"Hindi, malapit lang dito. Ihahatid na lang kita pauwi mamaya, bago dumilim." Tumayo si Sandy habang hawak ang album, dahil bayad naman na ang kinain nila ay lumabas na sila ng resto at naglakbay muli patungo naman sa park. Natatabingan naman ng ulap ang araw kaya hindi na nakakapaso ang init no'n. Hindi nga lang mapagtanto ni Sandy kung bakit doon naisipan ni Dwight na magpunta. Narito na sila sa park, napadpad sila sa duyan na bakal, dahil doon pinahinto ni Dwight ang pagtulak ni Sandy sa wheelchair. "Gusto mong magduyan?" tanong ni Sandy. "Kung puwede nga lang, kaso hindi. May naalala lang ako sa tuwing makikita ko ang swing na iyan, malabo pero may dalawang bata ang naglalaro diyan. Ang babae ay nakaupo sa duyan habang tinutulak ng banayad noong lalaki." Napatingin si Sandy sa dalawang duyan at malungkot na napangiti. "Baka multo." "Hindi naman siguro. Kahit saang parke, basta makita ko 'yang dalawang duyan, naaalala ko iyon." Muling tumingin si Sandy sa dalawang duyan, o
Huling Na-update : 2024-10-16 Magbasa pa