Hanggang sa matapos ang movie hindi man lang kami nakapagtitigan ni Hendrix. Nakasasama ng loob. Mas gusto ba niya ng maitim at mapeklat kaysa maputi? Kaso sobrang puti ko at makinis din. Tumayo ako at hinatid sila sa front door. Pagbukas ng pintuan ay nakaabang na din agad si Dina. Nakangiti ito kay Hendrix. Napasinghap si Ranna at napatingin sa akin. Nagkakaunawaan naman kaming nagtinginan. "Bye, Amelia," paalam niya. "Bye! See you tomorrow!"Naglakad na sina Dina at Hendrix. May sinasabi ang babae dito ngunit hindi ko maintindihan. Mukhang sinisiraan pa niya ako kay Hendrix. I was pouting while looking at them. Paano ba maging ideal girl ng isang kagaya niya? Sabi ni Ranna gusto daw ng Kuya niya ng mabait... Puwede naman akong maging mabait pero sa piling tao nga lang. Kaya ekis na ako doon. Matalino, siguro dito na lang ako mag-focus. Nagbasa ako ng notes ko para bukas. Gusto kong ipakita kay Hendrix na may natututunan ako sa pag-tu-tutor niya sa akin, kaso nakatulugan ko lan
It's a busy week for us na third year and fourth year, dahil sa prom. Inabot na kami ng gabi sa practice. Lunes pa lang pero sobrang pagod na. Ang init pa sa gymnasium kaya kanina pa ako pinagpapawisan. "Ang sakit ng paa ko," reklamo ko kay Ranna nang palabas na kami ng gate. "Okay lang iyan. Minsan lang naman 'to," sagot naman ni Ranna na para bang hindi tinablan ng pagod. She's super excited for the prom. Nakangiwi akong lumabas ng gate, pero nang makita ko ang lalakeng naghihintay sa amin, nabura ang pagod ko. Sinundo kami ni Hendrix. "Hi, Hendrix!" bati ko sa lalake. Mukhang umuwi muna siya sa bahay nila, saka bumalik upang sunduin kami. Nauna pa akong lumapit sa kaniya. But then I remembered that I was sweaty all day, so umatras ako na kinakunot ng noo niya. "Mag-tricycle na lang tayo. Ang sakit ng paa ko all day," inunahan ko na siya. Hindi ko na talaga kaya pang maglakad. Isang kilometers pa man din ang lalakarin namin.Naupo na muna kami at naghintay ng tricycle na dadaa
Sumilip si Ranna sa may pintuan ng aking room. Friday ngayon kaya half day lang ang klase niya. Sinenyasan ko siya na pumasok. "Hinanap kita kanina sa school, pero sabi ng classmates mo, absent ka daw."Tipid akong ngumiti. "Yeah, may lagnat ako. Siguro sa pagod 'to. Ang init kasi sa gymnasium.""Kumusta ka?" tanong niya na kinatahimik ko pero kalaunan ay ngumiti na din ako. "I'm fine." Kailangan kong ipakita na okay lang ako. "Mabuti naman kung ganoon," sagot niya ng may bahid ng pag-aalala sa kaniyang mukha. "Yes. Dito ka na lang kumain, ha. Mamaya ka na din umuwi kapag hindi na mainit." Hindi ako magbabago sa aking kaibigan. Wala naman siyang kasalanan. At wala ding kasalanan si Hendrix kung hindi niya talaga ako gusto. "S-Sige.""Huwag kang mailang." Ngumiti siya. "Medyo nahihiya lang ako dahil sa nangyari kagabi." I fake a laugh. "I'm fine." I need to be okay. Saka magiging tutor ko pa din ang Kuya niya, dahil maayos siyang magturo, and besides I need to get a good grades
Napasinghap ako nang makita ko si Hendrix sa labas. Siya ulit ang nagprisinta na sumundo sa akin? Napatingin ako sa phone ko. Walang reply si Auntie sa text ko kanina. Hindi ko dinadala ang phone ko sa school dahil wala naman akong ka-text bukod kay Mommy at Auntie. Saka gabi din naman kami nag-uusap ni Mommy kaya iniiwan ko sa room ko. Ang laki na ng pinagbago ko, di ba? Yeah. Hindi naman kasi picture worthy ang place.I hesitated to approach him. Nauna na lang akong maglakad at heto nga nakasunod na siya agad sa akin. Nakapasuksok ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng suot niyang jeans. Wala siyang dalang bag, ibig sabihin nakauwi na siya. At bakit na naman siya nagprisinta? "Let me carry your bag," sabi niya pagkatapos ng ilang minuto. "Huwag na..." But then lumapit pa siya sa akin. Halos magdikit na kami. "Ako na ang magbibitbit." Nakakairita pero dahil mapilit siya, binigay ko na lang sa kaniya. "Maghintay na lang tayo ng tricycle." Saan? Sa waiting shed? Huwag na
May laro ng basketball sina Hendrix pero hindi na ako sumama. Inaaya ako ni Ranna pero sinabi ko na next time na lang. Nagbigay na lang ako ng five thousand dahil baka kulangin ang pusta nila. Ibalik na lang niya kapag nanalo kapag hindi okay lang. Malungkot si Ranna pero hindi ako nagpadala doon. Ayaw ko talaga. Hindi ko din mapilit ang sarili ko na sumama. I've been ignoring him for how many days now. And I've been feeling better. Pero heto na naman at hindi ko na naman alam kung paano sagutin ang assignment ko. Madami ding ginagawang project si Ranna kaya hindi ako makahingi ng tulong sa kaniya. Ang only hope na lang ay si Auntie. "Auntie, paano ba 'to?" "Ano ba iyan? Parang hindi naman namin napag-aralan dati 'to," sagot ni Auntie kaya mas lalo akong namroblema. Sakto namang dumaan si Hendrix kaya tinawag siya ni Auntie. "Busy ka ba, hijo?"Hindi ako lumabas ng pintuan. Hinayaan ko lang si Auntie na kausapin ang lalake. "Hindi naman po, Tita. Bakit po?""Hindi alam ni Ame
Naging busy si Ranna para sa contest na sasalihan niya kaya hindi na kami sabay na mag-lunch. Sa canteen na din ako kumakain, pero nagbabaon pa din ako ng lunch. Drinks lang ang binibili ko. Sa hapon naman ay hindi pa din kami sabay na umuwi. Maging si Hendrix ay naging busy din sa school. May mga tinatapos yata silang projects. Not sure, pero alam ko super busy sila. I feel bored and I'm missing Manila but I know I can't go back yet, so I need to have some distraction. Si Hendrix ang naging distraction ko sa lahat but then I should not rely on him anymore. Nagsimula akong magsulat sa aking journal. O kapag bored na bored talaga I'd play my violin. Isang buong linggo ang lumipas na hindi ko nakasama ang magkapatid. Nami-miss ko sila pero kailangan kong tiisin. Naalala ko na naman ang sinabi ni Dina sa akin. Naiinis ako na hindi ako nakaganti at naiinis din ako dahil may katotohanan ang lahat ng sinabi niya. Pabagsak akong nahiga sa aking kama. Bababa na sana ako pero tinatamad p
"Pumayat ka, Mommy..." Dito na kami sa airport nagkita ni Mommy. Hindi na siya nagpunta pa sa bahay ni Auntie. Hinatid ako ni Auntie dito. Nag-leave muna siya ng isang araw para makapamasyal muna kami bago ang flight namin. Kumain muna kami sa restaurant. Nagkuwentuhan ang dalawa. Mabigat ang loob ko but I know I'll be okay soon. Lalo pa at hindi na ako babalik. Dalawang maleta lang ang dala ko para sa summer vacation. At iyong mga gamit ko sa bahay ni Auntie ay hahayaan ko na muna doon. They didn't know about what happened yet. Kapag patapos na ang bakasyon namin ni Mommy, uunti-untiin kong sasabihin sa kaniya hanggang sa makumbinsi ko siya. Alam ko naman na this time, papayag na siya at hindi na magmamatigas. "Bye, Auntie. Take care of yourself." Inaaya namin siya, pero ayaw niya. Mas gusto talaga niya sa province. Halos hindi kami nakatulog sa buong flight namin ni Mommy. Nagpakuwento siya sa akin. Madami siyang tanong at halos lahat ng detalye ng bawat araw ko sa probinsya ay
Today is Saturday. Walang pasok sa school. Kanina pa ako nakatulala. Walang sigla at walang ganang kumain. Umakyat kanina si Auntie upang i-check kung gising na ako dahil kakain na, pero nagpanggap akong tulog. Ayaw ko ng kausap. Ayaw ko ng kasama. I just want to be alone...doing nothing. I checked my phone and read mommy's messages. Ina-update niya ako dahil iyon ang hiling ko sa kaniya bago ako bumalik dito sa probinsya. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo at katawan kay bumangon na muna ako. Alas-dies pasado na pala. Mataas na din ang sikat ng araw. Medyo mainit na. Hindi ko ramdam kanina dahil may aircon sa room ko. Tumanaw ako sa may bintana. I looked at the green surroundings. Ang palayan na sinisimulan ng taniman. May dumapo na manok sa may yero. Napairap ako. Tanghaling tapat na. Gising na ako pero plano pa yatang tumilaok. Bumubwelo palang siya, nahampas ko na siya ng libro. Bumagsak ang manok kasabay ng libro. At pagkatapos n'on ay nakarinig ako ng ingay mula sa baba.