Home / All / Cut Our Silver String / CHAPTER FOURTEEN

Share

CHAPTER FOURTEEN

Author: ViKnows
last update Last Updated: 2021-12-07 22:13:03

CHAPTER FOURTEEN

Si Charlotte? Anong ginagawa niya rito?

Sa halip na dumiretso ay hindi na ako lumakad pa. Hindi ko nagawang ihakbang ang mga paa ko. Tila naistatwa ako sa mga nasaksihan ko. Nang lalakad na sila patungo sa direksyon ko ay awtomatikong tumalikod ako at patakbong umalis. Nahihirapan man ako tumakbo nang dahil sa sapatos ko ay pinilit kong marating ang papasarang elevator. Mabuti naman at nakaabot ako at nagsara na ito. Dahil sa fifth floor lang naman ang office ko dahil ang assigned ward sa akin ay dito rin, mabilis akong nakababa sa ground floor. Patakbong lalabas sana ako nang harangin ako ni Yuki.

"Oh, wait. Akala ko ba sabay na lang kayo ni Harvey pauwi?”

"Uh, oo. Hihintayin ko na lang siya sa labas." palusot ko ngunit ang plano ko ay mauuna na akong umuwi.

"O...k? Ang akala ko kasi sabay na kayo bababa?"

"Huh? Hindi. Alam niya naman na sa labas na ako maghihintay." pagsisinungaling ko pa.

Bago pa makapagsalita ulit si Yuki ay tumakbo na ako palabas. Hindi ko alam pero may sumasakit sa bandang d****b ko. Kumikirot ang puso ko at hindi ko alam kung dahil ba sa nakita ko. Naguguluhan ako.

Napatakip na lang ako sa ulo ko gamit ang bag ko nang biglang bumuhos ang mahina ngunit pinong patak ng ulan. Ang paligid naman ay madilim na dahil sa kapal ng ulap na bumalot sa kalangitan. Tanging ilaw ng mga sasakyan ang nakikita ko na bahagyang lumalabo na dahil nababasa ng ulan ang mata ko. Pilit kong pinapara ang isang jeep ngunit sumenyas ang driver na puno na. Pilit ko pa ring pinara at nang tumigil ito ay nakiusap ako na kahit sabit na lang ngunit naunahan na ako ng dalawang lalaki.

Napasapo na lang ako sa noo ko at nagbuntong hininga sa inis nang tuluyang umalis ang jeep. Marami rin ang dumadaang jeep ngunit hindi sa tamang ruta ang biyahe nila. Sisilong sana ako sa isang store nang may matanaw na jeep na ang ruta ay sa aking pupuntahan. Pinara ko ito ngunit may pagka-attitude si kuyang driver at nilampasan lang ako.

"Arghh!" I groaned out of extreme annoyance. I combed my hair using my fingers and sighed. I looked down and stopped covering my head since I realized that it does nothing. I'm all wet.

"Ganiyan talaga pag rush hour." napalingon ako nang biglang may magsalita.

"Liam..." usal ko sa pangalan niya at tila nabuhayan ako ng loob.

"Stop staring at me. Come in" saad niya at walang kahit na anong pag-aalinlangang sumakay ako sa kotse niya.

Sumakay ako sa backseat at inilabas ang panyo ko. Pinunasan ko ang sarili ko at nagbuntong hininga.

"Check the back of your seat. May shirt ako riyan. Use it." sambit niya habang nakatingin sa akin sa rearview mirror.

Napangiti naman ako at siya ay wala pa ring emosyon. Akmang isusuot ko na ito nang magsalita siya.

"Are you that brainless? Remove your wet clothing then put that shirt on. Anong sense kung isusuot mo iyan without removing your blouse?" saad niya at lumingon siya sa akin.

Napalunok naman ako napaisip sandali. Nagpalingon lingon ako at nang malaman niya ang iniisip ko saka lang siya nagsalita.

"Fine, I'll get out first."

"Thanks." tipid kong sagot at hindi makatingin sa mga mata niya.

Itinabi niya ang kotse at nang huminto ay bumaba siya. Nakita kong patakbo siyang sumilong sa harap ng convenience store. Pinagpagan niya pa ang sarili niya dahil bahagya siyang nabasa.

Magbibihis na sana ako nang biglang mag text si Harvey.

Cindy, sa'n ka na? Hintayin kita dito sa parking lot. Alam mo naman kung alin ang kotse ko.

Napakagat ako sa kuko ko at napaisip. Ilang segundo bago ako nakapag isip. Ayaw gumana ng utak ko kaso nakita ko si Liam na naghihintay sa labas at nababasa dahil sa  malakas na hangin. Kaya nag reply na ako.

Sorry nauna na ako, dumaan pa ako sa bookstore kasi may bagong labas na cook book si Juday.

Pagsisinungaling ko. Nakokonsensiya ako ngunit nangingibabaw ang kirot sa puso ko nang makita kong lumapit sa kaniya si Charlotte at hinawakan pa siya sa braso.

Nag aalangan man ng simula ngunit napansin ko namang tinted ang sasakyan ni Liam kaya hinubad ko ang uniporme ko. Dali-dali kong pinunasan muna ang sarili ko bago isinuot ang shirt niya. Naamoy ko naman ang pabango niya at napansin kong medyo kaamoy siya ni papa.

Ibinaba ko ang bintana at saka siya sinigawan. Hindi naman niya yata ako narinig kaya binuksan ko ang pinto. Akmang bababa ako nang sumenyas siya na ‘wag na. Tumakbo siyang pabalik sa kotse.

"Nakakainis ka. Kaya nga kita pinagbihis kasi basa ka tapos bababa ka ulit. Brainless..." saad niya.

Napayuko naman ako at natatawa na lang sa sarili ko.

"You look good with my shirt huh." nakangiting sambit niya dahilan para magulat ako.

Nagulat ako dahil sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang nakangiti. Walang halong panunuya o pagiging sarcastic.

Mabagal lamang ang takbo namin at nakatingin lang ako sa bintana. Kanina ko pa gusto siya kausapin pero naaalala ko lagi ang sinabi ni Yuki na man of few words siya.

"Anyway, bakit pala nauna ka? Akala ko sabay kayo ni Harvey. Pupunta rin kasi siya sa bahay." tanong niya at parang nagkagulo ang mga nerves at neurons ko sa katawan.

"Uhm..." pag iisip ko ng dahilan. "Uh, m-may LBM kasi ako. Masakit yung tiyan ko kanina pero medyo umayos na." pagsisinungaling ko.

Tumango na lang naman si Liam.

Ilang minutong biyahe hanggang sa itigil na niya ang sasakyan. Nauna siyang bumaba at sumunod ako. Nakita kong sumandal siya sa likod ng kotse at hinihintay ako. Mahina na naman ang ambon ngunit basa ang paligid.

"Salamat." masiglang sambit ko. "Pasok ka muna."

Natawa siya at hindi ko alam kung bakit.

"Hindi na." saad niya.

"Marunong ka naman pala tumawa at ngumiti." saad ko at sinundot siya sa tagiliran.

Nawala ang ngiti niya at tumingin siya direkta sa mata ko.

"Sorry. Bakit minsan para kang kakain ng tao?"

"Hindi lang ako sociable.”

"Bakit?"

"It just happened. Lumaki akong takot maging open."

"Bakit?" pag uulit ng tanong ko.

"Personal issues."

Tumango na lang ako. Magsasalita pa sana ako nang makitang may ilaw na sumilaw sa paningin ko. Napatakip naman ako sa mata ko at narinig na papalapit ang kotse. Tumigil ang pulang kotse sa harap namin at bumaba... si Yuki.

"Oh, Cindy, akala ko sabay kayo ni bro uuwi?" tanong nito at nanlaki ang mga mata ko.

Dali-dali kong binitbit ang mga gamit ko at pumasok sa loob. Sumunod naman si Yuki at Liam sa likuran ko at pumasok din. Patakbo akong pumasok at halos madapa ako sa biglang pagtigil nang makita ko... si Harvey.

Napapikit na lang ako at napasapo sa noo ko. Huminga ako ng malalim at saka sinabi sa sarili ko, 'It was at this moment when I knew I fvcked up'

Sobrang kinakabahan na ako at pinagpapawisan. Napalingon ako at nakitang nasa likod ko na mismo si Yuki at Liam na nakatayo.

"Bakit hindi kayo sabay umuwi?" tanong ni Yuki.

"Bakit nauna ka pa rito?" tanong ni Liam.

"Bakit magkakasama kayo?" tanong naman ni Harvey.

Napayuko na lang ako at napapailing.

"No, actually nadatnan ko lang sila ni Liam sa labas. Hihintayin ka daw niya sa labas ng hospital eh." sambit ni Yuki.

"No, she texted me na dadaan pa siya sa bookstore kasi bibili siya ng cook book." ani Harvey.

"No, I saw her outside the hospital at basang basa. Sinakay ko siya at nalaman kong nauna na siya kasi may LBM siya." saad naman ni Liam.

Ilang sandali sila nag loading at saka sabaysabay na tumingin sa akin. Para akong ginigisa nilang tatlo at unti unting nilalamon ako ng sahig.

"Wait, m-magpapaliwanag ko okay." utal na sambit ko habang nag iisip ng idadahilan.

"Totoo yun lahat." gosh feeling ko sobrang defensive. "Sabi ko kay Yuki hihintayin ko sa labas si Harvey kaso paglabas ko nakita ako ni Liam. Totoo ring may LBM ako since yesterday." palusot ko habang nagdadasal na maniwala silang tatlo.

"And the bookstore?" tanong ni Harvey.

"T-tinext ko yun sa'yo kaninang bago ako makita ni Liam. Naalala ko out of the way yung mall so ipapadaan ko na lang saglit kay Liam. Kaso naisip ko na umuulan kaya wag na lang." palusot ko uli. "Still, sorry sa inyong tatlo. Mukhang nagsinungaling ako pero nagkataon lang lahat."

"What for? Nandito na rin naman tayo. Hindi na mahalaga kung sino ang magkasabay dumating." saad ni Yuki at ngumiti.

"E-excuse me. Maliligo lang ako, nabasa kasi ako ng ulan." saad ko at hindi ko na sila hinintay magsalita pa. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at ini-lock. Sumandal ako sa pintuan saka huminga ng malalim. Napahawak ako sa d****b ko at bumigat ang paghinga ko.

Mako-maya pa ay nagsimula na akong maligo. Pagpasok ko sa bathroom ay narinig kong may kotseng papaalis. Napangiti naman ako nang maisip na umalis na silang tatlo. Nang naliligo na ako ay nabitawan ko ang sabon at nahulog sa sahig. Nang pupulutin ko na ito ay nakita ko ang isang pang ahit sa isang sulok. Pang ahit? Bakit hindi ko ito napansin kahapon? Hindi ko na inisip pa at nagpatuloy sa paliligo. Nang matapos na ay nagbihis na ako at tumingin sa bintana. Nakita kong bumubuhos pa rin ang malakas na ulan at mas malakas pa ngayon. Bahagyang nilamig ako nang umihip ang hangin kaya isinara ko na ang bintana. Nang makapagbihis ay lumabas ako at pumunta sa kusina.

Malayo pa ay narinig ko na ang tawanan ni ate Jenifer at Nalyn.

"Hindi uy. Maganda pa ako kay Jayniper." rinig kong wika ni ate Nalyn na sinundan ng tawa ni Yuki.

Yuki? Akala ko umalis na sila?

"Yuki? Akala ko umuwi ka na?" gulat na tanong ko.

"Umuwi na nga ako. Imagination mo lang ang nakikita mo." sagot nito habang tumatawa.

Tumawa na lang ako at umupo sa tabi ni ate Nalyn. Hindi pala sila tumuloy umuwi dahil sa lakas ng ulan. Dito muna sila magpapalipas ng gabi.

Kinabukasan paggising ko ay wala na sila. Maaga daw umalis dahil uuwi pa sila. Nang makababa ng elevator ay isang mukha na pinakaayaw kong makita ang sumambulat sa akin.

"Bakit ka tumakbo kahapon? You looked like a child who came to the playground but saw someone already playing." Pang-iinis ni Charlotte. Ngumunguya siya ng bubblegum at kasama pa rin ang mga asungot niya na jejemon.

"You know nothing bitch." sagot ko at akmang aalis na ng harangin ako ng isang alagad ni Carlota. Nakasuot ito ng maiksing uniform at ang buhok ay hati sa gitna.

"Sa tingin mo nakakatakot ka?" pang asar ko. "Tabi nga! Mukha kang anemic na pagong."

Napatiklop naman agad yung alagad ni Carlota. Eww weak.

Paalis na sana ako nang hilahin ng isa pa niyang kasama ang buhok ko. Lumingon ako at itinaas ang kilay ko.

"Bitawan mo nga ako babaeng parang nasubsob sa polvoron." napayuko naman ito at bintawan ang buhok ko.

Ang cheap naman ng mga apprentice niya.

"Nagseselos ka ba sa amin boyfriend ko?" diretsong tanong ni Charlotte.

Tila nawala ako sa tamang sistema. May kumurot sa puso ko at tila nanlambot ang tuhod ko.

"Boyfriend?" tanong ko.

"Come on, I know you've been flirting Harvey for long." sambit niya.

Bumigat naman ang pakiramdam ko. Sinasaksak ako ng mga salita niya direkta sa puso.

"Sorry, I didn't have to flirt him... yet, I won." sambit niya sa harapan ko at nagflip hair bago umalis.

Naiwan naman akong naistatwa at ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Hindi ko na rin maramdaman ang mga binti ko. Halos mapabagsak naman ako dahil unti-unting nadudurog ang puso ko. Nangingilid na rin ang luha ko. Ilang sandali akong hindi gumalaw at pumatak ang luha ko diretso sa sahig.

Ilang linggo akong wala sa sarili at hindi makapag-isip ng ayos. Pilit ko namang inaayos ang trabaho ko dahil nahihiya akong pumalpak. Nalaman kong naunang dumating si Charlotte kaysa sa akin at five months na siya rito bago ako dumating.

Isang araw paglabas ko ng ward ay niyaya ako ni Samantha kumain sa labas ng building. Tumanggi ako at nginitian na lang siya. Natutuwa ako kay Samantha dahil kahit ilang beses ko siyang tanggihan ay hindi siya nagsasawang yayain ako. Sa totoo nga bilang sa sampung daliri kung ilang beses ako sumama sa kanila.

Naglalakad ako pabalik sa office nang makasalubong ko si Yuki. May dala itong dalawang baso ng kape at iniabot niya sa akin ang isa. Pumasok kami sa office. Kaming dalawa lamang kaya medyo awkward ang paligid. Tahimik lang kaming dalawa at madidinig pati ang paghigop namin ng kape.

"Failed siya sa boyfriend ko kaya yung step brother naman ang nilalandi!" napalingon kami ni Yuki sa nagsalita at nakita si Charlotte na naglalakad sa labas sa tapat ng office. “Nakakahiya!”

"Miss!" nagulat ako ng tinawag siya ni Yuki.

"Yes?" mataray na sagot ni Charlotte.

"Look at your face."

"I know I'm pretty thanks." sambit ni Charlotte at akmang aalis na nang nagsalita si Yuki.

"Yes but Cindy's way more beautiful than you. You got dirt on your nose by the way. Just so you know. Nakakahiya gala ka ng gala throughout the hospital may dumi ka sa ilong." natatawang saad ni Yuki at nagmamadaling umalis si Charlotte.

"Seryoso? Harap siya ng harap sa salamin hindi niya napapansin." saad ko at natawa.

"No, gusto ko lang mapahiya siya." tawa ni Yuki at nawala na naman ang mata niya sa kakatawa.

Nang mahimasmasan ay saka siya nagsalita ulit.

"Anyway, next week, ang ilang volunteer staff ng hospital ay pupunta sa Jacob Amadeus Mental Hospital. Regular naman may ganiyan, one day support sa mental hospital. Minsan kasi nagkukulang na sila sa staff and hindi naaalagaan ng ayos ang mga pasyente. I and bro will be there. Wanna volunteer?" paliwanag niya.

"Pag iisipan ko." sambit ko at ngumiti.

Isang linggo ang makalipas ay nakatayo na ako ngayon sa labas ng building. Syempre sasama ako. Kahit ngayon lang ayaw ko makita ang pagmumukha ni Charlotte.

"You sure you won't come with us?" tanong ni Yuki kay Liam na katabi kong nakatayo.

"Are you out of your mind Yuki?" singhal ni Liam.

"Tapang naman. Mandirigma ka ba?" asar ni Yuki.

"I'm an accountant not a doctor or nurse." saad ni Liam.

"Yeah whatever. I'm a dentist though." sambit ni Yuki at ngumisi.

Umalis na si Liam at dumating naman si Harvey.

"Let's go shall we?"

Isang oras na biyahe at nakarating na kami sa mental hospital. Kinakabahan ako, first time kong papasok sa mental hospital. Naunang bumaba ang ilang doktor at mga nurse na nag volunteer at pumasok na. Naiwan naman kami ni Harvey dahil nahuli siyang bumaba ng sasakyan.

"Tara na. Hinintay mo pa ako." saad niya at hinawakan ang kamay ko.

Dahan-dahan akong yumuko at tiningnan ang kamay niyang nakahawak sa akin. Tila tumahimik ang lahat at tanging ang tibok ng puso ko ang naririnig ko.

"K-kinakabahan ako." utal kong sabi saka yumuko.

"Don't be. I'll guide you." sambit niya at tumingin sa mga mata ko.

Ngumiti naman siya at awtomatikong nasuklian ko siya ng ngiti.

Pumasok kami sa loob at hindi gaya ng mga napapanood ko sa movies ay iba ang kalagayan. Sa movies ay magulo ang mental hospital at kung saan saan may sumisigaw. Dito ay hindi. Payapa ang lahat at ang mga pintuang kahoy na may salamin sa bandang taas ay hindi gumagalaw. Hindi kagaya sa mga movies na ang mga pasyente ay nagwawala para makatakas.

Kada madadaanan namin na pintuan ay payapa lang na nakaupo ang mga pasyente base sa nakikita ko kapag sumisilip sa salamin ng pintuan. Kanya kanya namang pumasok ang mga kasamahan naming nurse at doktor sa mga napili nilang patient. Dahil nahuling pumasok, ang nasa pinakadulo ang natira sa akin. Sa katapat namang pintuan ay ang kay Harvey at sa tabi ng akin ang kay Yuki.

Ang gagawin lamang naman namin ay pakakainin, paiinumin ng gamot, lalaruin at kakausapin sila as counseling for the whole day.

Kinakabahan man ng una ay dahan dahan kong inihakbang ang mga paa ko papasok sa  loob ng room ng patient. Nagulat ako nang biglang magsalita si Yuki sa likuran ko.

"You want us to swap? Babae yung patient sa akin. Sa'yo kasi lalaki baka mahirapan ka." sambit niya at kita ko ang concern sa mata niya.

Tumango ako, ngumiti saka nagpasalamat.

Lumipat ako sa room ng patient niya kanina at nakita ang isang babae na nakatingin sa bintana. Nakatali ang mga kamay niya pero hindi naman ganoon kahigpit. Sapat lang para hindi siya makatakas pero hindi siya masaktan.

Pumasok ako at nang mag-echo ang tunog ng sapatos ko ay napalingon siya sa akin. Bahagya akong napatigil ngunit kailangan ko itong gawin.

"Wag ka matakot." saad nito at saka ngumiti sa akin.

Nag aalinlangan man nangg una ay nagawa kong ngumiti sa kaniya.

"S-salamat po." pasasalamat ko sa kabaitan niya. "Hi po, ako po si Cindy, ako ang mag aalaga sa inyo ngayong araw." pakilala ko habang lumalakad papalapit.

"Kamusta ka naman." tanong niya sa akin at napatawa ako.

"H-hindi po ba ako dapat ang nagtatanong niyan?" saad ko at napatawa siya. "Ako po ang nurse" biro ko pa.

"Kamusta po kayo." tanong ko at umupo sa tabi niya.

"Ito, hinihintay ko yung anak ko. Dadalawin niya raw ako." aniya at napangiti ng mapait.

Magsasalita sana ako ng biglang may kumatok.

"Cindy..." wika ni Harvey na nasa pintuan.

Nagpaalam ako sa pasyente ko at nakatutuwang pumayag siya.

"Yes?" tanong ko ng makarating sa harap niya.

"I have something to tell you." saad niya.

"Ako rin. Alam mo ba napakabait ng pasyente ko buti na lang nakipagpalit si Yuki." saad ko at ngumiti.

"Good to know. But you know what?" saad niya at napataas ang kilay ko.

"She's tita Elize. Liam's mom."

Related chapters

  • Cut Our Silver String   CHAPTER FIFTEEN

    CHAPTER FIFTEEN"She's tita Elize. Liam's mom.""Huh?" tanong ko dahil parang hindi maabsorb ng utak ko ang sinabi ni Harvey."She's Liam's mom." ulit niya pa.Hindi ako nakapagsalita kaagad. Parang hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya."Kaya ayaw na ayaw niyang sumama rito." sambit niya pa ngunit hindi na ako nakatingin sa kaniya. Nakatulala lang ako at pilit isinisiksik sa kapiraso kong utak ang sinabi niya."Idinahilan niya lang ang work niya but the truth is, ayaw niyang sumama dahil ayaw niyang makita ang mom niya." paliwanag pa ni Harvey."B-bakit?" naguguluhang tanong ko."I think I am not the right person to tell you that."Ilang minuto akong nakatulala at nagising lang ang diwa ko nang magsalita ang pasyente ko.

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER SIXTEEN

    CHAPTER SIXTEEN"I missed you..." saad niya.Hindi naman ako nakapagsalita at halos hindi rin ako kumukurap dahil sa pagkagulat. Sabay kaming napaubo at napatakip ng ilong at bibig nang may dumaang jeep at napunta sa direksiyon namin ang usok."Cindy..." pagtawag niya sa pangalan ko. "P-pakihipan naman ang mata ko. Parang napuwing ako. Kani-kanina ko pa napapansin eh." saad niya.So kaya pala siya parang naluluha? Napuwing lang Cindy, 'wag malisyosa. Bahagyang nag-bend down si Flynt para maging kalevel ko siya at ibinuka ang mata niya."H-hihipan ko na ba?"Tumango naman siya at napansin kong mas dumami ang luha indikasyong sumasakit pa ang mata niya kaya kailangan ko na hipan. Tumingkayad akong kaunti dahil mas mataas pa rin siya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at ramdam ko ang bawat paghinga niya.

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER SEVENTEEN

    CHAPTER SEVENTEEN"Anong ginagawa mo?!" nagising ang diwa ko mula sa napakalakas na bulyaw ni Dhaeny mula sa kusina.Mula nang makita ko si Zach na pinapanood kami ni Flynt ay hindi pa kami nagkakaroon ng maayos na pag-uusap. Naging awkward din ang bawat paggalaw naming dalawa sa tuwing nagkakalapit ang isa't isa. Madalas ay ngingiti lang siya saka aalis. Hindi rin kami nakijoin masyado sa party kagabi. Kinausap ko naman si Flynt at sinabing hindi ako handa at hindi pa nags-sink in sa utak ko ang ginawa niyang confession. Wala naman daw problema tungkol doon at nirerespeto niya ang desisyon ko.Literal na napatakbo ako papuntang kusina dahil sa sigaw ni Dhaeny. Nadatnan kong nakatalikod sila ni Flynt parehas at nakaharap sa lababo. Nakaapron si Flynt at as usual wala siyang damit pang itaas. Si Dhaeny naman ay nakapajama pa rin. Alas onse na ng umaga pero mukhang kagigi

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHTEEN

    CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINETEEN

    CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY

    CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY-ONE

    CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY TWO

    CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil

    Last Updated : 2021-12-07

Latest chapter

  • Cut Our Silver String   EPILOGUE

    EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FIVE

    CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FOUR

    CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY THREE

    CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY TWO

    CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY-ONE

    CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY

    CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S

  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINETEEN

    CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will

  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHTEEN

    CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong

DMCA.com Protection Status