Share

CHAPTER 8

Akala ko hindi na babalik si Hendrix kaya inis na inis ako kanina. Nasa baba na daw siya sabi ni Auntie. Nagpalit muna ako ng damit bago ako bumaba.

Wala ako sa mood habang tinuturuan niya ako. Hindi ako tumitingin sa kaniya at wala din ako sa sarili.

"You've not listening."

Bumuntong hininga ako. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kaya nayayamot na din ako.

"Wala ako sa mood," sagot ko pagkaraan ng ilang sandali.

"Kailangan mo pa ding mag-aral. Malapit na ang long quiz niyo. Hindi puwedeng bumagsak ka." But that didn't motivate me pa din.

Nangalumbaba ako. Napakurap naman siya habang nakatingin sa akin. Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Talagang giniit niya na mag-aral ako.

Limang math problem lang ang natapos namin sa buong two hours dahil wala talaga ako sa mood.

"Sige, bukas na lang. Gagawin ko na din bukas iyong project mo." Nakatingin siya sa akin. Nanatili naman akong nakaupo habang hawak ang pisngi.

"Aalis na po ako, Auntie," paalam niya. Lumapit naman si Aunti
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status