CHAPTER THREE
"Fine then start..."
Parang ilang ulit na umalingawngaw sa tainga ko ang mga salitang iyon. Kumurap pa akong makailang beses ngunit napagtanto kong hindi ako nagkakamali. As in... now na?!
Nag buntong hininga ako.
"You don't like it? Pwede namang huwag na. I'll just drop your grades to 5 and you'll spend another year sa college." he said as his voice echoed through the silence.
"H-hindi po. I'll take the offer."
"Of course you will. You have no choice."
Just then, he stood up and looked at me.
"Wanna stay here longer?"
Hindi ako nakapag salita. Nakatingin lang ako lang sa kaniya habang nakasmirk.
Gosh Sir Lester, diko magets. You mean, dito muna tayo? Like n*****x and chill, kwentuhan about life, coffee together, get to know each other tapos made-develop na tayo? Pereng eng beles nemen pe.
"Well, if you do, I'll just leave you here." he said and walked away.
Just before he reached the door, he stopped and turned his gaze at me.
"I'll lock it by the way." he said and a teasing smile curved on his lips.
Halos matalisod ako sa pagmamadali sa pagtakbo. At nang makarating sa harap niya ay napatigil ako at naghabol ng hininga. Mabilisan kong iniayos ang suot kong uniform at pinasadahan ng pagsuklay ng mga daliri ang buhok ko.
"L-lalabas po ako." I said as I forced a really awkward smile.
He just smirked again and looked at me from head to toe. BakitBakit ba ang hilig mo mag smirk? Cute ka na niyan?
"You are a girl. Wag kang kilos kargador." saad niya at naglakad na palabas. At ako ay naiwang nakanganga.
Bakit ba napakapasmado ng bunganga mo?
Nakayuko lang akong lumabas at isinara ang pintuan.
Akmang hahakbang na ako paalis nang tumigil si Sir Lester at bumalik. May dinukot siya sa bulsa niya at nakatingin lang ako. Ini-sprayan niya ng tatlong beses ang door knob at tumingin sa akin. Just then he left me standing.
Inis na inis na ako nang mga pagkakataong iyon. Ganoon ba ako kadumi? Mukha ba akong mikrobyo? Pigil na pigil akong sumigaw sa sobrang inis. May araw ka rin doctor tiger.
Hindi na kami nagkausap muli ni Dhaeny ng matagal at batian lamang ang naganap. Kita ko ang pagod sa mga mata niya. Ang mga buhok niyang natural na buhaghag ay lalong nag mukang sabog. Mahirap pala talaga mag alaga ng taong may epilepsy.
Ngayon ay nakatayo ako sa tabi ng isang cancer patient. Inaayos ko ang kaniyang pinagkainan at ang mga gamot na nakatakdang inumin niya sa mga susunod na oras. Mahimbing ang tulog nito at binabantayan ko lamang siya. Nang madako ang mga mata ko sa orasan ay alas singko na ng hapon. Uwian na....NILA.
Nakaupo ako sa tabi ng pasyente nang may biglang kumatok. Hindi pa man ako lumilingon ay alam kong si Dhaeny iyon.
"Pumasok ka luka. Basta wag ka maingay." saad ko nang mahinahon.
Naglakad siyang papalapit sa akin, sa tabi ko.
"Gurl, grabe nakakapagod..." sambit niya.
"Gaga, ang ingay ng bibig mo, dun tayo sa labas. Tatapusin ko lang 'to." wika ko at sinamaan ko siya ng tingin.
"Oops, maingay ba?" tanong niya habang nakatakip sa bibig.
"Hintayin mo ‘ko sa labas. Tatapusin ko na 'to."
Lumabas si Dhaeny at kinuha ko na ang mga naiwang kalat. Sumunod din ako sa labas matapos linisin at isinara ko ang pinto.
"Gurl alam mo ba halos hindi na ako nakaupo kanina. Sobrang hassle mag alaga nung epileptic patient. Kung ano-ano yung ipinapaabot e name-mental block nako sa sobrang kaba. Halos hindi na nga ako makahinga kanina kase nataranta ako nung yung pasyente sobrang nangingisay na. Tapos alam mo ba, pinapunta ako ni Sir Lapaz sa lobby, pagbaba ko naman wala dun yung pinapahanap niya. Nung umakyat ako pinabalik niya ulit ako at ipinilit na andun lang daw sa drawer. Napagalitan pa nga ako kase ang bagal ko daw. Grabe talaga ang buhay ko ngayong ara-" tumigil siya sa pagsasalita nang pumikit ako at tinakpan ang bibig niya.
"Sshhh. Mag hunos dili ka. Kalma..." saad ko.
"Okay..." sambit niya at huminga ng malalim.
"Ayan. Breathe in.... Breathe out... Good. Then ituloy mo na yung sinasabi mo."
"So ayun na nga. Sobrang haggard na ko sa mga latest happenings. Nag-aalaga ng epileptic patient, ginagawang utusan ni Sir Lapaz, at pinagagalitan pa at the same time. 'Ni hindi na nga ako makapunta sa restroom at makapag liptint at pulbo man lang. Halos hindi ko na maasikaso sarili ko sobrang haggard ko na. Ang dumi dumi kooo..." mabilis at dire diretsong sabi niya with matching hawak pa sa d****b na animo'y tinatakpan at facial expression pa na pang teleserye.
"Gusto mo salaksakin kita riyan?" saad ko dahilan para mapatigil siya.
"Grabe ka naman. Wala ka ba talagang concern sakin? Like, heto ako nagpapaliwanag ng paghihirap ko sa buong maghapon. Halos hindi na makahinga sa sobrang dami kong sinasabi tapos wala ka palang pakialam sa lahat ng iyon? Gosh gurl ang sarap mong kalbuhin." inis niyang sabi.
"Sino ba naman ang magsabi sa’yo na magsalita ng sobrang bilis at dire-diretso? Saka ano ba, nandito ka para mag OJT hindi para magliptint at pulbo."
"Wow. Anong drama na naman yan Cindy? Change of perspective? Akala ko ba liptint goals? Hey! Pulbo is life diba?" singhal niya at may pa-snap pa ang gaga.
"Hindi na ngayon. Bagong buhay na ako. Saka tingnan mo nga iyang nguso mo sa salamin. Daig mo pa nasuntok ni Manny Pacquiao."
Napatakip si Dhaeny sa bibig niya.
"At ano naman ang dahilan? Bakit biglang nagbago ang pananaw mo sa liptint?" tanong niya at ngumising parang nakakaloko.
"Wala. Hindi ba pwedeng nagsawa na’ko mag mukang napasubsob? At gusto ko na lang ipakita sa people of the philippines at buong mundo ang natural kong labi?" saad ko at nag umpisang ngumuso with matching anggulo at pose pa.
"Ang pangit mo." wika niya sabay siko sa akin.
"By the way, anong sinabi sayo ni tiger kanina?" tanong ni Dhaeny.
Hindi ako nakapagsalita nang matanaw na paparating si Sir Lester mula sa likuran ni Dhaeny at mukhang narinig niya ang sinabi nito.
"Huy. Balita ko pinakadulo daw ang office ni tiger ah. Kamusta? Maganda ba? Makalat? Kailangan natin makahanap ng butas para naman kahit papaano may panlaban tayo kapag pinagalita-" hindi na natapos ni Dhaeny ang sinasabi niya ng tumikhim mula sa likuran niya si Sir Lester.
Dhaeny's eyes grew bigger and she mouthed.
"Patay..." napapikit siyang mariin. "By the way Cindy, kailangan ko na umuwi si dadd-"
"Ay siguradong makakapag hintay kung kakausapin kita nang kahit ilang minuto lang." ‘di na ulit natapos ni Dhaeny ang sasabihin niya ng magsalita na si Sir Lester. He wears his usual face with a smirk.
"Lester Harvey Parkinson, that's my name, might as well use it, instead of tiger or any other animal in the zoo." he said that made Dhaeny bow down.
"S-sorry sir." saad ni Dhaeny at hiyang hiya siya.
"Of course you'll say that. Most common thing one will do after a mistake. Thing is, are you really?"
"Y-yes sir.”
"What time is it? Why do you talk at this hour? Aren't you aware na bawal mag-usap unless break?"
"S-sir, five pm... na po. Out na po." Dhaeny answered.
"Oh, hindi pa ba nasasabi sa’yo ng friend mo? Six pm na ang out niya since kailangan niya maghabol for her grades..." Napatingini Dhaeny at kita ang gulat sa mata niya. "Due to all her violations."
Nanlaki lalo ang mga mata ni Dhaeny. May gusto sana siya sabihin pero sinenyasan ko siya na ‘wag na.
"W-well, m-mauna nako Cindy. By-"
"No Miss Scrimgeour. Sorry to say..." wika ni Sir Lester. "You'll be joining her."
Dhaeny wasn't able to make a single move for a minute. She was just standing there with her mouth opened. Nag-apoy ang mga mata niya nang tuluyan nang makalayo si Sir Lester.
Nagsimula si Dhaeny ng hindi matapos tapos na rants niya tungkol sa kung ano anong bagay. Hindi ko na lamang pinakinggan at hinayaan siya magbunganga. Wala akong naintindihan sa bilis niya magsalita pero ang alam ko lang ay paulit ulit niyang sinasabi ang tiger.
Pagkauwi ay hindi mabilang na salita ang sinabi ni papa. Halos hindi na ako nakapagsalita dahil sa dire-diretso niyang sermon. Nakayuko lang ako at nakatingin sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ipinaliwanag kong kinakailangan ko ng extra one hour sa work. Pero hindi ko sinabi na dahil ito sa mga violations ko. Tumango lang si papa nang magpaliwanag ako at nag sorry. Nang makapasok sa kwarto ay isang napakahabang buntong hininga ang pinakawalan ko. Si ate Eva naman ay nakabalik na at siya ang nag alaga kay papa.
Walang isang oras matapos makipag titigan sa kisame ay nakatulog na ako.
Kinabukasan ay napansin ni Sir Lester ang pagbabagong buhay namin ni Dhaeny. Hindi kami nag usap mula umaga hanggang break. Nang pumasok kami sa hospital ay nagsimula na kaming kumilos professional. Wala nang liptint na mapupula at hindi na rin kami mukhang aswang dahil sa pulbo. Nagsuklay din kami, hindi nga lang halata kay Dhaeny.
Nang mag lunch time ay mabilis pa sa alas kwatrong lumabas ako ng hospital at nag punta sa karinderya. Doon, nakita ko si Dhaeny. Nakaupo siya sa lagi naming inuupuan, sa pinaka dulo. Kung saan mapapag chismisan namin yung tindera.
"Gurl, di ka maniniwala sa sasabihin ko." saad ko at ibinagsak ang bag ko sa harap niya.
Nagtinginan sa akin ang mga tao dahil bahagyang napalakas ang pagkakabagsak ko nung bag.
"Bakit ba?!" saad ko at ipinarinig ko sa kanilang lahat. Pinanlakihan ko pa ng mata yung isang lalaking nakatingin sa akin.
"Attitude ka?" wika nung lalaki at nagpatuloy sa pagkain.
"Mukha mo attitude." sagot ko sabay upo sa harapan ni Dhaeny.
"Gurl, napaka attitude mo talaga. Ano nga yung sasabihin mo?" tanong ni Dhaeny.
"Eto na. Itu-turn over na daw sakin yung epileptic patient na inaalagaan mo kahapon. Gosh nakakainis talaga."
"Aba dapat lang." sagot ni Dhaeny.
"Anong dapat lang? Ako ang magsuffer?"
"Oo. Ikaw naman talaga dun e. Remember? Ang sabi kahapon naka assign daw yun sa isang intern na late. Gurl ikaw lang ang late kahapon."
"Oops."
"But it's fine. Atleast may experience na ako sa epileptic patient." sambit niya at feel na feel pa ang pagkakasabi.
"Experience mataranta at mapagalitan." sagot ko dahilan para mapanguso siya at tumalikod na kunwari nagtatampo.
Napansin kong nakatingin pa rin sa akin yung lalaki kanina at inirapan ko lang. Tumayo akong bigla at hinila si Dhaeny.
"Gaga sa’n ba tayo pupunta? Hindi pa tayo kumakain." tanong niya habang lumalakad pasunod sa akin.
"Kaya nga di’ba? Eto na, oorder na."
Pinanliitan niya ako ng mata at lumakad na kami sa pila ng oorder.
Nang kami na ang oorder, hindi na maipinta ang mukha ng tindera sa sobrang tagal namin mag isip kung ano ang oorderin.
Tumikhim ang tindera. Hindi namin pinansin. Umubo siyang mahina pero halatang peke. Kinurot ako ni Dhaeny at bumulong.
"Gurl, ano ba bibilhin mo? Galit na yung tindera."
"Ano ba? Sinasadya kong inisin siya." bulong ko rin sa kaniya.
"Kung hindi kayo bibili ay umalis na lang kayo. Madami pa ang nakapila." masungit na turan ng matandang babae.
"Hindi po. Bibili po kami." tugon ni Dhaeny.
"Ano ba ang bibilhin nyo?" tanong ng tindera.
Itinaas pa nito ang kilay niya.
"Uh, longga-" di na natapos ni Dhaeny ang sasabihin niya nang humarang ako at nagsalita.
"Uh, ate nag iisip pa po kami." ngumisi pa ako na parang nang aasar. Di ko alam kung bakit pero tuwang tuwa ako kapag may inaasar ako.
"Nag-iisip? Ilang minuto ka bago mag isip? Kanina pa kayong dalawa ah."
"Joke lang ate. Bigyan mo kami ng longganisa tag-dalawang order." saad ko at pilit na ngumiti. "Kahit matigas..." bulong ko sa sarili ko.
Nang makakain kami ay bumalik na din kami kaagad sa hospital. Halos mapilipit ang leeg ko sa kakalingon nang biglang may dumating na apat na ambulansya. Kaagad na tinulungan ng mga staff yung pasyente hanggang sa madala sa ER. Si Dhaeny ay napa-assign doon sa isa sa mga pasyente. At ako ay narito ngayon sa kwarto ng epileptic patient na inalagaan niya kahapon.
Mahimbing na natutulog yung epileptic patient at mukang maayos ang kalagayan. Kung titingnan ay hindi halatang may sakit siya. Ngunit ayon sa kwento ni Dhaeny halos mamatay ito kapag inaatake.
Naglalakad ako papuntang lobby nang biglang may tumawag sa akin.
"Miss Wright?" dahan dahan akong lumingon at nakita si Sir Lester. Bahagyang nakangiti ito ngayon at bumagay ang puting coat sa mga ngiting iyon.
"Po?"
"Where are you going?"
"Sa... lobby po."
"How's your patient?"
"Uh, n-natutulog na po siya. So, naisip ko na ayusin muna yung pinapaayos ni Sir Lapa-"
"Good to see your changes and improvements." saad nito at lumakad na paalis.
Lumakad na ako muli at hindi ko mapigilang mapangiti. Ito ang unang pagkakataon na kinausap ako ni tiger, uh Sir Lester, at hindi niya ako pinagalitan.
Pag sakay ko ng elevator ay naisipan kong daanan si Dhaeny at kamustahin kung buhay pa ba siya. Bumaba ako ng second floor at naglakad papunta sa room ng assigned patient sa kaniya. Pagpasok ko sa kwarto ay wala si Dhaeny. Lumabas ako at nag desisyong pumunta na sa lobby. Paglabas ko ay napatigil ako nang may biglang tumawag sa akin.
"Cindy?" napalingon ako at nakita ang isang pamilyar na mukha.
Makapal na kilay, tamang tangos na ilong, magandang hulma ng labi at mga matang minsan nang umiyak dahil sa akin.
No, wala kaming past. Sinuntok ko lang siya once kase ininom niya yung yakult ko nang walang paalam. But that was long time ago, grade school pa yun.
"Cindy!" wika niya dahilan para magising ang diwa ko.
"Oh? Kamusta? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"We're in a hospital and I'm on a wheelchair, ano sa tingin mo?" tanong niya at ngumiti na parang nang iinis.
"Uh, I mean, anong sakit mo?"
"Maniniwala ka ba kung sabihin ko ang totoo?" tanong niya.
"Bakit hindi? Ano bang sakit mo?"
"Sinok." saad nito at tumawa.
"Sa tingin mo nakakatawa ka?"
"Sabi ko na nga ba hindi ka maniniwala."
"Siraulo ka ba? Sinok nakawheelchair? Ano nga ang sakit mo?"
"Pneumonia." he said as he smiled weakly.
There was a silence. A really awkward silence. I was just looking at him, getting emotional.
"Pero acute lang naman." he said trying to lift up the vibe.
He faked a laugh. I scoffed.
"Awkward?" he asked and smiled.
"Paano ba naman hindi magiging awkward e hindi naman tayo close dati. Two weeks ka lang dito tapos last meet pa natin sinuntok kita." saad ko at bahagyang natawa.
"Nostalgic" he said looking directly at my eyes.
"Can't believe na magnu-nurse ka. I mean, last time ginawa mo pa akong patient." biro pa niya.
"Uh, intern pa lang ako dito, saka di ko talaga gusto ito si papa kase. By the way sino nakaassign sayo na nurse?" tanong ko.
"Si Anne? Anne ba yun? Villaluna? And yung intern hindi ko kilala e. Basta kulot na mukang sinabugan ng bomba." saad niya at bahagya kaming natawa.
Just then, someone yelled from my back.
"Oh there she is" wika niya at tinuro si Dhaeny sa likuran ko.
Halos madapa si Dhaeny habang hingal na tumatakbo papalapit sa amin.
"Gurl, grabe ha." saad niya at naghahabol hininga. "Gosh, andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Buti na lang ikaw nakakita sa kaniya Cindy. Ano na lang sasabihin ni tiger, uh Sir Lester whatever."
"Sincerity always coexist with loyalty." wika ko at pinilit gayahin ang boses ni Sir Lester.
"Sikuhin kita e."
"Anyway, thank you lord at itong lukang ‘to ang nakahanap sa pasyente ko." sambit niya at may pagpikit pa. "Ikaw naman kase bakit ka ba umalis?" tanong ni Dhaeny sa lalaking katabi ko.
"I needed to. I was bored." he said
"Anyenyenye. Magpaalam ka naman mababaliw ako kakahanap sa’yo e." ani Dhaeny at nagsimulang itulak ang wheelchair nito.
Nang marating namin ang kwarto niya ay tinulungan namin siya makaupo sa kama.
"Thanks." rinig kong bulong niya nang tuluyang makaupo siya sa kama.
"Welcome. Besides trabaho ko 'to." Dhaeny replied.
"Uh, lalabas na kami para makapag pahinga ka na." saad ko at hinila na si Dhaeny palabas.
Nang makalabas kami ay kinurot ako ni Dhaeny.
"Gurl, ang gwapo niya no? Gosh buti ako ang nai assign sa kaniya." wika nito nang nakangisi.
"Sino? Si Zach?"
"Woahh, Zach? Iyon ba ang pangalan niya? Oh gosh. Nagba blush na ba ako? Ito na ba yung pag-ibig?"
"Sampalin kaya kita baka sakaling mag-blush iyang pisngi mo! Saka patient mo hindi mo alam pangalan." sagot ko.
"E ikaw bakit mo alam?"
"Wala ka na dun." sagot ko at ngumiti na nang iinis.
"Hoy, baka inuunahan mo na ako ha. Akin lang si baby Zach."
"Baby Zach?"
"Ipakilala mo naman ako." sambit ni Dhaeny at hinila ako papasok muli ng room ni Zach.
Pagpasok namin ay bahagyang bumangon si Zach at nakangiti ito.
"H-hi Zach!" panimula ni Dhaeny.
"Hi?" sagot nito.
"Can we be friends? Promise friends lang." saad ni Dhaeny at natawa kaming tatlo.
"Ang corny mo dai." singit ko.
"Shh…" saway ni Dhaeny.
"A nurse and a patient friendship? Cool." Zach uttered with a smile on his lips.
"I'm Dhaeny. Dhaeny Andrea Scrimgeour." wika niya at iniabot ang kamay niya.
Inabot ni Zach ang kamay niya at nagbalik lahat ang alaala sa akin nang ngumiti siya at sinabing…
"Zach Carlin Smith. Nice to meet you."
CHAPTER FIVE "Zach Carlin Smith, nice to meet you." Halos buong gabi tumatakbo sa isip ko ang mga salitang iyon, kasama ang mga alaala ng kakaiba naming pagkakakilala. Ilang minuto akong nagpagulong gulong at tinorture ang mga unan sa kakasuntok bago maisipang matulog. The night was completely in silence. No one could be heard but the sound of crickets. Minutes passed yet I feel so uncomfortable. I walked closer to the window when I noticed it's not yet closed. The cold wind enters the room and touches my skin. Rain pours outside. I smiled as I saw a nocturnal bird flying through the mist and found somewhere to stay. I closed the window and went back to my bed. There's something different, I still can't find the comfort. I just laid there and didn't notice I fell asleep eventually. Naalimpungatan ako nang humangin ng sobrang lakas. Baha
CHAPTER SIX Ilang araw din ang nakalipas ngunit napakabigat pa rin ng pakiramdam ko. Para bang may mabigat na nakapatong sa d****b ko. Hindi rin ako nagkakakain at halata ang pagiging apektado. Maging sina papa at ate Eva ay napansin ang aking pagiging matamlay. This is the mere fact everyone doesn't think about. When one talks about bravery, among all professions, policemen, firefighters, armies will be on the prior list. No one thinks of the doctors and nurses, when in fact, they really take too much courage to do their jobs. Each passing day, they deal with tons of patients and do their best to prolong people's lives. They take care of the citizens' health and help them survive longer, but they still can't avoid misfortune. No matter how hard they try, time will come their patients die. They'll be the first ones to be blamed by the patients' family without even asking why didn't the patient survived. Without a small c
CHAPTER SEVEN Nasa biyahe pa lang ako pauwi ay pilit ko nang hinahanap ang social media accounts ni Carl o Flynt? Wait, anong itarawag ko sa kaniya? Carl? O Flynt? Sa tingin ko mas cool kung Flynt. Nevermind, basta ang cute niya. Nakarating na ako sa bahay ay hindi ko pa rin nahahanap ang accounts niya. Matapos kumain at makipag-asaran kay papa at ate Eva ay umakyat na ako sa kwarto ko. Ini-open ko ang phone ko at nakita ang message ni Dhaeny. Ang saya mo raw kausap. Napangiti ako. Halos buong gabi rin punit ang mukha ko sa sobrang ngiti. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakita kong may isang message si Dhaeny na hindi ko na-open. Kung pwede ka raw kuhaning clown sa birthday niya. Haha asa ka 'no? Napangiwi na lang ako at bumaba. Pagkababa ko sa kusina ay naabutan kong nag-aalmusal sina ate Eva at papa.&nb
CHAPTER EIGHT Nang makalayo ang lalaking kaninang nasa harapan namin ay saka lang nagsalita si Dhaeny. "Ano kayang toothpaste niya?" Napatawa ako habang patuloy na naglalakad. "Gaga, dentist nga siya di'ba, malamang maalaga iyan sa ngipin," "Eh, bakit naman ako, nagt-toothbrush, umaga, tanghali at hapon pero ganito pa rin?" "Baka naman hindi ka nagpapalit ng toothbrush? Nevermind, so ano nang gagawin natin? Pareho tayong walang pera," tanong ko. "Hmm, punta tayo sa bahay," sagot ni Dhaeny at ngumiti ng malawak. "Nakauwi ka na?" Tanong ko na may halong pagtataka. "Hindi pa. I meant, sa bahay ni kuya Flynt," "Ooh, so Flynt ang tawag sa kaniya?" "Narinig mo naman di'ba? Loud and clear," sagot ni Dhae
CHAPTER NINEIlang oras na din ang nakalipas nang makauwi ako ay hindi pa rin ma-absorb ng utak ko na magkapatid ang friendly dentist na si Yuki at ang tiger na si Sir Lester.Is that even possible? Isang napakasungit na nilalang at isang napakafriendly na tao ay may iisang dugo ang nananalaytay. Baka naman sa nanay sila nakakuha ng ugali? Baka ang nanay ni Sir Lester ang may lahing supladita na parang kakain ng tao?Nagpagulong-gulong pa akong makailang ulit at saka lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa kusina at nadatnan si ate Eva na mag-isang kumakain."Si papa?" tanong ko."Nasa kwarto niya. Inaayos ang mga dadalhin niya sa Friday." sagot ni ate Eva habang hindi tumitigil sa pagnguya at punong puno ang bibig."Don't talk when your mouth is full." pabirong sabi ko."Don't talk to me when
CHAPTER TENNang mabasa ko ang message ay tila lumagpak ang panga ko diretso sa sahig. Ipinabasa ko kay Dhaeny ang message mula kay Sir Lester at umalingawngaw ang tili niya sa buong bahay. Kinalog kalog niya pa ako at nagpatakbo takbong paikot ikot. Tumigil siya sa harapan ko at humawak sa akin habang hinahabol ang hininga niya."Gurl, ano? Sasama ba tayo?" tanong ko habang nagpipigil ng tawa dahil sa hitsura niya."Wait, pahingahin mo muna ako, pag iisipan ko... Oo!!! Bakit hindi?! Si Sir Lester yun! I wonder anong mangyayari, baka ito na ang simula!" gigil na sabi ni Dhaeny at patuloy na tumitili. Hindi siya mapakali at kinalog kalog ang lahat ng mahagip ng kamay niya."Kumalma ka nga gurl, mamaya maubusan ka ng hininga kakatili lalo ka hindi nakasama." saad ko at natawa."Gurl, hindi mo ba naiisip?! Ito na ang chance mo para
CHAPTER ELEVENHalos tumulo na ang laway ko dahil kanina pa ako nakanganga at hindi ko napansin. Kung hindi pa ako sinipa ni Dhaeny sa ilalim ng lamesa ay hindi ako mababalik sa huwisyo. Ilang minuto na rin kaming nakaupo at isa isa nang dumadating ang mga waiter at nagse-serve ng mga pagkaing pangminsanan lang lumapat sa dila ng maralitang katulad ko. Char.Medyo nasasanay na rin kami ni Dhaeny na tawagin sila sa kani kanilang pangalan."Gurl, alam mo ba si kuya Flynt nagluto niyan lahat." bulong ni Dhaeny dahilan para mapatawa ako. Napigilan ko rin naman agad dahil napatingin sa akin si Yuki.Siniko ko siyang mahina at saka lumunok.Ilang sandali pa ay tumigil na ang pagpasok ng mga waiter at saka ko lamang napansin na halos mapuno na ang lamesa sa dami ng pagkain. Naging napakalayo ng lahat sa mga naimagine namin ni Dhaeny. A
CHAPTER TWELVE"Pa, why did you lie?"Hindi ko na napigilan ang sarili ko na akusahan si papa kahit hindi ko pa naman nasisigurado kung nagsisinungaling nga siya. Nagsisi ako nang una ngunit naisip ko rin na may posibilidad na mahuli ko siya kung sakali.Narinig ko ang mabibigat na paghinga ni papa mula sa kabilang linya."Pa, sagutin mo ang tanong ko." wika kong muli nang naramdaman kong wala siyang balak magsalita."Uh..." sagot mula sa kabilang linya."Pa, ayoko sanang makarinig ng anumang kasinungalingan pa.""C-cindy, anak...""Tell me Pa, nasa'n ka?""P-pwede bang bukas na lang tayo mag usa-""Bakit pa kailangan ipagpabukas Pa?"Sandaling tumahimik ang paligid. Rini
EPILOGUE "Tita! Tita!" rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako. Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata. "Oh, Aeious..." sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e." "Sorry tita, pero sabi ni tito gisingin na daw kita." sagot nito habang nakayuko. Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti. "Okay lang, teka anong oras na ba?" "Alas singko na po tita." "Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako." Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri k
CHAPTER TWENTY FIVE"1 handful ofbhuljao glöma flower petal1 flask of water from fountain of oblivion3 silver feather from nocturnal bird2 drops of your soul bipartite's tearAnd finally, you'll need to wait three straight days and nights." Harvey said as his weary eyes looked at me."Stop looking at me like that dude." I replied, intimidated."Seryoso ka ba Liam? Kakagising lang ni Harvey from comatose. You also know that his bipartite souls case had something to do with that, and now you're asking stuffs about it?" pakisali ni Yuki."Liam, I know what you're up to." Harvey."I may look desperate but I don't want to suffer more." I said as I felt a pain in my chest.
CHAPTER TWENTY FOUR"Cindy... She's Elize... She's m-my soul bipartite."Literal na biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at bumagsak ako sa sahig. Tila hindi tinanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni papa."I kept hiding it for so long... but no one was fooled but me..." papa said as he started sobbing more."Pa..." I said as I wasn't able to identify what words I'm supposed to say."Cindy...""H-how come? Pa... Paano?" I asked, my mind still in nuisance."It's a really long story. A-ayoko na rin balikan.""Pero-""Well... Let's just say..." he said obviously having trouble looking for the words to utter. "She's the reason why I always feel sad whenever I look at my hands.""Huh...?" confusion swallowed me more.&nb
CHAPTER TWENTY THREEADAM AND ELIZE BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Good morning passengers, this is your captain speaking, first, I would like to welcome everyone in Safety Airlines Flight VKN32. The time is 8:04 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side, we are expecting to land in Mindanao International Airport approximately thirteen hours ahead of schedule. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, seat back, relax and enjoy the rest of the flight." nakangiting usal ng babaeng nakaupo sa harapan ng isang lalaki.Nangungusap na mga mata, matangos na ilong, magandang kutis at hubog ng labi. Walang dudang lahat ng mga kalalakihan ay halos mamilipit ang leeg sa tuwing makakasalubong siya. Ngunit ngiti lamang ang iginaganti niya sa mga lalaking
CHAPTER TWENTY-TWO"Cindy... I was wrong all along..."Beat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni papa. Napabalikwas naman ako at humingang malalim."Pa?""There's something I badly need to tell you and I want you here as soon as possible.""This late hour?""Please Cindy, I assure you-""No more explanations Pa, I'll be on my way."Halos takbuhin ko na ang distansiya mula sa bahay hanggang sa pinakamalapit na bus stop. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na maghintay ng taxi dahil sobrang gabi na at wala na ring dadaan. Tahimik ang gabi at malamig rin ang simoy ng hangin.Nagpalinga-linga ako at wala akong matanaw na kahit anong ilaw mula sa paparating sa sasakyan. Tanging mga private cars at mga iilang naglalakad na sibil
CHAPTER TWENTY-ONE"Harvey's suffering with bipartite souls...!"Halos manuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sigaw ni Liam."His heart wasn't supposed to beat because his soul bipartite died years ago. What confuses me is that... T-the doctor said his heart is barely beating. So it means, it still beats." naguguluhang sambit ni Liam habang hindi mapakali at pabalik-balik na naglalakad."W-what do you mean? How come he has that freaking condition?!" bulyaw ko.Napakagulo na ng isip ko at nagiging napaka-iritable ko na."Wait. Hang on guys. I don't know what particular condition we are talking about here." pakikisali ni Yuki."It'll be a very long and confusing explanation to do, Yuki. I can't do so as of the moment." sagot naman ni Liam.Nakita kong nag buntong
CHAPTER TWENTYHARVEY'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Ito na ba ang lahat?" tanong ng isang babae habang hirap na binibitbit ang maraming malalaking bag."Nandito na po mama." sagot ng isang batang lalaki at tinulungan siya sa pagbitbit nito. Singkit na mga mata, maputing balat at magandang ngiti. Maayos rin ang pananamit at makikita ang karangyaan sa buhay."Harvey, tawagin mo na ang lola mo at magpatulong ka sa mga kasambahay dalhin ang mga gamit sa loob.""Sige po mama." saad ni Harvey sabay takbo papasok ng bahay.Ilang sandali ay bumalik si Harvey nang hinihingal. Isinara ng ina niya ang kotse at saka siya nilingon."Papunta na po ang mga kasambahay. Tara na raw po sa loob.""S
CHAPTER NINETEEN"It's not me who loves Flynt, Cindy." Zach uttered between his sobs.I nodded and held his hand. I could feel he's gonna have another breakdown."It's my condition that pushes me to." he said as his eyes poured another wave of tears."Naiintindihan ko Zach. Wala kang kasalanan.""I can't stop blaming myself.""Hindi ikaw ang dapat sisihin. Walang dapat sisihin.""I know. But I have these regrets na sana simula pa lang itinigil ko na. Sana una pa lang hindi ko hinayaang magkaroon kami ng kakaibang connection."Muli namang bumuhos ang luha ko at nanikip muli ang dibdib ko."But how will
CHAPTER EIGHTEENZACH'S BACKSTORYTHIRD PERSON P.O.V."Sexual perplexity." seryosong wika ng lalaking sa unang tingin pa lamang ay masasabing doktor. Magkasalikop ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa."Uh, I-I beg your pardon Mr. Ross." utal na sagot ng isang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ng doktor.Marahang tumingin sa mata niya ang kaniyang katabi, ang kaniyang asawa, at hinawakan ang kamay niya."S-sexual ano ho?" tanong muli ng babae at napatingin siya sa anak niyang nanginginig na at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha."Sexual perplexity." sagot ng doktor at inayos niya ang kaniyang salamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Base sa ginawa naming sessions of evaluation, your son has sexual perplexity.""A-ano pong