CHAPTER TWENTY
HARVEY'S BACKSTORY
THIRD PERSON P.O.V.
"Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag.
"Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay.
"Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob."
"Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.
Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon.
"Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob."
"Sige anak." sagot nito sabay ngiti.
"Si papa po ba papunta na?"
Sandali namang natigilan ang babae at nagbuntong hininga.
"I'll explain when we get back to Manila. For now, enjoy welcoming new year with your lola and cousins okay?"
"Opo." ngiti ni Harvey at ngumiti rin ito sa kaniya.
"Jia!" sambit ng isang boses mula sa likuran.
"Ma!" saad ni Jia sabay salubong ng yakap sa matanda.
"Lola, may juice po ba?" tanong ni Harvey sabay hawak sa laylayan ng bestida ng lola.
"Oo naman, pumasok ka na at may inihanda na si Tes na pagkain." sambit nito at dali-dali namang tumakbo si Harvey papasok.
"Jia, si Dan hindi ba siya kasama?"
Napangiti namang pilit si Jia at minatahan siya ng matanda. Hindi niya alam kung paano sasabihin na iniwan siya ng anak ni Lola Beth at sumama sa isang mas mayamang haponesa.
"W-wala po. Hindi po." tipid na sagot ni Jia.
"Paanong wala? Business trip na naman? Oh god, mas mahalaga pa ba iyon kaysa makasama kami? New year ngayon, wala bang leave?"
"Uh, Ma, may... n-nasa japan na po siya."
"Japan? Doon siya magn-new year? Alone?"
"May... anak po siya sa ibang babae." mabilis na sambit ni Jia at napakagat siya sa labi.
"What? I mean... Kailan pa?"
"Ma... Ganito kasi... Uhm... Hindi niya pa po inaamin sa akin. May nagsabi lang po sa akin."
"Naniwala ka naman agad?"
"N-nakita ko rin po ang picture nila ng pamilya niya roon."
"You don't seem bothered though." saad ni Lola Beth at nagulat si Jia.
"I actually am. Hindi ko pa rin po alam kung paano ko sasabihin kay Harvey."
"Don't rush things. Just let it settle by itself."
Ngumiti naman si Jia at hinawakan ni lola Beth ang kamay niya.
"Come in. Don't think about it for now."
Pumasok sila at nagkaroon ng munting pagsasalo. Matapos naman iyon ay pumasok si Harvey sa isang kwarto para magsiyesta. Nabanggit rin ni Lola Beth na kahit sumama na sa iba ang anak niya ay gusto pa rin niya ang regular na koneksyon sa apo niyang si Harvey.
"Anyway, why do you keep on treating Harvey as a kid? He's no longer a child. He's grown up."
"Ma, I can't help."
"But he's no longer a grade schooler na kailangan bantayan at baby-hin."
"He's only twelve."
"Exactly the point. Next year he'll be on his teens.”
"I don't know. He's too old to be treated as a kid yet too young to be called grown up.”
"Then take time to observe and adjust. Just observe what he does and move accordingly."
"Thanks ma."
"Ako pa ba? Sa isang dosenang batang pinalaki ko, sanay na ako sa ganiyan." natatawang saad ni lola Beth.
"I really do look up at you." ngiti ni Jia.
Matapos mag siyesta ay nakipaglaro si Harvey sa mga pinsan niya. Nasa likod lamang sila ng bahay ngunit napakasaya nila. Ang saya niya ay kakaiba na hindi niya nararanasan sa kahit na anong amusement park at arcade na puntahan niya. Hindi nila kinailangan gumastos at umalis, sa likod lamang ng bahay kasama ang mga pinsan ay naging napakasaya nila. Nang malapit na magtakipsilim ay niyaya siya ng kaniyang pinsan na lumabas, lumakad lakad at mag-masid.
"Wow..." manghang saad ni Harvey habang pinagmamasdan ang isang baka na kumakain ng damo.
"Harvey, baka lang iyan. Anong nakakawow?" natatawang tanong ng pinsan niya.
"Kuya Dexter, kapag nasa Manila ako, hindi ako nakakakita ng ganiyang baka. It's either meat sa market o corned beef." sambit ni Harvey at nagsitawanan ang mga kasama niya.
"Alam mo, normal lang iyan dito sa ami- huy! Will!" sambit ni Dexter sabay takbo papalapit sa isang lalaki na may kasamang isa pang batang lalaki.
Nakipagkamay ito at nag-apir pa silang dalawa.
"Anak nga pala ng pinsan ni papa, si Zach." pakilala ni Will sa kasama nitong bata.
Tumango naman si Dexter at ngumiti.
"Si Harvey. Pinsan ko. Galing Manila."
"Talaga? Si Zach din." sambit ni Will.
"E'di mangha rin siya sa mga bagay-bagay dito sa atin?" natatawang tanong ni Dexter.
"Medyo. Kanina nga nakanganga pa habang pinagmamasdan yung manok habang tumitilaok." sambit ni Will at nagtawanan sila.
Ngumiti naman si Harvey kay Zach at si Zach ay tila nahihiya. Magkakasama silang naglakad at hindi nagtagal ay natagpuan na lang ni Harvey at Zach ang mga sarili na kinakausap ang isa't isa. Dahil parehong galing sa Manila ay tuwang tuwa nilang pinag-uusapan ang mga bagay kung saan nababaguhan at namamangha sila.
"Nakita mo iyong pinaglulutuan nila?" tanong ni Zach.
"Hindi. Why? Anong mayroon?"
"They don't use LPG's here."
"Huh? Pwede ba iyon?"
"Oo naman. Yung kahoy, yun yung nagpapaapoy."
"But we aren't able to cook without LPG's!" saad ni Harvey at wari'y gulat na gulat. "Minsan nga kapag nauubusan kami at matagal mag deliver, oorder na lang kami sa fastfood para makakain." paliwanag ni Harvey.
"Kami nagluto na once na kahoy ang nagpapaapoy pero mahirap. Feeling ko mabubulag ako kasi umuusok." saad naman ni Zach at tumawa. "But I think kapag nasanay na, hindi na uusok. Masasanay din ako."
"Kailan ka ba babalik sa Manila?"
"Dito raw muna kami e. Actually nag transfer na ako ng school at inayos na ni mom kanina."
"Really?"
"Nakakatawa nga kasi in Manila, I'm always in the poorest section. Pero mom told me na I'm on the second section here." natatawang saad pa ni Zach.
Ilang sandali pa ay umuwi na sina Harvey at si Zach naman ay bumalik na rin sa bahay na tinutuluyan niya. Nang maghahatinggabi na ay sumama siya sa panonood ng fireworks sa labas ng bahay. Kasama niya si Will at ilang kaibigan nito.
Nang matapos manood ay mag-isang lumakad pabalik si Zach. Tuwang tuwa pa siya dahil ang sapatos na regalo sa kaniya ay umiilaw. Pinagmamasdan niya ito habang naglalakad nang may makitang isang batang babae na mukhang tumatakas mula sa labas ng isang bahay. May hawak itong lumpiang shanghai at nagmamadaling kumain.
"Magnanakaw?" bulong na tanong ni Zach sa sarili.
Nagulat siya nang napatingin ito sa kaniya. Malinaw ang liwanag ng buwan at kita niyang pinagmamasdan siya nito. Ngumiti naman si Zach para hindi halatang pinagkakamalan niyang magnanakaw ito. Nang ngumiti naman ang batang babae ay napatakip si Zach nang pigilan ang bigla niyang pagkatawa.
"M-may paminta ka sa ngipin." wika ni Zach at mas lumakas ang tawa nito.
Nahiya ang batang babae at tumalikod. Hindi na siya pinansin ni Zach at lumakad nang papalayo. Napalingon naman siya nang biglang sumigaw ang batang babae.
"Yung sapatos mo nga umiilaw! Parang bata! Hmp!" sigaw nito.
Ngumiti lamang si Zach saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Cindy! Nakita mo ba si Candice?" tanong ng isang babae sa batang iniwan ni Zach.
"Lola Laura, hindi naman ako hanapan ng mga nawawalang bata."
Napakamot naman sa ulo ang matanda at napailing sa isinagot ni Cindy. Ang hindi nila alam ay si Candice ay nasa kabilang kanto. Doon siya inabot ng hatinggabi at nanood ng fireworks kasama ng kaibigan niya matapos ang countdown.
"Candice, sandali lang, hihiramin ko ang cellphone ni mama para mapicturan ko ang fireworks." sambit ng isang bata at tumakbo paalis nang tumango si Candice.
Nakatingala si Candice at bahagya pang nakanganga habang pinapanood ang pagkislap ng iba't ibang kulay ng pailaw.
"Excuse me, may nakita ka bang wallet?" nag-aalangang tanong ni Harvey kay Candice.
"Uh, wala eh. Nanonood lang ako kanina pa." sagot ni Candice.
"Okay..."
"Tulungan kita maghanap gusto mo?"
"Why not?"
Magkasama nilang hinanap ang wallet ni Harvey hanggang sa matagpuan ito. Nang akmang magpapaalam na si Harvey ay nagpakilala si Candice.
"Candice." sambit nito sabay abot ng kamay.
Ngumiti naman si Harvey at iniabot ang kamay niya.
"Harvey."
"Saan ang bahay mo rito? Bakit parang ngayon lang kita nakita?"
"Taga rito ang lola ko but me and my mom's from Manila. We just went here to spend new year with them how about you? Do you really live here?" paliwanag ni Harvey.
Natulala naman si Candice at hindi nakapagsalita. Sa dami ng sinabi ni Harvey ay wala siyang naintindihan.
"Ba't ba siya nag e-english? Mayaman ba siya? Anong sabi niya? Taga Manila ang lola niya at anong liver? Atay? Atay raw ako? Bahala na." bulong ni Candice sa sarili niya.
"Huh?"
"Uh, wala. Sabi ko, saan ka pumapasok."
"In Manila. But I know someone na lilipat daw rito."
"Ano raw? Lilipat siya rito?"
Nakatitig lang si Candice ngunit wala siyang naintindihan kahit isang kudlit ng impormasyon.
"Tara, punta tayo sa bahay." pagyaya ni Candice dahil wala talaga siyang maunawaan sa sinabi ni Harvey. Tumango naman si Harvey bilang pagsang-ayon.
Magkasama silang naglakad at hindi pa rin tumitigil sa pag uusap. Panay ang tanong ni Harvey tungkol sa buhay ni Candice at si Candice naman ay tango lamang ang isinasagot habang nakatitig kay Harvey.
"Zach? I thought umuwi ka na." sambit ni Harvey nang matanaw si Zach.
Lumapit naman si Zach at kumamot sa ulo. Nanlaki naman ang mata niya nang makita si Candice. Nakangiti ito sa kaniya habang lumalakad din papalapit.
"Oh, sorry sa kanina. I don't want you to think that I'm rude. So please forgive me. Afterall it was just a joke." sambit ni Zach kay Candice at yumuko.
"Huh?"
"Yung kanina, about sa paminta sa ngipin mo." paliwanag ni Zach.
"Anong paminta?"
"Nakalimutan mo na agad? Basta sorry, hindi ko sinasadyang maoffend ka."
"Oo na lang." saad ni Candice at ngumiti.
"I'm Zach by the way. Bago lang ako rito at lilipat na ako ng school diyan sa malapit." nakangiting kwento ni Zach.
"Talaga? Lilipat ka rin? Ako si Candice, grade five na ako sana classmates tayo."
"Hey Harvey, bakit ang tahimik mo?"
"Ayaw yata ako kausap ni Candice eh." sagot naman ni Harvey.
"Huh? Englishero ka kasi hindi ko maintindihan yung mga sinasabi mo." paliwanag ni Candice.
Natawa naman si Zach at Harvey.
"Ang cute niya 'no?" bulong ni Candice kay Zach habang pinagmamasdang tumawa si Harvey dahil halos hindi na makita ang mga mata nito.
"Oo." sagot ni Zach.
Ilang araw ang lumipas at naging madalas ang pagkikita ni Harvey at Candice. Nagdesisyon si Jia magstay ng dalawa pang linggo dahil natatakot pa rin si siya na malaman ni Harvey ang tungkol sa ginawang pag iwan ng ama niya sa kanila. Naging mas malapit si Candice at Harvey.
Sa paaralan naman ay naging magkaklase si Zach at Cindy at nalaman ni Zach na si Cindy ang inasar niya tungkol sa paminta ngunit kay Candice siya humingi ng sorry. Namangha si Zach dahil hindi niya inaasahang magkaibang tao ang nagawan niya ng kasalanan at hiningian niya ng tawad. Naging malapit din si Zach kina Cindy at Candice.
Nang araw na aalis na si Harvey at babalik na sa Manila ay hiniling niya kay Jia na hapon na umalis dahil kahit sa huling pagkakataon ay gusto niyang makausap si Candice.
"Talaga? Aalis ka na rin at babalik sa Manila?" gulat na tanong ni Harvey nang sabihin ito ni Zach.
"Hindi ko nga rin alam kung bakit. Sayang naman kaka-transfer ko pa lang ng school." saad pa ni Zach.
"Meaning, maiiwan si Candice?"
"Wala naman akong magagawa." sambit pa ni Zach.
"Harvey, ano? Matagal pa ba? Gagabihin tayo." tanong ni Jia habang isinasakay ang mga gamit sa sasakyan.
"Malapit na Ma. May hinihintay lang ako. Few more minutes."
"Okay, five minutes, after aalis na tayo."
Tumayo naman si Harvey mula sa pagkakaupo sa tabing kalsada at naiwang nakaupo si Zach. Tumingkayad siya at pilit tinatanaw kung paparating na ba si Candice.
"Wait, hindi ka ba hahanapin? Di'ba ngayon na rin kayo babalik sa Manila?" tanong ni Harvey kay Zach.
"Yup. Pero mamaya pang midnight para less traffic. Saglit lang, I'll fetch her na."
Pagkasabi noon ay dali-daling tumakbo si Zach. Mabilis niyang tinakbo ang distansya mula sa kaninang kinalalagyan hanggang sa marating ang bahay nina Candice. Nakita niya ang isa sa kambal ngunit hindi niya pa rin matukoy kung sino ito sa dalawa.
"Si Harvey aalis na." sambit ni Zach sabay hila kay Candice.
"Huh!?" tanong ni Candice ngunit tumatakbo rin siya.
"Basta bilis." hindi alam ni Zach kung si Cindy ba o si Candice ang hinihila niya ngunit wala na siyang pakialam, kailangan niyang makabalik agad.
Nang malapit na ay biglang tumigil si Candice. Dali-dali niyang isinisintas ang sapatos nang matanaw ang pag alis ng sasakyan nina Harvey. Si Harvey naman ay nakatingin sa bintana at hinihintay pa rin sila.
"Mauna ka na! Bilis!" sigaw ni Candice habang hinihingal.
Napatingin naman sa kaniya si Zach.
"Bilis!"
Tumakbo naman si Zach ngunit napatigil siya nang sumigaw muli si Candice.
"Sabihin mo crush ko siya!" sigaw ni Candice ngunit hindi ito narinig ni Zach dahil isang malaking truck ang dumaan.
"Ano?!" sigaw na tanong ni Zach.
"Sabihin mo, gus... to... ko siya!" mas malakas na sigaw ni Candice ngunit hindi pa rin sapat para marinig ni Zach.
"Huh?! Hindi kita marinig! Cindy lakasan mo!" sa pag-aakalang si Cindy iyon.
"Crush ko si- Zach bilis! Malayo na sila!"
Hindi na siya pinakinggan ni Zach at tumakbo na papunta sa sasakyan ni Harvey. Kumaway ito at ngumiti. Si Zach naman ay ngumiti hindi dahil sa nginitian siya ni Harvey kundi dahil sa akala niyang siya ang crush ni Candice na inakala niyang si Cindy.
Pitong taon ang lumipas at hindi na sila kailanman nagkaroon ng koneksyon. Si Zach ay bumalik sa Manila dahil sa trabaho ng kaniyang ama. Si Candice at Cindy naman ay nagpatuloy sa pag aaral. Unang taon pa lamang nila sa kolehiyo . Si Candice ay nursing student habang si Cindy ay pumasok sa army. Marami ang natutuwa sa kanila dahil napakalayo ng pinagkaiba ng napili nilang propesyon. Sa kabilang banda, si Harvey ay isang taon na lang ang gugugulin sa kolehiyo hanggang sa matapos ang unang apat na taon ng pagdo-doktor.
Hindi na rin sila nagkita kita kahit may okasyon dahil si Zach ay nagkaroon ng kakaibang kondisyon at ayaw niyang ipaalam ito sa kanila. Si Harvey naman ay hindi na bumalik dahil nang malaman niya ang tungkol sa ginawang pag iwan sa kaniya ng ama niya ay pinili niyang sumama kay Jia sa China at doon mag aral.
Nagulat at literal na bumalikwas si Candice mula sa hinihigaan niya nang mabasa ang isang message. Mula ito kay Harvey at sinabi nitong babalik siya sa darating na linggo.
"Cindy!!!" sigaw ni Candice habang nagtatatalon.
"Oh?" walang ganang sagot ni Cindy.
"Wala kang sense." sagot naman ni Candice at saka muling tumili.
"Ano ba? Nakakasakit ka sa tainga. May masinsinang pag-uusap kami rito ni ginoong inidoro tapos eepal ka. Dun ka nga!" saad ni Cindy.
"Mama mo inidoro bahala ka basta masaya ako." sambit naman ni Candice at sinipa ang pintuan ng cr bago umalis.
Walang unan ang nakaligtas sa hagupit ng kamay ni Candice. Pinagbu-bugbog niya lahat ng mahawakan niya at hindi siya matigil sa pagtili. Nanginginig nginig pa ang kamay ni Candice habang nire-replyan si Harvey. Halos mawasak naman ang lalamunan niya sa kakatili nang yayain siya nito sa bahay ni lola Beth.
"Really? Grabe, seven years is indeed a long time." saad ni Harvey sabay inom ng softdrinks sa bote.
"Talaga. Ang daming nangyari. Sayang nga lang kasi wala kayo ni Zach."
"And now naiintindihan mo na ako huh?" natatawang sambit ni Harvey habang tumatango.
"Of course." proud na sagot ni Candice at natawa siya. "But no joke, nag practice talaga ako mag-english. Saka the day Zach entered our school napilitan na ako mag-english kasi kasama ko siya."
Nagbuntong hininga si Harvey. "Zach... Nasaan na kaya siya?"
"Maybe sa Manila, nag aaral. Anyway, nag-aaral ka pa?"
"Yup, pero last year ko na. I'll be graduating this year."
"Talaga? Pero ba't lumipat ka pa? Dapat tinuloy mo na lang ang pag aaral mo sa Manila."
"Actually sa China ako nag-aral. When I came back to Manila from here, sinabi sa akin ni mom that dad had an affair with another woman in Japan. Mom decided to go to China para ayusin ang mga naiwang properties ng parents niya and I had no choice."
"And now... Bakit hindi mo pa tinapos doon?" nag-aalangang tanong ni Candice.
"The life there was so boring. Bukod sa hindi ko vibe ang mga tao, I love the cuisine here than there."
"Yun lang?"
"Of course I have my own personal reasons. Pero hindi lahat pwede kong sabihin."
"Okay... So, anong course mo?"
"Med."
"Really?!"
"Why?"
"Nursing student ako! First year." nakangiti at manghang sagot ni Candice.
"Whoa... a doctor and a nurse friendship. Nice."
Naging napakaiksi ng gabi sa kanilang dalawa. Hindi maubos na tanong ang pumuno ng kanilang mga oras. Hanggang sa magpaalam na si Candice. Inihatid naman siya ni Harvey at siniguradong ligtas.
Naging madalas pa ang pagkikita ni Harvey at Candice. Hindi kagaya dati, silang dalawa lamang ang laging magkasama ngayon. Sa lahat ng lakaran ay dalawa lamang sila. Minsan ay magkasama pa silang nag aaral sa bahay ni lola Beth.
"Amygdala, cerebrum..." mabagal na saad ni Candice at halos mawala na ang itim ng mata sa kakatingin sa itaas.
"Wala riyan sa kisame ang sagot." biro ni Harvey.
"Sira, ganoon talaga kapag nag iisip ako. Para ibigay sa akin ng langit ang sagot." sambit ni Candice at natawa naman si Harvey. "Teka, wag mo kasi ako guluhin."
"Fine sorry. I'll just go to the kitchen and cook something for us."
Tumango na lamang si Candice at nagpatuloy sa pag aaral. Si Harvey naman ay naghanda ng makakain.
"What do you want?" tanong ni Harvey at sumilip mula sa kusina.
"Orange juice and egg sandwich?"
"Orange juice and egg sandwich."
Halos sabay na sambit nila. Napatigil naman sila at biglang natawa.
"Hindi ka ba nagsasawa? Palagi na lang ganiyan kinakain mo." natatawang usal ni Harvey.
"Kung nagsasawa ba ako iyon ang isasagot ko?"
"May tuldok ka..." saad naman ni Harvey habang tumatango.
"Huh?" naguguluhang tanong ni Candice.
"Tuldok, point. Meaning, may point ka."
"Wait, what? Ikaw? Nagjo-joke? Praise the merciful saints of the world and beyond." natatawang sambit ni Candice at pumikit pa't itinaas ang mga kamay niya.
"N-nakita ko lang iyon sa komiks." nahihiyang saad ni Harvey.
"Komiks?"
"Yeah, yung sa loob ng plastic wrap ng choey toffee."
Sa halip na sumagot ay bigla na lamang sumabog ang tawa ni Candice. Sumakit na ang tiyan niya sa katatawa ay hindi pa rin siya tumigil.
"Why? Anong nakakatawa?"
"Seryoso? Choey toffee? Ano ka? Batang eight years old?"
"No, hindi lang naman bata ang kumakain non. Saka masarap kaya, chocolate and caramel in one bite."
"Tumigil ka nga, mukha kang nage-endorse." sambit ni Candice at binato ng nilukot na papel si Harvey.
"Speaking of chocolate, may gusto akong ipatikim sa'yo. Chocolate drink na cheap pero satisfying."
"Ano? Milo?" natatawang tanong ni Candice.
"Ovaltine."
Mas lalong sumabog sa pagtawa si Candice. Si Harvey naman ay naiwang naguguluhan. Sa gitna ng pagtawa ay may napansin si Candice.
"Wait, ano iyan?"
"Huh? Alin?"
"Iyan! Yung nasa braso mo."
"Uh, huh? Ito?" sambit ni Harvey at ipinakita ang bahagi ng braso niya na tila may naka-imprenta.
"Oo."
Lumapit naman si Harvey at sinuri ni Candice ang braso niya. Nang mapagtanto ni Candice kung ano ay halos maglupasay siya sa pagtawa pinaghahampas niya pa si Harvey sa sobrang tawa.
"Seryoso ba iyan?!" saad ni Candice sa pagitan ng malakas niyang tawa. "Lumpia?!!"
"Nakita ko kasi yung mga bata sa labas. Actually madali lang. Lalagyan mo lang ng alcohol yung plastic wrap ng junk food called lumpia then idikit mo sa balat mo."
Nagpagulong gulong na si Candice kakatawa.
"Cool though." saad ni Harvey.
"Cool? Baka burara!" saad naman ni Candice at habol hininga na sa sobrang tawa.
Nagkaroon ng mas malalim na pagsasamahan si Candice at Harvey. Madalas na rin silang mapagkamalang magkasintahan ngunit tinatawanan lang nila. Tumatawa si Candice ngunit alam niya sa sarili niyang gusto niyang magkatotoo ito. Si Harvey naman ay nakakaramdam ng pagkailang dahil gusto man niya si Candice ay hindi niya alam kung paano sasabihin.
"Oh saan na naman ang punta mo? Kaaalis mo lang nitong isang araw ah." tanong ni Cindy habang nakataas ang paa sa upuan.
"Wala ka na ro’n. Yun ngang pagtisris mo ng kuto hindi ko pinapakialaman." sagot ni Candice habang nagsusuklay sa harap ng salamin.
"Ang pangit mo."
"Wala akong pake."
"Magkakapake ka siguro kung isumbong kita."
"Iyan na ba ang panakot mo?" depensa ni Candice.
"Itapon ko kaya mga make up mo?"
"Go."
"Lalandiin ko kung sino man iyang ka-date mo.”
"Hoy! Foul na iyan!" bulyaw ni Candice sabay hagis ng lalagyan ng pulbo kay Cindy.
"Garutay ka ang sakit!"
"You deserve it." sambit ni Candice sabay alis at naiwan si Cindy na hinihimas ang braso niyang tinamaan ng pulbo.
Kalahating oras pang naghintay si Candice kay Harvey. Nakaupo siya sa damuhan at nakalatag sa harap niya ang mga pagkaing inihanda niya. Maliwanag rin ang paligid dahil bukod sa maraming pailaw ay maliwanag ang ilaw ng buwan. Nagsabit si Candice ng ilang helera ng mga plastic wrap ng lumpia bilang dekorasyon. Ginawa niya ring bulaklak ang mga wrappings ng ovaltine at ginawang bouquet.
Nang dumating si Harvey ay ngumiti si Candice kasabay ng napakalakas na pagkabog ng d****b niya. Nagpalinga-linga naman si Harvey at hindi niya maitago ang pagkamangha na may halong saya sa nakita niya.
"Unang hakbang..." nanginginig na bigkas ni Candice.
Napatingin naman si Harvey sa kaniya at itinuro ni Candice gamit ang kaniyang nguso ang nasa paahan ni Harvey. Nang makita ni Harvey ang isang garapon sa paahan niya ay pinulot niya ito.
"Unang choey toffee..." tuloy ni Candice at napangiti si Harvey.
"Pangalawang hakbang..." patuloy pa ni Candice at pinulot ni Harvey ang pangalawang choey toffee.
Pangatlo... Pangapat... Hanggang sa labing lima...
Hindi maiwasan ni Harvey ang maluha sa hindi maipaliwanag na emosyon. Nag uumapaw ang saya niya at hindi maipaliwanag ang mga paru-parong nagkakagulo na sa kaniyang tiyan. Si Candice naman ay halos lumabas na ang puso sa sobrang lakas ng pagtibok nito. Kada hakbang na gawin ni Harvey ay mas lalong lumalakas ang kabog sa d****b niya.
"Labing anim...”
Ngumiti si Harvey at napabuntong hininga si Candice sa kaba.
"Labing pito...”
Labing walo... At labing siyam...
Ngayon ay isang hakbang na lamang ang distansiya nila. Walang anumang ingay ang maririnig kundi ang tibok ng kanilang mga pusong iisa ang isinisigaw.
"At ang last choey toffee." sambit ni Candice at iniabot ang isang choey toffee.
Nang magtama ang kanilang mga balat ay hindi maipaliwanag na kuryente ang dumaloy mula taas pababa sa kanilang mga katawan.
"Ang sweet naman nito. Literal." ani Harvey at pinilit naman ni Candice ngumiti.
"Ang dami mo pang babasahin." sambit ni Candice at tumawa.
"Thanks."
"Twenty choey toffee para sa twenty years old na gurang na tulad mo." saad ni Candice at natawa si Harvey.
Umupo silang magkatabi at kumain. Binalot ng mga matatamis na tawanan nina Harvey at Candice ang katahimikan ng gabi. Walang anumang ingay ang umantala sa kanila at naging napakasaya nila. Walang sawang binabati ni Candice si Harvey sa kaniyang kaarawan at si Harvey naman ay walang sawang nagpapasalamat.
"Look at the moon." usal ni Harvey habang nakatingin sa langit.
"Ang ganda..." sagot ni Candice.
"How can the moon shine like this with the thought of he's always alone in the middle of nowhere?"
"Hmm... Hindi naman siya nag-iisa."
"Yeah, he's with the stars. But can you imagine being millions of miles away from someone? For me I really can't. Lalo na kung sa'yo ako malalayo."
"Cheesy." bulong ni Candice.
"Nabasa ko iyon sa unang choey toffee na ibinigay mo." saad ni Harvey.
"What the- really? Gosh, feeling ko tuloy maling desisyon bigyan ka no'n."
"Jokin'."
"You mean, galing talaga iyon sa'yo?"
"Yup."
Nagbuntong hininga si Candice. Nilingon niya sl Harvey at nakitang nakatitig ito sa kalangitan. Pinagmasdan niya kung paano mas lalong naningkit ang dulo ng mga mata nito nang ngumiti.
"Hey Candice look." sambit ni Harvey sabay turo sa itaas.
"Why? Ano iyon?"
"I don't know either.”
"It's just a bird."
"No it's not. I've never seen a bird like that."
"Why? It's just a norma- wait. What-"
Hindi na natapos ni Candice ang sasabihin niya nang makita ang pagbabago ng ibon. Sabay nilang pinagmasdan ang ibon habang nakatingala. Hindi nila kapwa maunawaan nang makita ang ibon na mula sa pagiging kulay abuhin ay naging kulay pilak nang matapat ito direkta sa liwanag ng buwan. Dumagdag pa sa kamangha-manghang kaganapan ang pagkinang ng bilyon-bilyong mga bituin. Kapwa sila maang na nakamasid nang bigla itong tumigil sa ibabaw ng pagitan nilang dalawa. Naghulog ito ng balahibo na isinayaw rin naman ng hangin habang dahan dahang itinutulak ng kakaibang pwersa panaog sa kanila. Nang bumagsak ito ay tumama ang balahibo sa kanilang mga kamay na iilang pulgada lamang ang layo sa isa't isa. Tila kakaibang pangyayaring walang nakakaunawa sinuman sa kanila ang nagaganap. Hindi na rin nila nagawang magsalita at sinaksihan na lamang ang lahat.
Binalot ng kakaibang kuryente ang katawan nilang dalawa. Napakalakas ng kabog ng d****b ni Candice na animo'y lalabas ang puso niya anumang oras. Si Harvey naman ay tila hindi makagalaw at ang puso niya ay walang humpay na isinisigaw ang nararamdaman niya para kay Candice.
Mariing tiningnan nila ang mata ng isa't-isa. Nanginginig man ang mga tuhod ang gumuhit ang ngiti sa labi ni Harvey. Nang mga pagkakataong iyon ay walang ibang tumatakbo sa isip niya kundi ang walang kapantay na pag-ibig niya para kay Candice.
"I love you... Candice..." sambit ni Harvey at nanlaki naman ang mata ni Candice.
Halos mawala na sa katinuan si Candice dahil sa nag uumapaw na emosyon. Nagwawala ang lahat ng mga pandama niya at gulong gulo ang kaniyang sistema.
"Harvey..."
"Candice... I never found any home but in your eyes. You are the only one who made me feel everything I never knew one person could. I spent long time longing until I realized, I'm no longer such. And that's when I found you. I love you Candice... And I mean it."
"I would freaking lie if I'll tell you don't feel the same way."
"Candice..." sambit ni Harvey at banayad na hinaplos ang pisngi nito.
"Harvey..." marahan namang gumuhit ang ngiti sa labi ni Candice.
At sa kung anong malakas na enerhiya ang nagtulak, tila tumigil ang oras. Ipinikit nila ang kanilang mga mata at hinayaan ang mga pusong makipagisa. Dahan dahang inilapit nila ang kanilang mga mukha hanggang sa ramdam na nila ang mainit na paghinga ng isa't isa. At ng mga sandaling ang mga labi nila'y naglapat. Kakaibang kaligayahan at pagmamahal ang bumalot sa paligid. Ang ibon na kanina'y nasa kanilang ibabaw ay nagmistulang bula. Naging abo ito at pinawid ng hangin.
Walang anumang nasa isip nila Harvey at Candice ng mga sandaling iyon. Dinama nila ang bawat segundo at ang h***k nila ang sumelyo ng kanilang pagmamahalan. Nang magmulat sila ng mga mata ay pagkabigla ang sumalubong. Mga kumikinang at maliwanag na lasong kulay pilak ang pumapaligid sa kanila.
Bumagsak kapwa ang mga panga nila at walang sino man ang makapagpaliwanag ng kakaibang kaganapan. Ang mga lasong nagliliwanag ay hindi nila matanto kung saan nagmula at hindi rin nila mawari kung mayroon nga bang pagtatapos.
Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Free Airlines Flight SS394. The time is 9:35 AM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Ninoy Aquino International Airport approximately eight hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight.
Matapos marinig ang anunsyo ay mabilis na binasang muli ni Candice ang messages mula kay Harvey ilang minuto pa lang ang nakakalipas.
Ingat ka ha.
Message me pag nasa airport ka na para masundo kita.
I saw the pictures you sent. You look so good. Pwede ka nang magpanggap na Swiss actress.
Ingat ka. Kapag nahilo ka gamitin mo yung pinadala kong ointment.
Can't wait to see you again.
I love you always.
Nang muli niyang mabasa ang mga iyon ay napangiti siyang hindi sinasadya. Pumikit siya at niyakap pa ang phone niya. Napamulat siya ng biglang may mag buntong hininga sa tabi niya.
"Duwag talaga nito." bulong niya sa sarili niya.
Nakipag asaran pa siya kay Cindy bago muling tinitigan ang phone niya.
"Harvey..." mahinang usal niya habang iniisip si Harvey.
"Ano na naman ba?! Umalis ka na nga!" rinig ni Harvey na bulyaw ng isang babae sa isang pulubi.
Napailing na lang si Harvey. Alingawngaw ng mga busina ang paulit ulit na nagpapagulo ng paligid. Sa ilang kilometrong haba ng traffic ay hindi na maiwasan ng iba ang magalit.
Ilang oras na ang nakalipas nang isend niya ang mga messages niya kay Candice at hindi na siya makapaghintay na salubingin ito. May dala siyang mga choey toffee at ovaltine na nilagay niya pa sa isang kahon bilang pa-welcome back.
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Paano kung mamaya pa ako umalis?" saad niya sa sarili.
Ilang oras pa ang lumipas at halos mapanis na ang mga tao sa kahihintay umusad ng trapiko. Inabot na sila ng paglubog ng araw at hindi pa rin siya nakakarating sa airport.
Talaga nga namang kakaiba ang galing ng mga pinoy sa iba't ibang larangan...
Napangiti si Harvey nang marinig ang anunsyo sa radyo na nanalong muli ang bansang Pilipinas sa larangan ng basketball. Hindi na niya maiwasan ang mainis sa inip ngunit sa tuwing maiisip niya ang kasabikan sa pagdating ni Candice ay napapangiti na lang siya.
Tila bigla naman may kumurot sa puso niya at bigla itong nanakit. Bumigat ang paghinga niya at bumilis ng sobra ang pagtibok ng puso niya. Hindi niya maunawaan kung bakit ngunit alam niyang may hindi magandang nangyayari.
Namilipit naman siya sa sakit nang biglang binalot ng lamig ang buong katawan niya. Literal na nanigas siya at hindi nakagalaw. Napahigpit na lamang ang pagkapit niya sa manibela. Halos mawasak ang lalamunan niya sa pagsigaw dahil sa sobrang sakit.
Tila nanghina ang katawan niya at pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng malay sa sobrang panghihina. Unti unti na rin lumalabo ang paningin niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ngunit dumidilim na ang paningin niya.
Kapapasok lang po na balita. Isang eroplanong nakatakdang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang bumagsak sa isang siyudad. Naging napakalakas ng pagsabog at marami po ang nasawi...
Hindi tinanggap ng utak ni Harvey ang mga narinig niya. Nawawala na siya sa katinuan dahil sa sobrang sakit na nadarama. At wala pa mang isang minuto ay nawalan siya ng malay.
"The patient's heart isn't beating." paliwanag ng isang doktor.
"What do you mean doc?"
"Hindi ko rin maintindihan. His vitals are good. His breathing is at normal. Ang hindi ko maipaliwanag ay hindi tumitibok ang puso niya."
"What?"
"Hindi ko alam. All my life ngayon lang ako naka-experience ng ganitong patient. Maayos naman ang kalagayan niya pero hindi tumitibok ang puso niya. Even a single beat."
Nang magmulat si Harvey ay nakita niya ang dalawang lalaking nag-uusap sa tabi niya. Ang isa'y doktor na balisa at hindi maitago ang pagkalito sa mga nagaganap. Ang isa naman ay nakasuot ng kaswal na kasuotan. Matipuno ang pangangatawan, nangungusap ang mata, may matangos na ilong at magandang hulma ng labi. Nang umalis ang doktor ay lumapit ito sa kaniya.
"Your heart isn't beating dude. How on earth is that possible."
Hindi nakasagot si Harvey. Napakadaming tumatakbo sa isip niya at hindi niya na alam kung ano ang dapat unahin.
"I immediately went here when someone told me na nandito ka. Ang sabi ng nagdala sa'yo rito nakita niya na hindi na umandar yung kotse mo kanina. Nainip siya so he went out of his car and there he saw you. Walang malay. Kaya dinala ka rito." paliwanag ng lalaki.
"Who was that? I must thank him."
Umupo naman ito sa tabi niya at nagwika,
"Liam Scorr, dude..."
CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong
CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil
CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking
CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb
CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.
EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k
PROLOGUE Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Free Airlines Flight SS394. The time is 9:35 AM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Ninoy Aquino International Airport approximately eight hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight. For the millionth time, Cindy let out a heavy sigh. Lumingon-lingon siya at sinubukang libangin ang sarili. She still feels so nervous as she boards a plane for the second time. "Kinakabahan ka pa din?" Cindy almost jumped midair as someone beside her talked. She just nodded and felt her knees started shaking. "Hina mo naman. Buti pa ako hindi." the woman beside her talked again. Cindy looked at her. "Hay, Ca
CHAPTER ONE CINDY’S P.O.V. Naalimpungatan ako nang may biglang kumalabit sa akin. "Ano ba? Can't you see I'm sleepi-" Natigilan ako nang mapagtanto kung sino ang gumising sa akin. A guy on his late twenties with brown eyes, hair brushed up and a manly body. "Mind your attitude miss. Besides, I am the worst nightmare of all the on job trainees here." he said in a calm yet warning voice. Inayos ko ang sarili ko at nag buntong hininga. "Y-yes Sir Lester." saad ko at huminga ng malalim sabay pilit na ngiti. "Also, there ain't one person, staff or student, allowed sleeping at this hour. Maliban na lang kung pasyente ka. Ang tanong, gusto mo?" he said with an intimidating look. "Uh, sorry sir. This will be the last time."
EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k
CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.
CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb
CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking
CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil
CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong
CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S
CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will
CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong