"Secretary ka ka niya o katulong? As far as I know walang humahawak na ibang tao ng phone niya?" Magsasalita na sana si Sandy, pero narinig na niyang sumisigaw si Dwight sa loob ng banyo. Tinitigan niya ang screen ng telepono at kabastusan man ay pinatay niya ang tawag at nilagay sa ibabaw ng table ang telepono ni Dwight. Kumatok si Sandy sa pinto ng banyo bago pumasok sa loob. Ang pinagtataka niya ay naka-ayos na ang pants ni Dwight, pero paano yung— "Tulungan mo na akong makaupo sa wheelchair." "Nag-flush ka habang nakaupo sa toilet?" tanong ni Sandy habang nakataas ang dalawang kilay niya. "Hindi. Tulungan mo muna akong makaupo sa wheelchair saka ko gagawin, pero ipikit mo ang mga mata mo." Kumunot ang noo ni Sandy at lumapit kay Dwight. "Bakit ko pa gagawin 'yon? Parehas lang naman ang korte at kulay ng dumi ng tao." Awang ang labi ni Dwight na tumingin kay Sandy, ang mata nitong nagulat sa sinambit ni Sandy na may pagka-prangka. Tumaas ang isang kilay ni Sandy. "Bakit?"
Napanguso si Sandy habang naglalaro ang dila sa loob ng kanyang bibig. "Agree naman ako diyan sa sinabi mo, pero sabi ko nga, walang mas modernong kagamitan ang bansa natin compare sa ibang bansa. Ako ang ginagawa ko mas inaaral ko ang lahat, kaya kahit hindi ako pumunta ng ibang bansa ay gamay ko na ang gagawin sa oras ng emergency. Kailangan lang talaga ng sipag at determinasyon kung ang trabaho ay pagiging dcotor. Hindi naman din kasi biro ang ginagawa namin dahil kumbaga kami lang ang unang gagamot sa pasyente bago nila tulungan ang sarili nilang gumaling ng husto. "Pagiging doctor ba talaga ang gusto mo?"Tumingin si Sandy sa kisame at nag-isip. "Hindi ko alam." "Huh?" lukot ang mukha ni Dwight sa salitang lumabas sa bibig ni Sandy. "Yes, hindi ko alam. Nagising na lang ako isang araw na gusto kong maging doctor at gamutin ang mga taong nangangailangan ng tulong, pero ang gusto ko talaga noon ay Business Management. Kumpara sa pagiging doctor ay mas madali iyon dahil kung ma
Samantala, akala ni Sandy ay magtutuloy-tuloy na ang paghina ng ulan, pero habang bumabiyahe siya pauwi ay biglang lumakas na naman ang patak ng ulan, kaya hindi niya makita ng malinaw ang daan, pero kahit ganon ay sinuong niya ang lakas ng ulan makauwi lang ng bahay nila at makapagpalit na rin ng damit. Paniguradong magkakasakit siya dahil pumasok siya sa kotse at malalamigan at matutuyo ang basa niyang katawan. Sa halos dalawang oras na biyahe pauwi, ay sa wakas nasa tapat na ng bahay nila si Sandy. Pinasok niya ang kotse sa garahe at nagmamadaling bumaba. Sa pintuan sa likod ng bahay na lang siya nagdaan para hindi na rin mabasa ang sala, malapit naman ang kwarto niya sa kusina kaya okay lang. Binuksan ni Sandy ang pinto sa likod at tuloy-tuloy na pumasok, wala naman siyang nakasalubong na tao sa loob, mukhang mga nasa kwarto. Diretso agad siya ng banyo at naligo kahit malamig, pagkatapos magbihis ay sumampa siya ng kama at nagkumot na parang binalot na lumpia. Sakit talaga ang
Nag-alala naman ang mga katulong at naglagay ng plato, kanin, at ulam sa lamesa. "Sige Ma'am Sandy kumain ka na. Hindi na lang po namin sasabihin na nandito ka na at kumakain." "Huwag niyo ring babanggitin na nakauwi na ako ha." Nagkatinginan ang mga katulong. Batid nila ang nagaganap sa loob ng bahay dahil halos malalakas ang mga sigawan pag may nag-aaway, lalo na si Dolores sa tuwing pinangangaralan si Sandy. Ang isang katulong naman ay nasaksihan ang naging ganap noong napaso ang kamay ni Sandy. "Okay po ma'am." Nagsi-alisan ang lahat ng katulong na pumunta sa dining dala-dala ang pagkain, habang si Sandy ay nag-umpisa ng kumain ng mabilis para hindi siya makita ng magulang niya sa labas, pero batid niyang ang kanyang ama ay pupuntahan agad siya sa kwarto dahil nasa garahe na ang kotse nito. Sigurado rin siyang magaling na ang kanyang magulang dahil mga nakatayo at naka-alis na ng kwarto. Samantala nang nalagay na ng mga katulong ang mga pagkain sa lamesa ay agad ng nagsi-a
Hindi agad nakapagsalita si Dwight, dahil kung siya ang papipiliin, ayaw muna niyang magkita ang mga ito dahil baka magkagulo at kung ano ang masabi ni Dylan kay Sandy. Ayaw niyang may masaktan sa dalawa, at ayaw rin niyang dumating sa punto na kailangan niyang kumampi o mamili sa dalawa. Oo, at kakikilala lang niya sa dalaga, pero sa hindi niya malamang dahilan ang loob niyo ay panatag sa tuwing nasa paligid si Sandy. "Huy! Hindi ka na sumagot." Maliit na napangiti si Dwight. "Hindi mo talaga siya makikita dahil laging wala dito si Dylan, gabi na kung umuwi." "Mabait ba siya?" Nakagat ni Dwight ang likod ng labi niya, pero napakunot ang kanyang noo nang may marinig na boses na pasigaw mula sa kinaroroonan ni Sandy. Humarap sa screen ang dalaga at parang may pinindot ito, bago ilapag sa kama habang ang camera ay natatabingan ng kumot kaya purong itim lang ang makikita. Magsasalita na sana muli si Dwight, pero hindi na niya natuloy dahil sa boses ng kasama ni Sandy. "Mabuti a
"Dapat kayong dalawa ang titingin dito ha. Huwag mong bubuklatin." Napailing na lang si Dwight. Wala atang tiwala sa kanya ang kanyang ina, pero napatitig siya sa hawak nito. Hangga't pinapa-alalahanan ay mas lalong gusto tuloy niyang makita. "O, itabi mo ito. Itago mo muna, at oo nga pala, may nakita na akong tao na magdadamit sa inyong dalawa. Sasabihin ko na lang kung kelan kayo pupunta roon para magsukat." "Ma." Ang photo album na inaabot ni Celeste ay hindi kinuha ni Dwight, kaya nagtaka si Celeste kaya sa ibabaw na lang ng kama niya ito pinatong. "Bakit?" "May kailangan nga pala akong sabihin." "Ano?" "May resulta na sa ginagawang pag-re-review ni Sandy sa case ko, ang solusyon ay. . .operation." Unti-unting nawala ang kasiyahan sa mukha ni Celeste. Napalitan iyon ng takot at pag-aalala. "A-Anak, iyon na ba talaga ang solusyon? Hindi na raw ba makukuha sa gamot?" Umiling si Dwight. "Masyado ng matagal para mapagaling pa ako ng mga gamot, Ma. Operation na lang ang las
Nagmamadaling magpalit ng damit si Sandy, pero hindi niya kakalimutan ang jacket dahil baka bumalik ang lagnat niya, wala pa namang ilang araw nang magkaroon siya ng lagnat. Kinuha na rin niya ang kanyang telepono sa ibabaw ng table at lumabas ng kwarto. "Halika na." Pumunta si Sandy sa likod ni Dwight, pero bago niya maitulak ang wheelchair ay nagsalita ito. "Kumain ka na ba?" Napahigpit ang hawak ni Sandy sa wheelchair. Wala pa siyang kain, kahit umagahan ay hindi rin niya nagawang kumain dahil ang akala niya ay narito sa loob ng bahay ang kanyang ina. "Hindi pa." Sa itsura ni Dwight nang lumingon kay Sandy ay may nakapaskil na pagtataka. "Bakit hindi ka kumain? Pag may sakit dapat mas maraming kinakain para bumalik ang lakas." "Wala akong gana," na sabi na lang ni Sandy. Napailing na lang si Dwight at muling tumingin sa harapan. "Dadalhin na lang kita sa isang resto na tahimik at walang masyadong tao. Hindi ka maiingayan doon dahil kahit ang ibang kumakain ay hindi nag-uu
Lumingon bigla si Sandy kaya agad na umiwas ng tingin si Dwight at tumingin sa harap na parang wala lang, pero agad din siyang napabalik ng tingin kay Sandy dahil sa isang tunog na malakas. "Gutom ka na talaga, nanghihingi na ng pagkain ang tiyan mo." Napangiwi naman si Sandy. Naamoy niya kasi ang lutong ulam kaya kumalam na ang tiyan niya sa hangin na nagmumula sa labas at sa hangin sa ceiling fan na malaki, talagang kahit anong amoy ay maaamoy ng tao sa loob. "Papunta na rito ang waiter." Lumingon si Sandy at nakita nga niyang palapit na ang dalawang waiter na may dalang pagkain. Kagat labi niyang tiningnan isa-isa ang mga pagkain na nakalagay na sa ibabaw ng lamesa. "Damihan mo ang kain mo, dahil hindi naman tayo agad aalis dito." Tumango si Sandy at nag-umpisa ng kumuha ng putahe na gustong-gusto niyang tikman. Walang ibang ingay na maririnig doon kun'di tunog lang ng ceiling fan, huni ng ibon at konting tunog na nagmumula sa kutsara. Magana ring kumain si Sandy na parang
Mula sa pagkakatitig sa upuan ay lumipat ang tingin ni Sandy sa lalaki sa harap niya, malabo ito at hindi niya mapagtanto kung sino ang nasa harap niya ngayon at tinawag siya sa pangalawa niyang pangalan. "S-Sino ka?" saad niya habang pinipilig ang ulo dahil may pumipintig na doon. Seryoso ang mukha ni Dylan habang nanatiling nakatayo sa harapan ni Sandy. "Sandy?" "Hmmm." Iyon na lamang ang nasagot ni Sandy dahil nawalan na ito ng malay at pabagsak na sa sahig. Mabuti na nga lang at mabilis na nakalapit si Dylan para yakapin ito nang hindi mabagok ang ulo. Hindi malinaw, pero ang sagot ni Rae sa kanya ay totoo. Si Rae at si Sandy ay iisa lang. Dumating si Dwight sa loob ng bar. Ang bumungad sa kanya sa paghahanap niya kay Sandy ay ang kanyang kapatid na hawak si Sandy habang nakapikit ang dalaga. "Dylan," seryosong saad ni Dwight. Lumingon si Dylan. "Kuya. Mabuti at narito ka na, ito ba ang mapapangasawa mo?" "Paano mo siya nakita rito?" "Mahabang kwento, pero kailangan na
"Ako pa talaga ang gagawin mong example sa kalokohan mo!" Malakas na binitawan ni Sandy ang buhok ni Alexis, halos gusto na lang gumulong sa sahig ni Alexis sa sakit ng anit niya sa paghila ng buhok niya ni Sandy. "Ang brutal mo talagang babae ka! Kaya ayokong lumalabas ang side mo na 'yan, masyadong palaban, ibang-iba sa isa mong ugali na hindi makabasag pinggan!" "Dapat ko lang ipakita, dahil na-agrabyado ako at alam mo 'yon Alexis." Bukod kay Lady at Sam, isa rin sa nakaka-alam ng estado ng buhay niya sa kanyang pamilya ay si Alexis. Dinaig pa kasi nito ang babae sa pagkausisa kaya na kwento niya ang buong detalye tungkol sa kanyang pamilya. Mukha naman itong katiwala-tiwala, kaya kahit sa maliit na rason ay na kwento niya kay Alexis. Humarap muli ito sa bote ng mga alak na nasa dalawa na ang walang laman, at hindi simpleng bote lang iyon dahil nasa one liter ang bawat isa kaya lasing ng matuturing si Alexis. "Tsk. Bakit kasi gusto mo pang bumalik sa pamilya mo kung hindi k
"Mamaya na!" Napatingin tuloy ang ibang tao na nasa cafe sa boses ni Sandy na may kalakasan. Pilit na lang siyang ngumiti bago humarap kay Alexis na may nanlilisik na mata. "Oo. Bukas aalis na ako." Napakamot na lang si Sandy sa ulo niya at nilagok ang tirang kape na malamig na sa kanyang tasa. Dinuro niya ang mukha ni Alexis, pero may kalayuan naman sa mukha nito. "Pag ako talaga napahamak sa pag-aaya mo. Irereto talaga kita sa mga babaeng naghanap ng katulad mo. I-la-lock ko kayo sa isang kwarto at hahayaan ko yung babae na gawan ka ng kahalayan para hindi sayang ang lahi mo!!" Buong lakas niyang sabi kay Alexis kahit pa marinig siya ng ibang tao na katabi lang nila ng table. Umismid naman si Alexis at hinigop ang kape sa tasa nito. "Ang hirap mong hingan ng pabor, baka magkatotoo 'yang sinasabi mo sa akin, pero syempre hindi kita aayain kung mapapahamak ka lang. Magsasaya lang tayo doon." Wala ng nagawa si Sandy kung hindi sumagot ng oo, tutal hindi naman na siya nakatira s
Hindi mapuknat ang ngiti ni Dwight kahit nakalabas na sila ng ospital, maging ang driver niya ay nagtataka kung bakit siya nakangiti ng sobra. Lito man ay ginawa na lang ng driver niya ang ginagawa nito sa tuwing isasakay siya sa kotse. "Puwede niyo po ba akong dalhin sa address na 'to?" Pinakita ni Sandy ang address sa driver ni Dwight habang sumasakay ng kotse. "Sige ho." Nang umandar na ang kotse ay saka nagtanong si Dwight, "Anong gagawin mo sa address na pinakita mo sa driver ko?" "May gusto sa aking makipagkita ngayon." Nagsalubong agad ang kilay ni Dwight. "Sino?" "Naging close ko nang mag-stay ako ng ilang araw sa hospital kung saan siya nagtatrabaho." "Babae?" Kunot ang noo ni Sandy na napatitig sa likuran ng upuan ng driver seat. "Bakit mo pa tinatanong kung babae? Paano kung lalaki, sige nga?" Iniwas ni Dwight ang mata niya kay Sandy at nagkunwaring tumitingin sa mga nadadaanan nilang mga kabahayan. "Wala naman akong sinabi. Tinanong ko lang kung babae." "Sa par
Napabuntong-hininga na lamang si Dwight a t lumapit kay Sandy. Kailangan pala niyang dumapa at tumihaya, maging ang mga binti niya ay lalagyan ng mga wire kahit pa hindi ito makadama ng kahit ano. Sinimulan ni Sandy na ilagay ang wire sa binti muna ni Dwight kung saan hindi muna nito mararamdaman ang mga kuryente na dadaloy doon. "Subukan muna natin dito sa binti mo habang inaalis mo ang kaba sa iyong dibdib." Nang inumpisahan ni Sandy na i-on ang makina ay nakatitig siya sa mukha ni Dwight, inuna niya sa binti nito para makasiguro muna na wala pa talaga itong nararamdaman, tama naman siya walang reaksyon si Dwight habang nakatitig ito sa itaas. Hindi man lang din ito napangiwi, tinaas niya sa pinaka-high volume ang kuryente sa binti nito pero wala ring reaksyon si Dwight. Nang okay na ang minuto na nilaan niya para sa binti ni Dwight ay nilipat naman niya ang mga wire sa likod ni Dwight. Tinagilid niya muna ito bago tuluyan na idapa ang katawan ni Dwight sa higaan. "Hingang mal
Sinunod ni Dwight ang sinabi ni Sandy, sinukat niya ang bigas at ang tubig bago iyon takpan. Si Sandy na ang naglagay sa rice cooker at pinindot iyon para maluto. Mga ilang minuto rin ang itatagal kaya maliligo muna si Sandy. "Dito ka muna. Maliligo lang ako." "Sige." Umalis si Sandy at naiwan sa kusina si Dwight. Lumapit siya sa ref, pero wala pa pa palang frozen food doon. Ang alam niya merong dalang grocery si Sandy kaya hinanap niya iyon sa mga cabinet na abot niya, pero wala doon. Mukhang nasa itaas, bumalik na lang siya sa dati niyang puwesto para hintayin si Sandy. Habang nakatitig si Dwight sa telepono niya ay naglalakad na si Sandy sa likuran niya para tanungin, "Dwight kumakain ka ba ng sardinas?" "Oo naman." "Iyon nalang ang lulutiin ko para dumami. Wala naman kong ibang maluluto kun'di 'yon lang at noodles, pero gusto ko sardinas ngayon kaya teka lang." Naghiwa ng sibuyas at bawang si Sandy at nilagay sa kawali na mainit. Habang ginigisa iyon ni Sandy ay naaamoy na
Mahimbing na natutulog si Sandy, Hindi nito naramdaman na may nakapasok sa kanyang kwarto. Ngumiti si Dwight nang makita na tulog pa ang dalaga. Palihim talaga siyang pumasok dahil nasa kanya naman ang mga susi at lalo na ng mga hidden fingerprint sensor sa bahay na ito kaya kahit hindi niya tawagan si Sandy na bukas ang pinto ng bahay ay makakapasok pa rin siya. Lumapit siya kay Sandy na nakalilis pa ang damit hanggang sa ibabaw ng pusod. Inayos iyon ni Dwight at mas lalong lumapit kung nasaan ang ulo ni Sandy. Titingnan niya ang mukha ni Sandy na walang makikita kahit isang pimple, pero may napansin siya sa ilalim ng ilong nito, may manipis na bigote. Pinatong ni Dwight ang dalawang kamay niya sa gilid ng kama ni Sandy upang makapagnakaw ng halik sa labi nito, at nang nagtagumpay siya habang inaalis ang labi niya ay malapad siyang ngumiti dahil hindi pa rin nagising si Sandy. "Sandy, gising na." Bahagyang kumunot ang noo ni Sandy habang nakapikit ang mata, pero pamaya-maya ay n
Kinuha ni Dwight ang telepono niya dahil balak niyang tawagan si Sandy at makipag-video call, pero napahinto siya sa wallpaper ng kanyang telepono. Si Sandy na bagong gising habang nakatulala at nakahawak sa ulo. Pinagmasdan muna niya iyon bago tumawag kay Sandy. Taranta naman si Sandy na sagutin ang tumatawag dahill kalalabas lang niya ng banyo at nakatuwalya lang, wala na siyang nagawa nang napindot na niya ang green na button at bumungad na sa screen ang mukha ni Dwight. "Sandy, hindi kita makita." Tinapat na lang ni Sandy sa kanya mismong mukha ang screen ng telepono para hindi makita ni Dwight na nakatuwalya lang siya. "Ang lapit naman masyado ng mukha mo. Hindi ko makita ng maayos." Wala ng nagawa si Sandy, kaya nilayo ng konti ang telepono sa kanya, kaya maging ang kalahati ng katawan niya na may tuwalya ay kita ni Dwight. Napalunok si Dwight at bahagyang umiwas ng tingin nmhabang nagsasalita, "Bakit hindi mo naman sinabi agad? Magbihis ka na muna." Agad namang sumunod
"Hindi kita kilala para magpunta rito, pero dahil hindi naman ako busy ay pinagbigyan kitang makausap ako. Ngayon, ano ang kailangan mo sa akin?" "Pasensya na kung nabigla ka sa pagpunta ko rito, pero hihingi sana ako ng tulong mula sayo." "Tulong?" "Oo, para sana sa negosyo namin. Kailangan kasi namin ng malaking pera para muling makausad." Ngumisi si Raul. "Hindi ako ang tamang tao para hiraman mo ng pera, misis." "Utang na loob na lang Mr. Raul. Iyon na lamang po para magpahiram lang po kayo ng pera o makipagsosyo sa amin." Kumunot ang noo ni Raul. "Utang na loob? Hindi nga kita kilala, bakit magkakaroon ako ng utang na loob sayo." Ngumiti si Dolores kahit kinakabahan na siya sa sinasabi niya, "Tanda mo pa ba ang doctor na nakapagpagaling sayo noong na mild stroke ka at hindi mo malakad ang iyong mga paa, ako ang ina ng dalaga na iyon. Na kwento niya rin na kung sakaling may problema ay puwede siyang manghingi ng tulong mula sayo. Kaya ako narito." "Si Doctor Rivera?" "Oo,