Home / Romance / Cut Our Silver String / CHAPTER EIGHTEEN

Share

CHAPTER EIGHTEEN

Author: ViKnows
last update Last Updated: 2021-12-07 22:16:41

CHAPTER EIGHTEEN

ZACH'S BACKSTORY

THIRD PERSON P.O.V.

"Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa.

"Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.

Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya.

"S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha.

"Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity."

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" nanginginig na tanong ng babae. Hinagod naman niya ang likod ng batang kaniyang katabi saka binulungan, "Huwag ka matakot Zach. Kasama mo ako anak."

Tumango naman ang bata at nagbuntong hininga.

"Sexual perplexity is a rare condition. How rare? One every five million people suffers with this case. Kapag ang isang tao po ay nagkaroon ng sexual perplexity, anuman ang kasarian niya physically, he'll develop the opposite. Let's say for example, your son is born with the body obviously for male, but since mayroon siyang sexual perplexity, he'll develop things that are not ought to develop, things only for female. Lahat po iyon ay madedevelop niya unconsciously." paliwanag nito.

"D-dok b-baka naman po nagkakamali kayo?" utal na sambit ng ina ni Zach.

"Why don't you let him finish first?" walang emosyong tanong ng asawa niya at tiningnan siya ng matalim.

"So as I was saying, ang isang taong may sexual perplexity ay unti-unting made-develop ang characteristics ng opposite sex unconsciously. So, asahan niyo po na habang lumalaki ang anak niyo, magkakaroon siya ng mga bagay na hindi naman dapat. Kagaya ng mga katangian na pang kababaihan. May cases na magkakagusto siya sa kapwa niya lalaki. At some point mamamalayan niyo na lamang po na ginagawa niya na ang mga gawaing pang babae."

"You mean bakla ang anak ko?!" tanong ng lalaki at halos mag apoy na ang mga mata nito. Napansin ito ng doktor kaya ngumiti ito para pakalmahin siya.

"Not necessarily gay ang anak niyo." paliwanag niya. "Everything na gagawin niya ay in manly way. Hindi niya ito gagawin dahil iyon ang gusto niya hence, the sexual perplexity itself pushes him to do so. Kagaya nga ng sabi ko, unconsciously. Wala po siyang kasalanan anuman ang gawin niyang kakaiba, it's the sexual perplexity taking over him."

Napasapo sa noo ang lalaki at napapikit sa inis.

"M-may magagawa naman po tayo dok tama ba?" kinakabahang tanong ng babae.

"Yes po. Actually he'll just have to take regular medications. May ite-take siyang maintenance but please be patient sa mga side effects. Since the medicine tries to penetrate his hormones, his growth, mentality, emotions and some more aspects will be affected. There'll be times na mags-suffer siya sa breakdowns. Minsan may malalang mood swings and all."

"Thanks dok." nakangiting sambit ng babae.

Tumango naman ang doktor. "One more thing, your constant counseling and psychotherapy will also help him a lot."

Walang ano -ano'y biglaang tumayo ang lalaki at bakas sa mukha nito ang matinding galit. Ang babae naman ay hindi magkandamayaw sa pagkapit sa asawa niya at kinakabahan sa ano mang maaaring gawin ng nito.

"We'll be going then. Thank you dok." walang emosyon at labag sa kaloobang sambit ng lalaki saka dali daling lumabas.

Napakalakas ng kalabog ng pintuan dahil sa malakas na pagkakabagsak nito mula sa kamay ng lalaki.

"Zander huminahon ka." paghabol ng babae sa asawa niya.

Nagtitinginan na ang mga tao sa paligid sa ginagawang eksena ng pamilya. Malakas ang tunog na nagmumula sa sapatos ni Zander at ang iyak mula sa batang si Zach.

"Bitawan mo ako Martha." galit na usal nito at pabagsak na inalis ang pagkakahawak ng asawa niya sa mga kamay niya. "Sa bahay na tayo mag usap." pagkabitaw ng mga salitang iyon ay mabilis na lumakad si Zander at naiwan ang mag-ina.

"Zach pumasok ka muna sa kwarto mo." bulong ni Martha at pinawi ang mga luha ng anak niya bago sumunod kay Zander sa kabilang kwarto.

Ngayon ay nandito na sila sa bahay at mas lalong nag-init ang galit ni Zander. Lumabas na ang galit na kanina niya pang kinikimkim. Sa halip na pumasok sa kwarto ay inilapit ni Zach ang ulo niya sa pintuan at pilit pinapakinggan kung ano ang nangyayari sa loob.

"Zander kumalma ka. Pakiusap, nandiyan ang mga anak mo. Please." natatarantang saad ni Martha.

"Kumalma?! Bakla ang anak mo!"

"Zander nakikinig ka ba?! Malinaw ang sinabi ng doktor. May sakit ang anak mo."

Napahilamos sa mukha si Zander at pumikit sa sobrang galit.

"Nag iisip ka ba?! Martha ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa pamilya natin kung bakla ang anak natin?!"

"Ano ba Zander?! Baka marinig ka ng anak mo! Hindi mo ba naiintindihan? Walang kasalanan si Zach. May sakit siya! May sakit siya... May sakit siya." saad ni Martha at bumagsak siya sa sahig dahil hindi niya kinaya ang mabigat na emosyon.

Dahil sa mga narinig ay bumuhos ang luha ni Zach. Tahimik siyang lumuluha habang pinakikinggan ang pag-aaway ng kaniyang magulang.

"Hindi ko na alam Martha! Isang taon, kapag hindi ko nakitang nagbago ang kilos niya dahil sa mga gamot, itatakwil ko iyan!" sambit ni Zander at dali-daling tinalikuran si Martha na naiwang humahagulhol.

Sandaling napatigil si Zander nang makita ang anak na si Zach sa pintuan. Tiningnan siya nito ng puno ng takot at sakit ngunit hindi siya nagpakita ng kahit kaunting awa.

Mabilis na tinakbo ni Zach ang distansiya mula sa bahay nila papunta sa pinakadulong kalye. Kung saan walang makakakita sa kaniya, kung saan walang makakarinig ng pag iyak niya at tanging mga b****a ang kasama.

Umiyak nang umiyak sa pinakadulo ng kalye si Zach. Nakaharap siya sa isang pader at pinagbabato niya ng bato ang pader. Ramdam niya ang kalungkutang hindi dapat nararanasan ng isang labing isang taong gulang na batang katulad niya. Napatigil siya at napalingon nang may marinig na humahagulhol rin mula sa di kalayuan.

Tumayo siya at nagsimulang ayusin ang sarili. Pinahid niya ang luha at huminga ng malalim. Naglakad lakad siya at napatigil nang makita ang isang batang lalaki na nakasubsob sa mga tuhod niya at hindi maawat sa pag iyak.

"U-umiiyak ka rin?" tanong ni Zach habang lumalapit sa bata.

"Halata ba? Nilalakasan ko nga para marinig mo eh." sagot nito at nagtunghay.

"Nilalakasan?"

"Narinig ko kasi na may umiiyak kanina kaya umiyak din ako. Nilakasan ko para marinig mo ako. Kasi kapag narinig mo na may umiiyak nang mas malakas sa'yo, mapapatigil ka." paliwanag ng bata at ngumiti.

Mukha namang naguluhan si Zach at hindi nakapagsalita.

"Effective 'no? Ang galing 'no? Napatigil kita." ngumiti muli ang batang lalaki.

"Medyo." tipid na sagot ni Zach.

"Ako si Flynt." sambit nito at iniabot ang kamay niya. "Carl Flynt. Pero mas gusto ko Flynt ang tawag sa akin, parang hindi kasi bagay sa akin yung Carl."

"Zach." sagot niya at nakipag kamay.

"Bakit ka ba umiiyak? Nawawala laruan mo? Tara, hanapin natin." sambit ni Flynt at tumayo.

Umiling naman si Zach.

"Ano? Hinabol ka ng aso?"

Umiling muli si Zach.

"Wala na ako maisip na dahilan eh. Yun lang ang mga dahilan kung bakit ako umiiyak minsan." kumakamot sa ulong wika ni Flynt.

"Hindi mo maiintindihan."

"Huh?"

"Basta. Teka, nakauniform ka pa. Bakit nandito ka?"

"Uuwi rin naman mamaya eh. Kaya nauna na ako." tawa ni Flynt at natawa namang mahina si Zach.

Ilang buwan ang nakalipas at namuhay si Zach nang tila hindi normal na bata. Napapansin na rin ng ina at mga kapatid niya ang epekto ng mga gamot niya. Kung minsan ay bigla na lamang niya ihahagis ang mga baso o hindi naman kaya ay pupunitin ang kung ano anong papel at ikakalat. Hindi naging madali para sa ina niya ang lahat. Nasasaktan siya sa tuwing makikita ang anak niya na mawawala sa sarili ngunit natatakot siyang itakwil siya ng kaniyang asawa kung ititigil niya ang medication at hayaang lumala ang sexual perplexity ni Zach.

"Happy birthday ho mayor." nakangiting sambit ni Zander at kinamayan ang isang lalaki.

"Salamat sa pagpunta attorney. Hindi ko inaasahan ang presensiya ng pinakabinabayarang abogado ng bayan sa aking kaarawan." sagot nito.

"Wala hong ano man. Kayo pa ba?" saad ni Zander at saka tumawa.

Naupo sila sa pinakamalaking lamesa at nagkaroon ng mahabang pag uusap. Sa tuwing mababanggit ang tungkol sa anak niya ay ngingiti lang siya at iibahin ang usapan.

"Attorney Zander... Yung anak niyo po..." natatarantang sambit ng babae nang lumapit ito sa kanila.

"What about my son?"

"Inaway po niya yung anak ni mayor."

"Natural lang naman sa bata ang mga maliit na away. Wala naman sigurong dapat ipag-alala" pakisali ni Mayor at ngumiti.

"Uh mayor, sinasabunutan na po ng anak ni attorney Zander ang anak niyo."

Dali-daling lumapit sila sa mga bata at inawat ang mga ito. Hindi matigil sa pag-iyak ang batang babae at si Zach ay tila galit na galit. Nalaman nilang nakikipaglaro lamang si Zach nang una hanggang sa magtalo sila at magkasakitan.

"Hindi ho ba’t siya ang anak niyo?" tanong ng babae.

"Bakla ba ang batang iyan?" bulong ng isang babae.

"Bakit nakikipag away sa babae?" ika pa ng isa.

"Anak pa ni mayor. Naku sino ba iyan?" bulong na naman ng isa.

Sandaling tinitigan ni Zander ang anak niya. Batid niyang epekto ito ng sakit ng anak niya ngunit hindi niya matanggap ang nagawang kahihiyan. Pumikit siyang mariin at bumuntong hininga.

"Tara na ho mayor. Hindi ko po kilala iyan, wala rin po akong anak na bakla." matapos sabihin iyon ay tinapunan niya na lamang ng isang tingin si Zach bago tumalikod at lumakad palayo.

Si Zach naman ay naiwan sa gitna ng kahihiyan. Pinagtitinginan siya ng tao at hindi niya alam ang gagawin.

"Ano ka ba naman Zander? Ilang beses ko bang sasabihin at ipapaintindi sa iyo? May sakit si Zach." sambit ni Martha habang humahagulhol.

"Darn! Alam ko! Hindi mo kailangan isuksok sa kokote ko iyan! Pero hindi ko sasaluhin ang lahat ng kahihiyan niya!"

"Zander naman. Parang awa mo na. Bakit ka ba ganiyan? Hindi mo naman kailangan umalis. Huwag mo naman kami iwan." pagmamakaawa ni Martha.

"Saka na lamang ako babalik kapag matino na iyang anak mo!"

Anumang pagmamakaawang gawin ni Martha ay hindi nagpapigil si Zander. Hindi naman maiwasang sisihin ni Zach ang sarili niya kung bakit umalis ang ama niya. Naging napakahirap para kay Zach ang mabuhay sa araw araw. Unti-unti siyang pinapatay ng insecurities at pagsisisi sa bagay na hindi naman niya kasalanan.

Isang taon, dalawa at tatlo pa, pinilit tatagan ni Zach ang loob niya. Madalas mang panghinaan ay nag-aral siya sa normal na paaralan. Namumukod tangi siya, siya lamang ang batang lumaki na walang kaibigan. Kumakain mag-isa, umuuwi mag-isa at ginagawa ang lahat nang walang kasama. Lumaking may magandang pigura, makapal na kilay, magandang hubog ng ilong at hulmang labi. Pati ang magandang tikas ay hindi maitatanggi, at ang magandang mata na hindi maitago ang matinding lungkot at pangungulila. Marami ang napapaibig sa kaniya at namamalimos ng atensyon ngunit sa tuwing malalaman ang sitwasyon niya ay walang pagdadalawang isip na lalayuan siya.

"Akala mo mapapaniwala mo ako sa pekeng id mo? Hindi pwede ang mas bata sa diseotso dito. Umuwi ka na lang. Bumalik ka kapag nasa tamang edad ka na." sambit ng isang bouncer at tumawa. Nakipag-apir pa ito sa kasama niya bago tumingin ulit kay Zach.

"Mukha ba akong nagsisinungaling? I told you, nineteen years old na ako. Here's my valid id." sambit ni Zach at ipinakita ang isang id.

"Nagpapatawa ka ba?" seryosong tanong ng malaking lalaki.

Napatingin naman si Zach sa hawak niya at nanlaki ang mga mata niya nang makita na school id ang hawak niya.

Damn! What am I doing?

"Why? Pwede namang mag aral kahit nineteen years old na ah." maangas na sagot ni Zach.

"Ano ba talagang akala mo sa amin? Tanga? Umuwi ka na lang totoy at bumili ka ng softdrinks." sambit ng lalaki na para bang inaasar si Zach.

Napakuyom ang kamao ni Zach at napansin iyon ng bouncer.

"Maangas ka talaga 'no? Pasensya ka nasibak yung dating bouncer na nagpapapasok ng menor. Hindi kami nagpapabayad e." wika ng bouncer.

Tumalikod si Zach at animo'y hindi nakapagpigil. Mabilis pa sa alas kwatrong tumama ang nag aapoy niyang kamao sa mukha ng bouncer na bumagsak sa rin naman agad sahig. Tinapunan ito ng isang tingin ni Zach at isang smirk ang iniwan niya bago umalis.

Kisame ang bumungad sa paningin ni Zach nang magmulat siya ng mata. Kumikirot ang ulo niya at malabo pa ang paningin dahil sa matagal na pagkakatulog. Nagpalinga linga siya at hindi niya matukoy kung nasaan siya.

"Oh 'wag ka muna bumangon." tinig ng isang lalaki ang narinig niya dahilan para mapalingon siya.

Nakita niya ang isang lalaking pamilyar ang hubog ng mukha ngunit hindi niya matukoy kung sino. Nakasuot ito ng apron at walang damit pang itaas. Napahawak si Zach sa likod niya nang maramdaman ang pagsakit nito.

"Sinabi kasing 'wag kang bumangon. Ang likot mo kasi." sambit ng lalaking naka apron at lumakad papalapit kay Zach.

"Nasaan ako?" naguguluhang tanong ni Zach.

"Wala ka sa teleserye. Gasgas na iyang line na iyan kapag nagigising sa ibang bahay." biro pa ng lalaki.

"Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo." seryosong saad ni Zach.

"Tapang mo na ngayon ah. Ayos yan." nakangiting sambit ng lalaking nakaapron. "Dati umiiyak ka pa sa tabi ng basurahan." tawa pa nito.

"Ikaw? Yung batang gaya-gaya?"

"Batang gaya gaya? Flynt pangalan ko sira."

"Carl?"

"Ayoko nga ng pangalan na iyan."

"Carl?" ulit pa ni Zach.

"Okay lang. Hindi kagaya dati, medyo hindi na big deal sa akin iyon. Basta close ko ang mga tumatawag sa akin." sambit ni Flynt habang tumatango.

"Flynt?"

"Akala ko ba Carl tawag mo sa akin?"

"Close ba tayo?"

"Hmm, sa tingin ko. Araw-araw nga kita sinusundan eh."

"You're stalking me?"

"Hindi naman stalk." depensa ni Flynt.

"Ano?"

"Sa tuwing makikita ko kasi ang mga mata mo, kitang kita ko ang lungkot. Ayaw ko pa naman ng may nalulungkot. Kaya sabi ko sa sarili ko hindi kita lulubayan hangga't may lungkot sa mata mo." paliwanag ni Flynt.

"You don't have to. Clown ka ba at gusto mo lahat masaya?"

"Hindi naman. Ang sarap lang sa pakiramdam na lahat ng tao sa paligid mo masaya." saad ni Flynt at ngumiti. "Somehow helpful though. Kung hindi kita sinundan kahapon e'di nabugbog ka na ng mga kumag na bouncer."

"Binugbog?"

"Hindi ba obvious? Sa dami ng pasa at galos mo nagdududa ka kung nabugbog ka? Ano sa tingin mo dahilan niyan nadapa ka habang nakikipaglaro ng taya-tayaan?"

"Tarantado talaga yung bouncer na yun. Kabago bago, feeling maangas. Upakan ko iyon e." sambit ni Zach at bakas ang galit sa kaniya.

Natawa si Flynt at napatingin sa kaniya si Zach.

"Anong nakakatawa?" tanong ni Zach.

"Uupakan mo ba talaga sila?" natatawang tanong ni Flynt. "Kaya pala kagabi hindi ka maawat sa pagsabunot at pagsampal dun sa bouncer."

Nanlaki ang mga mata ni Zach at hindi nakapagsalita.

"Mabuti na lang at tropa ko yung mga guard dun."

Hindi na umimik si Zach. Paulit ulit niyang iniisip kung sasabihin niya ang tungkol sa sakit niya o hindi. Sa huli, ipinagkibit balikat na lamang niya ito at kagaya ng lagi, hinayaang isipin ni Flynt ang gusto niyang isipin.

"Uminom ka muna riyan. Saglit at ikukuha kita ng pagkain." sambit ni Flynt saka umalis.

Wala man sa kagustuhan ni Zach ay inabot niya ang baso at isang pitsel ng juice sa lamesa.

Bakit brown?

Ibinuhos niya ang laman ng pitsel at sandaling tinitigan ang baso. Sinimulan niyang uminom ngunit bago pa man lumapat ang juice sa lalamunan niya ay naibuga niya ito dahil sa lasa.

"Apple juice with dalandan." sambit mula sa labas ni Flynt.

"Apple at dalandan? Burara." sagot ni Zach.

"Burara!? Hoy favorite ko iyan! Next sa orange with grape." nakangiting usal ni Flynt.

"Ano iyan?" tanong ni Zach at napatingin si Flynt sa dala niyang tray.

"Pagkain."

"Natural. Nakikita ko."

"Ba't nagtatanong ka?"

"Istupido, anong pagkain iyan?" saad ni Zach at tumawa si Flynt.

"Specialty ko." nakangising sagot ni Flynt. "Adobo."

"Whatever."

Iniabot ni Flynt ang pagkain at tila gutom na bwitreng sinunggaban ni Zach ito. Nakapikit pang isinubo ni Zach ang kutsarang may lamang kanin at karne ngunit bigla niya rin itong iniluwa.

"Oh, bakit? Bahaw naman iyan ah. Bakit ka napaso?" tanong ni Flynt.

"Tanga hindi ako napaso." sagot ni Zach. "Ang tigas nung karne."

"Pero mas matigas ang ngipin mo. Okay na iyan, makakagat mo naman."

"Burara ka talaga."

"Ano na naman bang burara? Specialty ko iyan." singhal ni Flynt.

"Hilaw pa."

"'Wag ka na magreklamo, mahal ang gasul kaya hindi ko na hinintay maluto."

"Burara na kuripot pa." bulong ni Zach.

"Ano iyon?"

"Wala. Ang sabi ko, kung hindi lang ako gutom, hindi ko ito pagti-tiyagaan."

"Gusto mo ba iluto ko? Nakakahiya naman, first time mo kumain ng adobo ala Flynt."

"No need. Aalis na ako." sambit ni Zach at inilapag ang pagkain.

Tumayo siya at inayos ang damit. Akmang aalis na siya nang pigilan siya ni Flynt.

"Oh, teka."

"Hindi mo na ako mapipilit kumain niyan kaya bitawan mo ako."

"Sira, hindi kita pipilitin. Sasabihin ko lang sana na ibalik mo yung damit ko 'pag nalabhan mo na. Iilan kasi mga damit ko eh." ani Flynt at kumamot sa ulo.

Napatingin naman si Zach sa sarili niya at sinuri ang kasuotan. Ngayon lamang niya napansin na hindi kaniya ang suot niya. Hindi siya nagsalita at sandaling tumigil. Bigla naman niyang binanat ang garter ng suot niyang shorts at sinilip ang loob.

"B-bakit pati brief ko iba?!” naguguluhan at natatarantang tanong ni Zach.

Ngumisi naman si Flynt.

"Malamang. Pinalitan ko, napaihi ka ata sa takot kagabi nung binubugbog ka." natatawang saad ni Flynt.

"Shit. You mean nakita mo?"

"Natural! Alangan naman mag blindfold pa ako."

Napasapo si Zach sa noo niya at nilamukos ang mukha.

"Don't worry, hindi ko hinawakan." nakangising saad ni Flynt.

"What the heck?!"

"Just took a picture of it." wika pa ni Flynt at nanlaki ang mata ni Zach. "Biro lang. Aanhin ko naman iyon?"

"Shut up."

“Cute nga eh. Parang-“

Dali-daling umalis si Zach at iniwan si Flynt. Umuwi siya at pabagsak na humiga sa kama. Nag buntong hininga siya at hindi makapaniwala sa lahat ng nangyari. May taong nagmalasakit sa kaniya at iniisip ang nararamdaman niya. Taong gusto na makita siyang masaya at walang lungkot sa mata.

"Here." saad ni Zach at iniabot kay Flynt ang isang supot.

"Ano 'to?" tanong ni Flynt habang nakatayo sa pintuan.

"Ba't hindi mo buksan?"

Binuksan ni Flynt ang supot at nakita ang mga damit niya na isinuot ni Zach last time.

"Salamat." sambit ni Zach at ngumiti.

"Maliit na bagay." saad ni Flynt at ngumiti.

"Here." sambit pa ni Zach sabay abot ng isang kahon.

"Ano 'to?"

"Ba't 'di mo buksan?" sagot ni Zach.

Binuksan ni Flynt ang kahon at nakita ang tambak ng damit. Nang magtunghay si Flynt kay Zach ay ngumiti si Zach.

"Sa akin 'to?" tanong ni Flynt.

"Wala ka sa teleserye. Gasgas na iyang line kapag binibigyan ng gamit." sambit ni Zach at ngumisi.

"Whoa, my curse backfired." tawa pa ni Flynt. "Salamat dude." tuloy pa niya at tinapik ang balikat ni Zach.

"Maliit na bagay." sagot nito at ngumiti.

Naging madalas si Zach sa bahay ni Flynt. Mas lalo silang nagkakilala at nalaman ang mga bagay bagay tungkol sa isa't isa. Kung minsa'y sa bahay pa ni Flynt natutulog si Zach. Si Flynt ang kaisa-isang taong binigyan siya ng atensyon at inunawa siya. Siya rin ang kaisa-isang pinaglagakan ng tiwala ni Zach.

"Really?! Bakit hindi mo agad sinabi?" gulat na tanong ni Flynt kay Zach habang naghihiwa ng papaya.

"Syempre natatakot ako." nakayukong saad ni Zach.

Hindi naging madali para kay Zach ang lahat. Matagal niyang pinag-isipan kung dapat na nga ba niyang sabihin kay Flynt ang tungkol sa kaniyang sexual perplexity. Ilang araw siyang balisa sa kaiisip kung ano ang mga maaaring maging reaksyon at kung anong maaaring mangyari kung malaman ni Flynt ang tungkol dito.

"Natatakot? Anong point kung matatakot ka?" sambit ni Flynt at hinawakan ang kamay ni Zach.

"Natatakot ako kasi lahat ng taong sinabihan ko about it nilayuan ako. Kung minsan hinahayaan ko na lang isipin ng mga tao kung ano ang gusto nilang isipin, hindi na ako mag aabalang magpaliwanag. As if they'll listen."

"Naiintindihan ko. It'll be hard on both sides. Mahirap para sa iyo ang mag paliwanag at mahirap din para sa amin ang paniwalaan ka. Pero at the end of the day, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan."

Tumango naman si Zach at ngumiti.

"Just let people leave if they want to. It's their choice. But please, don't beg them to stay, ikaw lang ang magmumukhang kawawa." saad ni Flynt at nagsimulang mamuo ang luha ni Zach. "But you know what, if a person knows all your flaws and chose to stay, treasure them. They are the real ones." tuloy pa ni Flynt at hindi na napigil ang pagpatak ng luha ni Zach. "We are the real ones."

Hinawakan ni Flynt ang kamay ni Zach at pinatatag ang loob niya.

"Saglit lang. Hahaluin ko lang yung niluluto ko." sambit ni Flynt at tumayo.

"You don't have to stir it every once in a while. Hindi lahat ng niluluto dapat laging hinahalo. Certain dishes requires-"

"Wait. Marunong ka magluto?" putol ni Flynt.

"I'm an incoming culinary student. My sister used to teach me. Kaso isinama siya ni dad when he left."

"Oohh, so nagiging katawa-tawa lang pala ako everytime na magse-serve ako sa'yo ng pagkaing palpak?" natatawang tanong ni Flynt.

"No. I don't want to laugh at people's mistakes. I tend to teach them instead."

"T-tuturuan mo ako?"

"Why not?" sagot ni Zach at ngumiti.

Sinimulang turuan ni Zach si Flynt sa pagluluto. Mas lalong napadalas ang pagpunta ni Zach sa bahay ni Flynt at naging mas malapit sila sa isa't isa. Tinuturuan ni Zach si Flynt sa pagluluto habang si Flynt ang buong tiyagang sinamahan si Zach sa medication. Si Flynt ang walang sawang kumausap kay Zach sa mga breakdowns niya epekto ng gamot at siya lamang ang hindi nang-iwan kay Zach.

"Bipartite souls?" tanong ni Zach.

"Oo. Nitong nakaraan ko lang nalaman ang tungkol doon. Hindi naman nakakapaniwala pero kung totoo man, nakakakilabot."

"Baka naman fictional yung nabasa mong libro?"

"No. Hindi siya tipikal na libro, hindi siya kwento."

"Whatever. Ano ba iyon?"

Nagsimulang magpaliwanag si Flynt tungkol sa hiwaga ng bipartite souls case. Nang una ay hindi makapaniwala si Zach ngunit dahil sa mga detalyeng ibinibigay ni Flynt ay naniwala rin siya.

"So anong mangyayari kung hindi niyo na mahal ang isa't isa? Or magkahiwalay kayo? Or mamatay?"

"Dalawa lang iyan. Una, titigil sa pagtibok ang puso mo. Since hindi na ito nagfu-function, hindi ka na makakaramdam ng pag ibig, maging sa pamilya, kaibigan o kahit na sino."

"Goosebumps." natatawang sambit ni Zach habang hinihipo ang braso niya.

"At ang pangalawa, magiging half body paralyzed ka."

"Mukhang mahirap parehas but if I would choose, mas pipiliin ko na ang maparalyze. Kaysa naman hindi na ako makaramdam ng pagmamahal." saad ni Zach. "Nagsisimula pa nga lang sumaya ang buhay ko e."

"Sumasaya ka na? Pakiramdam ko tuloy tagumpay na ako." saad ni Flynt at hindi mapantayan ang saya sa kaniyang labi.

Isang taon, dalawa, at ilan pa. Ilang kaarawan nilang dalawa ang magkasama nilang pinagdiwang. Nakilala ng pamilya ni Zach si Flynt at gayundin naman sa kaibayong bagay.

"Bago matapos ang taon, gusto kong magpasalamat sa lahat." sambit ni Flynt habang hawak ang isang bote ng alak.

Sila ni Zach ay nasa ibabaw ng bubong habang nakatingin sa mga bituin.

"Sira ka ba? November pa lang, hindi pa matatapos ang taon." sagot naman ni Zach.

Kung susumahin ay lasing na si Flynt. Si Zach naman ay nag-aalalay dahil sila lamang dalawa sa bahay at mahihirapan silang parehas kung kapwa sila malalasing.

"Matatapos din naman ang taon. Kaya nauna na ako " sambit ni Flynt at ngumisi.

"Wala ka talagang pinagbago." naiiling na saad ni Zach.

"Bakit pa magbabago e ito na ang best version ko?" saad ni Flynt. "Kakaiba..."

"Ang alin?" naguguluhang tanong ni Zach.

"Ang lahat."

“P-paanong kakaiba?”

Nang sasagot na si Flynt ay isang musika ang bumalot sa paligid. Walang tiyak na pinangagalingan ito ngunit maang na pinakinggan nila ito.

Look at the stars, look how they shine for you

And everything you do, yeah they were all yellow

I came along and wrote a song for you

And all the things you do and it was called yellow

So I took my turn oh what a thing to have done

And it was all yellow

“That… song.” usal ni Flynt. “That explains everything.”

And your skin, yeah your skin and bones

Turn into something beautiful

And you know, you know I love you so

You know I love you so

Akmang magsasalita si Zach nang biglang mapahawak siya sa ulo niya sa sobrang sakit na nadarama niya. Hindi niya mainda ang sakit at pakiramdam niya ay mawawalan siya ng malay. Si Flynt naman ay wala na sa tamang huwisyo dahil sa sobrang kalasingan. Tinungga pa ni Flynt sa huling pagkakataon ang isang bote bago inihagis sa baba.

"Tingnan mo ang buwan, bilog na bilog." saad ni Flynt.

Hindi naman nakasagot si Zach at unti-unting nawawala sa tamang pag-iisip. Nakahawak pa rin siya sa kaniyang ulo at alam niyang epekto ito ng sexual perplexity.

"Bilog na bilog ang buwan. Kung wala iyan, napakadilim ng paligid. Salamat buwan ha! Pinaliliwanag mo ang gabi!" sambit ni Flynt habang tumatawa at nakaturo pa sa buwan.

Hindi naman na makontrol ni Zach ang darili at ang sakit niya ay unti-unti na siyang minamanipula.

"Mahal kita Flynt." sambit ni Zach habang direktang nakatingin sa mga mata ni Flynt.

Napatigil si Flynt at literal na bumagsak ang panga niya. Malabo na ang paningin niya dahil sa matinding hilo at hindi na siya makatingin ng diretso.

"Ang sabi ko mahal kita." ulit pa ni Zach.

Alam ni Flynt na dulot ito ng sexual perplexity ni Zach ngunit hindi na rin niya makontrol ang sarili.

"Nocturnal birds oh!" saad ni Flynt sabay turo sa ibon sa itaas na para bang isang bata na aliw na aliw.

Kapwa nila pinagmasdan ang ibon at bahagya pang nakaawang ang mga bibig nila. Tila naman may kung anong salamangka ang bumalot sa lahat nang tumapat direkta sa liwanag ng bilog na buwan ang ibon. Mula sa pagiging kulay abuhin ay nagmistula itong kakaibang nilalang kulay pilak na ito at kuminang sa gitna ng gabi.

"Whoa..." sabay na usal nina Flynt at Zach.

Bumagal ang paglipad ng ibon at tumigil sa ibabaw ng pagitan nilang dalawa. Kung ano mang kakaibang pangyayari ay hindi maipaliwanag na naghulog ito ng isang balahibo at animo'y dahan dahang isinasayaw ito ng hangin. Unti-unti ang ginawa nitong pagbagsak sa pagitan nina Flynt at Zach. Nang mga sandaling lumapat ang balahibo sa kamay nilang dalawa ay biglaan namang naging abo ang ibon at pinawid ng hangin papalayo bago pa man bumagsak.

Nagtinginan sina Zach at Flynt at kapwa nagbuntong hininga. Dala ng matinding tama ng alak ay hindi na nakagalaw si Flynt. Si Zach naman na inaatake ng sakit niya ay hindi na rin napigilan ang sarili. Unti-unting inilapit ni Zach ang kaniyang mukha sa mukha ni Flynt. Walang anumang ingay ang umantala sa mga sandaling iyon. Hinawakan ni Zach ang magkabilang pisngi ni Flynt at mas lalong lumapit. Ramdam nila ang paghinga ng isa't isa na bumalot ng kuryente sa buong katawan. Nang mga sandaling magdikit ang dulo ng kanilang mga ilong ay ipinikit nila ang pareho nilang mga mata.

"Zach..." nanghihinang saad ni Flynt. Hindi niya gusto ang nangyayari ngunit wala siyang magawa.

"Flynt..." usal ni Zach sa pangalan niya ngunit hindi siya ito. Ito ay udyok lamang ng sakit na hindi niya mapigilan.

At nang mga sandaling maglapat ang mga labi nila ay hindi maipaliwanag ang kanilang nadarama. Kapwa sila nakapikit at dinarama ang bawat sandali. Tila nabalot ng mahika ang paligid at wala silang ibang naramdaman kundi purong pagmamahal. Tila ba lahat ng kaguluhan ay nagwakas, animo'y natapos na ang libo-libong paghahabulan ng buwan at ng araw at matapos ang ganoong kahabang panahon ay nagsama sila.

Nang magmulat ang mga mata nila ay tila may kulay pilak na laso ang lumilipad sa ere. Pinapalibutan sila ng buhol buhol ngunit banayad ang pagkakapulupot nito. Napakahaba, walang katapusan na nagsimula sa puso ng isa at ang dulo ay sa isa pang puso na iisa rin ang tinitibok. Naging napakaliwanag ng lahat. Nagmistulang umaga ang gabi dahil sa mga pilak na taling nakapalibot sa kanila. Nang mga oras na iyon, wala man sa kani-kanilang sarili ay alam nila, na sila'y para sa isa't isa. Ano at ano man ang mangyari, iisa ang tibok ng kanilang puso.

Ilang buwan ang lumipas at naging napakasaya nilang dalawa. Alam nilang nangyari lamang iyon at nalaman nila na sila ang soul bipartites dahil sa pagiging lasing ni Flynt at epekto ng sakit ni Zach ngunit alam nilang hindi nagkamali ang tadhana sa kanilang dalawa.

"Oo teka sandali. Papunta na ako." sambit ni Flynt at dali-daling lumabas ng kwarto. Ibinaba niya ang tawag, humarap siyang sandali sa salamin at hinawi ang buhok. Lumabas siya ng bahay at sumakay sa kotse na hiniram niya pa sa tito niya.

Si Zach naman ay naghihintay sa sinabi niyang lugar kung saan sila magtatagpo. Kinakabahan siya at napakabigat ng pakiramdam niya. Ito na ang pinakamabigat na desisyong bibitawan niya. Sasabihin niya kay Flynt na lalayo na siya. Ayaw niya nang makasama si Flynt hindi dahil ayaw niya na sa kaniya. Nahihirapan si Zach para kay Flynt dahil alam niyang naiipit siya sa sitwasyon. May mga ilan rin na pinagbubulung bulungan na si Flynt dahil kay Zach. Alam niyang hindi bakla si Flynt dahil naiintindihan nito na may sakit siya. Afterall, nananatili lang si Flynt dahil iniintindi niya ang kondisyon ni Zach. Ngunit naaawa na si Zach kay Flynt. Pakiramdam niya ay nasasayang ang buhay ni Flynt dahil sa kaniya. Mabigat man sa kalooban ay gagawin niya ito lahat para kay Flynt.

Suot ko nga pala ang ibinigay mong damit last monday:)

Pagkareceive ng text ni Flynt ay unti-unting nadurog ang puso ni Zach. Nanghihina ang tuhod niya ngunit pilit niyang ipinapaintindi sa sarili niya na kailangan niya ito gawin.

"Nasaan ka na?" tanong ni Zach nang sagutin ni Flynt ang phone.

"Naku, sorry baka mahuli ako ng ilang minuto, medyo traffic. But don't worry tatakbo ako para mas mabilis." saad ni Flynt at tumawa.

Napatawa namang mahina si Zach. Namuo na rin ang luha niya at alam niyang mami-miss niya ang ganitong kalokohan ni Flynt.

"Salamat. Ingat ka lagi." sambit ni Zach.

Napakunot ang noo ni Flynt.

"Huh? Anong ingat? Akala ko pa naman galit k-" hindi na natapos ni Flynt ang sasabihin niya.

Tila napakabilis ng pangyayari at tanging mga kalabog at pagsabog ang sumunod na narinig ni Zach mula sa telepono. Nanlaki ang mga mata niya at nanghina ang mga tuhod. Nagkaroon siya ng idea sa mga nangyari ngunit pilit niyang iniiwisang isipin ito. Pinaniwala niya ang sarili niya na ayos lang ang lahat.

"Zach..." hagulhol ng isang babae na alam ni Zach na nanay ni Flynt. "Nandito kami sa ospital... Si Flynt... Naaksidente..." iyon na lamang ang nasabi ng babae sa kabilang linya at puro hagulhol na ang sumunod.

Sandali namang natulala si Zach at hindi kumurap. Nang magsink in sa utak niya ang lahat ay nanlambot ang tuhod niya at bumagsak siya sa sahig. Wari'y gumuho ang mundo ni Zach at hindi maawat sa pag-iyak. Naglupasay siya at nagwala ngunit wala na siyang nagawa. Halos maubos ang hininga niya sa labis na paghihinagpis. Ramdam niya ang sobrang panghihina at nauupos na siya.

"Sige ate, salamat papunta na ako." saad ni Zach at ibinaba ang tawag. Matapos ang nangyari kahapon ay hindi nakali si Zach. Paikot ikot lamang siya at hinintay ang tawag kung kailan pwede nang puntahan si Flynt.

Dinampot niya ang susi at dali daling lumakad. Akmang lalabas na siya nang bumagsak siya sa sahig. Hindi niya malaman kung bakit pero nagsimulang hindi niya maramdaman ang kaniyang binti at mga hita. Tumaas ang pagkamanhid hanggang sa hindi na niya madama ang kalahating bahagi ng katawan niya.

No, he can't be dead...

Labis labis na takot at lungkot na ang nararamdaman ni Zach. Alam niyang may koneksiyon ito sa bipartite souls case nila ni Flynt.

"Good to know you're awake!" wika ng doktor at ngumiti sa kaniya.

Nagpalinga linga siya at natagpuan ang sarili sa isang silid sa hospital. Hindi niya randam ang kalahating bahagi ng katawan niya at pakiwari niya'y wala na ito.

"Zach... Anak...." hagulhol ng ina niya sabay yakap ng mahigpit. "Anak... Hindi ko maintindihan...." mas lalong lumakas ang pag-iyak nito.

Hinagod niya ang likod ng kaniyang ina at nagsimulang lumabo ang paningin niya dahil sa pamumuo ng luha.

"You're paralyzed Zach. Half of your body's paralyzed." paliwanag ng kapatid niya at nagsimula na rin sa pag-iyak.

Hindi mapantayan ang kalungkutang nadama ni Zach. Pakiramdam niya ay ayaw niya nang harapin ang bukas. Nawalan na rin siya ng gana mabuhay. Hindi niya alam kung bakit simula at sapul ay tila wala siyang karapatan lumigaya. Buong buhay niya ay panay kalungkutan, pagsisisi at pag-iisa ang nararamdaman niya. Hindi niya naramdaman ang maging normal kahit na minsan sa buhay niya.

"Zach! Zach!" nagmamadaling tawag ng kapatid niya at tila napakasaya nito.

Ilang buwan na rin ang nakalipas ngunit hindi niya pa rin matanggap ang lahat.

"Yes?" walang ganang sagot ni Zach.

"You won't believe what I'll tell you!" sambit pa nito at nagtatalon. "Tumawag ang family ni Flynt!"

Nanlaki ang mga mata ni Zach at bumagsak ang panga. Namuong muli ang mga luha niya dahil sa labis na kasiyahan at pagkagulat.

"Ligtas siya!" tuloy pa ng kapatid niya.

"Whoa. Asan siya? Pupuntahan ko. Kahit once, I want to make clear things up." saad ni Zach habang umaagos ang luha pababa sa kaniyang mukha.

"Inilayo na siya ng pamilya niya. Sa isang probinsya. Sa malayo nilang kamag anak." sagot nito.

"I'll go there." sambit ni Zach at akmang babangon nang pigilan siya ng kapatid niya.

"You can't. Nakikita mo ang kondisyon mo hindi ba? I want you to pero hindi ito ang tamang panahon." saad ng kapatid niya.

"I'll make my own ways." sagot ni Zach na hindi nagpatinag.

"After all it was all my fault...."

Related chapters

  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINETEEN

    CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY

    CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY-ONE

    CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY TWO

    CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY THREE

    CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FOUR

    CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FIVE

    CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   EPILOGUE

    EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k

    Last Updated : 2021-12-07

Latest chapter

  • Cut Our Silver String   EPILOGUE

    EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FIVE

    CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FOUR

    CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY THREE

    CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY TWO

    CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY-ONE

    CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY

    CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S

  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINETEEN

    CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will

  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHTEEN

    CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong

DMCA.com Protection Status