Sumilip si Ranna sa may pintuan ng aking room. Friday ngayon kaya half day lang ang klase niya. Sinenyasan ko siya na pumasok. "Hinanap kita kanina sa school, pero sabi ng classmates mo, absent ka daw."Tipid akong ngumiti. "Yeah, may lagnat ako. Siguro sa pagod 'to. Ang init kasi sa gymnasium.""Kumusta ka?" tanong niya na kinatahimik ko pero kalaunan ay ngumiti na din ako. "I'm fine." Kailangan kong ipakita na okay lang ako. "Mabuti naman kung ganoon," sagot niya ng may bahid ng pag-aalala sa kaniyang mukha. "Yes. Dito ka na lang kumain, ha. Mamaya ka na din umuwi kapag hindi na mainit." Hindi ako magbabago sa aking kaibigan. Wala naman siyang kasalanan. At wala ding kasalanan si Hendrix kung hindi niya talaga ako gusto. "S-Sige.""Huwag kang mailang." Ngumiti siya. "Medyo nahihiya lang ako dahil sa nangyari kagabi." I fake a laugh. "I'm fine." I need to be okay. Saka magiging tutor ko pa din ang Kuya niya, dahil maayos siyang magturo, and besides I need to get a good grades
Napasinghap ako nang makita ko si Hendrix sa labas. Siya ulit ang nagprisinta na sumundo sa akin? Napatingin ako sa phone ko. Walang reply si Auntie sa text ko kanina. Hindi ko dinadala ang phone ko sa school dahil wala naman akong ka-text bukod kay Mommy at Auntie. Saka gabi din naman kami nag-uusap ni Mommy kaya iniiwan ko sa room ko. Ang laki na ng pinagbago ko, di ba? Yeah. Hindi naman kasi picture worthy ang place.I hesitated to approach him. Nauna na lang akong maglakad at heto nga nakasunod na siya agad sa akin. Nakapasuksok ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng suot niyang jeans. Wala siyang dalang bag, ibig sabihin nakauwi na siya. At bakit na naman siya nagprisinta? "Let me carry your bag," sabi niya pagkatapos ng ilang minuto. "Huwag na..." But then lumapit pa siya sa akin. Halos magdikit na kami. "Ako na ang magbibitbit." Nakakairita pero dahil mapilit siya, binigay ko na lang sa kaniya. "Maghintay na lang tayo ng tricycle." Saan? Sa waiting shed? Huwag na
May laro ng basketball sina Hendrix pero hindi na ako sumama. Inaaya ako ni Ranna pero sinabi ko na next time na lang. Nagbigay na lang ako ng five thousand dahil baka kulangin ang pusta nila. Ibalik na lang niya kapag nanalo kapag hindi okay lang. Malungkot si Ranna pero hindi ako nagpadala doon. Ayaw ko talaga. Hindi ko din mapilit ang sarili ko na sumama. I've been ignoring him for how many days now. And I've been feeling better. Pero heto na naman at hindi ko na naman alam kung paano sagutin ang assignment ko. Madami ding ginagawang project si Ranna kaya hindi ako makahingi ng tulong sa kaniya. Ang only hope na lang ay si Auntie. "Auntie, paano ba 'to?" "Ano ba iyan? Parang hindi naman namin napag-aralan dati 'to," sagot ni Auntie kaya mas lalo akong namroblema. Sakto namang dumaan si Hendrix kaya tinawag siya ni Auntie. "Busy ka ba, hijo?"Hindi ako lumabas ng pintuan. Hinayaan ko lang si Auntie na kausapin ang lalake. "Hindi naman po, Tita. Bakit po?""Hindi alam ni Ame
Naging busy si Ranna para sa contest na sasalihan niya kaya hindi na kami sabay na mag-lunch. Sa canteen na din ako kumakain, pero nagbabaon pa din ako ng lunch. Drinks lang ang binibili ko. Sa hapon naman ay hindi pa din kami sabay na umuwi. Maging si Hendrix ay naging busy din sa school. May mga tinatapos yata silang projects. Not sure, pero alam ko super busy sila. I feel bored and I'm missing Manila but I know I can't go back yet, so I need to have some distraction. Si Hendrix ang naging distraction ko sa lahat but then I should not rely on him anymore. Nagsimula akong magsulat sa aking journal. O kapag bored na bored talaga I'd play my violin. Isang buong linggo ang lumipas na hindi ko nakasama ang magkapatid. Nami-miss ko sila pero kailangan kong tiisin. Naalala ko na naman ang sinabi ni Dina sa akin. Naiinis ako na hindi ako nakaganti at naiinis din ako dahil may katotohanan ang lahat ng sinabi niya. Pabagsak akong nahiga sa aking kama. Bababa na sana ako pero tinatamad p
"Pumayat ka, Mommy..." Dito na kami sa airport nagkita ni Mommy. Hindi na siya nagpunta pa sa bahay ni Auntie. Hinatid ako ni Auntie dito. Nag-leave muna siya ng isang araw para makapamasyal muna kami bago ang flight namin. Kumain muna kami sa restaurant. Nagkuwentuhan ang dalawa. Mabigat ang loob ko but I know I'll be okay soon. Lalo pa at hindi na ako babalik. Dalawang maleta lang ang dala ko para sa summer vacation. At iyong mga gamit ko sa bahay ni Auntie ay hahayaan ko na muna doon. They didn't know about what happened yet. Kapag patapos na ang bakasyon namin ni Mommy, uunti-untiin kong sasabihin sa kaniya hanggang sa makumbinsi ko siya. Alam ko naman na this time, papayag na siya at hindi na magmamatigas. "Bye, Auntie. Take care of yourself." Inaaya namin siya, pero ayaw niya. Mas gusto talaga niya sa province. Halos hindi kami nakatulog sa buong flight namin ni Mommy. Nagpakuwento siya sa akin. Madami siyang tanong at halos lahat ng detalye ng bawat araw ko sa probinsya ay
Today is Saturday. Walang pasok sa school. Kanina pa ako nakatulala. Walang sigla at walang ganang kumain. Umakyat kanina si Auntie upang i-check kung gising na ako dahil kakain na, pero nagpanggap akong tulog. Ayaw ko ng kausap. Ayaw ko ng kasama. I just want to be alone...doing nothing. I checked my phone and read mommy's messages. Ina-update niya ako dahil iyon ang hiling ko sa kaniya bago ako bumalik dito sa probinsya. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo at katawan kay bumangon na muna ako. Alas-dies pasado na pala. Mataas na din ang sikat ng araw. Medyo mainit na. Hindi ko ramdam kanina dahil may aircon sa room ko. Tumanaw ako sa may bintana. I looked at the green surroundings. Ang palayan na sinisimulan ng taniman. May dumapo na manok sa may yero. Napairap ako. Tanghaling tapat na. Gising na ako pero plano pa yatang tumilaok. Bumubwelo palang siya, nahampas ko na siya ng libro. Bumagsak ang manok kasabay ng libro. At pagkatapos n'on ay nakarinig ako ng ingay mula sa baba.
BACK TO SCHOOL. Madaming tanong ang mga kaklase ko sa akin pero tipid na ngiti lang ang sagot ko. Dahil transferee na naman ako, at wala naman akong natutunan nitong nakalipas na dalawang buwan, kailangan ko na namang humabol. Iiwasan ko pa man din na sana si Hendrix. And also I was planning to hire another tutor but Auntie insisted that Hendrix was the best tutor in town. Alam ko din naman na gusto lang tulungan ni Auntie si Hendrix. Iyong sahod niya sa pagtuturo sa akin ay malaking bagay sa kaniya...sa kanila ng pamilya niya. Wala ako sa mood. Ang isip ko ay wala sa klase. Gusto kong lumuwas ng Manila. Gusto kong malaman kung nagpapakabait na ba ang aking ama o may bago na naman siyang babae. Hindi ako mapakali. Hindi ako matahimik. Wala akong peace of mind kahit nandito ako sa probinsya. "Magpa-tutor ka ba mamaya kay Kuya? Hanggang four lang ang klase niya," tanong ni Ranna pero hindi ako sumasagot. Nakatingin ako sa aking phone habang malalim ang iniisip. "Amelia, may problem
Sira agad ang umaga ko. Dito natulog si Dina at hanggang ngayon nandito pa din siya sa bahay. Pati kay Auntie ay naiinis na din tuloy ako, dahil hinahayaan niya ang babae na mag-stay dito. Hindi ako sumalo sa kanila na mag-breakfast. Umakyat ako sa taas at bumalik sa paghiga. Kulang ako sa tulog. Kaso hindi ako makatulog. Nakahalukipkip ako habang nakatingin sa babae na nakaupo sa kubo habang sarap na sarap sa paghigop ng kape. Tuwang-tuwa sa kape namin na imported. Nasa tabi niya si Hendrix na nakatanaw sa may palayan. Napatingin sa akin ang lalake pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Pumasok ako sa kuwarto ko upang kunin ang aking bathrobe. Maliligo na lang muna ako bago matulog. Hindi ako mapakali...ganoon din ang isip ko. Gulong-gulo na ako at yamot na yamot sa lahat ng mga bagay. I was planning to go to Manila next week. Nag-iisip pa ako ng idadahilan ko, o puwede namang huwag na lang ako magdahilan. Pagkatapos kong maligo, nasa kusina na sina Dina at Hendrix. Napairap ako
~WEDDING~Maaga ang preparation namin para sa wedding. Madaling araw pa lang ay gising na kami para maayusan ng make up artist. Maaga din kasi ang start ng aming wedding, dahil gusto namin na by seven pm, tapos na ang reception. Gusto naming magpahinga ng maaga, dahil bukas ay aalis kami para sa aming honeymoon.Napangiti ako at nakagat ko ang aking labi. Naalala ko iyong pagbabanta ni Hendrix nang isang araw. Humanda daw ako. Hindi ko na napigilan ang kilig ko. I giggled and squeeze the little stuffed toy on my lap. "Excited ka na, madam?" Nginitian ko ang make up artist. Ngayong araw, magiging asawa ko na si Hendrix. Pinangarap ko ito nang maging kami, pero nang kailangan kong talikuran siya, gumuho ang pangarap na iyon. Akala ko hindi na mangyayari. Nang magkita kami ulit, akala ko kasal nila ni Scarlet ang masasaksihan ko. Oh my God! Kakayanin ko ba iyon kung sakali? "Huwag kang umiyak, Ms. Amelia..."Mahina akong natawa. "I'm sorry, I can't help it." Sumilip si Ranna sa ma
Hindi naman siya nawala sa isipan ko. Para sa akin, siya pa din ang best friend ko. Siya ang unang babaeng tumanggap sa ugali ko, sunod si Ranna. Mas lalo pa siyang gumanda ngayon. Parang kailan lang, mga batang babae lang kami na walang alam sa buhay. Ang alam lang namin ay maglustay ng pera ng aming mga magulang, magbigay ng sakit sa ulo sa kanila, at higit sa lahat, maglaro ng ganda-gandahan. Pero maganda naman talaga kaming dalawa. "Alam mo ba na napakalaki ng na-contribute ko na views sa YouTube channel mo?" Natawa ako, kahit pa nakasimangot siya sa akin ngayon. "Ang dami ko na ding comment sa mga videos pero ni isa, wala kang reply.""Sorry...""Akala ko nasa abroad kayo ng Mommy mo. Akala ko maayos lang ang buhay mo all these years. Not until, nagsimulang maglabasan ang mga articles tungkol sa'yo. Napanood ko din iyong mga interview's mo. Bakit hindi ka lumapit sa akin? You know I would be willing to help you, kami nina Mommy.""Nahihiya ako. I'm sorry... At ayos lang nama
Sinigurado ni Hendrix na magiging perfect ang lahat sa aming wedding day. Pati ang prenup ay mabusisi din niyang plinano. He helped us plan for it. He kept asking if magugustuhan daw ba ito nina Mommy at Auntie kung sakaling nabubuhay pa sila. Sobrang emosyonal ko tuloy. Masayang-masaya pero napapaiyak ako kapag naiisip ko ang dalawang mahalagang babae sa aking buhay na hindi ko na kasama ngayon. Sobrang busy niya sa work ngayon dahil sa mga malalaking projects, pero kahit na ganoon sobrang hands on pa din niya dito. Isang beses lang daw ikasal kaya gusto niyang perfect ang lahat. "I've been dreaming about it since I met you..."Matamis akong napangiti. He never fail to make my heart happy. Kuntento akong bumuntong hininga. Ayos lang naman ang simpleng kasal, pero kung kaya naman namin ng bongga, why not bonggahan, di ba? Besides afford na din naman namin 'to. Sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa, deserve namin ng wedding of the year or century. Mula sa venue, details, susuot
"Sure ka na ayos lang?" pang-ilang ulit ko ng tanong kay Hendrix ito. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang pinapanood akong magbihis. "Yeah. You should go and enjoy."Ngumuso ako. Nagdadalawang isip kung tutuloy ako sa bar ngayon. Iniisip ko kung mag-e-enjoy ba ako. I don't think I deserve to go out and party tapos maiiwan sa bahay ang fiance at anak ko. Ang kulit kasi ni Ranna, e. Sinabi ko ng ayaw ko pero mapilit talaga. Dinaan ako sa patampo-tampo niya. Sinuot ko ang dress na binigay ni Ranna. Backless tapos sexy. Habang sinusuot ko ang damit ay hindi ko inalis ang tingin ko kay Hendrix. I was watching his reaction. Ba't parang ayos lang sa kaniya na sobrang sexy nitong suot ko ngayon? Tapos sa bar pa ako pupunta. "So?" tanong ko at bahagya pang umikot. "What do you think?""Gorgeous..." Inikot ko ang aking mga mata. "Okay lang sa'yo itong suot ko?""Uh-huh. Bagay naman sa lugar na pupuntahan mo. And you look good. Hmmm..." Hinimas niya ang kaniyang leeg. "Parang gusto kita
~HENDRIX~PAANO ako iiwas kung kailangan ko siyang i-tutor. Nakakapanghinayang din naman ang binabayad nila sa akin kung ipapasa ko ito sa iba. NATUTUWA ako sa mga kakulitan niya. Iyong pag-ikot niya ng mga mata at pag-ismid kapag nakikita niyang magkasama kami ni Dina. Kung iba siguro maaasar ako, pero hindi ko din maintindihan kung bakit natutuwa pa ako sa ginagawa niyang iyon. Natutuwa ako sa pagiging generous niya kahit na minsan parang hindi na ako komportable. But I know she's genuine. She's being her true self. Iyong pagiging malapit niya sa kapatid ko. Iyong pagbibigay niya ng kung ano-ano dito. At ang pagpapahiram niya ng gown para maka-attend ito ng prom, lahat ng iyon ay na-appreciate ko. And I think I'm starting to fall for her. KUMUNOT ang noo ko nang makita ko ang picture frame sa sala namin. Nang matitigan ko ang mga pictures napailing na lang ako. Bakit hindi ko magawang maasar sa kakulitin ng babaeng iyon? Kinuha niya ang picture ko at pinalitan niya ito ng kani
~HENDRIX~"Sino iyon?" tanong ni Mang Nato habang nakatingin sa unahan. Papunta kami ngayon sa taniman ng mga saging, upang manguha ng mga puso ng saging. Sa kalagitnaan ng palayan, kapansin-pansin ang isang babae dahil sa kaniyang kaputian kahit may kalayuan ito. Nang makalapit kami ay nakilala ko ito. Amelia Muller. Pagkatapos ng madaming taon muling nagbakasyon ang pamangkin ni Tita Berlin dito sa probinsya. Kamukha niya ang kaniyang ina at kaniyang tiyahin. Maganda na siya noon pero mas lalo pa siyang gumanda ngayon. At kamuntik kong makalimutan na bata pa pala siya. She's still a minor. Dalaga na siya, but she's still young. Maganda nga, pero iyon nga lang masama ang kaniyang ugali. Lumaki sa Maynila at lumaki sa marangyang buhay kaya isa itong spoiled brat. At mas lalo pa akong nadismaya sa kaniya nang marinig ko ang usapan nila ng kaniyang Auntie Berlin. Narinig ko iyong mga sinabi niya patungkol sa akin. Pero hindi ko inakala na matapobre pala siya. Malayong-malayo siy
“The Muller heiress' has regained her throne on the Muller Empire.”“The Muller empire was back to the real heiress.” Laman ako ngayon ng mga iba't ibang mga articles.Pagkatapos ng paghihirap ng ilang taon, nabawi ko din ang lahat ng ari-arian na naiwan sa akin ng mga magulang ko. Ang mga pinsan ni Daddy ay nahaharap sa patong-patong na kaso. At halos maubos din ang ari-arian nila, mabayaran lang ang lahat ng utang nila sa akin. Masaya. Pero mas masaya sana kung buhay pa si Mommy. Pero alam ko naman na kung nasaan man siya ngayon, ay masaya siya. Matatahimik na siya, dahil hindi na ulit ako maghihirap pa. I sighed. Hinilot ko ang aking noo, dahil kanina pa pumipintig ang aking sentido. Hindi ko maunawaan kung bakit hindi ko magawang maging masaya ng husto. Siguro dahil sa loob ng ilang taon, natutunan ko ng i-embrace ang pagiging mahirap ko. "Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Hendrix. Tipid akong ngumiti. Ngiti na may halong kaba. "Honestly, I don't know how to run the
"I love you," bulong ko nang maghiwalay ang aming mga labi at katawan. May kaunting hingal pa sa aking boses dahil sa aming ginawa. Pagod ako, pero hindi ko pa gustong magpahinga at alam kong ganoon din siya. "I love you more, babe," sagot naman niya. Mayroong ngiti sa kaniyang mga labi. Iyong ngiti na nakikita ko lang noon sa kaniya kapag natapos kaming mag-love making. I kinda miss this. I feel happy. "That was amazing," sabi ko. Nag-init ang aking pisngi kaya nag-iwas ako ng tingin. Medyo nakaramdam ako ng hiya. He softly chuckled. "You're amazing as always," tugon niya habang masuyong nakatingin sa aking namumulang mukha. I bit my lower lips. "I'll just wash," paalam ko nang hawakan niya ang aking bewang. "Okay. Bilisan mo," sagot niya habang may kapilyuhang naglalaro sa kaniyang mga labi. "Susunod ako kapag natagalan ka doon." Humagikgik ako. Plinano kong tagalan, pero hindi naman siya sumunod. Lumabas tuloy ako ng banyo na may kaunting inis. Akala ko tulog na siya, pero
Hindi ko namamalayan na sobrang nagiging komportable na ulit ako kay Hendrix. Natutulog kaming magkatabi—kasama ang aming anak. Niyayakap niya ako at hinahalikan sa pisngi, ulo at ilong. Palagi din niyang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal. He'd buy me flowers, kahit sinasabi kong huwag na. Sabi ko ay nalalanta kasi ito, sayang lang ang pera. "Pinangarap ko ito," sagot naman niya. "Pangarap ko noon na mabigyan ka ng bulaklak at mga regalo. Kaya nga ayaw ko sanang manligaw muna. Dahil hindi ko afford manligaw at magka-girlfriend. I'm poor. Wala akong maipagmamalaki." Ang humble niya talaga. Iyong looks niya, mamasel na katawan, pagiging matalino at mabuting tao niya, hindi iyon mapapantayan ng mamahaling bulaklak o regalo. "Kaya nga ayaw ko noon manligaw. Kaso makulit ka." Napangiti ako. Ilang araw na din ang lumipas. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya iyong magic words kung tawagin niya, pero pinaparamdam ko naman sa kaniya lagi na mahalaga siya sa akin. Kapag hinahatid niy