Mabuti na lang at naisip ako ni Auntie. Alas-tres y media ay dumating na siya. "Sorry, hija, nakalimutan kitang bigyan ng spare key." "It's okay, Auntie." Sinamahan naman ako ni Haranna kaya hindi ako gaanong na-bore. Kahit na ang drama ng pinagkuwentuhan namin. Hindi kasi ako madramang tao. Ma-drama ang pamilya namin, pero hindi ko iyon kinukwento pa. Hindi ko lang gustong i-share. "Aalis na ako, Amelia.""Saglit lang, Ranna. May dala akong pagkain dito. Mag-uwi ka sa inyo." Bumalik sa pagkakaupo si Ranna at hinintay muna si Auntie. "Thanks, Ranna." Pumasok na din ako sa loob. Pakiramdam ko nanlalagkit na ang pakiramdam ko kaya magbibihis na muna ako. Binuksan ko na din muna ang fan habang hinihintay ko na mapalamig ng aircon ang room ko. "Amelia, your Mommy is on the other line."I checked my celphone. Nakasabit ito sa may window. May signal kasi sa bandang 'to kaya dito ko nilagay, kagabi pero na-lobat na pala. Hindi ko din 'to nadala kanina sa school. Lumabas ako ng room up
Last Updated : 2024-08-07 Read more