CHAPTER SIX
Ilang araw din ang nakalipas ngunit napakabigat pa rin ng pakiramdam ko. Para bang may mabigat na nakapatong sa d****b ko. Hindi rin ako nagkakakain at halata ang pagiging apektado. Maging sina papa at ate Eva ay napansin ang aking pagiging matamlay.
This is the mere fact everyone doesn't think about. When one talks about bravery, among all professions, policemen, firefighters, armies will be on the prior list. No one thinks of the doctors and nurses, when in fact, they really take too much courage to do their jobs. Each passing day, they deal with tons of patients and do their best to prolong people's lives. They take care of the citizens' health and help them survive longer, but they still can't avoid misfortune. No matter how hard they try, time will come their patients die. They'll be the first ones to be blamed by the patients' family without even asking why didn't the patient survived. Without a small consideration for their efforts through the patients' time with them. Sa tuwing isang pasyente ang mamamatay, hindi lamang ang kanilang kaanak ang nagluluksa. Apart from them, we're all affected too, because once in our lives, we spent time with them, we cared for them, we loved them. They became part of our lives afterall. We're not doing all of this because it is our job, but we want to, and we care for them.
I sighed, feeling the same emptiness for three consecutive days. Hindi ko mapigilan ang mag-break down every once in a while. Nagpatuloy ako sa pagpasok at internship ko pero palagi akong wala sa sarili. Hindi mabilang na sermon na rin ang narinig ko mula kay Sir Lapaz saying it's all normal, that we can't stop death. He also reminded me to learn how to handle situations like this. That I have to easily move on from a patient's death. Si Sir Lester naman ay hindi ako kinakausap since that day. Nagkikita at nagkakasalubong kami pero normal strangers lang ang kilos namin. He's not talking but his looks are enough to say that he's not good about it. As for Dhaeny, she never stopped cheering me up. She even took over of some things for me. Kita ko ang effort niya para mabawasan ang mga gawain ko. Nag lie low din siya sa pakikipag asaran pero di pa rin mawala ang kadaldalan.
6pm, naglalakad nako pabalik sa room at mag aayos na ng gamit para umuwi nang napadaan ako sa kwarto ni Zach. Bahagyang nakabukas ang pintuan kaya sinilip ko kung kamusta siya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita si Dhaeny at Zach na nag uusap. Mahinang tumatawa si Dhaeny at halatang nagpa-pabebe.
"Kailan ka pa naging ganyan tumawa gaga?" tanong ko at naglakad papasok. Lumingon sila at napangiti si Zach.
"Ngayon lang. Hindi ba pwede magbago ng tawa?" sagot niya at binalik ang tingin kay Zach.
"Kamusta?" sabay naming sambit ni Zach dahilan para matawa kami.
"Bakit mo naman ako kinakamusta? Eh ikaw nga 'tong pasyente." saad ko at umupo sa katabing upuan ni Dhaeny.
"I heard you had a breakdown. Ok ka na?" tanong ni Zach at kita ko ang concern sa mga tingin niya.
"Hmm, anong magagawa ko? Hindi naman ako makakabuhay ng patay." sagot ko at mahinang tumawa. "Just accept the fact na lahat may katapusan.”
Tumango si Zach na tila sumasang ayon.
"Anyway, ano ginagawa niyo bago ako dumating?" tanong ko at napatingin si Dhaeny.
Unti unting gumuhit ang ngiti sa labi niya at saka nagsalita.
"Ikaw ha. Love at first sight ka pala kay Zach."
Nanlaki ang mata ko at si Zach naman ay tumawa.
"At saang bibig ng chismosa mo naman nakuha iyang impormasyon na yian?" tanong ko kay Dhaeny at binatukan ito.
"Aray ko naman. Kinwento ni Zach. Tumitibok pa pala at naghuhugis heart ang mata mo 'pag nakikita mo siya ha." asar pa ni Dhaeny.
"Ikaw Zach! Kung hindi ka lang pasyente, gagawin kitang isa." sambit ko.
Kita ang pag-improve ng kalagayan niya. Nakakatawa na rin siya at kasabay na ngumingiti ang mga mata nito.
"Sige na Cindy. Stop denying." hirit pa ni Zach.
"Why would I? Eh hindi naman talaga ako nagka-crush sayo." depensa ko.
"Wait nga lang. Sino talaga ang nagsisinungaling?" tanong ni Dhaeny.
"Siya!" sabay naming sagot ni Zach dahilan para matigilan kami.
"No. Ganito kase yan Miss Kulot. When w-" paliwanag ni Zach.
"Teka. Akala ko ba alam mo na pangalan ko?" Dhaeny cut him off.
"I find it more comfortable Miss Kulot, so hayaan mo na." tuloy ni Zach.
Nag pout si Dhaeny at kumamot sa ulo.
"When we were young, I went here and decided to transfer school kase before, sobrang tamad ko pumasok. It was dad's decision but two weeks later, mom called and told dad to bring us back to Manila kase hindi daw niya kaya na malayo kami ni kuya sa kaniya." panimula ni Zach.
Nakatingin lang kami ni Dhaeny. Nakangiti at nakasalo sa baba niya ang gaga.
"I first saw her and even teased her about the pepper thing. Later that night, I met her twin na akala ko siya. Fast forward, before going back to manila, she approached me and said she has a crush on me." Zach said and winked at me. "Now, tell me who's lying? I know every detail of the past." saad niya at ngumisi na parang nang aasar.
"Sure ka?" tanong ko.
Tumango si Zach.
"Paanong mangyayari ang so called confession ko? Eh last meet natin nung nagpakilala ka." saad ko at itinaas ang kilay ko.
"Wait. Wait. Wait." singit ni Dhaeny at nanliit ang mata habang nag-iisip.
"D-don't tell me..." Zach stuttered.
I snapped.
"That's it!" I said and a teasing smile flashed on my lips.
"Ahh! Kairita!" wika ni Zach at kumakamot sa ulo.
Si Dhaeny ay tumawa lang ng tumawa.
"Why didn't I realize it? Ahhh!" inis na sambit ni Zach.
Lumabas na kami ni Dhaeny at iniwan si Zach. Puzzled. Nakangiting naglalakad kami ni Dhaeny sa hallway at hindi namin mapigilan mapangiti.
"Gurl, spokening dollar iyan before." wika ko at napatingin naman si Dhaeny.
"Spokening dollar?" tanong niya. Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa hitsura niya.
"English speaking gaga." paliwanag ko. "Mabuti nga nagtatagalog na iyan kahit papaano."
"Dahil sa’yo." sagot ni Dhaeny at binilisan ang lakad.
Napabilis din ang lakad ko at pilit hinabol si Dhaeny.
"Sa’kin?" tanong ko.
"Huwag nga ako ginang Valerie." pang aasar niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam kong alam mo." sambit niya.
I was just looking at her confused.
"He had a crush on you." bulong niya at tuluyan akong iniwan.
Tumuloy kami sa room at kinuha ang gamit namin. 6:30, palabas na kami. Pinili namin mag hagdan dahil 2nd floor lang naman. Besides, hindi na kami gumagamit ng elevator since that day. Nagpasama pa si Dhaeny sa restroom bago kami tuluyang lumabas. Akmang bubuksan na namin ang glass door nang may tumawag sa amin. Nilingon namin ito at nakita ang hinihingal na si Sir Lapaz. Pawis na pawis ito at halatang pagod na.
"Miss Wright! Miss Scrimgeour!" tumigil kami ni Dhaeny at hinintay siya makalapit. "Kanina ko pa kayo tinatawag but you weren't looking back. Anyway, since bukas ang last day ng On Job Trainees, tomorrow will be a medical mission." hingal nitong paliwanag.
"Po? Medical mission?" tanong ni Dhaeny.
"Yes. For those typhoon victims. Madami ang nagkaka diarrhea at kung ano anong sakit. That'll be at the evacuation area. I'll be sending the address through e-mail. Be sure to get there at 7 am. Madaming gagawin, be prepared. Kayo ang mag aasikaso, hindi kayo ang magpapaasikaso."
"Oohh. Cool." rinig kong bulong ni Dhaeny.
"Challenging though." bulong ko rin sa kaniya.
"But that challenge will be worth it. On Saturday, 7pm, you'll have graduation party. I'll be there, as well as the other doctors who guided you, and also Mr. Parkinson." sambit ni Sir Lapaz at bakas ang saya sa pananalita niya.
Nagpalitan kami ng tingin ni Dhaeny at napangiti.
"Feel excited? Wag masyado, baka hindi matuloy." biro ni Sir Lapaz at nagtawanan kami.
Magpapaalam na sana kami nang may magsalita mula sa likuran ni Sir Lapaz.
"Sir Lapaz!" lumingon kaming tatlo at nakita si Sir Lester na lumalakad palapit. Nakablue itong polo at puting coat na bumalot sa kaniya.
"Mr. Parkinson?"
"Oh, you were talking? Sorry. I'll just be around." wika nito at akmang tatalikod na nang magsalita si Sir Lapaz.
"No. Actually kakatapos lang. Nasabi ko na din ang about sa graduation party since wala sila kanina nang mag announce ako."
"Graduation party?" Sir Lester clarified.
"Yup. Better be looking for a good suit." biro ni Sir Lapaz.
"No, I mean, that is why I was looking for you. There are two interns who won't be able to attend the party." malamig na sambit ni Sir Lester.
Nagkatinginan kami ni Dhaeny.
"W-why so?" tanong ni Sir Lapaz.
"Due to their violations. And that two interns stand right at your back." said Sir Lester as he pointed us with his lips.
As expected, nabingi ako sa rants ni Dhaeny hanggang sa makasakay sa jeep. Nang mapansin niyang pinagtitinginan na siya ng mga tao at hindi ko sya pinakikinggan, tumigil na rin siya.
Hindi kami kasama sa party. Ang saya. Mayroon pa kaming additional one week as interns. Chill na lang ang mga batchmates namin pero kami nagt-training pa din. Ang galing miss Wright. Ano na lang sasabihin ng papa mo?
Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalsak ng earphones. Tinodo ko ang volume ng phone ko at sinabayan ang kanta. Ilang minuto akong nakadapa at nakasubsob nang 'di ko na namalayan na nakatulog na ako.
Nagising ako, alas tres ng umaga. Tumayo ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Naka uniform pa ako at nakasapatos. Magulo ang buhok ko at para ang tinderang nalugi. In-open ko ang phone ko at nakita ang flood messages mula kay Dhaeny. Nakapagtataka, hindi siya mahilig mag message maliban na lang kung may nakita siyang meme at ini-screenshot niya then sinend sakin. Isa pa, tamad mag type ang gaga.
Inopen ko ang conversation namin at nagulat sa sunod sunod na umiiyak na emojis. Nag scroll up ako hanggang sa makarating sa first message nya that night.
Cindyyyy huhuhu
Pinalayas ako ni dadddd
Huhuhu
Tulungan mo ako
Ayokong makain ng mga uwak. Sunduin mo ko.
Gaga ka, kung kailan ka kailangan saka hindi ka mahagilap. Pag nakita kita sasabunutan kita hanggang sa magka-poknat ka
Huy, andito ako sa labas ng bahay nyo.
Wait kita dito hanggang sa mabasa mo message ko.
Letse ka nilalamok na ako.
At napakaraming tambak ng umiiyak na emojis. Chineck ko king anong oras sya nag message. 9pm. Patay ako. Tumakbo ako pababa ng bahay at umaasang nanatili siya sa labas, ngunit wala. Sino ba naman ang maghihintay doon na walang kasiguraduhan. Nagbuntong hininga ako at pumasok nako sa kwarto.
Nireplyan ko na siya pero sineen lang ako. Nag-open ako ng f******k at naunang bumungad ang status ni Dhaeny.
Saan po pwede magpaampon? Yung may wifi sana.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa pero nangibabaw ang tawa ko. Hindi na ako nakatulog ng gabing iyon at binantayan na lamang ang buwan at mga ulap. May mga lumilipad ding panggabing ibon ngunit kakaunti ang mga ito.
Maaga akong nagpunta sa evacuation area at hinanap si Dhaeny. Sa kapal ng bilang ng tao ay nahirapan ako maghanap. Nang magsimula ay hindi ko pa rin siya makita. Nang mag break ay tiningnan ko ang attendance ng mga interns at nakitang wala siyang pirma. Hindi pumunta ang gaga. Marahil ay nagtampo.
Nang magsimula muli ang medical mission ng hapon ay dumating ang mayor ng bayan at namigay ng relief goods. Maayos na naman ang lagay ng panahon ngunit may ilang lugar ang may baha pa rin.
"Kagalang-galang na Yshmael Wilson." rinig kong anunsyo ng isang lalaki na sinundan ng palakpakan ng mga tao.
Nagsimula ang mayor sa pagsasalita at nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Ngunit napukaw ang pandinig ko nang marinig ang sinabi ng mayor.
"Isinama ko rin po ang aking anak. Siya po ay nag aral sa Ukraine ng sampung taon at inilipat namin dito sa Pilipinas para saan pa? Kundi maglingkod sa bayan. Isa po siyang graduating nurse. Masaya kong ipinakikilala sa inyong lahat ang aking anak, Charlotte Levanie Wilson."
Nanlaki ang mata ko sa mga narinig ko. That girl na hindi marunong magluwa ng bubblegum? Trash talker? Anak ng mayor?
Ilang minuto rin nagpacute sa publiko si Charlotte at saka lumapit sa akin.
"Where's your friend trash?" mataray na tanong nito habang ngumunguya ng bubblegum.
"Enlighten me. Ilang araw na iyang bubblegum sa bibig mo?" sagot ko at napaismid siya.
"Ooh, trying to mess with me. Be warned, you're alone, wala ang kaibigan mong pugad." sambit niya at pinaputok ang bubblegum.
"One punch can make you down and your poor sidekicks ran away though." I said and smirked.
"Kargador talaga!" pag epal ng babae sa likuran nya na nakabraces.
"Am I talking to you babaeng mukhang horseshoe?" pag asar ko at kita kong nainis sya.
"Hindi ka talaga nahihiya ano? Ayan si mayor oh?" sabat naman ng babaeng maiksi rin ang palda at nakalugay ang mahabang buhok.
"Mayor kupit? Right babaeng alagad ni sailor moon?" sagot ko at nag walk out.
Hanggang mag hapon ay napansin kong minamatyagan ako ni Carlota ang mga chikiting nya. Sa tingin pa lamamg ay parang nginunguya na nila ako nang buhay.
Nang matapos ang medical mission ay bumalik kami para sa ilang paalala at pag-usapan ang tungkol sa party... NILA.
Nang simulan ang usapang party ay umuwi na ako. Nang makasakay sa jeep ay nag open ako ng phone at nakitang nagreply na si Dhaeny. May sinend siyang address at probably andoon siya. Mabilis akong pumunta doon at hindi ko na napansin na sa kabilang daan pala ang pauwi sa bahay.
Nang makababa ay sumakay naman ako sa tricycle. Ilang minuto din namin binaybay ang kalsada bago ako pumara. Matapos magbayad ay bumaba ako, nauntog pa ako sa bubong ng tricycle. Hindi pa ako nakakatawag ay natanaw ko na agad si Dhaeny. Nagsasampay, alas singko ng hapon.
Lumapit ako at walang pasubaling pumasok ng gate. Tila hindi niya namalayan ang pagpasok ko at tuloy lang siya sa pagsasampay. Ang napansin ko lamang ay hindi kaniya ang mga sinasampay niyang damit. Kundi mga brief ng lalaki.
"Kanino yan? Sa sugar daddy mo?" saad ko.
"Ay! Sugar daddy ka!!" sigaw ni Dhaeny at halos mapatalon sa gulat.
Tumawa lamang ako ng tumawa at pinaghahampas niya ako ng basang brief.
"Gaga ka! Papatayin mo ako sa nerbyos!" angil niya pa.
Nakangisi lang ako at pinagmamasdan siya.
"May utang ka pa sakin! Hindi ka lumabas kagabi luka ka! Nilamok na ako dun!" sambit niya pa at lumapit sakin para mahinang sampalin ako.
"Sorry na okay? Nakatulog ako." paliwanag ko.
"Anyenyenye mama mo pink." nakangusong sabi ni Dhaeny.
"Bakit 'di ka pumunta kanina?" tanong ko. Natigilan sya.
"Bakit? Anyare ba?" tanong niya pabalik.
"Si Carlota. Niaway nila ako huhu." paawa kong sagot.
"Batukan kita gusto mo? Ikaw magpapatalo? Asus! Malabo pa sa tinta ng pusit." sagot niya at napatawa ako.
"Pumasok ka muna. Tapusin ko lang ito." saad niya at itinuro ang pintuan.
"Kanino ba yan? Sinong macho dancer na naman ba ang sinamahan mo?" tanong ko at tumawa.
“Hindi siya dancer… pero macho!” ani Dhaeny at tumawa kami.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Hindi ko ito nilingon.
"Wow, automatic ha! Kusa bumubukas ‘pag may maganda." biro ko at tumawa nang mas malakas.
"Bilisan mo na kase para sabay tayo pumasok. Lintek kasing brief yan. Kanino nga kasi iyan?" tanong ko ulit.
Nagulat akoako nangnang may sumagot mula sa likuran. Boses ng isang lalaki. Malamig ang boses nito at naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko indikasyong malapit lang siya
"Akin."
Natigil ako sa pagtawa at nawala ang ngiti sa labi ko. Dahan dahan ko siyang nilingon at nagulat ako nang makitang nakatapis lang ito ng tuwalya. Basa ang magandang katawan nito at nakatitig itong mariin sa mga mata ko. Bahagya akong nakatingala dahil may katangkaran siya. Napalunok ako at halos matunaw sa kahihiyan.
"S-sorry kaibigan ko siya. Gusto lang mangamusta." rinig kong paliwanag ni Dhaeny.
"Narinig kong may tumigil na tricycle, akala ko si Dexie na. Sorry." sagot naman ng lalaki sa harap ko. Halos manuyo ang lalamunan ko, pinanood kong gumalaw ang adam's apple niya habang nagsasalita. "I-I'll just dress up. Pasok ka." sambit nito at pumasok na.
Hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa kinurot ako ni Dhaeny.
"Nakakita lang ng abs, napipi na?" asar nito at nakita kong isa na lang ang isasampay niya.
"Gaga." sagot ko at pilit binalik ang sarili ko sa huwisyo.
"I wonder, may abs kaya si baby Zach?" hirit ni Dhaeny at tumawa. "Char. Tara na sa loob."
Ilang sandali pa ay nasa loob na kami. Napaka-warm ng ambiance at presko. Malinis din ang paligid at maayos ang mga gamit.
"After ko maghintay sa inyo ng dalawang oras kasama ng mga lamok, nag message siya. Nabasa nya pala ang status ko." paliwanag ni Dhaeny.
Mahina kaming natawa.
"Pinsan ko sya sa mother side. Well not actually, adopted kase siya."
"Shh baka magalit pag nalaman nyang ikinu-kwento mo siya." pagpigil ko.
"No. Tanggap niya ever since."
"Mukha siyang mabait." sambit ko at ngumiti.
"Yup. Hindi rin iyan marunong magalit. Pero iba iyan malungkot."
"Bakit?" tanong ko.
"Nag iinom. Like kagabi, bumagsak na naman daw siya sa military school. Nag-inom. Sinamahan ko."
"So kaya hindi ka nakapasok?"
Tumango siya at ngumiti.
Ilang minuto pa ang nakalipas at lumabas na ang pinsan ni Dhaeny. Nakasuot ito ng black shirt at jersey shorts. Umupo ito sa harap namin at ngumiti. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Para bang may kakaibang bagay na nagtutulak sa akin na ilayo ang tingin sa mata niya. Sobrang mapang akit ng mga ito.
"Kuya, si Cindy. Friend ko." pakilala sakin ni Dhaeny.
Tumango ito at ngumiti.
"Hulaan ko name mo?" saad ko sinusubukang maging komportable.
"Manghuhula ka?" tanong nito. "Kidding. Sige." tuloy nya at ngumiti. Nakita ko kung paano humubog ang biloy sa mga pisngi nya.
"Harry Potter?" tanong ko dahilan para tumawa silang dalawa.
"Bakit naman Harry Potter?" tanong ni Dhaeny at hindi matigil sa pagtawa.
"Eh kasi ayan oh." turo ko sa noo niya. "May scar kase. Malay ko ba kung angkan ka ni Harry Potter." sagot ko.
"Oh, this is because of a car accident two years ago." malamig na sambit ng pinsan ni Dhaeny at mahinang ngumiti. Natigilan ako sa pagtawa. Tila napahiya ako at naoffend siya.
"Sorry. H-hindi ko sinasadya." paghingi ko ng tawad.
"No it's fine. Ang galing mo nga manghula." sagot niya at ngumiti. "Actually tito ko si Harry Potter." biro niya at tumawa.
Ilang sandaling tawanan pa at nagpaalam na akong uuwi.
"Uuwi ka na agad 'ni hindi pa kayo magkakilala." angil ni Dhaeny.
"Kilala ko na sya. Pinsan mo. Tama?" sagot ko.
"Wala kang sense of formality." sagot niya ulit.
"Kuya!" tawag niya dito.
Lumapit ito at inayos ang damit niyang medyo nalukot sa pagkakaupo.
"Cindy Valerie Wright." saad ko at ngumiti. Inabot ko ang kamay ko.
Iniabot nya ang kamay niya at nag wika,
"Carl Flynt Dawson."
CHAPTER SEVEN Nasa biyahe pa lang ako pauwi ay pilit ko nang hinahanap ang social media accounts ni Carl o Flynt? Wait, anong itarawag ko sa kaniya? Carl? O Flynt? Sa tingin ko mas cool kung Flynt. Nevermind, basta ang cute niya. Nakarating na ako sa bahay ay hindi ko pa rin nahahanap ang accounts niya. Matapos kumain at makipag-asaran kay papa at ate Eva ay umakyat na ako sa kwarto ko. Ini-open ko ang phone ko at nakita ang message ni Dhaeny. Ang saya mo raw kausap. Napangiti ako. Halos buong gabi rin punit ang mukha ko sa sobrang ngiti. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakita kong may isang message si Dhaeny na hindi ko na-open. Kung pwede ka raw kuhaning clown sa birthday niya. Haha asa ka 'no? Napangiwi na lang ako at bumaba. Pagkababa ko sa kusina ay naabutan kong nag-aalmusal sina ate Eva at papa.&nb
CHAPTER EIGHT Nang makalayo ang lalaking kaninang nasa harapan namin ay saka lang nagsalita si Dhaeny. "Ano kayang toothpaste niya?" Napatawa ako habang patuloy na naglalakad. "Gaga, dentist nga siya di'ba, malamang maalaga iyan sa ngipin," "Eh, bakit naman ako, nagt-toothbrush, umaga, tanghali at hapon pero ganito pa rin?" "Baka naman hindi ka nagpapalit ng toothbrush? Nevermind, so ano nang gagawin natin? Pareho tayong walang pera," tanong ko. "Hmm, punta tayo sa bahay," sagot ni Dhaeny at ngumiti ng malawak. "Nakauwi ka na?" Tanong ko na may halong pagtataka. "Hindi pa. I meant, sa bahay ni kuya Flynt," "Ooh, so Flynt ang tawag sa kaniya?" "Narinig mo naman di'ba? Loud and clear," sagot ni Dhae
CHAPTER NINEIlang oras na din ang nakalipas nang makauwi ako ay hindi pa rin ma-absorb ng utak ko na magkapatid ang friendly dentist na si Yuki at ang tiger na si Sir Lester.Is that even possible? Isang napakasungit na nilalang at isang napakafriendly na tao ay may iisang dugo ang nananalaytay. Baka naman sa nanay sila nakakuha ng ugali? Baka ang nanay ni Sir Lester ang may lahing supladita na parang kakain ng tao?Nagpagulong-gulong pa akong makailang ulit at saka lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa kusina at nadatnan si ate Eva na mag-isang kumakain."Si papa?" tanong ko."Nasa kwarto niya. Inaayos ang mga dadalhin niya sa Friday." sagot ni ate Eva habang hindi tumitigil sa pagnguya at punong puno ang bibig."Don't talk when your mouth is full." pabirong sabi ko."Don't talk to me when
CHAPTER TENNang mabasa ko ang message ay tila lumagpak ang panga ko diretso sa sahig. Ipinabasa ko kay Dhaeny ang message mula kay Sir Lester at umalingawngaw ang tili niya sa buong bahay. Kinalog kalog niya pa ako at nagpatakbo takbong paikot ikot. Tumigil siya sa harapan ko at humawak sa akin habang hinahabol ang hininga niya."Gurl, ano? Sasama ba tayo?" tanong ko habang nagpipigil ng tawa dahil sa hitsura niya."Wait, pahingahin mo muna ako, pag iisipan ko... Oo!!! Bakit hindi?! Si Sir Lester yun! I wonder anong mangyayari, baka ito na ang simula!" gigil na sabi ni Dhaeny at patuloy na tumitili. Hindi siya mapakali at kinalog kalog ang lahat ng mahagip ng kamay niya."Kumalma ka nga gurl, mamaya maubusan ka ng hininga kakatili lalo ka hindi nakasama." saad ko at natawa."Gurl, hindi mo ba naiisip?! Ito na ang chance mo para
CHAPTER ELEVENHalos tumulo na ang laway ko dahil kanina pa ako nakanganga at hindi ko napansin. Kung hindi pa ako sinipa ni Dhaeny sa ilalim ng lamesa ay hindi ako mababalik sa huwisyo. Ilang minuto na rin kaming nakaupo at isa isa nang dumadating ang mga waiter at nagse-serve ng mga pagkaing pangminsanan lang lumapat sa dila ng maralitang katulad ko. Char.Medyo nasasanay na rin kami ni Dhaeny na tawagin sila sa kani kanilang pangalan."Gurl, alam mo ba si kuya Flynt nagluto niyan lahat." bulong ni Dhaeny dahilan para mapatawa ako. Napigilan ko rin naman agad dahil napatingin sa akin si Yuki.Siniko ko siyang mahina at saka lumunok.Ilang sandali pa ay tumigil na ang pagpasok ng mga waiter at saka ko lamang napansin na halos mapuno na ang lamesa sa dami ng pagkain. Naging napakalayo ng lahat sa mga naimagine namin ni Dhaeny. A
CHAPTER TWELVE"Pa, why did you lie?"Hindi ko na napigilan ang sarili ko na akusahan si papa kahit hindi ko pa naman nasisigurado kung nagsisinungaling nga siya. Nagsisi ako nang una ngunit naisip ko rin na may posibilidad na mahuli ko siya kung sakali.Narinig ko ang mabibigat na paghinga ni papa mula sa kabilang linya."Pa, sagutin mo ang tanong ko." wika kong muli nang naramdaman kong wala siyang balak magsalita."Uh..." sagot mula sa kabilang linya."Pa, ayoko sanang makarinig ng anumang kasinungalingan pa.""C-cindy, anak...""Tell me Pa, nasa'n ka?""P-pwede bang bukas na lang tayo mag usa-""Bakit pa kailangan ipagpabukas Pa?"Sandaling tumahimik ang paligid. Rini
CHAPTER THIRTEEN"Sorry Pa." saad ko habang nakayuko."Don't be. It was my mistake. I lied." sagot niya at hinawakan ang kamay ko."Natakot lang talaga ako. Losing mom and Candice is traumatic enough para pagbawalan ka to search for the cure.""Naiintindihan ko. I know everything you acted that night was reasonable. Afterall ako ang dapat mag sorry.""No. I understand you as well.""Thank you.""And Pa, hindi na ako makikialam kung gusto mo gumaling at tapusin ang bipartite souls case mo. Just promise me one thing.""Anything Cindy." papa answered teary eyed. I could see his desire to be cured and that broke me inside.&nbs
CHAPTER FOURTEENSi Charlotte? Anong ginagawa niya rito?Sa halip na dumiretso ay hindi na ako lumakad pa. Hindi ko nagawang ihakbang ang mga paa ko. Tila naistatwa ako sa mga nasaksihan ko. Nang lalakad na sila patungo sa direksyon ko ay awtomatikong tumalikod ako at patakbong umalis. Nahihirapan man ako tumakbo nang dahil sa sapatos ko ay pinilit kong marating ang papasarang elevator. Mabuti naman at nakaabot ako at nagsara na ito. Dahil sa fifth floor lang naman ang office ko dahil ang assigned ward sa akin ay dito rin, mabilis akong nakababa sa ground floor. Patakbong lalabas sana ako nang harangin ako ni Yuki."Oh, wait. Akala ko ba sabay na lang kayo ni Harvey pauwi?”"Uh, oo. Hihintayin ko na lang siya sa labas." palusot ko ngunit ang plano ko ay mauuna na akong umuwi."O...k? Ang akala ko kasi sabay na kayo bababa?
EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k
CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.
CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb
CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking
CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil
CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong
CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S
CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will
CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong