Home / All / Cut Our Silver String / CHAPTER TWENTY-ONE

Share

CHAPTER TWENTY-ONE

Author: ViKnows
last update Last Updated: 2021-12-07 22:20:17

CHAPTER TWENTY-ONE

"Harvey's suffering with bipartite souls...!"

Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam.

"His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad.

"W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.

Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na.

"Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki.

"It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.

Nakita kong nag buntong hininga si Yuki at dinig ang bigat ng kalooban niya.

"So... basically it is a rare condition wherein one person will have soul bipartite. When one of you died, the one left will suffer with either of the two agonizing conditions. One that happened to papa, paralysis. The other one's what Harvey has." paliwanag ko dahil alam kong mas mabuting malaman ni Yuki ang tungkol dito.

"Is that even real?!" Yuki exclaimed. "How on earth is that possible?! I've never heard about that damn!"

"We know. Even me, it took me long time to believe." saad ni Liam. "What matters is that Harvey needs to have something to stop it. I mean, like an antidote."

"And where are we supposed to get that?!" tarantang tanong ni Yuki.

"Yuki, stay calm. Panicking does nothing good."

Tumango naman si Yuki.

"Now what?" tanong ko sabay hawi ng buhok ko at itinali ito.

"We should look for someone who also suffered with the same condition and succeeded to have the cure."

"You told us less than five minutes ago Cindy right? You said your dad had the same condition." sambit ni Yuki at hinarap ako.

"Yeah but no. He still suffers with paralysis. He's been looking for the cure for years but still he can't."

Napabuga naman ng hangin si Liam at napahilamos sa mukha.

"Do you know someone who also suffers with that?" tanong ni Yuki.

"Perhaps..." hindi ko naman natapos ang sasabihin ko.

Nang magtanong si Yuki ay awtomatikong pumasok sa isip ko si Zach. Tila naman nadurog ang puso ko nang maisip kung gaano pinapahirapan siya ng paralysis. Not to mention his sexual perplexity.

"Perhaps what?" tanong Yuki.

Si Liam naman ay maang lang na nakatingin sa sahig na patuloy na nag-iisip.

"N-nothing..." sambit ko at napailing na lang.

Nang hindi ko na kinaya ang bigat sa d****b ko ay bigla akong napatakbo at hindi ko na nagawang magpaalam sa kanila. Dali dali akong pumunta sa cr at naghilamos. Inilabas ko ang lahat ng nararamdaman ko sa mahaba at mabigat na hinga. Nang lumabas ako at bumalik kina Yuki at Liam ay balisa pa rin silang nakaupo sa mga bench na nakahanay sa gilid ng pasilyo. Nagtutukatok na si Yuki ngunit nakaabang pa rin siya sa mga nagaganap kay Harvey.

"What?!" gulat na tanong ni Liam.

Napatigil naman ako sa paglalakad at pinagmasdan ko sila mula sa kinatatayuan ko. May kausap silang isang lalaki na nakapamulsa at nakasalamin.

"You must be mistaken dude." saad naman ni Yuki sa lalaki.

"Lander come on, matagal na kayong walang relasyon ni Charlotte." angil naman ni Liam.

"Lander? Kaya ka pala amoy lupa." banat ni Yuki at nakita kong magkuyom ng kamao ang lalaking tinawag nilang Lander.

"For whoever's sake, will you please shut up?" dinig ang pagkainis sa boses ni Lander.

"Why don't you get straight to the point? I don't have time to wait for you and Charlotte's nonsense." tanong ni Liam sabay tayo at minatahan ito.

"Nonsense?! Charlotte's now in one room here in this hospital and now comatose because of your friend!" bulyaw nito sa harapan ni Liam.

"Wait, what do you mean?" tanong ni Yuki.

"She was with Harvey when he got into the car accident!"

"And you are blaming him? How naive of you." Liam.

"He's the one to be blamed though."

"What makes you say so?"

"Charlotte was begging him minutes before the accident. Nagmamakaawa siya na balikan siya ni Harvey but what did your friend do? Nagmatigas siya. They were arguing in the car and-"

"Are you that brainless or just naturally dumb?" pakisali ni Yuki.

"He could've told Charlotte he loves her!" depensa ni Lander.

"Tanga ka ba? If an old widow approaches you and forces you to love her, will you? Use your head, hindi lang iyan basta nakapatong." sambit ni Yuki at tinapunan ng tingin si Lander bago umalis.

Naiwan naman si Liam sa harapan ni Lander na hindi pa rin makapaniwalang magkasama si Charlotte at Harvey nang maaksidente. Ako man ay nagulat din ngunit ikinalma ko ang sarili ko at pinagmasdan pa rin sila mula sa kinatatayuan ko.

"So what are you trying to point out?" tanong ni Liam sa isang malamig na boses.

"I want Charlotte back to me, pero gusto ko siyang makitang masaya with Harvey." diretsong sagot nito.

"What do you mean?"

"Ayos lang sa akin na hindi na ako balikan ni Charlotte but I want to see her happy... and she'll be happy if and only if she'll be with Harvey." wika ni Lander at pansin ko ang pamumuo ng luha niya.

Napatakip naman ako sa bibig ko at si Liam ay napaatras.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." sambit ni Liam. "Ang sa akin lang, ganiyan ka na ba kaselfish? Hindi masaya si Harvey with her, why force him?"

"Selfish? Napaka-selfless ko na as of the moment! Pinapalaya ko si Charlotte para sumaya siya."

"And leave Harvey with no choice just to give you that damn satisfaction or whatsoever? Selfless my foot.  Ginagawa mo rin to para sumaya ka."

"Sumaya yeah but no, I won't be happy again without her back in my arms. So kung hindi niyo ako naiintindihan, I'll be going." saad ni Lander at tuloy-tuloy na umalis.

Alas otso ng umaga, nagising ako at ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko. Pakiramdam ko ay tinatamad akong bumangon at hirap na hirap akong gumalaw. Lumabas ako at nagpunta sa dining area. Hindi kagaya ng karaniwan ay wala sila ate Nalyn at Jenifer. Halos mapatalon naman ako sa gulat nang may magsalita sa likuran ko.

"Wala sila rito. Si ate Ginalyn ay nasa hospital at nagbabantay kay Harvey. Si ate Jenifer nasa palengke."

Nilingon ko si Liam at nakita siya na halatang kakagising lang din.

"Sabay na tayo pumunta sa hospital para makabalik na rin dito si ate Ginalyn." wika pa niya at naglakad papuntang kwarto niya.

"Wait, hindi ka ba papasok? Ako, may pasok ako ngayon." naguguluhang tanong ko.

"You and Yuki will take turns on visiting Harvey. Tomorrow, ikaw naman ang papasok at si Yuki ang magbabantay kay Harvey."

Napatango naman ako.

"On the following days hindi na tayo ganoon mahihirapan dahil ililipat na si Harvey sa same hospital you are working on."

"Wait, paano ka?"

"I don't really care about my work right from the start. I'm actually only doing this to ease boredom." saad niya at ngumiti.

Pumasok na siya sa kwarto niya at ako naman sa kwarto ko. Hindi na ako nag-abala kumain dahil wala rin naman akong gana. Inihanda ko na ang damit ko at pumasok sa bathroom.

Tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin at nagbuntong hininga. Hindi ko maiwasan isipin at mag-alala kay Harvey ngunit mas napapaisip ako tungkol kay Charlotte. Hindi ko siya kilala at all at nakokonsiyensiya ako na nagalit ako sa kaniya before without knowing about her background. Akmang maliligo na ako ngunit nang buksan ko ang shower ay hindi ito gumana. Binuksan ko rin ang gripo ngunit hindi rin gumana.

Mukhang may aalis ng bahay na hindi naliligo.

Paglabas ko ng bathroom ay umupo ako sa kama. Magbibihis na sana ako at tatanggapin ang katotohanang kailangan ko umalis nang hindi naliligo nang may isang bumbilya ang kuminang sa ulo ko.

Mabilis pa sa alas kwatrong natagpuan ko ang sarili ko sa bathroom. Nakaharap ako sa malaking salamin na naghihiwalay sa bathroom namin ni Liam. Huminga ako ng malalim bago kinatok yung salamin.

"Liam...?" mahinang tawag ko.

Walang sumagot kaya inilapit ko ang tainga ko para pakinggan siya.

"Uhh... Ahh..." dinig kong tunog mula sa loob.

Napatigil naman ako at napaisip. Ilang segundo nagloading ang utak ko hanggang sa literal na lumaki ang mga mata ko. Lumapit pa akong muli at pinakinggan siya.

"Ahh... Shit..."

Napatakip ako sa bibig ko at napalunok. Nang hindi ko na matiis ay sumigaw ako.

"Liam!”

Binalot naman ng echo ng boses ko ang bathroom at biglang tumahimik.

"Huh? Cindy? Are you there?"

"Yes. Live and alive at narinig ko iyon lahat." sambit ko na animo'y proud na proud na agent na nahuli ang isang notorious killer.

"Damn! Thank goodness andiyan ka. Help me, y-yung mata ko... may sabon. Shit ang sakit ahh... ayaw gumana ng shower."

Natigilan naman ako at napasapo sa noo ko.

"Cindy?"

"Uh, ah oo. Sagli- teka! Baka kung anong makita ko kapag pumasok ako!"

"Huh? Ano naman-"

"Uh, alam mo na! Baka... ahas!" bulyaw ko.

"Ahas?! Walang ahas dito. Please, my eyes are burning!”

Napapikit naman akong mariin saka tumili sa sobrang inis dahil hindi ko alam ang gagawin.

"Huy! Bakit ka tumitili? Andiyan na ba yung ahas? What kind of house is this?! Darn."

"Uh, w-wala. Saglit lang ito na."

Dahan-dahan kong binuksan ang salamin at kasunod nito ay ang kurtina habang nakatakip sa mga mata. Nakatakip ang mata ko ngunit may kaunti pa ring puwang para makakita ako. Unti-unti akong pumasok at pinilit ko talagang hindi tingnan si Liam at dumiretso ako sa isang timba na may lamang tubig. Ipinagsalok ko siya at mabilis na iniabot sa kaniya ito nang nakatalikod.

"Thank you. Ano bang nangyari at walang water supply?" tanong niya habang nagpupunas ng buhok niya.

Ngayon ay nandito na kami sa kwarto niya at nakaupo ako sa kama niya habang siya'y nakatayo at sandal sa pader.

"Ewan ko. Kahapon pa tayo magkasama di'ba?" sagot ko.

Ilang minuto ang lumipas at narinig namin na may tumutulo mula sa bathroom. Nalaman namin na may tubig na ulit kaya nag ready na kami. Pinauna ko na si Liam dahil basa na ang buhok niya. Ilang beses niya rin akong kinulit na ako ang mauna pero dahil matigas pa sa bato ang ulo ko, di ako pumayag. Wala pa akong gana bumalik sa kwarto ko kaya humiga muna ako.

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto niya hanggang sa makita ang isang drawer na hindi masyado nakasarado. Lumapit ako roon at dahil may dugo akong pakialamera, binuksan ko. Nakita ko ang ilang mga pictures ni Liam na walang emosyon. Naagaw ang atensyon ko ng isang papel na may kaunting punit na ngunit malinis pa rin. Halatang bata ang nagsulat ngunit maayos ito at pantay pantay gayong walang guhit sa papel. Nakatupi ito sa apat at may mga sulat sa iba't ibang bahagi nito.

Ako po ay paslit lamang

Walang alam sa nagaganap

Ngunit hindi po ako bulag

At nakikita ko ang lahat

Beat. Tila saglit na huminto sa pagtibok ang puso ko. Nang mabasa ko ang simula ay natigilan ako. Ilang sandali kong tiningnan ang pintuan ng bathroom kung nasaan siya bago muling sinimulan ang pagbabasa.

Ako po ay paslit lamang

Walang alam sa nagaganap

Ngunit hindi po ako bulag

At nakikita ko ang lahat

Minsan ko ring pinangarap magpulis

Sabi kasi ng mga kaklase ko, galit sila sa masasama

Mahirap daw maging pulis, pero makakatulong ka naman sa kapwa

Kagabi, nanood ako ng tv

May pinatay yung isang pulis tapos nag plea not guilty

Hindi ko alam pero napakagulo

Pinatay kaagad wala namang ginawa yung tao

Naalala ko tuloy yung balita noong isang gabi

Hindi pa naman tapos yung imbestigasyon may ikinulong na

Nakakaawa yung babaeng namatay, pero nakakaawa rin yung ikinulong kahit hindi pa naman napapatunayang sila ang gumawa no'n

Ewan

Minsan napapaisip ako

Hindi kaya may hindi sinasabi ang mga pulis?

Baka naman may ginagawa silang kakaiba sa likod ng mga mabango nilang pangalan?

Sinimulan ko naman basahin ang nakasulat sa kabilang bahagi ng papel.

Bakit ganiyan kayo?

Huwag niyong abusuhin inyong mga titulo.

Pinaghirapan niyo iyan hindi para pahirapan kami

Pinaghirapan niyo iyan para pahirapan ang mga nauna nang nagpahirap sa lahat

Minsan nga napapaisip ako kung pinaghirapan niyo ba talaga

Huwag niyong paikutin ang lamesa, aminin niyo ang kamalian

Kung may nagawang kapalpakan huwag sisihin ang iba at linisin ang pangalan

Sabi ng lola ko bawal magsinungaling

Masama raw kapag binabaluktot ang katotohanan

Ngunit bakit niyo ginagawa?

Hindi kayo marunong makinig?

Kahapon, linggo, nakikinig si lola sa radyo

Ang sabi ng isang kanta, patuloy lang daw ang pag ikot ng gulong ng buhay

Naisip ko lang

Kaya pala yung dating tinitingala ko dahil parang mga bayani

Sila na ngayon ang pumapatay at gumagawa ng masama

Napalunok ako. Hindi ko sigurado kung sino ang gumawa noon ngunit may kung anong kumurot sa puso ko.

"Uh, ano iyan?" tanong ni Liam.

Hindi ko na namalayan ang paglabas niya sa bathroom kaya bahagyang napatalon ako sa gulat.

"W-wala. Listahan ko ng mga bibilihing cook book." kinakabahang palusot ko.

"Ni Juday na naman?"

"O-oo! Fan na fan ako nun sobra. Pinanood ko ng paulit ulit mga pelikula niya lalo na yung the hows of us."

Napatawa naman si Liam at napakamot ako sa ulo ko.

"Really? Ano nga iyan?"

"Uh... Galing d-dun" sagot ko sabay turo sa drawer. "Bigla kasi lumakas yung hangin tapos nilipad at bumagsak sa noo ko. Ayun, nabasa ko lahat."

Nang una'y kumunot sa noo niya hanggang sa bigla siyang tumawa ulit.

"Whoa... Out of this world. Naligo lang ako may dumaan na palang buhawi, hindi ko alam."

"Air proof kasi yung bathroom." palusot ko na naman.

"Fine. Nakakatawa ka na. Ano nga iyan?" tanong niya habang natatawa pa rin.

Napasapo ako sa noo ko at kinagat ang labi.

"Sulat sa akin ng kaibigan ko sa mars. Char. Eto na." saad ko sabay abot sa kaniya nung papel. "Sorry, binasa ko."

Nang kuhanin naman niya ito ay sandali siyang napatigil hanggang sa itupi niya ang papel.

"Galit ka ba?"

"Nope. I just remembered why did I write that."

"Ikaw ang gumawa niyan? Bata ka ba?"

"Yup."

"Bata? Mas malaki ka pa nga sa tatay ko."

"I meant, yup, I made it."

Napangisi naman ako ngunit parang hindi siya natutuwa.

"I was in the fourth grade-"

"What?! Grade four ka niyan?! Gosh graduating na ako ng high school hindi pa ako makagawa ng isang essay."

"Sobrang dismayado ako that time kasi yung mga pulis na akala ko superhero na sumasagip sa mga nangangailangan, sila pa ang papatay sa nanay ko." sambit niya na parang hindi pinansin ang sinabi ko.

"Uh... Okay lang iyan..." sambit ko at lumapit sa kaniya. Hindi naman siya gumalaw. "H-hindi pala okay."

"Nagkagulo raw sa mental hospital where my mom was at aksidente siyang nabaril. But I know that was a crap. I spent years looking for articles that will tell me everything about what happened that time pero wala. I visited the mental hospital, thinking that they were just hiding my mom, but I failed."

"Liam..."

"But now it's all fine. Matagal na iyon." sambit niya sabay ngiti.

Dinalaw namin si Harvey at nalaman naming comatose siya. Unti-unti nang umaayos ang lagay niya maliban sa pagtibok ng puso. Nakiusap si Liam na isang doktor lamang ang umasikaso kay Harvey dahil sensitibo ang issue ng bipartite souls. Ipinaliwanag iyon ni Liam at pumayag naman ito.

Kinabukasan ay pumasok ako sa trabaho at si Yuki naman at Liam ang nagbantay. Dumalaw na rin ang ina ni Harvey ngunit hindi kami nagkita dahil saglit lang siya at after work lang ako nakapunta.

"Liam...?" tawag ko sabay katok sa pintuan ng kwarto niya.

Nang buksan niya ito ay tumambad sa akin ang katawan niyang walang damit pang itaas. Bahagyang namumula ang kaniyang d****b at pansin ko ang pamumungay ng mata niya. Nakita ko rin ang hawak niyang bote ng alak.

"Nag-iinom ka?!"

"Obviously?"

"I mean, bakit?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi ako makatulog. These past few nights hindi ako agad nakakatulog and these liquors save me." saad niya at ngumiti.

"Gabi-gabi ka umiinom?!"

"Not exactly. Saka hindi naman ganoon karami ang iniinom ko. Pampatulog lang."

Naalala ko nang magdinner kami kung saan unang beses namin nagkita. Napakadami ng ininom nila ngunit parang wala man lang epekto sa kaniya.

Binuksan ko ang pinto niya at pumasok. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hindi ko mabilang na mga boteng ng alak na nakatumba at walang laman. Umupo siya sa kama at nagbuntong hininga.

"I-is it because of your mom?" utal na tanong ko.

"What? You really think I'm into that? I have my insomnia okay?"

"You're lying."

"Believe it or not, I can do nothing."

"Liam?" tanong ko nang may pumasok sa isip ko.

Ramdam ko ang pagbigat ng d****b ko. Alam kong mali ito ngunit hindi ko matiis na nakikita ang pangungulila niya kay tita Elize.

"Tomorrow morning..."

Itinaas niya ang kilay niya at hinintay ang sasabihin ko.

"We're going somewhere. You have no choice. Kakaladkarin kita kung ayaw mo." buong tapang na sambit ko sabay pikit nang mariin.

"What? Where?"

"Basta."

"Wait, and how about Harvey?"

"Si ate Ginalyn and Yuki. Besides hindi tayo magtatagal."

"Saan nga kasi?"

"You really wanna know?" pang aasar ko.

"Of course!"

"Then sleep. Bukas, malalaman mo."

Kinabukasan ay maaga pang kinatok ako ni Liam. He seemed so excited like a child promised to be brought to the playground. Nakaayos din siya at nakakapanibagong bahagya na siyang ngumingiti.

"You ready?" tanong ko nang buksan ang pinto.

"Kanina pa. Actually naghintay lang ako na sumikat ang araw para katukin ka. Saan ba kasi tayo pupunta?"

Ngumiti ako sa kaniya.

"Jacob Amadeus Mental Hospital."

Ilang minuto kaming nagbiyahe hanggang sa makarating. Hindi siya nagsasalita ngunit bakas ang kaba niya. Hindi ko rin sinabing si tita Elize ang pupuntahan namin. Alam kong sumasagi na sa isip niya ang tungkol roon ngunit wala siyang sinabi kahit na isang salita.

"Masikip ata yung parking." sambit ko sabay tingin sa kaniya.

Napansin kong bahagyang mas malaki ang kotse ni Liam para sa space sa pagitan ng dalawang pulang kotse na tanging available space.

"I can manage."

"Ang laki kasi ng sasakyan mo. Wait, seryoso ka ba? Pataas iyan oh, baka mahirap. Wag na lang, doon na lang sa labas."

"And what? Maglalakad tayo? I told you I can manage."

Dahan-dahang iniabante niya ang sasakyan at ako nama'y matamang nakatingin sa gilid kung matatamaan ang katabing sasakyan.

"I told you, manage achuchu. Sabi ko na kasi hindi kasya e." sambit ko dahil ilang kembot na lang masasagi na ang katabing sasakyan.

"What the- Darn, wait. I'll get down. You drive, sesenyasan kita." saad niya at wari'y stress na stress.

"Huh? Uh, ako? Gosh hindi ako marunong!"

"Come on, alangan naman ikaw ang bumaba? Baka maatrasan ka ng kotse. Besides mainit sa labas."

"Gusto mo bang madurog 'tong kotse mo? Ayoko."

"You have no choice basta don't forget about the brake."

Bago pa ako muling makapagsalita ay bumaba na siya at isinara na niya ang pinto. Huminga ako ng malalim bago lumipat sa driver's seat. Ibinaba ko ang bintana para matanaw siya sa labas at nagthumbs up.

Ilang minuto akong halos hindi humihinga at minaneobra ang kotse ni Liam. Mukha na akong naligo sa pawis ngunit wala na akong pakialam.

"Okay, okay. You're doing good. Now for the last one, step on the gas pedal, ipihit mo ang manibela to your right, and then step on the brake."

Tumango na lamang ako bilang tugon.

At para sa finale, kaunting abante, kanan, at preno.

Huminga ako ng malalim at marahang ginawa ang instructions ni Liam.

"Now turn to right!" sigaw niya at ipinihit ko. Halos maging kulay violet na ako dahil makapigil hininga ang ginagawa ko. "Good."

Napangiti naman ako sa kaniya at nawala sa isip ko ang pagpreno.

"Cindy! The brake! The o-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang dire-diretsong sumalpok ako sa katabing kotse.

"-ther car..." sambit niya at patakbong lumapit sa akin.

"Gosh, anong gagawin ko?!"

"I told you, step on the brake."

"I told you too. Hindi ako marunong!" bwelta ko.

"You just did well. Kung hindi mo lang iyan nabangga ngayon."

"Ikaw kasi."

"Fine. What's important now is we manage to fix the damage we di-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla akong bumaba at isinara ang pinto.

"Wait, what are you-"

"Shh." pagtigil ko sa kaniya.

"Cindy, what are you thinking?"

"Just watch and learn." sambit ko at lumapit sa katabing kotse. "Hindi naman ganoon kalaki ang damage. Gasgas lang kaya magagawan ko iyan ng paraan."

"How?"

Hindi ko na siya sinagot o tiningnan man lang. Umupo ako sa tapat ng hindi ganoon kalaking gasgas ng katabing kotse. Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang wet wipes.

"Wet wipes?! You really thin-"

"Shut up."

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko at pinunasan ang gasgas. Matapos iyon ay inilabas ko ang pinakamahiwagang s*****a sa balat ng sansinukob. Binuksan ko ang liptint ko at nag umpisang ipahid iyon sa mga gasgas. Narinig kong mahinang tumawa si Liam ngunit hindi ko na lang pinansin. Matapos malagyan lahat ng gasgas ay hinipan ko iyon para matuyo.

"Hindi naman iyan magtatagal."

"Atleast hindi mahahalata."

"Whatever."

"Medyo iba ata yung shade." nag aalangang sambit ko. "Pero okay na iyan. Hindi naman na halata." patuloy ko at tumawa.

Pumasok na kami sa loob at pansin ko ang panginginig ng mga kamay ni Liam. Palinga-linga siya at hindi mapakali. Magkasama naming nilakad ang mahabang pasilyo kasama ang isang babaeng nakasuot ng puting uniporme hanggang sa makarating sa pangalawa sa pinakadulong kwarto. Nang tumigil siya ay napatigil din ako.

"W-what are we doing here?" nanginginig at utal na tanong niya.

"You know the answer Liam. I know you do."

"No. Absolutely not."

"Don't deny it. Ginagawa ko rin 'to para sa'yo." sambit ko at ngumiti sa kaniya.

"I-I'm scared..." mahinang sambit niya sabay yuko.

"Don't be. I'm with you."

Dahan-dahan binuksan ng babae ang pinto at ngumiti.

"Maiwan ko muna kayo." matapos sabihin iyon ay umalis na rin siya.

Tiningnan ko si Liam direkta sa mga mata niya pilit pinalakas ang loob sa isang ngiti. Huminga siya ng malalim at napatikhim ako.

"Ready?" tanong ko.

"I don't know. Hindi ko na alam."

Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahan kong inihakbang ang paa ko. Nauna akong pumasok at nadatnan ko ang nakaabang at nakangiting mukha ni tita Elize.

"Bumalik ka. Ang saya." masayang usal nito sabay palakpak na animo'y bata.

"Natatandaan niyo pa rin po ako?" gulat na tanong ko.

"Sabi ko nga sa'yo hindi ako baliw. Maayos ang pag iisip ko. Kahit hindi ka nakasuot ng pang-nurse natatandaan kita."

Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin ako. Nakahawak pa rin ang kamay ko sa kamay ni Liam na hanggang ngayo'y nasa labas.

"Halika. Upo ka rito. Bagong laba ang bedsheet ko." sambit niya at itinuro pa ang espasyo sa kama.

"Tita Elize..." tawag ko sa kaniya.

Nang lingunin ko si Liam ay nadurog ang puso ko hindi dahil sa lungkot kung hindi sa nag -umapaw na saya. Walang patid na umaagos ang luha niya pababa sa kaniyang pisngi at dinig na dinig ko ang mahina niyang paghikbi.

"Kung ano man ang sasabihin mo, umupo ka muna rit-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang dahan-dahang humakbang papasok si Liam. Ang kaninang mahinang paghikbi niya ay unti-unting naging iyak. Lumalabo na rin ang paningin ko dahil sa pamumuo ng luha. Damang dama ko ang emosyon na pumuno sa malawak na puting kwarto.

"Ma..." nang wikain iyon ni Liam ay mas lalong bumuhos ang kaniyang luha kasabay ng matinding emosyon.

Wala pang isang segundo ay mabilis na tinakbo ni Liam si tita Elize at kinulong ito sa isang mainit na yakap. Yakap na puno ng pangungulila at pagmamahal. Mas lalong pinuno ng mga hikbi at iyak ang kwarto nang yakapin siya pabalik ni tita Elize at hinagod ang likuran nito.

Walang kahit na anong salita pa ang binitiwan nila ngunit hindi maitatanggi ang nag uumapaw nilang pagmamahal sa isa't isa.

Hindi ko na namalayan ang walang tigil na pagtulo ng luha ko at ako'y maang na nakamasid sa kanila. Bagaman may mga luha sa kanilang mga mata hindi maipaliwanag ang saya na makikita. Ilang sandali silang hindi kumawala sa yakap ng isa't isa na wari hindi alintana kung anong nagaganap sa paligid. Lumabas din ako ng kwarto at hinayaan silang dalawa na makapagusap ng sila lang.

Lumabas ako at pumunta sa isang malapit na convenience store. Nabasa ko ang message ni Yuki na medyo stable na ang kalagayan ni Harvey at hinihintay na lang siya magising kaya inilipat na siya sa hospital kung saan kami nagta-trabaho.

"Thank you ma'am." saad ng isang lalaking cashier at iniabot ang sukli at resibo ko.

"185?!" bulyaw ko nang makita ang kinse pesos sa palad ko. "Hindi naman yata tama ito. Tatlong tubig?! 185?! May halo ba 'tong alkaline metals at lahat ng bakal sa periodic table?! Kung 185, tatlong tubig lang ang binili ko-"

"Ma'am-"

"Teka sandali nagco-compute ako ng gigintuin niyong mineral water. 185 divide 3 e'di..."

"Ma'am-"

"Sandali nga sabi. May calcu kayo riyan? Pahiram nga. Ay, no need sa phone ko na lang." sambit ko at dali daling nagtype. "185... divide... three... equals... sixty one point six six six six six seven?! Isang tubig?! Tumataas ang high blood ko."

"Ma'am hindi po 185."

"200 ang binayad ko, kinse ang sukli, paanong hindi 185?"

"Ma'am 120 lang po ang binayad niyo. Kaya 105 lang. So 35 po ang isa. Kaya po kinse ang sukli." paliwanag niya at halos lumubog ako sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan.

"S... sabi ko nga." mabilis na saad ko sabay patakbong alis.

Nang makalabas ako ay ininom ko ang isa sa tatlong tubig na dala ko. Dire-diretso kong ininom at inubos iyon na parang ermitanyo mula sa disyerto. Lumalakad na ako pabalik nang makaramdam na nag-aalburuto ang pantog ko.

Hindi yata tamang uminom ng marami.

Dali-dali akong pumunta sa cr at paglabas ko ay may nakita ako sa di kalayuan. Isang lalaking nakasuot ng all black at cap. Nakayuko ito at sa paggalaw ng mga balikat niya'y pansin kong umiiyak siya.

"Lander?"

Nang makabalik ako sa kwarto ni tita Elize ay nadatnan ko silang nagtatawanan at kapwa tila namamaga ang mata. Kumatok muna ako saka pumasok.

"Sa'n ka galing?" tanong ni Liam sabay salubong sa akin.

"Binilihan ko lang kayo ng tubig. Mukhang nadrain kayo." biro ko na sinundan ng halakhak ni tita Elize.

"Ikaw ba naman ang hindi makita ang anak sa loob ng maraming taon." sagot ni tita Elize.

Ngumiti naman ako.

"Namiss ko 'to." maiksing saad niya ngunit tila ngumiti ang puso ko.

Ilang oras kami roon at hindi maubos na kwento ang pinagsaluhan nilang dalawa. Tuwang tuwa si tita Elize at todo pasasalamat sa akin. Si Liam naman ay walang kahit na anong binanggit tungkol sa pagsasabi sa kaniyang patay na si tita Elize sa loob ng mahabang panahon. Nabanggit sa akin ni Liam na ayaw niyang ipaalam iyon dahil for the mean time ay gusto niyang masasayang bagay lang ang pag-usapan nila. Mas mapapadalas din naman daw ang pagdalaw ni Liam.

"You know what... you are the best. sambit ni Liam sabay tingin sa akin.

Ngayon ay nakaupo kami sa ibabaw ng likurang part ng kotse niya. Maggagabi na rin kaya naisipan na namin umuwi. Tumigil kami sa tabi ng isang lamppost para magpahangin.

"The best?"

"Best friend." sagot niya.

"Best friend?! You've just known me for a while."

"It's not about the time though. You told me that Harvey was the one who introduced mom to you right?"

Tumango ako.

"Then he knew. Alam niya na buhay si mom pero bakit hindi niya sinabi sa akin for so long?"

"Perhaps nag-alangan siya dahi-"

"Dahil ano?"

"Dahil... wala siya sa tamang posisyon para sabihin iyon sa'yo. Parang ako, at first sobrang naghe-hesitate ako to tell you about that. Ilang milyong beses ko tinanong sa sarili ko kung tama bang gawin ko."

"And you did. That's how you differ from Harvey. You both hesitated but you have greater courage. And that makes you the best."

I scoffed.

"Don't hate Harvey because of it huh?"

"Why would I hate him?"

"Kasi nga..."

"Why would I hate the man you love?" sambit niya at napatingin ako sa kaniya sa gulat.

"Y-you know?"

"Why won't I? I can see it. The way you look at his eyes. It's way different from the way you look into my eyes... and that breaks me."

I ran out of words. My mind started to be crowded up by confusion.

"I don't like you Cindy. I badly love you." sambit niya sabay ngiti ng mapait.

"Liam..."

"I want you for Harvey... but for once, I want you mine. I freaking love you but god I'm hurting like damn. Ako yung lagi mong nakikita, we're even living under the same roof but you wanted someone outdoor."

Ibinuka ko ang bibig ko ngunit walang lumalabas na kahit na anong salita.

"I really do break when I see you looking at him, seeking for a fvcking little smile to lighten up your day. The night he got into the accident, my senses were in complete nuisance. My friend's dying yes it's enough to wreck me emotionally. But you broke me more on how you cried for him. You weren't crying as a concerned friend, but a lover. Ang sakit Cindy... all this time you were treating me as a friend because you love my friend."

"I'm... sorry." saad ko at tumulo ang mga luha kong nag-uunahan.

Suminghap naman siya ng hangin at tumingin sa malayo. Pansin kong pinahid niya ang luha niya bago muling tumingin sa akin.

"Don't be. It was my all fault. I was too late to tell you about my feelings. Life is indeed unfair. Matagal akong nagtago sa anino ko dahil ayaw kong may makaalam ng nakaraan ko. Na anak ako ng isang lalaking hindi mahal ang asawa niya, na isa namang baliw. Na kinupkop ako ng mga mukhang perang kamag anak. Sino ba naman nga ang maniniwalang may puso ako? But you know what? I loved you first before Harvey did."

"What... do you mean?"

Nag buntong hininga siya at ramdam ko ang bigat ng loob niya. Ang mga kamay ko nama'y nagsimulang manginig habang pinapawi ang luha sa pisngi ko.

"Harvey has bipartite souls case right? His soul bipartite... it's your twin sister. He's just having the love and affection because he sees Candice in you."

Tila hindi naman tinanggap ng utak ko ang sinabi niya. Nanginig ang buong katawan ko at nanghina ang mga tuhod ko. Binuka ko man ang bibig ko ay hindi ko alam ang sasabihin.

"Can you do me a favor?" his voice sounded begging and it broke me more, even diverted my thoughts from what he said before that.

"Yeah?"

"Can you be mine? Even just for now?" his voice cracked as another wave of tears escaped from his eyes.

Tiningnan ko siya sa mga mata at kita ko ang sakit at pait.

"Ngayon lang, and I promise... I'll be fine. Kahit madurog pa akong paulit ulit dahil sa'yo."

"Liam..."

"I'll even cut our connections."

"You don't have to. But if seeing us hurts you..." nag buntong hininga ako. "Hindi ko alam! I want you to stay but I can't see you hurting." saad ko sabay hagulhol.

Sa ilalim ng bilyon-bilyong mga bituin na nakatunghay sa amin ay hinagod niya ang likod ko. Sa gabing pinaliwanag ng bilog na buwang at walang anong ingay at tibok lamang ng aming mga puso ang maririnig.

"I love you... Cindy. I don't care if you love someone. I'll still love you."

Tiningnan ko siya sa mga mata niya at gumuhit ang isang ngiting puno ng sakit sa kaniyang labi. Nahihirapan na ako sa sobrang pag iyak at nanghihina na rin ako. Tumingala ako at suminghap ng hangin dahil nahihirapan na talaga ako. Nang tumingala ay isang kulay abuhing ibon ang nakita kong nasa ibabaw namin. Marahang lumilipad ito at umiindayog sa pag-ihip ng malamig na hangin.

Naiintindihan ko ang lahat ng nagaganap ngunit hindi ko alam kung bakit hindi tinatanggap ng pandama ko. Parang hindi ako makagalaw at namamanhid ang buong katawan ko.

Bumilis ng napakabilis ang pagkabog ng d****b ko nang tumapat sa liwanag ng buwan ang nocturnal bird. Unti-unting nag iba ang kulay nito at naging pilak. Dinig ko ang paghanga ni Liam at bumagsak ang panga ko. Lumipad papalapit ang ibon sa ibabaw ng pagitan namin ni Liam at tila hindi maipaliwanag na kaganapan ay naghulog ito ng isang pilak na balahibo. Isinayaw ito ng hangin at ilang segundo lang ay binalot ng kakaibang kuryente ang katawan ko nang dumampi itong banayad sa mga kamay namin.

The moment the feather touched our skin, Liam looked at me still with tears at the end of his sad eyes. A bitter smile curved in his lips as he started moving near me.

"I love you. Thank you, dahil kahit ngayon lang... You are mine." sambit niya kasabay ng pagpatak ng luha niya.

Inilapit niya ang kaniyang mukha at ramdam ko na ng mainit niyang paghinga sa balat ko. Ipinikit niya ang mata niya at hindi pa rin maawat ang luha niyang bumubuhos. Ipinikit ko ang mata ko at tila awtomatikong umaayon sa mga nagaganap.

Nang mga sandaling lumapat ang malambot niyang labi ay tila ipinadama niya ang lahat niyang pagmamahal. Binalot ng kakaibang pagmamahal ang kaniyang h***k ngunit damang dama ko ang pagkadurog niya. Nadudurog rin ako. Hindi man siya nakikita ay alam kong sobrang nasasaktan siya. Hindi ko na namalayan na unti-unti ko na ring sinusuklian ang h***k niya na animo'y iniloloob ng langit na gawin ko ito. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at mas pinalalim ang ginagawa namin.

Ilang sandali kaming ganoon hanggang sa kumalas siya.

"You are the one that I will forever regret I lost. I'm thankful though. Kahit isang gabi lang, naging akin ka."

Tila naman nawasak ako. Unti-unti akong sinasaksak at pinapatay ng mga salita niya.

I was just looking at his face, watching how getting wrecked he is. Suddenly, wavy, tiny million silver strings started to appear out of nowhere. It was glowing and it's glow lit up the surrounding. I know it was supposed to make us feel the love of each other but for some reason, I'm hurting. I can feel nothing but pain and agony.

That night, Liam asked me to be his. That night, I knew he loves me and how hurt he is everytime. And that night, I knew we were made for each other. But not every destined two end up together...

Inihatid na ako ni Liam at hindi na kami nag usap. Sobrang pasasalamat niya sa lahat ngunit sobra rin ang sakit na nararamdaman niya. Hindi rin siya sa bahay tumuloy. Maybe he's gonna stay somewhere comfortable. I don't know.

Hindi na ako kumain at hindi na rin nag-abala magbihis. Ilang minuto rin akong tulala at lutang ang isip. Napakaraming naganap at hindi ko alam kung tinatanggap pa ba ng utak ko lahat.

Pabagsak na humiga ako sa kama at hinimas ang sintido ko. Sobrang bigat pa rin ng nararamdaman ko. Pagod na ang katawan ko pati ang emosyon. Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko nang tumunog ang phone ko. Hindi ko na nagawang magsalita ng isang tinig ang sumambulat.

"Cindy... I was wrong all long..."

Related chapters

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY TWO

    CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY THREE

    CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FOUR

    CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FIVE

    CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   EPILOGUE

    EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   PROLOGUE

    PROLOGUE Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Free Airlines Flight SS394. The time is 9:35 AM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Ninoy Aquino International Airport approximately eight hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight. For the millionth time, Cindy let out a heavy sigh. Lumingon-lingon siya at sinubukang libangin ang sarili. She still feels so nervous as she boards a plane for the second time. "Kinakabahan ka pa din?" Cindy almost jumped midair as someone beside her talked. She just nodded and felt her knees started shaking. "Hina mo naman. Buti pa ako hindi." the woman beside her talked again. Cindy looked at her. "Hay, Ca

    Last Updated : 2021-03-08
  • Cut Our Silver String   CHAPTER ONE

    CHAPTER ONE CINDY’S P.O.V. Naalimpungatan ako nang may biglang kumalabit sa akin. "Ano ba? Can't you see I'm sleepi-" Natigilan ako nang mapagtanto kung sino ang gumising sa akin. A guy on his late twenties with brown eyes, hair brushed up and a manly body. "Mind your attitude miss. Besides, I am the worst nightmare of all the on job trainees here." he said in a calm yet warning voice. Inayos ko ang sarili ko at nag buntong hininga. "Y-yes Sir Lester." saad ko at huminga ng malalim sabay pilit na ngiti. "Also, there ain't one person, staff or student, allowed sleeping at this hour. Maliban na lang kung pasyente ka. Ang tanong, gusto mo?" he said with an intimidating look. "Uh, sorry sir. This will be the last time."

    Last Updated : 2021-03-08
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWO

    CHAPTER TWO "Bipartite souls..." he said as he wiped his tears and forced a smile. "Uh- I beg your pardon?" I asked literally covered in confusion. He chuckled. "Knew it. You won't believe." "No. Of course I believe you. It's just that..." "It's just that?" he said waiting for my answer. "I never knew it exists." he smiled and nodded slowly. "But I heard of that." I said. "And you didn't believe. Who would actually believe that thing." "Uhm, dad, what exactly bipartite souls is?" "What do you mean?" "I heard about it but I absolutely have no idea about such." He sighed. "A silver string is believed to connect two persons with their hearts beating simultaneously.

    Last Updated : 2021-03-08

Latest chapter

  • Cut Our Silver String   EPILOGUE

    EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FIVE

    CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FOUR

    CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY THREE

    CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY TWO

    CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY-ONE

    CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY

    CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S

  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINETEEN

    CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will

  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHTEEN

    CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong

DMCA.com Protection Status