Share

CHAPTER 5

Mabuti na lang at naisip ako ni Auntie. Alas-tres y media ay dumating na siya.

"Sorry, hija, nakalimutan kitang bigyan ng spare key."

"It's okay, Auntie." Sinamahan naman ako ni Haranna kaya hindi ako gaanong na-bore. Kahit na ang drama ng pinagkuwentuhan namin. Hindi kasi ako madramang tao. Ma-drama ang pamilya namin, pero hindi ko iyon kinukwento pa. Hindi ko lang gustong i-share.

"Aalis na ako, Amelia."

"Saglit lang, Ranna. May dala akong pagkain dito. Mag-uwi ka sa inyo."

Bumalik sa pagkakaupo si Ranna at hinintay muna si Auntie.

"Thanks, Ranna." Pumasok na din ako sa loob. Pakiramdam ko nanlalagkit na ang pakiramdam ko kaya magbibihis na muna ako. Binuksan ko na din muna ang fan habang hinihintay ko na mapalamig ng aircon ang room ko.

"Amelia, your Mommy is on the other line."

I checked my celphone. Nakasabit ito sa may window. May signal kasi sa bandang 'to kaya dito ko nilagay, kagabi pero na-lobat na pala. Hindi ko din 'to nadala kanina sa school.

Lumabas ako ng room upang makausap si Mommy.

"Hello, mommy..."

"Hello, Anak. How are you?"

She's crying.

"Why are you crying? Did you miss me or Daddy did something to you again?"

"Our house is not the same without you," humihikbi niyang sagot. Maaring tama ang hula ko. Nami-miss niya ako at may ginawa na naman ang magaling kong ama sa kaniya.

I sighed. "Miss you too, Mommy. Sana puwede na akong bumalik diyan this next school year." May kulang four months pa bago ang sunod na pasukan. Hindi siya sumagot.

"Mommy!" nayayamot kong tawag.

"Kapag natuto ka na. Puwede ka ng bumalik." Natuto na ano?

"I have to go now, Anak. Take care and huwag bibigyan ng sakit ng ulo ang Auntie mo. Okay? I love you."

Urgh! Nakakainis!

Kamuntik ko pang mabato ang celphone ni Auntie. Nayayamot akong pumasok ng aking room, sabay dive sa aking kama.

May assignment kami pero pinagpaliban ko na muna. Hanggang sa makatulog ako at magising pero nawala na sa isip ko.

Shit! Wala akong napasa na assignment. Hindi ako nakasagot sa recitation dahil wala ako sa aking sarili. At nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa matapos ang morning class ko.

Nagmukha akong bobo. Hindi naman ako bobo. Wala lang talaga ako sa mood at wala sa sarili ko ngayon.

During lunch time, wala pa akong makitang maayos na pagkain sa canteen.

"Amelia!" Lumapit sa akin si Ranna. May bitbit siyang lunch box at isang bote ng mineral water na wala ng laman. Ito ata ang baunan niya ng tubig. Wala siyang tumbler.

"Kakain ka na? Wala kang mapiling pagkain?" tanong niya nang makita na wala akong hawak na pagkain.

"Yeah. Hindi kasi ako kumakain ng mga ganoon, e."

"May tindahan sa labas ng gate. Try mong tingnan doon, baka may magustuhan ka. Hindi puwedeng hindi ka kumain." She's caring and she looks so genuine.

"Okay. Samahan mo ako," sabi ko at hindi na siya hinayaan na sumagot pa. Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad kami hanggang sa labas ng school.

May apat na tindahan dito. Iyong isa ay tindahan ng mga school supplies at kung ano-ano pa. Iyong isa ay kainan din pero hindi ko pa din gusto ang lutong ulam nila. And the rice look so mabuhaghag. Iyong isa naman ay nagtitinda ng meryenda like shake, cheap shake actually dahil powder ang gamit nila. It's twenty pesos ang isa. May burger, fries and sandwich. Tingin ko ay okay na ito for my lunch.

Bumili ako ng tag-iisa para mabigyan ko din si Ranna. Bumili ako sa convenient store ng two bottled water, pinili ko iyong may pinakamagansang packaging para maganda-ganda tingnan ang baunan ng water ni Ranna. I also bought coke for me and juice for Ranna dahil ayaw daw niya ng carbonated drinks.

Ang dami kong binili kaya madami kaming bitbit na bumalik sa loob ng school. Sa ilalim kami ng puno kumain ni Ranna.

"Ang dami mong binili, Amelia. Thank you, ha."

"You're welcome. I don't have friends pa, so, tayo na lang ang magkasama na kumain ng lunch lagi."

She smiled and nod her head.

"Sige." Hindi ko naubos iyong burger at sandwich. Kinagatan ko lang. Dahil nanghinayang si Ranna siya na lang ang umubos. Iyong kaniya ay tinabi na lang niya. Kakainin daw niya mamayang recess.

Malakas siyang kumain. Ang ulam niya ay canned cornedbeef na mayroong sahog na egg. Naalala ko tuloy iyong vlogging channel ko. Hindi ko na naluto iyong pancit canton.

Inayos niya ang mga 'to sa red ecobag na pinaglagyan ko kanina.

"Magbaon ka na lang din bukas," sabi nya sa akin. Mukhang ganoon na nga ang mangyayari. Mas maayos pa ang pagkain sa bahay ni Auntie. Drinks na lang ang bilhin ko para malamig pa.

Nilabas niya ang notebook niya at nagsimulang magsulat.

"That's not your note," sabi ko dahil napansin ko na iba ang penmanship doon.

"Ah, oo. Raket ko 'to," sabi niya. Gumagawa siya ng projects, assigments, at essays ng lower years o kaya lower section.

"Madaming nagpapagawa sa'yo?"

"Oo. Mga sampu. Tapos may tutor pa ako na dalawa." She chuckled. Ang sipag naman niya. Sobrang dedicated din niya. Well, siguro dahil sobrang hirap ng buhay na kinalakihan nila kaya ganoon.

"Magkano ang bayad sa'yo ng tutor?"

"One hundred ang isang oras." One hundred lang?

"Ano'ng ginagawa mo sa bayad sa'yo?"

"Minsan pinambibili ng projects. O kaya naman pambili ng bigas." I admire her dedication. Hindi ako nagkaroon nang kakilala o kaibigan na sobrang hirap ang buhay kaya wala akong idea na mayroon palang tao na super hirap ang buhay. Hindi naman siguro sila ganito kahirap kung sinusuportahan sila ng daddy nila. Bakit ko ba 'to pinag-aaksayahan ng oras para isipin?

Limang minuto bago mag-start ang afternoon classes ay pumasok na kami. Naupo na ako at nilabas ko ang aking pressed powder. Nagpahid ako sa mukha at naglagay din ng tint.

Napatingin sa akin ang mga kaklase kong babae. Sa mga gamit ko na nakalatag sa aking harapan.

"Amelia, puwedeng pahingi ng cologne mo?"

"Sure." Victoria's secret lang naman ito kaya ayos lang na makiwisik sila. May mga luxury perfume ako pero hindi ako nagdala. At gusto ko lang din na ako ang gumagamit ng mga iyon.

Nakipahid din sila ng liptint. Iyong tint na nagamit ko na once. Tinabi ko na lang para bukas kapag nanghiram sila, ito na lang ang ibigay ko. Pero iyong pressed powder ko, it's a no.

"Pabili na lang tayo ng powder," sabi ko na lang para hindi sila ma-offend. Hindi naman ako madamot. Hindi lang talaga okay sa akin na hinihiram ang mga personal things ko. It's kadiri kaya. Naglabas ako ng one hundred at nag-utos na lang ng bibili.

Kahit nasa probinsyana uso din pala ang mga naka-make up na mga high school students. Well, not bad. Bukas dadalhin ko iyong pinaka-cheap na mga make ups ko at ipapahiram ko sa kanila. Kahit paano, hindi na ako lutang sa maghapon. Nagkaroon kami ng class activity. May groupings din kami para sa isang maiksing skit na gagawin namin bukas.

Nagsulat ako ng maiksing script at pinakopya ito sa mga kagrupo ko para makabisa nila ang part nila.

Nakangiti ako nang matapos ang klase namin. Paglabas ko ng gate ay nakita ko agad si Ranna. Mukhang naunang matapos ang klase nila kaysa sa amin.

Bitbit pa din niya iyong ecobag at nasilip ko na buo pa ang drinks at iyong mga pagkain kanina.

"Ayaw mo n'ong mga pagkain?" I asked her.

"Hindi. Iuuwi ko para share kami nina Kuya at Mama."

"Ah..." Maganda siya, pero magmumukha siyang kawawa dahil sa hirap ng buhay nila. Nakakainis 'tong babaeng 'to, dahil na-c-confuse na ako sa nararamdaman ko dahil sa kaniya. And speaking of her Kuya. Nandito na siya.

He really looks good in his uniform. I shook off that thought. Napanaginipan ko na naman siya kagabi. Nag-date daw kami, tapos kumakain kami ng buko.

My gosh! Ang cheap ng date namin! Kaya hindi ko siya puwedeng magustuhan!

Sabay na kaming umuwi ulit. Maglalakad na naman kami pero hinila ko si Ranna nang makapara ako ng tricycle. Iyon daw ang tawag dito.

Nakasimangot si Hendrix sa akin pagbaba namin pero nginisihan ko lang siya.

Nagpasalamat si Ranna sa akin saka sila naglakad palayo na magkapatid. Nakapamewang naman ako habang sinusundan sila ng tingin.

"Amelia!" Tinatawag na ako ni Auntie kaya pumasok na ako sa loob. Nauna siyang umuwi pero hindi na niya ako sinundo para matuto daw ako.

"Nakausap ko ang adviser mo. Wala ka daw assignment at hindi ka daw nakasagot sa recitation. Hindi lang iisang subject 'to."

Ngumuso ako.

"Sinabi ko sa mommy mo. Sinabi niya na kuhanan daw kita ng tutor."

"Okay. Magkano ba ang bayad sa tutor, Auntie?"

"Bakit?" She chuckled. "Himala ata na na-curious ka na sa mga presyo. Sasabihin ko sa Mommy mo na nagbabago ka na," biro niya.

"Si Ranna na lang ang kunin natin."

"That's a good idea. Si Hendrix nga ang nasa isip ko."

What? Ayaw ko doon.

"...kaso baka wala kang matutunan kung siya ang tutor mo, dahil tititigan mo lang siya."

"Auntie!"

"Bakit? Akala mo hindi kita napapansin?"

"Duh? Hindi ko naman siya type." Umismid lang siya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Margie Roylo
ang cute nmn nito Miss Shynn and at the same time naaawa ako sa buhay nila Hendrix sobrang relate ako dahil sa sobrang hirap din ng pamumuhay namin nong ako'y studyante pa kaya laban lang talaga
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status