Home / Romance / Cut Our Silver String / CHAPTER SEVENTEEN

Share

CHAPTER SEVENTEEN

Author: ViKnows
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

CHAPTER SEVENTEEN

"Anong ginagawa mo?!" nagising ang diwa ko mula sa napakalakas na bulyaw ni Dhaeny mula sa kusina.

Mula nang makita ko si Zach na pinapanood kami ni Flynt ay hindi pa kami nagkakaroon ng maayos na pag-uusap. Naging awkward din ang bawat paggalaw naming dalawa sa tuwing nagkakalapit ang isa't isa. Madalas ay ngingiti lang siya saka aalis. Hindi rin kami nakijoin masyado sa party kagabi. Kinausap ko naman si Flynt at sinabing hindi ako handa at hindi pa nags-sink in sa utak ko ang ginawa niyang confession. Wala naman daw problema tungkol doon at nirerespeto niya ang desisyon ko.

Literal na napatakbo ako papuntang kusina dahil sa sigaw ni Dhaeny. Nadatnan kong nakatalikod sila ni Flynt parehas at nakaharap sa lababo. Nakaapron si Flynt at as usual wala siyang damit pang itaas. Si Dhaeny naman ay nakapajama pa rin. Alas onse na ng umaga pero mukhang kagigising lang niya.

"Gwapo ka pero napakatanga mo sa pagluluto." singhal pa ni Dhaeny at narinig ko ang pagtawa ni Flynt.

"Bakit ba? I have my own recipe." sagot naman ni Flynt.

"Tinola?! Tapos tinadtad mo yung papaya? Anong klaseng recipe yan?" Dhaeny.

"Para madali lang maluto. Alam mo kasi, kapag nagluluto hindi lang pagmamahal ang kailangan, utak din."

"Utak? May utak ka ba?"

"Just watch and learn babae."

Nang lumingon si Flynt at nakita niya ako ay ngumiti siya saka kumaway.

"Good morning! Smile!" masiglang bati niya at napangiti akong hindi sinasadya.

"G-good morning." tugon ko.

"Upo ka lang diyan. Nagluluto na ako ng almusal." saad niya at ngumiti.

"Na palpak." pakisali ni Dhaeny. "As always."

Ilang sandali pa ay binalot na ng amoy ng pinakukuluang sabaw ang kusina. Nagpatuloy naman sa pag aasaran ang mag pinsan.

"Naaamoy mo iyan? Ang bango 'no? Hanga ka na?" tanong ni Flynt kay Dhaeny at ngumisi.

"Whatever."

"I'm slowly learning to cook huh." saad ni Flynt.

"Talaga lang ha?" Dhaeny.

"Tikman mo para maniwala ka." sambit niya at sumandok ng sabaw.

"Ayaw ko nga, kaka-toothbrush ko lang. Mamaya na lang, lasang toothpaste pa bibig ko."

"Ikaw na lang nga Cindy, hindi ko talaga alam kung bakit ganito kaarte pinsan ko."

"B-bakit ako?" tanong ko.

"Bakit hindi ikaw?" tanong din ni Flynt.

"Bakit nga ako?" tanong ko na naman.

"Tikman mo na lang kasi." pagsingit ni Dhaeny.

Bumuga ako ng hangin saka sumagot, "Fine."

Inalis muli ni Flynt ang takip ng pinapakuluang sabaw at banayad na pumasok sa ilong ko ang amoy nito. Sumandok si Flynt at dahan-dahang lumakad palapit sa akin.

"In fairness huh, alam mo na kung anong sandok ang gagamitin." sambit ko at lumapit.

"Achievement." biro ni Flynt.

"Baka tinubuan ka na ng common sense." saad naman ni Dhaeny.

"Here, tikman mo na."

Tumigil siya sa harapan ko at tumingin sa mga mata ko. Unti-unti niyang itinaas ang kamay niya na may hawak na sandok at inilapit sa akin. Hinawakan ko ang sandok para kuhanin sa kaniya ngunit hindi niya inalis ang pagkakahawak niya. Kapwa kami nakahawak sa sandok at dahan dahan naming iginagalaw ito para matikman ko ang sabaw. Nagulat ako nang bahagyang hilahin ni Flynt ang sandok palapit sa direksiyon niya. Binilog niya ang kaniyang labi at umihip ng hangin. Mula sa pagtama ng hangin niya sa sabaw ay sinalubong rin ito ng mukha ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa balat ko. Nang sandaling natikman ko ito ay literal na hindi ko agad nagawang kumilos.

"Ano? Kamusta? Ang sarap 'no?"

Tila saka lamang nanuot ang lasa sa dila ko. Sandali akong napatigil at saka dahan-dahan tumango.

"Talaga?"

Tumango uli ako. Hindi ako makapaniwalang totoong nag-improve sa pagluluto si Flynt. Hindi man ganoon kasarap ay masasabi kong better siya kaysa sa mga nakaraan.

"Alam mo kung paano ako natuto?" tanong ni Flynt.

"Intresado ba kami?" pag-epal ni Dhaeny.

"Tutorials, cooking shows online at may nabili akong cook book ni Juday." pagpapaliwanag ni Flynt.

Nasamid naman ako at napalunok nang marinig ang tungkol sa cook book ni Juday. Napatingin naman sila at napailing ako.

"Plus, someone taught me." ani Flynt at mukhang proud siya.

"Hindi na talaga ako maniniwala kung sasabihin mong friends lang kayo ni Dexie."

"No, hindi si Dexie"

"Sino?"

"Si-"

Akmang makikisali ako sa usapan nila nang may matanaw ko ang isang pamilyar na pigura. Ang mga mata niyang tila pasan ang lahat ng kalungkutan ay direktang nakatitig sa akin. Tila hindi maipaliwanag na dahilan ay sabay namin inusal ni Flynt ang pangalan niya.

"Zach."

Ngayon ay nandito kami sa isang grocery store at nakapila sa counter. Ewan ko ba kay Dhaeny pero balak ata ubusin ang lahat ng naka stock na napkin. Aanhin naman niya ang ganito kadami? Dalawang basket ang dala namin at nag uumapaw pa sa lalagyan.

"Hoy babae, ano ba talagang gagawin mo sa ganito kadaming napkin?" tanong ko at kinurot siya sa tagiliran.

"Yung workmate ko kasi, naghahanap ng palaman sa tinapay." pilosopong sagot niya.

"Eh kung silaban ko ang bunbunan mo?"

Tumawa naman siya at siniko ako.

"Napkin nga eh, alangan naman itapal ko sa mga butas ng bubong namin." sagot na naman niya.

"Andrea..."

"Ano ba namang pangalan iyan. Minsan gusto ko na itakwil mga magulang ko dahil sa pangalan na iyan." biro pa ni Dhaeny na ikinatawa ko.

"Gaga, nauna ka na nilang itinakwil." tawa ko pa.

"Gusto mo idikit ko 'tong napkin sa bunganga mo?"

"Ano nga kasing gagawin mo riyan?"

"Tatahiin ko tapos gagawin kong basahan o kaya naman potholder."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Gagamitin kong diaper, nagtatae kasi ako."

Ibinaba ko ang basket na dala ko at nagkunwaring aalis.

"Fine, kailangan sa hospital para sa donations doon sa mga evacuees, marami-rami rin ang naapektuhan ng nakaraang bagyo. Okay ka na?"

Ngumiti ako sa kaniya ng sarcastic at saka umiling.

"Kailangan ko ng peace offering." saad ko at umirap pa kunwari.

"Ay ang galing. Demanding ka rin ha, peace offering ka riyan."

"Kung ayaw mo e'di uuwi na ako." pagdadrama ko.

Maya-maya pa ay naglalakad na kami sa kalye pabalik sa bahay nina Zach. Pareho kaming may dalang isang malaking plastic bag na puro napkin ang laman. Ako ay kumakain ng ice cream sandwich samantalang siya ay kumakain ng mais. Hindi nagpatalo ang gaga, nagpabili ako ng ice cream sandwich pero nagpabili naman siya ng mais. Gosh lugi pa ako ng tres.

"Gurl, kamusta naman ang Maynila?" tanong ni Dhaeny sabay kagat.

"Maynila pa rin. Wala namang nababago."

"Gaga, tinatanong ko lang baka nalulungkot siya, o miss niya na ako."

"Sira, bakit ka mami-miss di'ba hindi ka pa nakakarating ng Maynila? E'di hindi ka kilala ni kumareng Maynila."

"Nakarating na ako!" bwelta niya.

"Kailan? Ang sabi mo dati never as in-"

"Sa panaginip"

"Galgal ka talaga. Anyway nakakatuwa kasi medyo nagiging close na kami ni Liam."

"Seryoso? Yung taong iyon may time makipag close sa iyong kumag ka?" singhal niya at tumawa.

"Paano ba naman hindi magiging close eh araw araw kami nagkikita, magkatabi pa ng kwarto."

"Huh? Ano? Nagtatabi kayo sa kwarto?! At araw araw pa."

"Batukan kita eh. Magkatabi yung kwarto namin hindi kami nagtatabi sa kwarto."

"Linawin mo kasi, yung malinaw pa sa tv na may sampung antenna." tawa na naman niya.

"Pero nakita ko na siyang--" saad ko at tumigil sa pagsasalita. Sandaling nag loading ang mumunting utak ni Dhaeny kaya itinuro ko ang katawan ko mula balikat pababa. Nanlaki naman ang mata niya.

"Huh?! Nakita mo siyang--"

"Gaga nakatapis naman." putol ko sa kaniya.

"Siya?!"

"P-pareho kami…" sambit ko at ngumisi.

Napatakip sa bibig ang luka.

"Hala! Eh anong nangyari? Sinunggaban mo? Gosh gurl hindi pa ako handa maging ninang ng anak mo."

Wala nang pag-aalinlangang binatukan ko si Dhaeny. Napahawak naman siya sa batok niya at parang napalakas ang pagbatok ko.

"Aray ko naman."

"Ang baboy mo kasi." tawa ko.

"Pero teka, ano nang ganap sa buhay nina Harvey?" tanong niya.

"Nina?"

"Oo, sila ni Yuki."

Napatingin ako sa kaniya.

"Uhm, ok naman. Si Harvey may girlfriend na." sambit ko at napayuko.

"Huh?! Paanong- Gosh anong nangyayari sa mundo? Kayong dalawa ang itinakda ng propesiya, hindi ito pwede. Sobra ka na 2020." ani Dhaeny at napatawa ako.

"Sira, anong magagawa natin eh hindi naman napipigilan ang puso magmahal."

"Pasok ginang Valerie. Ayan ka na naman nagiging manang ka."

"Luka, seryoso ako. At ito pa, si Charlotte ang girlfriend niya."

"Ano?!" bulyaw ni Dhaeny sa harapan ko. "Yung babaeng mukhang nagrebelde sa impyerno kaya ipinatapon dito?!"

Napahawi naman siya sa buhok niya at nagbuntong hininga ako.

"Gosh hindi ko na 'to matanggap."

"Wala tayong magagawa. Hindi natin kontrolado ang lahat."

"Pero may pwede tayong gawin." saad niya at ngumising nakakatakot.

Napataas naman ang kilay ko.

"May kilala akong mangkukulam" tuloy niya pa at humalakhak.

"Gaga" tawa ko. "Oo nga pala si Yuki gusto sana sumama kaso madami naka sched sa kaniya sa clinic."

"Oo nga e, nabanggit niya rin sa akin."

"Huh? Paanong nabanggit?"

"Nag iisip ka ba? Anong ginagawa ng social media?" tanong niya at napatango ako.

"So ikaw ang lagi niyang kapalitan ng message?"

Tumawa siya at tumango.

"Kaya pala kung minsan tatawa na lang siya nang walang dahilan habang nakatingin sa phone niya."

"Really? Tumatawa siya kapag kausap ako? Ako talaga ang happy pill niya.”

"Who knows? Paano kung hindi pala ikaw ang dahilan ng mga tawa niya that time?"

"You mean, pwedeng may iba pa siyang kausap?"

"Bakit hindi? Hindi naman limited na isa lang ang pwede mong imessage. Baka nga hindi lang ikaw ang binabati niya ng good morning at sinasabihan ng 'kumain ka na ba?'" asar ko pa.

"Argh, ba't ganon? Pinahopia niya ako?" nagbuntong hininga siya. "Pero okay lang, kaya nga pwede mag crush ng madami eh, para kapag pumalpak sa isa, doon naman sa kabila. Basic." sambit niya pa at nagflip hair.

"Sira! Ilan ba ang mga crushes na iyan?" tawa ko pa.

"Counted ba kahit nasa level one pa lang sila?" tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

"Level one?"

"Hindi mo ba alam iyon? Ayon sa isang matalino at magandang prinsesa, may levels ang pagka crush, sa una may kaunting kilig. At kada tumataas ang level malamang tumataas ang intensity of kilig."

"Prinsesa?"

"Ako." sambit niya at ngumiti.

"Napakadami mong alam. Bakit hindi ka mag-apply as substitute ng g****e kapag pagod na siya?"

"Pero si Yuki, I can say medyo flirty siya sa mga messages huh." ani Dhaeny.

"Seryoso? Si Yuki na puro tawa lang malakas din lumandi?"

"Yup. Sobrang landi. Sabi niya pa once magpasched na raw ako sa clinic niya at lilinisin niya ang bibig ko hanggang sa kaloob looban ko. Char." wika ni Dhaeny at tumawa. "Kaya kay baby Zach na lang ako."

"So pang ilan si Zach sa crushes mo?"

"Kung tama ang bilang ko pang four hundred sixty eight point three. Char."

Pagkasabi noon ay pumasok na kami ng gate. Hindi namin namalayan na sa sobrang pagbubutaktakan ay nakarating na kami. Tama nga ang sinabi ni Dhaeny na mas maganda maglakad na lamang kaysa magbiyahe, bukod sa tipid sa pamasahe, may mahaba pa kaming oras magchismisan.

Nang makapasok ay dumiretso si Dhaeny sa kwarto na tinutuluyan naming dalawa. Ako naman ay tumuloy sa kusina dahil natuyo ata ang lalamunan ko at nailabas ang lahat ng laway sa sobrang pagsasalita. Pagkasara ko ng ref ay nabalot ng awkwardness ang paligid nang makita ko si Zach.

"Cindy... Can I talk to you?"

Sa halip na magsalita ay tango lamang ang naisagot ko. Ngayon ay nandito kaming dalawa sa veranda kung saan kami nag party noong isang gabi. Nandito pa rin ang mga decorations at kaunting kalat. Kami lamang dalawa at medyo malamig na dahil malapit nang maggabi.

"I just want to clear up some things." sambit ni Zach habang magkasalikop ang kamay at nakatingin sa malayo.

"Spill the tea." tipid kong sagot.

Medyo kinakabahan ako at the same time ay natutuwa. Matatapos na ang awkwardness at malilinawan na kami parehas.

"I don't know where to start." sambit niya at nagbuntong hininga.

"Take your time."

"Alam kong nararamdaman mo ang awkwardness simula kahapon, but please don't." panimula niya. "Hindi ko alam kung ngayon na ba ang tamang panahon na sabihin ko ito sa'yo at hindi ko rin alam kung kailan ko sasabihin kung hindi ngayon."

Ngumiti ako sa kaniya nang makita kong nanginginig ang kamay niya. Huminga siya ng malalim at pumikit.

"Kalma. Feel no pressure Zach." sambit ko at pinalalakas ang loob niya.

Isang malalim na pagbuga pa ng hangin ang ginawa niya saka nagsalita muli. "Hindi ko alam kung bakit pero sobrang nadudurog ako everytime I see you with Flynt."

Napansin ko ang pamumuo ng luha niya. Nanghina naman ang tuhod ko dahil sa pagbigat ng atmospera.

"I thought I moved on, pero akala ko lang pala. Nung umalis ka akala ko magiging okay na ako. Masaya na ako eh, pero bakit bumalik ka pa?" sambit niya at tumulo ang mga luha niya.

Unti-unti namang bumigat ang paghinga niya. Ako naman ay nakaramdam ng pagsikip ng d****b. Hindi ko na rin namalayang nagiging emosyonal na ako. Naguguluhan ako.

"Zach... Hindi ko naiintindihan..."

"Don't worry, ipapaintindi ko." sambit niya at ngumiting mapait. "I thought what feelings I had was all over. Pero bakit kapag naririnig ko ang tawa niyo ni Flynt, kapag nakikita kong komportable kayo sa isa't isa, and you care for each other, nahihirapan ako huminga."

"Zach..." kinagat ko ang labi ko.

"Cindy hindi ko rin naiintindihan so sorry. But I'll take this moment to say what I carries inside."

Tumango ako at narinig ko ang paghikbi niya.

"Nasaktan ako nang makita kong nag confess sa'yo si Flynt. Pakiramdam ko ay napakahina ko dahil hindi kagaya niya ay hindi ko nagagawa ang ginawa niyang paglabas ng nararamdaman. Sinabi ko sa sarili ko na, 'sana ako din, sana may lakas din ako ng loob na ipaalam ang nararamdaman ko'. Pero hindi, hanggang ngayon nakakulong pa rin ako sa takot. Sa mga bagay na pwedeng mangyari at pwedeng humadlang sa gusto kong gawin. Dahil ilang taon na ang nakalipas pero nakatali pa rin ang puso ko at hindi nito magawang tumibok para sa iba. Mahal ko pa rin si Flynt." saad niya at sumabog ang emosyon.

Binalot ng malakas na paghagulhol ni Zach ang paligid. Lumapit naman ako sa kaniya at niyakap siya kahit hirap lumakad. Hindi tinatanggap ng sistema ko ang sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa mga bagay na lumabas sa bibig niya. Libo-libong mga bagay ang nagsimulang tamakbo sa isip ko at naguguluhan ako. Wala akong nagawa kundi ang umiyak at saluhin ang lahat ng emosyon ni Zach.

"Zach..." sambit ko habang hinahagod ang likod niya.

Hindi naman siya nagsalita at mas lalong bumuhos ang hinagpis niya. Ang tunog ng hagulhol niya ang parang masakit na musika na tumutusok at dumudurog sa puso ko.

"Zach..." nananatiling nakabuka ang bibig ko ngunit ang walang lumalabas kundi pangalan ni Zach.

Napakabigat ng damdamin ko at nahihirapan na rin ako huminga. Nanginginig din ang tuhod ko at pakiramdam ko ay naiiga ako. Walang ano ano'y isang tugtog mula sa kwarto ang nagsimulang humele sa paligid.

Why do birds suddenly appear

Whenever you are near

Just like me, they long to be

Close to you

Why do stars fall down from the sky

Everytime you walk by

Just like me they long to be

Close to you

On that day that you were born, the angels got together

And decided to create a dream come true

So they sprinkled moondust in your hair

And golden starlight in your eyes of blue

"I actually dedicated that song for Flynt last night. I can't stop myself from staring at you because jealousy kills me inside. I almost broke down."

"Sorry..." usal ko at hinawakan ang kamay niya.

"It's okay, afterall it was all my fault."

Ngumiti siyang mapait at saka tumingin sa mga mata ko.

"I know that you do have an idea why I'm still on this fvckin' wheelchair for so long."

"Zach..." ibinuka ko ang bibig ko ngunit iyon lamang ang lumabas.

"Yes, I lied Cindy. I lied to many people just to follow my freaking heart. Selfish isn't it?"

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya at hinawakan niya rin ako.

"When I was admitted in the hospital, hindi ako nahulog sa hagdan na naging dahilan ng pagkapilay ko. I also don't have pneumonia, pineke ng mga connections ni mom ang mga papel para palabasing may pneumonia ako. Limited din ang mga doctors and nurses na inia-assign sa akin for that reason. And I had to act every single day para hindi malaman that I was a fraud."

Nanlaki ang mata ko at bumagsak ang panga ko.

"And I don't have poliomyelitis. I lied to Dhaeny, to Flynt and to you. Sorry."

Ngumiti na naman siya at isang bugso pa ng luha ang umagos pababa sa pisngi niya.

"There's a reason why I sit on this wheelchair and will sit here for lifetime. And I know you know why."

"Zach..." usal ko sa pangalan niya.

Alam ko ang ibig niyang sabihin ngunit pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na mali ako. Hindi tinatanggap ng isip ko lahat. Bumagsak ako sa pagkakatayo nang tumingin siya sa mga mata ko, hinawakan ang mga kamay ko at nagsabing,

"I'm suffering from bipartite souls..."

Related chapters

  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHTEEN

    CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong

  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINETEEN

    CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY

    CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY-ONE

    CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY TWO

    CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY THREE

    CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FOUR

    CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FIVE

    CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.

Latest chapter

  • Cut Our Silver String   EPILOGUE

    EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FIVE

    CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FOUR

    CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY THREE

    CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY TWO

    CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY-ONE

    CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY

    CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S

  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINETEEN

    CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will

  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHTEEN

    CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong

DMCA.com Protection Status