year sa Manila since umuwi ako from Japan,"

"Oh? Bakit ang galing mo na mag-tagalog? Saka bakit kailangan pa makialam ng parents mo kung saan ka magtatrabaho?" Tanong ko.

"You know, I am half Filipino. My dad's a Filipino and we live together in Japan,"

"Woah," gulat kong tugon.

"Actually hindi lang dahil sa work kaya ako pinapunta dito nina dad," paliwanag niya.

"Hmm? Ano pa? Unwind?" Napatawa ako sa huli kong sinabi.

"No, they want me to work with my step brother and get close to him. Funny, ako lang ang tumaliwas sa business track sa aming pamilya and so as my step brother. Lahat din sa pamilya nila ay nasa business track, syempre chinese, pero siya lang ang napunta sa med track. And I'm a dentist! A friendly dentist. So apparently, we fit!" Saad nya at bahagyang ngumisi. Hindi ko rin masisi si Dhaeny na napansin niya ang ngipin ni Yuki. Maganda nga siya at parang hindi nalalapatan ng kung anong mikrobyo.

"Chinese ang step brother mo? Cool. Isang japanese at isang chinese mag step bro,"

"Yeah. But I worry something. Ilang taon na rin na hindi ko siya nakikita,"

"Okay lang iyan. Di'ba nga friendly dentist ka? You'll have the bond still," sambit ko at ngumiti.

Nakangiti lang ako sa kaniya at hindi na namalayan ang pag-andar ng jeep. Ngunit nanlaki ang mata ko sa mga sumunod ma sinabi ni Yuki.

"We'll bond step bro. This friendly dentist will bond with you, Doc. Lester Harvey Parkinson,"

Related chapters

  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINE

    CHAPTER NINEIlang oras na din ang nakalipas nang makauwi ako ay hindi pa rin ma-absorb ng utak ko na magkapatid ang friendly dentist na si Yuki at ang tiger na si Sir Lester.Is that even possible? Isang napakasungit na nilalang at isang napakafriendly na tao ay may iisang dugo ang nananalaytay. Baka naman sa nanay sila nakakuha ng ugali? Baka ang nanay ni Sir Lester ang may lahing supladita na parang kakain ng tao?Nagpagulong-gulong pa akong makailang ulit at saka lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa kusina at nadatnan si ate Eva na mag-isang kumakain."Si papa?" tanong ko."Nasa kwarto niya. Inaayos ang mga dadalhin niya sa Friday." sagot ni ate Eva habang hindi tumitigil sa pagnguya at punong puno ang bibig."Don't talk when your mouth is full." pabirong sabi ko."Don't talk to me when

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TEN

    CHAPTER TENNang mabasa ko ang message ay tila lumagpak ang panga ko diretso sa sahig. Ipinabasa ko kay Dhaeny ang message mula kay Sir Lester at umalingawngaw ang tili niya sa buong bahay. Kinalog kalog niya pa ako at nagpatakbo takbong paikot ikot. Tumigil siya sa harapan ko at humawak sa akin habang hinahabol ang hininga niya."Gurl, ano? Sasama ba tayo?" tanong ko habang nagpipigil ng tawa dahil sa hitsura niya."Wait, pahingahin mo muna ako, pag iisipan ko... Oo!!! Bakit hindi?! Si Sir Lester yun! I wonder anong mangyayari, baka ito na ang simula!" gigil na sabi ni Dhaeny at patuloy na tumitili. Hindi siya mapakali at kinalog kalog ang lahat ng mahagip ng kamay niya."Kumalma ka nga gurl, mamaya maubusan ka ng hininga kakatili lalo ka hindi nakasama." saad ko at natawa."Gurl, hindi mo ba naiisip?! Ito na ang chance mo para

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER ELEVEN

    CHAPTER ELEVENHalos tumulo na ang laway ko dahil kanina pa ako nakanganga at hindi ko napansin. Kung hindi pa ako sinipa ni Dhaeny sa ilalim ng lamesa ay hindi ako mababalik sa huwisyo. Ilang minuto na rin kaming nakaupo at isa isa nang dumadating ang mga waiter at nagse-serve ng mga pagkaing pangminsanan lang lumapat sa dila ng maralitang katulad ko. Char.Medyo nasasanay na rin kami ni Dhaeny na tawagin sila sa kani kanilang pangalan."Gurl, alam mo ba si kuya Flynt nagluto niyan lahat." bulong ni Dhaeny dahilan para mapatawa ako. Napigilan ko rin naman agad dahil napatingin sa akin si Yuki.Siniko ko siyang mahina at saka lumunok.Ilang sandali pa ay tumigil na ang pagpasok ng mga waiter at saka ko lamang napansin na halos mapuno na ang lamesa sa dami ng pagkain. Naging napakalayo ng lahat sa mga naimagine namin ni Dhaeny. A

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWELVE

    CHAPTER TWELVE"Pa, why did you lie?"Hindi ko na napigilan ang sarili ko na akusahan si papa kahit hindi ko pa naman nasisigurado kung nagsisinungaling nga siya. Nagsisi ako nang una ngunit naisip ko rin na may posibilidad na mahuli ko siya kung sakali.Narinig ko ang mabibigat na paghinga ni papa mula sa kabilang linya."Pa, sagutin mo ang tanong ko." wika kong muli nang naramdaman kong wala siyang balak magsalita."Uh..." sagot mula sa kabilang linya."Pa, ayoko sanang makarinig ng anumang kasinungalingan pa.""C-cindy, anak...""Tell me Pa, nasa'n ka?""P-pwede bang bukas na lang tayo mag usa-""Bakit pa kailangan ipagpabukas Pa?"Sandaling tumahimik ang paligid. Rini

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER THIRTEEN

    CHAPTER THIRTEEN"Sorry Pa." saad ko habang nakayuko."Don't be. It was my mistake. I lied." sagot niya at hinawakan ang kamay ko."Natakot lang talaga ako. Losing mom and Candice is traumatic enough para pagbawalan ka to search for the cure.""Naiintindihan ko. I know everything you acted that night was reasonable. Afterall ako ang dapat mag sorry.""No. I understand you as well.""Thank you.""And Pa, hindi na ako makikialam kung gusto mo gumaling at tapusin ang bipartite souls case mo. Just promise me one thing.""Anything Cindy." papa answered teary eyed. I could see his desire to be cured and that broke me inside.&nbs

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER FOURTEEN

    CHAPTER FOURTEENSi Charlotte? Anong ginagawa niya rito?Sa halip na dumiretso ay hindi na ako lumakad pa. Hindi ko nagawang ihakbang ang mga paa ko. Tila naistatwa ako sa mga nasaksihan ko. Nang lalakad na sila patungo sa direksyon ko ay awtomatikong tumalikod ako at patakbong umalis. Nahihirapan man ako tumakbo nang dahil sa sapatos ko ay pinilit kong marating ang papasarang elevator. Mabuti naman at nakaabot ako at nagsara na ito. Dahil sa fifth floor lang naman ang office ko dahil ang assigned ward sa akin ay dito rin, mabilis akong nakababa sa ground floor. Patakbong lalabas sana ako nang harangin ako ni Yuki."Oh, wait. Akala ko ba sabay na lang kayo ni Harvey pauwi?”"Uh, oo. Hihintayin ko na lang siya sa labas." palusot ko ngunit ang plano ko ay mauuna na akong umuwi."O...k? Ang akala ko kasi sabay na kayo bababa?

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER FIFTEEN

    CHAPTER FIFTEEN"She's tita Elize. Liam's mom.""Huh?" tanong ko dahil parang hindi maabsorb ng utak ko ang sinabi ni Harvey."She's Liam's mom." ulit niya pa.Hindi ako nakapagsalita kaagad. Parang hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya."Kaya ayaw na ayaw niyang sumama rito." sambit niya pa ngunit hindi na ako nakatingin sa kaniya. Nakatulala lang ako at pilit isinisiksik sa kapiraso kong utak ang sinabi niya."Idinahilan niya lang ang work niya but the truth is, ayaw niyang sumama dahil ayaw niyang makita ang mom niya." paliwanag pa ni Harvey."B-bakit?" naguguluhang tanong ko."I think I am not the right person to tell you that."Ilang minuto akong nakatulala at nagising lang ang diwa ko nang magsalita ang pasyente ko.

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER SIXTEEN

    CHAPTER SIXTEEN"I missed you..." saad niya.Hindi naman ako nakapagsalita at halos hindi rin ako kumukurap dahil sa pagkagulat. Sabay kaming napaubo at napatakip ng ilong at bibig nang may dumaang jeep at napunta sa direksiyon namin ang usok."Cindy..." pagtawag niya sa pangalan ko. "P-pakihipan naman ang mata ko. Parang napuwing ako. Kani-kanina ko pa napapansin eh." saad niya.So kaya pala siya parang naluluha? Napuwing lang Cindy, 'wag malisyosa. Bahagyang nag-bend down si Flynt para maging kalevel ko siya at ibinuka ang mata niya."H-hihipan ko na ba?"Tumango naman siya at napansin kong mas dumami ang luha indikasyong sumasakit pa ang mata niya kaya kailangan ko na hipan. Tumingkayad akong kaunti dahil mas mataas pa rin siya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at ramdam ko ang bawat paghinga niya.

    Last Updated : 2021-12-07

Latest chapter

  • Cut Our Silver String   EPILOGUE

    EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FIVE

    CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FOUR

    CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY THREE

    CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY TWO

    CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY-ONE

    CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY

    CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S

  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINETEEN

    CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will

  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHTEEN

    CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong

DMCA.com Protection Status