Natahimik sina Auntie at Mommy nang dumating ako ng bahay. As if hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. They're talking about Mommy's being a miserable wife. And I'm sure ina-advice naman siya ni Auntie na hiwalayan na niya si Daddy pero hindi naman ito makikinig sa kaniya.
Napatingin sila sa damit ko na maputik. "Saan ka galing?" tanong ni Mommy.. "Sa ricefield po." Natatandaan ko pa naman ang bawat pintuan sa bahay na 'to kaya nagtungo ako ng banyo upang makapaglinis ng katawan. Isang oras pa lang kami dito, pero bored na agad ako. Ano ba ang puwedeng gawing libangan dito? Ni walang signal. Walang cable si Tita, kaya malabo din ang palabas sa mga local channels na sagap ng kaniyang atenna na nasa tuktok ng mahabang kawayan sa labas. Dumiretso na ako sa taas, kung saan ako magku-kuwarto. May three bedrooms dito sa taas at isang mini sala. Iyong room ni Mommy dati ang gagamitin ko. Binuksan ko ang aking maleta. Walang katulong si Auntie. This only mean that I'm already on my own. Walang ibang magliligpit at mag-aayos ng mga gamit ko. Ang yaman-yaman ng pamilya namin pero hahayaan nila akong maghirap sa lecheng probinsya na 'to. Pagkatapos magbihis, nahiga ako sa kama at tumulala hanggang sa nakatulog na ako. Tanghali na nang magising ako. Paglabas ko ng kuwarto ay nadatnan ko si Mommy na nakatayo sa mini sala habang nakatanaw sa malaking bintana. Iba na ang suot niyang damit. "Babalik ka na ng Manila?" Nakangiti siyang lumingon sa akin. Ngiti na may bahid ng lungkot. "Yes. Take care of yourself." I sighed. Ang bigat sa dibdib na maiiwan ako dito pero kahit naman akong gawin ko hindi na magbabago ang desisyon niya. Gusto ko siyang awayin pero baka pati allowance ko bawasan pa niya. "Ikaw ang mag-ingat doon, Mommy." Ngumiti siya. Kuminang ang kaniyang mga mata dahil sa mga luha na nilalabanan niyang malaglag. "Dagdagan mo ang allowance ko," sabi ko habang nakanguso, para hindi na siya umiyak pa. Mahina siyang tumawa. "Oo. Magpapadala ako monthly." Lumapit siya at hinaplos niya ang buhok ko. "I want you to be strong. I want you to learn. Maging matatag ka sa bawat pagsubok na dumating." Her voice cracked. "I love you, hija. Huwag mo sanang isipin na hindi kita mahal kaya ka nandito. I want you to be mature and independent." Napaluha ako. Ang bigat-bigat kasi ng dibdib ko. "Yes, Mommy. I want you to be strong also. I want you to be numb." Maging manhid sa mga ginagawa ni Daddy. "Please go back to your old self." Napahikbi siya. "I love you, baby!" Niyakap niya ako. "I love you too, Mommy. But I hate you for bringing me here." "I know, but this is for your own good." Hindi ko na siya hinatid sa labas, dahil baka magbago lang ang isip ko na mag-stay dito. Umiiyak ako habang nakatanaw sa sasakyan na papalayo hanggang sa hindi ko na ito matanaw. Umakyat naman si Auntie dito sa taas upang aluhin ako. "You'll be alright here, Amelia." Niyakap niya ako. Mabait naman si Auntie kahit na tumandang dalaga ito. Alam ko na hindi niya ako pababayaan pero iba pa din iyong nasa Manila ako, umuuwi sa bahay namin kahit na pakiramdam ko mag-isa lang ako. Kahit na araw-araw na nag-aaway sina Mommy at Daddy. Bumaba kami ni Tita upang kumain. Hindi ako nakapag-breakfast at lunch. It's already two in the afternoon. Auntie and I talked about my new school. Kaibigan niya ang magiging class adviser ko. Nagtatrabaho si Auntie accounting department sa malaking public hospital dito sa probinsya. Pagkatapos kumain, bumalik ako sa aking room. Nahiga hanggang sa tawagin ulit ako ni Tita para kumain ng dinner. Nahirapan akong matulog. At nagising naman ako ng maaga dahil sa ingay ng manok na tumitilaok sa bubong. Lumabas ako ng aking room. Sumilip ako sa may malaking bintana at nakita ko sa may yero ang manok na hindi man lang napaos kakatilaok. "Alis!" sigaw ko dito pero mas nilakasan pa lalo ang pagtitilaok niya. Naghanap ako ng puwede kong ibato sa kaniya. Iyong book sa shelf ang una kong nakita. Sakto at mabigat-bigat. Mapipilayan siguro siya dito. Binato ko siya. Natamaan siya at dire-diretso na itong nahulog hanggang sa baba. "Naku, Hendrix, ano'ng nangyari?" boses ni Auntie na nag-aalala sa baba. "Ano'ng nangyari sa manok?" sunod niyang tanong. Napatakip ako ng aking bunganga. "Amelia?" Shit! Bumaba na lang ako bago pa ako tawagin ulit ni Auntie. Mukhang hindi na makatakbo ang manok dahil sa pagkabato ko. Napatigil ako sa paghakbang nang makita ko na may mga kasama si Tita. Isang kaedad niya na babae, babae na tingin ko ay kaedad ko at iyong lalake. Iyong lalake ay may bukol sa noo. "Binato mo iyong manok?" tanong ni Auntie. Ngumuso ako at tumango. "Natamaan si Hendrix," sabi ni Tita. Mukhang dahil sa akin ang bukol niya. "Ahm..." Nagkamot ako ng aking ulo. "Let's get him to the hospital and pay him." Suminghap si Auntie. Si Hendrix ay nagbago naman ang ekspresyon sa mukha. Mula sa maamo, hanggang sa naging seryoso. Mukhang nainis siya sa sinabi ko, pero hindi nagsalita. "Please say sorry." Bakit naman ako mag-s-sorry? At bakit kasi siya naroon? It's his fault. Puwede naman siyang umilag. Ang tanga naman niya. Ngumuso lang ako. "Pasensya na kayo sa pamangkin ko, huh... Pasensya na, Hendrix." Tiningnan ako ni Auntie. "At iyong manok, patay na." Hinilot niya ang kaniyang ulo. "Si Amelia nga pala. Amelia si Henlyn at mga anak niya, si Haranna at si Hendrix." Nginitian ako ng dalawang babae, pero si Hendrix ay hindi na nagbago ang seryosong ekspresyon. Tipid akong ngumiti sa dalawang babae sabay kaway. Magpapaputol daw ng damo sa likod at gilid ng bahay si Auntie, kaya sila nandito. "Kumain na muna tayo." "Hindi na, hindi pa naman kami gutom," sabi ng matandang babae. Maybe nahihiya siya. "Naku, sige na. Para may lakas kayo. At saka madami akong nilutong almusal." Napilit sila nina Auntie kaya sabay-sabay kaming kumain. Kaunti lang ang nilagay nila sa kanilang plato, kahit madami namang pagkain. "Magiging kaklase mo si Haranna, Amelia," sabi ni Auntie sa akin. "Ah..." Nahihiyang ngumiti ang babae. Nagsubo siya ng kaunti. "Si Hendrix naman ay college na. Mag-fourth year college na. Civil engineering." Tumango ako sabay sulyap kay Hendrix na nasa plato niya ang tingin. "Dalawang taon na lang, makapagpatapos ka na, Henlyn." "Kaya nga, e. Kaunting sipag at tiyaga pa." Tinapik niya ang balikat ng anak na lalake. Malambing naman na ngumiti ang lalake sa kaniya. Hendrix is wearing a shirt na hindi man luma, ngunit alam kong hindi nila binili. Bigay ito ng politiko noong eleksyon. Ang shorts niya ay kulay blue na jersey. Malinis ang kaniyang mga kuko. Makinis ang kaniyang maputing balat. He's handsome, kaso poor siya. Pagkatapos kumain, nagpahinga lang sila saglit bago sila nag-umpisa sa kanilang work. Naligo na din muna ako dahil mainit. Hindi kasi airconditioned ang buong house. Iyong mga rooms lang ang may aircon. Nagsuot ako ng sando and shorts bago ako tumambay sa harap ng bahay. Dala ko ang phone ko na walang signal, kaya I end up listening to my downloaded songs na lang. Si Tita naman ay niluluto iyong chicken na napatay ko. Mainit na sa likod kaya lumipat sa gilid si Haranna. Nagpuputol siya ng grass gamit ang kaniyang maliit na bolo. Nginitian ko siya dahil bored ako. Nahihiya naman itong ngumiti pero she didn't try to start a conversation with me. "Ang boring dito..." bulong ko. Tinanggal ko ang headset ko dahil sumakit ang aking ulo. Nahiga ako dito sa outdoor couch at nilakasan pa ang volume. Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan. Nagising ako nang tawagin ako ni Auntie. Kakain na daw kami. Tapos na din ang ginagawa ng mag-iina ngunit may iba pang ipapagawa si Auntie sa kanila. Inulam ko iyong chicken na napatay ko. Masarap naman kaya hindi ako gaanong nakonsensya sa sinapit niya. Sa kubo kami sa labas kumain. Mahangin dito dahil sa mga puno sa paligid. Pagkatapos kumain, tumayo na ako pero tinawag ako ni Auntie. "Amelia, you should help me wash the dishes." "But I don't know how to wash dishes." May maid kami to do that at our house. "We should hire a maid na lang, Auntie. I'll asked Mommy to do that." Tita sighed. "I don't want to hire a maid. You should learn how to do house chores." "Next time na, Auntie." Sabi ni Mommy mahal niya ako pero dinala lang pala niya ako dito para mamuhay na mahirap. "Ako na lang po ang maghugas ng mga pinagkainan," sabi ni Haranna kaya dali-dali na akong pumasok sa loob. "Sinanay kasi." Dinig ko pa ang sabi ni Auntie. Pinatay pala ni Auntie ang aircon sa loob ng room ko kaya kinailangan ko munang palamigin ang buong kuwarto ko. Mainit, kaya pawisan na ako. Pumili ako ng susuotin kong damit bago ako bumaba upang maligo. Kaso pagbukas ko ng pintuan ng banyo, nadatnan ko si Hendrix na nagsusuot ng kaniyang brief. Mukhang katatapos lang niyang maligo. Hindi niya ako napansin at hindi niya narinig ang bahagyang pagtulak ko ng pintuan dahil bukas ang gripo. And damn it! Butas ang brief niya. Butas sa may magkabilang pisngi ng kaniyang puwet. Sobrang hirap ba ng buhay nila at hindi man lang sila makabili ng bagong brief? Lumayo na ako bago pa niya ako mapansin. Bakit ba kasi hindi siya nag-locked ng pintuan? Sa sala na ako naghintay. Nanonood sina Auntie kasama ang dalawang babae. Iba na din ang suot nilang mga damit. Napatingin ako sa lalake nang pumasok siya ng sala. Hindi ako pamilyar sa brand ng sabon niya pero ang presko nito sa ilong. And he also look fresh and very clean. Nakasuot siya ng blue na tshirt na medyo kupas na at red jersey. Guwapo pa din siya kahit ganoon ang suot niya. Kung maayos lang siguro ang damit niya, papasa na siya sa taste ko. Kaso it's a no for me pa rin. Napatingin sa akin ang kulay brown niyang mga mata at mabilis din siyang nag-iwas ng tingin, na para bang it's a sin to look at me. Naupo siya sa tabi ng kaniyang kapatid at pinirmi ang mata sa tv na hindi ganoon kalinaw. Tsk! Humalukipkip ako at hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. Hinintay ko siya na muling mapatingin sa akin. I'm sure he will. Sino ba ang makaka-resists sa ganda kong 'to? Kaso, lumipas na ang ilang minuto hindi pa din siya tumitingin sa akin. Tumikhim si Auntie kaya napatingin ako sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay habang ang mga labi ay may multo ng ngiti. "What?" tanong ko sa kaniya pero mahina lang siyang tumawa.Nakakatamad pumasok sa school, kaso I have too, dahil kung hindi mapag-iiwanan ako. Hinatid ako ni Auntie sa school pero hindi na niya ako sinamahan pa na mag-enroll. Binilin niya ako sa kaniyang kaibigan na magiging classrooms adviser ko. "Ang ganda mo, Amelia. Kamukha mo ang Mommy mo." Sa pagkakaalam ko, kaibigan din siya ni Mommy noon. Ngumiti lang ako at nagpasalamat. Nakita ko pa lang ang mga classrooms hindi na ako natutuwa. Hinatid ako ni Mrs. Mendez sa loob ng aming classroom. Nagsisimula na ang klase kaya pinakilala ako ng teacher sa buong klase."Upuan mo na muna iyong bakante, hija," utos nito. May nakaupo daw sa bakanteng upuan sa gitna kaso absent siya ngayon. I feel bored. Nakatitig ako sa harapan pero ang isip ko ay lumilipad sa Manila. Naalala ko ang school ko. Mga kaibigan ko at ang aking bff. Nagtataka na siguro siya ngayon kung bakit hindi ako pumasok at kung bakit hindi niya ako ma-contact. Namalayan ko na lang na iba na pala ang teacher na nasa aming harapan
Mabuti na lang at naisip ako ni Auntie. Alas-tres y media ay dumating na siya. "Sorry, hija, nakalimutan kitang bigyan ng spare key." "It's okay, Auntie." Sinamahan naman ako ni Haranna kaya hindi ako gaanong na-bore. Kahit na ang drama ng pinagkuwentuhan namin. Hindi kasi ako madramang tao. Ma-drama ang pamilya namin, pero hindi ko iyon kinukwento pa. Hindi ko lang gustong i-share. "Aalis na ako, Amelia.""Saglit lang, Ranna. May dala akong pagkain dito. Mag-uwi ka sa inyo." Bumalik sa pagkakaupo si Ranna at hinintay muna si Auntie. "Thanks, Ranna." Pumasok na din ako sa loob. Pakiramdam ko nanlalagkit na ang pakiramdam ko kaya magbibihis na muna ako. Binuksan ko na din muna ang fan habang hinihintay ko na mapalamig ng aircon ang room ko. "Amelia, your Mommy is on the other line."I checked my celphone. Nakasabit ito sa may window. May signal kasi sa bandang 'to kaya dito ko nilagay, kagabi pero na-lobat na pala. Hindi ko din 'to nadala kanina sa school. Lumabas ako ng room up
Nagbaon na ako ng lunch the next day. May mga dala din akong sandwich, chocolates at cookies. Galing ito kay Mommy. Pinadala daw niya kahapon sa bus na dumating dito kaninang five am. "Mag-aral ng mabuti," paalala ni Auntie pagbaba ko ng kaniyang sasakyan. Maaga pa kaya nag-ayos na muna kami ng mga kaklase ko. Dinala ko iyong make ups na ipapahiram ko sa kanila. So far, wala pa naman akong nakitang magiging threat sa akin. Nakakapanibago nga na walang umaaway sa akin, na gaya sa Manila na kahit wala naman akong ginagawa sa kanila, galit na galit sa akin. Kahit paano hindi na ako gaanong malungkot, iyon nga lang one over twenty ang nakuha ko sa quiz namin. I feel like I'm bobo, eh, I'm not naman. Hindi lang talaga ako nakapag-review kagabi. At saka wala akong notes pa. Binigyan ako ng module ng aking teachers. Pag-aralan ko daw. They're giving me chance since late na akong nag-transfer ng school. Ganito talaga ang mangyayari. Naunang matapos ang morning class namin, kaya inaban
Nakasagot ako sa recitation. Perfect score din ako sa seatwork namin. Good mood tuloy ako hanggang sa mag-lunch break kami. Dahil doon nilibre ko ng icecream si Ranna. Tuwing din siya. "Kumusta ang pag-tutor ni Kuya sa'yo?""Ayos naman. Perfect ako sa seatwork namin sa Math.""Mabuti naman. Saka magaling si Kuya magturo, di ba?""Yeah," sagot ko habang naiisip ang nangyari kagabi. Hindi ko din alam kung bakit ako na-guilty na narinig ni Hendrix ang mga sinabi ko. Eh, ano naman kung narinig niya, di ba? Sino ba siya? Dahil iniisip ko siya kagabi, I mean iyong nangyari napanaginipan ko na naman siya. Tinititigan daw niya ako. And I was blushing. My God! Hindi ko matanggap! Bakit ba palagi na lang ganoon ang panaginip ko? After lunch break, nadatnan ko ang ilang mga sulat na nakapatong sa aking upuan. Tinutukso tuloy ako ng mga kaklase ko. "Ang haba ng hair. Sana all!" Hindi naman ako interesado sa mga 'to, lalo na kung hindi naman mga guwapo ang nagbigay ng mga 'to. "Sino ang n
Akala ko hindi na babalik si Hendrix kaya inis na inis ako kanina. Nasa baba na daw siya sabi ni Auntie. Nagpalit muna ako ng damit bago ako bumaba. Wala ako sa mood habang tinuturuan niya ako. Hindi ako tumitingin sa kaniya at wala din ako sa sarili. "You've not listening."Bumuntong hininga ako. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kaya nayayamot na din ako. "Wala ako sa mood," sagot ko pagkaraan ng ilang sandali. "Kailangan mo pa ding mag-aral. Malapit na ang long quiz niyo. Hindi puwedeng bumagsak ka." But that didn't motivate me pa din. Nangalumbaba ako. Napakurap naman siya habang nakatingin sa akin. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Talagang giniit niya na mag-aral ako. Limang math problem lang ang natapos namin sa buong two hours dahil wala talaga ako sa mood. "Sige, bukas na lang. Gagawin ko na din bukas iyong project mo." Nakatingin siya sa akin. Nanatili naman akong nakaupo habang hawak ang pisngi. "Aalis na po ako, Auntie," paalam niya. Lumapit naman si Aunti
Last day na magtuturo si Hendrix sa akin. May natutunan naman ako dahil maayos siyang magturo. Pero paano na ako kapag tapos na niya akong turuan? At ano ba ang pagkaka-busy-han niya? Ayaw ba niya ng pera? Alas-sais y media nang dumating siya. Naka-civilian siya and he looks cute. Cute? Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng matinong damit aside from his polo na school uniform niya. Pero syempre luma pa din ang shoes niya at bag. Siguro naman nakabili na siya ng bago niyang brief. Baka sinusuot pa din niya iyong may butas. Nagsimula na kami sa lesson. Binigyan niya ako ng madaming activity at natagalan ako sa pagsagot sa mga ito. "Kumain na muna tayo mamaya na ulit iyan," sabi ni Auntie kaya tumayo na ako. Inaya ko si Hendrix pero hindi ko na siya pinilit pa dahil hindi naman na kailangan iyon. Kakain siya dito dahil gabi na at baka abutin pa kami ng nine sa lesson namin. May long quiz kami sa apat na subject bukas, kaya kailangan kong mag-aral ng husto. "Ilang linggo kang magig
Kinuha ko iyong paper bag at dinala sa labas. "Oh, akala ko ba bibigyan mo na sila?""Ayaw kong bigyan iyong babaeng iyon.""Ikaw talaga. Mag-aral na lang kasi tayo. Hayaan mo sila. Baka mamaya makahalata pa si Kuya. Mas maganda na hindi niya alam na may gusto ka sa kaniya." "Paano naman niya ako mapapansin kapag hindi niya nalaman na gusto ko siya? E di, mas lalong wala akong pag-asa.""Hindi dapat tayo ang naghahabol sa lalake, Amelia. Nagka-boyfriend ka na ba sa Manila?"Umiling ako. "Hindi pa. Suitors lang." "Wala kang lalakeng nagustuhan na gaya ng pagkagusto mo kay Kuya?""Wala. Kasi wala naman sa isip ko ang bagay na iyon.""Iyon naman pala, e. Mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo. You're not even eighteen. Menor de edad ka pa, kaya mas malabong mapansin ka ni Kuya at maging kayo."Parang mas lalo tuloy akong nawalan ng gana na mag-aral. Binabasa ni Ranna ang mga notes ko. Nakahiga naman ako at nakatitig sa kalangitan. I'm wearing my shades."Hindi ka naman nakikinig, e. Gus
Nandito pa din ako sa ospital. At hindi pa gaanong maganda ang pakiramdam ko. Alas-otso na ng umaga at oras na ng pag-inom ko ng gamot. "How are you feeling?" Absent ako sa school at pati si Auntie ay absent din sa kaniyang work. "Better than yesterday, Auntie," sagot ko sa namamalat na boses. Tuyo ang pakiramdam ng aking lalamunan. Napatingin ako sa mesa na puno ng mga pagkain. "Dumaan nga pala si Hendrix kanina. Nagbigay ng saging. May sulat din si Ranna sa'yo."Sumigla ako ng kaunti, pero nang maalala ko ang nangyari kahapon, na-cringe ako. Nakakahiya kay Hendrix. Hiyang-hiya ako sa aking sarili. Binasa ko ang sulat ni Ranna. Get well soon lang naman ang nakalagay, pero natuwa ako dahil bukod kay Reigna pakiramdam ko totoong kaibigan ko din siya. Nagpadala si Mommy. Pero dahil busy daw siya hindi na ito tumuloy sa pag-uwi. Ayos lang din naman sa akin. As much as possible ayaw ko siyang nag-wo-worry sa akin. Though, I appreciate it. Mahalaga pa din pala ako sa kaniya. Kumain