Share

CHAPTER 6

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2024-08-07 12:07:06

Nagbaon na ako ng lunch the next day. May mga dala din akong sandwich, chocolates at cookies. Galing ito kay Mommy. Pinadala daw niya kahapon sa bus na dumating dito kaninang five am.

"Mag-aral ng mabuti," paalala ni Auntie pagbaba ko ng kaniyang sasakyan.

Maaga pa kaya nag-ayos na muna kami ng mga kaklase ko. Dinala ko iyong make ups na ipapahiram ko sa kanila.

So far, wala pa naman akong nakitang magiging threat sa akin. Nakakapanibago nga na walang umaaway sa akin, na gaya sa Manila na kahit wala naman akong ginagawa sa kanila, galit na galit sa akin.

Kahit paano hindi na ako gaanong malungkot, iyon nga lang one over twenty ang nakuha ko sa quiz namin. I feel like I'm bobo, eh, I'm not naman. Hindi lang talaga ako nakapag-review kagabi. At saka wala akong notes pa.

Binigyan ako ng module ng aking teachers. Pag-aralan ko daw. They're giving me chance since late na akong nag-transfer ng school. Ganito talaga ang mangyayari.

Naunang matapos ang morning class namin, kaya inabangan ko na lang si Ranna sa bench sa labas ng classroom nila.

Iyong mga fourth year students naman na dumadaan ay napapatingin sa akin, lalo na ang mga boys. Kaso wala akong makitang okay sa kanila. Sa probinsyang 'to si Hendrix pa lang ang nakita kong guwapo. Shit! Siya na naman!

Nakakainis dahil napanaginipan ko na naman siya kagabi. Hindi ko naman siya iniisip pero bakit lagi ko na lang siyang napapanaginipan? Ni hindi ko nga siya gusto. Oo, guwapo siya pero hindi ko siya gusto!

"Amelia!"

Bakit ba Amelia nang Amelia ang babaeng 'to? Sinabihan ko na siya kahapon na Amie na lang ang itawag sa akin, e.

"Tara, bumili na muna tayo ng cold drinks," sabi ko at nauna ng maglakad. Hindi ko gusto ang paninitig ng ibang mga lalakeng estudyante sa akin. Buti sana kung mga guwapo sila, hindi naman. Mukha silang mga manyakis.

Sa canteen na lang kami bumili. May water naman siyang baon kaya juice na lang ang binili ko for her. Ang gamit niyang baunan ng water ay iyong binili ko kahapon.

Nagpadala si Mommy ng tumbler ko pero lima lang kasi iyon. My tumbler from Monday to Friday. I'll asked her tonight to send me another one. Ibibigay ko kay Ranna.

Hindi ko nga din maintindihan kung bakit gusto ko ang babaeng ito, kahit na mahirap lang siya. Siguro dahil wala namang mayayaman dito. Kung mayaman man masakit naman sa mata.

Gumawa siya ng mga projects pagkatapos naming kumain. Ako naman ay nahiga at nakaidlip kaya hindi ko na nasabi sa kaniya iyong tungkol sa tutor.

Hindi ko pa natanong kay Auntie kung magkano ang badget sa magiging tutor ko. Pero I'm sure naman na mas mataas kaysa sa bayad ng mga tutee niya.

"Wala pa ang Kuya mo..." Nakalabas na kami ng gate pero hindi ko makita si Hendrix.

"Six ang last na subject niya ngayon, kaya tayong dalawa lang ang uuwi."

"Ah, okay. Mag-tricycle na lang tayo. Ako na ang magbabayad." Kaysa ako lang mag-isa ang sasakay. Fixed naman ang pamasahe dito kahit ilan ang sasakay.

Pagdating namin sa labas ng bahay, lumapit sa amin si Auntie.

"Ranna, puwede ka bang mag-tutor kay Amelia?"

Nagulat naman si Ranna. Hindi inaasahan dahil parehas lang naman kami ng grade, pero siya pa ang mag-t-tutor sa akin.

Naging alanganin ang mukha niya, dahil hindi siya nakasagot agad.

"Gusto ko pa sana, kaso nadagdagan na po kasi ng tatlo ang kailangan kong i-tutor. May mga ginagawa pa po ako na mga projects."

Paano iyon?

"Sorry, Amelia."

"It's okay." Napaisip ako. I can't fail at mas lalong ayaw kong maging pasang awa kaya I need a tutor.

"Ang Kuya mo, puwede ba siya?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Auntie.

I looked at her with a protest but she didn't even look at me.

"May tutor din po siya at ginagawang mga plates, pero puwede po siguro siya."

Ngumiti si Auntie. Ako naman ay hindi na maipinta ang mukha.

"Pakisabi sa kaniya mamaya na gusto ko siyang kausapin, okay?"

"Okay po, Tita." Nauna na si Ranna. Ako naman ay naiwang nakatulala at hindi makapaniwala.

Gosh!

Tumawag si Mommy kaya hindi ko na nakausap pa si Auntie. Mahaba ang usapan namin dahil madami akong pinabili. At lahat ay oo ang sagot niya.

Parang may mabuti namang dulot sa relasyon naming mag-ina ang pagtira ko dito sa probinsya. Hindi tulad nang nasa Manila ako na halos hindi na kami magkitang dalawa. Ngayon lagi na kaming nagkakausap sa phone. Hindi ko na natanong si Daddy sa kaniya. Ayaw kong masira ang araw ko. Wala namang ibang ginagawa iyon kung hindi ang mambabae.

"Huwag ka ng mag-inom, okay?" bilin ko kay Mommy.

She chuckled. "Yes, my baby."

Ngumuso ako. I sighed. "I love you, Mommy. See you soon."

Ginawa ko na muna ang assignment ko dahil baka makalimutan ko na naman. Hindi ko alam kung tama, pero atleast gumawa ng assigment.

Alas-siete nang bumaba ako dahil nagugutom na ako. Nakaluto na din si Auntie.

"Pakuha na lang ng mga plato." Ginagawa talaga akong utusan sa bahay na 'to, pero hindi na lang ako nagreklamo dahil wala namang maid si Auntie.

"Auntie, wala kang kilalang teacher na puwedeng maging tutor ko?"

"Bakit? Magaling naman si Hendrix, ah. Valedictorian iyon from elementary to high school. Scholar din siya."

Tumawa siya nang manahimik ako.

"Don't tell me you like him..."

"Hindi ko siya type Auntie. Duh? Parang hindi mo naman ako kilala."

"I know you well, Amelia."

Tinirik ko ang aking mga mata.

"Malabong magustuhan ko siya. Ang type ko sa lalake, e, iyong mayaman, may kotse, maganda manamit. You know."

"Mayaman naman si Hendrix. Mayaman sa mabuting asal at utak. At magandang binata."

"No, Auntie. Importante pa din sa akin kapag mayaman ang guy. Hindi pasok si Hendrix sa standard ko. Nakita mo naman, damit pa lang niya... Hindi..."

Namutla si Auntie at naging alanganin ang ngiti. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Hendrix na nakatayo roon. Shit! He's not supposed to hear that.

Tumikhim si Auntie. "H-Hijo..."

"Gusto niyo daw po akong makausap, Tita?"

"Ah, oo, hijo. Gusto ko sanang ipa-tutor si Amelia. Hindi na daw kaya ng oras ni Ranna kaya ikaw na lang sana kung puwede."

Hindi agad nakasagot ang lalake. Mukhang plano pa niyang tumanggi.

"Please, hijo. Late na kasi siyang lumipat ng school kaya kailangan niya ng tutor. Kailangan niyang makahabol."

Bakit kailangang makiusap ni Auntie? Nakakainis naman!

"Sige po, pero mga ten days ko lang po siya matuturuan. Magiging busy na po kasi ako."

"Okay, hijo. Salamat. Bukas mag-start?"

"Sige po, pupunta na lang po ako dito pagkatapos ng klase ko." Umalis na siya.

"Dapat matuto ka sa ten days. Wala na tayong puwedeng kunin na mag-tutor sa'yo. And Amelia, please be nice to him."

"Nice naman ako, ah."

"Tigilan mo ang pangmamaliit mo sa kaniya."

"Hindi ko po siya minamaliit, Auntie. Ang tangkad-tangkad nga niya, mas matangkad pa sa akin."

Sinimangutan ako ni Auntie.

"Bahala ka na nga!"

Sabay ulit kaming kumain ni Ranna the next day. Binigyan ko siya ng cake, pero hindi din naman niya kinain dahil gusto niyang matikman din ito ng Kuya at Mama niya.

Paano kaya niya nagagawang maging masaya sa kabila ng sitwasyon nila? Wala silang ama, tapos sobrang hirap din nila.

Cornedbeef with egg na naman ang ulam niya. Hindi ba siya nagsasawa? Hindi ako mahilig sa cornedbeef. At bilang lang sa daliri ko sa kamay na kumain ako n'on. At mamahaling brand din iyon.

"Bakit?" nakangiti niyang tanong nang mapansin niya na nakatitig ako sa kaniya.

"Wala naman. May iniisip lang ako."

"By the way, ano'ng oras matatapos ang klase ng Kuya mo ngayon?"

"Mga five. Mauuna na tayong umuwi mamaya." Four thirty matatapos ang klase namin mamaya kaya maghihintay pa ako ng more than one hour.

May assignments na naman ako. At iyong assignment ko kahapon, wala akong nakuhang tamang sagot. Hindi ko maintindihan iyong explanation ng teacher.

Pagkauwi ko, nag-half bath na muna ako. Nagsuot ako ng sando at shorts dahil mainit ngayon. Nilabas ko na din ang mga assignments ko. Ipapasagot ko kay Hendrix mamaya.

Nang makarinig ako ng yabag, umayos ako ng upo. Nakasuot siya ng white tshirt na mayroong tatak na CE, he's wearing a jeans na okay na din. Hindi ko alam kung luma, pero wala akong pakialam. Iyong shoes niya, luma na talaga. Sana bumili siya ng bago. Malaki naman ang ibabayad ni Mommy sa kaniya.

Sabi ni Auntie three hundred fifty per hour daw ang kilala niya na tutor sa syudad. Sabi naman ni Mommy gawin na niyang five hundred.

Tinuro ko ang upuan sa aking tapat. Nakatitig lang kasi siya sa akin. Napakaseryoso ng kaniyang mukha. Nagsusungit. Bakit ba niya ako sinusungitan? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.

Binaba niya ang lumang bagpack niya sa sahig. Ah! Bakit ba puro luma ang gamit niya? Ang sakit sa mata!

"May assignment ka?" tanong niya sa flat na boses.

"Meron." Tinuro ko ang tatlong notebook na nakapatong sa mesa. Binasa niya ito. Kinuha niya ang writing pad ko at ballpen, saka siya nagsulat ng problem na kapareho sa assignment ko.

"Hindi ba puwedeng ikaw na lang ang sumagot ng assignments ko?" Ngumuso ako at nagpa-cute, pero hindi man lang nagbago ang seryosong ekspresyon niya.

"No. You should answer this. How will you get the right answer if you don't want to learn?"

Nagsimula siyang mag-explain. Ang galing niyang magpaliwanag. Mas magaling pa siyang magpaliwanag kaysa sa Math teacher namin. Ang guwapo din niya. Napangiwi ako.

Pero nang ako na ang sasagot, hindi ko pa din alam.

Inulit niya ulit na ipaliwanag iyong example niya kanina. Natandaan ko ang formula pero na-miscalculate ko.

Hindi naman siya naiinis. He look so patient while explaining it to me.

May dimple pala siya na sobrang liit sa magkabilang gilid ng kaniyang labi.

"Are you listening?" seryoso niyang tanong.

"Ah, oo naman."

"Ulitin mo iyong sinabi ko..."

Ngumuso ako. Ano nga ba ang sinabi niya?

Pagkatapos ng isa pang oras nakuha ko din ang tamang sagot. Natapos ko din ang iba ko pang assignment.

Binigay na din ni Auntie iyong bayad sa kaniya ng dalawang oras. Ayaw pa sana niyang tanggapin dahil nalalakihan siya.

"Sige na. Tama lang iyan. Hindi naman galing sa akin iyan. Sa magulang iyan ni Amelia."

Tinanggap din niya. Pinipilit pa siya ni Auntie na dito na kumain ng dinner, pero hindi na nagpapilit pa. Kukunin pa daw niya iyong kalabaw na alaga niya.

Nakangisi si Auntie habang kumakain kami.

Naiirita ako kaya hindi ko na napigilang magtanong sa kaniya.

"Totoo ang sinabi ko na madi-distract ka kapag si Hendrix ang tutor mo."

"Hindi kaya. Ang hirap lang ng explanation niya."

"Sus!"

"Totoo naman," giit ko.

"Ang simple nga lang ng ginawa niyang explanation."

Hindi na ako nakipagtalo pa. Totoo naman iyon. Mas magaling pa nga siya kaysa sa teacher ko.

"Matalino iyong si Hendrix. Magaling din siyang mag-basketball. Guwapo pa."

"Auntie, what are you trying to do? I'm too young for that."

She chuckled. "Sinasabi ko lang. Natutuwa kasi ako talaga sa batang iyon, pati na sa kapatid niya."

"Well, I like Ranna kahit poor siya."

"Bakit ba ang big deal sa'yo kapag mahirap ang tao?"

"Hindi naman big deal. Pero ibang usapan na kapag sa ideal boyfriend ko." Napikon si Auntie kaya hindi na siya nagsalita. And I don't know why are we talking about it anyway.

"Hendrix!" gulat na bulalas ni Auntie. Oh, not again!

"Ah, naiwan ko po iyong libro ko kanina kaya binalikan po!" sagot naman ng lalake. Hindi na ako lumingon pa dahil nakaramdam ako ng hiya.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Che Che
omg ka Amelia nakaka 2 pts ka na Kay Hendrix
goodnovel comment avatar
Margie Roylo
oyy Amie grabe ka kay Hendrix hahaha ang ganda nmn
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 7

    Nakasagot ako sa recitation. Perfect score din ako sa seatwork namin. Good mood tuloy ako hanggang sa mag-lunch break kami. Dahil doon nilibre ko ng icecream si Ranna. Tuwing din siya. "Kumusta ang pag-tutor ni Kuya sa'yo?""Ayos naman. Perfect ako sa seatwork namin sa Math.""Mabuti naman. Saka magaling si Kuya magturo, di ba?""Yeah," sagot ko habang naiisip ang nangyari kagabi. Hindi ko din alam kung bakit ako na-guilty na narinig ni Hendrix ang mga sinabi ko. Eh, ano naman kung narinig niya, di ba? Sino ba siya? Dahil iniisip ko siya kagabi, I mean iyong nangyari napanaginipan ko na naman siya. Tinititigan daw niya ako. And I was blushing. My God! Hindi ko matanggap! Bakit ba palagi na lang ganoon ang panaginip ko? After lunch break, nadatnan ko ang ilang mga sulat na nakapatong sa aking upuan. Tinutukso tuloy ako ng mga kaklase ko. "Ang haba ng hair. Sana all!" Hindi naman ako interesado sa mga 'to, lalo na kung hindi naman mga guwapo ang nagbigay ng mga 'to. "Sino ang n

    Last Updated : 2024-08-07
  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 8

    Akala ko hindi na babalik si Hendrix kaya inis na inis ako kanina. Nasa baba na daw siya sabi ni Auntie. Nagpalit muna ako ng damit bago ako bumaba. Wala ako sa mood habang tinuturuan niya ako. Hindi ako tumitingin sa kaniya at wala din ako sa sarili. "You've not listening."Bumuntong hininga ako. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kaya nayayamot na din ako. "Wala ako sa mood," sagot ko pagkaraan ng ilang sandali. "Kailangan mo pa ding mag-aral. Malapit na ang long quiz niyo. Hindi puwedeng bumagsak ka." But that didn't motivate me pa din. Nangalumbaba ako. Napakurap naman siya habang nakatingin sa akin. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Talagang giniit niya na mag-aral ako. Limang math problem lang ang natapos namin sa buong two hours dahil wala talaga ako sa mood. "Sige, bukas na lang. Gagawin ko na din bukas iyong project mo." Nakatingin siya sa akin. Nanatili naman akong nakaupo habang hawak ang pisngi. "Aalis na po ako, Auntie," paalam niya. Lumapit naman si Aunti

    Last Updated : 2024-08-07
  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 9

    Last day na magtuturo si Hendrix sa akin. May natutunan naman ako dahil maayos siyang magturo. Pero paano na ako kapag tapos na niya akong turuan? At ano ba ang pagkaka-busy-han niya? Ayaw ba niya ng pera? Alas-sais y media nang dumating siya. Naka-civilian siya and he looks cute. Cute? Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng matinong damit aside from his polo na school uniform niya. Pero syempre luma pa din ang shoes niya at bag. Siguro naman nakabili na siya ng bago niyang brief. Baka sinusuot pa din niya iyong may butas. Nagsimula na kami sa lesson. Binigyan niya ako ng madaming activity at natagalan ako sa pagsagot sa mga ito. "Kumain na muna tayo mamaya na ulit iyan," sabi ni Auntie kaya tumayo na ako. Inaya ko si Hendrix pero hindi ko na siya pinilit pa dahil hindi naman na kailangan iyon. Kakain siya dito dahil gabi na at baka abutin pa kami ng nine sa lesson namin. May long quiz kami sa apat na subject bukas, kaya kailangan kong mag-aral ng husto. "Ilang linggo kang magig

    Last Updated : 2024-08-07
  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 10

    Kinuha ko iyong paper bag at dinala sa labas. "Oh, akala ko ba bibigyan mo na sila?""Ayaw kong bigyan iyong babaeng iyon.""Ikaw talaga. Mag-aral na lang kasi tayo. Hayaan mo sila. Baka mamaya makahalata pa si Kuya. Mas maganda na hindi niya alam na may gusto ka sa kaniya." "Paano naman niya ako mapapansin kapag hindi niya nalaman na gusto ko siya? E di, mas lalong wala akong pag-asa.""Hindi dapat tayo ang naghahabol sa lalake, Amelia. Nagka-boyfriend ka na ba sa Manila?"Umiling ako. "Hindi pa. Suitors lang." "Wala kang lalakeng nagustuhan na gaya ng pagkagusto mo kay Kuya?""Wala. Kasi wala naman sa isip ko ang bagay na iyon.""Iyon naman pala, e. Mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo. You're not even eighteen. Menor de edad ka pa, kaya mas malabong mapansin ka ni Kuya at maging kayo."Parang mas lalo tuloy akong nawalan ng gana na mag-aral. Binabasa ni Ranna ang mga notes ko. Nakahiga naman ako at nakatitig sa kalangitan. I'm wearing my shades."Hindi ka naman nakikinig, e. Gus

    Last Updated : 2024-08-07
  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 11

    Nandito pa din ako sa ospital. At hindi pa gaanong maganda ang pakiramdam ko. Alas-otso na ng umaga at oras na ng pag-inom ko ng gamot. "How are you feeling?" Absent ako sa school at pati si Auntie ay absent din sa kaniyang work. "Better than yesterday, Auntie," sagot ko sa namamalat na boses. Tuyo ang pakiramdam ng aking lalamunan. Napatingin ako sa mesa na puno ng mga pagkain. "Dumaan nga pala si Hendrix kanina. Nagbigay ng saging. May sulat din si Ranna sa'yo." Sumigla ako ng kaunti, pero nang maalala ko ang nangyari kahapon, na-cringe ako. Nakakahiya kay Hendrix. Hiyang-hiya ako sa aking sarili. Binasa ko ang sulat ni Ranna. Get well soon lang naman ang nakalagay, pero natuwa ako dahil bukod kay Reigna pakiramdam ko totoong kaibigan ko din siya. Nagpadala si Mommy. Pero dahil busy daw siya hindi na ito tumuloy sa pag-uwi. Ayos lang din naman sa akin. As much as possible ayaw ko siyang nag-wo-worry sa akin. Though, I appreciate it. Mahalaga pa din pala ako sa kan

    Last Updated : 2024-08-08
  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 12

    Chapter 12Maaga kong hinintay si Hendrix. Tuturuan niya ako ngayon dahil nay exam ako bukas. Special exam since nagkasakit ako. Tumulong pa ako kay Auntie sa paghahanda ng snacks. Gumawa siya ng chocolate moist cake. Pansin ko na mahilig silang magkapatid ng ganito. Baka sa ganitong paraan, magustuhan niya ako. Dumating si Hendrix bandang alas-dies ng tanghali. Gumawa siya ng sampung Math problems at nang matapos ay ginawan naman niya ako ng mga questionaire ng mga possible na lumabas na tanong sa exam ko bukas. Nakapag-review ako kagabi, kaya confident ako na madami akong tamang sagot. Sa math lang talaga ako nahihirapan dahil na-c-confuse pa din talaga ako. Hindi ko pa tapos sagutin ang fifty items na questions nang dumating si Dina. Nasira agad ang araw ko. Nawalan tuloy ako ng ganang mag-aral. Pumasok siya dito sa loob kahit hindi naman siya welcome. Tiningnan niya ang ginagawa ko bago siya sumilip sa sinusulat ni Hendrix. Humawak pa siya sa balikat ng lalake making me irri

    Last Updated : 2024-08-08
  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 13

    Confident ako na nasa dalawa o tatlo lang ang mistakes ko sa exam ko. Tatlong subject ang t-in-ake kong exam ngayong morning class. Naunang natapos ang klase ng special section kaya si Ranna ang naghintay sa akin ngayon. Kumaway siya sa akin. Parang ilang linggo pa lang naman ako dito pero ang dami ng nagbago. Hindi ko gusto ang lugar na 'to at hanggang ngayon ay ganoon pa din naman ang nararamdaman ko. Gaya ni Ranna, I didn't plan to be friends with her naman from the start, but here we are. At isa sa hindi ko gusto dati ay gusto ko na ngayon, si Hendrix. Bumili muna kami ng drinks bago kami nagpunta sa puwesto namin. "May dala akong dessert." Sinobrahan ko na dahil alam kong mag-uuwi siya sa Kuya at Mama niya. Nagningning naman agad ang mga mata niya. Isa ito sa gustong-gusto kong feeling kapag may dala o binibigay akong pagkain kay Ranna. The innocence in her eyes. "Selemet..." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. And then I remember what I have said yesterday. She chuckl

    Last Updated : 2024-08-08
  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 14

    Umuwi pa din akong talunan. Mag-overnight si Dina sa bahay nina Hendrix. Dumating din kanina ang iba nilang mga kaklase. May tatapusin daw silang project. Malungkot akong nagpaalam kay Ranna. "Bantayan mo ang Kuya mo, huh?" "Oo. Hindi pa iyan puwedeng mag-asawa kaya babantayan ko talaga." Mabigat ang katawan ko na umuwi. Hindi din naman maganda na doon ako matulog kaya umuwi na lang ako. At isa pa wala silang kutson. Nakahiga sila sa lapag, may sapin lang na mat. "Buti at umuwi ka na. Akala ko mag-aasawa ka na," biro ni Auntie pagdating ko. Mabigat akong naupo sabay nguso. "Tinatanong pala ng Mommy mo kung kailan ang JS prom niyo." Ngayon na nabanggit ni Auntie, naalala ko na may meeting nga pala sa Monday ng hapon. "Baka iyon ang agenda ng meeting on Monday afternoon, Auntie." "Okay. Mag-halfday na lang ako sa trabaho n'on. Excited na ang mommy mo para sa prom." Hindi ako excited kasi I'm sure uupo lang ako doon hanggang sa matapos ang program. At saan naman a

    Last Updated : 2024-08-08

Latest chapter

  • ENTANGLED HEARTS   EPILOGUE

    ~WEDDING~Maaga ang preparation namin para sa wedding. Madaling araw pa lang ay gising na kami para maayusan ng make up artist. Maaga din kasi ang start ng aming wedding, dahil gusto namin na by seven pm, tapos na ang reception. Gusto naming magpahinga ng maaga, dahil bukas ay aalis kami para sa aming honeymoon.Napangiti ako at nakagat ko ang aking labi. Naalala ko iyong pagbabanta ni Hendrix nang isang araw. Humanda daw ako. Hindi ko na napigilan ang kilig ko. I giggled and squeeze the little stuffed toy on my lap. "Excited ka na, madam?" Nginitian ko ang make up artist. Ngayong araw, magiging asawa ko na si Hendrix. Pinangarap ko ito nang maging kami, pero nang kailangan kong talikuran siya, gumuho ang pangarap na iyon. Akala ko hindi na mangyayari. Nang magkita kami ulit, akala ko kasal nila ni Scarlet ang masasaksihan ko. Oh my God! Kakayanin ko ba iyon kung sakali? "Huwag kang umiyak, Ms. Amelia..."Mahina akong natawa. "I'm sorry, I can't help it." Sumilip si Ranna sa ma

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 77

    Hindi naman siya nawala sa isipan ko. Para sa akin, siya pa din ang best friend ko. Siya ang unang babaeng tumanggap sa ugali ko, sunod si Ranna. Mas lalo pa siyang gumanda ngayon. Parang kailan lang, mga batang babae lang kami na walang alam sa buhay. Ang alam lang namin ay maglustay ng pera ng aming mga magulang, magbigay ng sakit sa ulo sa kanila, at higit sa lahat, maglaro ng ganda-gandahan. Pero maganda naman talaga kaming dalawa. "Alam mo ba na napakalaki ng na-contribute ko na views sa YouTube channel mo?" Natawa ako, kahit pa nakasimangot siya sa akin ngayon. "Ang dami ko na ding comment sa mga videos pero ni isa, wala kang reply.""Sorry...""Akala ko nasa abroad kayo ng Mommy mo. Akala ko maayos lang ang buhay mo all these years. Not until, nagsimulang maglabasan ang mga articles tungkol sa'yo. Napanood ko din iyong mga interview's mo. Bakit hindi ka lumapit sa akin? You know I would be willing to help you, kami nina Mommy.""Nahihiya ako. I'm sorry... At ayos lang nama

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 76

    Sinigurado ni Hendrix na magiging perfect ang lahat sa aming wedding day. Pati ang prenup ay mabusisi din niyang plinano. He helped us plan for it. He kept asking if magugustuhan daw ba ito nina Mommy at Auntie kung sakaling nabubuhay pa sila. Sobrang emosyonal ko tuloy. Masayang-masaya pero napapaiyak ako kapag naiisip ko ang dalawang mahalagang babae sa aking buhay na hindi ko na kasama ngayon. Sobrang busy niya sa work ngayon dahil sa mga malalaking projects, pero kahit na ganoon sobrang hands on pa din niya dito. Isang beses lang daw ikasal kaya gusto niyang perfect ang lahat. "I've been dreaming about it since I met you..."Matamis akong napangiti. He never fail to make my heart happy. Kuntento akong bumuntong hininga. Ayos lang naman ang simpleng kasal, pero kung kaya naman namin ng bongga, why not bonggahan, di ba? Besides afford na din naman namin 'to. Sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa, deserve namin ng wedding of the year or century. Mula sa venue, details, susuot

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 75

    "Sure ka na ayos lang?" pang-ilang ulit ko ng tanong kay Hendrix ito. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang pinapanood akong magbihis. "Yeah. You should go and enjoy."Ngumuso ako. Nagdadalawang isip kung tutuloy ako sa bar ngayon. Iniisip ko kung mag-e-enjoy ba ako. I don't think I deserve to go out and party tapos maiiwan sa bahay ang fiance at anak ko. Ang kulit kasi ni Ranna, e. Sinabi ko ng ayaw ko pero mapilit talaga. Dinaan ako sa patampo-tampo niya. Sinuot ko ang dress na binigay ni Ranna. Backless tapos sexy. Habang sinusuot ko ang damit ay hindi ko inalis ang tingin ko kay Hendrix. I was watching his reaction. Ba't parang ayos lang sa kaniya na sobrang sexy nitong suot ko ngayon? Tapos sa bar pa ako pupunta. "So?" tanong ko at bahagya pang umikot. "What do you think?""Gorgeous..." Inikot ko ang aking mga mata. "Okay lang sa'yo itong suot ko?""Uh-huh. Bagay naman sa lugar na pupuntahan mo. And you look good. Hmmm..." Hinimas niya ang kaniyang leeg. "Parang gusto kita

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 74

    ~HENDRIX~PAANO ako iiwas kung kailangan ko siyang i-tutor. Nakakapanghinayang din naman ang binabayad nila sa akin kung ipapasa ko ito sa iba. NATUTUWA ako sa mga kakulitan niya. Iyong pag-ikot niya ng mga mata at pag-ismid kapag nakikita niyang magkasama kami ni Dina. Kung iba siguro maaasar ako, pero hindi ko din maintindihan kung bakit natutuwa pa ako sa ginagawa niyang iyon. Natutuwa ako sa pagiging generous niya kahit na minsan parang hindi na ako komportable. But I know she's genuine. She's being her true self. Iyong pagiging malapit niya sa kapatid ko. Iyong pagbibigay niya ng kung ano-ano dito. At ang pagpapahiram niya ng gown para maka-attend ito ng prom, lahat ng iyon ay na-appreciate ko. And I think I'm starting to fall for her. KUMUNOT ang noo ko nang makita ko ang picture frame sa sala namin. Nang matitigan ko ang mga pictures napailing na lang ako. Bakit hindi ko magawang maasar sa kakulitin ng babaeng iyon? Kinuha niya ang picture ko at pinalitan niya ito ng kani

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 73

    ~HENDRIX~"Sino iyon?" tanong ni Mang Nato habang nakatingin sa unahan. Papunta kami ngayon sa taniman ng mga saging, upang manguha ng mga puso ng saging. Sa kalagitnaan ng palayan, kapansin-pansin ang isang babae dahil sa kaniyang kaputian kahit may kalayuan ito. Nang makalapit kami ay nakilala ko ito. Amelia Muller. Pagkatapos ng madaming taon muling nagbakasyon ang pamangkin ni Tita Berlin dito sa probinsya. Kamukha niya ang kaniyang ina at kaniyang tiyahin. Maganda na siya noon pero mas lalo pa siyang gumanda ngayon. At kamuntik kong makalimutan na bata pa pala siya. She's still a minor. Dalaga na siya, but she's still young. Maganda nga, pero iyon nga lang masama ang kaniyang ugali. Lumaki sa Maynila at lumaki sa marangyang buhay kaya isa itong spoiled brat. At mas lalo pa akong nadismaya sa kaniya nang marinig ko ang usapan nila ng kaniyang Auntie Berlin. Narinig ko iyong mga sinabi niya patungkol sa akin. Pero hindi ko inakala na matapobre pala siya. Malayong-malayo siy

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 72

    “The Muller heiress' has regained her throne on the Muller Empire.”“The Muller empire was back to the real heiress.” Laman ako ngayon ng mga iba't ibang mga articles.Pagkatapos ng paghihirap ng ilang taon, nabawi ko din ang lahat ng ari-arian na naiwan sa akin ng mga magulang ko. Ang mga pinsan ni Daddy ay nahaharap sa patong-patong na kaso. At halos maubos din ang ari-arian nila, mabayaran lang ang lahat ng utang nila sa akin. Masaya. Pero mas masaya sana kung buhay pa si Mommy. Pero alam ko naman na kung nasaan man siya ngayon, ay masaya siya. Matatahimik na siya, dahil hindi na ulit ako maghihirap pa. I sighed. Hinilot ko ang aking noo, dahil kanina pa pumipintig ang aking sentido. Hindi ko maunawaan kung bakit hindi ko magawang maging masaya ng husto. Siguro dahil sa loob ng ilang taon, natutunan ko ng i-embrace ang pagiging mahirap ko. "Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Hendrix. Tipid akong ngumiti. Ngiti na may halong kaba. "Honestly, I don't know how to run the

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 71

    "I love you," bulong ko nang maghiwalay ang aming mga labi at katawan. May kaunting hingal pa sa aking boses dahil sa aming ginawa. Pagod ako, pero hindi ko pa gustong magpahinga at alam kong ganoon din siya. "I love you more, babe," sagot naman niya. Mayroong ngiti sa kaniyang mga labi. Iyong ngiti na nakikita ko lang noon sa kaniya kapag natapos kaming mag-love making. I kinda miss this. I feel happy. "That was amazing," sabi ko. Nag-init ang aking pisngi kaya nag-iwas ako ng tingin. Medyo nakaramdam ako ng hiya. He softly chuckled. "You're amazing as always," tugon niya habang masuyong nakatingin sa aking namumulang mukha. I bit my lower lips. "I'll just wash," paalam ko nang hawakan niya ang aking bewang. "Okay. Bilisan mo," sagot niya habang may kapilyuhang naglalaro sa kaniyang mga labi. "Susunod ako kapag natagalan ka doon." Humagikgik ako. Plinano kong tagalan, pero hindi naman siya sumunod. Lumabas tuloy ako ng banyo na may kaunting inis. Akala ko tulog na siya, pero

  • ENTANGLED HEARTS   CHAPTER 70

    Hindi ko namamalayan na sobrang nagiging komportable na ulit ako kay Hendrix. Natutulog kaming magkatabi—kasama ang aming anak. Niyayakap niya ako at hinahalikan sa pisngi, ulo at ilong. Palagi din niyang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal. He'd buy me flowers, kahit sinasabi kong huwag na. Sabi ko ay nalalanta kasi ito, sayang lang ang pera. "Pinangarap ko ito," sagot naman niya. "Pangarap ko noon na mabigyan ka ng bulaklak at mga regalo. Kaya nga ayaw ko sanang manligaw muna. Dahil hindi ko afford manligaw at magka-girlfriend. I'm poor. Wala akong maipagmamalaki." Ang humble niya talaga. Iyong looks niya, mamasel na katawan, pagiging matalino at mabuting tao niya, hindi iyon mapapantayan ng mamahaling bulaklak o regalo. "Kaya nga ayaw ko noon manligaw. Kaso makulit ka." Napangiti ako. Ilang araw na din ang lumipas. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya iyong magic words kung tawagin niya, pero pinaparamdam ko naman sa kaniya lagi na mahalaga siya sa akin. Kapag hinahatid niy

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status