Share

CHAPTER TEN

Author: ViKnows
last update Last Updated: 2021-12-07 22:09:14

CHAPTER TEN

Nang mabasa ko ang message ay tila lumagpak ang panga ko diretso sa sahig. Ipinabasa ko kay Dhaeny ang message mula kay Sir Lester at umalingawngaw ang tili niya sa buong bahay. Kinalog kalog niya pa ako at nagpatakbo takbong paikot ikot. Tumigil siya sa harapan ko at humawak sa akin habang hinahabol ang hininga niya.

"Gurl, ano? Sasama ba tayo?" tanong ko habang nagpipigil ng tawa dahil sa hitsura niya.

"Wait, pahingahin mo muna ako, pag iisipan ko... Oo!!! Bakit hindi?! Si Sir Lester yun! I wonder anong mangyayari, baka ito na ang simula!" gigil na sabi ni Dhaeny at patuloy na tumitili. Hindi siya mapakali at kinalog kalog ang lahat ng mahagip ng kamay niya.

"Kumalma ka nga gurl, mamaya maubusan ka ng hininga kakatili lalo ka hindi nakasama." saad ko at natawa.

"Gurl, hindi mo ba naiisip?! Ito na ang chance mo para bawiin si Sir Lester! Ito na ang reward ng isang buwang internship!" sagot niya at patuloy na naglulundag.

"Gurl, parang ayaw ko sumama" pagbibiro ko para asarin siya.

"Arimunding munding munding" saad niya habang nakatakip ng tainga at nagsasayaw pa. "Wala akong naririnig" tuloy niya pa at patuloy sa pagsayaw.

Nagulat ako nang biglang tumakbo si Dhaeny pataas sa hagdan.

"Teka, teka, teka! Anong gagawin mo?" naguguluhang tanong ko.

"Magbibihis na. Ano ka ba gurl kailangan maaga. Baka mamaya dumating na si Sir Lester tapos hindi pa tayo prepared. Paano kung iwan nila tayo, sabihin nila na baka hindi tayo excited tapos maoffend sila, tapos hindi na nila tayo i-invite sa susunod. Nakakahiya naman kase trainer natin sila tapos na offend natin sil-"

"Hindi ka ba matatapos?" putol ko kay Dhaeny.

"Hindi ka ba naeexcite? Kailan mo balak magbihis? Kapag nandito na sila at bibingihin tayo ng sunod-sunod na malalakas na busina? Ano hindi ka nahihiya? Paghihintayin mo ang prince charmi-"

"Binasa mo ba talaga yung message?”

"O-oo." utal na sagot niya.

"Talaga lang ha?"

"A-ano ba nakalagay? Di'ba may graduation party ngayon 7pm?" tanong Dhaeny at napatawa ako.

"Gaga, dinner lang. Walang graduation party na magaganap. Saka malinaw na nakalagay, saturday. Friday pa lang." paliwanag ko.

"Uh, uhm, o-kay."

Natawa ako at biglang natahimik si Dhaeny. Ang plano namin na magkwentuhan ng horror stories ay hindi na natuloy. Lahat ng nakalistang plano namin gawin ay hindi natuloy. Si Dhaeny ay nakangangang nakasandal sa bintana at halos tumulo ang laway. Tila may pinanonood siya sa labas na ewan. Ako naman ay nakaharap sa salamin at pasimpleng nagpa-practice ng mga magandang expression kapag nag dinner kami nina Sir Lester.

"Baka mapagkamalan ng langaw na kweba iyan." parinig ko at napatingin naman si Dhaeny sa akin.

"Ang galing kasi gurl. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong ibon." sambit niya at itinuro ang isang nocturnal bird.

"Nocturnal bird?" tanong ko.

"Nocturnal bird?" tanong niya pabalik.

"Obviously tuwing tabi lang sila lumalabas. Pero kakaiba ang mga nocturnal birds. Kulay gray sila pero sa tuwing matatamaan ng liwanag ng buwan nagiging kulay silver sila." paliwanag ko.

Si Dhaeny naman ay matamang pinapanood ang ibong lumilipad sa labas.

"Sabi pa ni papa, kapag naghulog sila ng isang balahibo sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan, iyon na ang huling pagkakataon na makikita silang kulay silver. Matapos ang paghulog niya ng balahibo ay magiging abo ito." patuloy ko.

"Woah... Seriously? May ganoong ibon ang nage-exist?"

"Apparently..." sagot ko at ngumuso para ituro ang isang ibon na dumapo sa isang bubong.

"Wait lang gurl, paano nalaman ni tito Adam iyang mga iyan?"

"Scientist siya remember?"

"G****e" saad niya at tumatango-tango.

"Andrea? Narinig mo na yung..."

Pinanlakihan niya ako ng mata, hindi ko pinansin.

"Yung alin?" tanong niya.

"B-bipa-" utal kong sabi. Itinaas niya ang kilay niya, hinihintay ang sasabihin ko. "Bipartite souls..."

"B-bip... Ano?" naguguluhang tanong niya.

"Bipartite souls. Nabanggit lang ni papa before."

"Bipartite souls? Hmm... Bago sa pandinig ko." sambit niya. "What about it? Saka ano ba yun?" tuloy niya pa.

"W-wala naisip ko lang kasi... c-connected siya. Tama, connected siya sa nocturnal birds."

"Huh? Paano?"

"Ito ha, kwento lang 'to ni papa. Even I, hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Kapag ang isang tao daw ay ipinanganak, may isang tao rin ang ipinanganak para sa kaniya, sila ang magiging pair ng souls at nocturnal birds ang magiging susi para malaman nila na they were made for each other. Basta ganoon."

"Wait nga, hindi ko maintindihan. Ipaliwanag mo, yung maliwanag pa sa kislap ng noo ni Sir Lapaz."

"Kapag nagtagpo daw ang magpair, yung ganyang nocturnal bird ang maghuhulog ng balahibo sa pagitan nila. At doon, makikita nila ang silver string na nagconnect sa kanila after all this time."

"Hindi ko gets dai." saad niya at saka ngumisi.

"Medyo malabo pa rin nga yung main idea sa akin." sagot ko.

"Bakit hindi natin i-search sa g****e?" suhestyon niya.

Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang mag type. Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala kaming makita. Wala kaming mahanap na kahit na anong tungkol sa bipartite souls. Inabot na rin kami ng ilang oras hanggang sa dalawin na kami ng antok ay wala kaming nahanap.

Kinabukasan ay kung anong oras na kami nagising. Kapwa kami drained at hindi na kami nag-abala para magluto. Canned goods at kanin ang tumulong sa amin makaraos ng tanghalian. Naisipan namin lumabas ni Dhaeny para bumili ng hairdress na magkatulad kami dahil naisip namin na mas attractive kung magkatulad kami. Makababa ng jeep ay hinila ako ni Dhaeny papasok sa isang convenience store.

"Teka nga babaeng mukhang nakuryente, akala ko ba hairdress, anong ginagawa natin dito sa convenience store?" tanong ko habang hila-hila niya pa rin ako.

"Basta sumunod ka. Nagugutom ako." sagot naman niya.

"Di'ba kakatapos lang natin kumain?"

"Huwag ka na magsalita, ililibre kita. Saka sino ba naman ang mabubusog sa dalawang pirasong vienna sausage?" sambit niya at tumawa.

Nang makapagbayad ay umupo kami sa pinakagilid na table, sa tabi ng glass wall.

"Bakit dito tayo umupo? Nakakahiya, nakikita tayo ng mga nasa labas." tanong ko at kinurot ako ni Dhaeny.

"Bakit ba napakareklamo mo ngayon? Inilibre na nga kita. Saka ano naman kung nakikita tayo ng mga nasa labas? Atleast nakikita din natin sila." sagot naman ng luka.

Ilang minuto na kami nakaupo roon at ang ibang mga tao ay dumadating at umaalis na ngunit andoon pa rin kami. Kanina ko pa naubos ang binili ko at pilit ko na lamang tinitipid ang iniinom ko samantalang si Dhaeny ay paunti unti kung kumagat sa binili niyang footlong.

"Ikaw, nananadya ka ba?" tanong ko kay Dhaeny na kanina pa lingon ng lingon.

"Huh? Ako?" wala sa sariling sagot niya at may pahawak sa d****b effect pa.

"Ay hindi, si kuyang kumakain ng sisig." pilosopong sagot ko. "Kuya nananadya ka ba? Kanina ka pa kumakain ng sisig eh." tuloy ko pa habang nakatingin sa lalaking nasa likod ni Dhaeny.

"Bakit ba? Ninanamnam ko lang naman yung pagkain, ang sarap kaya." dahilan ni Dhaeny.

"Kung hindi ko pa alam na basher ka ng footlong dito, baka maniwala ako. Saka kung masarap talaga yan, kanina mo pa inubos at bumili pa ng dalawang dosena. So ano? Anong pinaggagagawa mo?" saad ko at kita kong nawala ang pagiging komportable niya.

"Tumingin ka dun sa kabilang kalsada." utos ni Dhaeny.

"Bakit? Saan? Sa gift shop?" tanong ko.

"Gaga doon sa flower shop."

Tiningnan ko ang sinasabi ni Dhaeny at doon ay nagulat ako sa nakita ko. Si Charlotte at si Sir Lester magkasama. Isa-isang ipinapakita ni Sir Lester ang mga bouquet ng bulaklak kay Charlotte at tila namimili ito. Nakita ko rin na lumapit si Charlotte at tumigil si Sir Lester. Pumikit si Sir Lester at ngumiti. Napansin kong pinupunasan ni Charlotte ang mukha ni Sir Lester at napakalapit nila sa isa't isa.

"G-gurl..." rinig kong tawag ni Dhaeny ngunit hindi ko pinansin. Pinagpatuloy kong pagmasdan sila Charlotte.

"Cindy..." tawag ulit ni Dhaeny. Lumingon ako sa kanya at nakitang basa na ang mukha niya.

"Bata ka ba at hindi ka marunong magpunas ng mukha?" tanong ko kay Dhaeny.

"Nahiya naman ako. Ikaw nga itong kanina pa pinipisil ang baso na iyan kaya tumatalsik sa akin yung laman." sagot niya dahilan para mapansin ko na halos madurog na ang basong papel na hawak ko.

Pinunasan ko si Dhaeny at paulit-ulit na nagsorry.

"In fairness huh, ang sarap, pineapple." biro ni Dhaeny.

"Sira."

"Kidding aside, kanina ko pa sila nakikita, magkahawak kamay." sambit ni Dhaeny dahilan para matigilan ako.

Hindi na rin kami nagtagal ni Dhaeny dahil nawalan na ako ng gana. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko. Alam kong walang namamagitan sa amin ni Sir Lester pero may kumukurot sa d****b ko. Walang malinaw na kasagutan kung bakit ako nasasaktan gayong hindi naman kami nagkakamabutihan ni Sir Lester, 'ni hindi nga kami nag uusap. Hindi ko alam kung tama ba o mali pero gusto ko ring maranasan ang mga nagagawa ni Charlotte. Gusto ko din mapalapit kay Sir Lester, na makilala siya at kahit hanggang doon lang, alam ko magiging masaya ako.

Dalawang oras bago ang dinner ay naghahanda na kami ni Dhaeny. Ako ay namimili kung ano ang susuotin ko samantalang si Dhaeny ay naliligo. In-open ko ang phone ko at nakita ang posts ni Charlotte, kasama si Sir Lester. Mabilis ko ring pinatay 'to sa hindi ko matiyak na kadahilanan.

Nagbuntong hininga ako. Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at ipinadyak ang mga paa ko. Ginulo ko pa ang buhok ko nang marinig na may sumisigaw ng pangalan ko. Dali-dali akong bumaba at sinundan ang tinig. Nalaman kong si Dhaeny ito nang maulinigang nanggagaling ito sa paliguan.

"Cindy gurl... Huhu please... Hindi mo ba talaga ako naririnig?" dinig kong sambit niya nang ilapit ko ang ulo ko sa pinto.

"Cindy!" sigaw pa muli nito. "Oh please, mahabaging neptune! Bakit ba kasi napakabingi mo Cindy?!" bulyaw niya pa at dinig ko ang inis sa boses niya.

Lumakad ako papalapit sa dining area at dahan dahang hinila ang upuan. Sinadya kong gumawa ng tunog na maririnig ni Dhaeny.

"C-cindy? I-ikaw ba iyan? Sumagot ka sasabunutan kita kapag nakalabas ako dito!" rinig kong sabi ni Dhaeny. Napatakip naman ako sa bibig ko at pilit pinigil ang tawa.

Lumakad ako palapit sa pintuan at dahan dahan ding binuksan ito upang makagawa ng kakaibang tunog na pang-horror movie.

"Cindy...?" bakas ang panginginig ng boses ng gaga.

"Cindy!!" palahaw pa ni Dhaeny at tila iiyak na siya anytime.

Gustong gusto ko pa siya takutin ngunit hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. Halakhak ko ang bumalot sa buong bahay.

"Bwisit ka talaga! Nanginginig ang laman ko sa'yo!" angil ni Dhaeny at gigil na gigil na siya.

Tawa lamang ang isinagot ko at halos maubusan ako ng hininga kakatawa. Sumigaw naman si Dhaeny sa sobrang inis.

"Kung hindi mo lang 'to bahay, baka kanina pa kita sinugod diyan at nabalatan ng buhay. Napakasama mo gurl dapat sa'yo pinapaslang." mas lalong panggigigil ni Dhaeny.

"Ano ba kaseng nangyayari sa'yo at sigaw ka ng sigaw?" pasimpleng tanong ko.

"Naku, naku, huwag mo i-divert ang usapan, babawian kita not now but soon." sambit ni Dhaeny.

Ilang sandali walang nagsalita sa amin hanggang sa umimik si Dhaeny.

"C-cindy..." dinig kong ngumisi siya.

"Oh?"

"M-may p-pan" putol putol niyang sabi

"Ro-bot-ka-ba-ka-i-bi-gan?" saad ko at umarteng robot.

Muling nagpakawala ng malalim na hininga si Dhaeny.

"May p-pa-pa"

"Parapa? Rarapapa? Showtime? Bakit kasi hindi mo pa diretsuhin?" saad ko at mahinang tumawa.

"Uh, ganito kase yan..." bumuntong hininga muli siya. "Uhm... K-kanina kase, nung hinila ko yung towel..."

"Ano ba Dhaeny? Para kang kindergarten na nagbabasa ng abakada." sambit ko.

"Ito na. N-naglaglag kasi yung p-panty ko sa sahig tapos ayun, nabasa." sambit ni Dhaeny at natawa ako.

"So? Hindi ka na ba makahintay na lumabas diyan at saka na lamang ikwento iyang kagalgalan mo?" saad ko at patuloy na tumawa.

"Hindi kasi yun... P-pahiram ako ng panty." mabilis na sambit ni Dhaeny. "Kahiya hiya man."

Ilang sandali akong tumawa at saka nagsalita.

"Ano bang gusto mo? So-en? Hello kitty? Transparent? O yung may nakalagay na days of the week? Sakto saturday ngayon, floral ang design." biro ko.

"Gurl, alam kong nagbibiro ka pero hindi maganda ang timing mo. Pwede ba iyong transparent?" ani Dhaeny at napasapo ako sa noo ko habang tumatawa.

"Seryoso ka? Hihiram ka?"

"Ay, hindi." sarcastic niyang sagot.

"Isusuot mo?"

"Hindi gagawin kong panyo. Ano ba? Papahiramin mo ba ako?"

"May isang request lang ako dai." saad ko at ngumising may masamang balak.

"Ano?" inip na sabi ni Dhaeny. "Kung hindi ko lang kailangan ng panty sinasabi ko sa'yo."

"Kindatan mo si Sir Lapaz. Tatlong beses ngayong gabi." saad ko at ramdam kong umakyat ang dugo ni Dhaeny nang buksan niya ang pinto.

Nagkaroon pa kami ng mahabang pagtatalo hanggang sa pumayag din naman siya. Natatawa ako everytime na maiisip ko ang napag-usapan namin. Kikindatan niya si Sir Lapaz once nag wink ito sa kanya. Iyon ang unang kindat. Ang pangalawa at pangatlo ay ako na ang magbibigay sa kanya ng hudyat kung kailan niya gagawin. Tungkol naman sa panty, ayaw niya ng saturday, hindi daw sya mahilig sa floral.

Isang oras bago mag-7pm ay naghihintay na kami. Nakailang retouch din si Dhaeny at pagpabalik balik sa kusina pampawala ng inip. Halos mabingi ako nang biglang may bumusina sa labas ng bahay. Hindi dahil sa lakas ng busina kundi dahil sa lakas ng tili ni Dhaeny nang marinig ang busina. Halos madapa si Dhaeny sa pagmamadaling buksan ang pinto. Patakbo itong lumabas at kita ang pagkasabik sa mukha nito. Ilang sandali akong muling tumingin sa salamin at saka lumakad papalabas. Nagulat ako nang makita si Dhaeny na lumalakad pabalik at parang nalugi.

"Oh? Ano?" tanong ko.

"Wala. Hindi pa sila yung bumusina. May muntik lang masagasaan kaya bumusina."

"Yun lang? Bakit kailangan mo sumimangot? Dadating pa yun gaga.  Mukha kang construction worker na hindi napasahuran." saad ko at napangiting pilit si Dhaeny.

"Eh kasi naman akala ko sila Sir Les-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya at nanlaki ang mga mata nang marinig na may tumigil na sasakyan.

Nilingon namin ito at namangha ako sa nakita ko. Kulay itim na sasakyan na kita kong kumikintab kahit madilim. Bumaba ang bintana nito at tumambad ang nakangiting mukha ni Sir Lapaz.

"Pinaghintay ba namin kayo?" tanong nito sabay wink kay Dhaeny.

Humarap sa akin si Dhaeny at saka ako ngumisi. Sinenyasan ko siya na gawin ang napag-usapan at napapikit na lamang sya. Lumapit kami ni Dhaeny at bumaba si Sir Lapaz.

Kinalabit ko si Dhaeny at saka siya nagsalita, "H-hindi naman Sir" sabay kindat na pang malakasan.

Napatikhim na lang ako dahil tila bubulagta si Sir Lapaz sa sobrang kilig.

"Tara na Sir." aya ni Dhaeny at napatawa akong mahina.

"Oh come on, stop calling me sir."

"A-ano pong itatawag ko sa inyo? Lapaz?" sagot ni Dhaeny na matabil ang dila.

"You really are funny miss Scrimgeour." saad ni Sir Lapaz at tumawa. "Lyndon, that's my name." saad niya at saka inilahad ang kamay sa harap ni Dhaeny.

Hindi naman humawak si Dhaeny at ngumisi out of nowhere.

"Parang wala naman po akong paggalang kung tatawagin ko kayong Lyndon." sambit ni Dhaeny sa pagitan ng tawa.

"It's fine huh. My colleagues used to call me that way. Besides hindi naman nagkakalayo age natin."

Napalunok ako at napatikhim si Dhaeny.

"Twenty years?" natatawang sambit ni Dhaeny.

"Twenty? I am only 26." angil ni Sir Lapaz.

"As if naman maniniwala ako."

"Fine, 29."

"Lie more."

"31" natatawang sambit ni Sir Lapaz.

"Bakit hindi mo na lang agad sabihin ang age m-"

"Lyndon's 33. Next question. Ilang questions ang inihanda niyo bago tayo umalis?" nagulat kaming lahat nang magsalita si Sir Lester mula sa loob ng kotse.

"W-wala na po." saad ni Dhaeny.

"Then get in." sagot ni Sir Lester at ngumiti.

Nang akmang papasok si Sir Lapaz sa passenger seat sa tabi ng driver ay nagulat ako nang hawakan siya ni Dhaeny.

"D-dito tayo L-lyndon. Let's get to know each other behind them." nauutal na usal ni Dhaeny habang nakatingin kay Sir Lapaz.

Nakita kong ngumiti si Sir Lapaz at saka naunang pumasok. Lumapit si Dhaeny sa akin at bumulong.

"Ginagawa ko 'to para sa inyo ni Sir Lester. Don't assume na papatulan ko si Sir Lapaz o Lyndon o whatsoever. 'Ni hindi nga ako pinagbuksan ng pinto tss." Napangiti ako. "I'm doing my part, ikaw na bahala sa kasunod. Go gurl." bulong niya pa bago pumasok.

Nanginginig kong binuksan ang pinto ng kotse at saka pumasok. Nang makaupo ay nakita ko si Dhaeny na nakatingin sa akin sa rearview mirror. Ngumiti ang gaga at ngumuso na parang may itinuturo. Sinundan ko ang direksyong itinuturo niya at nakita ang isang maliit na tiger stuffed toy na nakasabit. Halos hindi ko napigil ang tawa ko nang mapatakip si Dhaeny sa bibig niya sa pagpipigil ng tawa.

Nagsimula nang magmaneho si Sir Lester at hindi ko maiwasang mapapikit sa tuwing maaamoy ko ang halimuyak ng pabango niya. Tila niyayakap ako ng amoy na hindi ganoon katapang ngunit nakakahumaling.

"Hi Sir Lapaz." sambit ni Dhaeny nang mapansing nakatingin lang ito sa bintana. Napangiti ako dahil totoo ang sinasabi niyang ginagawa niya ang part niya. "Lyndon rather."

"You can call me Lyndon as well Cindy. Let's be casual, we're outside."

"Call me Harvey, the one I prefer." pakisali ni Sir Lester at nakita kong naningkit ang mga mata niya nang ngumiti.

"Even us, we call each other Sirs when we're at work, but outside, feel free to call us by our names." paliwanag ni Sir Lapaz.

"Uhm, Harvey?" tawag ni Dhaeny.

"Yup?"

"W-wala po Sir. Tinry ko lang na tawagin kang Harvey hehe." saad ni Dhaeny at ngumisi.

Tumawa naman sila Sir at ako'y napangiti.

Ilang minuto pang nagmaneho si Sir Lester at inihinto niya ito sa isang parking lot. Naunang bumaba sina Dhaeny at Sir Lapaz at naiwan kami ni Sir Lester sa loob.

"I could sense you're feeling a bit awkward." sambit niya sa magaspang na boses.

Napangiti ako.

"H-hindi lang po siguro ako sanay na casual tayo."

"Get used to it. There's nothing to feel off. Say it, Harvey." sambit niya at tumapat sa akin.

Bahagya niya pang inilapit ang mukha niya at hinintay ako magsalita.

"H-harvey."

"Don't stutter. Say it like how you say Dhaeny."

"Harv-vey."

"Come on, I'm a friend too." saad niya dahilan para matigilan ako. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa at ilang pulgada lang ang nagdistansya sa amin.

Ramdam ko ang paghinga niya at pinagpapawisan ako sa tuwing tatama ang hangin mula sa kanya sa balat ko. Itinaas niya ang kilay niya at hinihintay ako magsalita dahilan para kumunot ang noo niya at bumilog singkit nitong mga mata. Ngumiti siya at nakita kong humubog ang biloy sa dulo ng mga labi niya.

"Harvey..." mahinang sambit ko at napangiti siyang mas malawak. Iyon ang unang beses kong tawagin siya with his name not as his trainee but as a... friend.

"That's it. I liked hearing you utter my name... Cindy..." saad niya at saka bumaba ng kotse.

Napabuntong hininga ako at saka inilabas ang kaba sa isang buga.

Nang bubuksan ko na ang pinto ay saktong may nagbukas nito mula sa labas. Nakita ko si Sir Lester na nakaabang habang nakangiti. Pinagmasdan ko siyang nakatayo sa harap ko.

Plain blue polo, black slacks and a pair of black shoes. His hair wasn't brushed up which is unusual. It is quite messy and almost touches his eyes.

Bumilis ang kabog ng d****b ko nang ilahad niya ang kamay niya sa harap ko at saka lumawak ang ngiti. Ilang sandali akong nag alinlangan bago nag desisyong abutin ito. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod at kamay ko. Pinilit kong ngumiti at saka dahan dahang inihakbang palabas ang isa kong paa. Hindi naaalis ang pagpapalitan namin ng tingin habang tila bumabagal ang lahat. Nawala ang kahit na anong ingay at kaming dalawa lang ang nakikita ko. Wari'y sumasang ayon sa akin ang oras na pinatatagal niya ang lahat upang damhin ko ang bawat sandali. Dahan dahan akong tumayo habang nakatingin pa rin sa magabdang lalaking nakahawak sa kamay ko. Tila napakaperpekto nang lahat nang bigla akong nauntog.

Halos maiyak ako sa sakit ng pagkakauntog ko. Mukhang magdidinner pa kaming may bukol ako. Gosh, may araw ka din ceiling ka.

Napangiwi ako sa sakit habang hinihimas ang ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko nang may humawak sa kamay ko at inalis ito. Hinipan ito ni Sir Lester at napatingala ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin at saka nagsabing, "Ok ka na agad?".

Tumango na lang ako at saka isinara ang pinto ng kotse.

"Let's go."

Ilang sandali kami lumakad at sumakay sa elevator. Nakita kong pinindot nila ang 25th floor indikasyon na doon kami pupunta. Nang makababa ay lumakad kaming muli saka pumasok sa isang part kung saan wala masyadong tao. Halos mapanganga ako at para akong batang nakakita ng palaruan. Napakaganda ng paligid at tila kumikinang ang lahat saan ka man mapatingin. Walang tao sa loob kundi ang mga staff at mga musikerong tumutugtog ng violin. Nakita ko rin sa isang tabi na may piano ngunit walang tumutugtog dito. Tila espesyal ang lahat na mas lalong pinagarbo ng kulay gintong mga upuan at lamesa. Iilan lang din ang tables ngunit malawak ang lugar. Nakita naming nagkalat ang mga staff na nakatayong tuwid.

Lumakad kami papalapit sa isang lamesa at napansin kong may dalawang tao ang nakatalikod na tila naghihintay. Nang dumating kami ay tumayo silang dalawa at napangiti ako nang makita si Yuki. Nakasuot ng kulay yellow na long sleeves at itim rin na slacks. Bumati ito sa amin at gayundin kami.

Ngunit halos bumagsak ang panga ko mula 25th floor hanggang ground floor nang makita ang kasama niya. A guy on his plain red polo matched with a decent well ironed slacks. He still has his dashing eyes yet not the smile. This time he's emotionless. He's the guy behind the seductive voice in the plaza.

Tila naubos ang lahat ng liquid ko sa katawan dahil sa sobrang pawis. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko at saka nagpakilala with his totally attractive and mesmerizing voice.

"Hi, I'm Liam Scorr."

Related chapters

  • Cut Our Silver String   CHAPTER ELEVEN

    CHAPTER ELEVENHalos tumulo na ang laway ko dahil kanina pa ako nakanganga at hindi ko napansin. Kung hindi pa ako sinipa ni Dhaeny sa ilalim ng lamesa ay hindi ako mababalik sa huwisyo. Ilang minuto na rin kaming nakaupo at isa isa nang dumadating ang mga waiter at nagse-serve ng mga pagkaing pangminsanan lang lumapat sa dila ng maralitang katulad ko. Char.Medyo nasasanay na rin kami ni Dhaeny na tawagin sila sa kani kanilang pangalan."Gurl, alam mo ba si kuya Flynt nagluto niyan lahat." bulong ni Dhaeny dahilan para mapatawa ako. Napigilan ko rin naman agad dahil napatingin sa akin si Yuki.Siniko ko siyang mahina at saka lumunok.Ilang sandali pa ay tumigil na ang pagpasok ng mga waiter at saka ko lamang napansin na halos mapuno na ang lamesa sa dami ng pagkain. Naging napakalayo ng lahat sa mga naimagine namin ni Dhaeny. A

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWELVE

    CHAPTER TWELVE"Pa, why did you lie?"Hindi ko na napigilan ang sarili ko na akusahan si papa kahit hindi ko pa naman nasisigurado kung nagsisinungaling nga siya. Nagsisi ako nang una ngunit naisip ko rin na may posibilidad na mahuli ko siya kung sakali.Narinig ko ang mabibigat na paghinga ni papa mula sa kabilang linya."Pa, sagutin mo ang tanong ko." wika kong muli nang naramdaman kong wala siyang balak magsalita."Uh..." sagot mula sa kabilang linya."Pa, ayoko sanang makarinig ng anumang kasinungalingan pa.""C-cindy, anak...""Tell me Pa, nasa'n ka?""P-pwede bang bukas na lang tayo mag usa-""Bakit pa kailangan ipagpabukas Pa?"Sandaling tumahimik ang paligid. Rini

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER THIRTEEN

    CHAPTER THIRTEEN"Sorry Pa." saad ko habang nakayuko."Don't be. It was my mistake. I lied." sagot niya at hinawakan ang kamay ko."Natakot lang talaga ako. Losing mom and Candice is traumatic enough para pagbawalan ka to search for the cure.""Naiintindihan ko. I know everything you acted that night was reasonable. Afterall ako ang dapat mag sorry.""No. I understand you as well.""Thank you.""And Pa, hindi na ako makikialam kung gusto mo gumaling at tapusin ang bipartite souls case mo. Just promise me one thing.""Anything Cindy." papa answered teary eyed. I could see his desire to be cured and that broke me inside.&nbs

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER FOURTEEN

    CHAPTER FOURTEENSi Charlotte? Anong ginagawa niya rito?Sa halip na dumiretso ay hindi na ako lumakad pa. Hindi ko nagawang ihakbang ang mga paa ko. Tila naistatwa ako sa mga nasaksihan ko. Nang lalakad na sila patungo sa direksyon ko ay awtomatikong tumalikod ako at patakbong umalis. Nahihirapan man ako tumakbo nang dahil sa sapatos ko ay pinilit kong marating ang papasarang elevator. Mabuti naman at nakaabot ako at nagsara na ito. Dahil sa fifth floor lang naman ang office ko dahil ang assigned ward sa akin ay dito rin, mabilis akong nakababa sa ground floor. Patakbong lalabas sana ako nang harangin ako ni Yuki."Oh, wait. Akala ko ba sabay na lang kayo ni Harvey pauwi?”"Uh, oo. Hihintayin ko na lang siya sa labas." palusot ko ngunit ang plano ko ay mauuna na akong umuwi."O...k? Ang akala ko kasi sabay na kayo bababa?

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER FIFTEEN

    CHAPTER FIFTEEN"She's tita Elize. Liam's mom.""Huh?" tanong ko dahil parang hindi maabsorb ng utak ko ang sinabi ni Harvey."She's Liam's mom." ulit niya pa.Hindi ako nakapagsalita kaagad. Parang hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya."Kaya ayaw na ayaw niyang sumama rito." sambit niya pa ngunit hindi na ako nakatingin sa kaniya. Nakatulala lang ako at pilit isinisiksik sa kapiraso kong utak ang sinabi niya."Idinahilan niya lang ang work niya but the truth is, ayaw niyang sumama dahil ayaw niyang makita ang mom niya." paliwanag pa ni Harvey."B-bakit?" naguguluhang tanong ko."I think I am not the right person to tell you that."Ilang minuto akong nakatulala at nagising lang ang diwa ko nang magsalita ang pasyente ko.

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER SIXTEEN

    CHAPTER SIXTEEN"I missed you..." saad niya.Hindi naman ako nakapagsalita at halos hindi rin ako kumukurap dahil sa pagkagulat. Sabay kaming napaubo at napatakip ng ilong at bibig nang may dumaang jeep at napunta sa direksiyon namin ang usok."Cindy..." pagtawag niya sa pangalan ko. "P-pakihipan naman ang mata ko. Parang napuwing ako. Kani-kanina ko pa napapansin eh." saad niya.So kaya pala siya parang naluluha? Napuwing lang Cindy, 'wag malisyosa. Bahagyang nag-bend down si Flynt para maging kalevel ko siya at ibinuka ang mata niya."H-hihipan ko na ba?"Tumango naman siya at napansin kong mas dumami ang luha indikasyong sumasakit pa ang mata niya kaya kailangan ko na hipan. Tumingkayad akong kaunti dahil mas mataas pa rin siya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at ramdam ko ang bawat paghinga niya.

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER SEVENTEEN

    CHAPTER SEVENTEEN"Anong ginagawa mo?!" nagising ang diwa ko mula sa napakalakas na bulyaw ni Dhaeny mula sa kusina.Mula nang makita ko si Zach na pinapanood kami ni Flynt ay hindi pa kami nagkakaroon ng maayos na pag-uusap. Naging awkward din ang bawat paggalaw naming dalawa sa tuwing nagkakalapit ang isa't isa. Madalas ay ngingiti lang siya saka aalis. Hindi rin kami nakijoin masyado sa party kagabi. Kinausap ko naman si Flynt at sinabing hindi ako handa at hindi pa nags-sink in sa utak ko ang ginawa niyang confession. Wala naman daw problema tungkol doon at nirerespeto niya ang desisyon ko.Literal na napatakbo ako papuntang kusina dahil sa sigaw ni Dhaeny. Nadatnan kong nakatalikod sila ni Flynt parehas at nakaharap sa lababo. Nakaapron si Flynt at as usual wala siyang damit pang itaas. Si Dhaeny naman ay nakapajama pa rin. Alas onse na ng umaga pero mukhang kagigi

    Last Updated : 2021-12-07
  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHTEEN

    CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong

    Last Updated : 2021-12-07

Latest chapter

  • Cut Our Silver String   EPILOGUE

    EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FIVE

    CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY FOUR

    CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY THREE

    CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY TWO

    CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY-ONE

    CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong

  • Cut Our Silver String   CHAPTER TWENTY

    CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S

  • Cut Our Silver String   CHAPTER NINETEEN

    CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will

  • Cut Our Silver String   CHAPTER EIGHTEEN

    CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong

DMCA.com Protection Status