Home / All / Cut Our Silver String / CHAPTER SEVEN

Share

CHAPTER SEVEN

Author: ViKnows
last update Last Updated: 2021-04-07 21:15:48

CHAPTER SEVEN

Nasa biyahe pa lang ako pauwi ay pilit ko nang hinahanap ang social media accounts ni Carl o Flynt? Wait, anong itarawag ko sa kaniya? Carl? O Flynt? Sa tingin ko mas cool kung Flynt. Nevermind, basta ang cute niya. 

Nakarating na ako sa bahay ay hindi ko pa rin nahahanap ang accounts niya. Matapos kumain at makipag-asaran kay papa at ate Eva ay umakyat na ako sa kwarto ko. Ini-open ko ang phone ko at nakita ang message ni Dhaeny.

Ang saya mo raw kausap. 

Napangiti ako. Halos buong gabi rin punit ang mukha ko sa sobrang ngiti. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakita kong may isang message si Dhaeny na hindi ko na-open.

Kung pwede ka raw kuhaning clown sa birthday niya. Haha asa ka 'no?

Napangiwi na lang ako at bumaba. Pagkababa ko sa kusina ay naabutan kong nag-aalmusal sina ate Eva at papa. 

"Cindy, kumain ka na," halos hindi ko naintindihan ang sinabi ni papa dahil sa pagnguya niya. 

Umupo ako sa tabi ni ate Eva at nag-umpisang kumain. Hindi ako nagsalita. Parang may kung anong bagay na ‘di ko maintindihan. Tinatamad ako magsalita.

"Having your breakdowns again? Akala ko--" tanong ni papa.

Umiling ako saka ngumiti.

"Oh, I just thought. Anyway, next week, friday to be exact, I'll be going with my friend somewhere. You know, hangout with colleagues and friends. That'll be a three day event so I won't be around for you," paalam ni papa.

"O...kay?" Sagot ko.

"Well, you see, there's nothing to worry. Andito naman si Eva and she won't leave, right Eva?" saad ni papa at pinanlakihan ng mata si ate Eva.

Ngumiti lang nang pilit si ate Eva. At sa pagkakataong iyon, tila isang bumbilya ang nagliwanag sa ibabaw ng ulo ko.

"Pa?" sambit ko at ngumiting malawak pa sa buong pulo ng palawan..

Itinaas niya ang kilay niya bilang pagtatanong.

"C-can I bring Dhaeny here sa friday?" Saad ko at inilabas ang alindog kong nagpapalambot sa lahat ng pusong bato.

"Dhaeny?" Tanong ni papa at nag-isip. "Yung friend mong kulot? Oh, sorry for the term. That's just how I remember her. Besides since you had the training, madalang na siya pumunta dito," tuloy ni papa.

"So... Pwede?" Tanong ko habang kumukurap-kurap at nagpapacute effortlessly.

"Why not? Bring her," pagpayag ni papa.

Halos mapunit ang mukha ko sa lawak ng ngiti ko. 

"Uh, ate Eva, since ang kontrata mo ay papasok ka lang kapag kailangan ni papa ng assistance, you can have your leave. I can handle myself," sambit ko at ngumiti sa kaniya.

"Talaga?" Tila nagniningning ang mga mata ni ate Eva at hindi makapaniwala.

"Ayaw mo?" Tanong ko nang may halong pang-aasar.

"Syempre gusto. Kung pwede nga lang ngayon na eh," sagot ni ate Eva.

Nang mga pagkakataong iyon ay napakarami nang tumatakbo sa isip ko. Kung ano ang pwedeng gawin namin ni Dhaeny, kung gaano katagal namin pagpapantasyahan si Sir Lester at si Zach, at kung anong kakainin namin since hindi kami pareho marunong magluto.

Kinabukasan, mas iniisip ko pa ang magaganap sa friday kaysa sa additional one week namin ni Dhaeny. Siguro naman ay hindi na namin mapapansin ang one week na yun kung eenjoy-in namin. Naka-survive nga kami ng isang buwan, ano na lang yung one week? 

Nag-message ako kay Dhaeny at kating-kati na ako bumili ng mga lalamunin namin pag-alis ni papa. Napag-usapan namin mag-meet sa plaza at pagkatapos ay pumunta muna sa bahay na tinutuluyan niya.

Mabilis pa sa alas kwatrong nakarating ako sa plaza. Sa sobrang pagmamadali at sa kagalgalan, naiwan ko ang wallet ko. Napakagaling mo talaga Cindy. Buti na lang ay may pera ako sa case ng cellphone. 100 pesos, sapat lang na pamasahe papunta at pabalik. Nagbuntong hininga ako. Naglakad ako papalapit sa kumpol ng tao nang marinig na may nagsasalita. Hindi malinaw ang mga salitang naririnig ko pero sa boses ng nagsasalita ay tila hinihila ako papalapit sa kaniya. Nakipagsiksikan ako sa dami ng tao at pinilit mapalit sa unahan ng crowd. Nabigo ako. Halos madurog ako sa sobrang dikit-dikit ng mga tao. Nagmukha na akong pinitpit na bawang, nakangiwi na rin ako sa halo-halong amoy na pumasok sa ilong ko.

Dahil hindi kinaya ng kapangyarihan ko, bumalik na lang ako sa likod at doon na lang nakinig. Nagpalinga-linga ako hanggang sa may makitang monoblock, sadly putol ang isa nitong paa. Tila awtomatikong lumakad ang paa ko papalapit sa monoblock as if I badly need to see the person behind that calm yet quite seductive voice. 

Nang makalapit ay napansin kong putol ang isang paa ng upuan. Ngunit walang makakapigil sa isang Wright. Isinandig ko sa isang kahoy na bakod na may tamang taas. Tumaas ako sa upuan, bahagyang umuga nang simula ngunit ipinagkibit balikat ko.

I tiptoed trying my best to look at the one speaking. Until I finally saw him. A guy on his plain red polo matched with a decent well ironed slacks. His dashing eyes and smiles that met the crowd and made everyone nod with agreement. I didn't hear his words clearly yet I found myself nodding too. I wanted to hear what he says so I focused on him and ignored any noise my ears met.

"Schoolworks?" He chuckled.

I was just listening to him.

"Is that even important? No, do not misinterpret, I mean, is it something to prioritize? I don't know if you all know this but I know I should tell you this story," he continued.

I started shaking. I don't know why but his simple words made everyone remain in silence and anticipate what he'll say.

"A strong typhoon hit a certain country and flooded up low lying regions. The flood rose up to more or less 15 feet. People started staying on their house roofs. They spent days there, some were starving, some died. Amidst the nonstop rain and strong winds, the government didn't allow some rescuers saying they didn't have the medical papers. Some rescuers on the other hand asks for payment, 600 pesos for each person. Damn! I mean, the situation gives them a clear conclusion that the people there have nothing. If they have the money they could've rented a plane and rescue them all. Right?" He chuckled as the crowd agreed with him.

"Then after that disaster, some young ones saw their schoolworks, modules and papers soaked in mud. Their teachers, instead of having that tiny little consideration, scolded them and pushed them through their deadlines. Students cried for their understanding yet they didn't hear them out. What did the education department secretary said? 'Maghanap sila ng paraan, siguro ibibilad nila, yung iba pinaplantsa'. Fvck it!" He laughed. The whole crowd murmured softly. Laughs covered the place.

"Stupid!" the man speaking in front said in between his laughs. "One more funny thing? A known personality donated five million cash for the victims. Turned out, the ones who distributed it gave soups to the evacuees. Lugaw!" he shouted. "I think I want to be an evacuee just to taste that five million peso soup," he joked.

Bahagyang tumalikod siya at sa paggalaw ng balikat niya ay napansin kong tumatawa siya.

"Do not misinterpret huh?" Saad niya at itinaas ang hintuturo. "What I'm trying to say is that, we need accountability, not resilience." saad niya at nawala ang kaninang ngiti sa mukha niya.

"Again, do not misinterpret. I am not against the government, but the bad governance." he continued. 

I almost shouted midair when I lost my balance as someone pulled the end of my sleeve. I ended up lying on the grassy area behind a post and I felt my knee slightly broken.

"Huy gurl!" Bulyaw ni Dhaeny habang nakatingin sa akin. "Sorry...." mahabang usal niya at dali-dali akong tinulungan bumangon.

Sobrang inis ko nang mga panahon na iyon. Gustong-gusto kong tirisin si Dhaeny ngunit hindi ako makatayo. Hirap na hirap siyang inakay ako hanggang sa isang bench at saka nagpakawala ng buntong hininga.

"Sorry gurl..." saad niya habang nakayuko.

"Tss. Tirisin kita e," biro ko.

Ilang sandali pa ay hindi ko pa rin maigalaw ang binti ko. Hindi pa rin tapos ang nagsasalita at kating-kati ako tumayo para titigan pa siya. Ilang beses ko rin pinagalitan si Dhaeny sa dami ng kasalanan niya.

Late sya ng kalahating oras.

Nahulog ako sa upuan dahil sa kaniya.

Hindi ko na makita si kuyang nakared kasi nga nahulog ako.

At wala rin pera ang gaga. So ako talaga inaasahan niya bumili lahat?

Maya-maya pa ay narinig kong nagpalakpakan ang lahat. Hindi ko man alam kung bakit ay nakipalakpak din ako. Sumabay rin si Dhaeny habang nakanganga at parang batang walang muwang sa mga nangyayari.

"Maraming salamat sa ating guest spea--" rinig kong announce ng isang lalaki.

Halos ibuka ko ang tainga ko para marinig kung babanggitin ang pangalan ni kuyang naka-red. Auto search na 'to sa social media hehe.

Abang na abang na ako sa pangalan ni kuyang speaker at halos hindi na humihinga.

"Isa po syang graduate sa--" 

Nakita kong naglakad palayo si Dhaeny at pilit sumilip.

"Agai, Mr--" sa halip na pangalan ni kuyang naka-red ang marinig ko ay isang malakas, matinis at mahabang tili ang pumasok sa tainga ko.

"Aahhh! Ang sakit! Ouch, ouch," rinig kong pag-inda ni Dhaeny.

Hindi siya magkamayaw sa pagpadyak at pagtili. Tumakbo siya palapit sa akin at hindi tumigil sa pagpadyak.

"A-aray... Huhu mga baby ants... Why naman ganon?" Saad nito at hinaplos ang mga paa at binti niya.

Napatawa ako sa inasal niya.

"No biting, baby, okay?" Dhaeny hissed feeling the pain.

Tumawa ako nang mas malakas.

Napalingon ako nang makarinig na malakas na busina mula sa isang bus. Pumarada ito at nagsibabaan ang mga pasahero.

"Cindy... huhu," wika ni Dhaeny at nakangusong tumabi sa akin.

"Karma mo yan, gurl," sagot ko at tumawa.

"Masyado ka. Eh hindi ko naman sinasadyang malaglag ka. Tingnan mo oh! Puro pantal na paa ko," reklamo pa niya.

Tawa na lang ang naisagot ko.

Ilang sandali ring nagpahid ng kung ano-ano si Dhaeny para maibsan ang sakit ng kagat ng langgam. Nilagyan niya na ng lotion, pulbo pati alcohol. Para siyang batang malapit na umiyak. Natatawa ako habang pinapanood siya. Medyo gumaling na naman ang binti ko at naigalaw ko na ng ayos. Nang ilang saglit pa ay may isang umagaw sa atensyon ko. Isang lalaking nakasuot ng black sweater at sweat pants. Nakasuot din ito ng headphones at shades at may hinihilang maleta. Lingon ito ng lingon at tila may hinahanap.

Tila bumagal ang lahat. Simple lang ang suot nya pero napakalakas ng dating. Bawat paghakbang ay nagdulot ng kakaiba sa akin. Hanggang sa tumigil siya sa harap namin at inalis ang shades. Tumambad sa akin ang singkit nitong mga mata na nakangiting kasabay ng kanyang mapulang labi. Ang buhok nitong itim ay bagsak na nagdulot na makita ang puti ng kaniyang balat.

"Excuse me," he said in a manly yet lively voice.

"Y-yes?" Sagot ko.

"No, not you," sagot nito.

Ouch. Nakakahiya.

"Ikaw, miss kulot na nakataas ang paa sa isang public bench," saad nito at napatawa ako.

"Ako?" Tanong ni Dhaeny habang patuloy na hinahaplos ang mga paa niya.

"Well, ikaw pa lang ang nakita kong babae na nagtaas ng paa sa public bench. So probably--" sagot ng lalaki na parang nanunuya.

"Anong pake mo? Teka sino ka ba?" Sagot ni Dhaeny at ibinaba ang paa niya.

"I'm--" putol niya.

Itinaas ni Dhaeny ang kilay niya.

"I'm lost," patuloy nito.

Mahinang tumawa si Dhaeny.

"Sinong nanay mo? Ang corny naman ng pangalang Lost," asar ni Dhaeny.

"Gaga. Nawawala raw siya," pakisali ko at siniko si Dhaeny.

"Mukha ba akong mapa?" Tanong ni Dhaeny.

"Nope. A nest," sagot na naman nito at ngumiti. Doon, nakita ko ang mapuputi niyang ngipin.

"Tara na, Cindy," saad ni Dhaeny at hinawakan ang kamay ko.

"Ay, wait, masakit pa pala paa ko." wika niya at umupo muli.

"OA mo," angil ko.

"Why? What happened to your feet?" Tanong ng lalaki sa aming harapan.

Nang umihip ang hangin ay kasamang humampas sa akin ang mahalimuyak na amoy ng lalaki.

"Bakit? Doktor ka? Hello, nurse kaya ako. Saka may dala kang gamot? Injection? Nevermind, takot ako sa injection," sambit ni Dhaeny.

"Nope. I'm a dentist actually. Takot ka sa injection? Parang kagat lang yun ng langgam," saad nito at natawa.

Napangisi si Dhaeny. Parang kagat ng langgam eh kaya nga masakit ang paa niya dahil sa kagat ng langgam. I smiled.

"We're better be going. Nice to meet you," sambit ko at hinawakan na si Dhaeny.

"Wait, I want you to know me," sambit ng lalaki sa harap ko at pinigilan kami.

"Bakit? Sino ka ba?" Mataray na tanong ni Dhaeny.

"I'm a graduate from a prestigious school who was invited to be a guest speaker in an event, but I didn't make it to the time so they looked for someone in replace. It's fine though. Nagpunta pa rin ako dahil may iba din akong sadya," paliwanag nito dahilan para mapanganga ako.

"I'm Yuki, Yuki Gekido. Your friendly japanese dentist. Always smile!" He said as he smiled widely and his eyes can hardly be seen.

Just then, he left us.

Related chapters

  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHT

    CHAPTER EIGHT Nang makalayo ang lalaking kaninang nasa harapan namin ay saka lang nagsalita si Dhaeny. "Ano kayang toothpaste niya?" Napatawa ako habang patuloy na naglalakad. "Gaga, dentist nga siya di'ba, malamang maalaga iyan sa ngipin," "Eh, bakit naman ako, nagt-toothbrush, umaga, tanghali at hapon pero ganito pa rin?" "Baka naman hindi ka nagpapalit ng toothbrush? Nevermind, so ano nang gagawin natin? Pareho tayong walang pera," tanong ko. "Hmm, punta tayo sa bahay," sagot ni Dhaeny at ngumiti ng malawak. "Nakauwi ka na?" Tanong ko na may halong pagtataka. "Hindi pa. I meant, sa bahay ni kuya Flynt," "Ooh, so Flynt ang tawag sa kaniya?" "Narinig mo naman di'ba? Loud and clear," sagot ni Dhae

    Last Updated : 2021-07-03
  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINE

    CHAPTER NINEIlang oras na din ang nakalipas nang makauwi ako ay hindi pa rin ma-absorb ng utak ko na magkapatid ang friendly dentist na si Yuki at ang tiger na si Sir Lester.Is that even possible? Isang napakasungit na nilalang at isang napakafriendly na tao ay may iisang dugo ang nananalaytay. Baka naman sa nanay sila nakakuha ng ugali? Baka ang nanay ni Sir Lester ang may lahing supladita na parang kakain ng tao?Nagpagulong-gulong pa akong makailang ulit at saka lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa kusina at nadatnan si ate Eva na mag-isang kumakain."Si papa?" tanong ko."Nasa kwarto niya. Inaayos ang mga dadalhin niya sa Friday." sagot ni ate Eva habang hindi tumitigil sa pagnguya at punong puno ang bibig."Don't talk when your mouth is full." pabirong sabi ko."Don't talk to me when

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TEN

    CHAPTER TENNang mabasa ko ang message ay tila lumagpak ang panga ko diretso sa sahig. Ipinabasa ko kay Dhaeny ang message mula kay Sir Lester at umalingawngaw ang tili niya sa buong bahay. Kinalog kalog niya pa ako at nagpatakbo takbong paikot ikot. Tumigil siya sa harapan ko at humawak sa akin habang hinahabol ang hininga niya."Gurl, ano? Sasama ba tayo?" tanong ko habang nagpipigil ng tawa dahil sa hitsura niya."Wait, pahingahin mo muna ako, pag iisipan ko... Oo!!! Bakit hindi?! Si Sir Lester yun! I wonder anong mangyayari, baka ito na ang simula!" gigil na sabi ni Dhaeny at patuloy na tumitili. Hindi siya mapakali at kinalog kalog ang lahat ng mahagip ng kamay niya."Kumalma ka nga gurl, mamaya maubusan ka ng hininga kakatili lalo ka hindi nakasama." saad ko at natawa."Gurl, hindi mo ba naiisip?! Ito na ang chance mo para

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER ELEVEN

    CHAPTER ELEVENHalos tumulo na ang laway ko dahil kanina pa ako nakanganga at hindi ko napansin. Kung hindi pa ako sinipa ni Dhaeny sa ilalim ng lamesa ay hindi ako mababalik sa huwisyo. Ilang minuto na rin kaming nakaupo at isa isa nang dumadating ang mga waiter at nagse-serve ng mga pagkaing pangminsanan lang lumapat sa dila ng maralitang katulad ko. Char.Medyo nasasanay na rin kami ni Dhaeny na tawagin sila sa kani kanilang pangalan."Gurl, alam mo ba si kuya Flynt nagluto niyan lahat." bulong ni Dhaeny dahilan para mapatawa ako. Napigilan ko rin naman agad dahil napatingin sa akin si Yuki.Siniko ko siyang mahina at saka lumunok.Ilang sandali pa ay tumigil na ang pagpasok ng mga waiter at saka ko lamang napansin na halos mapuno na ang lamesa sa dami ng pagkain. Naging napakalayo ng lahat sa mga naimagine namin ni Dhaeny. A

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWELVE

    CHAPTER TWELVE"Pa, why did you lie?"Hindi ko na napigilan ang sarili ko na akusahan si papa kahit hindi ko pa naman nasisigurado kung nagsisinungaling nga siya. Nagsisi ako nang una ngunit naisip ko rin na may posibilidad na mahuli ko siya kung sakali.Narinig ko ang mabibigat na paghinga ni papa mula sa kabilang linya."Pa, sagutin mo ang tanong ko." wika kong muli nang naramdaman kong wala siyang balak magsalita."Uh..." sagot mula sa kabilang linya."Pa, ayoko sanang makarinig ng anumang kasinungalingan pa.""C-cindy, anak...""Tell me Pa, nasa'n ka?""P-pwede bang bukas na lang tayo mag usa-""Bakit pa kailangan ipagpabukas Pa?"Sandaling tumahimik ang paligid. Rini

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER THIRTEEN

    CHAPTER THIRTEEN"Sorry Pa." saad ko habang nakayuko."Don't be. It was my mistake. I lied." sagot niya at hinawakan ang kamay ko."Natakot lang talaga ako. Losing mom and Candice is traumatic enough para pagbawalan ka to search for the cure.""Naiintindihan ko. I know everything you acted that night was reasonable. Afterall ako ang dapat mag sorry.""No. I understand you as well.""Thank you.""And Pa, hindi na ako makikialam kung gusto mo gumaling at tapusin ang bipartite souls case mo. Just promise me one thing.""Anything Cindy." papa answered teary eyed. I could see his desire to be cured and that broke me inside.&nbs

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER FOURTEEN

    CHAPTER FOURTEENSi Charlotte? Anong ginagawa niya rito?Sa halip na dumiretso ay hindi na ako lumakad pa. Hindi ko nagawang ihakbang ang mga paa ko. Tila naistatwa ako sa mga nasaksihan ko. Nang lalakad na sila patungo sa direksyon ko ay awtomatikong tumalikod ako at patakbong umalis. Nahihirapan man ako tumakbo nang dahil sa sapatos ko ay pinilit kong marating ang papasarang elevator. Mabuti naman at nakaabot ako at nagsara na ito. Dahil sa fifth floor lang naman ang office ko dahil ang assigned ward sa akin ay dito rin, mabilis akong nakababa sa ground floor. Patakbong lalabas sana ako nang harangin ako ni Yuki."Oh, wait. Akala ko ba sabay na lang kayo ni Harvey pauwi?”"Uh, oo. Hihintayin ko na lang siya sa labas." palusot ko ngunit ang plano ko ay mauuna na akong umuwi."O...k? Ang akala ko kasi sabay na kayo bababa?

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER FIFTEEN

    CHAPTER FIFTEEN"She's tita Elize. Liam's mom.""Huh?" tanong ko dahil parang hindi maabsorb ng utak ko ang sinabi ni Harvey."She's Liam's mom." ulit niya pa.Hindi ako nakapagsalita kaagad. Parang hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya."Kaya ayaw na ayaw niyang sumama rito." sambit niya pa ngunit hindi na ako nakatingin sa kaniya. Nakatulala lang ako at pilit isinisiksik sa kapiraso kong utak ang sinabi niya."Idinahilan niya lang ang work niya but the truth is, ayaw niyang sumama dahil ayaw niyang makita ang mom niya." paliwanag pa ni Harvey."B-bakit?" naguguluhang tanong ko."I think I am not the right person to tell you that."Ilang minuto akong nakatulala at nagising lang ang diwa ko nang magsalita ang pasyente ko.

    Last Updated : 2021-12-07

Latest chapter

  • Cut Our Silver String   EPILOGUE

    EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FIVE

    CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FOUR

    CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY THREE

    CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY TWO

    CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY-ONE

    CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY

    CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S

  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINETEEN

    CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will

  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHTEEN

    CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong

DMCA.com Protection Status