Share

CHAPTER ELEVEN

Author: ViKnows
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

CHAPTER ELEVEN

Halos tumulo na ang laway ko dahil kanina pa ako nakanganga at hindi ko napansin. Kung hindi pa ako sinipa ni Dhaeny sa ilalim ng lamesa ay hindi ako mababalik sa huwisyo. Ilang minuto na rin kaming nakaupo at isa isa nang dumadating ang mga waiter at nagse-serve ng mga pagkaing pangminsanan lang lumapat sa dila ng maralitang katulad ko. Char.

Medyo nasasanay na rin kami ni Dhaeny na tawagin sila sa kani kanilang pangalan.

"Gurl, alam mo ba si kuya Flynt nagluto niyan lahat." bulong ni Dhaeny dahilan para mapatawa ako. Napigilan ko rin naman agad dahil napatingin sa akin si Yuki.

Siniko ko siyang mahina at saka lumunok.

Ilang sandali pa ay tumigil na ang pagpasok ng mga waiter at saka ko lamang napansin na halos mapuno na ang lamesa sa dami ng pagkain. Naging napakalayo ng lahat sa mga naimagine namin ni Dhaeny. Ang inaasahan namin ay simple lamang at parang double date lang hehe. Sobrang formal ng lahat. Kahit ang mga waiter ay mas mahal pa ang mga damit kaysa sa mga empleyado sa ospital.

Inilapit ko ang upuan ko kay Dhaeny. Siya ang katabi ko at nasa harap namin ang malaking round table. Sa kabila ko naman ay si Yuki, katabi niya si Lyndon, sunod si Harvey at katabi ni Dhaeny si Liam.

"So, we better be knowing each other na. Para naman hindi ganoon ka-off and awkward." pagbasag ni Yuki sa katahimikan.

"Right. I and Harvey already know these two ladies, as well as you two. Perhaps we don't need to introduce ourselves anymore." sagot ni Lyndon.

"Well I go first para hindi kayo mahiya." ani Yuki at ngumiti siya sa amin ni Dhaeny. "I am Yuki Gekido. A dentist. Don't bother asking my age because I won't tell you." patuloy niya at saka tumawang mahina.

"24..." bulong ni Harvey ngunit alam naming sinadya niyang lakasan upang marinig namin.

"Holy crap! You just ruined my life bro!" wika ni Yuki na sinundan ng malalakas na tawa namin.

"What's with your age ba kasi? Ba't mo tinatago?" tanong ni Lyndon.

"Nothing. It's just that, everytime I tell someone my age, hindi sila naniniwala, saying I look way younger." sagot ni Yuki at ngumisi.

"So who's next?" tanong ni Lyndon.

Sandali kaming nagtinginan bago nagsalita si Dhaeny.

"Ako, ako naman."

Napatawa akong mahina dahil parang komportable masyado si Dhaeny.

"I'm Dhaeny Andrea Scrimgeour, 22, graduating nursing student. Currently in love." pakilala ni Dhaeny at hindi ko na napigilan ang tawa ko.

"Why? I'm actually in love." tuloy niya at nakita kong kumindat si Lyndon.

"No, not with you." saad ni Dhaeny at nag pout si Lyndon.

"You're funny miss electrified." wika ni Yuki habang nakangiti.

"Electrified?" sabay na tanong ni Dhaeny at Lyndon.

"Oops, is that how connected we are?" biro ni Lyndon at ngumiting pilit si Dhaeny.

"Yeah. Look at her hair." sagot ni Yuki. "No, I don't wanna get misunderstood here. What I'm trying to say is, she has that hair yet she got the style." paliwanag niya nang pagtaasan siya ng kilay ni Dhaeny.

"Thank you." pabebeng sagot ni Dhaeny at nagsway ng slowmo.

"Liam Scorr." awtomatikong napatingin kaming lahat nang magsalita ang lalaking katabi ni Harvey.

"The monstah!!" biro ni Yuki.

"Shut up dude." sagot ni Liam.

"Seriously? Hanggang ngayon hindi ka na nagbago? Monster pa rin ang simplest word to describe you?" tanong ni Harvey habang tumatawa.

"You too. Nothing's funny." seryosong sagot nito.

"Heartless. Ganiyan siya ever since. Seryoso sa buhay. Kahit sa friends or relatives ganyan siya ka-cold." bulong sa akin ni Yuki at napatango na lang ako.

"I'm 25 and a forensic accountant. That's it." tuloy ni Liam at lahat kami ay nakatingin lang sa kanya.

"Too boring..." parinig ni Yuki.

Hindi na nagsalita si Liam ngunit napansin kong tumalim ang tingin nito kay Yuki.

"Don't mind him. Hindi siya galit. Ganiyan talaga siya." paliwanag ni Harvey.

"But he's good. He's actually the one who helped me live easier in Manila." sambit ni Yuki. "Ayan dude, bumabawi na ako."

Nakita kong bahagyang ngumiti si Liam ng isang kembot. As in sobrang kauting tipid na ngiti.

"Our parents are business partners. Well, not actually. The parent he recognizes is his uncl-"

"H-hindi ba invasion of privacy na ikaw ang magsabi niyan? Ok lang ba sa'yo L-liam?" putol ko kay Yuki.

"Not at all. Spit it out dude." sagot ni Liam.

"Yeah, that's it. Our dad and his uncle are business partners."

"Uh, ako naman." pagsingit ko. "I'm Cindy Valerie Wright, same what she said."

"Eww. Bakit kailangan mo kopyahin pati lines ko?" saad ni Dhaeny.

Pasimpleng ko siyang kinurot sa ilalim ng lamesa.

"P-pero ok lang naman mangopya di'ba? Ano ba naman ang masama kung manggaya ka minsan?" sambit ni Dhaeny habang hinahaplos ang part ng hita niya na kinurot ko.

Ilang sandali pa ay nagsimula na kaming kumain at hindi ko na napansin ang oras. Habang busy sa pagnguya ang lahat, kinalabit ko si Dhaeny.

"Gurl?" tawag ko.

Itinaas niya ang kilay niya at napansin kong punong puno ang bibig niya.

"Gawin mo na. Ang pangalawang kindat." bulong ko habang natatawa.

"Seryoso ka ba? Kalagitnaan ng pag kain, saka mo ipapagawa iyan? Mamaya na lang gurl."

"Sige ka, ikaw din. Ipapahubad ko iyan sa'yo." panakot ko kay Dhaeny at saka ngumisi.

"Fine." bulong niya at kita ang pagkairita sa mukha niya.

Tila naghintay ng kung anong pagkakataon si Dhaeny saka tinawag si Lyndon.

"Lyndon..." pabebeng tawag ni Dhaeny. Ako naman ay bahagyang nakayuko at nagpipigil ng tawa.

"Wala... Gusto ko lang makita ulit mukha mo." saad ni Dhaeny at napatingin sila Yuki, Liam at Harvey sa kanila.

"Knew it. You like me." sambit ni Lyndon sabay kindat.

Sa halip sa sumagot ay kumindat si Dhaeny sabay kagat labi. Nakita ko namang parang inasinang bulate si Lyndon at napapangiti every once in a while. Maya-maya ay kinurot ako ni Dhaeny.

"Bwisit ka gurl... Sinisira mo reputasyon ko." bulong nito at tumawa lang ako.

"Two down gurl. Good job. One more to go."

Ilang saglit pa ay tinawag ni Lyndon ang isang waiter at may ibinulong ito.

"Wait, do you drink?" tanong nito sa amin ni Dhaeny.

Umiling ako.

"K-kaunti..." sagot ni Dhaeny with matching beautiful eyes.

As if nakakapaniwalang kaunti lang siya uminom. Kaya pala hindi nakapasok once dahil maghapon hindi nawala ang hangover.

Tumango si Lyndon at paglapit ng waiter ay umorder siya. Pagbalik nito ay may itinutulak itong isang parang trolley. May kasama rin itong dalawang lalaki na nasa likuran niya.

"Here you go." sambit ni Lyndon at ipinakita ang iba' ibang bote ng alak na nakalagay sa four decked na trolley.

"Uh, l-lahat ba iyan pwede?" wala sa sariling tanong ni Dhaeny na animo'y kumikinang ang mga mata.

"Akala ko ba kaunti ka lang uminom?" ani Yuki.

"I meant, ang dami naman yata. Anim lang tayo di'ba. Plus hindi pa umiinom si Cindy." sagot ni Dhaeny.

"Me too. Can't imagine a single drop of liquor touches my tongue and reaches my throat. That's disgusting I suppose." wika ni Yuki.

"Ang arte mo naman." angil ni Dhaeny.

"No, it's just that, I want to keep my breath fresh."

"Yeah whatever. Drink if you want, don't if not. How about you Harvey?" tanong ni Lyndon.

"Uhmm, I do drink but I'll be driving them home later, so I won't drink for now." paliwanag ni Harvey.

"What? Don't tell me you won't drink too." saad ni Lyndon kay Liam.

"I will." maiksing sagot nito.

Sa hudyat na iyon ay binuksan ni Lyndon ang isang bote at sinalinan ang baso nina Liam at Dhaeny. Bahagyang ngumiti pa si Dhaeny at si Liam ay wala pa ring emosyon na mababakas sa mukha.

"A man of few words, he really is." bulong ni Yuki.

Ngumiti ako sa kaniya.

"But when he speaks a lot, everything he says really make sense." tuloy pa niya.

Napatango ako. Sa mga pagkakataong iyon ay bumalik sa akin ang ala-ala nang makita ko si Liam na nagsasalita sa plaza as the guest speaker.

"Like how he spoke as the guest speaker?" tanong ko kay Yuki.

"Indeed. Actually hindi na ako nagulat na siya ang kinuhang replacement sa akin. Nang tumawag ako sa coordinator at sinabing I won't make it to the program, sinabi agad nila na may naisip silang pampalit sa akin."

"So, he's really that good speaker?"

"Yeah." sagot ni Yuki habang tumatango. "Since grade school no one beats him when it comes to oratorical speeches. He's a great broadcaster back in high school."

Sa halip na sumagot ay kusang bumagsak ang panga ko at hindi nakapagsalita. Kumpara sa akin na walang kakayahan magsalita in front of the public, napahanga ako.

"And here's another trivia, naikwento niya sa akin after that event na nagulat ang lahat even the city mayor dahil in-invite siya to speak about mental health pero about sa bad governance ang sinabi niya. But because of his way of delivery, mas naging interested ang mga citizens."

"Ang galing." wala sa sariling sambit ko habang nakatingin kay Liam.

Wala itong emosyon at 'ni hindi makuhang ngumiti. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok niya at may magandang postura. Kahit ang mga mata nito ay walang ipinapakitang bakas ng emosyon. Hindi rin siya nagsasalita unless necessary. Ang tanging nag-uusap ay sina Lyndon, Dhaeny at Harvey.

"Remember the scene we made?" tanong ni Yuki.

"Huh?"

"At the jeepney stop."

"Oh, siya ba yun?"

"Yes" sagot ni Yuki at tumawa. "The one who said, 'sasakay ka o sasagasaan kita?'" sambit ni Yuki habang ginagaya ang boses ni Liam.

Napatawa ako at nakita kong gumawi sa amin ang paningin ni Liam.

"And I was like, 'I told you, I can take taxi'. Honestly I was just teasing him." ani Yuki sa pagitan ng malalakas na tawa. Hindi ko maiwasang mapansin ang singkit niyang mata at ang magandang ngipin niya.

"'Shut the fvck off dude! Walang taxi dito!'. Scene maker din siya 'no?" patuloy pa ni Yuki.

"Damn! Shut up Yuki!" sambit ni Liam.

Ngumisi si Yuki at tumalim ang tingin sa kanya ni Liam.

Sandaling nanahimik ang lahat at nagawi ang mata ko sa pianong nasa tabi. Walang gumagalaw.

“Uh, excuse me.” pagpapaalam ko at dahan dahang lumakad papalapit sa piano.

Maang na pinagmasdan ko ang piano sa harap ko at marahang hinaplos pa ang piyesa nito. Makintab ang ibabaw na bahagi ng piano at halatang bago pa ito.

“You know how to play piano?” halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita mula sa likuran ko.

“Harvey…”

“I was a theater actor back in high school. I needed to learn piano for a scene and I found it fun during the process, so I pursued it.”

“Nice…”

“Sadly, it’s been months since I last played piano.”

“Why?”

“Of course, work, personal and social matters.”

“Why not play now? It’s a great chance. Para na rin hindi tayo bored.” sambit ko at ngumiti.

“You, do you play piano?”

“Uh, I do love music ever since pero music na ang umayaw sa akin.” tawa kong mahina.

“You can learn though.”

Wala man kahit na anong salita ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at ang katawan ko ay tila sumasang-ayong umupo sa tapat ng piano.

“First… be gentle. Everytime you press a key… do it with your soul.” mahinang bulong niya sa likuran ko at ramdam ko ang bawat paghinga niya sa batok ko.

Nagsimula kong ilapag ang kamay ko sa ibabaw ng bawat piyesa at huminga ng malalim. Mukhang maling desisyon pumunta rito sa piano ah.

“Second… play it with what you feel.” sambit niya at banayad na hinawakan ang kamay ko.

“If you feel happy… let your heart move your fingers and play every key.”

Sa pagbigkas niya niyon ay unti unti niyang ginabayan ang kamay ko at sinimulang laruin ang piano. Hindi ko na namamalayang nakangiti na ako habang malayang nilalaro ang piano at hawak ni Harvey ang kamay ko.

Ilang sandali na rin ang lumipas at bumalik na kami sa table. Napansin kong nakaubos na sila ng dalawang bote. Ang tatlong bote naman ay nangangalahati na. Si Lyndon ay halatang lasing na. Namumula na ang mukha nito at pansin kong nahihilo na siya. Si Dhaeny naman ay mas malala na ang kalagayan. Kung ano anong kalokohan na ang lumalabas sa bibig ng gaga at kinakailangan kong takpan ang bibig niya everytime may sasabihin siyang hindi naman dapat. Si Liam naman ay tila walang nangyari. Hindi ko alam kung equal amounts ang ininom nilang tatlo pero paniguradong marami na rin siyang nainom. Ngunit ang mga mata niya ay ganoon pa rin. Walang pinagbago. Halos hindi pa rin siya gumagalaw at nakatingin straight sa baso.

"It's enough. Wala na akong maayos na kasama." ani Liam habang magkasalikop ang kamay sa ibabaw ng lamesa.

Napangiti si Harvey at pumalakpak si Yuki.

"Still.... Our defending champion... Li-"

"Shut up." putol ni Liam kay Yuki.

"Fine."

"Let us go shall we?" wika ni Harvey at ngumiti.

Inilibot ko ang paningin ko at napangiwi ako habang iniisip kung paano iuuwi si Dhaeny. Maayos ka namang babae, pero pagdating sa inuman? Pahirap ka gurl.

Ilang minuto bago kami nakababa ng building. Inaalalayan ni Harvey si Lyndon at si Dhaeny naman ay binubuhat ni Yuki. Ako naman ay nakatingin kay Liam. Pinagmamasdan at iniisip kung paano niya nagagawang maglakad ng tuwid at parang walang kahirap hirap matapos uminom ng ganoon karami.

Nang makarating sa parking lot ay nagpresinta si Yuki na sa kotse niya na sasakay si Lyndon. Sumakay na ako sa kotse ni Harvey at katabi ko si Dhaeny sa backseat.

"Hi, Harvey... Alam mo bang hindi ko gusto si Lyndon?" wala sa sariling wika ni Dhaeny habang gegewang gewang. "Ginagawa ko yun kasi dare yun ni Cin-" hindi niya natapos ang dapat ay sasabihin niya nang takpan ko ang bibig niya.

Napangiti si Harvey.

"That liquor hits so bad." saad ni Harvey habang nakatingin sa rearview mirror.

"Tiger!" sambit ni Dhaeny out of nowhere. "Alam mo bang tiger ang tawag ko sa'yo dati Harvey?"

Tumawa lang si Harvey.

"Wild ka ba talaga? Rawr!" tuloy pa ni Dhaeny at gusto ko na lang sapuhin ang noo ko sa kahihiyan.

"W-wag mo na lang intindihin. Ang lakas nga ng tama ng alak." paliwanag ko.

"It's fine. Wait, maybe she'll be better if she's beside me. Atleast dito may seatbelt. Apologies, hindi ko pa naipapaayos iyang sa likod." saad ni Harvey na nakatingin sa akin sa rearview mirror.

"Ano bang sinasabi mo? Pa-english english ka pa!" bulyaw ni Dhaeny at nanlaki ang mata ko ng mag-dirty finger siya kay Harvey.

"Sorry. I'm taking the responsibility." paliwanag ko.

Tumango si Harvey. Ilang sandali pa ay inilipat namin si Dhaeny sa tabi ng driver seat at ako ay nasa backseat. Pahirapan pa ng una kaya binuhat na lang siya ni Harvey. Parang gusto ko rin tuloy malasing para buhatin din ako. Char.

"Let's go. Bago pa si Dhaeny gumawa ng kung anong ka-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang sumuka si Dhaeny sa lap ni Harvey.

"-babuyan... Hala, sorry... Sorry sorry..." paulit ulit na paghingi ko ng sorry.

Sandaling hindi gumalaw si Harvey at saka ngumiti.

"It's okay. Just get the shirt at the back of your seat, will you?" sambit niya at dali-dali kong iniabot ang panyo ko.

"Ito muna ang ipunas mo for the mean time. Hahanapin ko muna yung damit."

Nag aalinlangan man ng una ay kinuha niya ang panyo ko. Tumayo ako at nakayukong hinahanap ang damit sa likod ng inuupuan ko. Kinuha ko ang phone ko at ini-on ang flashlight.

"It's under the ball." pagtuturo niya.

"O-ok. Wait ito na."

"Oh, I forgot about the dumbbells wait. Ako na."

"Saan b-" nang lumingon ako ay tila tumigil bigla ang lahat.

Ilang pulgada lamang ang pagitan namin ni Harvey at walang gumagalaw sa pagitan naming dalawa. Ramdam ko ang bawat paghinga niya at ang pamumula ko.

"Oh, sorry... E-excuse me." sambit niya at tila nabuhusan ako ng malamig na tubig. Umiwas ako at umupo sa dulong part ng backseat.

Nang makuha niya ito ay bumalik na siya sa driver's seat. Nagsimula niyang punasan ang lap niya at napansin kong hindi ganoon kadami ang suka ni Dhaeny ngunit nabasa talaga si Harvey.

"May pampalit ka ba?" tanong ko habang kinakagat ang kuko ko.

"Yup. Behind there." saad niya.

"Mag palit ka muna. Ang uncomfortable naman if magd-drive ka na ganyan ang kalagayan mo. Ako muna bahala sa kaniya. Besides nakatulog na siya."

"Ok. Several minutes will do. Call her relatives too. I'll be back as soon as possible."

Tumango ako. Ini-open ko ang phone ko at naalalang wala akong contact kay Flynt. Hindi ko naman pwedeng tawagan ang parents niya dahil hindi sila okay ni Dhaeny. Kinapa ko ang phone ni Dhaeny sa bulsa niya pero wala. Halos baliktarin ko na ang bag niya ngunit puro pulbo at liptint lang ang nakita ko. Hanggang sa maalala ko kung saan siya minsan naglagay ng phone. Itinaas ko ang laylayan ng blouse niya at hindi nagkamali. Nakita ko ang phone niya na nakaipit sa waist ng jeans niya.

"Batang hamog ka talaga." bulong ko sa kaniya.

Nakuha ko man ay ilang minuto pa akong halos mabaliw sa kakaisip kung paano ko makukuha ang contact number ni Flynt. May screen lock ang phone niya at hindi ko alam. Ilang minuto akong nag iisip at sinubukan kong itanong sa kanya ngunit tinawanan niya lang ako. Hanggang sa mabuksan ko ito nang maalala kung sino ang pinagpapantasyahan niya. 'ZACH'

Nakita ko ang phone number ni Flynt at sinimulang i-dial. Ilang beses kong sinubukan ngunit pahirapan ma-contact dahil mahina ang signal. Bumaba ako ng kotse at nagsimulang lumakad. Bahagyang napalayo rin ako sa kotse dahil hindi talaga ako makahanap ng signal.

Nang makausap si Flynt ay sinabi niyang maghihintay na lang siya sa bahay at pumayag naman akong doon na siya magpalipas ng gabi. Besides, hindi ako marunong mag alaga ng lasing. Nang i-end ang call ay akmang babalik na ako sa kotse nang may mapansin na isang pamilyar na mukha.

Lumakad ako papalapit at nakita si Charlotte. May lalaki itong kasama at tumatawa pa ito. Nakatalikod ang lalaki kaya hindi ko makita ang mukha nito. Ang nakita ko lamang nakasuot ito ng white shirt at black sweat pants. Inaayos ni Charlotte ang buhok nito at inaayos ang damit. Napatingin sa akin si Charlotte at ngumiti na parang nang iinis. Maya-maya ay niyakap niya ang lalaking nasa harapan niya. Inirapan ko lamang si Charlotte at saka bumalik sa kotse.

Pagbalik ko sa kotse halos manlumo ako sa nadatnan ko. Nakaupo si Dhaeny sa flooring ng kotse at ang buong upuan sa backseat ay puno ng suka niya. Napapikit ako sa inis at napakamot sa ulo.

"Sa'n ka ba galing?! Hinahanap kita akala ko nasa ilalim ka ng upuan." sambit ni Dhaeny habang unti unting napapapikit.

Napabuntong hininga na lang ako at saka dali daling humanap ng kung anong maipang pupunas sa bag ni Dhaeny. Tanging tissue lang ang nakita ko kaya no choice na. Pinunasan ko ang backseat habang si Dhaeny ay sumasayaw ng arimunding sa tabi ng driver's seat. Iniwan kong bukas ang pintuan ng kotse para hindi makulob ang amoy.

Nandidiri man ay tuloy tuloy kong pinunasan iyon bago pa man dumating si Harvey. Alam kong hindi ko maitatago iyo kay Harvey pero atleast mabawasan ko ang kahihiyan. Halos ubusin ko ang perfume ni Dhaeny para hindi mangamoy ang suka niya.

"Sorry natagalan. Nasukahan din pala ang polo ko. I had to buy in a nearby clothing store." rinig kong wika ni Harvey habang patuloy kong pinupunasan ang upuan.

Hindi ko nagawang lingunin agad siya dahil nahihiya ako sa ginawa ni Dhaeny.

"Uh... Y-yung backs-seat... Nasu-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita si Harvey na nakatayo sa tabi ng kotse. Nakasuot ng white shirt at sweat pants.

Nanlaki ang mata ko at napalunok ako.

"N-nasukahan din ni Dhaeny yung back seat. Sorry. Lilinisin ko na lang bukas."

"Oh... P-paano iyan?" sagot niya.

"Uh... Sorry... Sorry talaga. Lilinisin ko iyan promise. Kahit magbayad din kam-"

"No, hindi yun. S-saan ka uupo?"

"Uh... I'll commute."

"What? It's twelve midnight. Wala nang biyahe dito."

"Me...ron naman... Siguro."

"Wait. I'll call Yuki. Oh, maaga siya natutulog. Liam perhaps."

Hindi na ako nakapagsalita at dali dali siyang nag dial. Ilang sandali pa kaming naghintay at dumating na si Liam. Kulay itim rin ang kotse niya pero matte. Open ang taas nito at wala halos tunog.

"Better if ikaw ang sa kaniya sumakay. Tulog na si Dhaeny, mahirap na siya palipatin."

"Saka baka ipapaslang tayo ni Liam kapag nasukahan ni Dhaeny kotse niya." dugtong ko pa.

Ilang saglit lang ay nakita ko ang sarili ko na nakaupo sa tabi ni Liam. As usual, hindi siya nagsasalita. Nasa likuran kami nina Harvey at para kaming chaperone. Napatigil kaming bigla nang itigil ni Harvey ang kotse niya. May lumapit na babae at nagbeso sa kanya... Si Charlotte.

Natigilan ako at halata ang pagiging uncomfortable ko. Naluluha ako hindi ko alam kung dahil ba malakas ang pagsalubong ng hangin dahil open ang ibabaw ng kotse o nagseselos ako kay Charlotte at Harvey.

"Jealous..." rinig kong bulong ni Liam sa hangin.

"Ako?"

"No. The one sitting behind." sarcastic na sagot niya.

"Hindi ako nagseselos. Ang lakas kasi ng hangin. Open kasi ang ibabaw."

"Don't make me laugh. Kanina ko pa isinara ang ceiling ng kotse."

Napatingala ako at nakitang sarado na nga ang ibabaw ng kotse. Napapikit akong mariin.

"We may be living in the same world, sometimes our paths may even cross. But we have a whole different stories." saad niya habang nakatingin straight sa kalsada.

"Huh?"

"I have my story and you have your own."

"So…?"

"Hindi mo alam ang story ko at hindi ko alam ang story mo. But pareho tayong tao, alam nating lahat kung ano ang selos at anong nangyayari sa katawan natin involuntarily kapag nagseselos tayo."

"Hindi ko gets." nakangising sagot ko.

"I don't wanna talk to dumbs." saad niya at napatahimik ako.

Hanggang sa makarating sa bahay ay hindi na ako nagsalita. Baka masabihan pa ng salitang mas masakit sa dumb. Tss.

Nang makarating ay sinalubong kami ni Flynt at idiniretso niya si Dhaeny sa kwarto ko. Ako naman ang humarap kina Harvey at Liam upang magpaalam. Hanggang sa makaalis sila ay hindi ako tumigil sa paulit ulit na pags-sorry kay Harvey.

Nagkape kami together ni Flynt sa kusina. Ang kape niyang tinawag niyang CofFlynt ay normal na kape ngunit nilagyan niya ng peanut butter. Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Hindi siya tumigil sa kakatawa dahil sa kagagahan ng pinsan niya.

Dahil hindi ako makatulog dahil hindi pa rin ako maka-move on sa mga kaganapan ngayong gabi ay lumabas ako sa front yard. Humiga ako sa damuhan at ginawang unan ang mga kamay ko. Nakatitig lang ako sa mga bituin at hindi mapigilang mapangiti. Sobrang saya ng gabing lumipas. Pakiramdam ko ay mas lalo namin nakilala ang isa't isa. Dagdag pa ang katotohanang nakita ko ulit si kuyang naka-red sa plaza.

Bumuntong hininga ako.

"Ang baho naman." nagulat ako nang may biglang magsalita.

"Grabe naman. Buntong hininga lang yun hindi utot."

"Joke lang." sagot ni Flynt na nakangiti at humiga rin sa tabi ko.

Ilang sandali walang nagsalita sa oagitan namin ni Flynt. Pareho lamang kami nakatingin sa nga bituin. Rinig ko ang bawat paghinga niya dahil sa katahimikan.

"Kakaiba..." usal niya.

"Ang alin?"

"Ang lahat."

Hindi ko na siya inintindi at dinapuan na ako ng antok. Hindi na ako nag abala bumangon at doon na lamang sana matutulog nang may lamok na kumanta sa tainga ko. Bumangon ako at saka inaya si Flynt pumasok sa bahay.

Nang makaakyat ay pinapasok ko siya sa kwarto ni papa para doon matulog. Sa sobrang antok ko na ay gegewang gewang akong lumakad. Nagtaka ako nang biglang may mapansin akong nakabukas na ilaw sa pinakadulo. Ang science lab ni papa. Hindi ako nagagawi doon since umalis sila kaya hindi ko alam kung nakabukas ba ang ilaw noon pa o may nagbukas nito. Tila nagising ang diwa ko. Dali dali kong ini-on ang phone ko at tinawagan si papa. Ilang sandali ay sinagot niya ito. Naluluhang tinanong ko siya.

"Pa, why did you lie?"

Related chapters

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWELVE

    CHAPTER TWELVE"Pa, why did you lie?"Hindi ko na napigilan ang sarili ko na akusahan si papa kahit hindi ko pa naman nasisigurado kung nagsisinungaling nga siya. Nagsisi ako nang una ngunit naisip ko rin na may posibilidad na mahuli ko siya kung sakali.Narinig ko ang mabibigat na paghinga ni papa mula sa kabilang linya."Pa, sagutin mo ang tanong ko." wika kong muli nang naramdaman kong wala siyang balak magsalita."Uh..." sagot mula sa kabilang linya."Pa, ayoko sanang makarinig ng anumang kasinungalingan pa.""C-cindy, anak...""Tell me Pa, nasa'n ka?""P-pwede bang bukas na lang tayo mag usa-""Bakit pa kailangan ipagpabukas Pa?"Sandaling tumahimik ang paligid. Rini

  • Cut Our Silver String   CHAPTER THIRTEEN

    CHAPTER THIRTEEN"Sorry Pa." saad ko habang nakayuko."Don't be. It was my mistake. I lied." sagot niya at hinawakan ang kamay ko."Natakot lang talaga ako. Losing mom and Candice is traumatic enough para pagbawalan ka to search for the cure.""Naiintindihan ko. I know everything you acted that night was reasonable. Afterall ako ang dapat mag sorry.""No. I understand you as well.""Thank you.""And Pa, hindi na ako makikialam kung gusto mo gumaling at tapusin ang bipartite souls case mo. Just promise me one thing.""Anything Cindy." papa answered teary eyed. I could see his desire to be cured and that broke me inside.&nbs

  • Cut Our Silver String   CHAPTER FOURTEEN

    CHAPTER FOURTEENSi Charlotte? Anong ginagawa niya rito?Sa halip na dumiretso ay hindi na ako lumakad pa. Hindi ko nagawang ihakbang ang mga paa ko. Tila naistatwa ako sa mga nasaksihan ko. Nang lalakad na sila patungo sa direksyon ko ay awtomatikong tumalikod ako at patakbong umalis. Nahihirapan man ako tumakbo nang dahil sa sapatos ko ay pinilit kong marating ang papasarang elevator. Mabuti naman at nakaabot ako at nagsara na ito. Dahil sa fifth floor lang naman ang office ko dahil ang assigned ward sa akin ay dito rin, mabilis akong nakababa sa ground floor. Patakbong lalabas sana ako nang harangin ako ni Yuki."Oh, wait. Akala ko ba sabay na lang kayo ni Harvey pauwi?”"Uh, oo. Hihintayin ko na lang siya sa labas." palusot ko ngunit ang plano ko ay mauuna na akong umuwi."O...k? Ang akala ko kasi sabay na kayo bababa?

  • Cut Our Silver String   CHAPTER FIFTEEN

    CHAPTER FIFTEEN"She's tita Elize. Liam's mom.""Huh?" tanong ko dahil parang hindi maabsorb ng utak ko ang sinabi ni Harvey."She's Liam's mom." ulit niya pa.Hindi ako nakapagsalita kaagad. Parang hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya."Kaya ayaw na ayaw niyang sumama rito." sambit niya pa ngunit hindi na ako nakatingin sa kaniya. Nakatulala lang ako at pilit isinisiksik sa kapiraso kong utak ang sinabi niya."Idinahilan niya lang ang work niya but the truth is, ayaw niyang sumama dahil ayaw niyang makita ang mom niya." paliwanag pa ni Harvey."B-bakit?" naguguluhang tanong ko."I think I am not the right person to tell you that."Ilang minuto akong nakatulala at nagising lang ang diwa ko nang magsalita ang pasyente ko.

  • Cut Our Silver String   CHAPTER SIXTEEN

    CHAPTER SIXTEEN"I missed you..." saad niya.Hindi naman ako nakapagsalita at halos hindi rin ako kumukurap dahil sa pagkagulat. Sabay kaming napaubo at napatakip ng ilong at bibig nang may dumaang jeep at napunta sa direksiyon namin ang usok."Cindy..." pagtawag niya sa pangalan ko. "P-pakihipan naman ang mata ko. Parang napuwing ako. Kani-kanina ko pa napapansin eh." saad niya.So kaya pala siya parang naluluha? Napuwing lang Cindy, 'wag malisyosa. Bahagyang nag-bend down si Flynt para maging kalevel ko siya at ibinuka ang mata niya."H-hihipan ko na ba?"Tumango naman siya at napansin kong mas dumami ang luha indikasyong sumasakit pa ang mata niya kaya kailangan ko na hipan. Tumingkayad akong kaunti dahil mas mataas pa rin siya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at ramdam ko ang bawat paghinga niya.

  • Cut Our Silver String   CHAPTER SEVENTEEN

    CHAPTER SEVENTEEN"Anong ginagawa mo?!" nagising ang diwa ko mula sa napakalakas na bulyaw ni Dhaeny mula sa kusina.Mula nang makita ko si Zach na pinapanood kami ni Flynt ay hindi pa kami nagkakaroon ng maayos na pag-uusap. Naging awkward din ang bawat paggalaw naming dalawa sa tuwing nagkakalapit ang isa't isa. Madalas ay ngingiti lang siya saka aalis. Hindi rin kami nakijoin masyado sa party kagabi. Kinausap ko naman si Flynt at sinabing hindi ako handa at hindi pa nags-sink in sa utak ko ang ginawa niyang confession. Wala naman daw problema tungkol doon at nirerespeto niya ang desisyon ko.Literal na napatakbo ako papuntang kusina dahil sa sigaw ni Dhaeny. Nadatnan kong nakatalikod sila ni Flynt parehas at nakaharap sa lababo. Nakaapron si Flynt at as usual wala siyang damit pang itaas. Si Dhaeny naman ay nakapajama pa rin. Alas onse na ng umaga pero mukhang kagigi

  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHTEEN

    CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong

  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINETEEN

    CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will

Latest chapter

  • Cut Our Silver String   EPILOGUE

    EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FIVE

    CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FOUR

    CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY THREE

    CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY TWO

    CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY-ONE

    CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY

    CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S

  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINETEEN

    CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will

  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHTEEN

    CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong

DMCA.com Protection Status