Share

CHAPTER ONE

Author: ViKnows
last update Last Updated: 2021-03-08 19:01:09

CHAPTER ONE

CINDY’S P.O.V.

Naalimpungatan ako nang may biglang kumalabit sa akin.

"Ano ba? Can't you see I'm sleepi-"

Natigilan ako nang mapagtanto kung sino ang gumising sa akin. A guy on his late twenties with brown eyes, hair brushed up and a manly body.

"Mind your attitude miss. Besides, I am the worst nightmare of all the on job trainees here." he said in a calm yet warning voice.

Inayos ko ang sarili ko at nag buntong hininga.

"Y-yes Sir Lester." saad ko at huminga ng malalim sabay pilit na ngiti.

"Also, there ain't one person, staff or student, allowed sleeping at this hour. Maliban na lang kung pasyente ka. Ang tanong, gusto mo?" he said with an intimidating look.

"Uh, sorry sir. This will be the last time."

"It should be. I heard it a thousand times from you miss Wright."

Tumango na lang ako sabay yuko.

Akmang lalakad na palayo nang bigla siyang tumigil at lumingon sa akin.

"Don't you bother looking yourself at the mirror?" he said as he smirked and finally left.

Isa akong graduating nursing student at ito ang pangatlong linggo ko sa aking On Job Training. Hindi mabilang na sikmat at sermon na ang inabot ko kaya kung minsan ay napapaisip kung makakapasa nga ba talaga ako.

Hindi ko naman talaga ginusto mag nurse. Napilitan lang ako kase kailangan ni dad. My dad's paralyzed for five years na. Weeks after mamatay ng mother and twin sister ko sa isang plane crash, naparalyze na siya. Hindi ko alam kung bakit pero never niya in-open up ang issue ng pagkakaparalyzed niya. Minsan susubukan ko pero nagagalit lang siya.

I was just standing there, looking at Sir Lester when someone called me.

"Psst!”

Nagpalinga-linga ako pero wala.

"Psst!"

I wandered around my sight again but none showed up.

"Kita ko buhok mo gaga." saad ko na nagkukunwaring nakikita ko.

Then in an instant, a woman showed up from the back of a plant. Medyo petite na katawan, nerdy glasses, at makapal na kulot na buhok. Many says she's different but I reckon she's beautiful. Kita ang stress sa mukha niya at parang nainis siya kase nakita ko siya.

"Ano ba yan. Akala ko hindi mo ko makikita." angil niya habang kumakamot sa ulo.

"Sa laki ng buhok mo, parang pugad ng lawin, makikita ka kahit saan ka magtago." I said jokingly.

"Ayy, harsh naman. Wag ka nga dyan, ginalingan ko kaya magtago." she replied

"Hindi mo ko matataguan. Saka sa likod ka pa talaga ng halaman nagtago, lalo ka tuloy nagmukang pugad." sabi ko sabay tawa ng malakas."

"Yung buhok mo nga parang dinilaan ng baka. Sobrang bagsak cyst."

"Hoy! Mabuti nang bagsak kesa naman buhaghag. Sabog"

"Bagsak parang ikaw. Bakit ka ba kase tulog nang tulog?"

"Huh? Pano mo nalamang natulog ako?"

"Hello, may panis na laway ka pa kaya." she said and laughed.

Nagmamadali akong tumakbo papuntang restroom at naghagilap ng wet wipes sa bag ko. Sumunod naman ang gaga.

"Hay nako Valerie ano ba kase pinagkakaabalahan mo tuwing gabi at puyat na puyat ka lagi?"

"I don't answer with that name." I said as I turned my back.

"Cindy Valerie Wright. I hardly think mas maganda ang Valerie kaysa sa Cindy."

"Dhaeny Andrea Scrimgeour. Gusto mo tawagin kitang Andrea?"

" Hindi ka talaga nagpapatalo 'no? Ayoko nga ng Andrea, parang yung classmate natin nung senior high na bida bida. So ano nga Cindy? Ano ginagawa mo tuwing gabi?"

"Wala. Maaga nga ako natutulog e."

"Hmm. Talaga ba?"

I nodded and smiled weakly.

"Don't tell me napapanaginipan mo pa din yung accident." saad niya habang naglalagay ng liptint.

I smiled.

"Hey! Cindy that was five years ago. Ako nga limot ko na."

Awkwardness fell. She then stopped putting liptint and looked at me.

"But... of course I can't blame you. You lost your twin and your mom because of that. Now your dad's half body's paralyzed.”

Dhaeny's right. That was long time ago. I think I should forget about it and move on. But no, half of my life died with that plane crash.

Ilang linggo pagkatapos ng plane crash, napag-alamang hindi system malfunction ang dahilan, kundi isang sabotage. Weeks after ay nahuli din ang utak sa likod nito kasama ang limang kasabwat niya.

They were interrogated. Nang matapos ay diretso sa kulungan ang limang kasabwat subalit siya'y dinala sa mental hospital matapos mapag-alamang nakararanas ito ng kakaibang mental health problem. At hanggang ngayon after five years, walang sinuman ang dumalaw sa kaniya. Itinakwil siya kahit ng kaniyang sariling anak.

About naman dun sa issue ng hijacking, it's a whole different thing. Walang itong kinalaman sa pagka sabotage ng plane. It just happened that both demonic crimes took place in one plane. How unfortunate?

Si Dhaeny? We were on the same plane. We boarded the same unlucky plane. To be honest, I and Candice even made fun of her when she was in the lavatory. Right after the plane crash, when all the survivors were rescued, I saw her and she smiled at me. That's when I knew, she's a good person. Coincidence? Nah. I believe it's destiny. When my twin sister died, I had her as a new sister.

Naglalakad na kami pabalik at hindi ako halos nagsasalita. Nag-iintay na kami bumukas ang elevator nang kalabitin ako ni Dhaeny.

"Sorry..." saad niya at nag pout na parang nagpapaawa.

"Tss. Drama mo sipain kita e."

Ngunit biglang bumukas ang elevator at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha ni Sir Lester na naka smirk. Mukang narinig niya kung ano ang sinabi ko. Naka pamulsa pa ito at halatang naiinip na sa mabagal na elevator.

"You really can't control your attitude Ms. Wright huh? Pity." he said and started walking out the elevator.

Halos magtago na ko sa likod ni Dhaeny sa sobrang kahihiyan. Saka bakit ba nandito yan si Sir Lester? Akala ko ba tumaas na siya. Nagte-teleport ka ghorl?

"S-sorry sir." sambit ko sabay yuko. Napayuko din si Dhaeny at napahakbang papalapit sa'kin.

Nang marinig iyon ay napatigil siya at nagsalita, ngunit hindi lumingon.

"Kung susunod ka, kahit walang nakatingin, susunod ka. Sincerity always coexist with loyalty." he said in the most scariest voice I ever heard. Sobrang kalma pero nakakakilabot.

"O-opo."

Just then, he left. At naiwan kami ni Dhaeny na nakayuko. Walang gumagalaw sa aming dalawa nang biglang narinig namin na nagsara ang pinto ng elevator.

Sinubukan naming pindutin nang paulit ulit yung buttons pero hindi na nagbukas.

"Shit..." rinig kong bulong ni Dhaeny.

Napalingon siya sa akin at tumingin na wari'y nagkakaintindihan na kami sa tingin pa lamang.

"No choice. Bobo yung elevator eh." saad niya sabay ngiti. Halatang sinusubukan niyang pagaanin ang sitwasyon.

Ilang sandali lamang ay naglalakad na kami pataas ng hagdan.

"Bakit ba kase bigla nasulpot yun si Sir Lester?" tanong ko habang padabog na naglalakad.

"Oo nga. Saka napansin mo gurl? Halos pagtinginan na tayo ng lahat ng tao kanina dahil sa Lester na yun.”

"Sus! Kahit sino naman na pinapagalitan nun, napapahiya. Bakit ba kase ganun yon?"

"Ewan ko. Baka kase sobrang galing niya."

"Baka mayabang." sabi ko sabay mahinang tawa.

"No, balita ko magaling nga daw talaga siya. Five years pa lang siya graduate pero nag eexcel siya more than those who work here for ages."

"Edi wow. Mayabang pa din siya."

"Hindi naman mayabang. Mabagsik lang."

"Mabagsik?! Tiger?" I said as I bursted out laughing.

Tumawa rin siya at nagkatinginan kami. Napatigil kami sandali at sabay sumigaw ng

"WILD!"

Halos hindi kami maawat sa pagtawa dahil sa sinabi naming iyon. Dumagdag pa ang mga hirit

"Rawrr"

"Sana ol wild!"

Ilang oras na ang nakalipas ngunit iniisip ko pa rin ang napag usapan namin ni Dhaeny kanina. No, hindi si Lester. About dun sa plane crash. At speaking of which, nakatikim pa ko ng bagsik ni Sir Lester bago umuwi. Halos mapamura ako nang bigla biglang nag-preno yung jeepney driver. Halos madurog ako matapos madaganan ng mga taong katabi ko.

Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa bahay. Nakapagtataka dahil walang anumang ingay ang maririnig. Hindi ko maisip kung bakit sobrang tahimik ng paligid. Normally, kapag uuwi ako nakapagluto na si papa at nakahain na. Pero ngayon, wala. May mga kalat pa sa sahig at halatang hindi nakapagwalis. Ahh, baka naman may surprise sila. Papakabahin muna ako tapos pag bukas ko ng ilaw magsisigawan sila ng happy birthday. Teka, hindi ko naman pala birthday.

Nagmamadaling hinanap ko si papa. Halos baliktarin ko na ang buong bahay para makita siya. Napuntahan ko na ang lahat ng kwarto, pati sa kusina, at kahit sa likod ng bahay ngunit wala si papa. Isang parte ng bahay na lamang ang maaari niyang puntahan. Pero, hindi. Hindi siya pupunta doon. Ilang taon na rin nang huli niyang buksan ang attic.

Aksidenteng nabuksan namin ni Candice yun noong eight years old kami. Nagalit pa nga si papa kase nakabasag si Candice ng flask. Science laboratory siya na ginawa ni papa katulong ni mama. Hindi naman nakakagulat na may ganon kami sa bahay dahil scientist si papa at si mama naman ay mahilig sa experiments.

Halos matumba na ako sa pagmamadali paakyat sa attic. At doon, hindi ako nagkamali. Nakita kong bukas ang ilaw at naiwang bukas ang pinto. Pagpasok ko sa loob ay hindi ko napigilang mapasigaw nang makita si papa na nakahiga sa isang tabi at nagkalat ang basag na flasks at kung ano anong liquids.

"Pa! A-anong ginagawa mo?!"

Tumingin lang siya sakin at mahinang tumawa.

"Asan ba si ate Eva?" tanong ko.

"Umuwi siya kaninang tanghali, kailangan daw siya ng anak niya."

"Well, I bet madami pang available na caregivers. Dapat naghire ka temporarily. O tumawag ka sakin." halos masigawan ko na si papa.

"Cindy I'm fine."

"Anong fine? Can't you see yourself? Basang basa ka na. What if may masamang effects yung chemicals sa balat mo? What if masugat ka sa mga bubog na yan? What if may lason pala yang mga yan? What if hindi agad ako nakauwi at anong nangyare sayo?"

"Cindy, I said I'm fine. And walang lason yung mga chemicals na iyan. Mixtures lang iyan ng water at some substances."

"Kahit na. Ilang oras ka na nakababad. Baka magkasakit ka!" I exclaimed.

"Three hours pa lang naman."

"What the- three hours?! Ano ba naman yan pa?!" saad ko habang kumakamot sa ulo. Nagmamadaling lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya makabangon at isakay sa wheelchair.

Nilinis ko ang naiwang basag na piraso ng flasks at pagkatapos ay dinala na si papa sa kwarto. Habang humahanap ng damit na maisusuot niya ay hindi ko mapigilang isipin kung bakit niya binuksan ang lab after so many years.

"Ano bang naisip mo at nagpunta ka doon nang mag-isa?"

"That's the point. Mag-isa ako and wala si Eva kaya pwede ko ‘to buksan. Just wanted to know if I can still continue my unfinished experiment."

Napatigil ako.

"W-what do you mean?" I asked.

"The one I was doing with your mom."

"Dad! Stop it. I'm... hurting."

I could feel my tears were forming.

"No. I didn't mean to. Naisip ko lang, what if malaman ng mom mo na natapos ko na yung proposed project niya? Then I'll be able to give justice on their death. On us... me."

Tears could be seen in his eyes too.

"But, nahuli na yung nag-sabotage long before. Isn't it the justice you're looking for?”

"No, you don't get it.”

"Of course I do."

"You absolutely not. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin but I'm sure this isn't the right time to. You'll know soon enough."

"Mom died as we were traveling to back from Switzerland. We went there dahil may rare chemical na gusto nyo makuha. You believed that will help you with that experiment. But turned out, that'll be our last moment. Fantastic." I said and smiled bitterly. "My mom and my twin sister died for a search for that damn rare chemical."

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Parang bumibigat ang nararamdaman ko.

"Pero ano? The following year, yung friends mong scientists na nagpunta din sa Switzerland, what they've found out? Nothing. It wasn't able to help you at all with that goddamn experiment."

I could see him shaking. He's trying to stop his tears.

"S-sorry." he said and his voice cracked.

I walked to him and caressed his shoulder.

"It's okay. It's your profession, can't blame you though."

"Fine. I'll stop doing this. From now on, I'll stop looking for a thing to cure bip-" he stopped and looked down. Couldn't look directly at my eyes.

"Cure? That’s what you've been doing? Cure for what?"

"Nothing."

"Tell me. I insist."

"You'll know soon enough."

"Fine. But what exactly is the reason why you are dying for that cure?"

"Why ask a question you already know the answer?"

I smiled weakly as tears finally escaped my eyes.

"Si mom." I said and tears fell straight to the ground.

"She's always the reason behind everything I do."

Napatigil ako. Parang may mas lalong  kumurot sa puso ko. I looked at dad. He wasn't crying but the sorrow could be visibly seen.

"Before she died, pinilit niya ako na mabuhay. We knew we were both dying. With her last words, nakipag talo pa ako. I wanted to die with her but she insisted na kailangan ko mabuhay... para sa'yo.”

My heart skipped a beat. Parang sumisikip ang d****b ko. Parang nanunuyo ang lalamunan ko at hindi makapagsalita.

"I could've died with her. Actually that was what I wanted. I mean, what is the point of living if the reason why you do it has gone and left you behind."

I cleared my throat.

"B-but her memories linger on."

He chuckled but more tears were forming in his eyes.

"A misbelief from fairytales and stories. Sabi nila ok lang na mamatay yung mahal mo kase yung memories maiiwan. Damn! That is the fvcking point!"

Nagulat ako sa mga sinabi ni dad. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha niya. Bihira niya ilabas ang pagka-miss kay mom pero sobrang sakit pag nakikita ko.

"If the person left and the memories stay, don't be happy. Those memories will be the one to stab you emotionally. Yun ang papatay sa'yo. Kaya yung mga natutuwa dahil sa naiwang memories, they're the foolish ones."

That made sense. Gosh, nanginginig na yung mga tuhod ko. Hindi na rin maawat ang mga luha ko.

"Those memories will cause you to long more. So if a person die, I really do wish I just forget everything about her. With that, I'll just get hurt once."

I wasn't moving. I was just looking at him and he looks dreadful. So stressed out. Kita sa mga mata niya ang sakit.

"You wanna know why I was paralyzed right?" tanong niya. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. After all this time, ngayon niya lang sasabihin kung bakit.

"Soon enough?" I said as I wiped my tears.

"I reckon this is the right time." he said as he smiled weakly.

Tumingin siya direkta sa mga mata ko and the next words I heard left my jaw dropped.

"Bipartite Souls..."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
alanasyifa11
what a cool story! if only there is a translated version of this... btw can i follow your social media acc?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWO

    CHAPTER TWO "Bipartite souls..." he said as he wiped his tears and forced a smile. "Uh- I beg your pardon?" I asked literally covered in confusion. He chuckled. "Knew it. You won't believe." "No. Of course I believe you. It's just that..." "It's just that?" he said waiting for my answer. "I never knew it exists." he smiled and nodded slowly. "But I heard of that." I said. "And you didn't believe. Who would actually believe that thing." "Uhm, dad, what exactly bipartite souls is?" "What do you mean?" "I heard about it but I absolutely have no idea about such." He sighed. "A silver string is believed to connect two persons with their hearts beating simultaneously.

    Last Updated : 2021-03-08
  • Cut Our Silver String   CHAPTER THREE

    CHAPTER THREE "Fine then start..." Parang ilang ulit na umalingawngaw sa tainga ko ang mga salitang iyon. Kumurap pa akong makailang beses ngunit napagtanto kong hindi ako nagkakamali. As in... now na?! Nag buntong hininga ako. "You don't like it? Pwede namang huwag na. I'll just drop your grades to 5 and you'll spend another year sa college." he said as his voice echoed through the silence. "H-hindi po. I'll take the offer." "Of course you will. You have no choice." Just then, he stood up and looked at me. "Wanna stay here longer?" Hindi ako nakapag salita. Nakatingin lang ako lang sa kaniya habang nakasmirk. Gosh Sir Lester, diko magets. You mean, dito muna tayo? Like n*****x and chill, kwentuhan about life, coffee together, get

    Last Updated : 2021-03-08
  • Cut Our Silver String   CHAPTER FOUR

    CHAPTER THREE "Fine then start..." Parang ilang ulit na umalingawngaw sa tainga ko ang mga salitang iyon. Kumurap pa akong makailang beses ngunit napagtanto kong hindi ako nagkakamali. As in... now na?! Nag buntong hininga ako. "You don't like it? Pwede namang huwag na. I'll just drop your grades to 5 and you'll spend another year sa college." he said as his voice echoed through the silence. "H-hindi po. I'll take the offer." "Of course you will. You have no choice." Just then, he stood up and looked at me. "Wanna stay here longer?" Hindi ako nakapag salita. Nakatingin lang ako lang sa kaniya habang nakasmirk. Gosh Sir Lester, diko magets. You mean, dito muna tayo? Like n*****x and chill, kwentuhan about life, coffee together, get

    Last Updated : 2021-03-08
  • Cut Our Silver String   CHAPTER FIVE

    CHAPTER FIVE "Zach Carlin Smith, nice to meet you." Halos buong gabi tumatakbo sa isip ko ang mga salitang iyon, kasama ang mga alaala ng kakaiba naming pagkakakilala. Ilang minuto akong nagpagulong gulong at tinorture ang mga unan sa kakasuntok bago maisipang matulog. The night was completely in silence. No one could be heard but the sound of crickets. Minutes passed yet I feel so uncomfortable. I walked closer to the window when I noticed it's not yet closed. The cold wind enters the room and touches my skin. Rain pours outside. I smiled as I saw a nocturnal bird flying through the mist and found somewhere to stay. I closed the window and went back to my bed. There's something different, I still can't find the comfort. I just laid there and didn't notice I fell asleep eventually. Naalimpungatan ako nang humangin ng sobrang lakas. Baha

    Last Updated : 2021-03-08
  • Cut Our Silver String   CHAPTER SIX

    CHAPTER SIX Ilang araw din ang nakalipas ngunit napakabigat pa rin ng pakiramdam ko. Para bang may mabigat na nakapatong sa d****b ko. Hindi rin ako nagkakakain at halata ang pagiging apektado. Maging sina papa at ate Eva ay napansin ang aking pagiging matamlay. This is the mere fact everyone doesn't think about. When one talks about bravery, among all professions, policemen, firefighters, armies will be on the prior list. No one thinks of the doctors and nurses, when in fact, they really take too much courage to do their jobs. Each passing day, they deal with tons of patients and do their best to prolong people's lives. They take care of the citizens' health and help them survive longer, but they still can't avoid misfortune. No matter how hard they try, time will come their patients die. They'll be the first ones to be blamed by the patients' family without even asking why didn't the patient survived. Without a small c

    Last Updated : 2021-03-08
  • Cut Our Silver String   CHAPTER SEVEN

    CHAPTER SEVEN Nasa biyahe pa lang ako pauwi ay pilit ko nang hinahanap ang social media accounts ni Carl o Flynt? Wait, anong itarawag ko sa kaniya? Carl? O Flynt? Sa tingin ko mas cool kung Flynt. Nevermind, basta ang cute niya. Nakarating na ako sa bahay ay hindi ko pa rin nahahanap ang accounts niya. Matapos kumain at makipag-asaran kay papa at ate Eva ay umakyat na ako sa kwarto ko. Ini-open ko ang phone ko at nakita ang message ni Dhaeny. Ang saya mo raw kausap. Napangiti ako. Halos buong gabi rin punit ang mukha ko sa sobrang ngiti. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakita kong may isang message si Dhaeny na hindi ko na-open. Kung pwede ka raw kuhaning clown sa birthday niya. Haha asa ka 'no? Napangiwi na lang ako at bumaba. Pagkababa ko sa kusina ay naabutan kong nag-aalmusal sina ate Eva at papa.&nb

    Last Updated : 2021-04-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHT

    CHAPTER EIGHT Nang makalayo ang lalaking kaninang nasa harapan namin ay saka lang nagsalita si Dhaeny. "Ano kayang toothpaste niya?" Napatawa ako habang patuloy na naglalakad. "Gaga, dentist nga siya di'ba, malamang maalaga iyan sa ngipin," "Eh, bakit naman ako, nagt-toothbrush, umaga, tanghali at hapon pero ganito pa rin?" "Baka naman hindi ka nagpapalit ng toothbrush? Nevermind, so ano nang gagawin natin? Pareho tayong walang pera," tanong ko. "Hmm, punta tayo sa bahay," sagot ni Dhaeny at ngumiti ng malawak. "Nakauwi ka na?" Tanong ko na may halong pagtataka. "Hindi pa. I meant, sa bahay ni kuya Flynt," "Ooh, so Flynt ang tawag sa kaniya?" "Narinig mo naman di'ba? Loud and clear," sagot ni Dhae

    Last Updated : 2021-07-03
  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINE

    CHAPTER NINEIlang oras na din ang nakalipas nang makauwi ako ay hindi pa rin ma-absorb ng utak ko na magkapatid ang friendly dentist na si Yuki at ang tiger na si Sir Lester.Is that even possible? Isang napakasungit na nilalang at isang napakafriendly na tao ay may iisang dugo ang nananalaytay. Baka naman sa nanay sila nakakuha ng ugali? Baka ang nanay ni Sir Lester ang may lahing supladita na parang kakain ng tao?Nagpagulong-gulong pa akong makailang ulit at saka lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa kusina at nadatnan si ate Eva na mag-isang kumakain."Si papa?" tanong ko."Nasa kwarto niya. Inaayos ang mga dadalhin niya sa Friday." sagot ni ate Eva habang hindi tumitigil sa pagnguya at punong puno ang bibig."Don't talk when your mouth is full." pabirong sabi ko."Don't talk to me when

    Last Updated : 2021-12-07

Latest chapter

  • Cut Our Silver String   EPILOGUE

    EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FIVE

    CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FOUR

    CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY THREE

    CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY TWO

    CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY-ONE

    CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY

    CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S

  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINETEEN

    CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will

  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHTEEN

    CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status