All Chapters of The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance: Chapter 21 - Chapter 30

99 Chapters

Kabanata 21

Pahiyang ngumiti si Amara kay Dwight bago nito buksan ang folder at usisain ang mga records doon, pero nakaka-ilang minuto pa lang si Amara ay binalik na nito iyon kay Sandy. "So, may napansin ka ba?" "Meron." "Ano?" "Nakakaranas siya ng Herniated Disc." Maliit na napangiti si Sandy. "Magaling, pero for sure may deep reason pa sa pagkaparalisa ng mga paa ni Dwight." Mayabang na tumayo si Amara. "Magaling talaga ako, kaya pag naka-graduate ako mas magaling pa ako sayo!" Pagkatapos sabihin iyon ay umalis na si Amara sa sala. Napailing na lang si Sandy, saka inayos ang mga papel sa loob ng folder, pero napahinto siya sa isang page sa bandang huli. Binaliwala niya muna iyon at humarap muli kay Dwight na nakatingin sa folder o sa kamay niya na merong balot na tela. "Napano 'yan? Wala naman iyan noong pumunta ka sa bahay?" Tiningnan ni Sandy ang kamay niya na may nakabalot na telang puti. "Minor na sugat lang ito na nakuha ko sa paglilinis ng banyo." "Paano ka masusugat
last updateLast Updated : 2024-09-07
Read more

Kabanata 22

Kinabukasan.... Malapit na ang tanghalian, pero si Sandy ay nakaupo sa upuan habang ang mga papel ay nasa table. Hindi mapuknat ang tingin niya sa mga papel na iyon habang ang mga kilay ay magkasalubong. Dalawang page pa lang naman ang nakikita niya, pero sa dalawang page na iyon ay parang kay gulo na ng records. Hindi mapirmi sa isang dahilan. Napansin rin niya na iba-iba ang doctor ni Dwight sa ibang papel kaya mas lalong nagugulo ang utak niya, kaya siguro hindi naagapan agad dahil sa pa-iba-ibang doctor. Napasabunot siya sa buhok niya, daig pa ang buhay sa gulo Binaba ni Sandy ang hawak niyang papel. Kailangan niya ng ballpen at isang notebook para doon ayusin ang mga ito, at hindi siya maligaw. Ayaw niyang humiram o himingi sa kahit sino sa pamilya niya, dahil meron siyang sariling pamahiin. Dapat lahat ng gagamitin niya tungkol sa trabaho ay bago o siya ang bumili, dahil laking probinsya may sarili na rin siyang pamahiin. Tumayo si Sandy at nag-inat. Simula alas-siete ng
last updateLast Updated : 2024-09-09
Read more

Kabanata 23

Lumakad si Sandy ng lumakad hanggang sa huminto siya sa mga likuran ng mga tao na gustong makita ang aksidente. Mayroon na kasing harang mula sa kotse. Sumilip si Sandy, pero sa tangkad ng mga tao sa harap niya ay hindi niya makita kung ano ang lagay ng tao sa loob ng kotse. Sumingit si Sandy sa gitna ng mga tao kahit naiipit na siya. Nang tuluyan siyang makalagpas ay napahinga ng maluwag, ang hirap makisiksik kung lalo pang sinisiksik ng mga tao. Nang mapatingin siya sa kotse ay bahagyang nanlaki ang mata niya, grabe rin ang wasak ng kotse sa gawing ng pinto ng driver, kaya siguro nasabi ng dalawang lalaki na naipit ang tao sa loob. Inangat niya ang dilaw na warning sign, pero agad na may pumigil sa kanyang isang police. "Hindi puwedeng pumasok, miss." "Doctor ako, ako muna ang tutulong habang wala pa ang emergency vehicle dito." Tiningnan ng police si Sandy mula ulo hanggang paa, mukhang hindi ito naniniwala. Napaismid si Sandy, kinuha niya ang ID niya na nagpapatunay na ma
last updateLast Updated : 2024-09-09
Read more

Kabanata 24

Mabilis na napatingin si Sandy sa kanyang ama. Hindi niya napansin na naghihintay pala ito sa labas ng bahay. "Pasensya na ho kung ginabi ako." "Wala naman sigurong masamang nangyari kaya ka ginabi?" Maliit lang na ngumiti si Sandy at umiling, pero si Amando ay napakunot ang noo nang may mapansin sa isang kamay ni Sandy. "Anong meron sa kamay mo na 'yan at may balot na tela, at isa pa, bakit may bahid ng dugo 'yan?" Litong napatingin si Sandy sa kamay niya, meron nga itong bahid ng konting dugo. Inalala niya kung may sugat ba ang lalaki kanina, at meron nga, pero maliit lang iyon at hindi malalim. Napahid lang sa tela sa kamay niya. "Sagutin mo ako, Sandy. Sigurado ako na may sugat 'yang kamay mo na 'yan kaya nakabalot. Ang tanong saan mo nakuha 'yan?" "Wala lang ito ama." "Anong wala?" Tinitigian ni Amando si Sandy. "Kagagawan ba iyan ng iyong ina?" Hindi qgad nakasagot si Sandy kaya tumalikod si Amando at galit na pumasok ksa loob ng bahay. Nagmamadali namang sumuno
last updateLast Updated : 2024-09-10
Read more

Kabanata 25

Nagpalit lang si Sandy ng damit. Hindi muna niya sinubukan na lagyan ulit ng tela ang kamay niya ,mamaya na lang siguro pag katapos kumain. Pumunta si Sandy ng kusina. Naghanap siya ng pagkain na tira. Binuklat niya ang kaldero may kanin, ulam na lang ang kulang. Uminog ang mata niya sa loob ng kusina at nakita niyang may nakatakip sa ibabaw ng maliit na lamesa. Inalis niya ang takip at nakita ang piniritong bangus doon. Biglang kumalam ang tiyan niya. Dali-dali siyang kumuha ng plato at kanin maging ang ulam. Sa kusina na lang siya kakain para mas mabilis at mahugasan na rin ang plato. Hindi na rin nagkutsara pa si Sandy, pero hinugasan niyang mabuti ang isa niyang kamay bago hawakan ang kanin. Samantala, ang lalaking ginamot ni Sandy ay nasa ospital na ngayon at hinihintay na lang ang pamilya nito para isama pauwi. Habang nakapikit ang pasyente sa patient bed ay bumukas ang pinto ng kwarto. Humahangos na lumapit ang may ka-edaran ng babae. "Dylan, okay ka na ba? Malubha ba an
last updateLast Updated : 2024-09-10
Read more

Kabanata 26

Pagkalipas ng mga araw ay hindi nga nalaman ni Dwight na naaksidente si Dylan maging ang natamo nito sa aksidente. Ngayon ay malaya ng nakalakakad ulit si Dylan sa labas at muling nakakapunta sa kung saan-saan. Samantala, si Amara ay nasa kanyang eskwelahan. Break time nila kaya naglumpon ang mga kaibigan niya sa garden sa eskwelahan. "Ano? Bongga ba ang birthday party mo?" tanong ni Lisa, ang pinakamalapit sa lahat ng kaibigan ni Amara. "Syempre kailangan bongga 'yon." "Sira, bakit wlaa ka pang invitaion kung bongga? Dapat nagsisimula ka na ngang bigyan ang gusto mong pumunta dahil, hello, ilang weeks na lang birthday mo na." Napaisip si Amara. Oo nga pala halos ilang linggo na lang, kailangan na niyang sabihin sa kanyang ina na gusto niya ang magarbong birthday party. "Huwag kayong mainip. Bibigyan ko kayo ng invitation pag okay na. Formal ang gusto ko, kaya pabonggahan ng gown." "Aba, mala-cinderella pala ang gusto. Bet ko 'yan dahil may gown ako sa bahay na hindi ko pa nag
last updateLast Updated : 2024-09-11
Read more

Kabanata 27

Gigil na gigil si Dolores na lumabas. Itatago lang naman ni Sandy ang mga papel na nasa table, kailangan hindi mawala sa arrangement ang mga iyon dahil mililito siya, baka may taong paki-alamera pa ang pumasok dito at usisain kung ano iyon, kaya tinabi niya muna sa ilalim mismo ng kama sa pagitan ng papag at ng kama. Nang okay na ay lumabas na si Sandy at diretso na sa labas ng bahay. Hindi na niya pinansin pa ang kanyang ina na maraming bilin sa kung ano ang dapat niyang gawin sa pre-wedding photoshoot. Tamang ngiti lang ng konti, okay naman na siguro 'yon. Hindi na para magpaka-oa pa para lang gumanda sa litrato. Bumaybay ng dalawang oras asila sa Sandy bago nakarating sa isang gusali. Sa palagay niya ay event venue rin iyon dahil sa laki at lawak. Pumasok nga pala sila sa bakuran no'n at maganda rin ang garden lalo na pag lumubog na ang araw at konting sinag ng liwanag ang makikita na lang sa puwesto na iyon. "Dito na lang ako ma'am. Pag pasok mo po sa loob nandoon na ho si sir
last updateLast Updated : 2024-09-11
Read more

Kabanata 28

Habang papunta sila Sandy sa kwarto para magpalit ulit ay tinanong niya si Dwight, "Ikaw ba ang nakaisip ng theme ng pre-wedding photoshoot? Fan ka ba ng fantasy?" Hindi naman nakita ni Sandy kung ano ang naging reaksyon ni Dwight dahil nasa likod siya habang tinutulak ang wheelchair ni Dwight kahit hirap siyang maglakad sa suot niyang gown. "Mas preferred ko ang simple lang. Black and white, at walang masyadong design sa photoshoot." "Kung ganon, sino ang nakaisip ng theme na fantasy?" "Si mama. Gusto niya ay makulay at masaya ang paligid para mag-reflect sa litrato." Napatango naman si Sandy. Akala niya ay si Dwight ang nakaisip. Sa personality nito hindi maiisip ni Dwight na ganung theme ang gawin sa photoshoot. "Saka biglaan kung magdesisyon ang iyong ina, Dwight. Hindi ko alam na may ganito pala bago ang kasal." "Actually nagulat rin ako kanina dahil wala rin akong alam. Akala ko ay diretso na sa paghahanda sa kasal, hindi pala. Ang aking ina kasi ay maraming alam sa gani
last updateLast Updated : 2024-09-12
Read more

Kabanata 29

Balintulot na sumagot si Sandy dahil anong oras na rin, baka kailangan na niyang umuwi. Tumingin siya kay Dwight, sa huli ay sumagot siya ng oo para pagbigyan ito. Mabilis lang ang nangyari dahil habang kumakain sila Sandy ay walang nagsalita. Hindi na rin sila nagtagal dahil gabi na at ihahatid pa nila Dwight si Sandy. Lulan na muli sila ng kotse ngayon at bumibiyahe na sila pauwi. Si Sandy ay pa pikit-pikit na ang talukap ng mata dahil sa antok. Kalaunan ay sumandal na lang siya sa bintana at pumikit. Lumingon si Dwight kay Sandy. Nagsalubong ang kilay ni Dwight nang mapansin na natutulog si Sandy sa hindi magandang puwesto. Umusog siya palapit kay Sandy para idantay ang ulo nito sa balikat niya. Sa posisyon ni Sandy ay maaaring magkaroon pa ito ng stiff-necked. Gigisingin na lamang niya ito mamaya pag nasa tapat na ng bahay ng mga Rivera. Ilang saglit pa ay huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Sandy. Tulog pa rin ang dalaga na nakapatong pa rin ang ulo sa balikat ni Dwig
last updateLast Updated : 2024-09-12
Read more

Kabanata 30

Habang pauwi si Dwight, si Dylan naman ay kakauwi lang galing sa bar kasama ang mga kaibigan nito. Kahit gumamit pa ng susi ng bahay si Dylan ay gising pa rin si Celeste ng oras na 'yon kaya naka-abang na ito sa likod ng pinto. Alam ni Celeste kung sino ang dumating dahil sumilip siya sa bintana. Pagbukas ng pinto ni Dylan na muntik pang sumubsob ay natigilan siya nang makita ang kanyang ina sa kanyang harapan. "Ma." "Anong oras na, Dylan," sa mahinahon pang tanong ni Celeste. Tumingin naman sa orasan si Dylan. "Mag-aalas-dose na." "Tama, maghahating-gabi na pero ngayon ka lang umuwi. Hindi ka talaga nadala sa nangyari sayo noong nakaraang linggo! Wala ka talagang balak pumirmi sa ng bahay?! Ngumiti pa si Dylan at lumapit kay Celeste na agad namang umiwas. "Nagkasiyahan lang kami ng mga kaibigan ko kya ngayon lang ako umuwi." "Really? Ilang beses kayo dapat magsaya ha, Dylan? Iyan ang araw-araw mong palusot. Baka gusto mong tumulong sa kumpanya." "Kaya niyo na 'yon ni Kuya D
last updateLast Updated : 2024-09-16
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status