All Chapters of The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance: Chapter 41 - Chapter 50

99 Chapters

Kabanata 41

Kinuha naman ni Sandy ang baso na may tubig. Halos kalahati rin ang nainom niyang tubig. Umalis na ang dalawang bata sa kabilang table dahil kinuha na ang mga ito ng magulang nila. Napahilot tuloy si Sandy sa leeg niya sa sakit ng pagkakasamid, napagsabay niya ang paghinga at paglunok ng laway kaya masakit, at isa pang dahilan ang sinabi ni Dwight. "Wala ka pa namang kinakain, nabibilaukan ka na." Napangiwi si Sandy. Sino ba ang hindi mabibilaukan sa sinabi ni Dwight? Naisip na lang ni Sandy na nakalimutan ni Dwight na siya ang magiging asawa nito. Para kasing may doble meaning ang sinabi ni Dwight. "Nabigla ka ba sa sinabi ko?" Ngiting pilit ang sagot niya kay Dwight. Talagang tinanong pa iyon, hindi na nga siya nagpahalata, kahit halata na ang dahilan ng pagkasamid niya ay ang sinabi nitong gustong magkaroon ng anak. "A-Ano baka may naka-alala lang sa akin kaya ako nasamid." "Huh?" Pumaling ang ulo ni Dwight sa sinabi ni Sandy na hindi naman nito gets. "Ano ang connection no'n
last updateLast Updated : 2024-09-20
Read more

Kabanata 42

"Hindi pa man ako na ata ang paborito mong doctor. Magtatampo ang iba niyan." Biro ni Sandy. "Ikaw lang naman ang naniniwala na makakalakad pa ako, kaya lahat ng tiwala ko sayo ko na ibibigay." Lihim na napangiti si Sandy, pero kalauanan ay naging gseryoso din siya. "I-schedule ko ang therapy mo. Sa doctor kong kakilala kita ipupunta, siya rin ang magiging doctor mo sa operasyon." "Sabi ko—" "Huwag ka ng kumotra, siya ang doctor mo hangga't hindi pa ako gumagaling. Nasabi ko naman na ako ang mag-therapy sayo, kaya bale makikigamit lang ako ng ospital niya." "May sarili siyang ospital?" "Meron." Napatango naman si Dwight at napatingin sa bintana na transparent. Nakikita nga pala nila ang labas dahil sa linaw ng bintana na malaki. Mukhang tinitingnan ni Dwight kung naroon na ba ang driver nito sa labas. Napatingin din si Sandy, pero nanlaki ang mata niya nang may makita siyang tao na nakatayo habang nakatingin sa gawi nila, o sa kanya mismo, si Angelo. Kinuha ni Sandy ang tabl
last updateLast Updated : 2024-09-21
Read more

Kabanata 43

"Yes. I think you didn't know because the one I talk to about patnership is your mother, Celeste Montemayor." Sa itsura ni Dwight ay nagulat talaga siya sa sinabi ni Angelo. Akala niya ay random na lalaki lang na bigla na lang sumulpot sa kanilang harapan ni Sandy na parehas palang may koneksyon sa kanilang dalawa o sa propesyon nila. "I'm sorry. Hindi ko alam." "It's okay, pero may kailangan akong i-disccuss about business. Sa susunod na lang siguro pag nasa kumpanya ka na para pag-usapan." Lumipat ng tingin si Angelo kay Sandy. "Tawag na lang ako mamaya ha. Huwag kang matutulog." Nakanganga na si Sandy habang sinusundan ng tingin si Angelo. Daig pa talaga ang magkakilala na sila ng ilang taon kung paano siya nito kausapin. Palautos pa ang tono. "Ibig sabihin ang lolo niya ang pasyente mo nung umalis ka ng bahay ng magulang mo, Sandy?" Napaikom ang bibig ni Sandy at tumingin kay Dwight. "Oo." Bahagyang tumango si Dwight pero sa labas na ito nakatingin. Hindi na tinapunan pa n
last updateLast Updated : 2024-09-21
Read more

Kabanata 44

Samantala habang nakatalaukbong ang kumot kay Sandy ay lumingon si Dwight kay Sandy. Tumingin siya sa numero ng aircon at malamig pa iyon kung tutuusin, kaya kinuha muli ni Dwight ang remote at hininaan lang ang buga ng lamig no'n. Hindi puwedeng wala silang aircon dahil pag pinatay kahit malamig pa sa labas ay maiinitan din sila dahil sa kulob nga ang kwarto, kung meron mang bintana, maliit lang at mahirap ding buksan pag ganitong umuulan. May kumatok sa pinto kaya umayos muli si Dwight ng pagkakaharap sa bintana, dahil si Sandy ay mabilis na tumayo at pumunta ng pinto para kuhanin ang pinatimpla nitong kape at gatas. Ngumiti si Sandy sa hotel staff. "Salamt." "No problem ma'am. Tawag na lang ho kayo pag may kailangan kayo. Thank you." Umalis ang staff kaya sinarado na ni Sandy ang pinto. May maliit na table naman doon kaya doon nilagay ni Sandy ang mga kape maging ang pagkain na dinala nila galing sa restaurant, mga naka-transparent plastic container naman iyon kaya walang mat
last updateLast Updated : 2024-09-22
Read more

Kabanata 45

"Hindi na, sa couch na lang ako." Natapos kumain ang dalawa habang natutok ang mga pansin sa T.V, hanggang sa patayin na iyon ni Sandy dahil alas-dose na ng gabi. Hindi pa rin tumatawg s kanya si Angelo. Nakasandal na pala si Dwight sa kama, at si Sandy naman ay nakaupo sa couch habang nakapikit ang mata, ang baba nito ay nakapatong sa kamay habang ang siko ay nakatungko sa gilid ng couch. "Sandy, matulog ka na." Napadilat naman si Sandy agad, pero halata sa mata nito na inaantok na. "M-mamaya na...hintayin ko lang yung tawag." "Sa tingin ko ay hindi na siya tatawag. Dapat kung tatawag man siya ay kanina pang mas maaga, kaya sige na matulog ka na." Tumayo si Sandy at lumapit sa higaan ni Dwight. Kukuha sana siya ng kumot at unan, pero may kamay na pumigil sa kanya sa pagkuha no'n. "B-Bakit?" sa inantok na boses na tanong ni Sandy. "Dito ka na lang matulog para kumportable ka." Umiling si Sandy. "Doon na lang ako. Ayusin ko lang ang pagkakahiga mo para makatulog ka na rin." S
last updateLast Updated : 2024-09-22
Read more

Kabanata 46

Napabuntong-hininga si Sandy habang sinubukan ulit niyang kuhanin ang kutsara, pero walang lakas talaga ang dalawa niyang kamay. Sumandal siya sa couch, dahil oras ang tinatagal bago ulit bumalik sa normal ang kanyang kamay. "Kaya ayaw kong ako ang maging doctor mo sa araw ng operation. Sa totoo lang maraming tumatawag sa akin na gustong ako ang mag-opera sa kanilang mga mahal sa buhay, pero dahil sa kamay ko hindi ko na sila pinapansin o ni-re-replayan dahil mabigat sa loob kong sabihin na hindi ako puwede dahil may problema pa ang mga kamay ko. Baka sa halip na mabuhay ang pasyente, ako pa ang maging dahilan ng pagkabilis na mawala sila sa mundong ibabaw." "Meron bang rason sa likod no'n, kung bakit nararanasan mo iyan ngayon?" Maliit na ngumiti si Sandy. "Lahat naman ng biglang pagbabago ng isang tao ay merong rason. Kahit ano pa 'yan, basta may isang maliit na pagbabago sa isang tao, laging may rason sa likod no'n. Mas malala lang yung sakin dahil buhay ang nawala." Nagsalubo
last updateLast Updated : 2024-09-23
Read more

Kabanata 47

Hindi sumagot si Sandy, kaya nagtaka si Dwight, at isa pa, kailangan niyang nalaman kung bakit nang hinawakan niya ang parte ng mukha ni Sandy ay may imahe na biglang na lang nagpakita na hindi naman nangyayari sa kanya. Hindi niya pagsasawalang bahala iyon dahil baka parte ng nakaraan niya si Sandy na hindi niya lang maalala dahil matagal na o sadyang si Sandy lang ang naging daan para muli niyang maalala ang nakalimutan na niya. "Naging totoo ka naman sa akin hangga't maaga, kaya walang atrasan na magaganap. Si ina ang nagsabi na gusto ka niya dahil kaya mo akong alagaan kahit paralisado pa ang aking paa. Doon na lamang ako maniniwala, hindi sa mga sinabi mo." "Masyado kang mabait, Dwight. Try mo minsan maging masama." Umiling si Dwight. "Iyon ang hindi ko gagawin, dahil mahirap ng bumalik sa dati kung susubukan ko. Hindi mo ba napapansin ang taong masasama ay hindi na nagbabago, kahit anong pagbibigay mo ng payo ay hindi na talaga sila magbabago. Kung mero man, hindi rin buo bum
last updateLast Updated : 2024-09-23
Read more

Kabanata 48

"Secretary ka ka niya o katulong? As far as I know walang humahawak na ibang tao ng phone niya?" Magsasalita na sana si Sandy, pero narinig na niyang sumisigaw si Dwight sa loob ng banyo. Tinitigan niya ang screen ng telepono at kabastusan man ay pinatay niya ang tawag at nilagay sa ibabaw ng table ang telepono ni Dwight. Kumatok si Sandy sa pinto ng banyo bago pumasok sa loob. Ang pinagtataka niya ay naka-ayos na ang pants ni Dwight, pero paano yung— "Tulungan mo na akong makaupo sa wheelchair." "Nag-flush ka habang nakaupo sa toilet?" tanong ni Sandy habang nakataas ang dalawang kilay niya. "Hindi. Tulungan mo muna akong makaupo sa wheelchair saka ko gagawin, pero ipikit mo ang mga mata mo." Kumunot ang noo ni Sandy at lumapit kay Dwight. "Bakit ko pa gagawin 'yon? Parehas lang naman ang korte at kulay ng dumi ng tao." Awang ang labi ni Dwight na tumingin kay Sandy, ang mata nitong nagulat sa sinambit ni Sandy na may pagka-prangka. Tumaas ang isang kilay ni Sandy. "Bakit?"
last updateLast Updated : 2024-09-26
Read more

Kabanata 49

Napanguso si Sandy habang naglalaro ang dila sa loob ng kanyang bibig. "Agree naman ako diyan sa sinabi mo, pero sabi ko nga, walang mas modernong kagamitan ang bansa natin compare sa ibang bansa. Ako ang ginagawa ko mas inaaral ko ang lahat, kaya kahit hindi ako pumunta ng ibang bansa ay gamay ko na ang gagawin sa oras ng emergency. Kailangan lang talaga ng sipag at determinasyon kung ang trabaho ay pagiging dcotor. Hindi naman din kasi biro ang ginagawa namin dahil kumbaga kami lang ang unang gagamot sa pasyente bago nila tulungan ang sarili nilang gumaling ng husto. "Pagiging doctor ba talaga ang gusto mo?"Tumingin si Sandy sa kisame at nag-isip. "Hindi ko alam." "Huh?" lukot ang mukha ni Dwight sa salitang lumabas sa bibig ni Sandy. "Yes, hindi ko alam. Nagising na lang ako isang araw na gusto kong maging doctor at gamutin ang mga taong nangangailangan ng tulong, pero ang gusto ko talaga noon ay Business Management. Kumpara sa pagiging doctor ay mas madali iyon dahil kung ma
last updateLast Updated : 2024-09-26
Read more

Kabanata 50

Samantala, akala ni Sandy ay magtutuloy-tuloy na ang paghina ng ulan, pero habang bumabiyahe siya pauwi ay biglang lumakas na naman ang patak ng ulan, kaya hindi niya makita ng malinaw ang daan, pero kahit ganon ay sinuong niya ang lakas ng ulan makauwi lang ng bahay nila at makapagpalit na rin ng damit. Paniguradong magkakasakit siya dahil pumasok siya sa kotse at malalamigan at matutuyo ang basa niyang katawan. Sa halos dalawang oras na biyahe pauwi, ay sa wakas nasa tapat na ng bahay nila si Sandy. Pinasok niya ang kotse sa garahe at nagmamadaling bumaba. Sa pintuan sa likod ng bahay na lang siya nagdaan para hindi na rin mabasa ang sala, malapit naman ang kwarto niya sa kusina kaya okay lang. Binuksan ni Sandy ang pinto sa likod at tuloy-tuloy na pumasok, wala naman siyang nakasalubong na tao sa loob, mukhang mga nasa kwarto. Diretso agad siya ng banyo at naligo kahit malamig, pagkatapos magbihis ay sumampa siya ng kama at nagkumot na parang binalot na lumpia. Sakit talaga ang
last updateLast Updated : 2024-10-01
Read more
PREV
1
...
34567
...
10
DMCA.com Protection Status